Skip to main content

Love Story By Glass Wall- Chapter Seven





Leanne was driving her car. On the passenger seat beside her was his loving uncle who owned the Neryz Ennael. Kagagaling lang nila sa iba’t ibang Luzon hotel branches para sa quarterly hotel inspection. Pinauna na ng tito niya ang driver nito at mas piniling magpahatid sa kanya para daw makapag-usap naman sila ng personal. Ito ang umaasikaso ng mga hotels nila sa Visayas habang siya naman ang nag-aasikaso ng apat na hotel sa Luzon.

                “You know what, Leanne. I like your man,” sambit ni Tito Fred.  “I can see in his eyes that he really loves you. You’re lucky to catch a guy like him.”

                Napangiti siya. “I know, Tito. Kaya nga di na  po ako nagdalawang isip nang alukin niya ako ng kasal. I know I’ll be in good hands.”

                “And he’s also a good businessman. In few months, nakahanap na agad siya ng investors. Impressive.”

                “He’s one of a heck workaholic, Tito.”

                “Not bad. Leanne, I think I need a time of. Matanda na ako. I should start my dream trip around the world,” seryosong sambit nito.

                Kinabahan si Leanne. Mukhang alam na niya ang patutunguhan ng sinasabi ng tito niya. Matagal na nitong sinasabi na pamahalaan na na niya bilang bagong CEO ang mga hotel nito. Natatakot siyang tanggapin ang responsibilidad na iyon.


                “Sa tingin mo, magugustuhan ni Toff kung ibigay ko na sa kanya ang Chembrant?”

                “Toff doesn’t care about anything than cooking, Tito.”

                “Exactly, kaya nga nag-invest ako para magka-restaurant siya. Ibibigay ko na ang management ng Chembrant sa kanya. It will be great that he will handle Chembrant and you will handle the Neryz Ennael. And me? Mag-cruise ako sa Europe then mag-island hopping sa Asia.”

                She parked the car outside his home. “Tito, hindi ba sobra na itong nabigay mo sa amin?”

                “Hindi. Para sa inyo talaga iyang magkakapatid. I have no kids and even no wife of my own. Kayo na lang magkakapatid ang tinuring kong anak. Kaya ang mga investments ko, para sa inyo iyon. Pagbabalik utang na loob ko na rin sa mama mo. Pinaaral ako ni ate. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magiging businessman.  Wala naman akong ibang pagmamanahan ng mga iyan. Kayo lang talaga.”

                 Alanganing napangiti siya. Malaking-malaki ang naitulong ng Tito Fred niya sa pag-aaral niya hanggang sa pag-asenso niya sa buhay. Dahil hindi nga ito pinalad magkaasawa at anak, sa kanilang magkakapatid ito nagbuhos ng pagmamahal bilang ama-amahan. Ngayon, pati yaman nito ay gusto ng ibigay sa kanila.

                “Pero Tito Fred, baka hindi ko kaya.”              
                “Leanne, I trained you to be a CEO. Alam kong kaya mo. Besides, you’ll be marrying a young good businessman, the guy who owns the half name of our hotel. Zyren can help you well. I know, my businesses will only be in good hands with the two of you.” Binuksan na nito ang pinto ng kotse at bumaba. “Anak, pag-isipan mo na ang pagsalin ko sa’yo ng position ko. Maawa ka sa matanda, gusto ko ng mang-chicks,” biro nito.

                Natawa na din siya. “Ngayon nyo pa po naisip mang-chicks?”

                “Hahabol ako sa byahe, anak. Ingat ka ha. And think over it. Ba-bye!”

                Iyon  pa rin  ang iniisip niya habang mag-isang nagbabyahe na siya pabalik sa hotel. Kaya ko bang maging CEO?  Natigilan siya nang mapansing parang may mali sa kotse. She parked the car on the side of the high way.  Bumaba siya ng kotse at na-confirm na flat ang right front tire ng kotse. “Naman! Bakit ka ngayon na-flat?”

                Kinuha niya ang Iphone para tumawag ng rescue. Naasar siya nang mapagtantong unattended si Zyren. “Isa ka pa, Zyren! Kung kelan kailangan kita saka ka naman nagpatay ng cell phone!”

                Tatawag na lang sana siya ng tow service nang may nag-park na kotse sa harap niya. Bumaba ang driver. “Leanne!” Nilapitan siya ni Jerick. “Problem? Buti nakita kita.”

                “Hulog  ka ng langit, Jerick! Na-flat tire ako e, marunong ka ba?”

                “Oo naman, may spare tire ka?”

                She nodded. “Oo meron.” Kinuha na rin niya ang susi ng kotse para buksan ang compartment.

                “Sige, ako na ang bahala.”

                In the next few minutes ay inasikaso nito ang pagpapalit ng tire. “Salamat ha.”

                “No problem, ikaw pa!” sagot nito habang inaasikaso ang pagpapalit ng  ng gulong. “San boyfriend mo?”

                “Ay ewan ko ba. Unattended e. Baka nasa gitna na naman iyon ng meetings.”  Napangiti siya. Jerick was very helpful ever since they met way back in college. Hanggang ngayon, matulungin pa rin ito.

                “O yan tapos na.”  Iniligpit nito ang tools na ginamit at saka ibinalik sa compartment ng kotse niya ang tool box. Ininspeksyon na rin nito ang ibang gulong. “Okay na, Leanne.”

                “Magkanong bayad, boss?” tanong niya.

                “Wala iyon.”

                “How about a treat for afternoon merienda?” she offered.   “For old time sake. Pa-thank you ko na sa’yo. I know a restaurant nearby. Iyon ay kung hindi ka naman nagmamadali.”

                He smiled. “Hindi naman ako busy, I have time.”

                “Sige, sundan mo na lang ako.” She hopped in her car and led the way to the nearest restaurant. Nagkukwentuhan pa silang dalawa ni Jerick nang pumasok sila sa loob. Natigilan lang siya nang makita niya si Zyren na nakaupo sa isang mesa at may kasamang babaeng buntis sa di kalayuan.  Zyren? It’s that the Jennie you are having an affair with?  Kinabahan siya. Pero hindi niya ugali ang mag-eskandalo kaya nanatili siyang kalmado.

                “Ah, Leanne, sandali lang ha, lalabas muna ako at sasagutin ko lang itong tawag,” paalam ni Jerick. Tumango lamang siya habang nananatiling na kay Zyren ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang cell phone at tinawagan uli si Zyren. His phone rang.  Nakita niyang kinuha nito ang cellphone at inilagay sa tenga.

                “Oh, beybs, napatawag ka. May problema?”

                Oo, ikaw ang problema ko. “Kanina pa kitang tinatawagan. Na-flat kasi tire ng kotse ko kanina. Pero okay na, may ibang nakatulong na sa akin.”

                “Ah ganon ba? Sorry beybs.”

                “It’s okay, nasaan ka ba ngayon?”

                “Ah, kakalabas ko lang ng board room. Katatapos lang ng long meeting ko.”

                Sinungaling! Nakaramdam na siya ng galit. Why do Zyren have to tell lies?  Takot siyang isipin ang possibilities na niloloko lang siya ng boyfriend niya.  “Okay, sige. Ingat ka ha.” Pinagdiinan pa niya ang term na ingat.

                “Love you, beybs.”

                She didn’t say “I love you” back. Instead, she just ended the call. Kitang-kita niya ang nagtatakang expression ng mukha ni Zyren.  Kabahan ka na rin, Zyren. Nakita niyang kinausap ito ng babaeng buntis na kasama nito. Tumayo na ang mga ito pareho.

                Bumalik naman si Jerick. “Leanne, I’m sorry but I have to go. I had an emergency meeting sa office—what’s wrong?” Tiningnan din nito ang tinitingnan niya. “Boyfriend mo yon ah.”

                “Yeah, with a girl.”

                “A pregnant one.”

                Tiningnan niya ito ng masama. He backed off. “Sabi ko nga, mauna na ako.” She nodded.

                Naiwan siyang mag-isa para harapin ang boyfriend niya.  Nagpasya siyang lumabas na rin ng restaurant at doon na lang hintayin sina Zyren. Madali niyang nahanap ang kotse nito sa parking lot. Doon siya nagpasyang hintayin ang boyfriend. Di rin nagtagal ay dumating na rin ito.

                Nagulat ito nang makita siya. Pati ang kasama nito ay natigilan din.

                “Leanne—”

                “Galing kang board room kamo? Long meeting? Or long date?”  She looked at him in poker face.

                Mahinahong lumapit ito sa kanya.  Nanatili naman sa tayo nito ang babaeng buntis. “Hold it. I can explain everything—“

                “Sige makikinig ako, doon tayo.” Tinuro niya ang garden sa tabi ng restaurant. Binalingan niya ang babaeng kasama nito na mukhang nasisindak ata sa kanya. Ngumiti siya. “Wag kang mag-alala girl, wala akong gagawin sa’yo.” Tinuro niya si Zyren. “Pero sa lalaking ito, meron. Tara.”

                Walang imik na sumunod ang dalawa sa kanya. And few minutes more, nakaupo na sila sa isang mesa roon. “You’re Jennie, am I right?” She offered her hand to her.

                “Yes.” Nagtatataka man, ay tinanggap nito ang pakikipag-shakehands niya. Sa hindi rin niya mawari, wala talaga siyang maramdamang galit.  “Wala kaming relasyon ng fiancĂ© mo.” Leanne became confused. Honesty was reflecting in this pregnant woman’s eyes. Gusto niyang maniwala sa sinasabi nito pero natatakot siya.

                “Ilang buwan na ang tummy mo?” bagkus ay tanong niya.

                “Seven months and one week,” tugon nito.

                She smiled. “Is that Zyren’s baby?”

                “Ah Leanne, I must be the one telling everything,” sabat ni Zyren.  

                Binalingan niya ito. “Okay, sagutin mo ang tanong ko. I have two concerns. Do you have relationship? And is her baby your child? Zyren, kakayanin ko lahat just be honest.”

                Tensyunado si Zyren nang hawakan nito ang kamay niya. Hinayaan lang niya ito. “Jennie and I are bestfriends. I met her in Hawaii. She has a dream to be mother someday. A dream that the doctors said was impossible for her.  She has Eisenmenger’s syndrome. This is a rare kind of congenital condition or pulmonary hypertension that affects the lungs and the heart all at the same time. When I met her, hindi ko alam na may sakit siya. He just told me about her dream to be a mother pero ayaw  daw niyang mag-asawa. One day sinabi niya sa akin na plano niyang magpa-undergo ng artificial insemination. Naghanap kami na pwedeng maging donor niya ng sperm cells pero wala siyang magustuhan. Hanggang sa ako na ang pinili niya.

                After maging successful ang AI sa kanya, saka niya sinabi sa akin ang sakit niya. That was few days before I go back to Philippines and search for you. During her check up, sinasabi na ng OB niya na ilaglag na lang ang bata dahil ikakamatay niya iyon. Pero matigas ang ulo nito, itinuloy pa rin ang pregnancy. Kaya nag-decide na rin akong aalagaan ko rin siya. Wala ng magulang si Jennie. What only she has was this dream to be pregnant and be a mom.  Bilang kaibigan, hindi ko magawang ipagkait sa kanya iyon.”

                Sumabat si Jennie. “Wala kaming relasyon. Alam ko rin ang tungkol sa’yo. Ilang beses ko na ring sinabi kay Zyren na wag ng kilalaning anak niya itong magiging anak ko, pero di ko siya ma-convince. Leanne, wala akong balak manira ng relasyon o manggulo. I assure you, walang romantic thing na namamagitan sa amin ni Zyren.”

                Naintindihan na niya ang sitwasyon. But the risk was, dapat ba siyang maniwala? Maraming gumugulo sa isip niya habang pinapakinggan ang paliwanag ni Zyren. Simple, they were not in relationship and Zyren was just a gentleman taking the responsibility because he’s a friend and a father of the upcoming baby. Anak iyon nito kahit pa sabihing hindi naman sila dumaan sa natural process ng reproduction. Pero hindi niya alam kung kaya ba niyang i-absorb ang lahat ng iyon. Or rather she’s hearing the other side of her brain saying, ‘what if, they’re just creating stories?’

                Pero may tiwala ako kay Zyren. And she stood on her trust for him. Bahala na pero papaniwalaan niya lahat ng sinabi ni Zyren. Kung maloko man siya, wala siyang sisisihin kundi ang sarili niyang nagpaloko.

                Katahimikan, ang dalawa ay naghihintay ng kahit anong reaction mula sa kanya habang siya ay pinipigilan ang maiyak. Hanggang sa hindi na rin niya kinaya. Isipin pa lang niyang may mag-ina na siyang kahati kay Zyren kahit pa labas ang romantic relationship sa usapan, ay nasasaktan na siya. Hindi niya alam kung kaya niyang tumagal sa relasyong ganon. Tears fell from her eyes.

                Tumayo si Zyren at niyakap siya. “I’m sorry kung ngayon mo lang nalaman. Sasabihin ko naman sayo ang tungkol sa kanya. Naghihintay lang ako ng right timing.”

                Sh just sobbed. “Hindi ko na alam, Zyren. What should I feel? What should I do? Ang alam ko lang, masakit.” Humigpit ang yakap nito sa kanya.  Sinuntok niya ito  nang paulit-ulit sa likod. Hindi ito kumilos at sinalo lang iyon. On her peripheral vision ay nakikita niya rin si Jennie. Umiiyak din ito. Kumalas siya sa pagkakayakap ni Zyren at pinawi ang sariling luha.  Tumayo siya. “I think I heard enough. Naintindihan ko ang sitwasyon ninyo…natin. Don’t worry, wala na akong nararamdaman galit. I just need enough time to think and accept this thing.” Binalingan niya si Jennie. “Alagaan mo ang baby ni Zyren ha. I have to go.”

                Pinigilan ni Zyren ang kamay niya. “Leanne…”

                “Wag muna tayong mag-usap o magkita.”

                “But Leanne, I want us to deal with this together.” Binalingan niya ito. Those expressive eyes of his were saying too much emotion that she knew had the power to melt her heart. Kaya bago pa siya sumuko ng tuluyan ay umiwas na siya ng tingin. “We will reach that point. But for the moment, I have to deal with this all by myself. I’ll go ahead.” Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito sa braso niya at saka naglakad papalayo. Her eyes were shedding tears, her heart was broken and her mind was blank. Walang nangingibabaw sa kanya kundi sakit dulot ng katotohanang magkakaanak na si Zyren sa ibang babae at hindi na magiging normal pa ang pamilyang binalak niyang buuin.


                NAPABUNTONG-HININGA si Zyren. It’s been three weeks since Leanne found out everything about Jennie. Sabi na nga ba. Manganganib ang relasyon nilang dalawa dahil sa pinasok niyang gulo. Ngunit walang dapat i-back off. Jennie and the baby needed him.  And he loved Leanne so much.

                Mula noong magpaliwanag siya tungkol kay Jennie, hindi na nga siya hinarap ni Leanne. No phone calls answered. No visitatiobn at work and at home allowed. Gustuhin man niyang harangan ito para muling magkausap sila, hindi niya magawa. Natatakot siyang pag kinulit niya ito ay lalong lumayo ang loob nito sa kanya at mauwi na nga sila sa hiwalayan. Hindi niya iyon kaya.

                Mataman niyang hinihintay ang paglabas nito ng bahay. Sa ganoong paraan na lang niya napaghuhusto ang pagka-miss dito. Lahat ng paraan ay ginawa niya maging ang kausapin ang magulang nito at mga kapatid kahit abot-abot ang takot sa puso niya. Naunawaan naman siya ng pamilya nito. Ang mga ito rin ang nagsabing mas nauna daw magkwento si Leanne tungkol sa nangyari. Ngunit sabi nila, di nila hawak ang desisyon ni Leanne. Wala siyang magagawa kundi maghintay ng right timing para suyuin itong muli. At ngayon na ang araw na iyon.

                 Tinawagan niya si Toff.

                “Pare, ayos na napakiusapan ko na si Tito Fred. Payag na siya,” sambit ni Toff. Kakuntsaba  niya itong sa tangka niyang panunuyo uli kay Leanne.

                “Salamat pare.” Nakita niyang lumabas na si Leanne at sumakay sa kotse nito. “Sige pare, on the way na si Leanne sa hotel. Okay na ba ang mga flowers?”

                “Okay na lahat pare, pati iyong pinagpuyatan mong fruit carvings naka-ready na.”

                “O sige pare, salamat.”

                Buong gabi siyang patagong gumawa ng fruit carvings para sa gimik niya ngayon. Salamat kay Toff. Sa tulong ng kapatid ni Leanne, natapos din niya ang lahat bago mag-umaga.

                Sinundan na niya si Leanne hanggang sa makarating na sila ng hotel. Kabado man ay wala ng atrasan. Pag hindi ito nag-work magpapakadesperado na talaga ako para sa kanya.
               

                NAIILING NA lang si Leanne. “Isa ka talagang malaking siraulo, Zyren.” Akala siguro ng boyfriend niyang ito ay hindi niya napapansin na palagi na lang siya nitong sinusundo at inihahatid sa malayo. Para itong stalker na sunod ng sunod at aminin man niya, kinikilig siya. She was still in the middle of accepting him back as well as his upcoming baby or calling off the wedding.  Ayaw niyang humantong sa huli ang desisyon niya. Pakiramdam niya katapusan na ng mundo kung mawala sa kanya si Zyren. But how about the baby na kaagaw mo nga sa kanya habambuhay? Natigilan siya. Nagiging selfish na ba siya masyado at ayaw niyang may kahati siya kay Zyren? Ilang beses na niyang pinag-iisipan ang bagay na iyon. Batid niyang walang nabago sa damdamin niya para kay Zyren, hindi niya magawang hindi ito mahalin at miss na miss na niya ito.

                Sinilip niya kotse ni Zyren na nakasunod sa kanya. Tiis, tiis muna sa ngayon hangga’t wala pa akong desisyon beybs.

                She drove in the parking lot of Neryz Ennael at nagtuloy sa office niya. Nagulat siya nang makitang may mga roses sa mesa niya. Her heart skipped. Alam na niya ang mangyayari. Tatlong linggo siyang pinagbigyan ni Zyren na mapag-isa, manunuyo na ito. Ngunit ang tanong, handa na ba siya? Napailing siya. Hindi na niya pinansin ang nagkalat na rose petals at bulaklak.Umupo na siya sa swivel chair niya at iniangat ang receiver ng telepono para kausapin ang secretary niya.

                “Nina, pumasok ka dito sa office ko, dalhin mo ang planner ko.”

                “Yes, Ma’am.”

                Ngunit pagbukas ng pinto ay hindi si Nina ang pumasok kundi si Zyren. Ipinatong nito sa table niya  ang planner.

                “Pwede ba, Zyren. May mga trabaho ang mga tao dito kaya umalis ka na.”

                “It’s been three weeks, beybs. I can’t stand for another three weeks more,” sinserong sambit nito.

                 Napataas ang kilay niya. “Zyren, tatlong linggo lang napagod ka na agad? Ako walang taon akong naghintay sa’yo. Walang kasiguraduhan pa iyon. Tapos ito ang binigay mo sa akin. Isang sakong pagmamahal at kalahating sakong heartache. Magdusa ka, Zyren! Kung  kailangang maghintay ka pa ng tatlong taon para maging handa akong sa sitwasyong ito, gawin mo. You may leave. Marami pa akong trabahong gagawin.”

                Hindi ito kumibo.  Nakatitig lang ito sa kanya. Pain was in his eyes while he was gazing at her. At alam niyang ang mga tingin na iyon ang babali sa pagtataboy niya dito. Kaya bago pa siyang tumiklop ay binato niya ito ng paper weight. Napasinghap ito nang tamaan ito sa dibdib. Hindi ito umiwas, sinalo nito ang bato. Bigla siyang nag-alala dito pero di siya nagpahalata.

                “Leanne, hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon mahalin din ng taong minahal nila. Kaya kahit ibato mo pa sa akin ang cabinet sa tabi mo, isama mo pa ang working table mo pati kama mo, buong puso ko silang sasaluhin. Ayos lang masaktan ng paulit-ulit, basta wag ka lang mawawala sa akin.”  

                “Hindi mo ako madadala sa ganyan, Zyren!” pagmamatigas niya. “Lumabas ka na!” Hindi pa rin ito natinag kaya pinagtulakan na niya ito hanggang labas. Caught in the act ang mga usisero niyang tauhan na nagkanya-kanya ng pulasan nang itulak niya si Zyren palabas ng office. Then she closed the one sided glass door and locked it.

                Nagpunta siya  sa pantry. May pagkaing nakahain doon at mga fruit carvings showing some love message, “Ikaw pa rin, beybs ang nasa puso ko.”  By looking at the fruit carvings and the food, mahahalatang pinagbuhusan iyon ng mahabang panahon ng preparation.

                Tears fell from her eyes when she realized what she had done. Pinagtabuyan niya ito at ipinahiya. Dahil selfish ka. Selfish ka, Leanne!

                “Leanne, sandali lang ito.”  She heard Zyren’s voice over the built-in speaker. “Ipinagluto kita ng agahan sa pantry. Wag kang papagutom ha. Mahal na mahal kita, beybs.”

                Then she heard an acoustic guitar followed by his voice singing an acoustic tagalong love song.

                “Ilang  gabi na akong di makatulog sa kakaisip. Lahat ng oras nasa iyo, di mo pa rin napapansin. Paano kung bigla ka lang iiwas at mawawala? Di to matatanggap ng buong buhay ko…Nais kong malaman mo na ikaw lang ang nasa puso ko at kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang iibigin ko…”

                She sobbed. Pakiramdam niya naging unfair siya kay Zyren.   She went to the glass wall. Nasa labas pa rin ng office niya si Zyren nakatayo at kumakanta kabang naggigitara. Kitang-kita niya ang paglandas ng luha nito sa pisngi. Napahikbi din tuloy siya.  Nagpapasalamat siya dahil one sided glass door iyon. Nakikita niya ito pero wala itong idea sa luhang pumapatak sa pisngi niya.

                “Sana lang ay maunawaan mo ang nasa isip ko. Gagawin ko ang lahat para lang sa iyo…. Nais kong malaman mo na ikaw lang ang nasa puso ko. At kahit na anong mangyari, ikaw pa rin ang iibigin ko…”

                Pinawi niya ang luha. Nakapagdesisyon na siya. Tatanggapin na niyang muli si Zyren at pag-aaralan na niyang tanggapin ng buong-buo ang magiging anak nito kay Jennie.
   
             Pagkatapos nitong kumanta ay tumungo lang ito at ibinababa ang gitarang ginamit. “Beybs, iyong inhaler mo wag mong kakalimutang dalhin palagi ha. Wag kang mag-rounds sa resorts pag mataas ang sikat ng araw at baka ka atakihin ng hika mo.” She heard him, still from the built-in speaker. “Andito lang ako palagi sa paligid mo. Hihintayin kita. Hindi ka sumuko ng walong taon, hindi rin ako susuko. Basta wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.”

                Binuksan niya ang pinto. Nang makita niya ang luhaang nitong mukha ay automatic na napaiyak na rin siya. “Siraulo ka Zyren! Ikaw ang pinakasiraulong lalaking nakilala ko!”

                “I love you more, beybs!”

                Like the old times. Pag sinasabihan niya ito na siraulo, at I hate you, maga-I love you lang it sa kanya. Niyakap niya ito.  Agad itong yumakap din ng mahigpit sa kanya waring sinusulit ang ilang linggong hindi sila nagkasama. She whispered on his ears. “I love you so much, beybs.”

                “I know. I’m sorry, I love you.”  He kissed on her forehead.

                “Forgiven.”

                Kataka-takang walang tao sa hallway. Akala pa mandin din niya ay nagkalat na sa hallway ang mga usisero. Pero mas gusto niya iyon, sila lamang dalawa ni Zyren at walang mga usiserong itsi-tsismis siya sa buong building.

                Nanatili silang magkayakap nang maramdaman niyang dumantay sa kanya ang bigat nito. Natakot siya. “Zyren?”

                Hindi ito sumagot bagkus ay tuluyan itong nawalan ng malay habang yakap niya.



PREVIOUS                                                                   NEXT 

Comments

Ericka said…
iyhhh!!! nakakakilig tlga sina Leanne at Zyren!!! hahaha... ang sweet tlga ni Zerino!! haHAHA... peroo... hanu yun??? may sakit c Zyren?? holo!! :O nakuu... excited na ko!!! hahaha... :) :)
Naiomi said…
nakakakiligggt! pero may sakit ba si zryen! halaaaaaa.. next na !
makakakilig talaga si ZYREN!!!waaaaa!!!!! i love them both!!a very nice, charming and uplifting love story...sna magkakaroon din ako ng katulad ni zyren:))) nice ate melai:))keep up n thanks for sharing ur excellent works!!!
kiz said…
lupet nung kanta.. naiiyak ako sa kiliggggggg... pero oh whyyyyyy may sakit? paiiyakin mu n naman ako ate melaiiiiiii.. :(

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…