Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Four




“Sigurado kang hanggang dito mo lang gustong magpahatid? Pwede naman kitang ihatid sa Sta. Rosa,” tanong ni Miguel.
  
              Nginitian lang ni Naiomi ang kanyang newly-acquired, not typical, super-sungit na asawa. “Okay na ako dito sa terminal, Migs.” Kinuha niya back pack mula sa backseat. Good thing, okay na rin ang na-injured niyang ankle. Pwede na niyang wag isama sa ikukwento sa mga magulang ang aksidenteng iyon. “Malaking problem pa kung may ibang makakilala sa akin tapos makita akong kasama mo.”

                “What’s wrong with that?”

                “Sa’yo siguro wala, sa akin meron. Ayokong ma-issue at makarating iyon sa magulang ko. Lalo ding magugulo ang buhay mo pag nagkataon. So paano? Alis na ako.” Bababa sana siya ng kotse nang may pahabol itong sinabi.

                “Tatawagan kita mamaya.”

                Biglang kumabog ang puso niya. Para tatawagan lang naman. Kung maka-react ang puso ko naman. Excited?  “Ha?”

                “That’s part of the rules, open communication. Pagkauwi mo unahin mo agad ang processing ng mga papeles mo. Para mapadala na natin kay Judge Serrano iyong documents. Kailangang bago ako bumalik sa US at Australia, ayos na lahat para na rin magawa mo na ang gusto mo sa bahay.”

                “Aalis ka? Kelan? Gaano ka katagal doon?”

                “Next week. I’m not sure kung gaano ako katagal. Sinabi  ko na sa’yo most of the time nasa abroad ako. Wag kang mag-alala makikita mo pa ako. Bago ako umalis, we have to meet.”


                “Bakit? Mag-spend ka ng time sa akin dahil mami-miss mo ako pag nasa ibang bansa ka na?” biro niya. Alam namang niyang di siya nito type. Ni ang magandahan sa kanya ata ay di nito magawa o maramdaman.

                “You’re really a teacher that loves talking non-sense.” Umiling ito. “Ibibigay mo iyong mga requirements mo sa akin next week.”    

                Napangiwi siya. Wala na atang pag-asa. Forever tablado na siya dito. “Sabi ko nga. Alis na ako.”

                “Wait!” may kinuha itong kahon sa backseat ng kotse at iniabot sa kanya.

                “Ano ‘to?” tanong niya.

                “Kahon,” pilosopong sagot nito.

                “Pansin ko nga.” She rolled her eyes. “Salamat sa kahon, bye!” Bumaba na siya sa kotse. Papa-akyat na siya ng bus nang marinig niya bumusina ang kotse ni Miguel kaya napalingon siya.

                Nakababa na ang bintana at sumilip ito. “Pastries iyan. Kumain ka habang nasa byahe ka pauwi.” Pagkasabi noon ay itinaas na nito ang bintana ng kotse at nag-drive na ito palayo.

                Naiwan siya, naguguluhan at kinikilig habang paakyat ng bus. Nang makaupo na sa loob at naghihintay na lang na mapuno ang bus ay naaalala niya ang nag-iisang wedding picture nila ni Miguel na nasa kanya.  Kinuha niya iyon sa organizer at pinagmasdan. Gwapo, check! Physically fit, check! Attractive, check! Mabait…. Hmmm, half check! Maalaga…. Naalala niya ang mga simpleng concerns nito sa kanya nang maaksidente siya. Ilang beses ba siya nitong binuhat just to make sure na gagaling ang pilay niya? Super check! Malakas, check! Sweet… Binalingan niya ang pastries at napangiti. Check! Nakakakilig, check!  

                Hanggang sa ma-realize ni Naiomi ang pinaggagawa niya. Napailing siya ng wala sa oras.  No! Hindi ako pwedeng magka-crush sa lalaking iyon. Ekiiiissssss! Kiss? On cue she remembered how he leaned down and claimed her lips to seal their wedding. Hindi pa rin siya makaget-over kahit ilang araw na ang nakalipas. Waaaaaaahhh! Susko, napaloob ako sa isang sumpa!  Agad niyang tinago ang picture sa organizer at inilagay iyon sa bag. Kailangan niyang pigilan na magka-crush kay Miguel. Hindi talaga iyon pwede.

                At sinetch may sabi?, hirit ng isipan niya. Ah basta! Di Pwede! Hindi iyon dapat ang iniisip niya kundi paano siya magpapaliwanag sa kanyang ama dahil umalis siyang walang paalam.

                Nabalingan uli niya ang kahon ng pastries. Saka lang niya napansing may nakadikit na card. Binuksan niya iyon at naloka siya sa message na nakalagay. Take care always, Mrs. Catacutan. Dali-dali niyang inalis ang card sa kahon at inilagay iyon sa organizer niya. Napansin din niya ang suot na wedding ring. Agad din niya iyong inalis at nilagay sa wallet. Waaaaaahhh! Kung di lang siya lalabas na baliw, baka kanina pa siyang nagsisisigaw sa….sa…malamang sa kilig.


                MIGUEL was back to his office… back to his real world. Tila nakakita ng aswang ang mga employees niya nang pumasok siya sa  office building. Nagsipulasan ang mga ito sa lobby at  nagkanya-kanya ng pagpunta sa kani-kanilang pwesto. Hindi na bago kay Miguel ang eksena. Karamihan sa mga bagong empleyado ng MC Securities and Equities, Inc. ay may takot sa kanya dahil masyado daw siyang mahigpit.

                Walang mababago. Ganon ang sistemang naituro sa kanya ng kanyang ama. Kailangan optimistic, strict, at authoritarian. Tama lang ang maging medyo mabait kesa maabuso ang kabaitan niya lalo na ngayong higit dalawang taon nang namayapa ang kanyang ama at marami na ang nagiging oportunistang nag-aambisyon sa pwesto niya. Hindi siya papayag na may ibang oportunistang board members ang basta na lang umagaw ng kompanya mula sa pamilya niya. Ramdam niya sa working environment ang threat. And being a young president of the board, he would never let anyone stole his position. Pinagbabawalan niya ang sariling pumalpak in all aspect. At sa prinsipyong ito, damay lahat ng personnel na nagsisilbi sa kanya.     

                Lahat ng bumati sa kanya ng good morning ay tinanguan lang niya. Agad siyang dumiretso sa Human Resource Department at hinarap ang HR head. “Are you able to get me a new secretary?”

                Natigilan ang HR head at tila naging balisa. He knew it. Hindi pa nito nagagawa ang iniutos niya. “Ah sir, kasi po—”

                “I don’t need explanations just yes or no.” 

                “Not yet, Sir.”

                Lalong sumeryoso ang mukha niya. “Not yet?” He took the attention of everyone in that department. “At kailan nyo balak gawin ang trabaho nyo? Napakaraming naghahahanap ng trabaho ngayon. Imposibleng walang naga-apply kung ginagawa nyo ang trabaho nyo. I can actually, dissolve your department anytime. Napakarami ng human resource agency na pwede kong bayaran para gawin ng mas matino ang mga trabaho nyo. Di ko lang ginagawa dahil alam kong may mga pamilya kayong binubuhay. But lately, napapansing kong tinatamad na kayo sa trabaho nyo. Wag nyong hintayin mapagod din akong magpasweldo sa inyo.”

                “Sir why don’t you give us few days more to find one?” hirit ng HR head.

                “I have a better idea. Why don’t you get your bag and your cell phone and get out of my face?” Itinuro pa niya ang  pintuan.

                “Sir?”

                “Narinig mo ako.  You’re fired.”   

                “Hep! Sir Miguel, kalma lang please?” kunot-noong binalingan niya si Zeth, ang kanyang ever reliable stock broker na siyang nagiging secretary niya tuwing  nawawalan siya ng secretary. Ito rin ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa mga empleyado niya at ang kabukod-tanging tauhan niya na kaya siyang sagot-sagutin.

                 “I won’t entertain non-sense matter, Zeth unless you bring a new secretary for me.”

                “Mismo!” May hinila ito mula sa receiving area. “This is Jeanie Espina.  Siya iyong naka-schedule for interview ngayon na result ng trabaho nila.” She motioned to pinpoint the HR personnel. 

                Naiiling na tiningnan niya ang aplikante. “You looked familiar.”

                “I used to work for your mom in MDC Food Corporation in US few years ago.”

                He nodded. “Resume please?” Agad nitong inabot sa kanya ang resume nito. Nakita nga niya sa working experience na nagtrabaho nga itong secretary ng nanay niya.

                “Sir,gusto nyong maupo sa receiving area for interview?” sabat ni Zeth.

                “No. This will just be short. Ikaw ang umalis na at bumalik sa opisina mo.”

                “Yes, Sir!” Nagsibalikan na rin sa kanya-kanyang trabaho ang iba.

                Binalingan niya si Jeanie. “Bakit ka umalis kay Mama?”

                “Nag-asawa po ako, Sir. I need time for my kids.”

                Napatango lang siya. Wala naman siyang alam sa pagsasakripisyo ng sariling career para lang sa pag-aalaga ng anak.  “I’m a strict boss. Are you willing to work with me, deal with pressure, and work with perfection? I rarely give considerations.”

                “Yes, Sir. I somehow have ideas on how to work with you. I assumed your management was like how your mom and Dad did.”

                He nodded as sign of agreement. “Know how to speak in different languages?”

                “Yes, Sir. I’m fluent in English, Mandarin, French and Arabic.”

                He nodded. This one seemed to be competitive. “Marunong kang mag-Bisaya?” He suddenly  remembered how Naiomi sweetly talked in Cebuano dialect regardless the meaning of what she said. Alam naman niyang insult ang unang linyang binanggit nito sa local dialect. I should learn that language too.

                “Oo Sir.”

                Lihim siyang napangiti. “You’re hired.”

                 Binalingan niya ang HR head at binigyan ito ng instructions para sa employment process ng secretary niya. Maswerte pa din ang staff niyang ito at naligtas ito sa tuluyang pagkakasesante. “I’ll give you last chance. Pag hindi pa nag-improve ang performance mo, masesesante ka na talaga. Do your best okay?”

                “Yes, sir.”

                Binalingan niya ang bagong secretary niya. “You have to start tomorrow. My HR staff will let you know about your job and other details.”

                “Salamat po, Sir.”

                Lumabas na siya ng HR at nagtuloy sa office niya para i-check ang mga papeles na dapat niyang basahin at pirmahan. Naabutan niya ang kanyang ina sa swivel chair niya at nagsa-scan ng business papers.  Agad siyang humalik sa pisngi ng kanya inang hindi pa nakuntento sa halik. Niyakap pa siya ni Mama Mhiel pagkatapos ay piningkot ang tenga niya.

                “Mama naman!” reklamo niya. He touched his ears.

                “Saan ka naman nagpunta at isang linggong di kita mahagilap?”  Elevating na naman ang tono ng mama niya.

                “Somewhere secret, Ma.”

                “Secret secret ka diyan! Miguelito, ha. Hindi na ako natutuwa sa pinaggagawa mo. Kelan nyo ba balak tapusin ang awayan nyong magkakapatid? Hirap na hirap na ako sa inyo.”

                Niyakap niya ng ina bilang paglalambing. “Malalaki na kami, Ma. Hayaan mo na kaming mag-away.”

                “Eh bakit kasi umuwi-uwi ka pa dito para lang guluhin ang buhay ni Ayen?”

                He raised his hands. “Swear, Ma. I didn’t mean any scandal that day. Mahal ko po si Amhiela, kahit may sama ng loob ako sa kanya, kapatid ko pa rin siya. Gusto kong maging maayos ang buhay niya. Nag-panic ako  nang malaman ko ang tungkol sa preference ng asawa niya. Malay ko bang alam niya.” Inagaw niya sa kanyang mama ang mga papel na binabasa nito. “Ako na ang bahala dito, Ma,” pagpapalit  niya ng topic. “Gusto mo bang magpa-spa? Ipapa-reserve kita sa favorite spa house mo.”

                “Ang gusto ko ay makipagbati ka sa kanya.”

                “Impossible pa  iyan sa ngayon, Ma.”

                “Ang kuya mo, nakikipag-usap ka ba?”

                “Busy si kuya sa mga animals niya at sa asawa niya.”

                “And so?”

                “Ayokong maka-istorbo, Ma. Wala din naman akong sasabihin.”

                Niyakap siya ng kanyang ina at humalik ito sa ulo niya na palagi nitong ginagawa sa kanya mula pagkabata. “Kailan ba lalambot ang puso mo sa dalawa?”

                “Di ko kayang pilitin ang sarili ko, Ma.” Ganon na lang lagi ang nangyayari tuwing magkausap silang mag-ina. Iyon at iyon pa din ang topic. Kung kaya nga lang niyang sagutin ang tanong na iyon, pero ni siya ay walang idea kung kelan nga ba siya magkakalakas-loob na patawarin ang dalawa niyang kapatid na sinisisi niya ng palihim kung bakit siya nabubuhay sa mundong di naman niya pinangarap.

                Biglang natigilan ang kanyang ina at sininghot ang damit niya. “Bakit may naaamoy akong pabango ng babae? Saan ka ba talaga galing?”

                Kunot-noong inamoy niya ang balikat. At di sinasadyang napangiti siya. Habang nasa eroplano nga pala ay napahilig sa balikat niya habang natutulog si Naiomi. Naurong lang ang ngiti niya nang bigla siyang maguluhan sa reaction niya. Why am I like this to her?       

                “Anak, in love ka ba? May kasama kang babae ano?”

                “Mama!” eksaheradong saway niya.

                “What? I’m just asking.”  Mama Mhiel grinned. “No wrong in falling in love, Migs. Are you with your wife?”

                Umiling siya. “No.”

                “No? As in, no? Di talaga kayo nagkakadevelop-an ng asawa mo sa US?” His Mama knew what he did in US. Kung paano nalaman ng nanay niya iyon ay hindi niya rin alam. Umiling lang siya. “Talaga? So tuloy ang divorce nyo this year.”

                “Iyon ang agreement namin ni Carlene, Ma.”

                “Eh sino ang dahilan ng pagngiti mong rare scenario at ng amoy pabango ng babae sa damit mo?”

                “Ma, stop being nosy.”
                “I’m your mom and being nosy is my hobby.” He threw his mom a doubt look. “Alright. Get me a reservation to the Spa house na nga lang.”

                He was about to do that when his phone beeped. He received a message from Naiomi. It was a pic of her smiling sweetly while holding a piece of buttered cookie from the pastry box he gave her. The photo has a caption, Taken in the bus, on my way home. Thanks Migs. Wala sa sariling napatitig siya sa picture. Napakasimple yet very attractive ni Naiomi. In just few days, this girl was able to leave prints in his mind and the strange feeling confused him.

                “She looked nice, prim and proper,” his mom commented. Nakalimutan niyang katabi nga lang pala niya ito.

                “Ma!” Inilayo niya dito ang cellphone.

                His mom just laughed. “Oo na sige na.  Hindi na kita papakialaman tutal sabi mo nga malaki ka na. Just take note of the possible extent of what you are doing.” Humalik ito sa pisngi niya. “Tawagan mo ako pag okay na ang reservation ko sa spa. By the way, mukhang mas bagay kayo ng babaeng iyan compare to Carlene.”

                His mom went out of his office and left him in knotted forehead while staring at Naiomi’s photo. He just kept the picture and didn’t even bother to send a reply.


                “’TAY! Dinalhan ko po kayo ng lunch!” Magiliw na bati niya sa ama. Ipinatong niya sa mesa ang bitbit na tanghalian para dito. Tinulungan pa siya ng dalawang kapatid para ihanda ang mga iyon bilang peace offering niya sa nagtatampong ama.

                Mula sa pagkaabala nito sa charting na ginagawa sa loob ng nurse station ay seryosong binalingan siya nito. “Bakit nag-abala ka pa? May mabibilhan naman ng tanghalian dito.”

                “Tay naman. Peace offering ‘to, Tay. Promise! Di na mauulit iyong kalokohan ko.” Hindi siya kinibo ng kanyang ama at binalikan lang ang ginagawa nito. “Ay Tay! Ayaw nyo ng dala ko? Kaldereta ‘to. Masarap ‘to. Luto ko.” Deadma pa rin siya. She sighed. Naglungkot-lungkutan face siya.  “Sorry na, ‘Tay!”

                Umiling ang kanyang ama at saka siya binalingan uli. “Matitiis ko ba? Sige na.”

                “Yes!” She happily uttered. “Sabi na nga ba, di mo ako matitiis ‘Tay.”

                “Anong ikaw? Iyong kaldereta ang di ko matitiis,” biro nito. Tumayo ito at lumabas ng nurse station. “Sa susunod ha magsasabi ka. Kahit saan ka pumunta, wala naman kaming balak pigilan ka. Magpaalam ka lang ng tama para hindi kami nag-aalala ng nanay mo.”

                “Opo, ‘tay!” Yumakap siya sa ama at humalik sa pisngi. Sige po, ‘Tay. Kakain ka ng mabuti.” Iniangat niya ang isa pang paperbag na dala. “Dadalhan ko din si Mama.”   

                   “Sige, ingat ka.” 

                She waved a goodbye bago niya iwan ang ama. Pagkalabas niya ng hospital ay sumakay siya ng jeep at bumaba sa tapat ng opisina ng kanyang ina. Sakto namang nakasalubong niya ang ina na papalabas ng building.

                “Nay! Dinalhan ko po kayo ng lunch.”

                Niyakap siya ng Inay Crista niya. “Eto ba iyong sorry mo sa nadagdag na fine lines malapit sa mata ko?” biro nito.

                “Oo, ‘Nay. Sorry ha.”

                “Di naman ako nagtatampo anak. Iyong tatay mo ang matampuhin. Dinalhan mo ba siya ng pagkain? Pupuntahan ko sana siya sa hospital at yayayain kong kumain e.”

                Tumango siya. “Opo, doon nga po ako galing. Okay na si tatay. Di na siya emo! Napaamo na siya ng masarap kong kaldereta.” biro niya na ikinatawa ng nanay niya. “Sige po, Nay. Kain na po kayo ha.”

                “Eh ikaw anak?”

                “Uuwi na po ako ‘Nay. Kasi andon sina Ericka at Aira. Hindi daw sila kakain kung wala ako.”

                “Ganon ba? O sige, mag-iingat ka. Salamat dito. Love you anak!” Humalik ito sa pisngi niya.

                Yumakap siya sa  kanyang ina bago siya  nagpaalam at sumakay ng jeep pabalik ng bahay nila.  Naabutan niya ang mga kapatid na nakatambay sa labas ng gate. “Anong ginagawa nyo dyan?”

                “Nag-aabang ng fafa habang hinihintay ka ate,” hirit ni Ericka.

                Tumawa lang siya. “Naka-quota na ba?”

                “Hindi nga ate, mahina ang rampa ng mga fafaness ngayong tanghali,” patawa naman ni Aira.

                “Oo nga, mga poging kotse lang ang dumadaan,” dagdag ni Ericka. 

                “Eh kasi naman, nagtatanghalian din naman ang mga fafaness. Pumasok na nga tayo at magtanghalian na tayo—”

                “Poging kotse ate!” hirit ni Aira.

                Napalingon din siya sa  pumaradang magarbong kotse sa tapat ng bahay nila.

                “Iyong driver kaya pogi din?” tanong ni Ericka.

                On cue ay bumaba ang driver na may bitbit pang bulaklak. Literal na napanganga siya nang makilala ito.

                “Miguel?”

                Agad itong napalingon sa kanya. It’s been a week since they last saw each other. Hindi na siya nito kinausap mula nang magpadala siya ng picture. Naimbyerna ata sa mukha niya. Isang email lang galing dito  ang natanggap niya at sinabing wala na itong oras makipag-meet. Ipadala na lang daw niya kay Jay sa Cebu ang documents na kailangan sa legality ng kasal nila. Akala niya ay nasa ibang bansa na ito kaya nagulat siyang andito ito ngayon…sa harap pa talaga ng bahay nila.

                She felt her heart skipped when he looked straightly in her eyes. Nagtago naman ang dalawa niyang kapatid sa likod niya at impit na tumili.

                “Ate, ang guwapo-gwapo pala talaga ni Miguel!” bulong ni Ericka.

                “At ang bongga, dinalaw ka pa dito ate!” hirit naman ni Aira.

                Tiningnan niya ng masama ang mga kapatid. Tinikom naman ng mga ito ang bibig. Saka  niya binalingan si Miguel.

                “Finally, nakita ko rin ang bahay mo. Kanina pa akong nagpaikot-ikot,” bungad nito.

                “Anong ginagawa mo dito?”

                Inilibot nito ang paningin sa palagid. “Medyo mainit. Baka pwede mo akong papasukin sa loob.” He walked towards her.

                Humarang naman siya sa gate. Paano kung biglang maisipan ng tatay niyang umuwi agad? Malalagot siya pag nakita nito si Miguel.  “Teka! Hindi ka pwede dito. Puro babae lang kami dito ngayon.”

                “So? Mabuti nga iyon at may babantay na lalaki sa inyo. Delikado pa naman ngayon, maraming akyat-bahay rapist.”

                “Tama siya ate!” korong sabat ng dalawa niyang kapatid.

                “Eh paano kung ikaw iyong rapist? Hindi talaga pwede. Hanggang gate ka lang Miguel.”

                Tiningnan siya ng masama nito. “Pinatuloy kita ng ayos sa Casa de Yumi ko at free iyon. Di ko kinuha iyong payment mo.  The least thing you can do to me is to let me get in your home too.”  

                “Tama siya ate!” korong sabat uli ng dalawa niyang kapatid.

                Binalingan niya ang mga kapatid. “Isa pa at kayong dalawa ang tatamaan sa akin!” Binalingan niya uli si Miguel. “You’re violating a rule!”

                He threw her a doubt look. “What rule? As I remembered, sabi mo wag akong tatawag sa bahay nyo.Hindi mo naman sinabing hindi ako pwedeng pumunta dito.” Ibinigay nito ang bulaklak sa kanya. “Here. Pwede na bang pumasok?”

                Antipatiko. Wala sa sariling tinanggap niya ang bulaklak mula dito.

                “Pwedeng-pwede!” Ang mga kapatid na niya ang sumagot kaya nawalan na siya ng idadahilan para pigilan ito.  Nauna pang pumasok ang dalawa para ipakita kay Miguel ang way papasok sa bahay.

                “Buti pa ang mga kapatid mo, mababait. Samantalang ikaw…”     He moved closer to her face. “Maingay!”

                “Hoy, nasa pamamahay kita—”

                “Wag mong kakalimutan nasa kamay ko pa ang Casa de Yumi at ang ating little secret dearie. Umayos ka!”  Hinaplos pa nito ang pisngi niya bilang pang-aasar.

                “Hindi mo ako aabusuhin at magiging mabait ka sa akin Miguel. Paalala lang—”

                “Bakit? Wala naman akong ginagawa ah…” He moved away and walked inside. “Besides, dinadalaw lang naman kita, new friend.”   

                Nang magkadistansya na sila ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Biglang napalitan ng nerbyos ang gutom niya. Kinakabahan din siya kung ano bang agenda ni Miguel. Wala pa man ding alam ang mga kapatid niya sa agreement nila. Ang alam ng mga ito ay ipinagbili sa kanya ni Miguel ang  casa. Pag may sinabi ang heckluban na to, lagot talaga ako. Kung kelan naka-crush-an na kita, gumagawa ka naman ng ikakabuwisit ko, Miguelito!


PREVIOUS                                                                  NEXT 

Comments

Miguel... Miguel... Miguel :)
cutiediba72 said…
ehemm...ehemm... napakalingwistik naman ata ng bagong secretary ni sir Hitler ah..tsk... kakayanin kaya ng powers? mukhang sinaniban ata ng matinong kaluluwa si si Hitler at hindi gaanong umaangil ang katarayan nya...kaso kasing tigas ng pusong bato ata ito basta na lang mangfired!
kiz said…
hahaha. wari pa si Papa Migs, namimiss lang niya si Yumi!!! ihhhhhhh :">
Naiomi Catacutan said…
Para akong naiihi habang binabasa ko to. Naiihi sa kilig! a\Hahahahah. Ramdam ko. Ramdam ko kahit papano inlabs na sakin si Miguel at miss na niya ako! hahahahaha :) Ang kukulit ng mga kapatid o nakakatuwa. hahaha :) Panalo talaga yung chapter na to nakakakilig grabe! Next naaaaa! =)
Ericka said…
wahahahaha!!! kakilig si brother in law!! hahahahaha... :))) iyhhh!! next na!! hahahaha
Anonymous said…
waaaah! si Tita Jeanie ko naka-extra sa novel ni ate Melai.. haha,, astig! xD

ang kulet ng chapter na to,, hahaha! i love it! next chapter na po ate.. :D

-Pej
Nonzie said…
super ganda at nakakatawa ang mga banat!!!cant wait for the next posting:)

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…