Skip to main content

Love Story By Glass Wall- Chapter Nine





Ako na ang magda-drive,” pangungulit ni Leanne. Nakabenda pa ang kamay nito at kanina pa niya napapansing pasimple itong napapasinghap pag humahawak na ang may bendang kamay nito sa manibela.

                “Okay lang ako, beybs.  Malapit na tayo.”

                “Ang tigas talaga ng ulo mo ano?”

                “Para sa’yo, kahit ikapahamak ko pa ang katigasan ng ulo ko,  wala akong pakialam.”

                “Ako meron. Stop the car and I’ll drive.”

                The car stopped in front of a white and brown house.  “Dito na tayo.”

                Wala ng nagawa si Leanne kundi ang umiling na lang habang bumababa ng kotse.  Iginiya siya ni Zyren papasok ng gate hanggang sa makaabot sila sa main door ng bahay. Hinarap siya nito at tinitigan. “Walong taon kong ibinuhos ang atensyon ko sa pagbuo ng pangarap na ito. Iyong tumira sa isang bahay kasama ka at ang magiging anak natin. Dito sa bahay na ito, bubuuin natin ang ating pamilya. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang pangarap ko. Let’s go.”

                Pumasok sila sa loob. Fully furnished na ang buong bahay. “Ito ang dahilan kung bakit ako, late sa dates natin. Inaayos ko ang bahay natin dahil gusto ko bawat sulok nito, ay purong ikaw at ako. Do you like it?”


                Inilibot niya ang paningin sa bahay. It was just exactly what her dream house was. Suddenly, she felt overwhelmed. Zyren was fighting for their relationship to work while she was thinking too much and thought she’s alone in the battle. Muli ay nainis siya sa sarili. She was too selfish and unfair to him.

                Naluluhang hinarap niya ito. “The house is perfect. But I think, I don’t deserve to be here.”

                Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. But he didn’t give up. He held her hand tight. “Doon tayo sa room.” Hinila niya ito paakyat ng hagdan.

                “Narinig mo naman ako di ba? Zyren, what if hindi naman ako ang para sa’yo? It’s just you decided already and you have the attitude of standing on your decision.”

                “Hindi ikaw ang magdedesisiyon sa bagay na iyan kundi ako.” Huminto sila sa tapat ng pinto ng isang silid at seryosong binalingan siya nito. “Anim na taon sa schooling, walong taong long distance. Fourteen years na kitang minamahal and still ongoing. I didn’t decide for this, I just felt it. And no matter what you say, I know you are my destined one.”

                “Kaya mo pa ba akong mahalin pag nalaman mong pina-cancel ko ang wedding preparations natin?” Tears fell from her eyes. Pinakita niya dito ang kamay niyang dating nagsusuot ng engagement ring nila. “I’m not even wearing your ring anymore. Dahil sobra akong nasaktan, sumuko na  ako Zyren nang di man lang sinasabi sa’yo na tama na. Ayoko na.”

                Nakita niyang napaluha na rin ito. “Alam kong pina-cancel mo ang wedding preparations. Kaya hindi ako natulog ng tatlong araw para matapos ang room na ‘to. Umaasa ako na baka mabibigyan mo pa ako ng second chance. Leanne, for the nth time… I love you so much. If I need to give my life to you, I will. If I need to be punished, then I’ll suffer. Pero wag ang mawala ka sa akin. I can’t afford that to happen.”

                Silence took over. They’re just crying…sobbing all the pains until he broke the silence. “Do you still love me, Leanne?”

                “My heart didn’t stop loving you. Kahit na huminto akong umasa na magiging okay pa ang lahat sa atin, hindi huminto ang puso kong mahalin ka.”

                “Then why did you call off the wedding? Ayaw mo na bang lumaban pa?”

                “Huli na nang malaman kong lumalaban ka rin pala. Those days I thought, you left me alone.”

                Binuksan nito ang pinto. “I made this room for us. This room tells our love story. I’ll give you time to think again. Do you really want to cancel the wedding or you want to go back in my arms and get married. Kahit anong maging kalabasan nito, gagalangin ko ang decision mo.”

                Pinapasok siya nito sa silid. 

                “I’ll just be here waiting, Leanne. Take your time. I love you.”  He closed the door.

                Binuksan niya ang ilaw at tumambad sa kanya ang glass wall na maraming nakapaskil na kung anu-ano. Lumapit siya sa glass wall. May venetian blinds ito sa kabilang side ng glass wall kaya visible ang mga nakapaskil doong halu-halong glass stickers at papel. It was like a wall of their love story. Naka-post sa glass wall na iyon ang mga pictures nila mula noong una silang magkakilala, naging rivals, naging mag-MU, at naging lovers. Ang mga pictures ay converted into glass stickers na isa-isang nakadikit sa glass wall. Pati mga pictures ng miniature kabaong at isang maliit na sako ng kape na binigay niya noong college ay andon din. The hotel rooms they’ve been together, the love padlock, the fake wedding ring from wedding booth during college days, the anklet, and even every headlines posts in bulletin board that became a way to make their relationship gone this far were all there.

                Bawat pictures ay may written captions sa glass wall with the use of permanent marker.  By looking at the whole glass wall, walang ibang sinasabi iyon kundi puro pagmamahal lamang ni Zyren sa kanya. Tears fell from her eyes. Saan pa ba siya makakahanap ng lalaking magmamahal sa kanya ng higit sa pagmamahal nito? Kahit pa madalas ay binabara siya nito at kinaaasaran niya ito sa pagiging antipatiko, hindi naman matatawaran ang laki ng pagmamahal nito sa kanya. She felt her heart overflowing with his genuine love. Sa sobrang emotions, naiiyak na siya habang nangingiti all at the same time.    

                     She touched one of the posted pictures in the glass wall. Iyon ang larawang kuha nang una silang ikasal sa wedding booth ng campus. Binasa niya ang caption. It was a part of the lyrics of the song he sang as a wedding vow that time.

                These are the moments I thank God that I’m alive. These are the moments I’ll remember all my life. I’ve got all I’ve waited for and I could not ask for more… I just love you, Leanne.

                Pinawi niya ang luha. Walang ibang hinihingi sa akin si Zyren kundi pagmamahal ko lang. Siguro tama nga, kami nga ang para sa isa’t isa.  Binigyan niya ang sarili ng pagkakataong isa-isahin ang mga nakapost doon at basahin ang mga captions. Lalong lumakas ang confidence niya sa relasyon nila.  Hanggang sa matapos niyang isa-isahin ang mga iyon. She felt relieved. Inilibot niya ang paningin sa buong silid nang may maalala siya. The room was quite similar to that particular hotel room they rented for a school project. May nakita din siyang chessboard sa bedside table.  She opened it and reminisced that particular day she heard him whispered, he loves her, for the first time. Napangiti siya nang makitang may tatak pa ng pangalan ng hotel na iyon ang chessboard.  Kung paano nito nakuha iyon, di siya sigurado pero na-touched siya.

                She opened a bedside cabinet and saw the miniature kabaong. Andoon pa ang love letter na binigay niya dito.  Hi Fafa Zyren, Congratulations! May you rest in peace! Bwahahaha. With love and care, Sisa.  Napatawa siya. “Ang sweet ko talaga.” But Zyren was sweeter. Keeping those memories was not easy. But he was able to preserve everything.

                Yes indeed. Ang silid na iyon ay tila kahon na nagtago ng alaala ng kanilang love story. Pinawi ng bawat himaymay ng kanilang relasyon ang alinlangan niya sa pagpapakasal kay Zyren. Nakapagdesisyon na siya.

                Pumasok siya sa banyo at inayos niya ang sarili. Pinawi ang luha at ipinaskil ang ngiti sa kanyang mga labi. Wala na siyang pakialam kung maulit uli ang mga sandaling kumakain siyang mag-isa dahil busy ito sa trabaho, o dahil inaasikaso nito si Jennie at ang magiging anak nito. Mahal niya si Zyren at kung lumalaban ito, lalaban din siya. Papalabas na sana siya ng banyo nang mapansin siya ang basag na glass door ng shower room. Naalala niya ang benda sa kamay ni Zyren. Alam na niya ngayon ang totoo. Siraulo talaga.  Lumabas siya ng banyo.

                Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Zyren was standing in front of her holding a stemmed rose with left hand while the other hand at his back. Patay ang ilaw ng bahay. Ang tanging ilaw lamang ay mula sa silid sa pinanggalingan niya.

                “Nakita ko ang basag na shower door. Bakit mo sinuntok iyon? Iyan tuloy may benda ang kamay mo,” singhal niya dito.

                “Galit na galit na ako sa sarili ko kanina. Gusto kong saktan ang sarili ko kasi sinaktan kita. Hindi iyan ang pinangako ko sa’yo. But it did happen. Takot na takot na ako nab aka dumating ang araw, magulat na lang akong wala ka na sa akin.”

                “Wag mo ng uulitan iyan.”

                Silence again. Ilang segundong nakatitig sila sa isa’t isa hanggang sa iabot nito sa kanya ang rose. She accepted it.

                “Naalala mo ba Leanne, noong una akong nag-I love you sa’yo?” She nodded. “I denied that. Natakot kasi akong masuntok mo, pag sinabi kong, mahal kita. Pero ngayon, pangarap ko na ang masuntok at mabugbog mo…ng pagmamahal. Wala akong pakialam kung ilang kilo ang bigat ng kamay mo o tuwing maaasar ka sa akin ay babatuhin mo ako ng kung anu-ano.  As long as you will also throw your heart to me and promise me that you will be forever mine, I will never step back. I know, you are my destined one. And I will only live with your love.

                Naaalala mo pa ba noong kinasal tayo sa wedding booth noong school fair? Iyon ang araw sana na magtatapat ako sa’yo. Kaso nasira ang plano ko. Kaya napunta ako sa plan B, ang magtapat sa’yo sa concert. Kung tutusin, ilang beses mong hinindian ang pagmamahal ko sa’yo. Pero hindi ko pa rin maiwasang sabihin na….” he paused for a while to sing the next line of a familiar song, “Looking in your eyes, seeing all I need. Everything you are is everything to me. These are the moments, I know heaven must exist. These are the moments I know all I need is this. I have all I’ve waited for and I could not ask for more…”     

                Her heart skipped. Waring bumalik sa sistema niya ang kilig na naramdaman nang unang pagkakataong kinanta ni Zyren ang kantang iyon sa wedding booth. From fake wedding to real wedding, she also couldn’t ask for more.

                “Leanne, I love you so much. With you, I will never ask for more. Ikaw at ako pa lang, buo na ako.”

                She nodded. “Salamat Zyren. I love you so much. And I’m sorry for hurting you too.”     

                Ang seryoso nitong mukha ay naging mas maaliwalas. Then a smiled curved on his lips. “Then, let me ask you something.” Biglang nagliwanag ang paligid at nakita niya ang mga magulang at kapatid pati ang magulang ni Zyren na may mga hawak na placards asking WILL YOU MARRY. Binalingan niya si Zyren. He was now holding a bond paper with the word ME on his right hand and a ring on his left.

                It wasn’t the first wedding proposal but she was overwhelmed and felt like it was just a first time. Tears of happiness fell from her eyes.  She nodded. “Yes.”

                “Wala ng urungan?”

                “Walang-wala na,” she assured him.

                “Kahit ngayon na?”

                “Ha?” Nagulat siya.

                “The judge is just downstairs.”

                Napabaling siya uli sa puwesto ng mga magulang at saka nakitang may tatlong hindi family members doon. Ang isa ang judge, at ang dalawa ay secretary ng judge at driver.

                Binalingan niya  si Zyren. “Game!”

                Nagpalakpakan ang kanilang pamilya nang isuot nito ang singsing sa kanya. Bumaba sila sa living area at makalipas ang isang oras, ganap na siyang Mrs. Leanne Dellano-Castillo.


               
                LEANNE woke up with a smile. Nakayakap si Zyren sa kanyang baywang habang siya ay nakadantay sa dibdib nito. It’s been two days since they got married in civil. Itinuloy na rin nila ang church wedding preparations. At ngayon, nakatira na sila sa iisang bahay…kanilang bahay. Wala ng nagawa ang magulang ni Leanne nang biglaan silang magpakasal. Doon naman din daw ang punta nilang dalawa kaya pumayag na rin ang kanyang ama.

                Nangingiting tinitigan niya ang natutulog na asawa. Yes they were already legally married but nothing X-rated happened to them. Lumaki lalo ang paghanga niya sa asawa nang ito mismo ang nagsabing hihintayin nito ang holy matrimony nila bago ang lahat. Yes, she married a perfect gentleman and one of a heck romantic guy.

                She moved closer to him at niyakap niya ito ng mas mahigpit.  Naalimpungatan ito sa ginawa niya.
                “Good morning, beybs,” masiglang bati niya dito.

                He smiled and stared at her with his signature lazy astonishing look. “Maganda ka pa sa umaga, beybs.” He kissed on her forehead.  She bet, every morning will always be a good one as long as she has Zyren beside her on that bed.

                “Ikaw hindi, panget mo!”

                Tinawanan lang siya nito. Then he gently caressed her cheeks. “Are you feeling better now?”

                The night before, she had an asthma attack. Habang nakikipag-deal siya sa hika ay matyagang inalagaan siya nito. He even ran an errand in the middle of the night just to find an open pharmacy where he can buy her medicines.

                “Okay na ako. I just need more rest. Inubos ng hika ang super powers ko,” hirit niya.

                “Then rest more. Ako na ang bahala sa lahat. Gutom ka na? Anong gusto mong breakfast?” Hinawi nito ang buhok niya.

                “Ikaw.”

                “Beybs, pang-dinner ako at midnight snack lang ako.”  He grinned.

                It’s her turn to laugh. “Siraulo! Ang ibig kong sabihin, ikaw na ang bahala.”

“Okay.” Ngunit sa halip na bumangon na ay lalo lang siyang niyakap nito.

“Antok ka pa?”

                “I’m not a morning person, you know it. It’s just 6am.”

                “Pero kailangan mo ng magluto, gutom na ako,” ungot niya. Isa sa mga side effect ng gamot niya sa hika ay ang magkaroon ng pakiramdam na parang laging gutom. Kaya palagi siyang kumakain pagkatapos ng atake niya.

                “Sige na nga, magluluto na ako.” Tinatamad na bumangon ito at naghikab.  Naiwan siyang nakahiga sa kama. Binalingan siya nito at pinisil ang tungki ng kanyang ilong. “Matulog ka muna uli, gigisingin kita pag nakaluto na ako.”

                “Thanks.”

                “Para saan ang thank you?” kunot-noong tanong nito.

                “Para sa panibagong araw kasama ka. Sa understanding, sa pagmamahal, sa paninindigan mo sa akin.”

                He smiled. “Pupunuin ko lahat ng pagkukulang ko sa’yo, Leanne. Mula noong kinasal tayo hanggang sa mamatay ako, gigising ka araw-araw na kasama ako. Magdusa ka sa pagmamahal ko. Unlimited iyon.” He kissed on her forehead after he jump off the the bed. “I’ll prepare the food. Mag-day dream ka muna diyan,” he said as he approached the door.

                Binelatan niya lang ito. Hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng kwarto. Bumaling siya ng higa sa kanan para mapagmasdan niya ang glass wall. She never thought she would have a great love story like that. And she will be forever thankful she has Zyren.

                Matutulog na lang sana siya uli nang mag-ring ang message alert tone ng Iphone niya. She grabbed her phone from the bedside table. Nag-text si Jerick.  Hey sweet girl. I found out about your civil wedding.Congrats. Masaya ako para sa’yo kahit na hindi ako ang nakatuluyan mo.

                Napangiti siya at nag-reply. Salamat, Jerick. Sana makita mo na rin ang destined one mo.  After sending the message, he suddenly gave her a call. Sinagot niya iyon. “O napatawag ka?”

                “Wala lang, biglang emo lang ako. Di pa ako nakaka-move on e.” Binuntutan nito ng tawa ang sinabi. But she knew better, half meant iyon.

                “Siraulo ka rin talaga.”

                “Joke lang. Pwede ko bang makausap ang asawa mo? May sasabihin lang ako, lalaki sa lalaki.”

                Nagdalawalang-isip siya dahil may pagkaseloso si Zyren ngunit sa bandang huli ay pumayag siya. “Sandali lang, ibibigay ko sa kanya ang phone.”

Bumaba siya ng kama at nagpunta ng kusina. Inabutan niya ang asawa na abala sa pagluluto ng soup. Niyakap niya ito mula sa likod. Inalayo niya saglit sa tenga ang phone para di masyadong marinig ni Jerick ang lambingan nilang mag-asawa. Alam naman niyang hanggang ngayon marahil ay may gusto pa ito sa kanya.

“Beybs, may gustong kumausap sa’yo.” Iniabot niya dito ang phone sabay agaw ng sandok.

Kunot-noong  tinanggap nito ang phone at kinausap si Jerick. Pasimple lang siyang nakikinig sa sinabi nito sa kausap sa kabilang linya. “Siraulo, kahit mamatay pa ako, hindi ko ibibigay ang asawa ko sa’yo.” Tumawa pa ito. Napalingon tuloy siya dito. He was lovingly watching her. He smiled. “I know pare kaya alam kong alam mo rin ang dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya. Napaaga na ang church wedding namin. Leanne will be happy if you will be there. Papadalhan ka namin ng invitation. Okay. Sige.” Nawala ang ngiti sa labi nito at seryosong ibinalik sa kanya ang phone sabay agaw din ng sandok sa kanya.

“Anong sinabi mo sa asawa ko?”  tanong niya kay Jerick sabay upo sa stool kitchen counter. Mula doon ay  napapagmasdan niya ang asawang nakatalikod sa kanya at abala sa pagluluto.

“Lalaki sa lalaki nga, hindi ka naman lalaki. Leanne, you will always be a special girl to me. Be happy with your husband okay?”

Napangiti siya. “I will.”  Nagpaalam na ito. Then, the call ended.

Inilapag na ni Zyren ang ginawa nitong chicken mushroom soup sa mesa. “Kumain ka na,” seryoso nitong sambit.

“Uy, ba’t sobrang seryoso mo?” puna niya.

Inilagay nito sa mesa ang iba pang nilutong bacon, fried egg, at toasted bread. “Bakit agang-aga tinatawagan ka ng Jerick na iyon?”

Napatawa siya. “Hanggang ngayon ba naman nagseselos ka pa do’n?” Sinimulan nila ang pagkain. “Misis mo na ako. Wala ka ng dapat ikatakot ano.”

“Meron. Sinabi niya na magkamali lang ako ng konti, aagawin ka niya sa akin.”

“Naniwala ka naman? Niloloko ka lang no’n.”

“Sige, ipagtanggol mo pa!” pagsusungit nito.

 “Sige, magpa-cute ka pa beybs. Napaka-cute mo talaga pag nagseselos,” hirit niya.  “Malay natin, patay na patay pa rin siya sa aking beauty, sexiness, and sweetness.”

“Damn!”

Napahalakhak siya. “Ikaw talaga, biro lang iyon.”

“Ah basta, ayokong tumatawag ang lalaking iyon sa’yo.” Biglang parang napaisip ito. “I can’t remember exactly pero ano ngang tawag ko sa kanya dati?”

                “Manliligaw kong mukhang paa.”

                All of a sudden, they burst out of laughs. “Ang pulaero ko pala dati ano?”

                “Antipatiko ka lang naman, beybs. Pero minahal ko rin iyong ugali mong iyon.”

                He smiled. “Wag kang ganyan, Leanne. Kinikilig ako.”

                Tumawa siya. “Paano ka ba kiligin?”

                He playfully demonstrated a giggling act that made her laugh out loud. “Ganito lang, cute ba ako?”

 “Mukha kang kiti-kiti o bulating sinabuyan ng asin.”

                His phone rang. Biglang sumeryoso ito nang sagutin ang tawag nito. “Okay, papunta na ako.”  He ended the call and seriously faced her. “Tumawag iyong private nurse ni Jennie. Manganganak na siya.”

                Kinabahan din siya at bigla niyang naalala ang napagkasunduan nila ni Jennie. Lord, makaligtas sana siya please? Mas gugustuhin niyang habambuhay na may Jennie at baby na kaagaw niya sa oras ni Zyren kesa naman may isang buhay ang mawala.

                “Puntahan natin siya. Sasama ako.” Tumayo na siya.


                “Ako na lang, Leanne. Kagagaling mo lang sa sakit. Dumito ka na lang at magpahinga ka. Babalitaan na lang kita.”  He kissed on her lips. “Okay?”

                Wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang.


PREVIOUS                                                               NEXT

Comments

kiz said…
woaaaahhhh.. ayan naaaaaa.. sana naman walang mamatay. :| next na ate :) hehe
Naiomi said…
ako na! ako na ang muntikan ng maihi dahil sa kilig! super gandaaaa! pari ako naiinlove na kay zyren. hahaha! wala naman sanang mangyari kay jennie :(

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…