Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: I Bid for Miss Broker's Heart- Part 4




Masayang naglalakad si Zeth sa hallway ng MC Securities and Equities. Yes she’s back, definitely back in the hands of her favorite Hitler boss, Miguel. In fairness, na-miss din niya ang boss niya. Ikaw ba naman ang maging peaceful ang buhay ng ilang buwan. Siguradong mami-miss mo rin ang mangarag.

              “Good morning, Miss Zeth,” bati sa kanya ng secretary ni Miguel.

              “Aba, Jeanie! Still alive and kicking ka pa sa position mo. Congrats! Na-break mo na ang sumpa!” biro niya. Pinagkakatuwaan sa opisina nila ang tungkol sa sumpa ng pagiging secretary ni Miguel. Maliban kay Zeth na nagsimula rin bilang secretary ni Miguel, wala pa uling tumatagal sa position na iyon ng higit sa tatlong buwan. At sa wakas, may record holder na ngayon.

              “Oo naman, bumabait kaya si Sir Miguel.”

              She was triggered by the tsismis. “Totoo ba iyan?” Umupo siya sa visitors chair sa mesa ng secretary. Wala pa ng office hours kaya may oras pa siyang tsumismis.

              “Oo at saka mukhang masaya sa buhay may-asawa si Sir Migs.”

              “Eh iyong asawa ba ni Sir nakita nyo na?”

              “Hindi pa pero ang balita ko taga-Laguna daw tapos may bahay sila sa Cebu, nakapangalan sa misis niya. Sweet di ba?”


              “Kaloka naman niyan. Pero in fairness, nakakakilig.”

              “Alam nyo, may expiration ang kabaitan ko.”

              Natigilan sila ni Jeanie nang marinig ang authoritarian voice ng amo nila.  Binalingan niya ito. “Hello, Sir Migs. I miss you, did you miss me?”

              “No!” Napangiwi siya. Back to old times. Sapul na naman siya. “Mag-usap tayo sa office ko.”

              Kibit-balikat na sumunod siya sa boss niya. “Whazzup Sir Migs?”

              Iniabot nito ang isang wedding invitation sa kanya. Napangiti siya nang mabuksan iyon. Her hitler boss, a man everyone never thought would find love, was now getting married. “Congrats Sir! Sino itong minalas na babae? Akalain mong dalawang beses ikakasal sa’yo. Malas!”

              Tiningnan siya nito ng masama na ikinatawa niya. “Minalas pa ba siya sa lagay kong ito?”

              “Hay naku Sir, napakaseryoso mo talaga at hindi ka mabiro.” She looked over the invitation. “A Dellano? Any relation with the Neryz Ennael owners?”

              Sa unang pagkakataon nakita niyang umabot sa tenga ang ngiti ng boss niya. May himala! “Pamangkin ni Mrs. Leanne Castillo.”

              Nangingiting pinagmasdan niya ang kanyang boss. “Sir, in love much?”

              “Oh, shut up!” May isang folder na ibinigay ito sa kanya.

              “Pamana mo ba ito Sir?”  Nagtaka siya nang malamang certificate of stock ownership iyon sa kompanya.

              “Bakit naman kita pamamanahan? Hinaro bought some shares of my company and asked me to name it after you.” Napangiti siya. Mag-boyfriend pa lang sila ni Hinaro, sinisigurado na agad nitong financially secured siya. “So Zeth, in love much?” ganti ni Miguel.

              “Oh shut up, Sir!” natatawang hirit niya.

              Umiling lang ito. “Now that you are just promoted as my first investment consultant and you own part of the company, I expect you to work harder for your benefit, for my benefit, and especially for the benefits of our stakeholders.” He offered his hand.

              Kinamayan siya nito. “For the benefit of the company, Sir! Thank you so much for the trust.”

              “Thank Mr. Losin and not me. Ang gusto ko talaga, papagbakasyunin ka. You deserve it for being one of my best employees. But he offered that training and I knew well, it will help you for your career move. At libre pa iyon, kaya pinatulan ko na.”

              “Nakakarami na ng thank you ang lalaking iyong sa akin Sir, pero sige papasalamatan ko siya uli.”

              “Be with him on my wedding okay? Pag di kayo pumunta, sesante ka na agad.”

              Napangiwi siya. A part of Miguel was still in tack. Pero masaya siyang  makitang may nagbago nga a Hitler boss niya.

              Agad niyang tinawagan si Hinaro nang sumapit ang lunch break. “Kamusta ka? Pwede ba tayong kumain sa labas?”

              “Sweet Zeth, I really wanted to be with you today but I’m in the middle of pictorial for our new album,” malungkot na sambit ni Hinaro.

              “Ah ganon ba? How about coffee later?”

              “Hanggang hapon na kami dito.”

              Nalungkot na siya. Mahigit isang linggo na silang di nagkikita dahil sa busy schedule nito sa limelight. Mahirap ang magkaroon ng celebrity boyfriend. Wala siyang laban sa hectic sched nito. Pero unti-unti ay nasasanay siyang mag-adjust. “Eh dinner?”

              “Dinner! I’ll update you later kung anong oras. Sunduin kita kung possible, Zeth. I miss you so much.”

              “Me too. Sige, magpapogi ka na para sa pictorial na iyan basta wag ka lang mag-skip ng meal ha. I’ll wait for your call about our dinner.”

              “Ikaw din, kumain ka na it’s already pass twelve.”

              “Yeah… Hinaro….”

              “Hmmm?”

              Napangiti siya. “Salamat sa stock ownership dito sa MC.”

              “Oh, so you already have the certificate. It’s nothing for my future wife, Zeth.”

              “Future wife agad? Ilang buwan pa lang tayo.”

              “Doon din punta natin. Just trust me.”

              “Sinabi ba iyan ng weird vision mo?”

              “Nope, I just feel it.”

              Eeeeeeee! Ganda ko naman ngayon! Eeeeee all over! “Thanks again, Hinaro. Sige na, lalo lang kitang nami-miss e.”

              “Thank you din, Zeth.”

              “For what?”

              “For the love you’ve given me and the patience too. I know, nahihirapan ka sa sched natin but we’ll working on things out and you never complain.”

              She smiled. “Mukhang nami-miss na nga natin ang isa’t isa. Emo na tayo.”

              “Yeah right. I have to cut the call, Sweet Zeth kahit ayoko pa.”

              “Okay heart, be pogi on your pics.”

              “I love you Sweet Zeth.”

              “I love you, heart.”

              Nangingiting lumabas na lang siya ng opisina para kumain ng lunch. Bagama’t mag-isa tulad ng dati, hindi naman siya nalungkot. She was more excited and energized.  Mamayang gabi, magkikita na kami uli ni Fafa Hinaro. Ngunit sumapit ang gabi, wala siyang nakuhang tawag mula dito.

             
              LUMIPAS  pa ang ilang araw...linggo… buwan. Halos puro tawagan na lang sila. Bibihira na silang magkita. Hindi na niya ito mahagilap ng personal dahil nagsunod-sunod ang schedules nito sa iba’t ibang lugar pa. Nagsisimula ng ma-depress si Zeth. What’s relationship for if they don’t even have time to be together? Pero nananatili siyang kalmado, naghihintay lang sa kung anong gagawin ni Hinaro.

              Ayaw niyang isipin na baka nambababae ito kaya walang oras sa kanya. She wanted to trust him. Pero di niya maiwasang mabadtrip. Mabuti pa dati na palagi silang magkasama noong hindi pa sila. Bakit kung kelan in relationship na sila, saka pa nangyari itong eksena na ito?

              Late na ng umuwi si Zeth sa condo niya. Saglit na napalingon pa siya sa pintuan ng unit ni Hinaro. Patay ang ilaw sa loob ng unit nito. Ang tagal na nang huling umuwi ito sa unit na iyon. She just damn missed him so much. And today is our anniversary. Hindi man sila nagse-celebrate ng monthsary, ginusto din naman ni Zeth na iyong anniversary nila, ma-celebrate naman nila nang magkasama.  Pero phone call lang ang tanging naibigay ni Hinaro sa kanya. Malayo daw ito kaya di nito magawang puntahan siya to celebrate.

              Kaya laking gulat niya nang pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Hinaro. He was sleeping like a baby on her couch while cuddling Zorro—her other favorite Persian Siamese Cat. He looked so cute on that scene. Ngunit mas nangibabaw sa kanya ang kilig. Sa sobrang tuwa ay agad niya itong nilapitan at niyakap. Nagising tuloy ang pusa na ikinagising din nito.

              “Hey, you’re finally home. Late na huh.” He smiled at her.

              “I should be the one saying that. Sabi mo nasa malayong lugar ka. Then, you’re here. Gusto mo lang ata akong i-surprise kaya sinabi mong nasa malayo ka.”

              Bumangon ito at niyakap siya nang mahigpit. “I can’t make this day pass. Ang tagal na nating di nagkikita. And it makes me crazy already. I miss you my Sweet Zeth.”  He moved to look at her face. “And I love you so much.” He kissed on her forehead.

              Touched by that simple effort ay niyakap niya uli ito ng mahigpit. “Saan ka ba kasi nagpupunta? Akala ko nakalimutan mo na ako.”

              “Ako?  Makakalimutan ka? Hinding-hindi mangyayari iyan, Zeth. From, the first day I laid my eyes on you, you started living my memory. And I can’t help but smile everytime my memory recalls.”

              Umayos siya ng upo. “Bolero ka talaga. Saan ka nga galing? You look tired.”

              “Singapore.” Sumandal din ito ng upo sa sofa.

              “At bakit nagpunta ka ng Singapore? For business? Di ka man lang nagpasabi,” ungot niya.

              He gave her a white envelop. “Well I just thought that buying ticket for Tokio Hotel Concert in Singapore will make my Sweet Zeth the happiest girlfriend of all.”

              Napamulagat siya. Gulat na tintigan niya ito.  “Seriously?” He nodded. Excited na binuksan niya ang envelop at nakumpirmang VIP tickets for two iyon para sa concert ng Tokio Hotel sa Singapore sa susunod na buwan. May plane ticket na rin iyon. Again, she felt so special and loved.  Sa sobrang tuwa niya ay may tumulong luha mula sa kanyang mga mata. This was something new. Hindi siya iyakin, hindi rin siya madrama. But once it was triggered, she knew she will cry her heart out.

              “Complete na iyan. Concert tickets, plane tickets, hotel accommodation for 10 days. Kung may iba ka pang gustong puntahan sa Singapore pag andon na tayo, saka na lang natin ayusin iyong ibang arrangements—hey why are you crying? Ayaw mo ba?” Nag-aalalang pinawi ni Hinaro ang mga luha niya.

              She smiled though her tears kept on flowing. “Wala ‘to. Sobra lang akong na-touch sa effort mo. You are giving me too much, Hinaro. Samantalang ako, wala pa akong naibibigay sayo.”

              Hinawakan nito ang mga kamay niya. The he leaned down and gave her a quick kiss on lips. “You gave me the greatest abstract thing on earth. And that’s love.”

              A sweet loving hugs followed.  “I don’t have money to buy you a ticket to travel the world. But, I can give you the last one.  I want to be your world.”

              “That’s certain, my sweet Zeth.”

              For the next minutes ay masaya nilang pinagkwentuhan ang pagbabakasyon sa Singapore hanggang sa hindi na nito nakayanan marahil ang pagod at antok. Nakatulog na si Hinaro sa sofa. Hinayaan na lamang niya ito doon. Matutulog na rin sana siya nang biglang mag-ring ang phone nito. On cue ay napatingin siya sa nag-iingay nitong cell phone and saw that the registered name was “My ever sweet Aina.” Puno ng tanong ang isipan ni Zeth. Bakit siya tinatawagan ng babaeng ito ng alas dos ng madaling araw?

              She observed Hinaro. Mukhang malalim na ang tulog nito kaya di na nito napapansin ang nag—ingay na cell phone. Though Zeth knew it wasn’t right, she grabbed the phone and slide the answer key to kill her curiosity.

              A soft sweet voice of a woman kept on talking on the other line while Zeth shut her mouth. 

              “Hey, Hinaro babe, gusto ko lang mag-thank you sa effort na ginawa mo sa akin. Alam ko hindi usual sa atin ang magpa-sweet pero sa totoo lang, these past few weeks, I’ll find you sweet. I’m really thankful that God gave me you. Hindi kita ipagpapalit sa kahit kaninong lalaki diyan. At alam kong above all and even over your sweet Zeth, I still occupy the first spot in your heart.”

              Hinayaan  na lang niyang magsalita ang nasa kabilang linya habang siya ay lalong naguluhan sa pinagsasabi nito. What does it mean? Possible nga kayang may ibang bababeng inaasikaso itong si Hinaro habang hindi sila nagkikita?   Suddenly, she became uncertain, insecure, and scared. She had given almost everything to that relationship. Thinking na baka hindi siya sineryoso ng binata taliwas sa pangako nito ay talagang masakit sa puso.

              “Bakit di ka nagsasalita Hinaro? Tinulugan mo na naman ako. Anyway, kahit half-awake and half asleep  ka, alam ko maiintindihan mo ang drama kong ito. I love you, Hinaro.  You will always be my first love…oopsss, second ka lang pala dahil si Papa ang first. Rest well, babe!”

              The call ended and left Zeth broken.

             
              NAGISING si Hinaro nang may tumalong pusa sa paanan niya. There, he recognized that he wasn’t in his unit. Nakatulog na pala siya sa sofa sa loob ng condo ni Zeth. Napansin niya ang kumot na nakabalot sa kanya. Napangiti siya.  Sweet talaga ng sweet ko.  Napatawa na din siya sa napansing redundancy ng naisip niya. Bumangon siya at nakita ang isang papel na nakapatong sa mesa at nakapangalan sa kanya. He took the note and read it.

              Hinaro,

               I prepared a breakfast for you on my dining table. I have an early conference call kaya iniwan na kita diyan at di na ako nakapag-goodbye. Hindi na kita inistorbo sa tulog mo dahil mukhang pagod na pagod ka pa. Paki-lock na lang din ng ayos ang unit ko pag umalis ka na.

              P.S. Iniwan ko rin iyong white envelop sa bulsa ng suit mo. Sorry, hindi ko na matatanggap iyong anniversary gift mo sa akin. 

              Zeth


              Napakunot ang noo niya. Kagabi lang ay masaya nitong tinanggap ang regalo niya. Anong nangyari at binabalik na nito? Something wrong happened for sure and he needed to find it out.  Agad siyang pumunta sa kusina at kinain ang inihanda nito sa kanya. Then, he cleaned the kitchen and went out of Zeth unit. Hindi siya makakapayag na tatanggapin na lang niya ang pagsasauli nito ng anniversary gift na pinaghirapan nyang makuha. He needed explanations. Pumasok siya sa unit niya para maligo at magbihis. Then, he drove himself to her office. They needed a talk.

              Pagkarating niya doon ay hindi agad siya naharap ni Zeth. Nasa meeting daw ito kaya naghintay na lamang siya ng lunch break. And they ended in a restaurant nearby. He didn’t open for the topic at first. Siniguro muna niyang makakakain ito ng ayos bago sila mag-usap.  Naging tahimik sila pareho, which was something new.

              Until, he finally got the courage to ask.

              “Why sudden change of mind? Kagabi lang masaya mong tinanggap ang regalo ko sa’yo.” He managed to look at her and he felt broken whe he saw the sadness and fear from her eyes. Hell, ano ba talagang problema natin, Zeth?

              “Napag-isip isip ko lang na, sobra sobra na iyon para ibigay mo sa akin. Or maybe ganon ka talaga sa mga babaeng nadidikit sa’yo. Galante ka at sweet. Pero di naman iyon ang dahilan ko kung bakit kita naging boyfriend. Minahal lang kita. Iyon lang. Kaya di ko kailangan ang bakasyon na iyan. Ibigay mo na lang sa ibang babae—”

               “What the hell are you saying?” Pinigilan ni Hinaro na pangunahan siya ng hinanakit. Hanggang ngayon pala ay di pa rin mawala sa isipan ni Zeth ang dark past niya. “Or should I replace the question with… what the hell are you thinking? Sa pagkakaalam ko, walang problema ang relationship natin. O baka meron at ako lang itong nag-iisip na wala. Now tell me.”

              She took the last bite of her muffins before she looked at him. “One year is quite long enough. Mag-break na tayo.”

              “What?” Takot ang unang naramdaman ni Hinaro. He just can’t just let her go that easy. Unang girlfriend niya si Zeth and he believed she’s his true love too. “Hindi ako papayag. Kailangan nating ayusin ang problema hindi iyong hiwalayan agad.”

              “I’m not asking for your opinion. I’m telling you that I want a break up. I don’t care if you recognize it or not but for me, we’re through.”

              “No, Zeth!” bahagyang napataas ang boses niya na agad din naman niyang binawi.  Hinawakan niya ang kamay nito. “Unless you tell me what’s the wrong I did.”

              She pulled her hand from him. “Your other woman called last night. I thought that’s an emergency call. And I heard everything that I should hear to answer the question why you’re away few months ago.”

              Lalo siyang naguluhan. And he was surprised by how she said it. Walang halong galit, walang halong pagkaasar. Bagkus ay seryoso, sincere, at kalmado. Malayung-malayo sa pagkakakilala niya sa girlfriend na mataas ang level ng energy at palaging high blood mode pag nagagalit.

               “Anong other woman? I don’t have any. I only have you, Zeth.”

              “Tama na, Hinaro. She seemed to be nice. Nag-I love you pa nga siya sayo and she’s really thankful that you stayed on her side these past few months perhaps while you are away from me. Siguro akala niya ikaw talaga iyong sumagot ng call. Ayoko ng alamin kung ano ba talaga ako sayo.Tuwing papakinggan kasi kita, binibigyan mo ako ng napakaraming dahilan para maniwalang mahal na mahal mo nga ako at akin ka lang. After a year of relationship, I finally concluded that it’s really hard to be with you at all.”

               Tatayo na sana ito nang pigilan niya ito. “Wait for a second please?” Mukhang alam na niya kung sino ang sinasabi nitong babae niya. He looked over his phone’s call registered and confirmed that his suspicion was right. Hinawakan niya uli ang kamay  nito. “Na-misinterpret mo ang tawag na iyon, Zeth. The call came from my twin sister. Kung anu-anong endearment lagi ang tawag noon sa akin.”

              He was given a doubt look by her. “Wag ka ng magdahilan, Hinaro.”

              “Hindi ako nagdadahilan!” He dialed the number of his sister out of frustration. “Laina! Pag nagkita tayo, kakalbuhin kita. Iyong huling tawag mo, si Zeth ang nakasagot and she thought I’m womanizing!”

              “Ha? Are you with her?” sagot naman ng kapatid niya.

              Binalingan niya si Zeth. She looked like she was just waiting what will happen next. “Yes.”

              “Give her the phone, I’ll talk to her.”

              He did. Pinakita muna niya ang screen dito to prove that he dialed the same number. “My ever sweet Aina si my twin sister Laina Madel Losin. Here, talk to her.”

              Tinanggap nito ang phone niya. Wala siyang idea kung ano ang sinabi ng kapatid niya dito dahil okay, I understand at thank you lang ang narinig niyang sinabi ni Zeth. Pagkatapos ay binigay na nito ang phone sa kanya. It’s now his turn to convince her not to end their relationship that way.

              “Please Zeth, alam ko babaero ang unang pagkakakilala mo sa akin pero hindi na ako ang dating ako. I never even look at other woman out there since I officially have you. It was clear,  kinailangan ako ng kapatid ko kaya nabawasan ang oras ko sa’yo. Please, let’s not end like this.”

              “Walang nabago, Hinaro. Siguro nga, nagkamali ako sa part na pinag-isipan kita ng masama dahil sa tawag na yon.  I was wrong, hindi mo siya other woman. But the point here is, hindi ko maibigay sa’yo ng buo ang tiwala ko. Kahit noon, naiisip ko na habang wala ka, masaya ka sa iba kahit hindi mo naman ginagawa iyon. Ayokong tumagal sa relasyon na ganito.”

              “Give me another chance, please?”

              Umiling ito. “No, I can’t. I have to go, Hinaro.” Bumitaw na ito sa pagkakahawak niya tumayo at lumabas ng resto.

              Hinabol pa rin niya ito. “Sandali, Zeth.” Huminto ito ng paglalakad at binalingan siya. Kinuha niya ang white envelop sa bulsa at kinuha ang isang concert ticket at plane ticket mula roon. He kept what he got and gave the envelop to her.  “I give you time. Magkita tayo sa susunod na buwan sa Singapore. And if you think you really don’t deserve me at all, tell it again to my face, in the middle of your favorite band’s concert.” Humalik siya sa pisngi nito. “Take care.”  

              Hindi na niya hinitay na humindi ito. Umiwas na siya at naglakad palayo.
             

                SINGAPORE. Zeth was still uncertain why she was there in Singapore at all. May choice naman siyang wag na lang pumunta kahit may plane ticket na siya pero sa bandang huli tinangay siya ng inaagiw niyang decision-making sa Singapore.

                For the past few weeks ay litung-lito siya sa sarili niya. At once, sinasabi niya sariling tama ang decision niya. Tutal ayaw niya sa babaero at nagkataong babaero si Hinaro, she kept on telling herself that what she did was just right. Ngunit ilang segundo lang ang pagitan, mangingialam na ang puso niya. She knew in her heart that she really loved him so much. Nami-miss na niya ito and she wanted him back. At totoong wala naman itong nagawang mali during their relationship.

Yeah kasi nasa akin ang problema. Masyado kasi akong maganda! biro na lang niya sa sarili. Ang totoo ay natakot lang siyang ipagpalit nito sa iba.

                She knew she had to face her fear. Kaya kahit hindi niya alam kung anong mangyayari ngayong nasa Singapore na siya, sumugal pa rin siya. I might as well go home and proud to tell my friends that finally, I’m getting married.  Pilit niya nilalabanan ang alinlangan at tuluyang binuksan muli ang puso sa chance na magkabalikan sila ni Hinaro.

                Nakarating na siya sa hotel. Wala roon si Hinaro. Ito ang nagpa-reserve ng accommodation pero wala ni anino nito roon. Hanggang sa dumating na ang hapon, papunta na siya sa concert venue. Wala pa ring paramdam o senyales man lang na may darating na Hinaro.  Nagsimula na siya mag-alala. Paano kung nakalimutan ni Hinaro ang sinabi nito? Yan ka naman, Zeth. Just trust him okay?  

                Until the concert started. Tokio Hotel was perfoming just few meters away from her. She should be excited. She should be hyper-active, screaming and shouting I love you’s for Bill. But she’s not.  Being in the concert of Tokio Hotel was a dream come true but the man behind that materialized dream was more of her concern. Wala pa rin sa tabi niya si Hinaro. And it worried her much.

                “And now we are considering a request. We don’t actually accept requests but this one seems a legit and sincere request from a guy who wanted to show his love to his special girl that was a fortunate fan of me. Well that’s according to the one who do the request. Well anyway, the guy wanted to be anonymous as well as the girl but I’m certain that they are here in audience right now.”

                Naagaw ng English speaking German singer ang attention ni Zeth hindi dahil sa crush na crush niya si Bill Kaulitz kundi dahil sa sinasabi nito.   

                “Let me tell you a short story behind this request. Last month, while we are busy in rehearsal, a young businessman and investment consultant from the Philippines went to our studio and talked to our manager about this request. We had a time to talk and I found out that the girl was the same girl I encountered in one of my cruise escapades last year. The guy was very eager to let his girl believe his love for her.”

                Hohemjiiii! That’s me and my beauty! Her heart skipped.  Nasurpresa na naman siya ni Hinaro.

                “To the man, I admire how you fight for the love of a girl. And for the girl, your guy proved you tonight that he can do anything just to make you happy. Our next song is dedicated to this man who requested this song and to the lucky girl he fell in love with.”

                She heard the piano followed by lovely voice of Bill that perfomed one of her favorite Tokio Hotel song.

                It’s raining today. The blinds are shut, it’s always the same. I tried all the games that the play but they made me insane. Life on tv, it’s random. It means nothing to me. I’m writing down what I cannot see… Wanna wake up in a dream…  

                On cue she felt a familiar hand holding hers slowly and firmly. Napangiti siya. Bumaling siya sa kanan niya at nakumpirmang andoon na si Hinaro, matamang nakatitig lang sa kanya. Tila biglang nawala ang mga tao sa paligid nila nang hawakan nito ang isa pa niyang kamay as they faced each other.

                Whoa, Whoa. They’re telling me it’s beautiful. I believe them but will I ever know the world behind my wall? Whoa, Whoa. The sun will shine like never before. One day I will be ready to go to see the world behind my wall…

                “I still can’t believe it na nagawa mong makiusap sa Tokio Hotel para lang sa akin,” she said.

                “Well your crush was right. I am eager to let you know that my love for you is real. Kung gusto mo uulit-ulitin ko pa ang paghabol sa kanya para kantahan ka. Dadalhin kita kung nasaan siya.”

                “You don’t have to do that.”

                “Well, it all depends on you, Sweet Zeth.” He closed his eyes and opened it again as if he was feeling that special song he indirectly dedicated to her.

                Trains in the sky are traveling through fragments of time They’re taking me to parts of my mind that no can find. I’m ready to fall, I’m ready to crawl on my knees to know it all. I’m ready to heal, I’m ready to feel…

                “Do you know what’s the world behind my wall, Sweet Zeth?” Hinaro asked with an impish smile. Nangingiting umiling siya habang nakatitig ito sa kanya. “Behind my wall was an image of you and me, ready to fall, trapped with one of foolish things on earth called love and making the best of each other to live happily forever. Zeth, having you here now, means you’re ready to decide what’s next between us right?”

She nodded. “Yes, I already came up with my decision—”

“Will you marry me, Zeth?”

“Ha?” Nagulat siya sa sinabi nito. Sasabihin pa sana niyang willing siyang bigyan ito ng chance pero di na niya natuloy bagkus ay nawindang siya sa tanong nito.

“It is really not part of my life plan but I can’t just let the opportunity pass. Mahal na mahal kita, Zeth. And I’m damn willing to give the rest of my life to you… to prove you that this relationship will certainly work. As long as you hold my hand tight, you’re keeping my heart yours, Zeth.”

Halos walang masabi si Zeth. Narinig na ata niya lahat ng mga bagay na hahangarin ng isang babaeng marinig mula sa taong mahal niya. She knew, she was loved more than what she was asking for from God. “Are you real?”

He grinned. “Hug me to find out.”

She did. And she was given the most loving hug she ever experienced. “Your ability to predict future is authentic.” She whispered on his ears. “Sinabi mo sa akin dati na ang makakatuluyan ko ay ang unang lalaking nahalikan ko. Akala ko noon pina-power trip mo lang ako dahil nahalikan na kita noon bago mo iyon sinabi. But now, it’s a living proof that you’re a one of a heck clairvoyant. You’re the first guy I kissed, Hinaro.”

“Am I? Well that day I thought my clairvoyance was kidding me too.” He chuckled. And she found it cute.  “Are we okay now, my Sweet Zeth?”

“Yes. And by the way, I’ll marry you soon.”

Natigilan ito, bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. “Seriously?” He maybe shocked that she would immediately say yes to him.

“Ay hindi joke lang! Ikaw naman, nagpapaniwala ka sa akin.”

He suddenly became serious. “Oh…”

Natatawang nilapitan niya ito. She gave him a quick kiss on lips. “Ang sarap mong biruin talaga. Seryoso, magpapakasal ako sayo.” Wala itong reaction at nakatitig lang talaga sa kanya. “O ano? Nganga lang, Hinaro?” Ini-offer niya dito ang kamay niya. “Siguro naman may dala kang sing—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang siya nitong kinabig at hinalikan. Finally, nagkatotoo na. Uuwi nga siyang proud na ibabalita sa mga kaibigan na ikakasal na rin siya sa wakas. The kiss seemed so new, full of love and respect, sincere and sweet. When the kiss ended, they were both smiling at each other.

Hinawakan nito ang kamay niya at isinuot ang singsing.

 I’m ready to fall, I’m ready to crawl on my knees to know it all. I’m ready to heal, I’m ready to feel… take me there…

“I’m willing to leave the limelight and be with youon the world behind my wall if you—”

“Iyan ang wag na wag mong gagawin. Nakilala kita, sikat na band member ka na at marami kang fans.”

“Madaming babae pa rin ang lalapit sa akin kung magiging celebrity pa rin ako.  Okay lang ba iyon sa’yo?”

She grinned. “Well I can be a stage wife. You must tell everyone that you’re mine. And my beauty will save you from flirty women.”

He laughed. “That’s my girl. I love you, Sweet Zeth.”

“I love you too, heart.”

“I miss you saying that.”

“I will say that everyday from now on. Iyan ang bagong purpose ng ganda ko.”

 “Agreed.”

Inakbayan siya nito at pinagpatuloy nila ang panonood ng concert.  





PREVIOUS                                                     NEXT

Comments

Tokio Hotel said…
My God....... na pa ohhhhhhhh ako sa kilig as in super kiliggggg si bill kualitz kinantahan ako..... wahhhhhhhhhh super ganda ng story ko.. eh bakit ba, basta story ko ito bwhahahahahhahahaha.. ang banat pamatay sa kilig....

PS. pakakasalan ko tlga ang guy n magdadala sa akin isa man sa concert ng Tokio hotel bwhahahahahahahhahaha......

Thank You Melaiiiiii......
kiz said…
kiliggggggg.. katuwa naman.. next story na!! yehey. tagal din ng update ate ha. :D kamiss magbasa, naalis stress ko sa thesis :)
Melai said…
Thank you Zetteski. Iyan, dream come true on fiction nga lang. Hahaha. Natatawa ako nung sinusulat ko iyong part na andon si Bill. Hahaha.

Kiz, busy mats ako e kaya once in a blue moon ang update.
Anonymous said…
waaaaaaahhhhh!!!!!!!!!!! sulit ang paghi2ntay haha! kakilig sana aq rn my fafa Hinaro huhuhu!!!!!!!!!

sino kya sia s 2 PM member? (giggle)!!!!!!! ;)
Naiomi said…
haha! world behinf my wall :) naging favorite na song ko yan dati. hahaha. Ganda naman. sulit paghihintay ko sa update, nakakakilig kasi. lalo na sapary ni Miguel na nainlove at magpapakasal na. Eeeeeeeh! hahahaha :))))) Next na! LOVE STORY NAMAN NI MIGUEL SAKA NG WIFEY NIYA. Hahahahahaha. <3
Melai said…
yumeeeyyyy. as if hindi mo alam na ikaw ang asawa ni miguel.hahaha
Mamamatay sa kilig si Zette... hahaha!
Allex Babida said…
ahaha,, ang gandaaaaaa! ate melai yung kay Dana na po.. :D
Anonymous said…
Anggggggg gandaaaaaa kasing ganda ko!!!!!! Kiliggggg much aketch dito ,.. eto namaman naghahabol sa pgbabaza hehe

~rika
rika said…
Anggggggg gandaaaaaa kasing ganda ko!!!!!! Kiliggggg much aketch dito ,.. eto namaman naghahabol sa pgbabaza hehe

~rika
Anonymous said…
shocks.... di ako nakapagcomment dito ng mas maaga ah, nasalapid ako today, eh meron pala akong cameo role dito..

Ikaw na talaga sexy... ikinalat mo ang kaseksihan mo sa mundo ng mga gawa ni Melai...grabe oberdose sa kilig...

~~~cutie~~~

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…