Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Marry Me, Cielo - Part 2



“Oy, anong latest chismis sa mga jowa nyo?” Kasalukuyang chinichika ni Danica ang kanyang make-up artist at hairstylist habang abala ang dalawa sa pagpapaganda sa kanya. Commercial break pa ng live morning show niya.

          “Okay naman ang sa akin, fafaness pa rin,” tugon ng make up artist na bading.

                “Ang sa akin waley na. Nag-disappearing act na!”  hirit naman ng hairstylist niya.

“Ay talaga bakit?” tanong niya.

“Nakakita ng legs na true blue babae! Ayun, sayonara babu na sa beauty ko.”

“Ay ganon? Buti nga kayo e.  Kayo ang dahilan kung bakit waley natitira sa aming mga true blue babae,” komento niya sabay tawa.

“Sus, Miss Danica. Ang gwapo kaya ni Sir Cielo mo.”

“Ay tama ka diyan ‘day! Gwapo talaga yon!" Masama nga lang ang ugali.

Speaking of the guy, miss na niya ito. Ilang buwan na ang nakalipas nang mahalikan niya ito ng walang kalaban-laban on stage ng Senang Hati. At matapos ang insidenteng iyon ay umiwas na ito sa kanya. Civil na civil ito habang ini-interview niya ang banda nito para sa show niya. Iyon na ang huling pag-krus ng landas nila. Hindi na ito dumadalaw sa HBH building kung saan nagaganap ang shooting at airing ng kanyang show. Ang sabi  ni Richael, ang housemate niya na road manager  din ng banda, busy daw ito sa rehearsal para sa nalalapit na concert ng banda. Pero iba ang duda niya. Umiiwas sa kanya si Cielo dahil napagsamantalahan niya ito.


Napangiwi siya sa naisip. Grabe parang naging rapist ako ah. Inihit siya ng ubo. Yes, may sakit siya. Pero the show must go on. Hindi pwedeng mag-postpone dahil lang may sakit siya. Nakasalalay sa kanya at sa show niya ang future ng Cielo baby niya.  She wanted the best for him. At habang buhay ang kanyang show ay kumikita ito ng malaki. But at the same time, she wanted to annoy him to death. She wanted to regain her pride. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit niya ito inaakit-akit at inaasar. But after that Kiss Me game on his birthday, she discovered something on her system. She wanted him. Period. Walang dahilan, walang halong pagganti o power trip lang. And there’s no turning back. Mukhang nabibiktima na rin siya ng kalokohan niya. Ngayon wala na siyang pakialam. Ang gusto lang niya, makita palagi si Cielo, magpapansin, magpa-cute, at mang-akit.

                 “Okay ka pa ba, Danica?” tanong ni Ciella, ang twin sister ni Cielo na college organization mate niya at siya ring director ng morning show niya.

                “Keri lang Ciella. Pero mas okay sana kung dinadalaw ako ng kambal-tuko mo,” tugon niya. Tapos na ang retouch portion. Naiwan silang dalawa sa couch.

                “Tumawag nga ako kay kuya Cielo. Sinabi ko na may sakit ka. Ang sagot ba naman, ‘good!’ at least daw tao ka at nagkakasakit din pala.”

                “Sarap talaga ipakulong iyang kapatid mo,” hirit niya.

                “Kulong agad?” gulat na reaction ni Ciella.

                Napatawa tuloy siya. “Oo naman, kulang agad sa puso ko.”

                She laughed. “Lakas tama ka talaga, Danica.”

                “I know right! Isama na rin natin ang left para naman di siya outcast.”

                “Bahala ka na nga sa kabaliwan mo.” Tumayo na si Ciella. “Air na tayo in thirty seconds. O paayos ng lights masakit sa mata!”

                Napangiwi si Danica. Kung may taong overly over sa pagka-focus sa trabaho, si Ciella na iyon. Lahat sa set na iyon ay pakana nito. Walang nakakatakas na detalye kahit naligaw lang na turnilyo.  In ten seconds nakapwesto na ang lahat pati siya at pagkatpos ng twenty minutes, tapos na rin ang show.

                Binati na niya ang mga sponsors na kung di lang panay ang pagpapadala sa kanya ng anek anek ay magsasawa na siyang batiin. “And to my Cielo beybs, I hope you’re doing well.”  Nagpa-cute siya sa camera. “I  love you. Mwah mwah, tsup tsup! Happy weekend to all.  Be with you on Monday, only here at The Morning Talk with Danica.”  She posed her best smile at the camera until she heard the cue of Ciella.

                “Cut! Good job guys!” 

Napabuntong-hininga siya sabay sandal sa sofa. Gustong-gusto na niyang gumapang pauwi para makapagpahinga. Pero hindi siya si Darna na isang lipad lang ay makakarating na agad sa bahay kaya pumikit siya para magpahinga kahit ilang segundo lang. Pero maling strategy ata iyon. The moment she closed her eyes, an image of Cielo popped out. He was moving closer to her face as if anticipating the chance to give her sweet fiery kiss. Pero bago pa lumapat ang labi nito sa kanya ay nasira na ng pagtahol ng aso ang ilusyon niya. Napabalikwas siya sabay sampa sa sofa nang pagmulat niya ng mata ay nasa harapan na naman niya ang dalawang chow chow ni Cielo. 

It’s been months and the puppies now grew bigger and looked terrifying in her eyes. “Eeeeeee! Ano na namang ginagawa nyo dito? Tsu! Tsu!” Tumahol ang mga ito bilang sagot. Letsugas! Nakayakap na siya sofa. Buti na lang at mabigat na sofa iyon. Kung nagkataon, baka kanina pa siyang natumba sa kalalayo niya. Tumahol ang dalawang aso pagkatapos ay umikot sa likod ng sofa. Gusto niyang magwala at sakalin ang may kagagawan nito.  On cue nakita niya si Cielo sa kalagitnaan ng mga abala sa pagliligpit na production crew. Kausap nito ang young president and man behind HBH, si Hiroshi Hotoki.  

Letse kang Cielo ka! Dumalaw ka nga, pero papatayin mo naman ako sa takot! “Hey you, Cielo baby!”  she shouted. Napahinto ang lahat sa mga pinagkakaabalahan at natuon ang atensyon. Pati sina Hiroshi at ang Cielo baby niya ay napalingon. With full conviction, itinuloy niya ang dapat sasabihin. “You evil Cielo baby!”

“What?” kunot-noong tanong nito sabay titig sa kanya na tila ba, tuwang-tuwa na nakita siya ulit. Ngunit alam niyang mang-aasar lang din ito.

Ay ewan ko na, gusto ko ang pakiramdam na nakita kita ulit pero gusto kitang ibalik sa ovary ng nanay mo!  “How could you bring your two monsters here? Wala ka talagang puso. 40 degrees  ang lagnat ko at inuubo pa!  Siraulo ka talaga—ay talaba!” Nagulat siya nang tumahol na naman ang chow chow ni Cielo. Nasa harapan na naman niya ang dalawang aso. Ang isa ay may kagat-kagat na basket ng fruits sa bibig at ang isa naman ay may stemmed rose sa likod. She felt her heart skipped. Hindi nga lang niya alam kung ano ang dahilan...ang munting kilig, ang takot sa aso, o ang 40 degrees na lagnat. Or maybe, all of the above.

“Ikaw na nga ang dinadalaw, ako pa ang siraulo? Go home and rest, Danica.” He clapped his hands giving the dogs some alien communication she couldn’t understand...but the dogs did.

Bilang pagsunod, ibinaba ng isang chow chow ang basket sa sofa.Napatili siya at napaurong sa kabilang dulo ng sofa. Takot na takot siya. “Cielo naman e!” She cried. Punung-puno na siya sa ganoong torture na ginagawa sa kanya ni Cielo. Maaaring bahagi lang iyon ng asara nila at alam niyang hindi siya sasaktan ng aso dahil naturuan ang mga ito ng disiplina ni Cielo, ngunit may hangganan ang kakayanan niyang wag mapikon. May sakit siya ngayon, wala siyang oras makipag-asaran.

Lumapit sa kanya ang isang aso as if asking her to pick the stemmed rose in it’s back. Pero ikamamatay niya kung gagawin niya iyon. “Cielo, ayoko na! Ilayo mo na sila!” She begged.

Naaasar na talaga siya. Para na nga siyang batang umiiyak pero wala ni isang kumikilos para tulungan man lang siya. Mga walang puso rin ba ang staff and crew ng show na to?

He walked towards her. “Pick the rose first. Lalayo na iyan sa’yo.”

“Kung ganito ka magpakita ng concern, di bale na lang Cielo. Di ko kailangan ng concern mo!”

“Di ako nagbibigay ng concern sayo.  Iyong mga aso ko ang may concern sa’yo.”

“Oh, shut up, loser geek!” Tiningnan niya ito ng seryoso...in poker face. Kitang-kita sa mga mata nito na nainsulto ito sa sinabi niya at dahil pikon na pikon na rin siya, pasensyahan na lang. Tumayo siya sa ibabaw ng sofa at saka niya ito sinampal sa harap ng production crew ng show niya.

Natigilan sila pareho.Ngunit bago pa ni isa sa kanila ang makapag-react, naramdaman niyang bumaon sa paa niya ang ngipin ng isa nitong aso. Sa sobrang takot at pagkataranta, bigla na lang siyang natumba.  Cielo managed to catch her though.


“ANTIPATIKO, walang hiya, siraulo, gago! Maubusan ka sana ng ngipin o ng buhok sa kili-kili! Dumami sana ang pimples mo sa mukha pati na rin sa pwet. At higit sa lahat, di ka sana magka-girlfriend kahit kailan! I curse you!” litanya ni Danica habang hawak-hawak ang isang maliit na teddy bear at picture ni Cielo. Animo’y nagri-ritual ang asta niya habang nakasampa siya sa kama.

Dahil sa pagkagat sa kanya ng aso nito at sa trangkaso niya, ilang araw siya sa ospital at ngayon ay nagpapagaling na sa bahay. At ang talipandas na lalaking may dahilan ng lahat, ni anino di man lang dumalaw.

“Oy bruha, umayos ka nga diyan.”

Tiningnan niya ng masama si Richael. “Wag kang kokontra sa pag-curse ko sa kanya friend!” Sinakal niya ang teddy bear. “Because right here, right now, the only thing I want to do is kill him!”

Tinawanan lang siya ni Richael at ipinagpatuloy ang pagsusuklay sa harap ng human size mirror. Ilang taon na rin silang magkasama sa iisang bahay ng kaibigan niyang ito. Magkabarkada sila noong college kasama ang kakambal ng lalaki minamahal niya at sinusumpa ng sabay.

“Ay naku friend, if I were you, sabihin mo na lang kay Cielo na gusto mo talaga siya as in for real walang halong chenes at eklavou. Magtapat ka na lang, tapos na ang drama nyo, happy ending pa.”

“Sige nga, gawin mo nga kay papable police iyan.”

Napahinto ito sa pagsusuklay. Halatang affected. “Wala na pala akong sinabi. Control alt delete!”

They both laughed. Pagkatapos ay binalingan siya nito. “Aalis na ako friend. Next time mo na lang patayin si Cielo pag tapos na ang concert nila ha. Dito ka lang sa bahay. Sabi ni Doc Geo, magpahinga ka lang.”

“Oo na! Ingats!”

Pagkaalis ni Richael ay humiga siya sa kama at tinitigan ang picture ni Cielo. Sa una ay masamang tingin ang pinukol niya sa picture. Ngunit habang tumatagal ay tila napapawi ng simpleng pagtitig sa picure nito ang lahat ng sama ng loob niya. “How could you not love me back Cielo baby? Maganda naman ako, sexy, cute, seductive, lovable. You even fall in love with me before. So why not now?” She remembered their memorable Senang Hati kiss and his threat. Napangiti siya. “Kung pwede nga lang ako na lang ang mag-shotgun marriage sa’yo Cielo baby.”

Naistorbo ng doorbell ang paglulukring niya. Wala siyang inaasahang bisita kaya naman tamad na tamad siyang tumayo para pagbuksan ang nagdo-doorbell.

Si Cielo ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang pinto. May dala itong bouquet of flowers. Ngunit nang biglang nag-alert ang brainwaves niya na baka kasama na naman nito ang mga aso nito ay agad niyang isinara ang pinto.  

He knocked on the door. “Nica, open the door.”

“Ayoko nga. The last time I saw you, may fever went up high, I got bitten by your daughter, I fainted and I end up in hospital bed. Ngayong okay na ako, please lang, di ko na kailangang makita pa iyong mukhang mong ang sarap-sarap krampalin ng bonggang-bongga at i-shoot sa basurahan ng walang kemerlu. Getsung?”

“No, so will you open the door?”

She rolled her eyes. “Ayoko nga!”

“Come on, Danica. Sige na pagbuksan mo na ako. Hindi ako magtatagal. I just have to say and give something. Don’t worry, hindi ko kasama ang mga aso ko.”

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Naninigurado lang at baka mamaya ma-shock pa siya pag natuklasan niyang na-power trip na naman siya. Sumilip muna siya at napatunayang wala nga itong kasamang aso. Binuksan niya ang pinto.

“Bakit ka naligaw dito?”

Basta na lang ito pumasok ng bahay kahit hindi niya ito pinapapasok. Bahay mo ‘to pre?

Napakunot ang noo nito nang tingnan siya. “Hey, is that my picture?”

“Picture?” That’s when she realized she was still holding the teddy bear and his picture. Agad niyang tinago iyon sa likod niya. “H-hindi ‘no! Feeling mo naman. Basta picture ng lalaki, ikaw na agad?”

“That picture was familiar to me. Patingin nga!” He moved closer aiming to get the pic from her.

“Ayoko!” Isinuot niya iyon sa garter ng undies niya para siguradong hindi ito mangingiming kunin iyon.

Because of that, he gave up. Iniabot na lang nito ang bulaklak sa kanya. “Okay ka na ba? Hindi ka na ba nilalagnat? Wala ka na bang ubo at sipon? Hindi ka na ba nahihilo?” sunod-sunod na tanong nito.

Deep inside ay kinilig siya. Sabi na nga ba at concern din naman ito sa kanya kahit papaano. Pero nag-activate ang pag-iinarte niya. Hindi niya tinanggap ang bulaklak. “All of the above.”

“Anong all of the above?” kunot-noong tanong nito. 

“Yes lahat! Ikaw naman parang di ka nag-exams sa tanang buhay mo.”

He rolled his eyes. “Take the flowers now.” Parang wala sa loob na muling iniabot nito ang bulaklak sa kanya.
“Iwan mo na lang diyan. “

“Ayaw mo ba sa flowers? Di kita pwedeng dalhan ng chocolates. Your doctor said you are diabetic. Bawal sa’yo ang sweets.”

Ting! Parang biglang naging makulay ang paligid sa narinig niya. She felt her heart skipped. Kinausap nito ang doctor niya. Ibig sabihin bumabantay ito sa kanya sa ospital ng palihim. And that was so sweet. Pero trip niyang magpahabol lalo pa’t mukhang hahabulin nga siya ng Cielo ngayon. He’s not moving to back off. At kahit barahin siya ay hindi nito ginagawa. “Sweets at flowers lang ba ang kailangan ko?”

“Fruits!” Nilapag nito sa center table ang bulaklak. May kinuha ito sa bag. Dalawang styro-wrapped na lalagyan. Ang isa ay apple ang laman at ang isa ay lemons. “Here.” Iniabot nito sa kanya pero di niya tinanggap.

Wala talaga akong pambabarang makukuha today? She’s waiting for it. Feeling niya kasi hindi si Cielo ang kaharap niya kung hindi ito mambabara. “Fruits? Marami na niyan sa ref.”

“Nica, galit ka pa ba sa pagkakagat ng tukayo mo sayo?”

“Anong tukayo ko?”

“Nica was the one who bite you.”

“Aaaaarrgh!” She shouted. “Kailangang ipaalala mo pa iyan?”

“Alright sorry! Ikaw na nga dinadalaw dito ikaw pa ang naninigaw. Pagpasensyahan mo na ang aso ako. Buntis ata iyon kaya matapang.”

“I don’t care.” Tinalikuran niya ito.

“Okay what do you want? Ayoko ng ganyan ka sa akin.”

Nakangising binalingan niya ito. “Why Cielo baby? You’re missing my seductive, hypnotizing, appeal?” Kinindatan pa niya ito sabay pout ng lips.

“No.” He seriously uttered. “I’m missing the real one. Iyong walking insane. You look ragged and smell awful today.”

Now I see the real Cielo.  Kahit sinabi nitong mukha siyang basura at mabaho siya in a sosyal way, di siya nainsulto. Lalo lang niyang inaakit-akit ito. “Basura man ako sa iyong pang-amoy, pagmahahal ko sa’yo ay sing-halimuyak ng Joy.” Nilapitan niya ito. Yes, hindi pa siya naliligo at ni pagsusuklay ay di pa niya nagagawa pero sigurado siyang hindi naman siya smelling awful gaya ng sabi nito.

He rolled his eyes. “I don’t settle with dishwashing liquid.”

“Eh di Surf!” She moved even closer. 

“Not into laundry thing.” He motioned as if tinataboy nito ang masamang amoy galing diumano sa kanya.

“Eh di AmBi pur.”

“That’s you’re perfume right?”

“How did you know? I needed someone like you in my life—“ Natigilan siya nang haplusin nito ang kanyang  mukha. He even combed her hair with his soft hands. She felt her heart throbbed. Feeling his finger on her head and hair could easily drive her crazy. Napatingin tuloy siya dito. Surprised he was looking at her too.

“Danica...”

“Cielo...” Will you rape me now? Don’t worry, I’m giving you consent! Nagulat siya nang may kunin ito sa likod niya sabay layo sa kanya. The nerve of this guy! Nagawa talaga nitong hilahin ang picture na sinipit niya sa garter ng undies niya.

“I thought so, you’ve been keeping this pic of mine. Ang tagal na nito ah. Let me think. Hmm, 6 years ago. Are you still in love with me, Nica?”

“Ha? Ano? May sinasabi ka ba? Choppy ka e!” hirit niya.

“Nica!” sita nito. “Bakit mo hawak ang picture ko?”

“Kinukulam kita!”

“O ginagayuma?”

“Pwede rin.”

“Mahal mo pa ako ano?”

Sinugod niya ito at walang kaabog-abog na nagtapat siya. “Siraulo ka ba? Araw-araw sa show ko naga-I love you ako sa’yo. May mwah mwah tsup tsup pa nga iyon. Kung saan ang night gig mo, andon ako. Tapos tatanungin mo ako kung mahal pa kita? Hindi kita mahal. Galit na galit nga ako sa’yo e.” Sinunggaban niya ito at hinalikan. At dahil hindi ito handa, natumaba ito sa sahig. Nakapangibabaw siya.

Natigilan siya nang makitang nakapikit ito. Tila nawalan ng malay. Umayos siya ng upo sa tabi nito. “Cielo! Cielo!” Pinagsasampal niya ang pisngi nito sa pag-aakalang nagdadrama lang ito. Pero walang effect. Doon na siya naalarma. “Uy Cielo, wag mo akong biruin ng ganyan.” Kumuha siya ng unan sa sofa iniunan dito. “Oy! Tama na ang drama. Best actor ka na!” Niyugyog niya ito, itinaas ang kamay, ikinumpas sa ere ang dalawang braso pero hindi pa rin ito nagigising.

Hanggang sa may marinig siyang ring ng cell phone. Hindi kanya iyon. Binuksan niya ang bag at nakita ang nag-iingay na cell phone. Richael was calling Cielo. Sinagot niya ang tawag.

“Hello, friend!” 
          
       “Friend! Nasaan si Cielo? Bakit hawak mo cell phone niya? Kayo na? Binalikan mo na siya? Weeee!”

                “Adik! Hindi yon, friend. Napuruhan ko ata si Cielo!”

                “Whaaaaat? Nasaan siya? Anong ginawa mo?”

                “Ah well, he’s lying on our floor dito sa condo natin and I think he’s dead or comatose or playing statue.  He’s not moving e.”

                “Ano? Whatever, friend. Gisingin mo iyan. In all means, dalhin mo siya dito. Kailangan siya dito.”

                “Eeeee! Ang bigat niya kaya! Paano ko ‘to gigisingin?” Niyuyugyog pa rin niya ito pero knockout pa din.

                “Bahala ka kung paano. Halikan mo para mas masaya!” tatawa-tawang suggestion nito.

                On cue ay napatingin siya sa kissable lips nito. Sleeping prince? Hahalikan kita sa labi? “Yaksssss!”

                Bigla na lang bumangon si Cielo sabay agaw ng cell phone nito.

                “Oh, you’re still alive. Sayang! Tatawag n asana ako ng funeraria eh.” pang-aasar niya.

                “You are impossible! Sa susunod wag kang manghahalik ng ganong paraan. Ang sakit sa ulo! At ang paraan mo na manggising ng hinimatay, epic!”

                Peace sign lang ang sinagot niya sa mga pinagsasabi nito.

                Binalingan nito ang cellphone sabay hila sa kamay niya. “Richael, your friend is the most hellish girl I ever met in my entire life. Itatali ko lang ito sa banyo ha. Paki-pick up na lang pag-uwi mo. Damn! By the way, be there in fifteen minutes!” Pagkatapos ay ngumingising binalingan siya nito.

“Don’t do this to me Cielo my labs… wag po… wag po!” Nakaupo pa din siya sa sahig at pigil na pigil magpasama sa paghila nito sa kanya.

“Come on, Nica. Wag kang mag-alala, itatali lang naman kita. Convenient naman sa banyo. You don’t have to worry kung sakaling maihi ka or something.”

“Waaaah! Wag Cielo, hindi ito ang gusto ko.”

“Ano bang gusto mo? Kanina ko pa tinatanong yan, hindi mo naman sinasagot.”

“Sus, ikaw naman para namang di mo alam na ang tangi mong hiling ay ang matamis mong oo at halik.”  She pouted her lips again that made him looked annoyed.

One point for me! “Iyon lang ba?”

“Oo, ibibigay mo na ba sa akin ang matamis mong oo?”

“Oo naman... hindi.” he enthusiastically uttered. “Ano ako bale? Bibigyan na lang kita ng isang sakong bigas.”  

She laughed. “Okay lang ang isang sakong bigas, simbolo ng iyong pag-ibig na wagas.”

“Muriatic acid na lang pala para di ka na umabot bukas.”  Hinihila pa rin siya nito. “Tumayo ka na kasi para maitali na kita. Bilisan mo at male-late na ako sa lakad ko.”

“Ang sama mo! Bitawan mo na lang ako.”

“Itatali pa kita!”

Bigla na lang siya nitong binuhat. Hindi siya nagreklamo, bagkus ay yumakap pa siya ng todo-todo sa leeg nito.  “Kiss ko muna bago mo ako itali.”

“Hindi na lang pala kita itatali.” He suddenly changed his mind at sa halip nga na sa banyo siya dinala, itinuloy siya nito sa kwarto niya at maingat na inihiga siya sa kama. “Magpagaling ka ng husto para mabati mo na ako ulit sa tv.”

“Bakit na-miss mo na ang I love you, mwah mwah tsup tsup ko?” She seductively asked.

“Hindi.” Lumayo na ito sa kanya at nagsimulang maglakad palabas. “Bumababa na ang ratings ng show mo. Nababawsan ang yaman ko.”

Napangiwi siya. Isa na namang ilusyon na nabasag. After saying that, he went out of her condo unit. And she was left drown with so much kilig. Eeeeee!


CIELO was sitting on the couch inside his office. Binabasa niya ang medical record ni Nica, ang chowchow niyang confirmed na buntis. Danielle Ahne, one of his band mates was his dog’s veterinarian. Kanina ay dumalaw ito sa office niya para ibigay ang result ng check up ng kanyang si Nica.


The landline phone rang. “Sir Cielo, Mr. Hinaro Losin on line 1,” sambit ng secretary niya.


“Okay, I’ll take it.” Few seconds, the call was transferred on his line. “O pare, napatawag ka?”


“I heard the news. Buntis na daw si Nica. Congrats pare.”


“Salamat pre. Actually, nasa hard time ngayon si Nica. She can’t eat well, matamlay tapos palaging tulog. Pero sabi naman ng doctor, okay lang siya. Everything is just normal. Few weeks daw, makaka-adjust din si Nica and go back from being jolly and sweet.”


“Good, that’s good. So anong plano mo?”


“Well, I’m planning to have her live with me. First baby ni Nica iyon. Dapat naaalagaan siya ng mabuti para maging healthy rin ang baby.”  May sariling malaking dog house ang mga aso niya. Pero habang buntis ang chowchow niya, nagdecide siyang pansamantala, mananatili ang aso sa loob mismo ng bahay niya.


“Congrats pare ha. Aabangan ko iyan. Btw,  hindi naman iyon talaga ang tinawag ko.”


“Alam ko, so saan magandang mag-invest ngayon?”


“Ahm, ZLCD is on top of the market nowadays and Kofi Cups too. Pero pare, hindi rin iyan ang itinawag ko.”


Napakunot ang noo niya. “Eh ano?”


“Alam mo ba kung sino si Bill Kaulitz? Siya ang karibal ko kay Suzette.”


“Huh? Sino iyon.”


“Err. Nevermind.” Hinaro just ended the call. “Anong problema ng lalaking iyon?” Nagkibit balikat na lang siya. Binalikan niya ang binabasang medical records ng aso niya.


Then phone rang again. “Sir, Ma’am Zhei on line 1.”


“Okay, connect me in.”


“Anak kong kuripot, totoo bang buntis si Nica?”


 Napangiwi siya. Pati kay Mama nakaabot? “Yes, Ma. Napa-doctor ko na siya at confirmed na, Ma.”


“That’s good news!” He heard his mom calling his Dad. “Partner, totoo daw,” sambit ng mama niya sa kanya ama pagkatapos ay binalikan siya. “Ah anak, sige, uuwi ka ng maaga mamaya ha. Magluluto ako ng masarap!”


“Sige po,” alanganing tugon niya. After that call ay ilang mga kaibigan pa ang tumawag sa kanya to ask if Nica was pregnant. Why do people get too excited with the pregnancy of my dog? Nagsimula na siyang ma-weirduhan. Tila excited ang lahat pero parang ang OA naman ng reaction ng mga tao para lang sa isang aso.


The phone rang again. “Sir—”


“Wait, don’t tell me it’s another call from someone asking if Nica is pregnant?”


“Ah no Sir.”


Nakahinga siya ng maluwag. “Okay, so what is it?”


“Dumadami  po Sir ang press media sa lobby. Hinahanap po kayo. Haharapin nyo po ba?”


“What? Okay sige, bababa ako. Let them stay on the lobby.”


Ano bang nangyayari?  Bumaba siya sa lobby. Sakto namang palapit na siya sa kumpulan ng press ay dumating din si Danica na tila nagulat din sa pagdumog dito ng press. Kagagaling lang ito sa sakit at ngayong araw pa lang bumalik sa trabaho. Nagmadali siyang maglakad para mailigtas ito kung sakalaing kuyugin ito ng press. Ang ending na hot seat sila.


Pareho silang alanganing ngumingiti sa press habang pasimpleng nagbubulungan.


“Anong nangyayari Cielo?”


“Hindi ko din alam.”


Nanatiling nakapaskil sa kanila ang alanganing ngiti nang harapin nila ang press.


“Cielo, anong nararamdaman mo ngayong magiging ama ka na?”


“Ha?” gulat na reaction niya. Ako ama na?


Kunot-noong binalingan siya ni Danica. Pasimpleng umiiling lang siya, pinaparating dito na wala siyang alam sa sinasabi ng press.


“Ikaw din Danica. Anong nararamdaman mo ngayong nagbunga na ang panunuyo mo kay Cielo?”

“Ha?” Pareho din ang sagot nito.


Naguguluhan na talaga si Cielo. Until he realized what just happened. Oh no!


“Kailan kayo magpapakasal?”


“Anong gusto nyong maging anak?”


“Totoo bang unplanned ang pregnancy mo, Danica?”


Bago pa lumala ang mga tanong ng press at kung ano pa ang masabi nila, hinila niya si Danica palayo sa crowd.  “We need to talk first guys. I’m sorry. Magpapatawag na lang kami ng presscon in the next few days. Thank you.”    


At bago pa sila mahabol ng press ay nakapasok na sila sa loob ng isang conference room.


“Anong sinasabi ng mga iyon, Cielo baby?” tanong ni Danica.


He moved closer to her. Suko na ang puso niya. Heck, he still loved this girl and he got nothing to stop that weird feeling. He lovingly looked at her. Loving you again?  Napaiwas siya ng tingin. This girl just dumped him few years ago. Alam niyang gumaganti lang ito sa kanya. He can’t just simply fall in love again. Idea came and flooded his mind.


Muli ay tinitigan niya ito. Iyong titig na alam niyang magpapakilig kay Danica. He knew her well. Kahit lumalaban ito sa pang-aasar niya at ang lakas ng loob nitong akit-akitin siya, alam niyang isang pagpapakita lang niya ng sweetness ay titiklop ito.


He caressed her hair pagkatapos ay inilagay niya ang kamay sa mesa kung saan ito nakasandal. “Danica baby...”


“B-bakit ka ganyan? Hindi ka si Cielo. Possessed ka!” hirit nito.


Ngumiti lang siya. Tuluyan niyang ikinulong ito sa kanyang bisig nang ilapat niya ang isang kamay sa mesa. Now they are facing each other, closer as possible. Iyong tipong naaamoy niya ang fresh breath nito pati na rin ang feminine perfume. “Alam mo ba kung anong sinasabi nila?”


“Hindi nga e. Ikaw alam mo ba? I thought hindi mo rin alam.”


“I thought nga pero na-realize ko na ang sinasabi nila.”


“And that’s what?”


“You are pregnant. I’m the father. We’re getting married. Surprise!”


“Ano?”



PREVIOUS                                                         NEXT

Comments

LETSE! Kami muna ikakasal ni fafa GEOOOOOOOOO! HAHAHAHAHAHAH! Wag ka munang manguna. Danica! Pero kiliiiiiiiiig! Kiss ulit! Kiss ulit! hahahahah! Wait, bakit parang di ko matandaang maraming kissing scene kami ni fafa geo? hahahhahaha
kiz said…
Wahahahahah. ang tagal kong magbasa, ninanamnam ang kilig. woooooooh. letsugas na mga aso yan, kung sa totoong buhay nagtatakbo nako. haha.ang daming kissing sceneeeee.. story ko tlaga to!! hahah. ang saya buntis ako! este yung aso. haha nexttttttttttttt :D
kimy said…
hahahahha bow tlga ako pag si danica na ang humirit hahahha
Anonymous said…
wahaha! magiging nanay sa Danica? wowness,, parang instant noodles lang ah.. wahahahaha.. xD
Naiomi said…
Hahahahahaha! Super kiligggg! Buntis pala si Danica hahahaha LOL! AT pati si Bill Kaulitz nakasali! Hahahaha! ganda sobrang nakakakiliggggg!!! Next pleassssseeeee! :))))
Anonymous said…
wahhhhhhhhhhh... sino daw si billkualitz??? wahahhahahhah ganda ng pasok...... im gonna marry u hinaro pag nakita ko s bill...... or gonna propose gamit siya... wahhhhhh kinikilg akoooo............ dyuntizzzz si danica baby bwahahhahahaahha..... BEauty.....
Rika said…
waaaaaaaaaaaaaaaa~~!! tawa akong tawaaaaaaaaa jontis si danica nyahahaha.. ngayon lang ulit ako nakadalaw dito nyahahha XD

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…