Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter One




Abala si Naiomi sa pagpa-finalize ng mga grades ng kanyang nursery students. Isa siyang guro ng kindergarden sa isang exclusive academy for international students. Ang karamihan sa mga hawak niyang estudyante ay Korean, Japanese at Indonesian— mga anak ng migrated families na piniling manirahan at magtrabaho sa Pilipinas. Magtatapos na ang school year at sa susunod na linggo, graduation day na. Dino-double check ni Naiomi ang mga grades bago iyon ipasa sa principal.

                Nabulabog siya sa pagka-busy mode nang pumasok sa kwarto niya ang dalawang makulit na kapatid. May dalang tray si Ericka na may street foods at tatlong baso at dala naman ni Aira ang isang pitsel ng iced tea. Dalawang taon ang pagitan ng edad nila kaya naging malapit sila sa isa’t isa. Si Ericka ang sumunod sa kanya at si Aira ang bunso.

                “Tama na muna iyan ate, may emergency conference tayo,” deklara ni Ericka sabay lapag ng tray sa study table niya.

                “Emergency conference? Anong meron?” tanong ni Naiomi. 

                “Isang importanteng agenda,” tugon ni Aira. Ipinatong nito ang pitsel ng iced tea sa mesa. Umupo ang dalawa sa kama niya na malapit sa study table.  

                Kibit-balikat na itinabi niya ang ginagawa at bininyagan ang dalang pagkain ng mga ito. “Sige, shoot nyo na. Ano bang agenda iyan?”

                “Trulaloo bang iba na daw ang may-ari ng Casa de Yumi?” tanong ni Ericka.


                Natigilan siya. “Sinabi sa inyo ni Tatay?” Tumango ang dalawa niyang kapatid. “Si tatay talaga ang daldal.”

                “Totoo nga?” tanong ni Aira.

                She nodded. “Kamalas-malasan, oo totoo. Nakausap ko mismo si Mr. Cho.” Isinubo niya ang squidball at uminom ng iced tea.

                “So paano na iyan? Back to basics na naman tayo?” tanong ni Aira.

                “Ano pa nga ba? Ganon talaga,” hirit ni Ericka.

                Na-upset si Naiomi sa nakitang lungkot ng mga kapatid. Ilang taon silang nagtipid, nag-ipon, at namaluktot sa kumot para mabawi lang ang Casa de Yumi. Walang idea ang kanilang magulang kung ano talaga ang ginagawa nilang magkakapatid. Ang alam lang ng magulang nila ay naghahanap sila ng paraan para mabawi ang casa. Walang idea ang kanilang mga magulang sa mga kung anu-anong legal na raket na pinasok nilang magkakapatid para lang makaipon agad.

                “Wag kayong mag-alala, ako ang bahala,” sambit niya. “Hahanapin ko iyong Miguel Catacutan  na iyon.  Hindi ako natatakot sa kanya. Tunog palang ng pangalan bihadong isa na naman iyong matandang malaki ang tiyan  katulad ni Mr. Cho—” Napakunot ang noo niya nang gulat na magkatinginan ang dalawa niyang kapatid. “Uy mga adik, kung maka-react naman kayo diyan akala mo hunkable iyong Miguel Nakakatakot na iyon.”

                “Ate, si Miguel Catacutan talaga ang bumili ng Casa de Yumi?” paninigurado ni Aira.

                “Oo. Ang sabi pa ni Mr. Cho, may-ari daw ng MC Securities and Equities, Inc at MDC Food Corporation na in-line with fast food restaurants. Yaman di ba? Sure ako tanders iyon.” Impit na nagtitili ang dalawa niyang kapatid. “Uy! Anong problema nyo?”

                Nahinto ang dalawa at nagtatakang binalingan siya. “Ate, hindi mo talaga kilala si Miguel Catacutan?” tanong ni Ericka.

                “Hindi. Bakit kayo kilala nyo?”

                “Naku ate, elyen ka! Dapat kasi hindi lang puro coloring books ng mga estudyante mong kinukulayan ng pink ang picture ng elepante ang binabasa mo,” hirit ni Aira.

                “Bakit ba? Artista ba iyon? Commercial model? Politiko? Terorista?” hirit niya.

                “Isa siyang hunkable Fafa!” korong sagot ng dalawa.

                “Weh?” Di makapaniwalang hirit niya. Ang Miguel Catacutan na iyon? Isang hunkable fafaness at hindi matandang kalbo na malaki ang tyan at malapit ng mamatay? Wehhhh???

                 Lumabas saglit ng silid si Ericka at pagbalik nito ay may bitbit na itong magazine na ang front cover ay ang crush na crush niyang Karisma  band vocalist na si Hamiel. Iniabot nito iyon sa kanya. “Oh, magazine ito about Hamielabs, anong point?” She browsed the magazine. Their loving mother was working in an advertising company that produces magazines for celebrities. Nagkalat lang sa bahay nila ang mga magazines.  Laman ng magazine ang exclusive coverage and interviews kay Hamiel tungkol sa life story nito.

                   Inilipat ni Aira ang page at tinuro ang picture ng nag-iisang larawan sa page na iyon. “Iyan si Miguel Catacutan. Younger brother ni Hamielabs at naging tagapagmana ng negosyo ni late Haime Catacutan.”

                Napamulagat siya. Hindi siya makapaniwalang ang Miguel Catacutan na iyon ay ang ubod ng gwapong binata sa magazine na iyon. She read a portion of the magazine. Miguelito, the second son of late Haime Catacutan, is often called as Miguel or Migs by his friends and family. He manages the inherited businesses of the family, MC Securities and Equities, Inc and MDC Food Corporation. Confirmed. Ito nga ang Miguel na bumili ng Casa de Yumi.

                Napabalik sa gwapong close up shot photo ang mata ni Yumi at ninamnam ang kagwapuhan ni Miguel. No doubt, he’s also perfect to be a model in case. Ang ama nito ay dating model din at ang kapatid nito ay kasalukuyang isa sa mga hottest celebrities. The guy has a serious face, ni walang trace ng pagngiti. Para pa ngang pinilit lang ito ng kapatid nito na mapasama sa magazine na iyon. Pero hindi nakatakas kay Yumi ang expressive nitong mga mata. Miguel may look at someone fiercely like the way he posed on that photo but Yumi can sense something deep in his pair of eyes.

                May lungkot sa buhay itong lalaking ito. Baka walang jowa…

                “Teka, teka… kung ganito kayaman ang lalaking ito, how come nagkainteres ito sa bahay nating mukhang giant kabute?” bulalas niya. Casa de Yumi has a unique architectural design. According to their father the influence came from the old Super Mario game wherein gaming characters have to jump on and on over mushrooms. Mukhang giant kabute ang bahay on top view at pabilog naman ang foundation design na napapaligiran ng landscaped botanical and woods garden.

                “Iyon na nga mismo, ate. Unique at bongga ang ating pinakamamahal na humble home. Baka natuwa siya sa bahay na kabute,” hirit ni Aira.

                “Ate, di pala basta-basta ang nakabili ng casa. Paano natin mababawi iyan? E baka nga pati iyong mga hiniling natin kay Mr. Cho na i-preserve sa bahay baguhin niyan ng walang habas,” dagdag ni Ericka.

                “Hindi naman siguro. Mukha naman siyang mabait.”

                “Malabo na rin mata mo ate? Oo nga gwapo siya pero tingnan mo naman. Iyang ganyang makatingin, mukha bang mabait iyan? E mukhang kakain ng tao iyan pag nagutom e,” sabi ni Aira.

                Natahimik silang magkakapatid. Tinitigan niya muli ang picture at napangiwi. Lalo tuloy siyang namroblema. Paano nga ba nila mababawi ang casa?  An idea popped in her head. “Magbabakasakali ako. Pupunta ako sa Casa de Yumi at kakausapin ko siya.”

                “Sasama kami ate!” korong sambit ng dalawa na tila biglang ne-excite.                                                  

                Anyareh? Napangiwi siya. “Ang gulo nyong dalawa. Akala ko ba mukhang nangangain ng buhay si Miguel at parang worried pa kayo tapos ngayon, sinabi ko lang pupuntahan ko siya, na-excite na kayo.”

                “Eh kahit naman mukha siyang kakain ng buhay, kabuhay-buhay naman siya ng dugo ate!” hirit ni Ericka.

                “Korek! Magpapa-picture ako sa kanya!” dagdag pa ni Aira.

                Napailing siya. Pag talaga mga gwapo ang pag-uusapan, nababaliw ang mga kapatid niya. At siya naman kill joy lang daw. Yeah, she appreciated handsome men but she will never go crazy like her sisters. Hindi iyon tama sa firm, simple, and kind image niya bilang isang prep teacher.

                “Hindi kayo pwedeng sumama. Ako lang ang pupunta pagkatapos ng graduation ng mga babies ko.” Babies ang tawag niya sa mga estudyante niya. 

                 “Ay KJ ka ate!” reklamo ng dalawa.

                “Hindi ano. Umiiwas lang ako sa dagdag problema. Baka sa halip na makumbinsi ko siya na bilhin natin ang casa, matakot pa iyon sa inyo at lalo tayong di pagbigyan. Wala sa plano kong magsayonara for life sa Casa de Yumi. Pero may role kayong bongga.”

                “Ano naman?” tanong ni Aira.

                “One week akong mawawala, kaya pagtakpan nyo ako ng bongga kina tatay at nanay. In return, papangako ko na pagbalik ko, sa atin na ang casa. Deal?”

                “Ano pa nga bang magagawa ng ganda namin?” hirit ni Ericka.

                “Deal!”  korong tugon ng dalawa.         
                 

                NAIILING lang si Miguel habang nakatitig sa laptop niya. He just can’t believe what happened the other day. Pinuntahan niya ang bunsong kapatid para sabihin dito ang nalalaman niya tungkol sa napangasawa nito. He wanted to take his sister away from despair. But it all ended up, putting himself on despair. Nasapul siya sa mga binitawang salita ng kapatid. And that made him conclude that it wasn’t his siter who was in despair. It was actually him who was living in misery.

                “Nagpapakasal naman talaga ang dalawang taong nagmamahalan. Ah siguro hindi mo alam ang ibig sabihin no’n kasi nagpakasal ka lang dahil sa negosyo mo.”   Those words from his sister Amhiela hit him.

                Magdadalawang taon na siyang kasal sa isang Filipino sa US. And yes, ang tanging purpose niya sa pagpapakasal ay ang negosyo. But everything about that marriage only lay on the sheets of paper. Hindi sila nagsama ni Carlene kahit isang gabi. Kung tutuusin ay naggamitan lang sila. He married her to have an access to own larger share of stocks of Carlene’s family hotel business. He was eager to hold a larger amount of shares from that firm. Ngunit nang kausapin niya si Carlene, hindi pumayag ang step father nitong ibenta sa kanya ang shares. Mahalaga para kay Miguel ang shares na iyon dahil iyon ang huling target shares ng kanyang ama bago ito bawian ng buhay mahigit isang taon na ang nakakalipas kaya nauwi siya sa isang desperate move. He wanted the stocks for his late Dad.

                On the other hand, Carlene needed to be a naturalized US citizen as early as she can that time to be able to manage her step father’s business. She married him for that purpose dahil legal na siyang US citizen. At sa taong ito, malapit ng makuha ni Carlene ang citizenship nito. At soon enough, pwede na rin silang mag-divorce. Their real relationship status?  It all circulated with the word friendship… no more, no less.

                “I married an imperfect guy perfectly kuya.  Anong karapatan mo namang sabihing mali ang desisyon kong magpakasal kung ikaw nga hindi rin qualified tawaging right guy?”   

                Ito pa ang isang sinabi ng kapatid niya na nakapagpaisip sa kanya  ng lubos. Ano nga namang karapatang niyang sumugod sa bahay ng kapatid niya at sabihin di tamang nagpakasal ito sa isang  bading  kung siya mismo sa sarili niya alam niyang never siyang magiging right guy para sa isang babae.

                How can I be a right guy for a girl if I can easily take advantage of marriage just for business? Yeah, yeah, little sis. You’re damn right there, sambit niya sa sarili.  

                 Nagkamali nga ba siya ng desisyon sa buhay? Some point of his mind was saying yes. Marami ng bahagi ng buhay niya ang nasayang lang dahil may ibang bagay siyang dapat gawin… mga bagay na ipinilit lang sa kanya ng pagkakataon tulad ng pagpapakasal na iyon.

                Naabala ang kanyang pangmumuni-muni nang mag-ring ang telepono. Agad niyang sinagot ang tawag.

                “Sir, dumating na po iyong iba pang surveillance cameras,” report ng security ng bahay niya.

                “Sige ipasok mo dito sa bahay. Bababa ako.”  

                He turned off his laptop and went out of the office room. Kasalukuyan siyang nasa Casa de Yumi, ang bago niyang sanctuary sa Cebu. Dahil sa gulong napasok niya nang sugurin niya ang kapatid noong isang araw, nagdesisyon siyang mag-off muna sa trabaho. From busy street of Makati, he flew to Cebu and planned to stay in Casa de Yumi for a while. Kabibili pa lang niya ng villa na iyon at marami pang dapat ayusin.  Pagkarating niya doon noong nakaraan ay napansin niyang marami pa rin palang gamit ang dating may-ari na naiwan pa roon. Gusto niyang personal na ayusin ang bahay na iyon. Keeping himself busy may somehow took his mind away from thinking too much about his miserable life.

                Sa mga sumunod na oras ay inabala niya ang sarili sa pagkakabit ng surveillance cameras. Originally, sa may gate lang ng villa may surveillance camera. And since he planned to make that house as his secret hideaway, he wanted to be extra-secured.

                Katulong niya sa pagkakabit ng camera ang kanyang security guard.  They were busy doing the set up when he noticed the monitor of the CCTV. May babae sa labas ng gate ng villa.  Palinga-linga ang babae at pasilip-silip sa gate ng bahay.

                “Jay, may babae sa gate. Puntahan mo muna at baka may kailangan.”

                “Okay po, Sir.” Agad na umalis ang security guard niya.

                Hindi nagkakalayo ang edad nila ng kinuha niyang gwardiya. In fact, mas matanda lang ng ilang taon sa kanya si Jay. Pamilyado na ito at may isang anak. Una niya itong naging guwardiya sa MC Securities and Equities. Napag-alaman niyang taga-Cebu ito kaya ito na rin ang inalok niyang maging gwardiya sa bahay niya. Ang asawa naman nito ang kinuha niyang caretaker ng bahay. Instantly, nagkaroon siya ng mga kasama sa bahay na alam niyang mapagkakatiwalaan at maaasahan.

                Pagkaalis ni Jay ay ibinalik niya ang atensyon sa sine-set up ng camera. Biglang nag-ring ang phone. Binitawan niya ang hawak na camera at sinagot ang telepono.

                “Sir, kayo po ang hinahanap.”

                Napakunot ang noo niya nang lingunin niya ang camera. May dalang backpack ang babae, mukhang galing pa sa malayong lugar at sinadya siya. The thing was, he doesn’t know anyone in Cebu. At wala ring ibang may alam sa lugar na iyon. Kahit nga ang kanyang ina, hindi alam na may bahay siyang nabili sa Cebu. Then who’s this girl and how come she knew I’m here? “Patanong Jay ang pangalan niya.”

                “Sandali lang po, Sir.” Saglit na nawala sa linya si Jay. “Naiomi Dellano daw po, Sir. Gusto daw po kayong makausap, importante daw po.”  

                “Naiomi Dellano?” Lalo siyang napakunot-noo. He even can’t recognize the name but the surname sounded familiar. Hanggang sa maalala niya ang pinag-usapan nila ni Mr. Cho. Kung di siya nagkakamali sa naalala, Dellano ang unang nagmay-ari ng Casa de Yumi. Yumi? Naiomi?  

                “Sir, papasukin ko ba?” untag ni Jay.

                “Sige.  Samahan mo siya sa lanai.”

                “Okay, Sir.”


               “MA’AM pasok ka na.” Pinagbuksan pa siya ng gate ni manong guard.

                Nagliwanag ang mukha ni Naiomi sa sinabi ng guard. Positive! Nasa Casa de Yumi nga si Miguel Catacutan. Pag sinuswerte ka nga naman! She came all the way from Laguna just to find luck in convincing Mr. Catacutan to sell the casa to her.

                “Andyan si Mr. Catacutan?”

                “Ah oo. Ang sabi niya doon mo na lang siya hintayin sa lanai. Dito po ang daan.”  Itinuro pa ng guard ang way. As if, hindi niya alam kung saan ang lanai ng casa.

                “Okay na ako manong, alam ko ang daan. Dito ako nakatira dati.”

                “Talaga po, Ma’am?”

                “Oo. Nagipit lang tatay ko kaya pinagbili ito ni tatay.” Finally, nakarating na sila sa lanai at iniwan na siya roon ng guard. Napangiti siya nang makita ang paborito niyang upuan. Tumupad si Mr. Cho na walang gagalawin sa bahay na iyon dahil mostly ng nakikita niya sa paligid ay mga bagay na naroon na nang lisanin ng pamilya niya ang casa. Sana taong kausap itong si Mr. Catacutan. Sa mukha palang sa picture, duda na si Naiomi kung papatulan ba ni Miguel ang requests niya. Mukha kasi itong walang sinasanto, walang sinusunod, at walang pakialam maliban sa sarili nito.

                She heard a familiar meow. Alam niya na ngiyaw iyon ng dating alagang pusa na hiningi sa kanya ng anak ni Mr. Cho.  “Miggy?”  Tinawag niya ang pangalan ng pusa.

                The chinchilla cat softly answered. Kadalasan ay tahimik ang ganitong klase ng Persian cat. But Miggy, the cat, usually meow whenever she called it in its name. “Miggy?”

                 Natagpuan niya ang alagang pusa. Buhat-buhat ng may katangkarang binata na nakatayo ilang metro ang layo sa kanya at kunot ang noo. The guy was no other than, the magnificent I-will-never-smile-forever man named Miguel Catacutan. Kagya’t siyang natigilan. Expected na niya na stunning ang binata sa personal pero hindi siya naging ready sa pagkakataong iyon. Miguel was not only good-looking. Even the term good-looking seemed inappropriate to him. He looked regal. Babagay naman sana lahat ng features nito dito, kung di lang parang mangangain ito ng tao habang kunot na kunot ang noo nito, matalim ang tingin sa kanya at awkward na buhat-buhat ang pusang tinatawag niya kanina.

                What a welcome?! Kailangan talagang kunot-noo agad e wala pa akong sinasabi? Natutop niya ang bibig nang may ma-realize. The cat named Miggy and the guy named Miguel. Naku, lagot!

                She tried to show off a pa-cute smile kahit na kinakabahan siya dahil wala pa nga siya sa major agenda e alanganin na siya. Bakit ba kasi Miggy ang naipangalan ko sa pusang iyan? “Hi, that’s the cat of Mr. Cho?”

                The serious guy just nodded. “Yes. Wala na daw mag-aalaga kaya binigay na rin sa akin.”

                She nodded. “The cat named Miggy.”  Nakagat niya ang labi nang tapunan siya nito ng masamang tingin. “Pero walang kinalaman iyong pangalan niya sa’yo. Mas nauna ko siyang pinangalanan na Miggy.” Ano ba itong sinasabi ko?

                “Whatever. What do you want?”  Umupo ito sa upuan sa tapat niya pagkatapos ay pinakawalan ang pusa. Nagpunta naman ang pusa sa kandungan niya.  “You’re Miss. Naiomi Dellano, right?”

                “Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong niya.

                “Sinabi ng guard.”

                Napangiwi siya. Pahiya ako part 2. “Ah kasi, itong tungkol sa Casa de Yumi ang sadya ko. Di ba kasi ito, may dating may-ari. Tapos napabenta kay Mr. Cho. Tapos napabenta sa’yo—”

                “Miss Dellano, I have no time to waste. Go straight to the point.” He looked at her intensely.

                Nagsisimula ng ma-conscious si Naiomi. Dinaig pa ng kabang nararamdaman niya nang mga oras na iyon ang kabang naramdaman niya nang mag-practical exam siya sa pagtuturo. Nakakablangkong kausap ang isang ‘to!

                “Ah… iyong magulang ko ang dating may-ari ng bahay. Nakiusap kami kay Mr. Cho na wag ipagbibili ang bahay kahit kanino maliban sa amin—”

                “Sorry but this villa is already mine. Legally, mine. Kung ang gusto mo ay kunin ito sa akin, I can’t simply do that unless you want everything to settle in court. But miss, this will be difficult for your case since I have legal papers in my hand that tell I’m now the owner of Casa de Yumi,” sansala nito.

                My gassss. Nosebleed ako… nosebleed sa inis. “Hindi ko naman aagawin na lang ang bahay sa’yo.  Hihingi lang sana ako ng pabor na wag mong galawin iyong mga gamit ng pamilya ko na naiwan pa dito. As much as possible I want this place to be preserved like how my parents and my family want this house to stay as it is when we left.”

                Umiling ang binata. “I think it’s none of your business, Miss Dellano. I own the place now and I will do whatever I want with this place. I don’t care about the history or even the people who lived here. I only care on how I will spend time living in this villa.”

                Aba’t—loko ‘to ah! Pinigilan ni Naiomi na mapikon. Nakuyom na niya ang kamay para mapigilan itong batuhin ng pakalat-kalat na paso sa tabi niya.  “Kaya nga ako andito, Mr.Catacutan dahil nakikiusap nga ako sa’yo.”

                Tumayo na ito. “Marami pa akong gagawin sa loob. Mag-aayos pa ako ng buong bahay. Wala akong oras magsayang ng minuto sa’yo, Miss Dellano. Sa akin na ang bahay na ito, gustuhin mo man o hindi. The only thing you can do perhaps is to start moving on. Wala ka ng karapatan pa sa bahay na ito. Ilagay mo na iyon sa state of mind mo. Makakaalis ka na.”    He started walking away.

                Napatayo na rin si Naiomi. Kulang na lang ay literal na umusok lahat ng butas sa katawan niya dahil sa inis. Walang puso ang lalaking ito.  Hindi siya papayag na hindi niya mabawi ang Casa de Yumi. Move on? Ayokong mag-move on! Bitter ako na ikaw ang may-ari ng casa ngayon! Sigurado siyang mawawala lahat ng alaala nila sa bahay na iyon kapag sinimulan na ni Miguel ang version nito ng pag-aayos ng bahay. Kung mamalasin pa, baka di na nila mahawakan ang ilang mga naiwan pang gamit sa loob ng bahay. Baka sa halip na ibigay iyon sa kanila e sa basurahan na lang ang maging ending ng mga iyon.

                Hanggang sa mapagmasdan niya ang likod nito. That looked familiar. Until she remembered that day when she went to Mr. Cho’s office. Napangiwi siya. Siya iyon! Geez! Ang lalaking walang puso!  Tagilid na siya. Kung tila balewala lang dito ang emosyon ng ibang tao tulad ng nakita niyang basta na lang pagsesante nito sa secretary nito na parang nagtataboy lang ng alipin, malabo pa sa contaminated na tubig ang pag-asa niya.

                Hindi ako papayag ng ganun-ganon na lang!    “Bibilhin ko ang Casa de Yumi. May hawak na akong pang-downpayment.” Huminto ito sa paglalakad at binalikan siya still in his serious face. Hindi niya alam kung good sign ba iyon o mapapahamak na siya sa lagay niya ngayon. “I know hindi mo naiintindihan pero napakahalaga ng bahay na ito sa akin. Gagawin ko ang lahat para mabalik ito sa pamilya ko. Bibilhin ko ang casa.” Iniabot niya dito ang tseke. “Heto ang down payment. One point five million—” Natigilan siya nang walang kaabog-abog ay kinuha nito ang tseke at pinunit iyon sa harap niya.

                Then he moved closer to her face while looking at her with intense. Tila dumoble ang kabang naramdaman niya. Kung takot ba iyon, inis, o kilig…hindi siya sigurado. Tulad ng unang assessment niya sa mga ito, may napansin siyang kakaiba. Matalim nga itong nakatitig sa kanya. But behind those fierced eyes was a fragile emotion he might be hiding through the years. May lungkot na nagtatago sa mga pares ng matang nakatitig sa kanya ngayon.

                “Casa de Yumi is not for sale, baby. And I have no plan to sell this wonderful house to anyone…even to its orginal owner. So I hope I already said my point clear. You may leave now, Miss Dellano.”   Then he moved and walked away again.

                But those words won’t scare her at all.  “Abi nimo, sapian ug guapo ka man unta, kaso bati kaayo imong batasan! Mangandoy ko nimo na unta swertihon ka sa imoha pagbati og paghigugma ngadto,” sambit niya.

                Kunot-noong binalingan siya ito. “Anong sinabi mo?”

                Bingo! Hindi siya marunong mag-Bisaya! Well indeed, she meant what she said—Mayaman lang ito at gwapo. Pero sa pangit ng ugali nito, good luck na lang kung may magmahal pa dito.

                “Tiaw kaayo, dili mo ako masabtan,” hirit niya sabay ngisi.  Talagang ang saya at hindi siya nito naiintindihan. Malaya siya ngayong makaganti dito kahit man lang sa language barrier.

                Madilim na ang mukha nito nang balikan siya. Pero sa halip na magpakita ng takot ay nakipagtagisan siya ng titigan dito. Para sa pamilya niya ang pinaglalaban niya kaya hinding-hindi siya magpapatalo sa binatang itong tingin pa lang, nakakasindak na. Bagay na bagay dito ang  buong pangalan nito. Miguelito Dimasindac Catacutan. Tiningnan siya nito ng matalim. Iyong tipong tila nagpipigil lang na balibagin siya dahil nagkataong babae siya. 

                “Care to tell me, what you’ve just said?”

                “No.”

                “Ayokong iniinsulto ako sa loob ng pamamahay ko.”

                “And so?”

                Pumikit ito ng mariin na waring nagtitimpi lang sa kanya. “Kung ayaw mong ipaliwanag kung ano iyong sinabi mo, eh mabuti pang maglakad ka na palabas ng BAHAY KO,” sabi nito habang pinagdidiinan pa talaga ang term na “bahay ko” waring mas pinapamukha sa kanyang hinding-hindi na niya mababawi ang casa dito. “Tutal naman, wala ka na namang magagawa ngayon kundi ang insultuhin ako in your own language.”

                “Manyapa’t ibang  dialect, iniinsulto ka na agad? Hindi ba pwedeng inoorasyunan lang kita o kaya naman pinupuri kita ng bonggang-bongga?”

                Umiling ito. “Wala akong pakialam. Get out. Wala ka ng mapapala dito.”

                “May magagawa pa ako, Mr. Catacutan.”

                “Sinabi ko na sa’yo, Casa de Yumi is not for sale. Hindi ko ipagbibili ang casa. Tagalog na iyan, hindi mo pa rin ba naiintindihan?”

                “Magtatrabaho ako sa’yo, gawin mo akong katulong mo.”

                Umiling ito. “Silly. Still you can’t own the Casa de Yumi in that way, baby. At kahit patulan ko pa iyang employment scheme mo, wala ka pa ring magagawa sa kung anong gusto kong gawin sa bahay na ito  dahil ako na ang may-ari. O baka naman masokista ka at gusto mo pang makita kung paano ko ibahin ang mukha ng dating bahay mo?”

                Oo nga ano.  Natigilan siya habang nag-iisip pa ng ibang paraan. Paano nga ba niya makukuha ang Casa de Yumi sa ubod ng sama ng ugaling Miguel na ito? Conjugal property! Pero paano?

                As if reading her mind, Miguel interrupted. “Nawalan ka na ng idea, Miss Dellano? Sumuko ka na lang. Bukas na bukas na ang gate ng bahay ko. Please, just get out. You’re really had wasted my precious time.”

                “Pakasalan mo ako,” she declared. Bago pa niya maisip ang kahihinatnan ng sinabi niya ay lumabas na iyon sa kanyang bibig. Huli na para mabawi niya iyon.

                Sa unang pagkakataon ay may ibang reaction siyang nakita kay Miguel. Tila natigilan ito sa sinabi niya. Saglit na natulala ito ngunit madali rin namang nakabawi at bumalik sa seryosong expression. “You’re out of your mind, Miss Dellano. Huwag mo ng hintayin na ipakaladkad kita sa gwardiya ko para matauhan ka lang.”

                 Bagsak ang balikat na naglakad siya papunta sa gate. Hindi pwede. Hindi pwedeng ganito na lang iyon. Bakit kasi sa dinami-dami ng lalaking magiging may-ari ng casa, ang Miguel Sungit na iyon pa?! Pinigilan niya ang sariling maiyak. She never wanted to say goodbye to Casa de Yumi for good. The villa held her name. Sa akin ang lugar na ito dapat. Kailangan kong umisip ng paraan.  Binagalan niya ang paglalakad para magkaoras pa siyang makapag-isip ng paraan.

                     At dahil wala sa dinaraaanan ang atensyon, hindi niya napansin ang mga tuyong dahon na nagkalat. Nadulas siya at naramdaman niyang napatama ang ulo niya sa bato sa landscaped garden.  “Aray!”  Nakadama siya ng matinding sakit sa ulo niya kasabay ng pagguhit ng matinding sakit sa kanyang kaliwang paa. Lord, sabi ko po paraan. Di ko naman po sinabing balian. Aray ko naman! Savior please!

                “Naku, Ma’am.”  Here comes her savior— ang butihing guardia civil ni King Arrogant Miguel. Inalalayan siya nito ngunit hindi siya makakilos dahil nahihilo siya.

                “Wait kuya, masakit ang paa ko at nahihilo—” Wala na siyang nasabi nang bigla na lang may bumuhat sa kanya. Sa kabila ng pagkahilo ramdam niya ang security sa mga bisig ng tunay niyang knight in shinning shimmering splendid armor.

                “Ihanda mo ang kotse, Jay. Dadalhin natin siya sa hospital.” Binalingan siya ni Miguel. Tila nag-alala ito sa lagay niya. Another new expression form him. Or baka naman, nagdedeliryo na siya. She even can’t believe na buhat siya ni Miguel. Eh kanina lang, binantaan na siya nitong ipapakaladkad palabas dahil sa kakulitan niya. “Naiomi, wag kang matutulog.” He managed to safely deposit her in the passenger seat.  He also put her seatbelt on.

                “Nahihilo ako…” she whispered.

                “Labanan mo, wag kang matutulog!” He shouted as he drove the car.

                Kelangan ba talagang manigaw? Pero di na niya nakayanan ang pagkahilo. Everything went blank even before they reach the hospital.      



PREVIOUS                                                         NEXT

Comments

Naiomi said…
waaaaaaaaaaaaah! first to comment akooo! basa mode :)
Naiomi said…
MIGUELITO DIMASINDAC CATACUTAN. Dami kong tawa hahahahahahahaha. waaaaah. nakakakilig kahit na napakasungit ni Migueeeel!!!! Next na nakakaexcite!! :)
Ericka said…
grabe!! nakakatawa na nakakakilig!! haha... excited na ko!!.. nextt na! :))
kiz said…
wala akong ibang masabi kundi next. hahahahaha.
Anonymous said…
whooo! next na po ate Melai.. :D
Miguel Catacutan... hehehe! Nakakatakot ka nga!
Rika said…
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa excited ako sa mangyayari XD ahahha khit completona ang chapters! XD

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…