Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Marry Me, Cielo- Part 1




“Cielo my dear, coffee?” nakangising alok ni Danica ng kape kay Cielo Pontez, ang executive producer ng kanyang show at ang kaisa-isang lalaking allergic sa kanya. Hindi  na siya nagulat nang tapunan siya nito ng nakakamatay na tingin. Kalalabas lang niya ng board room  matapos ang meeting niya kasama ang staff ng The Morning Talk with Danica. Ito ang talk show niya na dalawang taon na rin sa tv industry. At kapag minamalas or sinuswerte nga naman, nakasalubong pa niya si Cielo sa hallway ng Pontez Media Production Building.

                Cielo walked towards her. He did his signature gaze at her. Tiningnan siya nito mula paa pataas. In return, she did her sexiest pose while she was handling a cup of coffee. Go baby, stare at my beauty! In her mind she was laughing devilishly. Hobby na niyang asarin si Cielo. At ang pinaka-best na way para maasar niya ito ay ang akit-akitin ito.

                They had a not so good past. Way back in college they were more than friends. They dated a lot. They were sweet with each other.  In fact, hindi sila mapaghiwalay noon at halos lahat ng nakakakilala sa kanilang dalawa ay nagwi-wish na someday ay maging sila. Fling kung fling ang drama. Pero hindi niya iyon sineryoso noong mga panahong iyon dahil wala sa isip niya ang magka-love life. And she thought he felt the same. But one day, bigla itong nagtapat sa kanya in the middle of crowd ng Senang Hati. And she got a wrong move. Na-offend niya ito nang hindi siya sumagot ng oo. At dahil napahiya ito sa napakaraming tao sa Senang Hati, isinumpa  siya nito. Galit na galit ito sa kanya. Nagsimula itong lumayo at sinabi nitong pagsisisihan niyang pinahiya niya ito nang di niya sinasadya.


                She did miss him so much after then. Hanggang sa ma-realized niyang may puwang ito sa puso niya. Gathering all her might, ginawa niya ang ginawa nito. Nag-propose siya dito sa Senang Hati at ang talipandas na si Cielo, ginawa din sa kanya ang ginawa niya dito. Na-basted siya. Doon na  nagsimula ang asaran nila. Gusto niyang ibangon ang kanyang kagandahan sa pagkaka-basted nito.

                She was playing flirt when she smiled at him. Nakakatawa ang paraan ng pagtingin nito sa kanya mula paa hanggang sa mag-settle ang serious face nito sa precious niyang mukha. Sa halip na mainsulto ay lalo siyang ginaganahang akitin ito. Alam niyang siya ang weakness nito. Abot-langit ang pagtanggi nitong hindi ito affected sa kanya pero iba ang nakikita niya tuwing inaakit niya ito. 

                “So, Cielo baby. You want coffee or me?” She winked.

                Sumikdo ang puso niya nang inilapit pa nito ng lalo ang mukha nito sa kanya, giving her the privilege to smell his hypnotizing men scent. Lanya naman, ang pagkabango mo talaga, Cielo ko. Nadoble ang pagtalon ng puso niya nang ngumiti ito...iyong ngiting makakapagpatili ng lahat ng babae, binabae at lihim na paminta. “Of course I want you,” he teasingly replied.

                Nagulat siya sa sagot nito. Hindi niya inaasahan.

                Then he cracked the line. Nagseryoso uli ito ng mukha. “I want you out of my way.” Isinenyas pa nito ang kamay na tila tinataboy siya.

                Sabi na nga ba! “Ayoko nga! Ang lawak ng hallway ‘no. Ikaw na lang umiwas. At saka…” She touched his nose. “I love blocking your way baby—aray!”  Tinapik nito ang kamay niya. “Ang sama mo talaga.”

                On cue may napadaan maintenance staff. Basta na lang inagaw ni Cielo ang mop ng janitress. Pagkatapos ay sadyang nag-mop ng sahig sa paanan niya para  lang maitaboy siya. “Manang, wag nyong hahayaang may mga pakalat-kalat na dumi dito sa hallway ha. Ayokong may nadadaanan akong dumi.” Still, seryosong nakatingin pa rin ito sa kanya while emphasizing the term, “dumi.”

                Pero sa halip na mainsulto ay sadyang lihim na natatawa pa siya sa inaasal nito. “Talking about yourself, Cielo baby?”

                “Damn, I never thought that you lost your brain already.” Ibinalik nito ang mop sa nanahimik lang na janitress. “Manang, mag-spray kayo ng insecticide.” Itinuro pa siya nito. “May malaking lamok  akong nakita.”        He arrogantly passed her way.

                Binalingan niya ang janitress. Alanganing tumango lang ito. “Cielo dear, lamok man ako sa’yong paningin, ang pag-ibig ko’y sa’yong-sa’yo  pa rin.”

                He stopped walking and faced her. Kinindatan lang niya ito. Kumunot ang noo nito. “Lamok ka nga sa aking paningin, pag ako ay nagka-dengue ikaw ang ituturo kong salarin.”

                She laughed. “Break it down, yo!”

                “You are impossible, Danica. Umuwi ka na nga.”

                “Ikaw talaga concern ka na naman sa akin. Ang sweet mo talaga, alam mong wala pa akong tulog ano?”

                “Oo, halata. Mukha kang zombie.”

                “Okay lang yan, maganda naman!”

                In her mere surprise ay biglang umaliwalas ang mukha nito. Wagi! Nagagandahan pa rin siya sa akin! Pero nabasag ang ilusyon niya nang maramdamang may aso sa likuran niya. “Ala, Cielo may aso!” Kumapit na siya sa haligi ng hallway as if namang sa ganoong paraan ay makakadistansya siya. Takot siya sa aso mula pagkabata kaya kahit gaano ka-cute ang aso ay takot na takot pa rin siya. Hindi na niya na-conquer ang kanyang fear kaya hanggang sa pagtanda ay dala-dala niya iyon. Bakit kasi may aso dito?

                “Nica, come here.” 

                Tumahol ang aso kaya lalo siyang natakot. “Eh, Cielo!” Tiningnan niya ito. He was just looking at her directly.

                He raised his hands and motioned her to come over him. “Nica, come near.”

                “May aso nga.”

                  He clapped his hands. Biglang tumakbo palapit kay Cielo ang aso.  Then he tapped the chow chow’s head. “Good girl, Nica.”

                Napanganga siya. As she thought he was giving her concern, it turned out that he was just talking to the dog named after her lovely nick name. Talipandas na lalaking ito! Ipangalan ba ako sa aso?  War mode na  tinawag niya ito dahilan para maalis ang atensyon nito sa aso at mabalik sa kanya. “Bakit mo pinangalan sa akin ang aso mo?”

                “Why not? Bagay naman ah.” Hinaplos nito ang ulo ng aso. “Di ba, Nica, you like your name?” Tumahol ang chow chow bilang sagot.

                “Ipapangalan kita sa ipis, Cielo. Tandaan mo iyan!—Ay aso!” Another dog barked behind her. Naiiyak na siya sa inis at takot. “Cielo!”

                “O pag may aso, sa akin ka papa-rescue.”  Naiisahan na naman siya nito.

                “Nakakainis ka, alam mong takot ako sa aso. Palayuin mo ang isang ‘to sa akin!”

                “Kizzy! Come here!”

                The dog barked and run towards Cielo. “I can’t believe this! Pinangalan mo sa akin ang dalawa mong aso?”

                “Obviously.”

                “Hah!” napailing siya. Until she thought of revenge punch line. “You love me that much, Cielo baby? Talagang pati sa mga aso gusto mong may bahid ng pangalan ko ha. You’re so lovable talaga.”

                “Don’t be too proud of yourself, Danica. Gusto ko lang alalahanin ang pangalan mo.”

                “Because you love me still, don’t cha? Don’t cha ...wish your girlfriend was hot like me?” She posed seductively on the wall.

                “Day dreamer! Ayoko lang makalimutan iyon para bago ako mamatay, babanggitin kong kasalanan mo ang kamatayan ko. That will be epic. I’ll be in peace and you will  rot in jail.” Binalingan nito ang aso. “ Kizzy, Nica, kiss your mama. Dali!” Itinuro siya ni Cielo sa mga aso and on snap, tumakbo na papalapit sa kanya ang mga aso nito.

                “Eeeeee! Cielo Prudence Pontez!”  She screamed. Wala na siyang pakialam sa reputation niya o sa scandal na maidudulot niya.  Napapikit siya nang maramdaman niyang nasa paanan na niya ang mga aso. They happily barked that scared her more. Lalo siyang nainis nang marinig niya tumatawang parang evil itong si Cielo.

                “Umupo ka, iki-kiss ka nila. Come on, they are just puppies. Hindi nangangagat ang mga iyan.”

                “Hell you!” She cried. Tinalo na siya ng takot. Few seconds more, wala na siyang nararamdamang aso. But she can’t help but sobbed. Nadagdagan tuloy ang asar niya kay Cielo. You’ll gonna pay for this!

                She felt someone wiped her tears. Napamulat tuloy siya. Aktong nakaangat pa ang kamay ni Cielo na pumawi ng luha niya.  Agad nitong tinago sa likod ang kamay. Siraulo! Until their eyes met. Kahit pa siguro anong tago ni Cielo, kitang-kita pa rin sa mga mata nito na nag-aalala ito sa kanya. His eyes were telling her that he still cares, he worries, and still loves her.

                Umiwas ito ng tingin at walang sabing nag-walk out. Sumunod dito ang dalawang asong sinusumpa niya.
                 

                CIELO was pre-occupied of the last encounter he had with Danica this morning. Those tears. I shouldn’t have seen those tears. He was pulling back of his weakness. Matagal na silang ganon ni Danica, asaran ng asaran. Hindi niya alam kung seryoso si Danica pero araw-araw sinasabi nito sa show nito na mahal siya nito, bagay na kinaaasaran niya ngunit hinayaan na lang niya at never niyang sineryoso dahil nakadagdag iyon sa rating ng show. And the higher the rating, the bigger his income. That’s more important. Nakakainis lang dahil wala na atang balak itong si Danica kundi ang asarin siya sa pangse-seduce sa kanya.
      
          Pero kaninang umaga, nagawa na naman nitong gibain ang defense walls niya. Hindi niya talaga kayang tiising makitang nasasaktan, natatakot, at umiiyak ito.  Natigilan siya sa pag-aayos ng violin niya. Thirty minutes break after  ng first performance set ng Karisma Band at lahat sila ay tahimik lang sa loob ng dressing room sa back stage. Bakit ko ba iniisip ang bruha na iyon? Eh mukha naman siyang okay. Danica was also in the crowd. Fan niya ata ito talaga dahil wala pa siyang show na hindi niya ito nakitang pakalat-kalat sa audience.  She remembered how she seductively looked at him. Napapikit siya ng mariin. “Sa dinami-dami ng mang-aakit iyon pang elyen na iyon!”

                “So naakit ka naman ba?” sabat ni Christella.

                “Aminin na kasi, may tama ka pa kay Nica ano?” hirit ni Limien.

                He sarcastically laughed sabay baling sa mga ito. “Oo naman, tatamaan talaga ang babaeng iyon sa akin.”

                “Iba naman ang sinasabi mo pare e,” sabat ni Hinaro.

                Mathew entered. “Ako, may tama ako.”

                “Alam na namin yon!” korong sambit ng mga ito.

                “Pero insan, wala na ba talaga?” usisa ni Limien.

                “Alam nyo naman mahal na mahal ko si Nica at si Kizzy.”

                “Iyong tao po ang topic hindi iyong mga aso mong nakakapasok sa Pontez kahit walang ID,” buska ni Hamiel.

                Naiiling na binalingan niya ang violin niya. “Mga love life nyo na lang ang atupagin nyo. Wag nyo akong isali at wala akong balak patulan ang baliw na yon. Yumayaman lang ako sa kanya kaya ko siya pinagtityagaan.”

                “Weh?” hirit pa ng mga ito.

                Magko-comment pa sana siya nang mapansin niyang natatahimik sa isang sulok si Danielle Ahne. Tila ang lalim ng iniisip nito at nakatunganga sa kawalan. “Uy Dana, okay ka lang?” usisa niya.

                Kunot-noong binalingan  sila nito. “Kilala nyo ba siya?”

                “Sino?”  Korong tanong nila.

                “Iyong lalaking kumanta kanina.”

                “Si Philip Nathaniel Canilao?” tanong ni Christella.

                “Wow buong-buo, anong middle name?” birong tanong ni Cielo.

                “Fajutagana. May-ari ng Canilao Food Corporation. Single, 30 years old, yummy and cute.”

                Nagkatinginan sila. For the very first time, naging interesado na sa lalaki itong si Christella. “Wow, dalaga ka na Christella! Manlibre ka naman!”

                Binelatan lang sila nito. “Ikaw ang mapera kaya. Bawasan natin iyan!”

                Umiling lang siya. “Ayoko nga, para sa future ko yon.” All of his friends called him kuripot. Pero para sa kanya, wise spending ang tawag don at hindi pagkukuripot.

                “So kasama sa future mo si Danica?” tanong ni Limien.

                Balik na naman sa bruha na yon? He smiled. “Oo naman. Walang thrill ang buhay kung wala siya. Aasarin ko pa siya hanggang sa umakyat na siya sa langit at doon magkalat ng kabaliwan.”

                 They all laughed. “Eh teka, di nyo naman sinagot ang tanong ko e. Hindi si Phi Nat, iyong isa, iyong naka-kurbata pa!”

                “Ah, that’s Golen Castillo of Neryz Ennael and ZLCD Services. He owns several companies listed in market of stock exchange wherein stock prices are usually rising. Magandang mag-invest sa kanya,” litanya ni Hinaro.

                “Nosebleed!” korong hirit ng mga ito sabay tawa.

                Biglang tumayo si Dana. “Salamat sa information. Ngayon alam ko na ang pangalan ng siraulong iyon!”   

                Lahat sila ay napangiwi. Akala pa man din nila ay may nakapagpabago na sa pananaw nito sa  mga lalaki. False alarm lang pala.  

                “Hello guys, kape gusto nyo?”  Basta na lang pumasok sa dressing room si Danica. May bitbit itong isang cup ng coffee.

                Napailing siya. Mang-aalok ito ng kape e isa lang naman ang dala.

                “Wag na Danica, alam naming para kay Cielo lang yan,” tugon ni Hamiel.

                “Napaka-bright mo talaga, Fafa Hams!” Binalingan siya nito. “Cielo baby! Kape mo oh. Pawisan ka na...wait!” Dumampot ito ng facial tissue at pinunasan ang pawis niya sa noo. Hindi siya manhid. Alam niyang pinapagtripan na naman siya nito. Nilalambing, inaakit at alam din niyang pag nagtagal na yon ay baka matuluyan siyang bumigay. At iyon ang iniiwasan niya.

                Hinayaan niya ito. He just arrogantly sighed. “Wala ka ba talagang ibang balak gawin sa buhay mo maliban  sa sumulpot na parang kabute kung saan man ako naroon?”

                “Meron!” She seductively smiled and winked. “Balak kong habambuhay sumulpot na parang kabute kung saan ka naroon. That’s lab, dude!”

                 He rolled his eyes. “Tigilan mo na nga ako.”

                “Ayoko nga. Hangga’t di ko nakukuha ang matamis mong oo, hindi kita titigilan.”

                “Woohoo!”  his band members cheered.

                “Una na kami sa stage, bro. Sunod ka na lang after ng kissing scene nyo!” buska ni  Hinaro. Mabilis pa sa alas-kwatrong nagpulasan ang mga ito at lumabas na sa stage.

                He grabbed his violin and threw her an annoying look. He then moved closer to her face. She was still pretty in his eyes. Okay sana kung seryosong mahal siya nito pero hindi na siya papaloko. Batid niyang lahat ng  ginagawa nito ay bahagi lamang ng pagganti nito. “You want sweet yes?”

                Muntik na siyang  matawa nang mapagmasdan ito. She looked like a bit scared and tensed. “Of course, Cielo baby!”

                He smiled and motioned as if he was about to kiss her. Pinigilan niya ang matawa nang pumikit ito na animo’y hinihintay ang kiss na ibibigay niya. He moved upward to whisper on her ears. “Neknek mo!”  Then he immediately moved away going to the stage. Bago pa siya tuluyang makatapak sa stage ay tinawag siya ni Danica.

                “Makakahalik din ako sayo bago matapos ang gabing ito. Itaga mo yan sa bato!”

                “You wish!”
                 

                GIGIL NA GIGIL na bumalik si Danica sa mesa niya malapit sa stage. She can’t believe it. Nakaisa na naman itong si Cielo sa kanya. Kiss na yon eh! Bad trip! Magbi-birthday na si Cielo in few minutes dahil malapit ng maghating gabi. Maganda sanang birthday gift iyon dito at tamang score lang sa kanya.

                The band was playing a requested song, Belle of Boulevard of Dashboard Confessional. Nangingibabaw ang violin ni Cielo habang swak na swak na nagbi-blend sa piano ni Limien at acoustic guitar ni Hamiel ang blending ng boses nina Hinaro, Mathew at Hamiel.

                Don’t turn away, dry your eyes, dry your eyes. Don’t be afraid but keep it all inside, all inside. When you fall apart, dry your eyes, dry your eyes. Life is always hard for the Belle of the Boulevard.

                Napabuntong-hininga na lang siya nang mapatitig kay Cielo. Nakapikit ito at damang-damang ang bawat notang lumalapat sa violin nito. Nag-iibang anyo talaga ito pag tumutugtog. Mapanlinlang. Aakalain mong napakabait nitong nilalang dahil na rin sa maamo nitong mukha. Ang di alam  ng lahat, antipatiko ito at walang konsensya.

                She remembered her embarrassing moment a while ago. Hindi pa rin siya nakaka-recover sa takot sa mga chow chow babies nito at sa katotohanang ipinangalan sa kanya ang mga iyon.  At ako daw ang mommy? Pambihira!

                The crowd cheered after the song ended. “Hmm time check, Mien ko?”  Lumingon si Hamiel sa asawa nito. Simpleng gesture lang pero nagpakilig iyon ng buong Senang Hati. The crowd cheered again. “Kayo naman, konting sulyap lang sa misis ko, uuuy agad.” The crowd burst with laughs. He moved closer to Limien, nagbulungan ang dalawa pagtapos ay sinenyasan ni Hamiel ang mga kabanda maliban kay Cielo.

  “Okay it’s 12:20 in the morning and that means birthday na ng ating lovable charming violinist. Ang pinsan kong cute, Cielo Pontez. Batiin natin siya,” sambit ni Limien.

“Happy Birthday, Cielo!” Nakisigaw si Danica sa nakararami. Binuntutan pa niya iyon ng “I love you forever, Cielo baby!”  Napatingin sa kanya ang ibang tao roon pero wala siyang pakialam. Sinasabi nga niya iyon sa National TV, bakit naman siya mahihiyang sabihin iyon sa buong Senang Hati?

Tinapunan lang siya nito ng masamang tingin bago ito ngumiti ng matamis nang bumaling ito sa crowd. Hindi iyon nakatakas sa mata ng mga tao roon kaya marami ang natawa.

“Thank you po,” sagot lang ni Cielo.

“Ayan, at dahil birthday mo na bro at kilala ka namin bilang matulungin at mapagbigay sa kapwa, may gift kami sa iyo. Actually, the crowd has participation for this. Cielo, dito ka sa center stage.”
  
              Pumunta nga sa gitna si Cielo. “Siguraduhin ninyong okay ito ha. Malalagot kayo sa nanay ko pag hindi,” banta nito na ikinatawa ng lahat.

                Napansin din ni Danica na nasa audience ang mga magulang ni Cielo.

                “Okay yan, insan. Trust my beauty!” sagot ni Limien sabay baling sa audience. “All ladies, single and available, moment nyo na to. Tayo kayo dali.  Tsatsansing tayo kay Cielo, dali!”

                The crowd cheered with laughs.  Nanguna-ngunang tumayo si Danica. At excited na ring tumayo ang iba.

                “Ah Mien, Hammy, may hindi babaeng tumayo o.” Itinuro siya ni Cielo. Umugon uli ang tawanan.

                Napanganga siya. “Hoy!  Babae ako!”  She winced.

                He threw her an innocent yet annoying look. “Talaga? Kelan pa?”

                “Since birth!” She annoyingly and seductively pouted her lips gesturing an annoying kiss to him.

                “Oh yuck!” sambit nito with rolling of the eyes sabay baling nito sa audience.

                Anong yuck ka diyan?  She just smiled.

                “Ay naku, be good to Danica, Cielo. Palakpakan natin guys, Danica Urbano is in the house.”  Hamiel announced.

                Ngumiti lang siya sa mga tao roon.

                “Okay game na tayo. Tatatawagin natin ang portion na ito na, Kiss me! Wala kayong gagawin girls kundi ang bigyan ng sweet kiss itong si birthday boy cousin ko in any part of his face. Face lang ha. No kissing below the face. Okay ba yon?”  paliwanag ni Limien.

                Nagtilian ang mga babae. At si Danica, gusto ng pagsisibatin ang lahat ng nagtitili na parang walang bukas. Kay dami kong karibal nemen!

                Binalingan ni Limien si Cielo. “Sayo birthday boy, okay lang ba yon?”

                Cielo blew his signature breath-taking adorable sweet smile. “Sure, no holds barred.”

                “No holds barred daw. So ganito ang mangyayari, Karisma Band will sing the song Kiss me. And you pretty ladies will have your moment here on stage to give Cielo a kiss every time the song mentioned the term kiss.”

                “Basta wag sa lips!” Danica declared.  Pinandilatan siya ni Cielo at tinapunan siya ng tingin ng mga tao roon. Pero hindi siya nagpatinag. Sa akin ang lips niya. Mamamatay ang ibang hahalik diyan! “What?” she appealed. “Palamang nyo na sa akin ang lips. Sige na naman!” pagpapa-cute niya sa mga tao.

                Maraming tumawa, akala ata nagbibiro siya.  Marami din ang nag-cheer sa kanya. And she took it all as yes! Pinapalamang na sa kanya ang lips ni Cielo.  Hurrraaaayyy!

                The portion started with the guitars and drums followed by the keyboard and Hamiel’s captivating voice.

                “Mauna kayo girls, finale ako!” She shouted.  Dahil pinalamang sa kanya ang lips, pinauna na niya ang mga itong maka-kiss.

                Kiss me, out of the bearded barley. Nightly, beside the green, green grass. Swing, swing, swing the spinning step. I’ll wear those shoes and you will wear that dress. Oh, kiss me, beneath the milky twilight. Lead me out on the moonlit floor. Lift your open hand. Strike up the band and make the fireflies dance, silver moon’s sparkling, so kiss me...

                Isa-isa  ng nagsi-akyatan at humalik sa pisngi ang mga babae with additional hug pa. Mukhang tuwang-tuwa itong si Cielo sa regalong nakuha sa mga kabanda nito. Lihim mang may inggit sa mga babaeng nginingitian nito ay naging positibo at excited na rin siya. Until her turn came.

                I’m gonna kiss you, Cielo baby!

                Umakyat siya sa stage.  Naghiyawan ang mga tao na tila binubuyo sila sa isa’t isa. She liked that attention. Iyong niloloko siya ng mga tao kay Cielo. Bagama’t isa lang iyong palabas para sa kanila ni Cielo, hindi niya maitatangging sa sulok ng puso niya, may kilig siyng nararamdaman.

Swerte siya at siya ang finale. May limang kiss pa sa natitirang sa lyrics.  Umugong ang cheer ng crowd nang finale magkaharap na sila ni Cielo. May pagkaartistahin talaga itong lalaking ito.  If people will look at him, it can easily be mistaken that he had a heart for her. But she knew better. Umaarte lang ito dahil may press, may fan, at may magulang na nakatingin sa kanila. May image itong iniingatan.


Oh, kiss me beneath the milky twilight...

She kissed him on his forehead and winked.

“Tama na!” pagtataboy nito sa kanya.

“Ano ka, hindi pa ano, marami pang kiss sa last lyrics and those chances will be mine.”

He sighed. “Bahala ka.”

“More! More!” The crowd cheered.

Lead me out on the moonlit floor. Lift your open hand. Strike up the band and make the fireflies dance. Silver moon’s sparkling. Oh, so kiss me...

 She kissed him on left cheek. Ang bango mo talaga Cielo baby. Smells like a baby!

Binibigyan talaga siya ng pagkakataon ni Hamiel. Nag-adlib uli ito.

So kiss me...

She kissed him on the right cheek.

Nilingon nito si Hamiel na ngingiti-ngiti lang. “Hoy tama na!”

Umiling  si Hamiel. “The crowd is asking for more...”

So kiss me...

He sighed at nang balingan siya nito ay sinadya niyang halikan agad ito sa ilong. “Ang alat ng ilong mo, Cielo.”

The crowd cheered. “Kiss on lips! Kiss on lips!”

 They literally asked her to kiss him on lips. Eto na ang moment niya.   
           
          “You know what, Nica? You should not give me a kiss on lips,” he seriously uttered.

                “At bakit? Nag-toothbrush naman ako.”

                “My parents are in the audience.”

                “And so?”  kunot-noong tugon niya.

                “You won’t like the idea of shot gun marriage, don’t you?”

                So kiss me...

                She grinned. “I love violence!” She grabbed his nape and kissed on his lips! Mabuhay!  






PREVIOUS                                                            NEXT 

Comments

kimy said…
ay type ko yung game!!!!hahaha te melai yung kasunod na....
kiz said…
ampupuuuuu.. ate maiihi ako sa kilig dito!!! waaaaaaaaahh... grabe!!! oxygen please? hahaha. walanjo lang sa mga pangalan ng aso. ihhh next na po. utang na loob. hahaha
Rika said…
waaaaaaaaaa~~ sobraaa! kinilig ang pwet ko! grabeh! >.< ahahaah :P kilig much! next na po! as in next na..... :D
Chiichoi said…
GRABEEEEEEEEEEEEEEEEE! Kinikilig din akoooooooo! HAHAHAHAHA! Akin na si CIELO! Yaaaaaaaks! >.>
Anonymous said…
wahihihi! next part po, ASAP! ahahaha.. xD dami kong tawa talaga.. kinakabag na ang bangs ko kakatawa! xD choz..
Naiomi said…
Waaaaaaaahhhh! Grabe nakakakilig! I super duper love thisssss! Nextttttt!
Rio said…
You has a great blog. I'm very interesting to stopping here and leaves you a comment. Good work.

Lets keep writing and blogging

Nb: Dont forget to leave your comment back for us.
iamKris said…
awww nxt puhleeasseee...im gonna die na if there's no posting tomorrow hehehe love all you work :D
Melai said…
Hello Rio, thank you so much for dropping by.

hello IamKris, I still can't write well because of work. Just hold on, baby hold on.... Hahaha

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…