Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Marry Me, Cielo- Part 3




Another Senang Hati night. Sa Senang Hati nauwi si Danica matapos siyang gulatin ni Cielo sa pagsasabi nitong magpapakasal sila. Buntis nga ang aso nito na napagkamalan pala ng media na siya. Cielo made sure he would fix the false issue. Ito na daw ang magsasabi sa media tungkol sa pagbubuntis ng aso nito na walang kinalaman sa kanya.  But she doubted it. Mukha ngang wala itong balak ayusin at lahat at panindigan na lang na ikakasal sila. Papakasalan kaya talaga ako ng umag na ito? She was watching Cielo attentively while he was performing with Karisma Band.

               Puno ng kiligan moments ang Senang Hati nang gabing iyon. Mathew just proposed to Sophia, her sponsor of shoe wear. Finally,  may nabuong love story na naman sa Senang Hati. Miraculous Senang Hati, how about my Cielo baby and me? Gusto na rin niyang maging totohanan na lang kanilang love story. Give up na siyang mag-pretend na nang-aasar lang siya. Eh sa totoo namang bet na bet ko si Cielo, anong magagawa ko?

Nabalik sa stage ang atensyon niya nang umeksena na si Cielo. “O tapos na si Mathew beybeh. Ako naman. Itong song na ito, iaalay ko sa ‘yo kasi alam mo namang mahal na mahal talaga kita. Patay na patay nga ako sa’yo e,” eksaheradang sambit ni Cielo na halatang napipilitang sabihin ang mga linyang iyon. “Danica, kung saan ka man naroon—”


                “Oy, panget buhay pa ako! Kung makasalita ka diyan!” she shouted.

                Nilingon siya nito. “Oh di mabuti, maririnig mo pa ang iaalay ko sa’yong kanta.” Nagseryoso si Cielo waring pinaghandaan ang mga sasabihin. “Danica, this song is for you…Pusong Bato!”

                The crowd burst with laughters.  Pati si Danica ay di alam kung ano ang uunahin. Ang tumawa o batuhin ito ng scented candle na nananahimik sa mesa niya.

Lalo pang umugong ang tawanan nang pabirong nagsialisan sa stage ang mga kabanda nito. “Oy saan kayo pupunta? Kakanta pa ako!          

“Mag-isa ka diyan!” sagot ni Hamiel na lalong nagpatawa sa crowd.   
           
        But few seconds more nagsibalikan din sa kani-kanilang pwesto ang mga members ng Karisma Band. Even Mathew joined them again.
       
         “Kidding aside, this is really for you Danica and to all our loveteam fans.” The crowd cheered. “Actually, I have an important announcement. We’re getting married.”

                Muntik na siyang malaglag sa pagkakaupo. Talagang may public announcement? So this is for real? Can I faint now? Andaming pumapasok sa ulo ni Danica. Even she can’t believe that he was serious with that thing. Marrying me without even asking me or telling me that you love me? Siraulo ka talaga Cielo! Kung siya nga ay di makapaniwala, ang ibang tao pa kaya? Kitang-kita ang tinginan ng mga kabanda nito waring nagulat din sa binalita ni Cielo.

                “Regarding that, I’m singing this song for you, Danica.”  Sinenyasan nito ang kabanda at nagsimula ng kumanta ng mellow rock song popularized by Train.

                “I wanna take you with me to life with no more yesterdays. We can start again awake and so excited. And change the way we always push. We always push... I’ll open up and be your parachute and I’ll never let you down. So open up and be my human angel and we’ll only hit the ground... running... running...”            

                Hindi na naalis ni Danica ang mata niya kay Cielo while he was singing a song for her. She was seeing the the loving side of Cielo. Iyong Cielo na naging kaibigan niya at ka-MU dati. Kung sana’y seryoso ito sa kinakanta nito sa kanya. That thing? She’s not sure of it. And how she wished she could be sure.

                “And when the world gets sharp and tries to cut you down to size and make you feel like giving in. Oh, I will stay, I will rain, I will wash the words and pain away and I will chase away the way we push...the way we pull... you’re beautiful...”

                Mukhang pati siya ay nababaliw na rin. Magpapakasal ba talaga sila o one day gigising siyang bigo at umasa lang pala sa wala?  Those promises from that song Parachute...will he do them all for her? Aasa ba siya? O dapat ngayon pa lang isuko na niya ang paghabol kay Cielo?

                He lovingly stared at her. His eyes were proposing to her, silently telling her how much he mean the song for her. Her heart skipped. Give in na siya. I love you so much Cielo...  I hope you do too.
                “And it feels like we might drop. It will stop so don’t look down. It wouldn’t be the same without you. This life is too good to give up on... I’ll open up and be your parachute and I’ll never let you down. So open up and be my human angel and we’ll only hit the ground... running... running...”     

                 

                “SIGURADO ka bang magpapakasal ka sa kanya?” tanong ni Christella.

                “Seryoso ba siya?”  tanong ni Mathew.

               “Kaya mo bang mabuhay kasama ang mga aso niya?” tanong ni Richael.

                “Naku, negative iyan. Kumalas ka na habang may oras pa,” komento ni Hamiel.

                “Alam mo Danica, mas bagay tayo. Tayo na lang,” sabat ni Hinaro.

                “May Suzette ka, Hinaro,” pakli ni Limien.

                “Meron ba? Pero Danica, masasaktan ka lang kay Cielo. Tama si Hamski, Kumalas ka na,” dugtong ni Hinaro.

                “Heh!  Ano ba kayo? Kilala ko ang pinsan ko. Sigurado akong...sablay ang magiging relasyon nyo,” hirit ni Limien.

                “Eh Malabo ka ding kausap, Mien e,” pakli ni Hamiel.

                “Ah basta, pag inapi ka ni Cielo, magsumbong ka lang sa amin. Ako ang dudurog sa kanya. Bwahahahaha,” hirit ni Danielle Ahne na umandar na naman ang pagka-man hater.

                “Dana, nakakatakot ka!” korong sambit nila.

                Kasalukuyan napapalibutan ng Karisma Band si Danica habang nasa loob sila ng Kofi Cups and Sweets, isa sa leading coffee shops ngayon sa bansa. Inanyayahan siya ng mga ito matapos ng mga nitong malaman na engaged na siya agad-agad kay Cielo dahil sa mistaken identity.

                “See? Siraulong wagas iyang kaibigan nyo di ba?” asar na sabat niya sa mga ito. “Bigla ko na lang nalaman na ikakasal na pala ako sa kanya and to make it worst, nagpapresscon na siya kahapon para i-announce ang kasal daw namin! He didn’t even bother to ask if I want to marry him.”

“Eh di ba iyon naman ang bet mo? Inoorasyunan mo pa nga ang picture niya.”

“Richael, alam mo namang isinusumpa ko siya noong araw na iyon at hindi ginagayuma!” hysterical na sagot niya.

“Wait a minute, do you love our friend?” tanong ni Hamiel.

“Do you want to marry him?” tanong ni Limien.

“Ewan ko,” alanganing tugon niya. “Kaka-I love you mwah mwah tsup tsup ko sa kanya sa show ko, somehow I just got used to it. Now that you’re asking, I’m not sure anymore.”

“Problema iyan, girl. Baka mamaya i-boycott niya ang kasal nyo. Naku, wag kang tutulad sa beauty ko. Sinasabi ko sa’yo napakasakit, kuya Hamski!” hirit ni Danielle Ahne.

“O bakit ako nadamay diyan?” apila ni Hamiel.

“Ikaw ang pinakamatanda e. Walang basagan ng trip!” tugon ni Dana.

“Danica, ano bang nakita mo do’n? Kuripot naman yon. Ilang beses ng pumapalo sa top list ng stock exchange ang stocks niya pero ni mentos, hindi iyon nambalato sa akin matapos ko siyang payamanin pa,” hirit ni Hinaro.

Napabuntong-hininga siya. “Hindi ko nga din alam kung anong sagot sa tanong mo e.” Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. “Anong gagawin ko?”

“Siguraduhin mo munang papakasalan ka nga at hindi pina-power trip lang,” suggest ni Christella.

“Paano naman?”

“Ikaw ang mag-propose!” korong suggestion ng lahat.

Napangiwi siya. “Okay lang kayo?” Nagsitanguan ang mga ito. “Paano?”

On cue, pumasok ng Kofi Cups ni Cielo. May dala itong bouquet of flowers. Agad silang nagkatinginang dalawa habang ang mga kasama niya ay kanya-kanya din ang pasimpleng pagsenyas sa kanya na lumapit siya kay Cielo.

Dumampot siya ng apple pie. “Malabo iyang suggestions nyo—” Nagulat na lang siya nang biglang mawala sa kamay niya ang kakagatin na sanang apple pie.

On snap nasa harap na niya si Cielo, kunot ang noo nang agawin nito ang apple pie sa kanya. He took a bite. “Mwawal eto sayo nya.”

“Ha?”

Tinapos nito ang pagnguya at paglunok ng pagkain. “Sabi ko bawal ito sayo ah. Gusto mo bang bumalik sa hospital?”

“Hindi.” She seductively smiled. Kiber kung napapaligiran siya ng mga katropa nito. Sawa na rin naman ang mga ito sa pang-aakit niya kay Cielo. “Alam mo naman ang gusto ko. Matamis mong oo lang at isang sweet kiss!” She pouted her lips.

                Iniabot lang nito ang bulaklak sa kanya. “I’m going to marry you. Ano pang problema mo doon?”

Antipatiko! Isang fake na ngiti ang iginanti nito sa kanya. “Aanhin ko ang pagpapakasal mo sa akin kung mukhang napipilitan ka lang at hindi mo masabing mahal mo ako.”

Natigilan ito, sa unang pagkakataon ay may nasabi siyang seryoso at may katuturan. When it comes to Cielo, mostly ay puro biro at pang-aasar lang ang nasasabi niya. But now, she was full-heartedly asking that serious thing. Wala naman talaga siyang gusto kundi ang marinig mula dito na totoong mahal siya nito at hindi lang siya nito papakasalan para tumaas ang ratings ng popularity niya at ng show niya na pino-produce nito.

Iniabot nito ang isang kahon sa kanya. “May tao bang napipilitang magpakasal na siya mismo ang nag-aayos ng kasal?  Take this. Chocolates ito pero walang artificial sugar and made out of natural sweets. Mas okay na iyan ang kainin mo kesa sa mga sweets dito na pwedeng magdala sayo pabalik ng hospital.” Tumalikod na ito at naglakad palabas ng Kofi Cups. Ngunit bago ito maka-exit ay huminto ito at binalingan siya. “May appointment tayo sa wedding coordinator bukas.” Then he continued walking.

Tumayo siya at tinawag ito. “Sandali, Cielo baby!” Huminto ito ngunit hindi man lang siya nilingon. “Kung seryoso kang pakasalan ako, bakit di ka nag-propose? O kahit tanungin man lang kung gusto kong magpakasal sayo?”

“Bakit ko itatanong ang bagay na alam ko na ang sagot?”

“Kung ayaw mong magtanong, ako na lang ang magtatanong. Mahal mo ba ako?”  He didn’t answer. Ni ang balingan siya ay hindi nito ginawa. Nasasaktan na siya. “Hindi mo masagot? Fine. Ibahin na lang natin ang sitwasyon. Di mo ako inalok ng kasal at sinabi mo lang. Ako, aalukin kita. Will you marry me, Cielo?”  

Katahimikan. Walang kumilos, walang umimik. Tila lahat ay hinihintay ang sagot ni Cielo. At ito, marahil ay nag-iisip ng isasagot. He just raised his hand and said, “Open the box.” At nagpatuloy itong lumabas ng coffee shop.

Disappointed enough, she felt her eyes filled with tears. “Iyang kaibigan nyo, masyadong harsh ha. Dahil ba nabasted ko siya dati kaya ganyan na siya ngayon? Sobra naman atang pagganti ito. Papakasalan ako kahit di ako mahal? Lifetime punishment?”

“Sabi na nga ba e.” Tumayo si Dana. “Makakatikim sa akin si Cielo!”

 Piniglan ni Mathew si Dana. “Hindi ka makakatulong okay?” Ito naman ang akmang aalis. “Ako ang susuntok—”

Pinigilan ito ni Hamiel. “Wag pare, isa ka pa e.” Nilapitan siya ni Hamiel. “Danica, mahal ka niya. Alam namin iyon dahil mga kaibigan niya kami.”

Umiling siya sabay hagip ng tissue na iniabot ni Hinaro. “Sa masabi nyo iyan? Fafa Hams, ang gusto ko sa kanya manggaling. Para alam ko naman kung totoo o hindi.”

“Danica, kilala ko ang pinsan ko. Hindi iyon aamin sayo,” sagot ni Limien.

“Tama!” sang-ayon ng lahat.

“He is a man full of ego. Hindi iyon gagawa ng act na kakain sa ego niya. Natapakan mo ego niya nang mabasted mo siya dati,” paliwanang ni Hinaro.

“Though ginawa din niya sayo ang ginawa mo sa kanya, hindi pa rin siya naging satisfied. Kasi hindi naman nabago iyong feelings niya sayo,” dagdag ni Christella.

“Mahal ka niya pero di niya iyon matanggap sa sarili niya,” hirit pa ni Hamiel. “Kaya hindi rin niya maamin sa’yo.”

“Siraulo siya!” sagot niya.

“Isang malaking check!” korong tugon ng mga ito. 

Nahinto na siya sa pag-iyak pero gusto pa rin niyang balibagin si Cielo. Ano bang mahirap sa amining mahal niya ako? Natapunan niya ng pansin ang box of chocolates na binigay nito. Tama bang open the box ang isagot sa akin e mas maikli naman don ang Yes?!

  Binuksan niya ang kahon. Natigilan siya nang makita niya ang laman. Letter-shaped chocolates with the letters YES. Naalala niya ang palagi niyang biro dito pag tinatanong siya nito kung ano ang gusto niya. Lagi niyang sinasabi na wala siyang gusto kundi ang matamis nitong oo. Her heart skipped. Cielo finally gave her the sweetest yes she was longing to have for years.

Walang anu-ano ay tumayo siya at dali-daling binitbit ang gamit niya pati ang bulaklak at chocolate box na bigay ni Cielo. Agad siyang lumabas ng Kofi Cups. 

“Saan ka pupunta?” tanong ni Hamiel.

“Hahabulin ko si Cielo. Bayeeee!”

Hindi siya nahirapan dahil paglabas  niya ng coffee shop ay agad na niyang nakita si Cielo. Nakatambay lang ito sa labas ng shop, marahil ay hinihintay siya. Pero nang makita siya nito  ay umiwas ito ng tingin sabay lakad papalayo.

“Cielo baby! Hanggang kelan mo ako tatakbuhan?”

Sinundan niya ito. Nang maabutan niya ito ay niyakap niya ito sa likod habang hawak sa magkabilang kamay ag flowers at chocolate box.

“Danica, ano ba?  Bitawan mo nga ako. Pa-PDA ka!” pagsusungit nito. But she knew him a lot better now. Defense mechanism lang nito ang ayawan at sungitan siya.

“Salamat sa matamis na YES, Cielo baby.” Nangingiting inihilig pa niya ang ulo sa likod nito.

“Move away! Nakakain ko ang flowers mo!” pagmamatigas pa rin nito.

“Naiintindihan na kita, Cielo baby. Okay lang na di mo pa masabing love na love mo ako at ikakamatay mo pag nawala ako sayo.”

“You’re out of your mind, Danica. Wala akong nararamdamang ganyan!” pagde-deny pa nito.

“Payag na akong magpakasal sa’yo. At promise, hindi mo iyon pagsisisihan.” Kumalas na siya sa pagkakayakap dito. Maglalakad na sana siya palayo dito nang hawakan nito ang kamay niya. She felt the strange yet familiar thrilling sensation in her system as she felt the warmth of his hand against hers. Napabaling tuloy siya dito.

Nagkatinginan uli sila. Akala niya ay magba-back off na naman ito at bibitawan ang kamay niya. But that didn’t happened. May kinuha ito sa bulsa. She was surprised when suddenly she saw him holding a ring.  

Isinuot nito ang singsing sa kamay niyang hawak nito. “That’s a reminder that you’re engaged to me.”

“Hindi ko naman nakakalimutan iyan, baka ikaw pa.”

“Oo nga, kausap ko sarili ko.”

“Huh?”

Hinila siya nito. “Ihahatid na kita.”

“Okay lang wag na. May kotse akong akin at naghihintay iyong driver ko.”

Tiningnan siya nito ng masama. “Ayaw mo akong kasama?”

She winked. “Anong ayaw? Gustong-gusto!”

“Then let’s go.”


 FIRST quality time nina Danica at Cielo bilang engaged couple. Matapos ang meeting nila with the wedding coordinator ay tumuloy sila sa condo niya. Wala roon si Richael dahil sinamahan nito sina Hamiel at Limien sa isang mall tour.  Nothing much for a simple date. All they have were food to eat and DVD’s to watch. Pang-third movie na ang pinapanood nila, isang horror Thai movie.

She was enjoying the movie so much. Mahilig siya sa horror film. “Cielo oh, nakapatong iyong mumu sa balikat niya. Astiggg!” Nakasandal siya sa headrest ng kama, nakahiga naman ito.

Wala siyang narinig na tugon mula dito kaya nilingon niya ito. She sighed. Cielo was sleeping like a baby beside her. Marahil ay napagod na rin ito sa dami ng ginagawa nito araw-araw. Aside from being a celebrity, he was handling the Pontez Media Productions and Pontez Vision. Wawa naman ang Cielo baby ko, pagod na pagod.

Kinuha niya ang remote control at pinatay ang tv. Mas magandang panoorin ang binatang mahimbing na natutulog sa tabi niya kesa sa babaeng nagmumulto at sumasakay sa balikat ng ex niya. Habang pinapanood niya ang pagtulog nito ay bigla itong nagising at umubo nang umubo.

“Cielo...”

She gently tapped his back. Natigilan siya dahil medyo mainit ito. Sinapo niya ang noo nito, pati na rin pisngi.  Confirmed, nilalagnat nga ito. “Cielo!”

“Hmmm?”  tugon nito bago ito ubuhin uli. “Tapos na ba iyong movie, naku sorry nakatulog ako.”

Bumaba siya ng kama. She turned the aircon low. Ikinumot niya ng ayos dito ang comforter. “Kanina pa ba masama ang pakiramdam mo? Bakit di mo sinasabi sa akin?”  Pumasok siya sa built in dresser niya at kumuha ng paracetamol sa medicine cabinet.

“Well  I thought it won’t go further into fever.”

Kumuha siya ng isang basong tubig sa nadaanang water dispenser. Pinabangon niya ito para makainom ito ng gamot. “Uminom ka ng gamot kanina?” Umiling ito. “Dapat inaagapan mo iyan. May schedule ka pa naman ng mall tour sa Laguna bukas.”

“Thanks, I think I should go. Sa bahay na lang ako magpapahinga para di na kita maistorbo.” May kinuha ito sa ilalim ng unan niya.

Natigilan si Danica. Iyong pictures ni Cielo, nakalimutan niyang itago! Waaaaaahhh. Patay ako! Dead me!

“Mukhang kasing di pa tapos ang pangungulam mo sa akin, Danica baby,” he impishly grinned.

Inagaw niya ang pictures dito. Dahil siguro sa masama ang pakiramdam ay hindi na siya nito pinahirapan na makuha ang mga pictures. “Pwede ba, mind your own pangungulam. Kung naiinggit ka e di kulamin mo rin ako.”

“No need, I know you’re drop-dead, head over heels, upside down in love with me.”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Sigurado ka? E paano kung gumaganti lang ako sayo?”

Natigilan ito. Pagkatapos ay tuluyan na itong bumangon ng kama. “I’ll go ahead.”

“No!” pigil niya dito. Hinila niya ito at pinahiga ulit ng ayos sa kama. Inayos pa niya ulit ang pagkakakumot ng comforter nito.  “Dito ka na lang. Malakas ang ulan sa labas, siguradong traffic at baha pa. Mas magandang magpahinga ka na lang dito.”

Wala na itong nagawa kundi ang humiga ng ayos. Napangiti si Danica. Naalala niya ang mga sandaling iniilusyon niyang magiging sunud-sunuran sa kanya si Cielo.  Though hindi naman ito under sa kanya, masarap pa rin sa pakiramdam na sinunod siya nito. Somehow, she felt that he valued her care.

He tapped the bed. “Humiga ka. Let’s talk.”

She did. Ilang minutong tahimik lang sila. Kapwa nakatitig lang sa kisame ng kwarto niya. Hinihintay niya itong magsabi ng kahit ano pero tila maging ito ay naghahagilap pa ng tamang sasabihin.

“Hindi ako sigurado, Danica.”

“Saan?” tanong niya kahit may idea naman siya sa sinasabi nito.

“Sa nararamdaman ko.”

“Nilalagnat ka lang Cielo, baby. Don’t worry, aalagaan kita.”

“I know you know what I’m saying.”

“Call off the wedding kung di ka sigurado. Ikaw din naman ang nagsimula ng lahat, ikaw lang din ang dapat tumapos ng confusion mo. Don’t mind me, I might got hurt, but I’m ready for it.”

“I can’t hurt you again, Nica.”

Those words touched her heart. A man in confusion, telling her that he will never wanted to hurt her feelings. How I wish you can say that you love me or even just admit it to yourself and brave enough to tell me that you care. “You can.”

 “I won’t do that.”

“So saan patungo ang usapang ito, Cielo?”

“I don’t know. When you declined my public proposal several years ago, I thought hurting you back will satisfy me,” he confessed.

She thought too. After being hurt when he refused her proposal, she felt the same. She thought that annoying him can satisfy her. But she just ended up falling in love again. “Didn’t you get satisfied?”

“No. I got regrets.  I regret causing every drop of tears that fell from your eyes. It shouldn’t be that way. I shouldn’t feel that way. But I end up, wanting you and hating you all at the same time. Ego and love should not mix up in any way.”

                Nagkalakas siya ng loob na balingan ito. Now, they were facing each other. “Do you love me?” matapang niyang tanong.

 “Yes.”

Umiwas siya ng tingin para maiwasang mapaiyak. She gathered her strength again to face him. “You should learn that when a woman  tell you I love you or ask the question ‘do you love me?’, she is waiting to hear I love you, I love you too, I love you more, or I love you so much and not just a simple yes.” Bumangon na siya sa kama. “Magpahinga ka na. If you need water, meron diyan sa dispenser. If you want to eat, may mga food ako sa ref at cup noodles sa cabinet. May mainit na tubig naman sa dispenser. I’ll just be on Richael’s room.”

“Danica...”

Papalabas na siya ng kwarto nang muli niya itong balingan. “May concern ka pa?”

“You’re not going to decline our wedding, right?”

She faked a smile. “Don’t worry nothing’s changed. Get well soon, Cielo baby, I love you, mwah mwah tsup tsup.” She pouted her lips on him like how she annoyed him before.

He smiled. “Sweet dreams, nightmare.”

Pinandilatan niya ito. “Bangungutin ka nga sana. Ang ganda kong ito, ang sexy at yummylicious kong ito, at ang seductive kong ito, sasabihin mo lang na bangungot?”

“I f I dream of you tonight, I don’t mind not waking up tomorrow.  I’ll die happy.”

In fairness, kahit nabuwisit siya dahil di nito masabing mahal siya nito, kinilig pa din siya.

 “Paracetamol side effect lang iyan. Sige na dream of me, Cielo baby.” She went out and closed the door. Then automatically, tears fell from her eyes.


WEDDING DAY. Halos mablangko ang isipan ni Cielo. Napakaraming bagay ang gumugulo sa isip niya. Isang oras ng late sa kasal si Danica. Kinakabahan na siya, mukhang hindi na ito dadalo sa kasal nila. Tensyunado na siya pati ang magulang nila ni Danica.   Naghihintay na ang lahat sa simbahan, maging ang pari ay nagtatanong na rin kung matutuloy pa ba ang kasal o hindi.

“Na-contact mo na ba iyong driver?” tanong niya kay Kisses, ang kanilang wedding coordinator.

Umiling ito in her apologetic expression. “Sorry, Cielo. Hindi ko ma-contact ang driver ng bridal car. I can’t even reach Danica on her phone. Tumawag na rin ako sa hotel, wala sila doon.”

“I can’t reach her all by myself either.” Nag-aalala siya.  Baka kung ano ng nangyari kay Danica habang nasa daan ang mga ito papunta sa kasal nila. Wala na siyang pakialam kung dumating pa ito o hindi na. Ang gusto lang niya ay masigurong nasa ligtas itong kalagayan.

His phone rang. Danica was calling. Agad niyang sinagot ang tawag. “Danica, are you alright? Are you safe? Where are you?”

“Don’t worry I’m safe.”

“Thank God.” He sighed. He was relieved. Hindi man matuloy ang kasal nila ngayon, magiging panatag siya dahil ligtas ito kung saan man ito naroon.

“Cielo, I love you.”

Tears fell from his eyes. Alam na niya, hindi na ito makakarating. Nanginginig pa ang boses niya nang sumagot siya. “I love you so much, Nica. I really love you so much. At...naiintindihan kita kung di ka na darating sa kasal natin. Wag kang mag-alala. Hindi ako galit sa’yo. I perfectly understand well. Just be safe okay? And I’ll wait for you. Once you’re ready to accept me in your life to start anew, I’m willing to arrange a wedding again. But for now, I respect your decision. I only have one favor to ask. Forget everything, but don’t forget that I love you.”

           “Cielo...”

“Okay lang ako ako, Danica.”

“I will never forget that you love me.”

“You should. Be safe. Love you.” Malungkot na tinapos niya ang usapan.

He sighed and grabbed all the courage to face the people inside the church. Mahirap ang sitwasyon niya,  mapapahiya siya sa maraming tao. Magiging hot topic ng press ang kahihiyang inabot niya at maaaring maapektuhan ang mga negosyo niya dahil dito. Pero matapang niyang haharapin ang pagsubok para sa babaeng pinakamamahal.

“Guys, girls, Father, she’s not coming. Kakatawag lang niya. Pasensya na po sa abala pero hindi na matutuloy ang kasal namin—”

“Says who?”  Napalingon silang lahat sa may main door ng simbahan. There in the entrance of the church was no other than Danica Urbano, wearing her long white wedding gown. Biglang nabuhayan si Cielo ng loob. “Sorry po, na-flat tire ang limo, natagalan kami. Dead-signal din. At saka...” makahulugan siyang tinitigan nito. “Hinintay ko lang na mag-I love you ka sa akin Cielo baby. I’m glad you finally said it.”

Fool.  Wala siyang masabi sa sobrang sayang naramdaman niya. Bilang ikakasal na binata, pakiramdam niya ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata na lang ang magsasalita para sa kanya. Sobra ang tuwang naramdaman niya. Parang kanina lang inakala niyang wala ng kasalang magaganap. Seeing her now, standing few meters away from him, wearing a wedding gown and about to march along the aisle... he bet, he’s the luckiest man on earth.

Binalingan nito ang pari.  “Father, pwede pa po ba? Game na!”

Napatawa din siya kasama ng pagtawa ng iba. Nilingon niya ang pari. The priest just nodded.

The ceremony started. Naglakad na sa aisle ang mga abay and then the parents.  And finally, Danica took her moment as she glamorously walked along the aisle. As she went nearer and nearer to him, Cielo became more excited.

He then held her hand as they walked towards the altar. Pasimple silang nagbulungan. “You got me there, Danica baby. You almost killed me.”

“I love you, Cielo baby. Mwah mwah tsup tsup.”

They both grinned as they faced the priest and accepted the holy sacrament of matrimony. Natapos din ang kasal at party.


“NATULOY din tayo,” sambit ni Danica. They were now in front of his house. Iniwan  na lang nila sa hotel ang ibang bisita na nagpa-party pa.

“Oo nga, muntik nang hindi dahil sa’yo,” nagsusungit na sagot ni Cielo.

“Dahil sa’yo yon. Ayaw mo kasing mag-I love you sa akin e.”

“I love you, I love you, I love you so much!” Binuksan nito ang gate.

“Mas marami pa,” demand niya. “Ay aso!” Napatalon siya kay Cielo nang magsilapitan sa kanila ang dalawa nitong aso plus ang mga puppies ng asong kapangalan niya. “Cielo!” ungot niya.

He managed to carry her well. “Wag kang malikot at baka mahulog kita.” Naglakad na ito papasok ng bahay habang buhat-buhat siya. “Hawakan mo iyong gown mo kasi natatapakan ko.”

She did. Takot na lang niya na mahagip din iyon ng mga aso. Nawala lang ang pagpapanic niya nang makapasok na sila sa bahay at sigurado siyang wala ni isa sa aso ang nakapasok. Tumuloy sila sa kwarto hanggang sa inihiga siya nito sa kama. Tradisyon daw yon para humaba pa ang pagsasama-sama nila.

“Bakit kasi di nakakulong ang mga aso mo?” asik niya dito.

“Sorry, nakalimutan kong ibilin sa maids na ikulong muna sila sa dog house.”

Umupo ito sa gilid ng kama.  Niyakap niya ito. “Cielo baby, do I really have to live with your dogs?”
“That’s negotiable, Danica baby.”

“Negotiable?”

He faced her and kissed her nose. “Depends on your performance.”

“Itataas ko pa ang ratings ng show ko para mas yumaman ka pa.”

He laughed. “It’s not what I mean.”

Umiwas siya ng tingin. “Ngapala iyong kanina, sorry kung napaiyak kita. Gusto ko lang talagang masabi mo munang mahal mo ako. Nong tinawagan kita nasa labas na ako ng simbahan noon at wala talaga akong planong umatras sa kasal. Masyado ka lang emo. Rakenrol!”

“What?” kumunot ang noo nito.

She kissed on his lips. “Wag ka na magalit. Natuloy naman ang kasal natin.”

Umiling ito. Then he smiled wickedly. “You have to pay for it.” He claimed her lips and kissed her tenderly. “And you should start paying now.” He held her nape as he once again leaned down to gave her another round of sweet fiery kisses of the man who owned her heart right now.

“I love you, Cielo baby.”

“I love you even more, Danica baby.”





PREVIOUS                                                     NEXT 

Comments

Hahahahahha!!!! I love it! Kailangan lang talagang takutin ng mga babae ang mga lalaking xonfuse para malaman nila ang kasagutan eh. nakakakiliiiiig. omg!!!!!
haffle :)) said…
bongga!!!!!!! Bet na bet! Next story na! :)))))
kiz said…
hahahahaha . ang lakas ng tama ko d2. akalain mo yun. ihhhhhh.. super kilig. and super thank you ate melai at binigay mo sakin si Cielo baby. I'm so proud na part ako ng senang hati. :)) Love you Cielo baby... wooooooooooh.. next story na :">
Naiomi said…
Super nakakakailiggggg!aaaaaahhhh ang gandaaaaa!!!!! :)
Anonymous said…
hahahaha... takutan lang pala ang gusto ha cge ibigay Danica. Success!!! Ano ngaun Ceilo baby napaamin ka.
Anonymous said…
Bwahahahhahahaahaha... next story n ba kami ni Bill este.. kuya hinaro... dapat makasal din kami tapos ang kakantahin ngg tokio hotel ung theme song namen.. nainggit ako sa kasal ni cielo baby..... and you start paying now.. wahhhhhhhhhhh BS dyan.... bwahahahahhaha

-Beauty-

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…