Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2 : I Bid For Miss Broker's Heart- Part 2






Manis anda tersenyumlah melengkapi saya. Aku seperti anda, Manis Zeth.  

                “Ah ano iyan. Panis ka daw…”

“Kasi walang kang pera pambili ng melange coffee…”

“Para maging masaya. Panis ka daw Zeth!”

Pinagpasapasahan nina Victoria, Apple at Ann ang note na binigay ni Hinaro at ngayon ay pinagkakatuwaan ng mga ito. Tinawanan ng mga ito ang napagkatuwaang translation. Pero si Zeth, wala roon ang atensyon.

                “Mga adik kayo,” not enough energy niyang buska sa mga ito.

                “Ba’t ganyan ka? May sakit ka?” tanong ni Victoria.

                Umiling lang siya.

                “Natalo ka sa bid?” tanong ni Apple.

                Umiling lang uli siya.

                “Natatae ka?” Napangiwi silang lahat.

                “Yak naman, Ann!” buska niya.  “Depress ako!”

                “Dahil di mo maintindihan ang elyen message ni Hinaro?” tanong ni Apple. “Madali lang iyan. I-google atin!” Agad nitong inilabas ang Iphone at hinanap sa Google Translate ang ibig sabihin ng Bahasa language na iyon.


                “Hindi naman yon e. Iyong buntot ko, nawawala.” Hawak-hawak niya ng dalawang kamay ang note na binigay ni Hinaro kasama ng stemmed rose.   Dahil sa pagkawala ng lucky charm cellphone chain niyang  mukhang buntot ng Persian cat, naisantabi niya tuloy ang pagkakilig sa pa-sweet ni  Hinaro. Ni hindi naisip na mag-google translate. Mahahanap ko ba buntot ko pag nag-google ako?

                “Kelan ka pa naging sirena, Ma. Suzette?” patawang hirit ni Apple. “Akala ko ba pusa ka?”

                “Gawin kaya kitang Apple Pie?” pakli niya. “May buntot din ang pusa!”

                “Sure, basta si Rover lang ang kakagat sa akin!” tukoy nito sa asawa nitong member ng isang sikat na banda.

                “Hanglandeeeeyyyy!” korong tugon nila.

                “Eh kelan ka nga ba naging sirena? Bakit di kami invited during inauguration?”  tanong ni Ann.

                “Eh kung gawing sushi ko iyang papable Hiroshi oh so fine mo?”

                Nag-peace sign si Ann.

                “Alam mo Zeth—”

                “Sige humirit ka rin Victoria at gagawin kong buko salad ang future hubby mo!” Inunahan na  niya ito. Sigurado naman siyang uulitin lang nito ang inihirit ng dalawa.

                “Di naman iyon ang sasabihin ko ah.“ Tumawa ang mga ito.  

                “Waaaaaahh!” She screamed. “Hindi nyo ako nauunawaan. Ang buntot ko, iyon ang swerte ko! Gumanda ang career ko, pati kutis ko, pati hairline ko dahil sa buntot na iyon. Umapaw pa lalo iyong ganda ko hanggang sa gandang-ganda na kayong lahat sa akin.”

                “Kasinungalingan!”

                “Seriously, Zeth. Baka naman naiwan mo sa bahay ng boss mo iyon,” sambit ni Victoria.

                Umiling siya. “Nabaliktad ko na ang bahay ni Sir Migs. Wala talaga doon!”

                “Eh sa Senang Hati, nagtanong ka na ba?”

                Umiling siya. “Kung sa bar iyon nawala, malamang naitapon na iyon. Sino namang magkakainteres sa cell phone chain?”

                She sighed.

                Biglang tili naman ni Apple. “Sabi ni Google Translate: Your sweet smile completes me, sweet Yawming!”

                “Yawming?!”  reklamo niya.

                “Eh di ba pusa ka nga—“

                Pabirong hinila niya ang buhok nito. “Luka-luka ka talaga.”

                “I know right!”

                “Pero infairness sweet ang one-fourth Indonesian, three-forth Pinoy drummer boy!” hirit ni Victoria.

                She sighed. Your sweet smile completes me you face! Babaero ka naman. Hirit pa lang wapak na. But deep inside of her, she knew there’s kilig rushing in pero na-over power lang iyon ng pagiging problemado niya at depressed sa pagkawala ng kanyang buntot.  “Whatever! Mas importante ang buntot ko kesa sa lalaking iyon.”

                “Aba, himala. Ngayon ka lang ata nawalan ng amor sa mga fafaness. Malala ka na Yawming!” pambubuska ni Apple.

                “Hah! Pag nakita ko na ang buntot ko, kahit ako pa ang mang-akit sa Hinaro na iyon!”

                “True? Walang  stir?” tanong ni Victoria.

                “Oo!” sagot na lang niya para walang gulo. Mahirap ng palagi siyang napapagtripan ng kanyang mga kaibigan. Palibhasa, puro na mga taken.

                “Okay na-record ko ang statement mo. Anong gagawin namin sa’yo pag di ka tumupad?” nakangising hirit ni Ann.

                “Siopao-win!” bright idea ni Apple.

                “Ang sama mo talaga!” Binelatan niya ito.

                “Pag di ka tumupad, magpapabuffet ka,” sambit ni Ann.

                “Ay naku, magpapa-buffet lang ako kung may kasama tayong hunkilcious fafaness.”

                “Isasama namin ang aming mga fafaness!” hirit ni Victoria.

                Napangiwi siya. “Hindi! Magbu-buffet akong mag-isa.” Nagtawanan ang mga ito. “O kaya naman, iset up nyo ako kay Hinaro tapos iuuwi ko na siya. No return, no exchange—” Her phone rang. As usual, King Miguel was calling her in the middle of her day off. Heck-luban talaga ang boss kong ito.  “Yes Sir?”

                “Zeth, this is an emergency matter. Pumunta ka dito sa office. Now!” The call immediately   ended. Hindi man lang siya pinasagot kahit OK.

                Buwisit na buwisit na tumayo na siya.  Buti na lang at tapos na silang magkape nang tawagan siya ng boss niya. “Pinapatawag ako sa opisina. Babu!”

               
                PARANG PUSANG di mapakali si Zeth habang nagpapauli-uli siya sa loob ng opisina ng kanyang boss. Nagbabasakali siyang baka doon nalaglag ang kanyang buntot.

                “Zeth, will you kindly stay put in one place? Nahihilo na ako sa’yo!” sita ni Sir Miguel.

                “Sir, iyong buntot ko, di mo ba talaga nakita?”

                “Kung nakita ko, binigay ko na sa’yo. Come on, it’s just a cellphone accessory. Umupo ka dito at may sasabihin akong importante.”

                Napakamot siya sa ulo sabay upo sa visitor’s chair. Binalingan niya ang boss. Higit sa limang taon na siya sa MC Securities and Equities, Inc. He wasn’t the nice boss outside. Heartless ang tingin ng marami sa kanya. Oo, may ganong pagkatao ang boss niya ito but she still believe that this guy has a soft heart. Marunong itong mag-alaga ng employees. Sagana sila sa incentives, commission and bonuses. Kaya kahit parang martial law araw-araw, maraming empleyado ng MC ang doon na tumanda, doon na nagkaasawa, doon na nagtrabaho ng matagal.

                Her boss looked sad.

                “Sir, nabasted ka ba?”

                “Sa lahat ng biro mo iyan na ang pinakahindi nakakatawa,” buska nito. “I hate to admit this but I’m quite sure, I’m going to miss you.”

                “Sir, bata ka pa para mag-retire.”

                “Hindi ako magre-retire. Ikaw ang aalis na ang MC.”

                Napamulagat siya. “What?” May nagawa pa akong ka-evict evict?

                “Simula bukas, hindi ka na stock broker, Zeth.” He offered his hands to her. “I’m promoting you as an investment consultant. For the mean time, mawawala ka muna sa MC. You’re going to undergo intensive training under my friend’s firm, Losin Investment Consultancy. Mr. Hinaro Losin will train you personally. Congrats.”

                Napamulagat siya sa excitement. “Walang halong joke iyan, Sir Migs?”

                Pinagtaasan siya nito ng kilay. “Kelan mo ba ako narinig nag-joke?”

                Napangiwi siya. Never pa nga.  Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng boss niya. “Salamat Sir sa lahat ng tinuro mo sa akin.” Halos maiyak siya sa tuwa. Promoted na siya at higit sa lahat isang fafaness pa ang magte-train sa kanya. Bongga ang kagandahan ko today. Kahit nawala ang lucky cell phone chain niya, may good news namang kapalit.

                “Wag ka munang mag-emo. Babalik ka pa dito,” seryosong sambit nito. “And you will be my firs investment consultant.”

                Napangiwi uli siya. Kahit kelan talaga basag trip itong boss niya. “Sabi ko nga, Sir.” Tumayo na siya. Papalabas na siya ng office nang may maisip siyang kalokahan. Binalikan niya ang boss na abala na sa pagbabasa ng paperworks. Niyakap niya ito. “Thank you Sir talaga as in super thank you so much! Thank—”

                “Get off me! Baka makita ka ng asawa ko, malilintikan tayo pareho.”

                Nagulat siya. “Sir, may asawa ka pala.”

                “As my loyal employee, I expect you to shut up your mouth okay?” She nodded.

                Pero humabol pa siya ng isang yakap dito sabay takbo. “Masaya ako Sir na may naging asawa ka rin pala.”

                Akmang babatuhin siya nito ng paperweight nang mag-peace sign siya. “You should behave when you’re with Hinaro. And take care.”

                “Yes, Sir.”

                Nangingiting lumabas siya sa office ng boss. Finally, pansamantalang mawawala siya sa galamay ng Hitler boss niya. At bukas na bukas din, nasa galamay na siya ni Fafa Hinaro.
               

                MATAMANG naglalakad si Hinaro sa hallway papunta sa bagong bili niyang condo unit. Katatapos lamang ng gig ng Karisma Band sa Senang Hati at dahil pagod na pagod na siya sa maghapong office work at gig pagkatapos, minabuti niyang sa condo  na lang muna siya uuwi sa unang pagkakataon. Mas malapit kasi iyon sa Senang Hati kesa sa bahay ng magulang niya. Alas-singko na ng umaga. Maggigisingan na ang mga tao pero siya, wala pang tulog. Gonna be late in my own office again. Iyon ng advantage ng big boss. Walang sisigaw sa kanya o magbababa ng memo kung pumasok man siya sa trabaho ng  tanghali.

                Hinilot niya ang braso.  Alas-kwatro na natapos ang gig at inabot pa sila ng siyam-siyam sa Senang Hati dahil sa mga fans na nagpa-picture, nagpa-autograph, yumakap at humalik sa kanila. Bilang isang celebrity icon, wala silang karapatang tanggihan ang mga fans. Hindi rin pwedeng basta na lang mag-excuse. Kaya kahit pagod na pagod at nananakit na ang braso niya sa napakaraming songs na itnugtog ng banda, tiis na pinagbigyan niya ang mga fans niya. After all, without those freaking screams, I love you’s and wedding proposals from bunches of ladies, Karisma Band would never be in success. Napailing siya. Bakit nga ba ako naging celebrity? Being one was not really part of his life plan. It just happened when his co-band mate, Hamiel created the band and won a reality talent show contest. 
                Finally he reached the door of his unit. Bubuksan na sana niya ang pinto nang biglang may umeksenang Persian-Siamese cat sa paanan niya. The cat was a bit big with fluffy fur and cute face. Umikot ang pusa sa palibot niya at sumingit sa pagitan ng kanyang mga paa. Naglalambing sabay, ngiyaaawwww.  Natuwa siya sa pusa. Kaya yumuko siya at hinaplos iyon. Ngumiyaw lang ang pusa na pawang sinabing gusto nito ang ginagawa niya.  He then tried to carry the cat. Mukhang hindi naman iyon mailap. Nakita niya ang ID tag na nakasabit sa leeg nito.

                “Ah, cute cat, so you’re Ethan. I’m Hinaro the pogi.”  He softly laughed. Iba talaga ang tama sa kanya ng puyat at pati pusa pinapatulan na niyang kausapin. Binuhat niya nang mabuti ang pusa. “Now, Ethan, where you came from?”  Nilingon niya ang kahabaan ng hallway. Apat na pinto ang kasalo ng unit niya sa floor na iyon. The cat just answered with soft meow sound.  Hinawakan niya ang ID tag nito.

                Natigilan siya sa nakita. That woman again, his unfortunate fortunate so called destiny, appeared on his vision.  She was sleeping in bed with another cat beside her. So, she’s living in this place? He suddenly became excited for no reason at all. Gumawa na siya ng paraan para makasama niya at makilala si Suzette.  He asked a little favor from a business friend. Ito lamang ang paraan naisip niya para patunayan sa sariling walang espesyal na dahilan kung bakit tila naakit siya sa babaeng iyon kahit wala itong gawin. But he never thought that faith will bring her closer to him. Why this thing happening?  Naalala niya ang kinuwento ng kanyang ama tungkol sa magiging destiny nilang magkapatid. His father had a dream about him.  His Dad saw him in a church wearing a pair of white tuxedo, standing near the altar and waiting for his bride to walk down the aisle to marry him. Hinaro found it funny. Wala talaga siyang planong mag-asawa. So ano itong babaeng ito?

                Naiwan sa ere ang tanong niya ng walang sagot.  Pinilit nalang niyang hulaan kung alin sa natitirang pinto ang bahay ni Suzette. Pero hindi pa man niya natutukoy ay bumukas ang pinto sa tabi ng unit niya.

                “Ethan! Nasaan ka na naman?—”

                Nagkatinginan sila ni Suzette. Natigilan ito at napanganga nang makita siya. He smelled the fresh bath scent of her. Gulo-gulo ang basa pa nitong buhok. And damn she’s just wearing sexy lingerie.

                “Ah—” Di pa siya nakakapagsalita ay agad nitong isinara ang pinto. Damn! Na-shock ata itong makita siya. He knocked on the door. “Hey, it’s that your style of greeting your new boss, ‘good morning’? Slamming door in front of my face?”

                Nagulat siya nang bigla itong sumigaw. “Waaaaaahhh, bakit ka ba andito? Sandali lang! Five minutes, magsusuklay lang ako. Waaaaahhh, my beauty is not prepared!”

                Napatawa siya and that’s extra-ordinary. Sa mga sandaling iyon, dapat ay nababadtrip na siya. Ayaw niya ng babaeng maingay. Iyon din ang dahilan kung bakit nag-aaway sila ng kakambal niya. Pala-tili kasi si Laina lalo na pag nakakakita ng gwapo. But with Zeth, he was giving her an instant excuse. And why am I thnking that she’s really so  cute screaming that way?
 


                  NATATARANTANG nagsuklay ng buhok si Zeth habang naghahagilap ng bathrobe. Kung bakit naman kasi na sa dami-dami ng taong makikita niya sa ganoong kaagang oras e talaga si Hinaro pa. Si Lord naman, agad-agad! Oo na, inamin na niya sa sarili na kahit “off” si Hinaro sa isip niya, may part pa rin ng puso niya ang tila may sariling isip na hangaan ang binata. Kaya naman maaga siyang gumising kahit 1pm pa ang schedule niya dito. Gusto niyang mag-ayos at magpaganda para sa muling paghaharap nila. Pero anak ng hair brush! Bakit kailangan niya akong makita habang sabog ang aking buhok?

                Dali-dali niyang inayos ang sarili at muling tumakbo sa pinto. Bumuntong hininga siya at nakangiting binuksan niya ang pinto. “G-good—” Wala ng tao. Anak ng! Minumulto ba ako? Pero nakita ko talaga siya at buhat niya si Ethan!

                Ngiyaw ni Ethan ang nagpatunay sa kanyang di siya nananaginip o minumulto. Deadma sa beauty niyang pumasok sa loob ng bahay niya ang alagang pusa. Isasara na lang sana niya ang pinto nang bumukas ang pinto sa katabing unit. Lumabas doon si Hinaro, dashing in his sando and simple shorts. Ngunit hindi sa mukha nito nor sa abs nito siya napatingin kundi sa hawak nito.

                “Uy! Ang buntot ko!” bulalas niya.                  

                Nakangiting iniabot  nito sa kanya ang kanyang cell phone chain. “I know it’s yours. Ibabalik ko sana iyan sa’yo pag nagkita na tayo for your first day of training with me. Kaso, naisip ko since nakita na kita, ibabalik ko na. Napulot ko sa Senang Hati iyan. I know it’s very important sa’yo kaya tina—”

                Di na niya ito pinatapos. Tuwang- tuwa niya itong niyakap. “Salamat! Super Salamat! Super duper salamat! Nawala ang ganda ko dahil sa pagkawala nito! Thank you!” At sobrang pagka-carried away ay bigla niya itong nahalikan sa pisngi. Natigilan siya kasabay nang biglang pagkislot ng puso niya. Nagkatinginan silang dalawa ni Hinaro. Tila maging ito ay natigilan. Hanggang sa para silang napaso sa isa’t isa, bigla silang nagbitaw at dumistansya sabay tingin sa magkaibang direction.

                Ngunit makailang segundo lang ay sabay silang napasulyap uli sa isa’t isa. At dahil parehong caught in the act ay nag-iwasan uli sila ng tingin. Hanggang sa maisip ni Zeth na para na silang timang kaya napatawa siya. Eventually, she heard him laughing with her too. Aww , so cute… so fafable!

                Muli silang nagkatinginan. Parehong may mga ngiti sa kanilang mga labi.

                “Ah, p-paano mo nga pala nalaman na sa akin ito at mahalaga ito sa akin?”  sambit niya.

                “I saw it in a vision,” kampanteng sagot nito.

                “Ha?” Vision? Isa ka bang modern day prophet Hinaro?

                He looked straightly to her eyes. “This may sound weird but I’m Clairvoyant.  I can see some vision sometimes. Nakita na rin kita sa isang vision ko bago pa kita makilala.”

                Nagpatangu-tango siya. “Ah, psychic. Marunong kang manghula?” He nodded. Wow astig! She offered her right palm. “Hulaan mo nga ako. Sinong makakatuluyan ko? Iyong magiging asawa ko?” 

                Hindi siya masyadong mapaniwala sa hula. Ang gusto lang niya ay maramdaman muli ang palad nito habang hawak ang kamay niya. Iyan ang tinatawag na para-paraan! Agad namang hinawakan ng mainit nitong mga kamay ang palad niya. A strange thrilling current rushed her veins as he concentrated on reading her palm life lines. He paused, breathed, then intently gazed at her. Maingat na binitawan nito ang kamay niya.

                “Sweet Zeth, the one destined for you is the first guy you kissed.”

                Na-thrill siya sa sinabi nito. Napaisip din siya. First guy I kissed?  I haven’t kiss anybo—Hohemji! I just kissed Hinaro few minutes ago! Hohemji! My glamorous beauty! Dumoble ang kaba sa puso niya. Pasimpleng inalog niya ang ulo. Si Hinaro? Magiging asawa ko siya? Yeah, right. Iyon ay kung di na siya magiging babaero.

                “That’s enough for the mean time. Wala pa akong tulog and you have to take some morning rituals perhaps. See you later!”  Papasok na ito sa unit nito nang pigilan niya.

                “Ah, iyong kanina thank you kiss lang iyon. Thank you uli ha,” sambit niya.  Papasok na rin sana siya sa sariling unit nang tawagin siya nito. Paglingon niya ay isang sweet kiss sa cheeks ang sumalubong sa kanya. Ayeeeee!

                Hinaro curved his lips for a sweet smile. “That’s a… hmmm, you’re welcome kiss.” He winked. Then he entered his unit and closed the door.

                Naiwan siyang tulala at nganga lang sa sobrang kilig.



                “READY?”
                Tinanggap ni Zeth ang ini-offer na kamay ni Hinaro. Kasalukuyan silang nasa isang international cruise ship. Dadalo sila sa isang birthday party kung saan nagkalat ang mga businessmen and women. Ilang linggo na nang magsimula siyang mag-training with Hinaro. Na-develop lalo ang paghanga niya sa binata nang maging saksi siya sa sipag nito at galing sa  trabaho.

                Ilang linggo pa lang pero napakarami na niyang natutunan mula rito. Iyon nga lang, saksi din siya sa pagiging super close nito sa mga babae. Minsan niyang tinanong ito sa pagiging babaero nito at sinabi lang nitong hindi daw ito babaero. Super close lang daw ito sa mga babae. Hindi na siya nakipagtalo kahit na alam niyang walang pinagkaiba ang babaero sa super close sa mga babae. 

                Dashing with her gold and white evening gown paired up with cream-colored wedge shoes, she stood beside Hinaro. He’s wearing gray colored three-piece suit. Iniangkla nito ang kamay niya sa braso nito.

                “Investments are not just about analysis of sources and developing strategies to get a deal. It sometimes has to be with a little drama. You have to be a good player. Tonight, we’re going to target investors for Senang Hati. Treat this as a training ground.” Binalingan siya nito. “Tonight, you will be my supportive significant other. Okay?”  She nodded. Nawalan na naman siya ng sasabihin. Having him that close was something that can easily threw her sanity to somewhere. “We own each other tonight. Keep that in mind.”

                “So kapag may lumpait sa’yo na socialite na nagpi-feeling na maganda pero mas maganda naman talaga ako, pwede ko siyang ilayo sa’yo?”  She grinned.

                Nabalitaan niyang nasa party na iyon din ang socialite na muntik nang umagaw sa asawa ng kaibigan niyang si Apple.  Lumalandi din iyon kay Hinaro according to tabloid articles. But Hinaro just ignored that socialite when they had a dinner in a first class restaurant last week.   O mas magandang sabihin, iniwasan talaga ito ni Hinaro dahil noong araw na iyon ay agad na nagyaya ng umalis si Hinaro nag makita ang babaeng iyon.

                Napakamot iito sa batok. “Tungkol na naman ba ito sa pagiging babaero ko daw?” tanong nito.

                “Hindi. Baka lang kasi magsilapitan lahat ng super close friends mo at makalimutan mo ako.”

                He just touched her nose, letting her know how hypnotizing the scent of his perfume in his hands was. Ang bango mo naman Fafa Hinaro! “As I said, I’m yours.  It will never happen. Kumapit ka sa akin lagi para di nila ako lapitan.”   

                She smiled. Somehow, she liked the idea. Pumasok na sila sa loob ng bonggang function hall. Pakiramdam ni Suzette, isa siyang prinsesa nang maglakad sila sa aisle. Maraming taong nakatingin sa kanila, well kay Hinaro naman sila nakatingin talaga at nadadamay lang siya, pero… walang basagan ng trip.  Sa gabing iyon, isa siyang prinsesa at nasa tabi niya ang kanyang prince charming.

                Sa sumunod na oras ay iba’t ibang tao ang nakausap nila. So far, dalawa na ang nakukuha nilang investors para sa Senang Hati. Marami siyang natutunan sa paraan ni Hinaro na makapag-deal. No wonder he became one of the best names in the industry of investment consultancy.

                Kasalukuyang nasa isang mesa sila kasama ang mga potential investors na karamihan ay mga karay na asawa. Kaya naman itong si Hinaro  kuntodo ang pagpapa-sweet sa kanya. Ikinuha siya nito ng pagkain kanina at inasikaso siyang mabuti. Kung di lang niya alam na kasama sa “play” ang ginagawa nito e baka nagtatalon na siya sa kilig. 

                She felt she’s not yet full yet. Sayang ang buffet! Maka-round two nga. “Excuse me for a while. I just get some dessert,” paalam niya sa grupo.

                “Sweet, ako na lang.” Agad na tumayo si Hinaro pero humindi siya.

                “Ako na…” Ano bang magandang endearment? “Ako na, heart. Just continue your discussion.”

                “Are you sure?” tanong nito.

                “Of course, I can manage. Ikukuha na rin kita.”

                “Okay, ingat ka ha.”

                She just smiled. Bago siya makalayo sa mesa ay narinig pa niya ang  comment ng mga investors. “You two really look good together. You’ve got a nice girlfriend, man.”

                “Yeah, she’s awesome. Beautifully awesome,” pagsang-ayon ni Hinaro sa prospect investor.

                Napangiti na lang siya.  Alam ko talaga e, ang ganda–ganda ko talaga. Nabasag lang ang saya niya nang makita niya ang socialite na nakatayo sa may buffet table at masama ang tingin sa kanya. Nakasuot  ng eksaheradang gown matching a super-high heels si Crisha Bileno, the socialite. Eksaherada din ang make up nito na parang walang bukas. This so so…very cheap socialite seemed really has an eye for Hinaro. Naalala niya ang sinabi ng kanyang “Heart.”  Hinaro  is mine! Di mo siya maaagaw.   Mission failed ka forever!  Mabilis siyang na-highblood nang maalala niya kung paano umiyak ang kanyang kaibigan dahil sa kagagahan ng socialite na ito. Apple was not a crying baby until this woman interferred few months after Apple’s marriage.   

                 Pigil na pigil niya ang sariling buhatin ang chocolate fountain at ipanligo sa babaeng ito nang makarating siya sa buffet table. Inabala niya ang sarili sa pagkuha ng desserts.  Kumukuha siya sa French crème brulee na may strawberries sa ibabaw nang lapitan siya ni Crisha.

                “So ikaw pala ang bagong babae niya?”

                Pinigilan niya ang sariling saksakin ito ng tong. Para magawa iyon ay ginamit na lang niya ang tong para kumuha ng muffins. “I know nothing about what you are saying. If you are born to be a slut, don’t blame the fault to other women.” Inihanda niya ng sarili. Sa pang-iinsulto niya malamang na pisikal ang igaganti nito kaya kahit tapos na siyang dumampot ng muffins ay di pa niya binibitawan ang  tong. Pero siya ang nagulat nang walang violent reactions itong si Crisha.

                “You say I am what? You, how about you? You are not good for him.  You are just a favor of the mat!”

                Napangiwi si Suzette. Ay isa’t kalahati palang anga ito eh.  Natawa na lang tuloy siya nang balingan niya ito.  “You are really despicable.” She rolled her eyes. Ibinaba na niya ang tong.   I bet, di mo nagets! Sa isip  niya ay pinagtatawanan na niya ito. Tamang ganti lang para sa kaibigan niya. “Excuse me.” Babalik na sana siya sa pwesto nang hilahin nito ang buhok niya.  

                “Wag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita!”

                “Wala akong pakialam sa’yo!” Nakawala siya dito. Ipinatong niya sa buffet table ang hawak na pinggan. Saktong may dumaan waiter. Dinampot niya ang red wine at ibinuhos ang wine sa damit nitong eksaheradang dilaw ang kulay. Isinaboy niya sa mukha nito ang last spill.  “Para iyan sa kaibigan ko at para sa akin. Wag na wag kong makikitang lumalapit ka kay Hinaro kundi isang barrel ng red wine ang ipapaligo ko sa’yo!”

                “Pack you!”  Kinaladkad na ito ng security palayo sa kanya.

                “Wrong spelling ka!”

                Doon lang niya napansing  nakatingin  sa kanya ang karamihan ng mga tao roon. Nakaramdam na siya ng pagkahiya kahit na ang ilan sa mga iyon ay sumesenyas sa kanya na okay lang ang ginawa niya.

                On cue nasa tabi na niya si Hinaro. Nag-aalalang hinaplos nito ang kanyang  mukha. “Nasaktan ka ba?” Niyakap siya nito. “I’m sorry, Sweet Zeth.”

                 Walang naging kwenta ang pa-sweet na iyon ni Hinaro dahil na-highblood na siya. Nagpumiglas siya dito. “Lalabas muna ako. At wag na wag kang susunod kung ayaw mo ring mapaliguan ng red wine!”

                Natigilan ito sa sinabi niya. Kinuha niya ang chance na iyon para lumabas ng function hall. Pumunta siya sa deck na kokonti ang mga  tumatambay na tao. Kailangan niya ang relaxing ambiance na iyon para pakalmahin ang sarili. The last thing she said on Crisha was just something that slipped off her tongue! Pero ang pagkakasabi niya noon ang nagbukas sa kanya ng realization. Yeah, she might be falling in love with Hinaro already at gusto niyang maging totoo ang play. She really wanted him to be her heart while she will always be his one and only sweet.

                Na-distract ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang isang lalaking kumakanta.

                “I’m staring at a broken door. There’s nothing left here anymore. My room is cold, it’s making me insane. I’ve been waitin’ here so long. Another moment seems to have come. I see the dark clouds comin’ up again…”

                Hindi siya pwedeng magkamali. That voice, that live voice singing Monsoon was owned by the Tokio Hotel guy himself. Nagpalinga-linga siya. At eksaheradang na-excite siya habang kinukurot niya ang sarili. Hohemji! Si Bill Kaulitz! Nasa harapan ko si Bill Kaulitz!

                Naglalakad palapit sa direction niya ang hinahangaang German singer slash song writer. He was singing his own song.  “Running through the monsoon. Beyond the world ‘til the end of time. Where the rain won’t hurt, fighting the storm into the blue.”

                Literal na nganga lang siya nang dumaan ito sa harap niya.  Hohemji! Hohemjiiiii! Gusto niya sanang magtitili o kaya eksaheradang magtatalon. Pinigilan lang niya ang sarili dahil baka sa halip na  pagbigyan siya ni Bill na makapagpa-autograph e matakot pa ang German singer at akalaing baliw siya.  Teka autograph!  

                Ilang metro na ang layo ni Bill sa kanya kaya tinakbo niya ito kahit naka-gown siya. “Hey, Bill, wait!”  Huminto nga ito at nilingon siya. Wuuu! Thank you Lord! “Sie sind Bill Kaulitz rechts?” Agad niyang tinanong kung si Bill nga ba ito.  Nag-aral siya ng German language para sa Tokyo Hotel. Greatest dream niya kasing makita sa personal ang myembro ng bandang iyon lalo na si Bill.

                The star nodded. Kinilig naman siya. “Ja,”  pag-oo nito.

                “I’m a big fan. Kann ich die Autogramm?”  Humingi siya ng autograph.

                “OK.”
                Agad-agad na kinuha niya ang panyo na may printed picture ni Bill. Agad namang pinirmahan nito ang panyo at nakangiting ibinalik sa kanya. Ayeeeeee! I wanna faint!  Nagpa-picture na rin siya. “Danke! Danke!” pasasalamat niya.

                “Bitte.”  You’re welcome daw sabi niya. Waaaah, I love you too, Fafa Bill.

                Papaalis na ito nang humirit pa siya. “Last one, can I hug and kiss you?”

                The German singer just nodded. Pa-demure na niyakap niya ito at humalik siya sa pisngi nito. Sulit na ang gabi niya. Nabura na rin ang pagkabadtrip at pagka-highblood niya. “Danke, Bill! Auf Wiedersehen!”  Nagpasalamat siya at nag-good bye.

                Inihatid niya ito ng tingin habang ang pinirmahan nitong panyo ay hawak-hawak niya at OA na nakalagay pa sa kanyang puso. Oh Bill, my fafa Bill! Ayeeee! She just couldn’t believe it. Sino ba namang mag-aakalang makakasama niya sa isang sosyal na cruise ang sikat na Tokio Hotel singer na ilang taon niyang hinangaan at ilang taon niyang hinangad na makita ng personal. She got even more than seeing him in person. Nakausap, nakakuha ng autograph, nakapagpa-picture, nakayakap at naka-kiss pa siya.

                Then she remembered the man behind that wonderful chance. Mahalikan nga uli si Hinaro!

                On cue, bigla na lang lumitaw sa tabi niya si Hinaro. “I’m really sorry, Zeth. I don’t know how will I ever make it up with  you—”

                Hinalikan niya ito sa pisngi. “Wag mo ng intinidhin iyon! Ikaw talaga, wala na iyon sa akin. Sorry din at nasigawan kita.”

                Natutulalang binalingan siya nito. “What’s the kiss for now?”

                Tumili siya sabay yakap dito. “Super thank you, sinama mo ako dito! As in super thank you!”

                “Huh? Bakit? Ano bang nangyari? Hindi na mainit ulo mo?”

                “Hindi na!” Parang baliw na tumingin siya sa langit at nag-day dream. “Nakita ko na rin siya sa wakas! Dahil sa’yo Hinaro, nakita ko siya, nayakap, nahalikan sa pisngi!”

                “Who the hell was that?” kunot noong tanong nito na animo’y di nagustuhan ang sinabi niya.

                Pinagtaasan niya ito ng kilay nang tila bigla itong nagtaas ng boses. “Ay ano ka ba, Hinaro! Si Bill! Bill Kaulitz! Nakita ko siya, nakapagpa-autograph ako, nakapagpa-picture!” Pinakita niya dito ang nakuhang pictures nila ni Fafa Bill. “Nayakap ko  siya at nahalikan ko sa pis—uy saan ka pupunta?”

              Basta na lang ito naglakad palayo sa kanya. “Hindi ko kilala iyang sinasabi mo. Kung sino man siya, di kayo bagay!”  hirit pa nito habang naglalakad palayo.

              “Anong nangyari do’n?” tanong niya sa sarili. Nagkibit-balikat na lang siya. Binalingan na lang niya ang picture nila ni Bill sa camera niya. “Ay ang gwapo mo talaga at ang ganda ko!”  Pero gwapo din si Hinaro. Bakit ba nag-walkout iyon? Nagselos? Charotera!



PREVIOUS                                                            NEXT

Comments

haffle :)) said…
Hahahahaha! Grabe, walang halong kaplastikan yung banatan namin. Totoong totoo! Wahahahaha. Di na ko kokontra kay yawming, moment niya to eh. Hahaha. Next!
Sige na nga. pagbibigyan ko na rin si Baby Zette, yaaaaaawming. BWAHAHAHHA! At infairness, cutie ni Hinaro kapag nagseselos! MOooooooore! Hahahahahha! Infairness kinikilig ako! Akala ko ako ang bida eh. :P
Tokio Hotel said…
ts.. tskk.. tskkkk... talgang si apletsssss ang bumabanggit ng buong name ko.....at wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh nakiss ko at nayakap si fafa bill sorry fafa hinaro si bill un eh.... may long lost husband.... bwahahahahaahha... wahhhh to the highest level... ang kontrabida i like it.......... bwahahahaah
kiz said…
bongga!! hahaha. :)) nd ako makaget-over sa wrong spelling! haha. kilig :) ang cute ng guy tlga pag nagseselos :">
Naiomi said…
Bongganess! nandito pa si Bill kaulitz talaga. hahahahaha :D Dami kong tawa sa wrong spelling.pero madami ang kilig na naramdaman ko! Hahaha! nagseselos si Hinaro! hahaha ang cute :D Next pleassssseeeee!!! ;)

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…