Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Prologue





Puno ng will power na pumasok si Naiomi sa opisina ni Mr. Cho. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya. Maibibigay na niya sa negosyanteng intsik ang down payment para mabawi niya ang Casa de Yumi. Nang magkaroon ng financial problem ang pamilya nila nang maaksidente siya ilang taon na ang nakalilipas, napilitan ang kanyang ama na ipagbili ang casa para may maibayad sa hospital at para sa placement fee na ginamit nito nang mapilitan itong mangibang bansa para makabayad sila ng patung-patong na utang. Ngayon,  babawiin na niya ang para sa kanyang pamilya.

                Pagpasok nila ng ng building ay agad siyang lumapit sa receptionist. “Miss, I’m looking for Mr. Robert Cho. Is he in?”

                “Yes, Ma’am. May appointment po ba kayo?”

                “Ah wala e.”

                “Can I get your name, Ma’am? Itatawag ko na lang po sa office ni Sir.”

                “Sabihin mo si Naiomi Dellano.”

                “Okay, wait for a while, Ma’am.”  Binigyan niya ang  receptionist ng pagkakataong tawagan ang pakay niya.


                “Ah, Miss Dellano, pwede na daw po kayong tumuloy sa office ni Mr. Cho.” Itinuro ng receptionist ang way. Huminto siya sa paglalakad sa tapat ng elevator. Sa fifth floor ang office ni Mr.Cho.  Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay inisa-isa na niyang isipin kung anong gagawin niya once na mapasakanya na ang Casa de Yumi. It was like going back home… their real home. I’m sure, matutuwa si Tatay Marco at Nanay Crista. Tapos magpapajama party kaming magkakapatid. Hindi niya maiwasan ang mangiti nang biglang bumukas ang elevator. Isang binatang sa tingin niya ay poste sa tangkad ang lumabas sa elevator. Kasunod nito ang tila aligagang babae na sa wari niya ay secretary nito.

                “Wina, alam mong walang lugar sa buhay ko ang kapalpakan. Mag-ayos ka na ng gamit mo. Ayoko ng makita ang mukha mo sa opisina ko bukas.”

                Umiiyak na tumango lang ang pobreng babae.

                Napangiwi siya sa narinig. Grabe, walang pusong lalaki!  Masamang tingin ang ibinato niya sa papalayong lalaki bago siya pumasok sa elevator. Kahit wala naman siyang kinalaman doon, affected siya. Ayaw niya sa lalaking bato at ayaw niyang may naaping kabaro niya.

                Bumalik lang ang excitement niya nang makarating siya sa opisina ni Mr. Cho. Agad siyang pinaupo nito sa visitor’s chair.

                “Mr. Cho, magbibigay na ako ng down payment para sa Casa de Yumi. Di ba pinangako ko sa inyo na  sa buwang ito ay makakapag-abot na ako? Dala ko na ang check.” Iniabot niya dito ang check.

                Seryosong ibinalik nito ang tseke sa kanya. “Hija, ako patawad mo. Ikaw di na pwede bili Casa de Yumi,” malungkot na turan ng ginoo sa barok nitong Tagalog. 

                Kinabahan siya at naalarma. “Anong ibig sabihin nyong hindi ko na pwedeng  bilhin ang Casa de Yumi? Di ba sabi nyo, sa akin nyo lang ipagbibili ang casa? Ang tagal kong nag-ipon, Mr. Cho.” No, hindi pwede!

                “Hija, kasi nagkasakit aking anak last month. Ako laki gastos sa hospital, kaya sangla ko ang Casa de Yumi.”

                “Ano?” bulalas niya.

                “Eh ako di kaya tubos. Kaya benta ko sa iba kahit sangla na. May iba na may-ari ang casa. Tubos niya sangla ko tapos bayad niya balance kanina lang.”

                “Hindi! Hindi pwede iyon!” Tears fell from her eyes. Na-frustrate siya. Paano na ngayong may iba na namang owner ang Casa de Yumi? Maghahanap at manunuyo na naman siya para mapabalik sa kanya ang casa.

                “Hija, ikaw wag na iyak. Patawad mo ako. Sakit lang talaga ang anak ko kaya ko gawa iyon.”malungkot na turan nito.

                Ano pa nga bang magagawa ko? Sa bandang huli ay natalo siya ng pang-unawa at awa kay  Mr. Cho. Pareho lang din kasi ang naging dahilan nito sa naging dahilan ng magulang niya noong ibenta ng kanyang ama ang casa. Walang amang hindi ilalabas pati kahuli-hulihang alas, mailigtas lang ang anak.

                “Mr. Cho, sinong bumili ng Casa de Yumi?”

                “Miguel Catacutan ang pangalan niya.”

                 Miguel Catacutan… hindi ako natatakot sa’yo. Hahanapin kita at kukunin ko sa’yo ang Casa de Yumi ko!

                Malungkot na umuwi siya. Wala siyang naabutan sa bahay. Nasa trabaho pa ang mga magulang. Ang ama ay naka-duty bilang Chief Nurse sa isang hospital sa di kalayuan. Ang kanyang ina naman ay nagtatrabaho sa isang advertising company. Wala rin sa bahay ang dalawa niyang kapatid kahit wala namang trabaho ang mga iyon pag Sabado. Si Ericka na isang bank teller ay nakatokang mag-grocery at si Aira naman  na nagtatrabaho bilang executive secretary sa isang food corporation ay may dinaluhang party.

                Pre-occupied siya ng pag-iisip kung paano naman niya mahahanap ang Miguel Catacutan na iyon. Hindi siya makakapayag na ang pagkatagal-tagal niyang pinag-ipunang down payment para mabawi ang casa ay masasayang ng ganun-ganon na lang.  

                She grabbed her laptop and went to the kitchen. Nagtimpla siya ng kape, tamang-tama lang na inumin sa panahong makulimlim at umaambon. Binuksan niya ang laptop at hinintay na makasagap ng wifi connection. Ngunit nang nasa google na siya ay bigla siyang natigilan. Napakalaki ng chance na walang sense na search results  lang ang makita niya. Malay ko ba kung sinong matandang binatang malapit ng magsayonara world ang Miguel Catacutan na iyon? Tunog “Don” pa naman ang pangalan niya.  Napabuntong-hininga siya.

                “O, anong problema mo?” Pumasok ng kusina ang kanyang ama at humigop sa tasa ng kapeng inuunti-unti niya.

                “’Tay, may germs ko na iyan,” sita niya.

                “Eh ano?” Humigop uli ito ng kape na tila nagustuhan ang timpla niya. “Akin na lang ha.”

                She laughed. “Oo ba, gusto nyo pa?”

                Umiling ito. “Okay na ito, inagawan na nga kita. May dala nga pala akong ensaymada dito.” Kinuha nito sa bitbit na body bag ang isang supot na may ensaymada.

Her father didn’t change. Sa natatandaan niya noong maliliit pa silang magkakapatid, lagi itong may uwing ensaymada tuwing araw ng sweldo. Kinalakhan na niya iyon at kinasanayan na rin nito. Kahit malalaki na sila nina Aira at Ericka, madalas pa ring nagpapasalubong ng ensaymada ang kanyang ama.

                “Match na match sa kape ‘to.” Tumayo siya at nagtimpla ulit ng kape para sa kanya.

                “Ang sama ng tingin mo kanina  sa laptop mo. Mahina na naman ba ang wifi connection?”

                Naalala na naman niya ang problema niya. “Tay, iyong Casa de Yumi…” Nag-alangan siya kung sasabihin ba niya sa ama ang tungkol doon.

                “May bago na namang may-ari? Nag-sorry na si Mr. Cho sa akin noong isang buwan pa. Ang totoo, lumapit siya sa akin at sinabi na kung kaya kong tubusin ang casa kahit hindi buong halaga, kunin ko na daw.” Lumungkot ang expression ng mukha nito. “Kaso, nagkasakit si Ericka noong isang buwan di ba? Wala akong pambayad kaya naibenta sa iba. Sorry anak ha.”

                Nilapitan niya ang ama at niyakap niya ito ng buong pagmamahal. “Di bale ‘Tay. Gagawa ako ng paraan para makuha natin ang Casa de Yumi. Sa inyo iyon ni Mama, sa akin…sa atin iyon. Kukunin ko iyon at ibabalik ko sa inyo.”

                Ngumiti ang kanyang ama pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. “Anak, mas importante  ka at iyong mga kapatid mo kesa sa casa. Pero alam ko ring mahal ninyong magkakapatid ang bahay na iyon.  Alam ko rin na hindi kita mapipigilan sa kung anumang paraan iyang naiisip mo. Pero sana wag mong kakalimutan na ang mahalaga, may Casa de Yumi man o wala, iyong love ni Tatay at Nanay  sa inyo, hindi iyon mawawala.”

                “Alam ko po iyan, ‘Tay.”

                Right at that moment, Naiomi silently promised that no matter what happen, she will get the Casa de Yumi back. Kahit pa magmakaawa pa ako sa tandang Miguel na iyon.



                                                                                 NEXT

Comments

Naiomi said…
Fist to comment!!! :))) basa mode...
Anonymous said…
cant wait for the next chapter:)wen po ang next posting?thank you ph and God Bless you:)
Anonymous said…
ahaha! ate melai,, excited na po ako sa susunod na chapter.. xD
kiz said…
nd ba si Miguel yung masungit na guy knina sa elevator?haha. next na!!! :))
Ericka said…
waahh!!!! prologue pa lang,,, nakakaexcite na!!! hahah :)) next na!! hahaha :)))
Naiomi said…
eeeeeeeee nakakaexcite naman. :)
may kahirapan ang gagawin nya para makuha uli ang casa

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…