Skip to main content

Love Story By Glass Wall- Chapter Three







Leanne was busy doing a check list ng mga dapat nilang asikasuhin sa wedding preparations. Tuwing off nila ni Zyren ay inaayos nila ng paunti-unti ang kasal nila. “Ano pa bang nakalimutan ko?”   Nakadapa siya sa kama at nagsusulat sa isang notebook with a bowl of chocolate cereal crispies on her left side. “Pre-nuptial photos and videos pa nga pala. Ano kayang magandang concept?”  

               “Hey, what are you doing beybs?” Yakap agad sa likod niya ang sinalubong sa kanya ni Zyren. Tumabi ito sa kanya. “I miss you.” He gave her a sweet kiss on lips.

                Humiga siya ng ayos and now they were facing each other well. “I miss you too, beybs.” Siya naman ang humalik dito. Tatlong araw itong nawala para sa Davao business trip nito. “How’s the trip?”

                “Fine.” He kissed her shoulder. “I did it! Pumayag na ang Tito mo. ZLCD and Neryz Ennael will gonna be working together to build and manage four hotels and resorts. One will be in Davao, one in Bohol, one in Sagada, and another in Baler Aurora.”

                “Wow! Congrats, beybs! Sabi ko naman sayo e, papayag si Tito diyan. So that means you will be working here?”

                “I will volunteer to be the ZLCD Services in charge for the project—“ Bigla itong napapikit pagkatapos ay dahan-dahang humiga ng ayos.


                Nag-alala siya. “Anong nararamdaman mo?”  Bumangon siya para asikasuhin ito. Hinaplos niya ang noo at pisngi nito.

                Then he slowly opened his eyes. “Nothing. Nahilo lang. Kararating ko lang at dumiretso na agad ako dito—aray!” Pinalo niya ang balikat nito.

                “Bakit di ka muna nagpahinga? Inuna mo pa ang gumala.” She winced.

                He just smiled and hugged her. “Miss na kita e.”

                She pinched his nose at pumikit lang ito. Ah, ang cute! “Siraulo!”

                “I love you, Leanne.”

                She smiled. “I love you, Zyren.” Then he grabbed her nape and pulled her down to claim her lips.  She felt her heart go crazy again.  Having him that intimate made her feel how lucky she was, having him in her life. As he went on kissing her deeply, her heart continued beating so fast in a rhythmic motion. And few seconds more, their lips parted.

                Nagkatinginan silang dalawa and both smiled…satisfied.  Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad. “Wawa ka naman, you look tired. Dito ka na lang magpahinga.” She grabbed a pillow. Iniangat niya ang ulo nito para malagyan ng unan at maging comfortable ito sa pagkakahiga.  “May dala ka bang bihisan? Magpalit ka muna kaya para pag natulog ka, tuloy tuloy na. Kumain ka na ba? “ Bumaba na siya ng kama. “Ipaghahanda kita ng pagkain.”

                “No need, sayo pa lang energized na ako.”

                “Ay nako, Mr. Zerino Gabriel Castillo, walang kahihinatnan iyang pambobola mo sa physical strength mo okay?” He just laughed. “Sige na bumangon ka na muna diyan, magbihis ka na  at ipaghahanda lang kita ng pagkain para makatulog ka na.”  She was about to leave the room when he called her. Nakaupo na ito sa gilid ng kama.  “Hmm?”

                “Leanne, in two days I have to go to Korea and go back to Hawaii.”

                Natigilan siya. “That soon?” Hindi niya napaghandaang maghihiwalay na naman sila dahil sa trabaho. Okay lang sana kung ilang araw lang pero natatakot siyang maiwan na naman at mauwi sa walang kasiguraduhang paghihintay.

                “Yeah.”

                “Gaano ka katagal mawawala?”

                “A month or two…or three. It’s still uncertain.”

                Nilapitan niya ito. “Maghihintay na naman ako?” may halong tampong sambit niya.

                He lovingly gazed at her. “You don’t have to wait for me this time.”

                “Bakit?”  Hindi ka na ba babalik? Na-realize mo na bang hindi tayo meant to be? Hohemji!

                He smiled. May kinuha itong white envelope sa bulsa ng suot nitong business suit. “Kasi sasama ka sa akin.”

                She was surprised. “Talaga?”     

                 Ibinigay nito sa kaya ang envelope. Agad niyang binuksan. Plane tickets ang laman noon. “Isasama mo talaga ako?”

                “Yes, naayos ko na rin lahat ng papeles mo. Nakausap ko na rin ang Tito mo. You will be joining me as representative of Neryz Ennael to do some ocular visits in our hotels. Okay na lahat. All you need is to ready your luggage and prepare for a long vacation with me!”

                Full of excitement na niyakap niya ito. “Salamat, beybs! The best ka talaga! Sasama ako sayo kahit sa North Pole pa iyan!”

                He laughed. “Wala pa atang travel tours papuntang North Pole, beybs,” biro nito. “Magandang opportunity na rin ito sa atin to know each other better.”

                “Yes!” Pero natigilan siya nang maalala niya ang mga magulang. Baka hindi siya payagan. Umalis siya sa pagkakayakap dito. “Teka lang, magpapaalam ako kay nanay at tatay!”  Dali-dali siyang tumakbo palabas ng kwarto.

                Natagpuan niya ang mga magulang at dalawang kapatid na nanood ng TV. “Mother, father, and brothers! Pupunta kami ni Zyren sa South Korea at Hawaii.”

                “Late ka na, naipagpaalam ka na niya sa amin kanina pa,” sagot ni Toff.

                “Pasalubong ate ha,” pahabol ni Chad.

                “Ay ganon?”  lihim siyang kinilig. Ibang klase talaga si Zyren, bago siya  sabihan ng mga bagay-bagay, naplano at naayos na nito lahat. Binalingan niya ang mga magulang. “Eh, pinapayagan nyo po ba ako?” 

                “Basta anak, tatawag ka palagi at wag mong kakalimutan na ibili ako ng bag at pabango,” sagot ng kanyang ina.

                “Mag-ingat kayo do’n. Wag kang gagala ng di kasama ang boyfriend mo,” paalala ng kanyang ama.

                “At higit sa lahat ate, wag kang uuwing buntis!—aray!” binatukan niya si Chad.

                “Siraulo!” tumawa silang lahat. Niyakap niya ang ama’t ina. “Salamat po, Nay, Tay!”

               Masayang bumalik siya sa kwarto. Nakita niyang binabasa na ni Zyren ang checklist na ginagawa niya. Niyakap niya ito. “Salamat ha.”

                He just kissed her cheeks pagkatapos ay binalingan nito ang list. “Ano ba sa tingin mo ang magandang pre-nuptial photos and videos concept?”

                Umupo siya sa kandungan nito. “Tatlo ang naiisip ko, pili ka na lang.  Iyong astig like martial arts concept, Greek mythology concept o fairytale concept. Sa tingin mo?”

                “Martial arts concept.”

                “Cute din kung greek mythology di ba? Ako ang Goddess of beauty, ikaw ang God of elyens!”

                “Di ba ikaw ang elyen sa ating dalawa?”

                “Ikaw kaya ang can afford bumili ng ibang planeta.”

                “Fairytale na lang. Ikaw si Fiona ako si Prince Charming.”

                “Hindi naman sila ang magkapareha ah. Ako na lang si Princess, ikaw ang Frog prince!”

                “Wag na lang mag-concept. Mag-pictorial na lang tayo ng nakapambahay.”

                “Wag na lang mag-pictorial. Sayang ang film.”

                They laughed. “But seriously beybs, pwede naman ang tatlong iyan na lang para lahat ng gusto mo, magagawa natin.” He winked.

                “Talaga, okay lang sayo?”

                He kissed her temple. “Basta para sa ikasasaya mo, walang problema sa akin.”

             She smiled. “Kung ganon, magbihis ka na, ipaghahanda na kita ng food para makapagpahinga ka na. Magiging masaya ako pag nawala iyang pagod look mo okay?”

                “Okay boss!”


         LEANNE SIGHED. Tatlong araw na sila sa Seoul South Korea pero wala pa silang napupuntahan kundi ang hotel, mga nearby restaurants at convenience stores. Literal na negosyo nga ang pinunta doon ni Zyren.  Naiinis na siya sa boyfriend. Sabi nito ay dalawang araw lang ito mag-aasikaso ng negosyo pero pangatlong araw na ngayon. Ang masaklap pa, dalawa lang ang option niya—ang sumama sa mga client meetings nito at mabingi sa usapang koreano na di naman niya naiintindihan o ang maburo sa hotel. Di kasi siya pinayagan nitong mag-tour mag-isa kahit kayang-kaya naman niyang mag-isa. Mas pinili na lang niyang sumama sa mga client meetings nito kesa naman mabulok siya sa hotel room.

                Nanghihinayang siya sa mga araw na nagdaan. Nasa Korea na nga siya. Isa sa mga dream place na pinangarap niyang marating pero nakakalungkot na hindi man lang siya makapag-tour. Three days na lang ang natitira at aalis na sila papuntang Hawaii. Naaasar siya pag naiisip niyang aalis siya ng South Korea na hindi man lang nakakakita ng cherry blossoms o kahit likod man lang ni Lee Min Ho.

                “Isn’t it great, Leanne? In three days, may nakuha na agad akong investors para sa hotel projects ng Neryz Ennael at ZLCD?  Pagbalik natin ng Pilipinas, sigurado akong matutuwa ang tito mo sa mga good news ko,” sambit ni Zyren habang nasa cab sila pabalik na ng hotel nito. Another day passed by with just plain boring business meetings while listening to alien languages.

                Tahimik lang siya. Mas mabuti na iyon kesa naman kung ano pang masabi niya. Because right that moment she was pissed off.  She was just looking straight and staring on nothing in particular.

                “Hey, napagod ka ba at nagpalipat-lipat tayo ng limang restaurant? Sorry ha.”  Inakbayan siya nito.  “Medyo workaholic talaga ako. This is for your future so I have to do better. Pag kinasal na tayo, gusto ko mabibigay sa’yo lahat.” He kissed on her ears. Hindi pa rin niya ito kinibo hanggang sa makarating na sila sa hotel.

                Walang sabing bumaba siya ng cab. Hindi niya ito hinintay at naglakad na siya papasok sa elevator.   Bago magsara ang elevator ay nakahabol ito. Sila lang dalawa ang sakay ng elevator.

                “Galit ka ba sa akin? Why with that cold treatment? Anong nagawa ko?” sunud-sunod na tanong nito. Hindi pa rin siya umimik. He sighed. Hahawakan sana nito ang kamay niya pero bumukas na ang elevator at nauna siyang lumabas.  “Leanne! Kausapin mo ako! Paano ko malalaman kung bakit ka nagkakaganyan? Kung bakit di mo ako iniimikan? Ano bang problema mo?”  Bahagyang nagtaas ito ng tono nang makarating sila sa hotel room.

                “Wala!”

                “Huwag nga tayong maglokohan!”

               Naubos na ang pasensya niya. Ibinato niya dito ang nahagilap na lalagyan ng tissue. Isinunod niya ang mga unan sa sofa.

                “Leanne! Ano ba? Why don’t you just talk—aray!” Tinamaan ito sa ulo.

                Pumasok siya sa room niya.   At sumunod pa talaga ito. Sa gigil ay ibinato niya dito ang flower base. Kampante siyang masasalo nito iyon kaya hindi siya nag-alalang makasira siya ng gamit sa hotel na iyon. She was right, prenteng nasalo lang nito ang vase at naibalik sa mesa. She took off her stilettos and threw them to him, iniwasan lang nito ang mga yon. She took off her blaizer and threw it to him, sinalo nito iyon.

                Nang wala na siyang maihagis dito ay humiga siya sa kama at nagtalukbong ng comforter.

                “Bumangon ka nga diyan, Leanne!  Ano na naman bang problema mo at may sumpong ka na naman?”  

                Aaaaaghh! Sobra na to! Inalis niya ang nakatalukbong na kumot sa ulo niya at tiningnan ito ng masama. “At ako pa talaga ang may problema?”

                “Alangan namang ako? Bigla-bigla ka na lang nagkaganyan.”

                “Well, ikaw ang problema ko. Dinala-dala mo pa ako dito pero di ko naman ma-enjoy. Hindi na ako natutuwa. Sana pala di na ako sumama sa’yo. Kung alam ko lang na mabibingi lang pala ako sa Korean talk mo sa mga Jiampong investors mo, di na lang sana ako sumama sa’yo.”

                Napanganga ito sa sinabi niya.  “Bakit? Pinilit ba kitang sumama? Pwede ka namang tumanggi. Besides, alam mong negosyo naman talaga ang ipinunta ko dito. And I offer you options. Kung bored ka na pala sa pagsama sa akin e di sana nagpaiwan ka na lang dito sa hotel.”

                “Magpaiwan dito at mabulok?! Ang labo mo Zyren!” bumangon siya at lumuhod sa kama para maging mas matangkad siyang tingnan dito habang ito ay nakaupo sa kama.  “Ilang araw na tayo sa Korea.  Wala pa akong nakikita! Ni hindi pa ako nakakakita ng cherry blossoms at ni poster ng Super Junior, wala. Kasi ayaw mo akong payagang mag-tour mag-isa! Gusto mo magkasama tayo, pero wala ka namang oras para mag-tour. Paano naman mangyayari yon kung puro ka negosyo?!”

                “Gusto mong mag-tour mag-isa? Ano bang tingin mo sa Seoul? Maynila? Leanne, hindi lahat dito marunong mag-English. Pag nawala ka, paano kita hahanapin sige nga? You can’t even understand any single Korean word!”

                Lalo siyang nainis kasi tama ito. “Fine! Ikaw na ang magaling. Alam mo lahat di ba? Kahit ayaw mong mag-tour, magtu-tour akong mag-isa bukas!”

                “Fine!” He shouted back pagkatapos ay tumayo na ito at nagmartsa palabas ng kwarto niya. “Wag kang hihingi ng tulong sa akin once mawala ka!”

                “Hah! Asa ka! Go ahead with your business! Pakasalan mo na rin iyang mga negosyo mo! Hell care!”  she yelled.

               Wala na siyang narinig na tugon nito maliban sa pabalandrang pagsara ng pinto ng kwarto nito.  Asar na asar na humiga na lang din siya hanggang sa dapuan na siya ng antok.

               Kinabukasan, maagang nagising si Leanne.  Bagama’t naaasar pa rin siya sa fiancĂ© niya, napangiti siya. Ngayon, wala ng makakapigil sa kanya para mag-tour. Energetic na bumangon siya at naligo. Habang  nasa banyo at naliligo ay inisa-isa niya ang pupuntahan niya. Dala-dala niya ang excitement nang lumabas siya ng banyo na naka-bathrobe lang. Napayakap siya sa dibdib niya nang makitang prenteng nakaupo sa kama niya at tila nakaabang sa kanyang paglabas itong si Zyren. He was wearing simple sweat shirt and denim pants.

                “Anong ginagawa mo dito? Sa kabila ang kwarto mo!” singhal niya dito.

                “Magtu-tour tayo ngayon.”

                “Hah! Ngayon pa?  Mag-tour kang mag-isa mo! Magtu-tour ako ng akin!”

                He sighed and lazily laid back on her bed.  “Sasamahan na nga kita.”

                “O di ba sabi mo kagabi, mag-tour akong mag-isa basta kung mawala ako wag akong hihingi ng tulong sa’yo? Okay na ako don, tipaklong ka. Get out! Magbibihis ako.” She walked towards the cabinet. Nang hindi ito kumilos ay binalingan niya ito. He was just teasingly smiling. Baliw! “What?” Pinandilatan niya ito.

                Sa halip na kumilos ay kumuha pa ito ng unan at parang bata na yumakap sa unan…nagpapa-cute. “Magbihis ka na, don’t mind me here. After all, magiging misis din naman kita next year at makikita ko rin lahat—aray!”

                Binato niya ito ng unan. “Kahit na! Next year pa iyon. Labas!”

                “Oo na, lalabas na!” Bumangon ito at slow motion na naglakad. Bago ito tuluyang lumabas ng kwarto niya ay sumilip pa ito. “Leanne, naisip ko lang. May paraan naman para mapaaga ang kasal natin kung okay sa’yo.”

                “Ano?” she curiously asked.

                He moved closer and embraced her waist. She moved farther as far as she can. Naalala niya, wala siyang suot na undies underneath the bathrobe.

                “Gawa tayo ng Zyren junior or little Leanne,” he seductively but sweetly smiled.

                She felt her heart skipped. Awtomatikong nagsisulputan ang mga intimate scenes sa utak niya. Thinking that they will do it to have a junior him or a little her made her feel scared, excited, and nervous all at the same time.

                She grinned. “Ah, Zyren junior or little Leanne ba kamo?” tanong niya.

                He nodded. “Yeah, isn’t it a great idea?”

                She touched his cheek. Gusto na ni Leanne matawa sa itsura ni Zyren na tila nananabik…excited na excited. Inihilamos lang niya ang kamay niya sa mukha nito sabay tulak. “No! Labas!”

                Napilitan na rin itong bitawan siya at lumabas. She closed the door and sighed. She felt her heart beat faster and faster and her cheeks seemed turning hot. Napatingin siya sa reflection niya sa salamin. Her cheeks were really red. She was really blushing. Napangiti siya. Si Zyren talaga, alam na alam kung paano aalisin ang pagkaasar ko. 

                Nagbihis na siya  at nang matapos ay agad ding lumabas.

                “Let’s go?” tanong ni Zyren.

                “Didn’t I tell you I will tour alone? So leave me alone!” hirit niya.

                “Sigurado kang gusto mong mag-tour mag-isa? Mas masarap mag-tour ng may kasama.”

                “Hindi rin. At saka, nakapag-plano na akong mag-isa.”

                He moved closer to her face. And teasingly yet lovingly gazed at her.  “Ayaw mo talaga? Masarap mag-tour ng may ka-holding hands.”

                “I have my SLR camera to hold.”

                “Masarap mag-tour ng may kayakap.”

                “I have my jacket to do the job.”

                “Masarap mag-tour ng may kalambingan.”

                “Hah! Istorbo lang iyon sa pagsa-sight seeing, pagkuha ng pictures, at paglilibot. Pwede akong mag-tour ng walang ganon.”

                Nagkibit-balikat ito sabay halik sa labi niya. “Okay, enjoy your tour,” sabay layo na sa kanya.

                Napanganga siya.  “Ha?” Suko ka na agad?  

                “Go ahead, papayagan na kitang mag-tour mag-isa.” Inilibot nito ang paningin sa hotel. “I can have the rest of the day to take a good sleep perhaps. Pasalubong ko ha.”

                Aba’t hindi ka man lang magi-insist pa? “Okay!”  Nagpaskil pa siya ng fake na ngiti.

                “Sige, mag-ingat ka.”  He smiled. Parang masayang-masaya itong pabayaan siyang mag-tour mag-isa.

                Tarantado ka! Ayokong mag-tour mag-isa. Samahan mo ako.  “Oo naman at imarka mo to. Hindi ako tatawag sa’yo kahit maligaw pa ako,” singhal niya dito.

                “Okay!” nakangiting inihatid pa siya nito sa pinto. “Bye!” Then he closed the door.

                Kunot-noo at asar na asar na tinapunan niya  ng masamang tingin ang nakasarang pinto ng hotel unit nila. Sinipa niya iyon bago siya naglakad sa hallway.  “Antipatiko ka talagang tipaklong ka! Kagabi lang ayaw mo akong mag-tour mag-isa tapos ngayon pinagtatabuyan mo na ako? Nagpapakipot lang ako, sumuko ka agad! Peste ka! Wala kang puso!”  She just can’t believe it. Hindi man lang siya pinilit nito at worst, inihatid pa siya at sa pinto lang ng unit. Ni hindi man lang siya sinamahan hanggang lobby.  Magtu-tour talaga akong mag-isa? “Ang pangit mo Zyren! As in!” she shouted.

                On cue may lumitaw na chambermaid. “Any problem, Ma’am?”

                She smiled. “Ah, nothing really. Will you clean my unit, room 803? Nevermind the guy sleeping there okay? And kindly tell him this, ‘Wag na wag ko siyang maabutang gising mamaya kundi imamarinate ko siya at iihawin ng buhay.’ Did you get it?”

                “Yes Ma’am!”

                “Good. Thank you.”



PREVIOUS                                                                 NEXT 

Comments

haffle :)) said…
hahahaha! nakakatawa talaga tong dalawang to! lalo na si leanne! her tantrums and all!
Rika said…
ahahhaah nemen eh..! ang sweet ng dalawang makulet.. haha :P love it :D
kimy said…
hahha ang arte kasi ni lean....pero storbo tlga magtour ng may kalambingan...hahah sagabal sa mga mggndang nkkita...lugar man o lalake este tao... haha sa korea paman din...lol
Naiomi said…
Hahaha! Ang cute talaga nila mag away. Nakakakilig!! Next naaaa. :)
kiz said…
andae kong tawa sa kalukringan ni Leanne. HHAHAHA. lakas ng saltik. kaloka. next na!!!! :D

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…