Skip to main content

Love Story By Glass Wall- Chapter Ten





Malungkot na nakatitig lang si Zyren habang pinagmamasdan ang lapida ng libingan ni Jennie. Namatay ito matapos manganak. At dahil wala na itong kamag-anak, isang gabi lang itong binurol at pinalibiling na nila. Masakit sa kalooban niya ang nangyari. Kung alam sana niyang ikakamatay iyon ng kaibigan niya, hindi na sana siya pumayag na maging sperm donor. Hindi na rin sana siya sumuporta sa pagpapa-artificial insemination nito. Nasa tabi lang siya nang kaibigan ilang minuto bago ito bawian ng buhay. Hindi na niya ito naabutang may malay pa nang makarating siya sa hospital. Nasa ICU na ito at critical nang dumating siya. Isang sulat lang mula kay Jennie ang iniabot sa kanya ng nurse nito na nagsasabing siya na ang bahala sa kanilang baby. Alam na daw ni Leanne ang gagawin.

                Tuluyan nilang inako na parang anak nila si baby Golen. Si Leanne pa mismo ang nag-asikaso ng pagpaparehistro ng bata sa civil registry bilang anak nilang dalawa habang abala naman siya sa pag-aasikaso ng burol at libing ni Jennie.

                “Why this thing had to happen, beybs?” tanong niya kay Leanne habang nakatitig sa lapida ni Jennie.

                “Hindi ko rin alam, beybs. When I found out about Jennie, I asked the same question. But I didn’t get any answer. Ang alam ko lang Zyren, may plano si God para sa ating tatlo. Sa’yo, sa akin at kay baby Golen. Nangako ako kay Jennie na kung sakaling mangyari ito, aalagaan kong parang tunay kong anak ang baby niya. Your best friend was like an angel who brought us something to symbolize how far can we fight for this relationship. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ni minsan, wala akong naramdamang galit sa kanya.”


                “She didn’t fail to fulfill her dreams to become a mother. Bagama’t di iyon nagtagal sana, masaya siya ngayon kung nasaan man siya.”

                “I wish the same thing.” Yumakap si Leanne sa likod niya. “I will never fail Jennie. I promise to be a good mother to your baby boy.”

                Hinawakan niya ang braso nitong nakayakap sa kanya. “Our baby boy.”

                “Oo nga pala.” Humalik ito sa pisngi niya. “Okay ka na ba? Kailangan na nating umalis. Dadalawin na lang natin si Jennie once in a while. For now, we need to buy baby stuffs for Golen.” Bumitaw na ito sa pagyakap sa kanya at hinila na siya papunta sa kotse. “Hindi ka ready na ama. Ni wala pang crib si Golen. Pambihira ka. Ang cute mo talaga! Buti na lang nasa hospital pa siya. May oras ka pang bumawi. Naku, dali bibili ako ng maraming cute na damit para sa kanya, tapos mga feeding bottles at mga unan, kumot at kung anu-ano pa. Anu-ano pa bang kailangan ng baby? Tatawagan ko nga si Nanay mamaya.”

                Sa kabila ng pagluluksa, nagagawa pa rin niya ang ngumiti. Hindi siya nagkamali ng pinakasalan. With Leanne, no matter how hard was the road he will walk through, he knew he can make it. Ito ang magsisilbing lakas niya sa hamon ng buhay. Natutuwa siya sa lubusang pagtanggap nito sa anak niya. Parang mas naging excited pa itong maging magulang kesa sa kanya. Inakbayan niya ito at hinalikan sa sentido. “Love you, beybs.”

                “Ah, me too, beybs. Pero saka na iyang lambingan na iyan. Nag-iisip ako kung ano bang bagay kay Golen. Pwede ko ba siyang damitan ng pink?”

                Kumunot ang noo niya. “Lalaki ang baby natin!”

                “Eh ano, hindi naman niya maaalalang dinamitan ko siya ng pink noong baby siya ah. Ang cute cute kaya ng baby pag pink ang suot.”

                “Baliw! Wag kang bibili ng pink. Ipapakain ko lahat iyon sa’yo.”

                She laughed. “Paano kung pink iyong pack ng baby wipes?” pamimilosopo nito.  Pabirong pinagtaasan niya ito ng kilay. “Ang cute mo talaga, Zerino beybs.”

                He rolled his eyes. “Isa pa.”

                “Zerino beybs.”

                Pabirong lumayo siya dito. “Ewan ko sa’yo, hindi kita asawa.” Inunahan niya itong maglakad.  Nagulat na lang siya nang bigla na lang itong umakbay sa kanya sabay sakay sa likod niya. In an instant ay buhat na niya ito sa likod tulad ng eksena nila sa kalagitnaan ng cherry blossoms noong nasa South Korea sila. Ang pinagkaiba lang, hindi na cherry blossoms ang nasa palagid kundi mga nananahimik na lapida ng mga taong pumanaw na.

                “Ang bigat mo, Mrs.Castillo,” pang-aasar niya.

                “Pagdusahan mo na iyan. Pag naiuwi na natin si Golen, hindi na kita kukulitin. Iyong bata na lang ang lalambingin ko.”

                “Kawawang bata—aray!” Pabirong kinagat ni Leanne ang tenga niya.

                “I love you so much, Zyren.”

                “Me too. I love myself too.”       

                 “Yabang mo! Paano naman ako?”

                “Hmmm, I love you more than your heavy bones, Leanne!” Pabirong hinampas nito ang balikat niya. “And your heavy hands.”

                “I hate you na!”

                “I love you.”



                FOUR MONTHS LATER.

                The church wedding day had finally come. Lulan si Leanne ng isang puting Audi A6 Avant na unang car investment nilang mag-asawa. Kasama niya sa kotse ang bridesmaid na si Crista. At sa halip na wedding bouquet ang hawak niya, isang munting baby boy ang buhat-buhat niya. Baby Golen was still sleeping and innocently clueless of that big event of their lives.  Ngayon araw na ito, dalawa ang papakasalan niya. Si Zyren at si Baby Golen.

                Her phone rang. Sinagot niya ang tawag. “Excited ka, Zyren?”

                He laughed. “Just checking. Nasaan na kayo? Andito na ako sa simbahan. Complete na rin ang abay at principal sponsors. Kayo na lang ang wala.”

                “Malapit na kami, isang kanto na lang.”

                “Si baby?”

                “Tulog siya. Nagising siya kanina nang bihisan ko siya, pinainom ko na rin ng gatas tapos natulog na siya uli.” Biglang nagising ang baby at nag-iiyak. “Err, nagising na siya uli. Sige na ba-bye!”  Hindi na niya hinintay ang sagot ni Zyren. Iniabot niya ang Iphone kay Crista at inihele ang baby. Hanggang sa tumahan na rin ito. Sa maikling panahon ay natutunan na niya kung paano maging hands on mom sa baby na ito na itinuring niyang panganay nilang anak.

                “Alam mo, Leanne. Masaya talaga ako sa inyo ni Zyren.”

                “Kung alam mo lang Crista, kayong dalawa ng pinsang kong si Marco ang inspirasyon namin. Sana maging kasing successful ng marriage nyo ang marriage namin.”

                “Sure na iyan.”

                Nag-park na ang kotse sa tapat ng simbahan. Marami na ngang tao roon. Binuksan ni Zyren ang pinto ng kotse. He looked astonishing with his white tuxedo suit. “Ah, gising na ang baby!” Kinuha nito si Golen sa kanya. Kiss ang agad nitong binigay sa baby. “Baby, ikakasal tayo kay Mommy Leanne kaya wag kang mag-iiyak.”

                Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mag-ama. Iniabot niya ang isang bag na may baby stuff dito.  Naalala niya nang una niya itong makitang may buhat na baby noong college pa sila. Naging biro pa niya dito na mukha na itong tatay at pwede ng mag-asawa. Iyong baby na dinala nito dati sa nirerentahang bahay nila ni Maco dati ay flower girl na nila ngayon. 

                Tinitigan siya ni Zyren. “You look wonderful today, Mrs. Castillo.”        

                “Ikaw rin.”

                “Oh ano? Bolahan na lang tayo dito? Tara na, magpakasal na kayo go!” hirit ni Crista na ikinatawa nila.

                Few minutes more, pumwesto na ang lahat at nagsimula na ang entourage. Pumailanlang sa buong simbahan ang recorded voice ng kanyang asawa, habang kumakanta ng On This Day. Tinupad nito ang consequence na ito ang kakanta sa kanilang kasal… hindi nga lang live.

                Here we stand today like we always dreamed, starting out our life together. The light is in your eyes, the love is in our hearts. I can’t believe you’re really mine forever. Been rehearsing for this moment all my life, so don’t act surprised if the feeling starts to carry me away…

                 Halu-halong saya, excitement, kaba at kung anu-ano pa ang nararamdaman ni Leanne habang naglalakad siya sa aisle ng simbahan. Nasa tabi niya ang mga magulang habang ang dalawang kapatid ay kasama ni Zyren sa may altar at umaktong Groomsmen at si Marco  ang Bestman. Buhat ni Zyren si Baby Golen. Ipinakiusap nila sa pari na kung maari ay tatlo silang haharap sa altar.

                On this day, I promise forever. On this day, I surrender my heart. Here I stand take my hand. And I will honor every word that I say on this day…

                Buhat-buhat pa rin si Golen ay nagmano si Zyren sa kanyang ina at humalik sa pisngi. Pagkatapos ay nagmano ito sa kanyang ama at yumakap. Narinig pa niyang nag-thank you ito sa kanyang ama. Then, he lovingly faced her.  Kinuha niya ang baby mula dito. Wala siyang hawak na bouquet dahil mas gusto niyang buhatin si Baby Golen.  Inalalayan siya ni Zyren na makapwesto sa tapat ng altar.

                For if you feel the cold winds blowing through your nights, I will shelter you. I’m forever here to chase your fears away…. On this day, I promise forever. On this day, I surrender my heart. Here I stand take my hand. And I will honor every word that I say on this day…

                “Mga anak, baunin ninyo sa inyong buhay may-asawa ang bawat saya, ngiti, lungkot, luha, problema, pagsubok, at mga leksyong natutunan sa bawat pagkakamali. Ang mga bagay na ito ang inyong sandata upang maging mas matatag ang inyong pagsasama. Gamitin ninyo ang magandang relasyon sa ating Panginoon at ang pagmamahalang walang katumbas upang maging mabuti kayong ama at ina sa inyong panganay na supling. Zyren at Leanne, sa pahintulot na ibinigay sa akin ng ating Maykapal, kayo ay aking binabasbasan ngayon bilang ganap ng mag-asawa,” sambit ng pari sa huling bahagi ng misa.

                Kapwa  sila napangiti nang magpalakpakan ang mga tao sa simbahan.

                “Zyren, pwede mo ng gawaran ng halik ang iyong misis,” sambit ng pari.

                Dahan-dahang itinaas ni Zyren ang belong tumatakip sa kanyang mukha. Walang ibang sinasabi ang mga mata ni Zyren kundi ang kasiyahan. Sa wakas, kasal na sila sa simbahan.

                “I love you so much, Mrs. Castillo.” He grinned.

                “I love you so much, my Mr. Castillo.”

 He grabbed her nape and gave her a sweet quick kiss. Pagkatapos ay hinaplos nito ang ulo ni Baby Golen at hinalikan ang noo ng baby. She kissed Golen’s forehead too.

                Pumailanlang muli ang recorded voice ni Zyren.  Ilang picture taking session ang sumunod. Pagkatapos ay nagmartsa na sila papalabas ng simbahan. While they were walking on their way out of the church, she heard him sang along with that wonderful wedding song.

                 “I’ve been rehearsing for this moment all my life so don’t act surprised if the feeling starts to carry me away. On this day, I promise forever. On this day, I surrender my heart. Here we stand like our plan. Please say you’ll always look at me this way…on this day…”

                Tumuloy na ang lahat sa reception at matapos ang ilang oras ng night party, sa wakas, nakauwi na rin sila.


               
                NAPAPAKAMOT sa ulo si Zyren habang hawak niya ang isang basong gatas. Pupuslit sana siya ng beer sa ref pero nahuli siya ng asawa kaya ang ending, binigyan siya nito ng isang baso ng fresh milk. Nasa veranda siya ng kanilang bahay. Ang asawa niya ay abala sa pagpapatulog kay Golen. Katatapos lang ng kanilang wedding party.

Tiningnan niya ng masama ang isang basong gatas at inilapag iyon sa mesa. Beer ang gusto ko e. Ang hirap ng may asawang daig pa military kung makabantay oo. Mula noong magsama silang dalawa ni Leanne sa iisang bubong, nag-goodbye na rin siya sa pag-inom. Magbubukas pa lang siya ng ref, nababalaan na agad siya na wag siyang dadampot ng beer.

Niyakap siya ng asawa sa likod. “Oh, bakit di mo ginagalaw ang gatas mo? Nakakalasheng pa naman iyan brad!” biro pa nito.

“Sige, mang-asar ka pa,” hirit niya.
Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. Inabot nito ang baso sa kanya pero di niya kinuha. May hawak na rin itong isang baso ng gatas.  “Sige na, tagay na tayo ng gatas. Tiis ka na muna diyan kasi bawal pa sa’yo ang beer.”

“Ayoko ng gatas.”

She looked at him and grinned. “Beybs…” She called him in her seductive voice. Kumindat pa ito.

Pero sa halip na ma-seduce ay natatawa siya. “What?”

Inilapit nito sa mukha niya ang isang basong gatas. “Walang mangyayari sa ating pang-daring movies pag di mo inimom iyan.”

Napasimangot siya. “Why are you so cruel, Mrs. Castillo? Bakit kailangan mo akong pahirapan ng ganito?” eksaheradang tanong niya na ikinatawa nito.

“Relax, dude. Para gatas lang magpapaka-Fammas ka pa.”

Binelatan niya ito. She did the same and it all ended with burst of laughs.

“Ganito na lang beybs. Isang kiss bawat inom ng gatas?” suggest ni Leanne. She even kissed the glass of milk seductively.

He grinned. Palibhasa’y alam nitong hinihintay niya ang sandaling bubuo sa ganap nilang pagiging mag-asawa, all out ito sa pagpapatawa este pangse-seduce sa kanya.  “Sounds fair. Deal.” Kinuha niya ang isang baso ng gatas. “Cheers!”

They clung their glasses as if they were wines. They took the first sip and he gave her a kiss  on her nose.

She laughed as she wiped her nose. “Ang lagkit, beybs.”  

“Magdusa ka, idea mo iyan!” Humalik din ito sa ilong niya. “Malagkit nga.”  Siya naman ang napatawa.

 They took the next sip and he gave a kiss on her chin.  She did the same. Then another sip and kiss on her forehead. Hanggang sa isang inom na lang ang natira sa baso. They clung the glasses again and drunk the remaining milk on their glasses. Kinuha niya dito ang baso at inilapag sa mesa.

With all the love from his heart, he stared at her. “I will never get tired of staring at you every single moment that God will allow me to do this. Mahal na mahal kita, beybs.”

“And I’m really thankful that you did. I love you so much, Zyren.”

He grinned and grabbed her nape. He moved closer and gave her the sweetest fiery kiss she would ever experience in her entire life.  This is my heaven…I hope she’ll remain my queen until my life ends.  He felt a lot better when she responded with the kisses. She even put her arms on his neck.  Until, she suddenly stopped.

Pinagtaasan niya ito ng kilay. Kahit kelan talaga palagi siya nitong binibitin. “What?”

“Ma itatanong muna sana ako.”

“Ano?”

“Iyong susi ng love padlock, nasaan ba talaga iyon?” tanong nito.

Napakunot ang noo niya. “Nakabaon iyon sa ilalim ng ZLCD Hotel sa Hawaii. Hindi mo na iyon mahuhukay kaya wag mo ng pakaisipin pa iyon.”

“Hindi na talaga mahuhukay?”

He nodded. “Oo nga. Kung gusto mo pumunta ka ng Hawaii, hukayin mo sa CR ng ground floor.” He grinned.

“Yuck!”

He laughed. “So can we continue now?”

She winked. “Sure, kita mo naman ready ako.”  She even pouted her lips and did her funny err seductive pose.

Saka lang niya napansin na naka-lingerie lang ito. He grinned. “Then let’s get started, beybs!”

Another session of sweet fiery kisses took over as a sign of their new beginning, long-lasted love and treasured family life. True indeed, he finally found the true meaning of love. It’s not the rejection he received when she first said no to him. It’s not the sweet love songs he sung for her. It’s not even the sweet dates, hard fight, tears and pain. Love is just one word. And that word spelled…LEANNE.




THE END

Comments

Anonymous said…
whoaaaa.... tapos na din.. grabe talaga mga pangyayari sa mga kwento mo otor. Unpredictable pero my life lesson na ma cherish..Congrats!!!!!!
ur fan..cutiediba
Naiomi said…
Ang gandaaa! supeeerrr! Ate Melai never failed to make me believer that fairytales do come true talaga by her stories. nakaka inspire! Leaane and zyren forever... <3
kiz said…
yung pakiramdam na inlove na inlove ako sa novel na ito. wooooooh...kaso nung kasal naalala ko yung kakapanood ko lng na horror (REC 3:Genesis) haha. ang ganda ate melai. idol talaga kita :)
haffle :)) said…
Wagi! Bet na bet ko tong novel na 'to! Congrats mother for another great story! Keep 'em coming! I'm your fan, forever and always! :)
Melai said…
salamat po sa mga nagbabasa nito :D
Ashlei Marjoree said…
Ate. Pinost ko na ito sa wattpad account mo at alam kong napaka kulit ko na pero yaan mo na. Ganto talga ako. :)

Ate Melai. Bad ka! You're so bad!! Napakasama mo!! :((((((((( Hindi ko alam pero nung nasa bandang chapter seven na ako until natapos, iyak na lang ako ng iyak nang hindi ko alam. Wala naman po akong boyfriend at mas lalong wala akong asawa pero WHY? Waaaaaaah! Naiyak ako sa kwentong Love Story By Glass Wall. Bakit ka ganun na writer? Bakit napaka galing mo? San mo hinuhugot ang lakas para magpaiyak ng isang uyamot na reader na katulad ko? EXPLAIN! Ugh ate. T____T The story ends with a happy ending yet iyak ako ng iyak. :(( Grabeh, ang galing mo! Napaiyak mo ko with this story of yours. Kahit sa love story by headlines pa lang, swak na swak pa rin yung oras na ginugol ko para basahin ang story mo. Wala akong permanenteng internet connection but i had still manange to save the 10 web pages just to read it kasi alam kung topakin ang wifi sa amin at miminsan lang ako maka konek. Plano ko talgang mag siesta after lunch kaso nung naalala ko yung story na sinave ko, binasa ko iyon pero wala sa plano ko ang basahin yun all through out. Pero grabe, i just did it. BINASA KO TALGA SIYA NG BONGGANG BONGGA TO THE POINT NA NAGLABASAN YUNG LUHA SA MGA MATA KO. Matagal matagal na rin ng hindi ako nakaiyak pero it's all worth it. Ang haba na ng litanya ko but anyway ate, IM ALREADY YOUR FAN! It would be so nice to meet someone like you and talk to you just like this. Im very fortunate to meet you and read your stories. :)) Just after I've read the sequel, gusto ko na ulit mainlove at makatagpo ng isa pang Zyren sa mundo and be his Leanne forever and always. Iloveyou ate!! Continue inspiring others. :)) You're a blessing! :*
Anonymous said…
hnd sya typical love story....
very unique...
thanks for sharing this love story!!!!
(am still affected haist)
nkakakilig!!!!!
Anonymous said…
I hate this story!Sobrang nakakakilig and everything. My nabibili bang Zyren sa grocery o store man lng.Waah!nakakainggit love story nla.
Rika said…
waaaaaaaaaaaaaaa sa wakas na tapos ko na ito!!! ANG GANDAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! wala na talaga akong masabi!! pahinge tissue!! the best!

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…