Skip to main content

Bato- Bato Pik



It was the 31st day of October. Marami ng tao ang abala sa pag-aasikaso ng puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na namatay na. Holiday kinabukasan dahil  Undas pero ako sa halip na  tumulong sa mga magulang ko sa paglilinis ng puntod ni lolo, iba ang inatupag ko.  Naghanap ako ng malilipatang  bahay, hindi para sa akin, kundi para sa isang malapit na kaibigan.  Ilang units ng apartment din ang tiningnan namin pero wala siyang magustuhan. Until we saw that modern condominium type of apartment. Hindi ko alam na may ganoong apartment pala sa kahabaan ng kalsadang iyon. In fact, hindi ko naman iyon napapansin tuwing madadaan ako sa lugar na iyon.

            Hindi ko rin alam ang dahilan pero mataman akong napatitig sa kabuuan ng gusali. Maganda naman ang disenyo, mukhang katatayo lang noon pero may kung anong duda ako.

            “Uy, mukhang maganda ito ah,” sabi ni Jeff.

            “Tara tingnan natin,” sambit ko na lang.

            Pumasok kami sa gusali para hanapin ang landlady. Pero unang hakbang ko pa lamang papasok sa gusali ay kinilabutan na ako. Malamig na hangin ang sumalubong sa amin. Kakaibang lamig. Iba ang kutob ko. Saan galing  ang malamig na hangin gayong di naman masyadong malamig ang klima at mukhang walang lagusan ng hangin mula sa loob?


            Habang kausap ni Jeff ang landlady ay inilibot ko ang paningin sa magkabilang pasilyo. Nasa gitna kasi kami. Parehong may kadiliman ang parehong pasilyo. Natuon ang atensyon ko sa kanang pasilyo lalo na nang marinig ko ang ingay ng mga batang naglalaro.

            “Bato-bato pik!”

            “Bato-bato pik! Ah, talo na kita, kuya Euben!” sambit ng masiglang tinig ng isang batang babae.

            “Hindi kaya, mahahabol pa kita. Bato-bato pik!”

            Naengganyo akong puntahan ang mga batang naglalaro. Mahilig kasi ako sa mga bata. Nakaka-miss din ang ingay ng mga bata dahil wala ng bata sa compound namin.  Gusto ko lang sanang panoorin maglaro ang mga bata. Hahakbang na sana ako papunta sa direksyong pinagmulan ng mga ingay ng bata nang pigilan ako ng dalagang landlady. Hinawakan niya ako sa pulsuhan. Malamig ang kanyang mga kamay.     

             Nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niya nang sabihin niyang, “Pasensya na, ganito talaga dito.” Pagkatapos ay binitawan na niya ako. Tumalikod siya sa amin. Pero kahit nabitawan na niya ako ay pawang ramdam ko pa rin ang nanlalamig niyang kamay sa pulsuhan ko.

            Binalingan ko si Jeff na nakatingin lang sa babae.

            “Miss, pwede bang makita ang available units nyo?” tanong ni Jeff. Tila wala itong napapansing kakaiba sa landlady.

            Lumingon uli sa amin ang babae. “Sige, sumunod kayo.” Nauna itong maglakad sa kahabaan ng kaliwang pasilyo pagkatapos ay umakyat kami sa second floor.

            Ayoko na sanang sumama pero anong magagawa ko? Hawak na ni Jeff ang kamay ko.

            “Kelangan approved din sa’yo ang bahay para anytime, pwede kang maging at home pag dinalaw mo ako.”

            Marami pang sinabi si Jeff habang sinusundan namin ang babae. Pero hindi ko naintindihan ang lahat ng sinabi niya. Okupado ng babaeng sinusundan namin ang atensyon ko.

            Huminto ang babae sa tapat ng isang pinto. RM 136. Binuksan nito ang pinto pagkatapos ay saka nilingon kami.

            “Iyan ang silid, sige pumasok kayo at tingnan nyo.”

            Excited na pumasok si Jeff. Mukhang nagustuhan niya ang silid. Maayos naman, bago ang mga gamit, at fully furnished na.  Habang abala si Jeff sa pagtingin-tingin ay hindi naman maiwasan ng mata ko na pasimpleng sulyapan ang babaeng nanatili lamang nakatayo sa pintuan. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nakatingin din siya sa akin. Alam kaya niya ang iniisip ko? Alam kaya niyang alam ko ang sitwasyon niya?

 May malamig na hanging dumampi sa batok ko. Alam ko ang pakiramdam na iyon. Naglakas loob akong lumingon. Isang batang babaeng nakabigti sa kisame ang namataan ko. Paa niya ang malamig na dumampi sa batok ko. Duguan siya, dilat ang mata dahil sa pagkakasakal sa leeg ng alambre. Nakangiti siya sa akin. Ngiting naninindak.

            “Tara, bato-bato pik tayo!” sambit niya.

            Gusto kong tumili sa sobrang takot lalo na nang akmang  babagsakan ako ng duguang bata. Ngunit pakiramdam ko, walang lumabas na tinig mula sa akin. “Jeff! Jeff!” Sinubukan kong tawagin ang kaibigan pero tila hindi niya ako narinig. “Jeffffff!”

            “Uy, Mia!”

            Biglang naglaho ang duguang bata nang kulbitin ako ni Jeff. Maang na nilingon ko siya.

            “Ano na? Tinatanong kita kung sa tingin mo dito. Okay ba ito?”

            “Ha?” Nalilito pa rin ako. Bakit parang may mali? Nilingon ko ang babae sa pinto. Nakamasid lang din ito sa akin tulad kanina. Anong nangyari?

            Lumayo bahagya si Jeff at iminuwestra ang buong paligid. “Look, okay naman di ba? At mura pa. Ano sa tingin mo?”

            “I-ikaw ang bahala. I-ikaw naman ang titira dito e.” Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Kung ako rin lang ang tatanungin, ayokong tumira sa lugar na iyon.

            Binalingan na ni Jeff ang babae. “Okay I’ll take it.”

            Napatingin na rin ako sa babae. Tinapunan muna niya ako ng makahulugang tingin bago niya binalingan ang kaibigan ko. “Sige, sumunod kayo sa akin para makapagpirmahan na tayo.” Naunang umalis ang babae, sumunod si Jeff na lumabas at sumunod din ako. Pero bago ako tuluyang lumabas ng silid ay nilingon ko muli ang kabuuan noon. Kinilabutan lang ako sa kakaibang lamig ng silid kaya lumabas na rin ako. Isasara ko sana ang pinto pero kusa na iyong pwersadong nagsara.

            “Uy,  wag kang magdamog, Mia,” sita pa sa akin ni Jeff.

            “Hindi ako nagdabog!” Kusang sumara ang pinto, anong dabog factor ka diyan?

            Nang makarating kami sa opisina ng gusali ay iniabot ng babae kay Jeff ang mga pipirmahan papeles.

            “Iiwanan ko muna kayo para mapag-aralan nyo ang kontrata,” sabi ng babae. Tinapunan niya muli ako ng tingin bago ito lumabas ng silid.

Palihim akong bumulong kay Jeff. “Wala ka bang napapansin sa kanyang kakaiba?”

            “Ayan ka naman, Mia. Napapraning ka na naman. Minsan bawasan mo nga ang panonood at pagbabasa ng horror para bumalik ka sa reality,” hirit ni Jeff habang binabasa nito ang mga papeles at pinipirmahan.

            “Seryoso ‘to. May mali talaga.”

            “Pagod lang iyan. Kakain tayo after nito okay?” He just held my hand. Siguro nga, napapraning lang ako.


            TWO weeks after. Naging abala na ako sa trabaho ko. I guess, ganon din si Jeff kaya wala na akong naging balita pa sa kanya.  Until one night, naisipan kong dalawin si Jeff. Pumunta ako sa  building kung saan ito nakatira. Ayon sa guard na nakausap ko sa baba, nasa unit lang daw si Jeff at dalawang araw na ring hindi lumalabas. Binaybay kong ang may kadilimang hallway. Narinig ko na naman ang nakakaengganyong tinig ng mga mga batang naglalaro. Sa pagkakataong ito, hinyaan ko ang curiosity ko. Pinuntahan ko ang direction ng mga tinig.

            Nakita ko ang mga bata. Masigla silang naglalaro.

            “Bato-bato pik!”

            Pumapailanlang sa tahimik na lugar ang boses ng mga bata. Masasaya, masisigla. Masaya ko rin silang pinanood, hanggang sa tawagin ako ng isang babae. Napalingon ako. Nakita ko ang landlady sa tinitirhan ni Jeff. Nanlilisik ang matang ipinukol niya sa akin.

            “Gusto ka nilang kalaro. Samahan mo sila! Samahan mo ang mga anak ko.” Akmang lalapit siya sa akin, naglakad ako paatras para dumistansya sa kanya. Pero lapit pa rin siya nang lapit. Nakakapanindig-balahibo ang kanyang anyo. Duguan ang kanyang damit at may hawak siyang alambre at kutsilyo sa magkabilang kamay.

            Nahinto ako sa paglalakad palayo sa kanya nang may mabangga ako. Agad akong lumingon. Dalawang bata ang bumungad sa akin isang lalaki at isang babae…ang batang babaeng nakitan kong nakasabit sa kisame sa unit ni Jeff.

            “Halika, laro tayo!”

            “Ikaw ang taya!”

Pinanlisikan nila ako ng mata. Tulad ng babaeng landlady ay duguan din ang dalawang bata.   Akmang susugurin na nila ako nang bigla na lang silang naglaho. Ilang segundo pa, nakita ko si Jeff pababa ng hagdan.

            “Mia! Nice seeing you here. Tara sa unit ko.” He extended his arms to me. Tinanggap ko iyon ngunit bigla akong natigilan nang hawakan niya ang aking kamay. Napakalamig ng kamay niya. Sa di mawaring dahilan kinilabutan siya. 

            “Jeff, malamig ang kamay mo. May sakit ka ba?”

            He strangely looked at me. Kasabay noon ay nanuot ang lamig na humampas sa balikat ko “Wala lang iyan. Let’s go.”

            Habang naglalakad kami sa  kahabaan ng hallway ng second floor ay nilapitan uli ako ng kaluluwa ng  babaeng landlady. “Hindi ka na rin makakalabas dito.” Sumulpot ito sa kanan ko.

            Sinalakay na naman  ako ng takot pero hindi  ko talaga  makayang tumili o magwala sa takot.

             Sa kaliwa ko ay lumitaw ang dalawang bata. “Dito ka na lang, maglalaro tayo.”

            “Oo nga, bato-bato pik tayo.”

            Huminto ako sa paglalakad. Napansin iyon ni Jeff kaya binalingan niya ako. “Bakit, Mia?”
  
          “A-ayoko na dito. Uuwi na ako.” Tinalikuran ko na siya. Akmang tatakbo na ako palabas ng gusali  nang pigilan niya ako.

            “Wag Mia. Wag mo akong  iwan dito, please!”

            Gulat na binalingan ko si Jeff. Duguan na rin siya. Ngunit di tulad ng dalawang bata, malungkot ang mga mata nito. “Hindi ko kinaya ang mga nakita ko, Mia. Tulungan mo ako.”

            Lalo akong nagkaroon ng determinasyon umalis. Tumakbo ako palabas, dire-diretso. Nagbingi-bingihan sa pagtawag sa akin ng mga kaluluwa… sa pagtawag sa akin ni Jeff.

            Babalik ako, Jeff. Pero hindi ngayon…

            Sa presinto ako unang pumunta at ipinakiusap ko sa kanila ang pag-search sa bahay ni Jeff. Bago matapos ang gabi, nalaman ko ang buong kwento. Nagpakamatay si Jeff. Hindi nito kinaya ang lupit ng pagpaparamdam ng mga kaluluwang mag-iina sa unit niya. Later on, nakausap ko ang psychic na sumilip sa silid. Doon ko nalamang pinatay ng babae ang dalawa niyang anak bago ito nagpakamatay at bato-bato pik ang paboritong laro ng dalawa niyang supling.


WAKAS 

Comments

jojo said…
Maganda ang kwentong ito... galing mo talaga ^_^ parang nabasa ko na to noon... di lang ako sure...

Happy Holloween Melay !
Anonymous said…
wow,, astig! mapa-drama, mapa-comedy, action, at horror the best ka talaga ate Melai.. :D idol!

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…