Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Two





Hindi maipinta ang mukha ni Naiomi habang nakahiga siya sa hospital bed sa loob ng isang private ward. Ayan ang napala mo, Yumi. Kung anu-ano kasing naiisip mo, ayan tuloy hospital ang ending mo, sermon niya sa sarili.

                Nang magising siya ay nasa hospital bed na siya at may benda na ang kanyang kaliwang paa. Wala ang heck-lubang Miguelito na iyon sa silid niya. Ang nakabantay lang sa kanya ay si Jay, ang guardia civil slash julalay/ all around eklavou ni Miguel. Bumangon siya. Medyo nahihilo pa siya at masakit pa din ang ulo niya pero kaya naman niyang i-handle.

                “Ma’am Naiomi, may kailangan po kayo? Kailangan ko po bang tumawag ng nurse o doctor? Masakit po ba Ma’am?”

                Tiningnan niya ng masama ang guardia civil ni King Arrogant Miguel. “Mukha ba akong di nasasaktan, kuya?”

                Napakamot ito sa batok. “Nagtatanong lang naman, Ma’am.”

                “Nasaan ang amo mong hukluban?”

                “Ah, kausap po ng doctor.”

                On cue pumasok sa ward niya si Miguel…still in his seryoso-ang-mukha-ko-at-wala-kang-pakialam-doon face. Pinauna na nito sa kotse ang guard. Agad siya nitong binalingan. “Cleared ka na. Wala naman daw problem sa ulo mo.  Iyong bukol mo magsa-subside din daw iyan in few days at hindi naman fatal based on CT scan. Iyong paa mo, sprained lang iyan. Mga ilang araw din okay na iyan.”


                “Pakikuha na lang ng hospital bill ko,” matabang na sambit niya.

                “Bayad na.” Ini-offer nito ang kamay nito sa kanya para alalayan siya.

                Pero sinumpong siya ng pag-iinarte. Ayaw na niyang magkaroon pa ng utang na loob sa lalaking ito matapos nitong ubusin ang dugo niya sa inis. Bumunot siya ng blank check sa bag niya. “Akin na ang statement. Babayaran ko sa’yo.”

                “No need, hindi ako nagpapabayad sa babae.”

                “Ayokong magkautang na loob kahit kanino lalo na sa bakulaw katulad mo!”

                Umiwas ito ng tingin at bumuntong hininga na tila nagtitimpi lang. “You know what? Why don’t you just thank me instead?”

                “Bakit ako magte-thank you sa’yo? Matapos ang konsumisyong nakuha ko dahil sa’yo, magpapasalamat pa ako? Neknek mo!” singhal niya dito.

                “Bakit ako ba di mo naiistorbo?” he winced.

                “Kaya nga tinatanong ko kung magkano ang hospital bill ko para tapos na ang usapang ito.”

                “Wala na tinapon ko na ang billing statement. So can we go now?” Tinangka siya nitong hawakan para alalayan ngunit pumalag siya. “May pilay ka, di mo kayang maglakad mag-isa!”

                “Kaya ko! Di ko kailangan ang tulong mo!” singhal niya dito.

                Nasapo nito ang noo. “Sige, sige, bumaba ka diyang mag-isa. Maglakad kang mag-isa hanggang sa kotse ko. Magdusa ka diyan. At wag na wag mong isusumbat sa aking di kita tinulungan!”

                “Pwede ba, Mr. Catacutan, mag-disappear ka na lang?”

                “Sino bang basta na lang gumulo sa araw ko? Di ba ikaw? Go ahead, bumaba ka na. Papanoorin ko pa kung paano ka mahirapan. Ang hirap sa inyong mga babae, tinutulungan na nga’t lahat andami pang arte.”

                  Nagngingitngit na sinubukan niyang bumaba ng kama ngunit ang simpleng paggamit ng nakabendang paa niya ay nagdudulot ng sakit. Letseee! Umayos kang paa ka!

                Dahan-dahan, nakababa din siya ng kama. Isasakbat sana niya ang bag nang unahan siya ni Miguel na damputin iyon.

                “Mabigat ang bag mo, mahihirapan ka lang lalo na maglakad.”

                Napailing siya at hinayaan dito ang bag niya. Naglakad na siya papalabas ng ward. Ika-ika siya at hirap na hirap pero never siyang hihingi ng tulong sa lalaking naglalakad sa likod niya na pinapanood lang siya. Di man niya nakikita, malamang tuwang-tuwa ang Miguel na iyon sa pagdurusa niya. Kunwari pa na magpapaka-gentleman. Halata namang pakitang tao lang.

                Hanggang sa marinig niya ang mga side comments ng  mga nakakita sa kalagayan niya.

                “Ano ba iyan, kawawa naman siya.”

                “Tingnan mo, o. Di man lang siyang tulungan ng kasama niyang lalaki.”

                “Grabe naman ang lalaking iyan, dapat diyan iniiwan na. Kawawa naman siya oh.”

                “Sayang gwapo pa naman sana, kaso pag ganyan namang walang puso hinayaan lang ang babae na maglakad ng ika-ika… naku, pumapangit ang itsura ng lalaking iyan.”

                Lihim na natatawa si Naiomi. Iginaganti na siya ng tadhana. Wala man sa plano niya e napapahiya na ito dahil sa pag-iinarte niya. Iyan kasi, ayaw mo pang ipagbili sa akin ang casa. Nabawasan tuloy ang pagiging gentleman mo sa mata ng mga babae.

                “Kumapit ka.”

                Nagulat na lang siya nang wala man lang introng maingat na binuhat siya ni Miguel. Napakapit nga tuloy siya sa leeg nito sa takot na mahulog. On cue, nagkatitigan sila. Biglang kumabog ang puso niya ngayong halos isang dangkal na lamang  ang pagitan ng kanilang mga mukha. Di maiwasan ni Naiomi na hangaan ang binata kahit na bet niya din itong isumpa.  Kung gwapo na ito sa one meter distance, di hamak na mas gwapo ito sa super malapitan. Pigilan man ni Naiomi ang sarili ay di niya magawa. She was admiring those pair of eyes that gazing at her with intense, that nose she found so perfect, and those lips that seemed like inviting her to kiss. Kiss agad, teh? Kakakilala nyo pa lang few hours ago?  Agad-agad na ‘to?

                Umirap ito. Iyon ang nagbalik sa huwisyo niya. Umiwas ito ng tingin at ipinagpatuloy ang paglalakad habang buhat siya at sakbat pa ang bag niya sa likod nito. In fairness, lakas niya ha.

                “Ibaba mo ako!” apila niya.

                “Shut up!”

                “Hindi ikaw ang ama ko. Wala kang karapatang i-shut up shut up ako ng ganyan!”

                “Hindi rin ikaw ang nanay ko kaya wala ka ring karapatang utusan ako!” He continued walking. Ibinaba lang siya nito nang makarating sila sa tapat ng kotse. Naka-ready na sa driver seat ang guard nito. “Get in.”

                “No, thanks. Mag-aabang na lang ako ng masasakyan—aray! Ano ba?”

                He forced her to get in.  Sa isang iglap ay nasa backseat na siya at nakaupo na sa tabi niya si Miguel. Nag-start na din ng engine si Jay at nagmaneho.

                “Ubos na ubos na ang pasensya ko sa’yo!” galit na sambit ni Miguel.

                Eksaheradang binalingan niya ito. “Then good. Pakibaba na lang ako sa pinakamalapit na hotel or inn. Presto, mawawala na ako sa galamay mo. Sa tingin mo ba, gusto kong kasama ka? Sa tingin mo ba gusto kong magkautang na loob sa’yo? Hindi ano? Ang casa lang naman ang ipinunta ko. Kung ikaw at ikaw lang, wag na uy!”

                Pumikit ito ng mariin bago siya balingan. “Will you just shut up and sit back? Ang ingay-ingay mo! Para kang teacher na andaming sinasatsat sa simpleng one plus one na equation. You are literally annoying!”

                “Bad for you. Teacher nga ako. At wala akong pakialam kung mabadtrip ka. Isininakay mo ako sa kotse mo tapos magrereklamo ka? Eh may saltik ka pala e!” Binalingan niya ang tahimik lang na driver. “Kuya, pakibaba ako sa nearest hotel or inn ha.” Pero tila deadma lang siya sa guard slash driver. Di na siya nagtaka, di naman siya ang amo nito, bakit siya nito susundin?

                “Sa tingin mo ba, basta-basta na lang kita papakawalan matapos mong sirain at aksayahin ang isang buong araw ko? No, Miss Dellano. You already messed my day, my plan, my mood, everything. Hindi ako mabait, Miss Dellano. I’m certain that you know that. What you’ve done to my precious day is unforgivable.”  He suddenly moved closer to her face. “It has to be repaid.”

                That made her shut up. Teka lang anong gagawin mo sa beauty ko? Bago pa siya makaisip ng nakakakilig na eksena ay tinulak na niya ito palayo. “Lumayo ka  sa akin. Bibigwasan kita at hindi mo iyon magugustuhan!”

                 Naiiling na lumayo ito sa kanya. “Napaayos ko na ang guest room. Sa casa ka na mag-stay.”

                Natahimik siya sa sinabi nito. Kailangan ko bang mag-thank you? O mas dapat na matakot ako? 

                “Marunong ka rin palang manahimik. Pinagod mo pa ako. Kahit ayaw ko, papatirahin kita sa casa. There you can be taken cared of with Alicia, Jay’s wife. Isipin mo na lang na bayad iyan sa accident na nakuha mo.” Hindi pa rin siya umiimik. She was thinking if this guy is kidding or not. Binalingan siya nito. “Ayaw mo ng offer ko? Fine! Binibigyan na nga kita ng ilang araw para magpaalam sa bahay ko na dating bahay mo. Mas maganda iyon kesa never ka ng makakatuntong pa sa casa. Pero kung ayaw mo, e di wag—”

                “Payag ako.” May four days pa siya bago bumalik ng Laguna. Mas malaking advantage na makaisip siya ng paraan para makuha ang Casa de Yumi kung doon siya titira.

                “Good.”

                “Pero babayad ako ng renta.”

                Tinapunan na naman siya nito ng masamang tingin. “Ganyan ba talaga ang ugali mo? Nang-aapak ka ng ego ng lalaki? Mag-thank you ka na lang. Matutuwa pa ako.”

                Napairap siya. “Ayokong mag-thank you sa’yo. Yuck lang! Magbabayad na lang ako.”

                Inirapan din siya nito at ibinaling ang tingin sa bintana. “Whatever!” 

                  
                HANGGANG  sa mga sandaling iyon ay di pa rin maintindihan ni Miguel kung paano nag-end up ang araw na iyon na nag-offer siyang mag-stay na lang sa casa si Naiomi. Ni hindi nga niya alam kung bakit niya ito inaasikaso. Wala lahat sa plano niya ang mga naganap nang araw na iyon. At lalong wala sa ugali niyang mag-asikaso ng ibang tao.

                Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa pinaaayos na silid para kay Naiomi. Bitbit niya sa kamay ang mga niresetang gamot ng doctor para dito.  Siya ang personal na bumili ng gamot nito na kung tutuusin, pwede naman niya sanang iutos na lang.  Kung bakit niya ginustong personal na ibili ito ng gamot ay hindi niya rin alam.

                Kakatok na sana siya sa pinto nang may marinig siyang boses na tila may kausap sa may veranda. Pumunta siya roon at natagpuan si Naiomi na nakaupo sa sofa sa may veranda, may kausap sa cell phone, malungkot at tila umiiyak pa ata.  Marami kasing used tissue sa lamiseta.

                Iyakin pala ang isang ito.

                He went closer and hid on the corner of the door that separated the house and the veranda. Narinig niya ang mga sinabi nito sa kausap sa paggitan ng paghikbi.

                “Gagawa ako ng paraan, bunso. Di ba ang pangako ko, pagbalik ko diyan sa atin may assurance na tayo na mapapasaatin uli ang casa? Di ako babalik diyan na bigo. No! Andami na nating hirap dito, Aira.  Hindi ko susukuan ang bahay na ito. Ito lang ang maibabalik natin kina Nanay at Tatay. Marami na tayong nagawa. Di pwedeng masayang na lang lahat ‘to.”

                So this girl really has the heart for this house.  Napapailing na lang si Miguel.Di niya maintindihan kung ano ba talagang plano ni Lord sa kanya. Bakit tuwing may magugustuhan siyang bagay, palaging may dahilan para i-give up na lang iyon sa bandang huli?

                 He remembered a block from his past. Tuwang-tuwa siyang umuwi ng bahay noon dala ang good news para sa magulang. Magtatapos siyang Valedictorian at nakapasa na rin siya sa entrance exam and evaluation para maging sundalo. Bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging sundalo. Buong-buo ang pangarap niyang iyon hanggang sa gumuhong lahat iyon nang humindi ang kanyang ama.                                                

                 “You can’t be on PMA, Migs. I need you to be with me. I need you to handle our business empire,” his dad said.

                 “Pero ayokong kumuha ng Business Adminitration. Ayokong humawak ng negosyo. Gusto kong maging sundalo, Dad!”

                “Ano sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan anak? Kami ng Mama mo, we spent half of our lives making or family business on top of the industry. Gusto mo bang sabihin na okay lang masayang lahat ng hirap namin?”

                “You should have forced kuya Hamiel to take that course, Dad!”  His elder brother took veterinary medicine course instead of taking business courses.

                “Hindi man graduate ng business ang kuya mo, tumutulong na siya sa akin sa kompanya. And he can always take business course anytime he wants. Ikaw, pag tinuloy mo iyang pagsusundalo mo, malalayo ka sa amin at hindi mo pwedeng hawakan ang kahit alin sa negosyo ko dahil mapapadestino ka kung saan-saan. Anak, tatanda din kami ng nanay mo. Gusto ko naman sana na masiguradong maaalagaan nyo ng ayos ang pinaghirapan namin.”

                He was left with no choice. Mahal niya ang mga magulang niya.  Kaya kahit labag sa kalooban niya noon ay pumayag siyang i-give up ang pagsusundalo. Inisip na lang niya na kapag nakapagtapos na rin sa management course ang bunsong kapatid, pwede pa rin siguro niyang matupad sa ibang paraan ang pangarap. But that hope fell into pieces when his youngest sister didn’t take business courses. Instead, nag-devote is Amhiela ng studies sa photography at nagulat na lang siya nang walang kahirap-hirap na pinayagan ito ng mga magulang.  

                Doon na nagsimulang magkaroon siya ng sama ng loob sa magulang at sa kanyang mga kapatid. He was treated unfair. Being a middle child was really the most unfair thing happened to his life. Hanggang ngayon ay dala niya sa puso ang sama ng loob na iyon. Bakit siya, kailangang magsakripisyo ng pangarap para sa family businesses habang ang dalawa niyang kapatid, bagama’t shareholders din, ay malayang nagagawa ang gusto nila? 

                And now, here’s this weeping girl in the veranda, giving him the reason why he should consider giving up his new sanctuary.

                Bakit kasi ipinanganak pa akong naaawa sa babaeng umiiyak?  He was heartless in general. Iyon ang naririnig niya sa mga staff niya. Wala daw siyang puso. Ang tingin daw niya sa mga tauhan ay robot na sinasagana sa benefits kaya alam niyang nagtitiis sa gloomy management niya. He’s strict. He’s perfectionist. At para maabot ang perfection sa trabaho, wala nga siyang pakialam kung may pribadong buhay na dapat ding asikasuhin ang mga tauhan niya. Ang di lang alam ng lahat, may mabait na Miguel na nagtatago sa isang sulok ng puso niya.                                                                                                                               

                  “Andito ang lahat ng magagandang memory ng pamilya natin. Nabuo ang bahay na ito sa pagmamahal nina nanay at tatay. Sa atin ang Casa de Yumi. Makuha man niya ang titulo, iyong kaluluwa ng bahay, forever na nakapangalan sa family natin. Trust me, bunsong sissy. Darating din ang araw na makakabalik tayo sa casa. Kamusta ang ate Ericka mo? Okay naman? Si Tatay di ba nagtanong kung nasaan ako? Sige, tatandaan ko iyang dahilan na sinabi nyo. Lagot ako pag nabisto tayo. Sige na bunso, gabi na rin, matulog ka na. I love you bunsong sissy.”

                Ayaw mang magpa-apekto ni Miguel sa narinig, wala siyang nagawa. Naiinggit siya. Kailan nga ba niya huling narinig na nag-I love you sa kanya ang bunsong kapatid? Hindi na niya matandaan. Akala niya nang lumayo siya sa pamilya niya ay okay lang ang lahat. Okay lang mag-isa. Ang I love you mula sa mapagmahal niyang ina ay sapat na. But hearing how Naiomi sweetly said I love you to her younger sister made him feel envious. Gusto na rin niyang marinig na naga-I love you sa kanya si Amhiela. Ngunit sa estado ng awayan nilang magkapatid, mukhang imposible ang gusto niya.

       He let her take more time to mend her heart. Nang makita niyang huminto na ito sa pag-iyak ay saka siya lumabas sa pinagtataguan. Tahimik na umupo siya sa tapat ni Naiomi. Iniabot niya dito ang mga gamot. "Inumin mo ang mga iyan according to prescriptions. Antibiotics yan at pain relievers."

Walang imik na tinanggap nito ang gamot sabay iwas ng tingin. Tila muling namuo ang luha sa gilid ng mga mata nito. This girl is really testing my weakness.

He sighed and took a sheet of tissue from the box and gave it to her. "Wag ka na umiyak."

Kunot-noong binalingan siya nito. "King Arrogant Miguel, pati ba naman pag-iyak ko may violent reaction ka?"

"Easy! I'm just offering a tissue."

Hinablot nito ang tissue at tahimik na pinawi ang luha.

He blew a sigh and leaned his back on the bench. "Selling Casa de Yumi is still not part of my plan but… I think I can somehow share this wonderful house with you."

Gulat na binalingan siya nito. "I-share mo sa akin ang casa?"

"Yeah. I'm accepting your proposal. Papakasalan kita."

“Ha?”

“Sabi ko papakasalan kita. You proposed that a while ago. After marrying you, I’ll make Casa de Yumi as our conjugal property thus giving you the right to have this house again without even pulling off millions from your savings.”

“Pero…”

Nakita ni Miguel ang pag-aalinlangan kay Naiomi. Sabi na nga ba’t ang mga sinabi nitong options kanina ay dala lamang ng  desperation na makuha muli ang casa. “So you didn’t mean it well huh.”

“Oo.”

“Iyon lang option na kaya kong ibigay sa’yo, Naiomi.”

Tumango-tango ito. “Kaya nga oo, sige. Bahala na si Lord. Ang importante hindi mawawala sa akin ang casa.”

“Okay, I still have four days here. We can simply make an arrangement. Are you willing to stay that long?”

“I also have four days here.”

“Then that’s good. Pag-usapan na lang uli natin bukas ito. For now, take your meds and have a good rest.” Tumayo na siya at pumasok sa loob ng bahay.

“Thank you, Miguel,” she shouted.

Natigilan siya, kagya’t na napangiti ngunit agad na binawi ang ngiti na iyon nang balingan niya ito. “Akala ko ba di ka magte-thank you sa akin? Neknek ko nga di ba?”

She winced. “Iba ito. Tungkol na ito sa casa kaya nagte-thank you ako. Tanggapin mo na lang dude!”

Nagkibit-balikat siya. “Fine.”




PREVIOUS                                                   NEXT 

Comments

First to comment... hahaha! Makakasuhan ka ng bygamy, Miguel Catacutan... hahaha!
Anonymous said…
ganoon na lang kadali magpakasal.. tsk.. Naomi wake up dear.. dapat matakot ka, see apilyedo pa lang CATACUTAN na!...lol!
kiz said…
ang pagpapakasal ay parang candy na lang kung ialok d2. haha wew. can't wait for the next chapter ate melai!! :))
Ericka said…
woah!!! hahaha.. grabe kasalan agad?? hahaha.. :)) lol iyhh!!! excited na kO!!! hehehe :)) next na!!
Naiomi Catacutan said…
Wooooh! IKAKASAL NA KO GUYS YEHEEEEEEEYYYYY! I love you King Arrogant Miguel! hahahahaha :)))) NAKAKAKILIGGGGGGGGG. ANG GANDA TALAGA. NEXT NA AGAD PLEASSSSEEEE :"""">

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…