Skip to main content

Love Story By Glass Wall- Chapter Six





Leanne was smiling impishly while she was wearing her Hakama, the traditional Japanese clothing of an Aikido practitioner. Kababalik lang nila ni Zyren sa Pilipinas. Halos di sila nagkikita nang nagdaang linggo dahil nagpunta ito sa Davao.  Hindi na siya sumama dahil natambakan na rin siya ng trabaho sa Neryz Ennael. Para makabawi sa isa’t isa, nag-set uli sila ng bonding day. And they agreed to have an Aikido combat.

After niyang makapagbihis ay lumabas siya ng locker room ng dojo. Naabutan niya si Zyren na nag-aayos din ng Hakama nito. Nangingiting nilapitan niya ito. “Mukhang dekada na ang lumipas mula ng huling magsuot ka niyan. Di ka na ata marunong.”

“So true. Kaya maawa ka sa akin ha. Alam ko namang pagdating sa combat, talo mo ako sa skills,” tugon nito while tying his black belt.

“Pero talo mo pa rin ako sa strength.” Inalis niya ang kamay nito na abala sa pagtatali ng belt. “Let me.” She did the honor to tie his belt.

In return, he embraced her on waist and kissed her nose. Walang ibang tao sa dojo kaya malaya silang maglambingan. “Kung wag na lang kaya Aikido?”

Napakunot ang noo niya. “Ha? Eh ano? Nakabihis na tayo e.”

He grinned. “Wrestling na lang!”

“I wrestling you, you wrestling me? Siraulo! Kababae kong tao, re-wrestling-in mo ako? Jombagan kita diyan e.”


Tumawa ito. “I miss that kanto girl attitude of yours.”

Pinandilatan niya ito. “Anong kanto girl? Gusto mo talagang majombagan?”

Lalong lumakas ang tawa nito. Gwapong baliw! “Ang cute mo talaga.” He gave her a quick kiss on lips.

Bumitaw na siya dito at minasahe ang kanyang kamao na tila naghahandang makipag-upakan. “Let’s get started beybs. Kating-kati na ang kamao kong jombagan ka.”

Natatawang napakamot ito sa ulo nang pumwesto sila sa gitna ng dojo. “Betting time.”

“If you win against my sexiness, you’ll gonna sing for our pre-nuptial and nuptial videos.” She grinned.  “And on our wedding too.”

Napamulagat ito. “Gusto mong maging comedy video ang nuptial videos natin at scandal ang kasal?”

“It will be lovlier and sweeter if you will sing for me,” she explained. “How about your bet?”

It’s his turn to green. “Two piece round 2.”

She motioned her fist as if threatening him that she would punch him. “Abusado!”

He laughed. “Joke lang. Hmmm, how I wish you always wear sexy clothes para makalimutan ko namang siga ka sa kanto.”

“Alam mo ginagalit mo talaga ako.”  They laughed. “Bet mo!”

“If I win, you’ll gonna be doing some sexy dance on our pre-nuptial videos.”

She laughed. “Oy, tipaklong ka! Wedding videos iyon hindi porn!”

“O sige, you’ll do some rap.”

Lalong lumakas ang tawa niya. “Yow! Di ako marunong no’n yow! Break it down yow!” They laughed. “Seryoso na, anong bet mo?”

“Hmmm…” He grinned. “Ikaw ang sasagot ng lahat ng gastos ng kasal natin.”

“Ohemjinseng Jiampong!” Isipin pa lang na maglalabas siya ng daang-libo, parang gusto na niyang i-knockout ito kahit di pa nagsisimula ang combat nila. “Pwede bang mag-sexy dance na lang ako?”  She gave him a funny sample of her version of sexy dance.

“Seeing that? Wag na lang.”

Binelatan niya ito. “Sama mo talaga!”
         
       To begin the combat, they took the bow. Then they both took their defense position. She motioned him to attack her. “Come, Zyren beybs. Attack me!” pabirong sambit niya na tila nang-aakit.

                He laughed. “Gentleman ako, mauna ka na.”

                She laughed as she planned to attack him. “Takot ka lang ata sa akin e. Pwede kang sumuko at kumanta na lang sa pre-nup video natin.”  

                “Ayokong maging scandal ang kasal natin.”

                She attacked him and he defended himself well. Habang nage-execute sila ng mga Aikido techniques ay hindi maiwasan ni Leanne na mapangiti. She was seeing the old Zyren again. Iyong Zyren na hindi siya pinagbibigyan at kinakalaban siya ng patas. Nadagdagan ang admiration niya dito. He’s out of martial arts for years but his skills were still solid. The old Zyren and new Zyren has different attitude but I love that both.

                Sa kakaisip niya ng kung anu-ano sa halip na mag-focus sa combat, nagawa ni Zyren na ibalibag siya sa mat. That earned him the first point.

                “Sorry, are you hurt?” bakas sa mga mata nito ang pag-aalala na baka nasaktan siya sa pagbagsak niya sa mat.

                The old Zyren set her on the mat and the new Zyren was all damn worried. Isn’t he lovely in that way? Ngumiti siya. “Ikaw lang ang ata ang nasa combat na may gana pang tanungin ang kalaban kung okay lang siya. Okay lang ako.” He helped her stand up.

                “Are you sure?”

                “Yes. I like what you are doing. Don’t be guarded. Gusto kong maging patas ang laban na ito. And to make it fair, sayo na ang one point mo. I’ll get the rest.”

                Muli ay nakita niya ang familiar na tingin nitong waring nagsasabing hindi ito papatalo. “Go and get your points beybs.”

                   She attacked him again and this time she mad sure she would focus and got her point. Hindi naman siya nabigo. Nawalan ito ng control sa pag-defense sa attack niya. Madali niyang nahawakan ang kamay nito sa likod at nasakal ang leeg nito. She earned her point.

“One all,” Zyren uttered.

Habang maluwag na nakasakal pa rin sa leeg nito ang braso niya ay hinalikan niya ang batok nito.

“If that’s your way of showing you’re sorry for twisting my hands, then you may twist my feet too for a kiss.” He laughed.

Ang sakal niya dito ay biglang naging yakap sa likod nito. “Ilang anak ang gusto mo, beybs? Hindi pa natin napaplano yon.”

                He held her arms. “Kahit ilan beybs. Kaya ko namang buhayin ang magiging pamilya natin kahit gaano kadami. Pero ikaw ang manganganak. Ikaw dapat ang mag-decide beybs. Kung ako lang, gusto ko ng apat o lima. Mahirap at malungkot maging only child. Ayokong maranasan iyon ng magiging anak natin.”

                “Hmm, four is fine with me. So, can I get my second score?” Binigla niya ito. She twisted him and bended him on the mat.

                Their combat continued until they took the bow as a sign of ending the competition. Pagkatapos noon ay pareho silang humiga sa mat.  Leanne smiled as she extended her arms and legs then rolled over the mat. She just won the combat.

                “Para kang bata.” Zyren caught her and stopped her from rolling. “So what’s the song I’m going to sing? Boom badoom bass, he got that superbass?” He sang the line.

                “May kinakasal bang superbass ang theme song?” She laughed.

                “Ayaw mo noon? Hmmm…” He sang another RNB song. “Grab somebody sexy tell ‘em hey, give me everything tonight! Give me everything tonight!”

                “Adik ka ba? Ikakasal nga tayo tapos kakanta ka ng themesong ng pambabae? Bigwasan kaya kita ng isa pa?” He kissed her nose. “Iyong sweet, iyong pangkasal!”

                “Hmm, how about this?” He sang a love song this time. From the moment I saw you, from the moment I looked unto your eyes. There was something about you I knew, I knew. That you were once  in a lifetime, a treasure near impossible to find. And I know how lucky I am to have you…” He leaned down and kissed her forehead and sang again. “Cause I’ve seen rainbows that could take your breath away. The beauty of the setting sun, on any given day. And when it comes to shooting stars I have seen a few. But I’ve never seen anything as beautiful as you…”

                She felt her heart melted once again. It’s been years since he last sang a song for her. Nothing’s changed. His voice was still lovely like before and her heart still reacted so crazy because of him.

                “You like that song?”

                She nodded. “Anong title?”

                “Beautiful As You of All 4 One. It was actually my choice for the video. Nasabi ko na iyon kay Loise. I’m glad you like it.”

                “I love it.”

                They were about to kiss again when a cellphone ring interfered. Nawala natuloy ang momentum. He moved away and stood up pagkatapos ay inalalayan siya. “I have to answer the call, Leanne. Magbihis ka na, mag-dinner na rin tayo afterwards.”

                “Sige.” They walked on different direction. Siya ay papunta sa locker room for girls at ito ay agad na sinagot ang tawag at tumuloy sa locker room for boys. Nang matapos siyang magbihis a tumuloy na rin siya sa kabilang locker room para sunduin si Zyren. Natigilan lang siya nang marinig niya ang sinasabi ni Zyren sa kausap nito sa cell phone.

                “Give me few more time, Jen. Hindi  pa ako makahanap ng tiempo para masabi lahat ito sa kanya. No…no! That’s too risky.  What if I lost her? Hindi ko iyon kayang i-take ng risk, Jennie.”

                Jennie? Na-curious si Leanne kaya nagtago lang siya sa gilid ng pinto at matamang nakinig.

                “You know how much I love my beybs. Alam ko nauubos na ang oras natin pero promise gagawa na ako ng action. Oo na, sige. Take care okay? Bye.”

                   Does Zyren have other woman?  Sa isang iglap, sinalakay siya ng takot, ng pag-aalinlangan, ng duda. Hindi siya mahigpit na girlfriend.  Hindi niya pinapakialaman ang gamit ni Zyren lalo na ang cell phone at higit sa lahat, hindi niya inuusisa ang pribadong buhay nito.  Kaya wala siyang kasiguraduhan na wala nga itong itinatago sa kanya.  The way I heard it, I know there’s something that you are not telling me, Zyren.  But what if, he really had another girl? Kaya ba niyang i-handle ang hurtful truth na iyon?

                Nagulat si Zyren nang maabutan siyang natitigilan pa din.  “Oh, kanina ka pa?”

                “H-hindi naman. Tara na.”

                Inakbayan siya nito at hinalikan pa ang buhok niya. Malambing ito sa kanya. Bakit nga ba niya naisip na baka may babae ito? Ipiniling niya ang ulo. Walang babae si beybs. Ako ang mahal niya.


                “DO YOU think my future wife will love this?” tanong ni Zyren kay Jennie.

                Jennie was one of his good friends in Hawaii. Filipina rin ito kaya madali silang naging close friends. She was like a little sister to him. And he was a best friend to her. Aside from that, she’s also an interior designer. Kasalukuyan silang nasa bagong bahay na pinatayo niya para kay Leanne.

                “Oo naman, I’ll make sure that the interior of that room will be perfect for your fiancĂ©e. You’re idea with the glasswall was very romantic. Anyway, nasabi mo na ba?”

                Umiling siya. “Hindi madali, Jennie. It’s not as simple as, ‘hey Leanne. I have an upcoming baby with my best friend. I hope you don’t mind’ thing. Telling her about you and our upcoming baby will make or break my marriage. Hindi matatanggap ni Leanne na may anak ako sa iba.”

                “Alam mo, Zyren may solusyon naman. Kung wag mo na lang kasing kilalaning anak mo itong magiging anak ko. Tapos ang problema mo. Hindi ka pa mapapagbintangang nambabae.”

                Jennie was carrying a baby done with artificial insemination procedure. Gusto na kasi ng kaibigan niyang magkaanak.  Wala sa plano nito ang magkaasawa. She asked him to be a donor. At ngayon, ilang weeks na lang at manganganak na ito. Despite of not having any romantic relationship, Zyren made sure she will be well taken care of and no matter what, he would recognize the baby as his son.

                “Jen, kahit saang korte natin dalhin ang issue na ito, hindi mababaligtad na ako ang ama ng batang iyan.”

                “Bahala ka na nga sa buhay mo. Mas gusto mong may problema kesa wala e.”

                They laughed. “Give me few days. Sasabihin ko na sa kanya.”

                She held his hands. “Zyren, Magpaliwanag ka lang ng ayos. Kung mahal ka niya, maiintindihan ka niya.”

                He nodded.  His phone rang. Leanne was calling him. “Yes, beybs!”  Lumayo siya saglit kay Jennie. Sumenyas  itong lalabas na muna ng dining area  ng bahay.

                “Nasaan ka na?”

                Napakunot ang kanyang noo. “Ha? Bakit?”

                “Anong bakit?” Nagtaas na ito ng tono. “Batch reunion natin. Kanina pa kita hinihintay!”

                Nasapo niya ang noo nang maalala nga iyon.  Napatingin siya sa wall clock. Thirty minutes na siyang late sa  usapan oras nila ni Leanne. “Papunta na ako. May inasikaso lang akong importante. Be there in 10 minutes.”

                “Bilisan mo dahil mukhang tanga na ako sa lobby ng hotel na ito, promise!”

                He grabbed his car keys and went out of the dining room. “Yes, I love you.”

                Busy tone na lang ang sumagot sa kanya. And he knew it.  Galit na naman si Leanne. Natagpuan niya si Jennie sa lanai kausap ang mga designers nito. “I have to go, Jennie. Pakisara na lang ng ayos ang bahay ko ha. At wag kang magpagod, pasaway na buntis.” He kissed on her cheeks.

                “Sure take care.”

                Sa kabilang bahay lang ito nakatira kaya madalas niyang pinababantayan dito ang bahay niya. Ten minutes more, natagpuan na niya si Leanne sa hotel lobby ng Neryz Ennael. She looked dashing and adorable with ocean blue gown. Pero mukha na itong kakain ng buhay anytime dahil marahil sa inis at nakalimutan niyang naghihintay nga pala ito at may importante silang lakad. Ten minutes uli ang inabot bago sila makarating sa resort venue ng college batch reunion. Hinawakan niya ang kamay nito habang  naglalakad sila sa garden papunta sa function hall ng resort.  

                Nagpumiglas lang ito. “Di ka pa abswelto Zyren ha kaya matigil ka sa pa-sweet sweet mong iyan.”  Umuna ito ng lakad sa kanya.

                Napakamot siya sa batok. “Leanne naman, sorry na nga. Alam mo namang napaka-busy kong tao.”

                Bigla itong huminto at hinarap siya. “Hoy lalaki, busy din akong tao at saka, nakita ko ang schedule mo. Two hours before our call time free ang sched mo. Wag mong sabihing nag-sauna ka pa? Walang sauna rin ang banyo mo sa condo mo.” About face then walked again.

                Sinundan lang niya ito. “May inasikaso lang nga ako, anong mahirap intindihin don?”

                “Iyong amnesia mo sa mga appointments ang mahirap intindihin. Ilang beses ka na bang na-late pag may meeting tayo with our wedding coordinator? Minsan nga nakakalimutan mo pa. Feeling ko minsan ako lang ang excited ikasal e. Pero pag inuman session nyo ni Marco, buhay na buhay ang dugo mo. Ewan ko sayo!”

                Nauwi na naman sa pag-inom niya once in a while ang usapan. Nainis na rin tuloy siya. “Mas ewan ko sa’yo.”  Inunahan na niya itong maglakad. Natatanaw na niya ang function hall at mukhang marami na rin ang naroon.

                “Hoy, tipaklong ka! Wag mo nga akong wo-walkout-an! Halos isang oras nga akong naghintay sayo tapos ikaw pa ang magwo-walkout?”

                “Eh di sana iniwan mo na lang ako at nag-taxi ka na lang.”

                “Fine, sana nga lang iyon na lang ang ginawa ko.”

                He raised his hands without even bothering to look back. “Whatever.”

                “Aba’t—”

                Napahinto siya sa paglalakad nang maramdaman niyang tumama sa likod niya ang heels ng stiletto nito. Seryosong binalingan niya ito.

                “Finally huminto ka rin.”

                “Sinong tangang di lilingon kung bigla na lang may nambato?” He walked towards her and picked her shoe. Huminto sa tapat nito iniluhod niya ang isang tuhod at hinila niya itong umupo sa kandungan niya.

                Nagulat ata ito sa inaakto niya kaya wala na itong naging angal. Few seconds more isinuot uli niya dito ang naibato sa kanyang stiletto. They were like Prince Charming and Cinderella doing that shoe fitting scene. Matapos na walang imik na isuot niya ang stiletto nito ay binalingan niya ito. “Alam ko. Greatest fear mo ang maghintay na naman sa akin ng matagal without having some assurance kung darating pa ba ako o hindi na.” Hinawakan niya ang mga kamay nito. Nanatiling buong pagmamahal niya itong tinitigan. “Hinding-hindi na mauulit iyong eight years hardship na nangyari sa atin. Hinding-hindi ako mawawala sayo.”

                “Sorry kung inaway kita, Zyren. Iyon ang paraan ko para sabihin sayo na nag-alala ako at late na, hindi ka pa dumadating. Yes, you’re right. That’s my greatest fear. But I hold on with your promise.” Ngumiti na ito.

                Napangiti na rin si Zyren. “Okay na tayo?”

                Yumakap ito sa leeg niya sabay tango.

                “Andito na sila. The controversial Student Council President and his soon-to-be first lady for real, Zyren and Leanne!” Narinig nilang ini-announce ni Marco na siyang tumatayong Emcee ng reunion program.

Umugong ang palakpakan ng mga batchmates nila. Lahat ay nakangiti at parang kinikilig habang pinapanood sila. Umagaw na naman pala sila ng eksena tulad ng dati nang hindi nila namamalayan. Hindi tuloy sila nakakilos agad dahil sa awkward feeling.

“Kiss! Kiss! Kiss!” the crowd cheered.

Naiilang man ay muli niyang binalingan ang nakatungong kasintahan. “Kiss daw, beybs.”

“Nakakahiya, beybs,” ungot nito.

“Ikinakahiya mo ako?”

Agad itong umiling. “Hindi.”

He smiled. “Then good.” He held her nape and gave her a quick sweet kiss on lips. Lumakas ang cheer ng crowd. Parang reminiscing lang ng college years, particular na noong aksidente niya itong nahalikan sa kalagitnaan ng parking lot.




PREVIOUS                                                    NEXT

Comments

kiz said…
ihhhhhhhhhh.. :"> KILIGGGGGGG.. tuwang tuwa tlga ako sa mga kwentong one minute away, one minute bati na hahaha. adik lungsssss... katakot lng n bka magkagulo kapag nlaman na ni Leanne :(
Anonymous said…
yehey!!! hahaha... kakakilig to the max tlga sina Zyren at Leanne!!! hahaha... kakakilig!! iyhh!!! sana naman maintindihan agad ni Leanne ang kalagayan ni Zyren... iyhh!!! hahaha... next na!!! :D :D .. And btw: ang ganda ganda ng song ate melai.. hahah.. napaka sweet! iyhh!! hahahah :D
Ericka said…
c ericka nga po pla to.. heheh :D :D
Naiomi said…
Waaaaah! Nakakakilig to the highest levellll :D ang ganda :) OOPS. sana maintindihan ni Leanne si Zyren. paganda ng paganda evey chapter :D Galing tlga ni Ate Melai. NEXT PLEASE :))))

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…