Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Three




“Wala ka bang girlfriend na magwawala pag kasal na tayo?” tanong ni Naiomi. Hindi pa rin siya sigurado sa nangyari. Kung bakit kasi nasama pa sa options ang pagpapakasal? At ang mas ikinagulat niya ay ang pagpatol ni Miguel sa idea na iyon. Sa dinami-dami ng options na binigay niya, talagang kasal pa ang pinili.

                “Wala. Ikaw? Ayokong may gumulo na naman sa buhay ko dahil sa’yo,” sambit nito.

                Kasalukuyan silang nasa lanai ng bahay at pinag-uusapan ang kanilang pagpapakasal. Na-settle na nito ang paghahanap ng huwes. Naghihintay na lang sila ng tawag para sa confirmation ng huwes.

                “Kung makapagsalita ka naman. Pasalamat ka pa nga sa akin at nagkaroon ng thrill ang buhay mo. Wala akong boyfriend.”

                Tiningnan siya nito ng seryoso. “Di naman nakakapagtakang wala.”

                Aba’t…. agang-aga nang-aasar ang isang ‘to ah.  “At anong gusto mong palabasin? Walang kahit sinong nagkakainteres sa akin?”

                “Sa’yo galing iyan.”

                “Naku, pasalamat ka talaga Miguel at may tatanawin ako sa’yong utang na loob. Bakit kasi ikaw pa ang bumili ng casa? Pwede namang iyong kapatid mo na lang di ba? Mas mabait pa si Hamiel kesa sa’yo. Mas gwapo siya kesa sa’yo, at di hamak na mas type ko siya kesa sa’yo—bakit?”  Natigilan siya nang mataman siya nitong tinitigan.

                “Wag kang maingay. Ayoko ng nagdadadaldal ka ng kung anu-anong walang kwenta pag kasama mo ako.”

                Saksakan talaga ng sungit ang King Arrogant na ‘to. “Talagang may rules pa?”


                “Oo at first rule ko lang iyan. Pag may rules ako na di mo sinunod, babawiin ko ang rights mo sa casa. Nagkakaintindihan ba tayo?”

                 Napangiwi siya. “Sabihin mo muna ang rules mo. Baka dehado ako diyan e. At kung may rules ka, magru-rules din ako. Gaya-gaya mode lang di ba?”

                “Andami mo talagang gustong sabihin sa buhay.”

                “Yeah, and that’s my rule number one. Wala kang pakialam sa kung anong gusto kong sabihin sa buhay ko.”

                Napailing na lang ito. “Rule number two, don’t get a boyfriend.”

                Fine with her. Wala naman talaga siyang planong magka-boyfriend pa. At kung kasal sila, walang saysay pa ang humanap ng boyfriend. “My rule number two, don’t get a girlfriend, a fling, a companion and mistress.”

                Tiningnan siya nito ng masama na lihim niyang ikinatuwa. “You think I have the nerve to get one? If you mean, don’t get a duplicate you, then I agree. I want a peaceful life anyway.”

                “Wala ka ng makukuha na tulad ko.”

                “Yeah, you’re endangered specie. Rule number three, don’t take any advantage of me.”

                Eksaheradang napamulagat siya. Grabe kapal mo! “Wow, grabe Miguelito! Ang gwapo mo! Ako pa talaga ang mag-take advantage sa’yo? Wow! Ang bangis mo!”

                Inirapan siya nito. “I’m pertaining to your rights on conjugal properties that we’re going to share with each other. I’m not talking about physical harassment that you are probably thinking whenever you look straight to my eyes.”

                Napangiwi siya. Pahiya ulit ako part 1. “Yabang nito! Given, gwapo ka nga. Pero mas gwapo pa rin ang kapatid mo kesa sa’yo.”

                Kunot-noong binalingan siya nito. “Don’t compare me with kuya Hamiel. Isang-isa na lang at tatapusin na natin itong kalokohan na ito. I’m even willing to throw you out of my house immediately with my bare hands. Gusto mo ba iyon?”

                “Syempre hindi. Ikaw talaga. May sprain pa nga ako, di ka na naawa.” Hiindi pa rin naalis ang pagkakunot ng noo nito. “Fine. My rule number three is… never took advantage of me too.”

                “I’m giving you fair rights to do anything you want with Casa de Yumi. But being your husband, you have to tell me everything. I deserve to be informed.”

                “Okay, agreed but I’m not pertaining to that. I’m pertaining to myself. Babae ako Miguelito. At sa kasal na ito ako ang lugi. I need an assurance na di mo aabusihin ang kagandahan ko—”

                Umiling ito. “You’re talking non-sense again. Wala akong interes sa’yo. That’s very clear okay? Isa pa, I’m spending 85% of my whole year abroad. I can’t even give you assurance kung kelan tayo magkikita ulit.” Sumandal ito sa inuupuang bench. “Well, kahit naman araw-araw kitang makita, hindi pa rin ako magsasayang ng oras na abusuhin ka.”

                “Good.” Nagpatango-tango siya kahit na may kasamang insult ang sinabi nito. “Mabuti na ang malinaw, Miguelito.” She grinned. Natatawa talaga siya pag binabanggit niya ang buo nitng pangalan. At mas nakakatawa  na tuwing binabanggit niya iyon ay sinasamaan siya ng tingin ni Miguel. She found his name cute pero di bagay sa ugali nitong saksakan ng pagkasungit.

                 “Rule number four, never ever call me Miguelito. Hindi ikaw ang nanay ko.”

                Di niya naiwasan ang matawa. “Bakit? Cute naman ah. Miguelito. Kaso di bagay sa’yo. Hindi ka kasi cute,” pang-aasar niya.

                “Stop talking non-sense, Naiomi.”

                “Fine, fine tree! Hindi na kita tatawaging Miguelito.” She emphasized the name to annoy him more. “Ooopsss, sorry. That will be the last. “

                “Call me Migs or Miguel.”

                “Call me maybe,” hirit niya na sinundan pa niya ng tawa. Ngunit bigla lang nahinto ang pagtawa niya nang mapansing seryoso lang na nakatingin sa kanya si Miguel. Wala talagang planong ngumiti o matawa man lang ang lalaking ito?  “Ang seryoso mo. Hindi ba uso ang sense of humor sa buhay mo? O kaya happy thoughts mula kay Peter Pan, o kaya kahit smile lang na parang endorser ka ng toothpaste?” Ngumit pa siya bilang sample.

                 “Stop talking non-sense! Mahirap bang intindihan iyan, teacher?” It seemed like his patience to her chattiness was getting thinner.

                 Tinigilan na nga niya ang pagdaldal masyado at baka sa halip na makuha ang casa ay bumalik siya sa zero chance of raining. “Hindi na po mauulit, Migs. Call me Yumi.”

                “Okay. Last rule, open communication is a must. We have to communicate. Wala namang mag-asawa na matapos magpakasal ay nagkalimutan na. Though this marriage is not a typical marriage, I still want to be a responsible husband.” Ibinigay nito sa kanya ang isang papel. “That’s my contact details. You can reach me with all of that phone lines. Pero kung sobrang urgent ang pag-uusapan natin, I better suggest na tawagan mo ako sa personal private number ko both local and international reach.  I need your contact details too.”  

                Dinampot niya ang blank sheet of paper sa mesa at ballpen. Isinulat niya ang contact details niya at ibinigay niya iyon dito. “Wag kang tatawag sa landline sa bahay namin as much as possible kung ayaw mong makatanggap ng death threat mula sa tatay ko. Hindi rin pwedeng malaman ng magulang ko na nagpakasal ako sa’yo.” He nodded. She looked over his contact details. Mostly ay puro contact numbers at email addresses. “Wala kang Facebook? Twitter? Google+?”

                “I have no time to waste in social media. I rather do business.”

                “Hindi naman manyapa’t may FB hindi ka na magnenegosyo. Gawa ka minsan tapos i-add mo ako.”

                “Wala akong oras sa mga cyber na kalokohan lang, Yumi. What’s your last rule?”

                “Hmm…” Umakto siyang tila nag-iisip. “My last rule, let’s be good to each other and be friends.”

                Kumunot na naman ang noo nito. “I’ll try.”

                “Try talaga? Hoy hindi pwedeng try. A must iyan. I can promise to be a good friend to you. Mukha ka kasing kulang sa social life. Bibigyan kita ng isa at ako iyon.”

                “Bakit mo naman ginustong maging kaibigan ko? Masama ang ugali ko, Yumi.”

                “Eh ano naman? Dahil masama ang ugali mo hindi ka na pwedeng kaibiganin? Kaya nga naimbento ang salitang tolerance dude! Kaya kong i-tolerate ang ugali mo basta magtiwala ka lang sa akin. Sa tingin ko Miguel, may kabaitan ka rin. Kokonti nga lang ang stocks. Hindi ka naman papayag sa set up na ito kung talagang wala kang puso. Sa totoo lang, mas in-expect kong maghihimas ako ng rehas sa municipal jail dahil sa kakulitan ko kesa tumira dito at ikasal sa’yo.”

                Tila natigilan ito sa sinabi niya. “Hindi mo pa ako kilala para masabi mo iyan. Kilala ko ang sarili ko. Generally, masama ang ugali ko.”

                “May oras pa ako para kilalanin ka. Wala naman akong pakialam kung pakitaan mo ako ng masamang ugali mo. Lahat naman ng tao may mabuti at masamang ugali. Siguro iyong sa’yo dominant lang ang masama. But I don’t care. Kung gusto mong maging responsible husband, dapat maging responsible wife din ako. O ano deal na last rule ko?”

                Natahimik ito na tila pinag-iisipan ang isasagot. “Okay sige.” Ini-offer nito ang kamay sa kanya for a shakehands bilang tanda ng pag-seal ng arrangements nila.

                Tinanggap niya ang kamay nito. A strange thrilling current ran her system the moment his hand touched hers. Biglang kumabog ang puso niya kaya napatingin siya dito. On cue napatitig din ito sa kanya. Will that be possible that he felt what she felt?  Look at him Naiomi, siya ang mgagiging mister mo. Handa ka na ba talagang pasukin ang kalokohang ito?

                A ringing phone saved them. Awtomatikong nagbitaw silang dalawa. Umiwas siya ng tingin at sumandal sa inuupuang bench habang ito naman ay sinagot ang tumatawag dito.

                “Hello, Judge Serrano? Tomorrow night? Okay Judge, it’s fine with us.  Thank you so much.”  Binalingan siya nito nang matapos ito sa pakikipag-usap. “We’re getting married tomorrow night at seven. Dito tayo ikakasal.”

                “Ahm, wala akong masusuot na damit. Pwede ba akong lumabas para bumili?” Puro jeans at shirts ang dala niyang damit para sa lakad na iyon. Hindi naman niya inakalang ikakasal siya.

                Binalingan nito ang nakabenda niyang paa. “Baka lumala iyang sprain mo pag lumabas ka pa.” He grabbed his laptop and gave it to her.  Isang online shop ang  bumungad sa kanya. “Look for a dress and shoes. Kilala ko ang may-ari ng shop na iyan. May warehouse sila dito sa Cebu.                                                                    Makakarating ang dress on time once na maitawag ko.”

                She started browsing. Nang makapili ay agad niyang sinabi dito ang damit at shoes. 


                “THANK YOU so much, Judge Serrano,” sambit ni Miguel nang ihatid nila sa parking space ng bahay ang huwes na nagkasal sa kanila ni Yumi.

                “It’s nothing, hijo. Malaki ang utang na loob ko sa iyong ama at ina. Ang ikasal ka ay isang simpleng pagbabalik-utang na loob sa mga magulang mo.” Binalingan ng huwes ang katabi niyang si Yumi at muling bumaling sa kanya. “Be a good husband, Miguel. Iyong mga requirements nyo, ipadala nyo na lang sa opisina ko. Once I have it, I can formally file your marriage contract to civil registry. But that’s only for formality sake.”

                “Sige po, Judge.”

                Magalang na nagpaalam silang dalawa ni Yumi sa judge and few seconds more naiwan silang dalawa ni Yumi sa loob ng bahay. 

                “Well now, we’re done. Ipapaayos ko na rin sa abugado ko ang pagpapa-convert ng casa into conjugal property.” Nagtaka siya nang wala man lang sinagot sa kanya ang madaldal na teacher na ito. He can’t even imagine that Yumi was really a prep teacher— nag-aalaga ng mga kids, ginagalang ng mga kids, at tinuturing na pangalawang ina ng mga kids. Mas maniniwala pa sana siya kung sinabi na lang nito na sales personnel ito o tindera sa palengke.

                Binalingan niya ito. Nakatingin lang ito sa wedding bouquet na pinabili niya kay Jay para naman masabing nakahawak ito ng bulaklak habang kinakasal. Tila malalim ang iniisip nito. “Nagsisisi ka na na nagpakasal ka sa akin? Actually you’re lucky to marry me. I’m a Catacutan.  I came from a well known family. I can give you the best life ever. Mas lugi ako sa’yo.”

               Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong nagseryoso ng mukha nang harapin siya. “Bakit mo ako hinalikan sa lips? Di ba ang usapan natin, hindi mo ako aabusu—”

                “Nagkakaganyan ka dahil hinalikan lang kita? Yumi, walang kinakasal na sa noo hinahalikan. It’s just a kiss. It doesn’t mean anything at all… unless you took it seriously.” 

                 “Miguel! Hindi ko ito matanggap!”

                “We can easily pull off the civil wedding. Di pa naman iyon maipa-file ni Judge Serrano. Gusto mo bang tawagan ko na siya? Well that means, no more conjugal property rights…no more Casa de Yumi.”

                “Hindi iyon, Miguel!” She winced.

                “Ano bang problema mo?” kunot-noong tanong niya. Sa lahat ng babaeng nakilala niya, ito na atang si Naiomi Dellano ang pinakawirdo. Not to mention that she’s the only woman he allowed ruining his life that much.

                Tila naiiyak na tinitigan siya nito. “Hindi ko matatanggap na ikaw iyong first kiss ko. Nasayang ang first kiss ko sa’yo. Nakakainis ka! Bakit di mo man lang sinabi sa akin na may wedding kiss pala?”

                Napairap siya. “Ako nga ang lugi sa’yo. You’re not even a good kisser. And it doesn’t feel good at all. Mabuti pa, itulog mo na lang iyan.”   

                That was a slight lie. He can’t simply deny to himself that he felt something when he was forced to kiss her on lips to seal their wedding. And he was surprised with that strange feeling he didn’t know. Iba ang kiss na iyon sa naging wedding kiss nila ni Carlene. And he’s more than willing to kiss her again if chances permit.

                But that thing was not simple. Their marriage has lots of limitations and he was man enough to stand with those limitations. He turned back and was about to go his way to his room when she called his name. Agad niya itong binalingan. Wala na ang naghuhuramintadong reaction nito tungkol sa wedding kiss. Dahan-dahang naglakad ito palapit sa kanya.

                “Super daming thank you, Miguel.” Tears fell from her eyes. But unlike the last time he saw her crying those tears now seemed to be not because of pain but because of happiness. Pinawi nito ang sariling luha. “Masaya ako na, ibinigay mo sa akin uli ang Casa de Yumi kahit mukhang lugi ka. Naikasal ka ng wala sa oras, ikaw pa iyong gumastos, tapos ishe-share mo pa sa akin itong bahay. Di mo lang alam pero napakahalaga ng ginawa mong ito sa akin. Habambuhay ko itong tatanawing utang na loob sa’yo. Super duper extra mega thank you.”

                “That’s too much. Mabuti na rin na may isang ikaw na magsu-supervise sa bahay na ito habang nasa ibang bansa ako. At least sigurado akong maiingatan ang bahay.”

                “Thank you pa din kahit na tunog caretaker ang role ko at hindi asawa.”

                “Basta talaga tungkol sa casa, marunong kang mag-thank you ano?” He casually commented.

                “Oo naman, iyon lang naman ang dapat kong ika-thank you sa’yo.”

                “Di ka ba magte-thank you sa first kiss—”

                Sumigaw ito ng parang walang bukas. “Waaaaaahhh! Manahimik ka, Miguelito!”

                “You violated my rule!” Binuhat niya ito.

                “Uy, ibaba mo ako. Wag mo ring i-violate ang rule ko. Abuse iyan!”

                He rolled his eyes. “Don’t be too proud of yourself, Yumi. You’re not a type of woman I would love to be with. I just don’t want you to catch another accident as you went upstairs with your injured foot.” 

                Ngumiti ito sa kanya. “Boutan ka man diay bisag ginagmay,”  sambit nito.

                Napakunot ang noo niya. “Isasama ko iyan sa rules.Wag mo akong kakausapin sa local dialect ng Cebu. Hindi kita naiintindihan.”

                “Sabi ko, mabait ka rin pala kahit konti lang.”

                Natahimik siya. Someone was telling him that he’s kind. Taliwas sa palagi niyang naririnig na masama siya, manhid, walang puso at bato. O talaga lang sigurong may sapak ang babaeng ito. Inilihim niya ang kakaibang saya sa nakuhang compliment mula kay Yumi.  

                “Ayaw kong maaksidente ka sa araw ng kasal natin. Malas sa Feng Shui iyon… malas sa negosyo.”  Pinigilan niyang matawa sa facial expression nito. Dahan-dahan niya itong ibinaba sa tapat ng pintuan nito. “Sa isang araw, sabay na tayong bumalik ng Maynila.”

                “Salamat na lang pero may ticket na ako.”

                “Sasabay ka sa akin,”he commanded.

                Nakipagmatigasan ito sa kanya. “May plane ticket na nga ako.”

                “Pa-rebook natin. Ikukuha kita sa business class.”

                “No thanks, okay na ako sa ticket ko. Makakarating pa rin naman ako ng matiwasay sa Maynila kahit promo lang ang fare ko.”

                “Sasabay na lang ako sa’yo.”

                Tumawa ito. “Wag na lang, baka mahimatay ka pa pag sumakay ka sa economy.”

                “Hindi naman ako nagpapalam sa’yo para pumayag ka o hindi. Sinasabi ko lang sa’yo. Sasabay ako.”

                She sighed. “Bahala ka na nga sa power trip mo.” Binuksan nito ang pinto ng room nito. “Goodnight, Migueli—”

                Pinandilatan niya ito. “Sige, don’t dare to continue it. Hahalikan kita uli para bangungutin ka mamaya sa pagtulog mo,” banta niya dito.

                Tila natakot ito sa banta niya kaya dali-dali itong pumasok sa room at isinara ang pinto. At saka ito naglakas loob na tawagin siya sa pangalang tanging ang Mama Mhiel lang niya ang pinayagan niyang tumawag sa kanya ng ganon. “Good night, Miguelitoooooo!”

              
  “Shut up!” He shouted.



PREVIOUS                                                           NEXT

Comments

jm said…
Hello ^^ napadaan ako hehehe.... okay ang story... hang cute basahin...

Anonymous said…
ANG KHULIT LANG NI YUMI!!! KAWAWANG SIR MIGS... MUKHANG MABAWASAN ANG PAGIGING HITLER MO AH..TSK!

Jeanie here...
kiz said…
I love you Miguelito. HAHAHAHA.
Anonymous said…
Hahahahaha! Ang kulit ko lang dito. 'Di na ko magtataka kung may scene dito na itatali ako sa puno ni Miguel dahil sa sobrang kakulitan ko. hahahahahahaha. Yieeeeeeeeh. Kinikilig ako. :""""">>> Ang ganda... NEXT NA AGAD! ^____^
Naiomi Catacutan said…

Hahahahaha! Ang kulit ko lang dito. 'Di na ko magtataka kung may scene dito na itatali ako sa puno ni Miguel dahil sa sobrang kakulitan ko. hahahahahahaha. Yieeeeeeeeh. Kinikilig ako. :""""">>> Ang ganda... NEXT NA AGAD! ^____^

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…