Skip to main content

Love Story By Glass Wall- Chapter Eight




“Okay ka lang beybs?” tanong ni Leanne kay Zyren habang nasa passenger seat sila ng kotse nito na kasalukuyang minamaneho ng ama nito. Nasa tabi ng kanyang future father in law ang ina ni Zyren.

                Kakalabas lang ng ospital ni Zyren, matapos itong mawalan ng malay habang yakap niya, limang araw na ang nakakalipas. Napakarami nitong sakit according to his doctor. May initial symptoms na ito anemia, may hyperacidity,  may UTI, mababa ang blood pressure, at over fatigue. Sabi na nga ba’t magkakasakit ito sa lifestyle nito. Ilang beses na niyang pinigilan itong maging past time ang makipag-inuman sa kung saan-saang bar at magpuyat pero hindi ito nagpaawat.

                Nakasandal ang ulo ni Zyren sa balikat niya. “Yeah, I’m just groggy with lots and lots of medicines in my body.”

                “So ano? Mag-iinom ka pa?” tanong niya ulit.

                “Oo naman—aray!”

                She intentionally pinched his ears. “Wala ka talagang kadala-dala! Hindi na pwede. I will confiscate everything not good for you in your ref. Ititira ko lang ang pwede sa’yo.”

                Sumimangot ito. “Unfair. Di pwede iyon!”

                “Pwede, di ba Mama Chona, aalisin ko iyong mga bawal sa ref niya?”

                Lumingon ang ginang. “Of course dear.” Binalingan nito ang anak. “Makinig ka nga sa mapapangasawa mo. Wife knows best for her hubby.”


                “Is that right, Dad?”

                Daddy Sammy gave them a glance in the rearview mirror. “Hard to admit but your mom is right, Zerino.”

                “My bad.”

                “Anong your bad? That’s for your own good. Ayoko ng maulit pa ang himatay mode mong iyon. Natatakot ako.”

                “Sige na nga, pero kiss ko muna,” ungot nito.

                “Wala kang kiss ng isang buwan. Punishment iyan sa katigasan ng ulo mo.”

                He sighed. “Wawa naman ako, may sakit na nga, wala pang kiss,” drama nito.

                Napatawa na lang tuloy siya.

                “Tapos tatawanan lang ako ng fiancée kong baliw. Kawawa talaga ako.”

                “Ang sama mo talaga!”

                “Ako pa daw ang masama? Ako na nga ang kawawa at pinagtawanan, wala pang kiss tapos ako ang masama?”

                She laughed. “Sino bang kausap mo, Zyren beybs?”

                Pabirong tiningnan siya nito ng masama. “Kausap ko ang sarili ko. Kaya kong kausapin ang sarili ko, hindi kita kailangan!”

                She laughed again. Humarap siya ng ayos dito at ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang palad. Mukha pa rin itong galing sa sakit ngunit laking pasalamat niya at mabuti-buti na ang lagay nito. She will never forget that day when he fainted in her arms. Sa mga sumunod na oras ay pinagdaanan  niya ang magkakahalong takot  at pag-aalala hanggang sa muli niya itong nakitang nagmulat ng mata matapos ang dalawang oras. Kaya kahit pag-awayan pa nila araw-araw ang hobby nitong uminom ng alak at magpuyat ay hinding-hindi na siya papayag na makahawak ito kahit isang basong tagay lang.

                She smiled and sincerely looked in his eyes. “Ako, kailangan kita kaya ayokong magkasakit ka uli.”

                He pinched her nose. “Oo na nga, panalo ka na. Susundin na kita kahit walang kiss.”

                She gave him a quick kiss on lips.  “Good.”

                “Akala ko walang kiss?”

                “Premyo mo naman iyan sa pagiging masunurin.”

                Niyakap siya nito. He whispered on her ears. “Love you beybs.”

                “Love you, beybs.”

                “Ang sweet nila Sammy, Love you, Daddy!” hirit ni Mama Chona. Zyren’s mom gave his father a kiss on cheeks.

                “We’re too old for that, Chona.”

                “Bakit ba? There’s no age limit in love.” 

                Nagkatinginan na lang silang dalawa at natawa. Umupo na rin sila ng ayos sa back seat ng kotse hanggang sa makarating na sila sa bahay nina Zyren.

                Sinamahan niya ito hanggang sa kwarto nito. Halata pa rin dito ang epekto ng hospitalization. Agad itong humiga sa kama pagkapasok nila ang silid.

                “Sige beybs, pahinga ka na okay? Aayusin ko naman ang ref mo.” She opened the ref and removed everything not good for him.

                “Beybs…”

                “Hmm?”

                “Okay na ba talaga ang lahat?”

                Pansamantalang itinigil niya ang pag-raid sa ref nito. She closed the mini ref, sat on the carpeted floor and rested her head on the side of the bed. Now she was facing him. She smiled. “Kakayanin natin ito, Zyren. Kinaya ko nga ang paghihintay sa’yo ng eight years na hindi ako sigurado na babalikan mo nga ako. Ito pa kaya? Mahal kita. Hinding-hindi kita basta bibitawan na lang dahil sa selfishness na nararamdaman ko. Aaminin ko, kung may pagkakataon lang sana tayong pumili, ayoko ng may ibang kaagaw sa’yo, romantic aspect man iyan o hindi.  Pero coming soon baby siya na product ng kagustuhan ni Jennie na matupad ang pangarap niya. Naging parte ka ng pangarap ng isang tao. Like you, hindi ko kayang ipagkait ka sa baby. Kailangan niya ng ama.”

                “Hindi kita iiwan kahit anong mangyari, Leanne. Just have faith in me, trust me. I will never let you down.” She nodded. “Salamat.”

                Umiling siya. “Maraming bagay akong natutunan sa pagiging responsableng tao mo. Ako ang dapat magpasalamat. At sa halip na mabawasan ang pagkagusto ko sa’yo dahil sa nangyari, it turned opposite. Naging mas cute ka pa ng ten times.”

                He grinned. “Sige nga, kiss mo ako.”

                Binelatan niya ito. Tinawanan lang siya nito. Biglang nag-ring ang phone niya.  Unregistered ang number ng caller. Sinagot niya ang tawag.

                “Leanne si Jennie ito. Ahm may oras ka ba ngayon? Can we talk? Importante lang.”

                Binalingan niya si Zyren, nakapikit na ito at nahihimbing na. “Sure, nasaan ka ba?  Pupuntahan na lang kita.” Sinabi nito ang restaurant kung nasaan ito. 

                She kissed on Zyren’s forehead. “Beybs, aalis muna ako. May i-meet akong kliyente.”

                Bahagya itong nagmulat ng mata. “Sige, ingat ka ha.”

                She nodded. “Babalik ako agad. Love you.”

                Agad siyang tumungo sa restaurant kung saan naghihintay si Jennie. Nakita niya agad ito sa isang sulok pagkapasok niya ng resto. Pagkaupo niya ay may iniabot agad itong papeles sa kanya. Agad niya iyong binuksan at binasa.    

                Natulala si Leanne habang hawak niya ang medical records na iniabot sa kanya ni Jennie. Delikado ang lagay nito. Inabisuhan na daw ito ng doctor na simulan na ang magdasal dahil tanging dasal lang daw ang magliligtas dito sa panganganak.

                “Mataas ang risk na mamatay ako, Leanne. Kaya may ipapakiusap sana ako sa’yo,”  sambit nito.

                “Anong maitutulong ko?”

                Umiiyak na hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “Kung may mangyari sa akin, sa’yo na ang anak ko. Angkinin mo siya. Ituring mo siyang anak mo…anak nyo ni Zyren at mahalin mo siya na parang sa’yo siya galing. Please? Nakikiusap ako. Kung mamatay ako, kakailanganin ng baby ko ng ina.”

                Nablangko siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin o kung ano ang tamang sasabihin. Kung mawala nga ito, kaya ba niyang maging ina sa batang hindi naman talaga kanya? Pero hindi niya kayang tanggihan ang isang ina na nakikiusap sa kanya.  

                She nodded. “Payag ako basta ipapangako mo sa akin na hindi ka basta susuko. Nanay ka, gawin mo ang lahat para sa baby mo.”

                “Oo naman. Salamat, Leanne.”

                Tama ba itong desisyon ko? Hindi pa siya nakaka-recover sa issue na ito pagkatapos ngayon ay mas lalong nadagdagan ang bigat ng sitwasyong iyon sa kanya. Leanne just let it on. Bahala na nga.  

                “Isang pabor pa, Leanne. Wag mong sasabihin ito kay Zyren. Unless, I didn’t make it and I die.”


                LITERAL na wala sa sarili si Leanne habang mag-isa siyang nagtatanghalian sa pantry ng office ni Zyren sa loob ng Neryz Ennael. Pre-occupied siya ng huling pag-uusap nila ni Jennie ilang araw na ang nakakalipas. Hindi niya alam kung bakit hindi iyon maalis-alis sa isip niya. Mas iniisip pa nga niya iyon kesa sa nalalapit niyang pag-take over bilang CEO ng Neryz Ennael.

                Unti-unti na niya ngayong nararamdaman ang epekto ni Jennie at ng upcoming baby sa relasyon nila ni Zyren. Kung dati ay naagaw ng business ang oras ni Zyren sa kanya, ngayon ay lalong nabawasan ang oras nito dahil kay Jennie.  At madalas na niyang nararanasan ang mga sandaling tulad nito. Magyayaya si Zyren ng lunch sa office nito, magpapa-deliver ng pagkain para sa kanila, pero heto siya at nag-iisa. Nabalingan niya ang dapat sanay seat ni Zyren.

                Hanggang kelan ko kayang tiisin ito, Zyren?

                Naiintindihan niya ang sitwasyon pero aminado rin siyang nahihirapan siyang wag masaktan.  Malungkot na ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain nang mag-isa. Marahil ay na kay kina Jennie na naman si Zyren at nakalimutan na sabay silang magtatanghalian. Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na siya. Akmang palabas na sila ng office nito nang bumukas ang pinto. Humahangos na pumasok si Zyren.

                “Sorry beybs, naipit ako sa traffic—”

                She just moved closer and kissed him on cheeks while in poker face. “Kumain ka na. Katatapos ko lang. Hindi na kita masasamahan kasi may gagawin pa ako.”

                She led her way out of the office when he grabbed her hands and pulled her back to his arms. Nagkatinginan sila. Without any signs at all she was surprised with a kiss. Her heart skipped again. Akala niya, sanay na siya sa ganoong eksena. Akala niya ay hindi na niya mararamdaman ang kakaibang kaba na yon. Pero eto siya, matapos niyang ilang beses ma-depress at umiyak dahil sa pinapasok nilang situation, nagawa pa rin ng puso niyang kilalanin ang pagmamahalan nilang dalawa. Tears fell from her eyes. He grabbed her nape and kissed her more tenderly. Buong pusong tinugon niya iyon.  Dahil iyon lang ang alam niya sa mga sandaling iyon, umiiyak siya dahil mahal niya ito. Until, they both get satisfied.

                  Mataman siyang pinagmasdan nito. May bakas ng takot, pag-aalala, at humihingi ng tawad ang mga mata nito. Marahang pinunasan nito ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. “Mahal na mahal kita, Leanne.”

                “Alam ko, pero hindi lang pagmamahal ang kailangan natin, Zyren. Habang kailangan ka niya, kailangan din kita. Kailangan mo rin ako. Habang minamahal natin ang isa’t isa, kailangan ng unawaan, kailangan ng sacrifice, kailangan ng desisyon.” Bumitaw siya sa pagkakayakap nito at pinawi ang sariling luha. “Sa susunod, wag ka ng umorder ng meal for two kung ganito rin lang ang ending. Mula nang malaman ko ang tungkol kay Jennie, naubos na ang konting oras na naibibigay mo sa akin. Hindi ko naman hinihingi ang buong maghapon mo. Iyong isang oras na lunch break man lang sana makasama kita para maramdaman ko naman na may boyfriend ako. Pero pati iyon, wala na.” Then she walked out of his office.

                Tumuloy siya sa office niya na katapat lang ng office nito. Umupo lang siya sa swivel chair at umiyak.  She really can’t explain what she really felt.  Ang alam lang niya, nasasaktan na siya sa pagmamahalan na ito. Bigla niyang napansin ang engagement ring na suot niya. She touched the ring with her finger tips. Dapat pa bang magpakasal pa tayo, Zyren?  Kung ngayon pa nga lang, sagad na ang sakit ng nararamdaman niya, malaki ang posibilidad na mas masaktan pa siya kapag pumagitna na siya sa married life kasama si Zyren, Jennie at ang baby ng mga ito. She pulled off the ring. Nakabuo siya ng decision.

               
                MAG-ISANG nakaupo si Leanne sa isang side ng living room sa tahanan nina Marco at Crista. Birthday party ng  anak ng mag-asawa. At bilang isa sa mga ninang, sinigurado niyang makakarating siya. Things get worst between her and Zyren. Mula noong araw na nagtanghalian siyang mag-isa sa opisina nito ay hindi na sila nagkausap man lang. Nabalitaan niyang hindi masyadong maganda ang kondisyon ni Jennie kaya marahil mas madalas pa itong naglalagi sa tabi ng kaibigan nito. Hindi niya ito tinatawagan, hindi na rin ito tumatawag…hindi na niya alam kung may relasyon pa ba silang iniingatan o siya na lamang ang umaasang maaayos pa ang lahat. Ang huli niyang natanggap dito ay isang text message na humihingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang nito sa kanya. Hindi niya sinagot ang message na iyon.

                Sa di kalayuan ay natatanaw niya sina Marco at Crista. Buhat ng pinsan niya si Yumi na birthday celebrant ngayon habang si Crista naman ay sinusubuan ang mag-ama nito. The scene was simply admirable. Hindi niya tuloy maiwasan ang mainggit. Marami ding pinagdaanan ang pinsan at best friend niya bago ang mga ito nauwi sa pagpapakasal. Hinahangaan niya ang katatagan ng mga ito.  Kung sanay kasing tapang siya ng dalawa para kayanin ang pagsubok sa relasyon nila ni Zyren. Kaso duwag ka at selfish, Leanne at ang boyfriend mo, walang pakialam.  

                Napansin siya ng mag-asawa. Umiwas na lang siya ng tingin hanggang sa tinabihan na siya ng dalawa.

                “Okay ka lang ba?”  tanong ni Crista.

                Umiling siya. “Hindi ko alam.”  Alam ng dalawa ang problema nila ni Zyren. “Nasasaktan ako, nami-miss ko na siya. Hindi dapat ganito di ba?” Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. “Noon, wala naman akong gusto kundi ang makasama lang siya, mayakap siya, maalagaan ko siya at masabi ko sa kanyang mahal ko siya. Wala naman akong hinihingi sa kanya kundi ang assurance na di na niya ako iiwan. Pero habang palapit ng palapit iyong araw na ikakasal kami, saka ko nararamdaman na palayo na siya ng palayo. Naiintindihan ko naman na kailangan siya ni Jennie at ng baby nito kaya lang… pano naman ako?”

                 Niyakap siya ng pinsan. “Just hold on with your love. Pagsubok lang iyan sa inyo.”

                “Tama, Leanne. Dapat hawak-kamay lang. wala dapat ni isa sa inyo ang bibitaw,” payo pa ni Crista.

                “Hindi ko na yata kaya.”

                “Dellano ka. Wala sa lahi nating ang sumusuko, okay?” Ikinulong ni Marco ang kanyang mukhang sa mga palad nito. “Mahal nyo ang isa’t isa. Kung paninindigan nyo iyon, makaka-survive kayo.”

                Sana nga maka-survive ako…kami. Pagkat sa mga sandaling iyon, malapit na siyang mag-give up.

                “Mag-usap kayo ng ayos ni Zyren,” suggest ni Crista.

                “Hindi ko na nga alam ang whereabouts niya. Ni hindi ko nga alam kung darating siya ngayon.”

                “Speaking of, andiyan na siya.”

                On cue, she felt the familiar warm embrace from Zyren. It was immediately followed by a kiss on her cheeks. “Sorry, as usual na-late na naman ako.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at binalingan ang mag-asawa.” May iniabot itong kahon. “Gift ko kay baby Yumi.”

                “Salamat pare,” sambit ni Marco.

                Binalingan sila ng mag-asawa. “Ah, doon muna kami sa ibang guest ha. Zyren, kuha ka na lang ng food doon at mag-usap kayo ng ayos,” hirit ni Crista bago sila naiwan dalawa. Majority ng guests ay nasa garden para program.

                Umupo si Zyren sa tabi niya. Saka lang niya napansin na may benda ang kaliwang kamay nito.  Nag-aalang tiningnan niya ang kamay nito.  “Anong nangyari diyan?”

                “Ah wala, may ginagawa kasi akong importante and I just caught a little accident. May nabasag na glass wall kasi at tinamaan ng debris ang kamay ko.”

                “Kelan pa iyan?”

                “Kanina lang, kaya ako na-late.”

                “Anong nangyari? Bakit nabasag? Saan? Sa bahay nyo?” Nag-aalalang tanong niya.

                “Sa bahay natin.”

                “Ha?” Bahay natin?

                Tipid na ngumiti lang ito pagkatapos ay sumeryoso na ang mukha. Umiwas ng tingin at muli siyang tinitigan. 

                “Leanne… Lately, hindi naman si Jennie ang inaasikaso ko e. Lalo na noong huling lunch na na-late ako. May iba akong inasikaso noon. Hindi mo na ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag kaya  binigyan na lang kita ng pagkakataong makapag-isip. Tiniis kong hindi ka makausap after kong magtext sa’yo at hindi ka nag-reply. Naiisip ko noon napagod ka na siguro sa akin. Binigyan kita ng chances na ma-regain ang energy mo para ngayon, pwede mo na ulit akong sapakin sa halip na iyakan.”

                By looking at his eyes, she knew he was in pain too. Tumungo siya para makaiwas ng tingin. Ayaw niyang makitang nasasaktan ito. He moved closer to her and embraced her. “I miss you so much, Leanne.  Hindi ko kaya na palagi tayong ganito, okay tapos cool off. Natatakot ako sa bawat paglayo mo. Paano kung di na kita mahabol? Hindi ko kaya, Leanne. I’m sorry sa lahat ng pagkukulang ko.”

                She gave in. Tila na re-charge nga siya ng tapang at lakas ng loob.  “Walang mangyayari sa sorry kung wala kang gagawin, Zyren.”

                Kumalas ito ng bahagya sa pagkakayakap sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang buhok at pisngi. “I know, give me the chance to prove how much you mean to me. Pagkatapos ng party, sumama ka sa akin.”

                “Saan tayo pupunta?”

                “Sa bahay natin.”

                “Ha? Saan iyon?”



PREVIOUS                                                            NEXT

Comments

Ericka said…
biteenn!!! hahaha...
ang dami naman saket ni fafa zyren!! hahaha... naku! buti d cya namatay!! hahaha lol... nexxxtt na!! ang gondo tlga neto!!! :D :D
haffle :)) said…
Pag ito ang binabasa ko, para akong sumasakay sa roller coaster dahil sa emotions. Haha. Winner!
kiz said…
kikiligin ako. tapos maluluha luha. tapos ok na naman. nakakaloka ang feelings sa kwentong ito. winner!!! next na po :))
Naiomi said…
birthday ko! birthday ko, wooooh! Hahahaha. waaah, inaasikaso sguro ni fafa zyren ang bahay nila! makakakiliggggg toooooo! waaaah ang gandaaa :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…