Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: I Bid for Miss Broker's Heart- Part 3





Nakatitig sa kawalan si Hinaro. Mula nang manggaling sila ni Zeth sa cruise ay halos wala na itong kinukwento kundi si Bill Kaulitz.  And those Zeth’s praises for that Bill pissed him off without even recognizing the reason why. Basta ang alam niya na bubwisit siya tuwing sinasabi ni Zeth na ang Bill daw na iyon ay gwapo, naniniwala sa love at first sight, super mabait, at stick to one sa relasyon, at napakaganda ng singing voice— mga bagay na tagilid si Hinaro maliban sa una.  

             Then he remebered  his vision… that freaking  vision that so happened won ruining his mind set and heart set as well. Aminin mo na kasi, nagseselos ka na! sabat ng isip niya. No hindi ako pwedeng magselos. Love is not written in Hinaro’s dictionary, sagot naman ng other side of his brain. Yeah, but you’re not Webster’s yeah know!

              “It’s no… a big NO!” biglang niyang nabulalas.

              “Anong no?” Korong tanong ni Hamiel at Mien.

              Saka lang niya napansing nakatitig lang pala sa kanya ang mag-asawang Hamiel at Limien. Kasalukuyan silang nasa garden restaurant sa loob ng Green Haven Farm. At andon ngapala pala siya to talk about their investment. Then, why the hell my head is thinking about Zeth and not investment?

              “Ah wala.”


              Lately, he was always pre-occupied of Zeth. Isa na naman iyong bago sa kanya. Kahit may ilang flings siya, never niyang naisip ang mga babaeng iyon lalo na kung nasa gitna siya ng trabaho. He included Zeth as one of his flings… that was his self-press release thing. Though, he knew well, she’s not. I have to take actions.

              Na-distract siya nang abutan siya ni Limien ng isang basong tubig. “Mukhang may iba kang ka-conference sa isipan mo,” nakangiting sambit ni Limien.

              “Sorry ha. Pagod pa ata ako mula sa byahe namin ni Zeth,” pagdadahilan niya sabay inom ng tubig.  Napakunot lang ang noo niya nang makita niya ang laman ng plato ni Mien. Mukhang good for two na iyon.  “Wow, nagsasalo din kayong dalawa sa isang plato? Sweet ha.”

              “Hindi kay Limien lang iyan,” sabat ni Hamiel.

              Napamulagat siya. “Seriously?”

              The couple just nodded.

              “Ganon talaga kasi dalawa na kaming kumakain e,” sagot ni Limien.

              Napangiti siya. “So finally, you’re pregnant! Congrats then.”

              “Salamat, Ninong ka.”

              He was really happy for his friends.  Finally, matutupad na rin ng dalawa ang matagal ng gusto ng mga ito. They were really excited having a baby.  Habang kumakain sila ay napagmasdan niya ang mag-asawa. Nothing was really changed to them, but it seemed like something strange was happening to him. Kung noon ay tinitingnan niya ang dalawa with admiration at sinasabi niya sa sariling hindi niya kayang pumwesto sa lugar ni Hamiel at umaktong maalaga, mapagmahal, at committed husband, ngayon ay nagbago na. Habang pinapanood niya ang dalawa ay tila may inggit siyang nararamdaman sa puso niya. Parang gusto na niyang maranasan na may special na babae na mag-aasikaso sa kanya, aalagaan siya at aalagaan niya, may babaeng tatayong misis niya na magbibigay sa kanya ng mga anak.  Hinaro wondered what Hamiel was feeling right now that he was about to be called daddy.       

               “Uy, Hinaro. Kanina pang malalim ang iniisip mo ah. May problema ba?” untag ni Mien.

              “Gusto mong papuntahin natin ang iba at pag-usapan natin ang love life mo?” Hamiel grinned. Tamang-tama, dalawa kayo ni Cielo na asar-talo mode ngayon.”

              “Siraulo!”  

              Tumawa lang ang mag-asawa.

              “So ano na nga?” tanong ni Hamiel.

              “Anong ano?”

              “Kayong dalawa ni Zeth. Anong level na?” paglilinaw ni Mien.

              He sighed. “Wala.”

              “Eh bakit ka ganyan? Weird mo. Kagabi ginising mo lang ako para itanong kung sino si Bill Kaulitz ng Tokio Hotel dahil sabi mo bukangbibig iyon ni Zeth. Tapos ngayon tulala ka at dahil kay Zeth  na naman iyan for sure. Tapos wala lang?” buska ni Mien.

              “Hindi wala lang iyan pare. At saka gasgas na iyang pagka-denial king mo. Remember, ganyan din ako dati? In denial ako na may gusto ako dito sa misis ko. But look at me now, I’m more than happy because I didn’t let her go. You should not let her go.”

              “Agree. Alam namin special siya talaga sa’yo.”

              He just gave the couple a bored doubt look to hide the guilt. “So psychic na rin kayo tulad ko?”

              “We don’t need to be a psychic. Mga batang yagit pa lang tayo, magkakasama na tayo palagi. You really acted differently these past few days especially if Zeth is there or we are talking about her,” paliwanag ni Hamiel.

              Inisang-subo niya ang macaroons, ngumuya at uminom ng iced tea. “Wala sa plano ko ang mag-asawa.”

              “Minsan, may mga bahagi ng buhay natin ang nangyayari nang di planado. Isa na don ang pag-ibig,” Limien held his hand. “Wag kang matakot magmahal, Hinaro dahil lang hindi mo nasama iyon sa plano mo sa buhay.”

              Nagkibit-balikat lang siya.  Ayaw niyang umoo or rather takot siyang sumang-ayon. Ayaw din niyang sumalungat at mag-deny. He just wanted to prove himself that what he felt for Zeth isn’t about love. Kaya naman after ng meeting na iyon ay nakipagkita siya sa mga flings niya… and he was proven wrong.   


                “AY GRABE! Ang yaman pala talaga ni Fafa Hinaro!” bulalas ni Zeth in no one in particular. Nag-iisa siya sa office ni Hinaro dahil lumabas ito para sa business meeting. Iniwan nito sa kanya ang mga documents ng mga personal investments nito. Aralin daw niya ang mga iyon at may ipapagawa itong parang test. Pinagbuti ni Zeth ang pag-aaral sa mga hawak na data. Di siya pwedeng mapahiya kay Fafa Hinaro. Sayang ang coming soon love story namin! Love na love ko pa naman siya ngayon dahil siya ang naging daan ko para mayakap, mahalikan, at masinghot si Bill Kaulitz.

              Give in na si Zeth kontrahin ang sarili. It was pretty obvious na patagal ng patagal, dumadami ang pogi points nito sa kanya. Naglevel up pa iyon nang isama siya nito sa cruise. Kailan man ay hindi siya nito pinabayaan. Kaya alam na niya ngayon kung bakit maraming flings nito ang maglalaslas ng pulso, makasama lang ito. Maswerte siya, grasya na ang lumapit sa kanya.
              
           Learning about his investments, mas naging admirable si Hinaro para kay Zeth. The guy certainly knew how to play well in business. No wonder, he was held one of the youngest millionaires of the country.   So fafable!

              Naalala niya nang basahin nito ang palad niya.   “Siya iyong first kiss ko. So… siya ang makakatuluyan ko?”pasimpleng inamoy niya ang coat ni Hinaro na nakasabit sa likod ng  swivel chair na inuupuan niya. “Not bad! So good!”

              Her phone rang. Apple was calling. “Uy Apple nakita ko na ang buntot ko!”

              “Good, so kamusta ang pang-aakit?”

              “Huh?”

              “Oh di ba sabi mo  pag nakita mo siya ikaw na ang mang-aakit?”

              “Ah oo ngapala!” Bakit ko ba nasabi iyon? “Okay naman siya, gandang-ganda na siya sa akin.”

              “Ay taray! Keep it up! Sige bye!”

              Huh? Napailing na lang siya. Di siya makapaniwalang tinawagan lang siya n Apple para usisain iyon. Kibit-balikat a binalingan niya ang nire-review na documents. Hanggang sa magsawa na siya at inaasahang makatulog. Nang magising siya ay nasa kama na siya sa loob ng bachelor’s pad. Bumalikwas siya ng bangon at agad nag-ayos ng sarili. Tanaw sa glasswall ang pagdidilim ng langit. Ibig sabihin ay nakatulog siya ng ilang oras.  Paglabas niya ng pad ay nakasalubong niya si Hinaro.

              “Sorry Sir, alam ko pong mali na matulog during working hours. Sorry po talaga.”    

              “It’s okay. Hindi ka naman talaga empleyado dito. Isa ka lang special trainee kaya walang pakialam ang working hours sa’yo.  Mukhang pagod na pagod ka kaya di na kita ginising. Binuhat na lang kita para mas maging comfortable ang tulog mo.”

              Alanganing ngumit siya. “Sorry talaga.” 

              “Forget it.” Iginiya siya nito sa sofa at umupos sila roon. “Napag-aralan mo na ba iyong data na binigay ko sa’yo?”

              “Oo, kabisado ko na.”

              “Good. Susubukan ko ang galing mo sa bidding. I-bid mo ang investment ko sa Philippine Stock Enxchange at FOREX trade.  Prove me how excellent you are in bidding. In order to be a good investment consultant you must be good in all aspect. You should know how to play on stock exchange, binary options, and Forex. I’ll give you twenty four hours. If I got satisfied with your performance, you’ll go back to Miguel and start being the new investment consultant of MC securities and Equities. Maliwanag?”

              “Yes! Pero pano kung nag-fail ako?” 

              “Eh di pababayaran ko sa’yo ang nilugi mo.”

              “Ha? Naku wala akong pera.”  Bigla siyang natakot. Paano kung milyones ang maiwala niya sa isang maling bid? Waaah, baka kulungan ang maging ending ng ganda ko! No!

              “Joke lang. I’ll think of it. Basta ang goal mo, payamanin ako, okay?”

              “Okay.” 
             

              ABALA SI ZETH sa pagngat-ngat ng scarf ng suot niyang corporate attire habang lulan ng elevator paakyat sa office ni Hinaro. Lagot na siya. Hindi maganda ang naging takbo ng pag-bid niya sa FOREX at stock exchange noong nakaraang gabi. Natalo siya sa bid—isang bagay na bibihirang mangyari. At kung kelan walang lugar ang kapalpakan saka pa iyon naganap. Anak ng Forex! Saan ako pupulot ng limang million?

              Lalo siyang kinabahan sa takot nang makarating sa tamang floor ang elevator. On cue, naabutan niya sa hallway sa labas office si Hinaro na may kasamang babae. Nagtago lang siya isang sulok para maki-usyoso. Familiar din sa kanya ang babaeng may soft curled na buhok. Minsan na iyong dumalaw sa office ni Hinaro. Sa pagkakatanda niya noong una niya itong nakita, lumapit ito kay Hinaro at claiming her rights as his girlfriend.

              Lihim na natawa siya nang maalala niya kung pano ito nasapul ni Hinaro. Isang tumataginting na “I’m not a boyfriend of anybody, Miss,” lang ang sinabi ni Hinaro dito. Pero bakit kaya naligaw na naman  sa office ang babaeng iyon?

              “So kelan tayo ulit magkikita honey?” malanding sambit ng babaeng sinuwerte nga naman sa height pero… Hmmp! Mas maganda pa rin ako!

              “Don’t call me anymore!”

              “Ayaw mo ng honey? How about babe?”

              Napangiwi si Hinaro. “Emashen, there’s no you and me. Ilang beses ko bang sasabihin iyan sa’yo? Don’t call me and don’t do scandals with press kung ayaw mong sa korte ang sunod nating date.”

              Parang may sayad na nagtantrums ang babae. Ikinainis naman iyon ni Zeth.  Ang arte! Ilalampaso ko ito sa carpet e!

              “No Hinaro! Gusto kita, ako lang dapat.”

              “I’m not a property of anybody too, Emashen. If ever I want to be in possession of someone, I’m sorry, I think it’s not you.” Biglang lumingon si Hinaro sa pinagkukublian ni Zeth kaya agad siyang nagtago. “I already belong to someone else. Actually, nagkaroon na kami ng maraming exclusive dates. I even let her join me on my business trip.”

              Hohemji! Are you pertaining to my beauty?

              “Nooooooo!!” Nagwala ang walang breeding na babae. “Di ako makakapayag Hinaro. Sa akin ka lang! Tandaan mo iyan. Babalikan kita!”  Dramatic na nag-walkout ito pero naging epic fail nang madapa ito sa tapat niya.

              That’s where you belong, bitch! Carpet Queen! 

              Agad  na bumangon ang babae at na-caught pa si Zeth na natatawa. “Hey you, why are you laughing?” taas-kilay na sambit nito sa kanya.

              That’s when she realized that this slut number 2 was a bit taller than her. Di bale, matangkad ka lang, maganda ako. “Nothing really. Kamusta ang reunion?”

              Kumunot ang noo nito. “Anong pinagsasabi mo?”

              “Oh, sorry!” Eksaheradang sambit niya. “I thought nagkaroon ng magandang reunion between your dress and the carpet. Look oh, terno!”

              Nakita niya ang galit sa mata ng babaeng kaharap. Wala siyang pakialam. At wala rin siyang paki kahit nakikita siya ni Hinaro. Mabuti na ring malaman nitong maldita siya minsan… err madalas.  Tutal naman, bibitayin din siya nito maya-maya lang. Wala mang katuturan, ibubunton na lang niya ang asar sa pahara-harang social climber na ito.

              “Kung makasalita ka, Miss! Sino ka ba? Ikaw ba ang bagong babae ni Hinaro—”

              Hinila na niya ang buhok nito. Then she pulled the hair and let this woman kiss the wall.   Napansin niya sa peripheral vision niya na akmang lalapit sana si Hinaro ngunit tila naging alanganin ito. Binalingan niya ng may galit ang babae.

              “Bitawan mo ako!” she winced.

              “Oo, bibitawan kita. Pero bago iyon, gusto ko munang ipaintindi sa’yo na wala kang karapatang sabihing babae lang ako ni Hinaro.  Hindi ako babaeng kasing baba ng uri mo. Siguro nga kaya mong bumili ng mamahaling damit, pero kahit anong paraan pa ang pagsusuot mo niyan, mukha ka pa ring basura. Wag kang ilusyunada!” Binitawan niya ito at naglakad patungo sa direction ni Hinaro. Huminto siya nang may maalala siyang sabihin. “By the way, Hinaro will never settle down with a non-sense stupid, cheap curly haired woman like you. Back off! Got it? Tell me now kung hindi para mai-translate ko sa Tagalog.”

              Akmang susugod pa ang babae nang pumagitna na si Hinaro. “Mina, call the security,” Hinaro just gave instructions to his secretary. Then, he turned to Zeth and held her hand as they entered his office.

              Saka lang nakalma ni Zeth ang sarili. “Ganon ba talaga lagi iyon? Madikit lang sa’yo, babae mo na? Wow! Kawawa naman ako. Branded to be your newest woman. Just a woman.”

              “I’m sorry about that,” he sincerely uttered.

              “Kahit tanggapin ko pa iyan, useless. Your sorry can’t take my name away from being branded as your woman. Alam mo, maraming magagandang terms na pwedeng magamit para ma-associate ang isang babae sa’yo. Pero di ko matatanggap na sasabihin lang nila na babae mo ako. It sounds so low, so cheap, and so ridiculous. Lalo na, wala naman akong relasyon sa’yo.”

              Mula nang bumalik sila sa cruise ay nagsilabasan na ang showbiz chismis na siya nga diumano ang bagong flavor of the month ni Hinaro. Just a flavor of the month. Hindi niya matatanggap iyon. Dahil gusto kong maging flavor of your lifetime! True indeed, tinanggap na niya ng buong-buo sa sarili na nahuhulog na siya kahit ayaw niya sa complicated guy na babaero. Wala na siyang nagawa kaya naman ngayon, hindi niya alam kung paano kikilos ng matino habang kasama si Hinaro.

              “Gagawa ako ng paraan, Zeth.”

              “Like what?”

              He moved towards her and held her hands.  He lovingly stared at her. His pair of eyes was expressing too many silent versions of the word, affection. “Let’s make everything formal. Zeth, give up na akong kalabanin ang sarili ko.  Kinokontra ko palagi ang sarili ko pag nararamdaman kong gusto kita… ahm o, mahal kita. Pero padami naman ng padami ang mga nangyayari na nagpapaalala sa akin ng reality na may nararamdaman ako towards you.”

              Hohemjiii!

              “Zeth, pwede bang manligaw?”

              Napanganga siya sa tanong nito. Ligaw? Di ba pwedeng kasal na agad? Ngunit nag-feeling dalagang Pilipina si Zeth kaya hindi niya pinahalatang pinabilis pa lalo nito ang heartbeat niya.  “Seryoso ka?” He nodded. “The I’m-not-into-serious-relationship-thing guy is now asking me if he can court me? Anong nangyari sa’yo, Hinaro?”

              Nagkibit-balikat ito. “Na-in love siguro…sa’yo.” He teasingly smiled.   

              And her heart turned wild. Waaahh, ganda ko lang eh ano? Hohemjiiii! Di niya tuloy naiwasang mag-blush. Agad siyang tumungo at umiwas ng tingin.

              “So…?” He lifted her chin. A gesture that made her senses shivered. Nagkatitigan sila. How could that happen? Tila mas naging masaya at expressive ang mata nito ngayong nagawa na nitong magtapat sa kanya. “Zeth…”

              “Hmmm?”

              “I may not have a good reputation in your eyes, but right now and for the coming days, I’ll promise, I will only have you…solely.” He moved closer aiming to claim her lips. “My wanders with girls moment is over.”

              Hohemji. Trulili na itey!  Tila slow motion na nakita ni Zeth ang unti-unti nitong paggalaw mula sa pagtitig sa kanya patungo sa paglapit ng labi nito sa kanya para gawaran siya ng halik. He closed his eyes. The moment she smelled his fresh scent, she knew the kiss will be real this time. She closed her eyes and waited for his lips to conquer hers. Pakiramdam niya ay umikot ang mundo niya ng 360 degrees pagkatapos ay huminto upang pagbigyan silang dalawa na lasapin ang tinatawag nilang true love kiss.

              Is this what true love is? Okay lang bang masanay ako sa ganito? Isang bahagi ng isipan ni Zeth ang nag-aalinlangang pagbuksan ng puso si Hinaro dahil sa babaero image nito. But she can’t help it. She can’t help falling.

              Maingat at buong pagmamahal na ibinuhos ni Hinaro sa kiss na iyon ang sinasabi nitong pagmamahal nito sa kanya. And when their lips ended, Zeth felt like she was renewed. The kiss was just so worth it.

              Mataman siyang tinitigan nito habang ang kamay nito ay humahaplos sa kanyang pisngi. “Ma. Suzette Macabontoc, can I officially start courting you?”

              Bigla niyang naalala ang nalugi niyang limang milyon nito. napangiwi siya. “Eh Hinaro, may malaki tayong problema kesa dyan sa panliligaw mo sa akin. Iyon muna ang ayusin natin.” Nakagat niya ang labi nang kumunot ang noo nito.

              “What is it?” Dumistansya ito sa kanya nang maupo sila ng ayos sa sofa.

              “Iyong assignment mo sa akin…iyon ang problema natin.”

              “Oh, bakit?”

              She sighed, releasing the tension. “I lost the bid. Ganon naman talaga ang buhay di ba? Ang Forex at SE ay parang sugal. Malingat ka lang, matatalo ka, malulugi ka. Nalingat ako at… limang milyon ang nawala sa’yo. Hindi ko sinasadya na mangyari iyon. Alam kong mali iyong katwiran ko. Hindi dapat ganon sa negosyo. Kaya… sorry.” Pumikit siya para di na niya makitang umusok ang lahat ng pwedeng labasan ng usok sa mukha ni Hinaro.

              “Is that all?” seryoso ang tinig nito.

              Naku, goodbye love life na ba ito? She just nodded.

              “Open your eyes.” Umiling siya. “Come on, hahalikan kita uli pag di ka nagmulat ng mata.”

              Sus, pag ganyang ang threat, araw araw sana akong may kiss threat mula sa’yo Hinaro! “Eh…” She felt his lips on her nose. Waaaahhh!  Napamulat tuloy siya. Caught by her beautiful sense of sight, she saw him moving a bit away slowly while his eyes were shut. Tila feel na feel nito ang mga 
sandaling hinahalikan siya nito. May ganong drama?  

              He opened his eyes and went back looking at here intensely. “Don’t worry about that five million. Your approval for my courtship ismore important than that.”

              Napamulagat siya. “Okay ka lang? Five million iyon!”

              “Yeah, I heard.”

              Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at niyugyog ito… nagpabakasakaling mag-sink dito ang sinasabi niya. Tila balewalalang dito ang limang milyon. “Listen carefully. It was like I threw your five million  in fire. Tapos ganyan lang ang reaction mo?  Di ko kayang bayaran iyon sa’yo!”

              “Sinabi ko bang bayaran mo? Kung sinabi ko man, kalimutan mo na iyon. I don’t care. Can I court you now?”

              Napanganga siya. “Nag-aadik ka ba? Nakakaloka ka!”

              He softly laughed.  “I can earn it easily in just a month, Sweet Zeth.”

              “So, kakalimutan na lang ganon?”He nodded.”Wow, may galit ka ba sa pera? Hindi ako papayag! It should be replaced.”

              “Sabi mo di mo kayang bayaran.”

              “Pero gusto ko talagang maibalik iyon sa’yo,” giit niya.

              He grinned. “Hmmm, sumama ka na lang sa akin bukas. Pupunta tayong Clark Pampanga.”

              Nabuhayan siya ng loob dahil magkakaron siya ng pagkakataong bumawi kung makikipagkita sila sa isang kliyente. “Sige, bigyan mo ako ng details tungkol sa client na kakausapin natin. Promise, pagbubutihan ng ganda ko iyan.”

              Umiling ito. “Wala tayong imi-meet na client doon.”

              “Eh anong gagawin natin?”

              Nagnakaw ng halik ito sa pisngi niya bago ito lumayo at umupo sa swivel chair nito. “We’ll have a romantic date.”

              Kulang ang salitang nganga para i-describe ang pagkatulaley niya sa nangyari. Teka, pumayag na ba akong magpaligaw?
             

              ZETH WAS MORE than ready to accept the scene. Matagal niyang inasam ang ganitong eksena. She and Hinaro, on white sand of Subic, so closed like skin to skin, expressing how they love each other physically… getting in there.

              Wala siyang ibang nakikita kundi ang expressive na mga mata ni Hinaro habang nakahiga siya sa puting buhangin at ito ay nakapangibabaw sa kanya, buong pagmamahal siyang tinititigan nang may ngiti sa labi.

              He kissed on her forehead. “You are so beautiful, Sweet Zeth.” He kissed on her nose. “I must be thankful I have you here on my arms.” He gave her a sweet quick kiss on her lips.  “I want you, Zeth. I’m dying to have you.” Muli siya nitong hinalikan, mas malalim, mas nananabik.

              Alam na ni Zeth ang pwedeng mangyari. At nang magsimulang maglakbay ang kamay nito sa kanyang katawan ay naramdaman niyang… may marahang tumatapik sa pisngi niya.

                “Sweet Zeth, gising. Sweet Zeth…” Muli ay maingat na tinapik ni Hinaro ang pisngi niya.

              Biglang napamulat ng mata si Zeth at napagtantong lulan sila ng isang tour bus. And that also confirmed na nanaginip lang pala siya. Walang sand scene dahil ngayon pa lang nga sila tatapak ng Subic. Letseng panaginip naman oo. Paasa!  

              Napaubo siya. Maagap namang masuyong hinaplos ni Hinaro ang likod niya.  She’s not that feeling well. Kaninang umaga bago sila magbyahe papuntang Clark para dumalo sa Hot Air Balloon Festival ay may nararamdaman na siya. Sinisipon siya. At bago nga matapos ang araw ay heto na siya, inuubo na at may sintomas na ng trangkaso. Nanghihinyang tuloy siya sa magandang beach. Hndi niya mae-enjoy iyon dahil ay sakit siya.

              “Naku, andami namang may sakit ngayon. Usong-uso ah,” sambit ni Mathew. May dinukot ito sa bulsa. At ibinigay iyon sa kanya. “O Zeth, inumin mo na agad iyan para maagapan ang trangkaso mo.”

              “Salamat, Doc Geo.” Aabutin na sana niya ang gamot nang unahan siya ni Hinaro. Kunot noong binalingan niya ito at huling-huli pa niya itong tinitingnan ng masama si Mathew. Napatingin din tuloy si Mathew dito.

              “Hey! I’m a doctor. Nagbibigay lang naman ako ng meds. No malice dude. Besides, I’m with my Sophia. Hindi ko naman tatangayin iyang first love mo.”

              “Just shut up, Doc!”

              Tumawa lang ang kaibigan nito.

              Binalingan siya ni Hinaro. “Inumin mo na nga ito. Tama naman siya, dapat nating agapan ang trangkaso. Stopover pa lang tayo e,  medyo malayo pa ang resort na pupuntahan natin.”

              She nodded. “Pahingi na lang tubig.”

              Naunahan ito ni Cielo na nakapag-abot abot ng bottled water. Nakaupo lang kasi ito sa harap unahan nila. “Eto oh.”

              Pero inagaw naman iyon ng kasama nitong isang sikat na morning show talk show.  Bago pa niya makuha. “Wag iyan! May virus mo na iyan e.” Binalingan siya ni Danica. “Pasensya na, may lagnat din kasi itong si Cielo. Baka lalo kang mahawa.” Inabot nito ang isa pang bote ng tubig na hindi pa nabubuksan. “Here. Iyan walang virus iyan.”

              “Thanks.”

              Si Hinaro na ang kumuha noon at ito na rin ang nagbukas. Ininom na niya ang gamot. Pagkatapos ay bumalik siya sa pagkakahiga sa upuan. Hinaro managed to embrace her, aiming to give her more comfortable position to rest. Nakasandal ang kanyang ulo sa balikat nitong pawang naka-akbay sa kanya.

              “Di ka ba muna, magsi-CR?” tanong nito.

              “Hindi ko pa naman kailangan. Kung need mong mag-CR sige lang okay lang naman ako dito.”

              “No. I’m still fine.”   Hinaplos nito ang noo niya. Nagsimula naman siyang makaramdam ng lamig at kilig.

              Di niya alam kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng hassle sa trip na iyon habang siya ay maysakit, nagawa pa rin ng puso niyang kiligin. Pumikit na lang siya para namnamin ang sweetness at care ni Hinaro.  Inayos nito ang blanket a ikinumot nito sa kanya kanina. In fairness, ready ang loko.  Mula pa kanina sa Clark hanggang sa mga sandaling ito, naramdaman ni Zeth kung gaano kasarap ang may isang taong nag-aasikaso sa kanya. Akala niya, sapat na iyong may mga kaibigan siyang masasandalan. Iba pa rin pala kung merong nagmamahal.

              “Gusto mo ng something na mainit? Tea or soup?”

              “Wag na, Hinaro. Gusto ko lang matulog.” 

              He kissed her temple. “Then sleep, Sweet Zeth. I’ll just be here.”

              She smiled. Pumikit siya at hinayaan niyang hilahin siya ng antok. Nang magising siya ay wala na siya sa bus. Nasa isang comfortable bed na siya.  Nagmulat siya ng mata at napagtantong walang ibang tao sa kwarto. May naririnig siyang boses mula sa labas ng silid.

              “Are you sure, she’s just fine, Geo?” Narinig niyang sambit  ni Hinaro.

              Ang OA mag-alala nitong si Fafa Hinaro. Para nilagnat lang ako e.

              “Yeah, she’s going to be fine basta, ipainom  mo iyong gamot na pinabili ko sa’yo. Pago dang katawan niya kaya mabilis tumaas ang lagnat niya. Make sure she’ll have a good rest.”

              “Di ba siya kailangang dalhin sa hospital? Bakit kanina, hindi siya magising?”

              “No need. Mataas masyado ang lagnat niya kanina. That’s the only reason.  Kung tuaas pa uli ng 40 degrees ang lagnat niya o hindi bumaba hanggang bukas, sasamahan kitang dalhin siya sa hospital. For know trust, the doctor talking here okay dude?”

              “I’m just worried, dude.”

              “I know. Makakabuti kay Zeth na makapagpahinga ng maayos. Dumito muna kayo ng mga ilang araw para makapahinga siya ng ayos or gamitin mo iyong rest house naming, malapit lang iyon dito.”

              “Salamat pare. Sige babalikan ko na siya.”

              “Tawagin mo lang ako pag ay problema.”

              Zeth suddenly became speechless. Ni minsan ay hindi pa niya naranasan na alagaan ng ibang tao, lalo na ng isang significant guy na nagsabing mhal siya nito.  dati hindi niya inisip kung ano kaya ang feeling g may kasintahan. Pero nang makilala niya si Hinaro, tila nagkaroon siya ng bagong rason para gustuhing maging masaya din para sa sariling love life.

              He was the first guy who confessed on her, the first guy who held her hand tight, the first kiss she thought was impossible to happen… the first guy she fell in love with. Tears of overwhelming emotions fell down from her eyes.

             Nag-aalalang dinaluhan siya ni Hinaro. “O, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa’yo? Masamang-masama ba ang pakiramdam mo?”  Natatarantang sinapo nito ang noo niya at hinaplos ang kanyang pisngi habang siya ay matamang pinagmamasdan lang ito.

              Ikaw pala ang dahilan kung bakit single ako. Dahil para sa’yo lang pala talaga ang puso ko. Pumatak muli ang luha sa kanyang mga mata.

              “Damn, Zeth! Tell me what’s wrong? Dadalhin na kita sa hospital.” He was about to  get his phone and call someone when she lifted herself up and lovingly embraced him. Natigilan ito.

               She sobbed. “I’m not getting worst, Hinaro. I’m just full of emotions.”

              He hugged her back. “You scared me.”

              “Maraming salamat, Hinaro. Wala pang ibang taong nag-alala at nag-alaga sa akin tulad ng ginawa mo. Dati pag may sakit ako mag-isa lang ako, walang umaasikaso, walang karamay kundi gamot at tubig. Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam ng merong ibang tao na nag-aalaga sa akin. Salamat.”

              He moved away enough to be able to gaze on her. Masuyong ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. “Mula ngayon, araw-araw kitang aalagaan at hindi ka na mag-iisa.”

              Sa araw din iyon, nabuo an gang pangarap ni Zeth na mamuhay ng lifetime kasama si Hinaro.



PREVIOUS                                                         NEXT

Comments

haffle :)) said…
Ang haba ng hair ni yawming!!! Taray! At bet na bet ko yung awayan at kiss the wall moment! Hahaha.
Tokio Hotel said…
wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh akala ko un n aung moment namin sa beachhhh... paasa ka author... bwhahahahahhahahha.. hindi pa mag boyfriend panay n ang kiss wahhhhhhhhhh nakakarami n si fafa hinaro..... heheheheh
kiz said…
haha. ang lupet ng reuniom mg carpet at damit. hahahaha.. kakilig si Hinaro mag-alaga, ang sarap ng feeling ng ganun :"> ihhhh so sweeeeeeeeettt :D
OMGGGGGGGGG! BWAHAHAHAHAHHA! Kinilig ako letseeeeeeeeeee! MOOOOOOOOOREEEEEEEEE! At buti may extra dialogue si fafa geo ko. :"> I blush like no tomorrow! And infairness, nakakatawa ang awayan scene! bwahahahhaha! Ang taraaaay! Fafa Hinaroooooooo! Akin ka na lang din ha? BWAHAHAHHAHA!
Naiomi said…
EEEEEEEEEEEEEEEEEEEHHHHH! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH! Ang sarap magtatalon dahil sa sobran kilig! Grabe!!! Ang sweet ni Hinaro!!! Waaaaahhh! Tawa much ako sa awayan scene. next na pleassseeee!!! Ang gandaaaaaaaaa!!!! :))))))

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…