Skip to main content

Love Story By Glass Wall- Chapter Four




First stop, Namsan Park. Isa itong kilalang Park sa Seoul City. Isa rin ito sa most recommended place para mag-tour. Leanne was walking alone going inside the park.  Ilang mag-jowa na ang nakasalubong niya.  Iba’t ibang lahi…iba’t ibang version ng romance. Lalo siyang nainis. Kailangan ba talagang iparamdam sa akin na hinayaan lang akong mag-tour mag-isa ng hukluban kong boyfriend? Kainis!

                Huminto siya sa paglalakad at pumikit ng mariin sabay buntong-hininga. Nagtagumpay na siyang makapag-tour, hindi iyon dapat masayang dahil lang gusto niyang isabit sa Namsan Tower ang antipatikong boyfriend niya. Pagmulat niya ng mata ay pinilit niyang ngumiti. I will enjoy this day! Kinuha niya ang SLR camera at kinuhanan niya ang picture ang entrance ng Park. Pagkatapos ay kinuhahan din niya ng picture ang sarili. Sinilip niya ang picture. Napangiwi siya. Pictures never lie. Plastic ang ngiti niya sa picture.

                Isa pa.  She took her picture again. This time, she made sure she would smile genuinely happy.  Pagkatapos ay tiningnan niya ang kuha. Napakunot noo siya nang mapansing familiar ang lalaking nahagip sa picture. Zyren? Ngunit nang maisip niyang prenteng natutulog lang naman ang boyfriend niya sa hotel ay napaismid siya. Asa pa ako! 

                Agad siyang lumingon para makasigurado. Then, she was surprised with a sweet kiss on lips.

                “Ooopps!—aray!”


                Hinampas niya ang balikat ni Zyren sa pagkabigla. “Sa susunod wag kang mambibigla at baka mabigwasan kita!” singhal niya dito para pagtakpan ang kilig na naramdaman niya. Palagi na lang binabali si Zyren ang paniniwala niya dito. Kapag naiisip niyang antipatiko ito at walang pakialam sa kanya, maya-maya lang gagawa na ito ng paraan para lambingin siya.

                “Ibang version pa ba iyon sa paghampas mo sa akin?”

                “Hah! Magdusa ka. Bakit ka andito?” tanong niya sabay taas ng kilay.  “Paano ako magtu-tour mag-isa kung andyan ka?”

                Hinawakan nito ang kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon. “No matter how hard you try to pretend that you don’t want me to be with you, I know better.” Hinarap siya nito. “Let’s not waste our remaining days here.” He moved closer and kissed her forehead. “Instead, let’s have time to enjoy this vacation to the fullest.”

                “Paano ang negosyo mo?”
                Kinuha nito sa bulsa ang cellphone at ibinigay sa kanya. “My commander, hereby I surrender my business connection.” He winked. “Sa’yo na muna iyan para walang istorbo sa ating dalawa.”

                She smiled. Kung may bagay na pro itong si Zyren, iyon ay ang pakiligin siya sa mga simpleng bagay tulad nito. Surrendering his phone to her simply implied he cared more to her than his business.  Ganon kasimple, burado na ang pagkainis niya dito. Tinago niya ang cell phone sa bag na dala.

                “Shall we?”
                She nodded. Umangkla siya sa braso nito. “Tara, doon tayo dali!” sabay turo niya sa kanang direction.

                He laughed. “Puro damo lang makikita mo dyan. Doon tayo sa kabila.”

                “Ay talaga? Sige don tayo sa konti lang ang damo kasi baka di na kita makita.” They started walking towards the Namsan Tower.

                “Huh?”

                “Tipaklong ka di ba? Magka-camouflage ka sa damo,” biro niya.

                His free hand held her head and caressed her hair. “Ikaw talaga puro kalokahan.”

                She leaned her head on his shoulder. “Beybs…”

                “Hmmm?”

                “I love you.”  She sincerely uttered.

                “Yeah, me too.”

                “Me too lang?—Ohemjinseng jiampong! Love padlocks ba ang nakikita ng beautiful eyes ko?” Nakuha ang attention niya ng isang area sa may Namsan Tower. Napakaraming padlocks ang nakakalagay sa mga gilid ng kabuuang area na iyon. She once saw a thing like that in Taiwanovela. Familiar siya sa pausong pamahiin na iyon.

                “Oo.”

                Hinila niya ito at patakbo silang lumapit sa mga padlocks. It was really amazing to know that people around the world were taking chances of endless love with the craze belief of padlock.  Pinagmasadan niya ang mga padlocks. Iba-ibang language ang nakikita niyang nakasulat sa mga makukulay na padlock.  Binalingan niya ang boyfriend. “Sa tingin mo, nagkakatotoo ito? Iyong pag naglagay ka ng padlock dito with our names, mala-lock na forever ang love natin?”

                “Maybe.”

                She sighed. “Sayang wala akong dalang padlock.”

                Zyren pulled her hand and take her somewhere in the middle of the thousands padlocks. Tumigil ito sa isang sulok at binusisi ang mga padlocks na tila may hinahanap. “I think I left it here. Nasaan na yon? Hmm…oh here!” Pinalapit siya nito at pinakita ang isang padlock.

                She was shocked of what she saw. It was a padlock with their names on it. “You did this?”

                “Yeah, noong first time kong pumunta dito several years ago. Look at the date.”

                Another surprise. The date was ten years ago. Kung babalikan ang past, wala siyang naaalalang romance sa kanila ten years ago. Third year college pa lang sila noon at ang tanging alam lang nila ay mag-away.  It was indeed really sweet. Naiiyak na tuloy siya nang balingan niya ito.

                Umiwas ng tingin si Zyren.  “Totoo siguro ang padlock drama na iyan. Kasi na-in love ka sa akin after kong i-padlock ka dito sa sa Namsan tower. You know it, I loved you since high school. But you didn’t. And I fell in love with you again in college. And that time, you did too. That happened after I locked this padlock here. And guess what? I think I’m falling again and again everytime you yell in my face. I hope you do too.”

                “Zyren beybs!”  She literally yelled on his face and that made him laugh. “I may always yell in your face and hit you as if you’re just a pillow, and throw you anything I see whenever you pissed me out, but I can assure sure you one thing. My heart will always be locked in you.”

                He smiled and lovingly embraced her. “Glad to hear that.”  He kissed her nose. “I love you, beybs.”

                “Yeah, me too,” panggagaya niya sa linya nito kanina. They both laughed.  “Nasaan ang susi nito?”

                “Nakalibing na. Di ko sasabihin kung saan para mawalan ka ng dahilan para baliin ang tradition na ito.”

                Pabirong tiningnan niya ito ng masama. “Baka nilibing mo kasi in future may balak kang hukayin at kalagin ito ha.”

                He laughed and pinched her nose sabay hapit sa baywang niya. “I will never do that.”

                “Promise?”

                “No.”

                Pinagtaasan niya ito ng kilay. Tumawa lang ito.

                “No one can ever take that key away from where it was buried.”

                “Why?”

                “May nakatayo ng building do’n.”

                “Ha?”

                Hinila na siya nito papunta sa mismong Namsan Tower. “Enough for the storytelling. We had so many places to go, beybs,” pag-iwas nito sa pag-explain. And she found that cute.

                Natawa na lang siya sa mga weird nitong sinabi.


                ZYREN was lovingly watching his fiancĂ©e while Leanne was happily walking in the middle of cherry blossoms at National Assembly compound in Yeouido. Matapos nilang libutin ang buong Namsan Park, naghanap sila ng makakainang restaurant at tumuloy na sila sa Yeouido para masaksihan ang kinaaasam-asam na makita ni Leanne…ang cherry blossoms.  They were lucky to be in Korea during Cherry Blossoms Festival wherein, cherry trees were blooming magnificently. He was amazed by her. Minsan parang bata itong si Leanne. Makakita lang ng ginusto nito, masaya na ito. Amusement was on her eyes since they stepped in Yeouido Park in late afternoon. Kumakagat na ang gabi pero ganon pa rin si Leanne. Hindi na nagsawa sa pagkuha ng pictures nila at ng paligid at masayang-masaya pa rin habang pinagmamasdan ang mga punong hitik sa mga bulaklak.

                “Wow!” they both uttered when lights were finally turned on. Those lights added some stunning effects when directed to the cherry blossoms. The scenery was really awesome.

                “This is very wonderful. Bakit walang cherry blossoms sa Pilipinas ano?” Ikinawit ni Leanne ang braso nito sa kanya habang tila naglalakad sila sa buwan…sinusulit ang paghakbang sa kahabaan ng kalsada na iyon. Binalingan siya nito. He was caught in act of busy staring at her but he didn’t mind. “Maganda ba?”

                “Oo naman, magandang-maganda.”

                “Ikaw talaga, buti na lang maganda talaga ako sa paningin mo ano?”

                He teasingly smiled. “Ikaw ba? I thought you’re asking about the cherry blossoms—aray!” Hinampas nito ang bag sa kanya sabay layo. Kinuha na lang niya iyon dito at siya na ang nagbitbit. Tutal naman black na backpack naman iyon. “Joke lang, syempre naman basta mata ko, ikaw lang ang pinakamaganda.”

                “Wala na! Wag mo ng bawiin, nasaktan na ang feelings ko,” biro nito. She lifted her camera and took stolen shots of him. Hinayaan na lang niya ito hanggang sa ito na rin ang nagsawa.  “Unfair minsan talaga  ang mundo. Walang cherry blossoms sa Pilipinas tapos ikaw ang gwapo-gwapo mo kahit stolen shots.”

                He felt his heart turned larger on her praises. Pero hindi uso sa mga lalaki ang magpakita ng kilig sa mga praises  ng babae kaya itinago na lang niya sa adorable smile ang lahat. Inakbayan niya ito. Iniyakap naman nito ang kamay sa baywang niya. “Masyado ng maganda ang Pilipinas. Kung maglalagay pa si Lord ng cherry blossoms, masosobrahan na sa ganda ang bansa natin.”

                Binalingan siya nito. “And how about you, being so yummy and adorable even in stolen shot?”

                He laughed. “That one?” He winked. “Bias lang ang tumitingin kaya ganon.”

                She smiled. They continued walking in that way. “Zyren. Did I offend you before? Noong sinabi ko na at one point hindi na kita kilala?”

                He kissed her head. “I’m not offended. I’m alarmed,” pag-amin niya. Totoong namroblema siya noon kaya nga naisip niyang isama na lang ito sa trip niya. At least, he could still keep the fire burning. “Natakot ako na, one day sasabihin mong ayaw mo ng magpakasal kasi hindi na ako ang dating Zyren na una mong minahal. Pero sabi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para manatiling nag-iisang lalaki sa puso mo. If I have to compete with my own self, I will.”

                “No need. Nalito lang ako noon, Zyren. Ngayon sigurado na akong mahal kita. Iyong dating ikaw at ang bagong ikaw. It doesn’t matter.”

                “Salamat, Leanne. But I think, your past sentiments have to do with us today. I mean, there’s no harm in trying. Let’s try to be the old us while enjoying the new us.”

                “Paano?”

                He grinned. “Let’s compete on simple things. Gawin natin iyong bonding moments.”

                She smiled. “In fairness, you got the point. Game ako diyan. Kelan tayo mag-start? Now na?” She uttered with excitement.   

                “Agad-agad? No.” Umupo sila sa damuhan. “As soon as you want us to do some quality time together, we’ll do it. For now, bakasyon grande muna tayo.” Bigla itong inihit ng ubo. Agad naman niyang hinaplos ang likod nito. Nag-alala siya nang bigla itong naghabol ng paghinga. “Leanne, what’s happening to you?”

                She raised her hand as sign that she’s just fine. “Kunin mo sa bag ko ang inhaler.” She’s just calm despite of having some difficulty in breathing. Lalo lang tuloy siyang nag-alala  dito.

                “Inhaler?” Nakita niya sa bulsa ng bag nito ang inhaler at iniabot dito. Agad naman nitong ginamit iyon. He enveloped his arms on her back as her support. Pero hindi talaga siya mapakaling makita itong inaatake ng hika. “Dalhin na kita sa hospital?”

                “Hindi na. Konting attack lang ito. Napagod na kasi ako sa kakalakad natin e.”

                “Sigurado ka?” He worriedly looked at him.

                She smiled. “Oo naman.”

                “Sige, pahinga lang tayo ng konting minuto tapos uuwi na tayo ha.” Still, nag-aalala pa rin siya. She just nodded and leaned on his broad chest. Inihilig niya ang ulo nito sa balikat niya para makapahinga ito ng ayos. “I never knew that you have asthma. Sa pagkaalam ko, wala ka namang ganyan noon.”

                “I got it 5 years ago. Na-overwork ako. I was suspected to have bronchopneumonia but turned out that it was bronchial asthma. Inaatake lang naman ako pag napapagod ako. Sorry, hindi ko agad nabanggit sayo.”

                “You should have told me about this. Dapat simula pa lang alam ko na para hindi naman ako nagugulat o nagmumukhang tanga at walang silbing boyfriend,” he seriously said.

                “Zyren…” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Hindi ka tanga at hindi ka walang silbi okay? Kasalanan ko kaya di mo alam. And I’m sorry. Wag ka ng magtampo.”

                He sighed. “Well. Wala na naman akong magagawa kundi ang siguraduhing hindi ka na mag-overwork para di ka na atakihin ng hika mo. Forgiven.”

                “Thanks, beybs. Pagod na ako, uwi na tayo.”

                “I was about to say that.” Tumayo na siya at inalalayan niya itong mabuti para makatayo. “Are you sure, okay ka lang at hindi mo na kailanganng pumunta sa doctor?” he worriedly asked.

                Ikinulong nito ang mukha niya sa mainit nitong mga palad. “Sure na sure.”

                He did the same to her. “You look so tired. Kaya mo pang maglakad?”

                “Bakit bubuhatin mo ako?”

                “Oo.”

                She smiled. “Kaya ko pa.”

                He tapped his back. “Buhatin na lang kita.”

                “Sa likod mo? Sigurado ka?”

                Hinila niya ang kamay nito. He motioned her to ride on his back. “Sige na, di ba ganito ginagawa sa Koreanovela? Sulitin na natin tutal naman nasa Korea tayo.”

                He won. Hindi na ito tumanggi. In few minuntes more, naglalakad na siya papunta sa subway station habang buhat niya ito sa likod.

                He felt complete and satisfied when she kissed on his cheek. “You’re really materializing my dreams. Ilusyong panis ko lang ang magkaroon ng ganitong eksena sa buhay ko.  But you made it happened. Partida pa na di mo alam na minsan kong pinangarap na buhatin ako sa likod ng taong napili ng puso ko para makasama ng mahabang panahon. I don’t know how to overweight a simple thank you but I hope a sweet kiss can.”

                “It’s enough for me beybs but it will be a lot better if you will do it again.”

                Wala namang pasubali na humalik ito sa kanya and that sweet smack kiss landed on the side of his lips. I finally found heaven at my back. I just couldn’t believe it.

                 Sumakay sila ng subway train pagkatapos ay sumakay sila ng cab. Hindi na nakayanan ni Leanne ang pagod kaya nakatulog na ito habang nasa cab sila. Hindi na niya ito ginising. He just lovingly carried her up to their hotel unit. Marahan niya itong ihiniga sa kama nito. Inalis niya ang sapatos nito bago niya ito kinumutan. Tulog na tulog na ito. He kissed her forehead and whispered, “Good night.”

                Then he silently went out of the room…complete and thankful that things were going right between the two of them.


                LEANNE looked at Zyren like the way she used to whenever they had something to compete. It’s their agreed bonding time at ang unang napagkasunduan, experimented dish. Kasalukuyan silang nasa isang private area ng hotel kitchen. Both armed with their cooking skills, they agreed that the challenge had to be covered by a dare.

                “So what’s your dare?” Katulad niya ay mataman din itong nakatingin sa kanya.

                “If I win and you lose….hmmm, bawal kang mag-inom for 3 months.”

                “Ah! Kailangan talaga ang pag-iinom ko ang pag-initan?” reklamo agad nito.

He is not alcoholic pero hindi maitatangging naging parte na ng lifestyle nito ang mag-inom at iyon ang pinag-aalala niya. “Oo kasi napapasobra ka na minsan. Baka mamaya magkasakit ka na.”

“OA naman. Anyway, ang dare ko…” He smiled mischievously. “Magtu-two piece ka pag nag-beach na tayo sa Hawaii.”

Napamulagat siya. “Uy,di ako nagtu-two piece!”

“Exactly, that’s the point.”

“Ayokong mag-two piece! Konti na lang parang hubad na yon. Ayaw!”

“O di wag kang papatalo. The thing is, ayoko ring ma-alcohol ban for 3 months. That’s quite long. So I think, the dare is just fair.”

                Hinampas niya ang toque na suot nito. “Ayokong nag-iinom ka kaya mananalo ako dito.”

                “Hindi pwede yon. I want you to be in perfect swimwear. That will be nice.”

                “Manyak!”  Binelatan niya ito. “Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay na paghubarin ako.”

                “Two piece swimwear ang sabi ko, hindi maghubad ka. Ikaw talaga, excited ka? Darating din tayo sa point na—aw!”

                “Shut up!” Pinukpok niya ito ng wooden spoon sa balikat. Tinalikuran na niya ito at nagpunta sa kitchen counter niya. “Game na, para matapos na ito at magkaalaman na.”  But the truth was, tumalikod siya para hindi nito mahalatang kumakabog ang puso niya sa pinagsasabi-sabi nito.

                Her heart jumped higher when he embraced her from her back and kissed on her cheeks. “Pampasuwerte.”

                “Salamat, beybs.”

                Then he moved to his place. “Hindi para sayo yon, para sa akin.”

                Binalingan niya ito. He was teasingly smiling. “Ewan ko sayo!” She winced.

                Tinawanan lang siya nito.

                For the next few minutes, they seriously devoted time with cooking. Kung meron man na pareho silang nage-enjoy, iyon ay ang pagluluto. They both have culinary degree. She took it after college para pati kitchen works ay makakatulong siya. That helped her to be an excellent General Manager. Zyren took it in Hawaii as part of his overall management of his own hotel and restaurant businesses.  

                Habang nagluluto ay tila bumabalik din sa alaala ni Leanne ang college years. “Remember when we got punished? Na-stuck tayo sa kusina ng in house hotel sa school?”

                “Dahil sa scandal mo,” hirit nito.

                “Oy scandal mo yon ano!”

                “Scandal nating dalawa.” He laughed. “I will never forget that day. Every time I look at you on that day, it felt like you are tempting me to kiss you.”

                She smiled. “So, seductive pala ako,” biro niya.

                “Hindi, iba lang talaga ang taste ko sa babae,” pang-aasar nito.

                “Ang sama mo talaga.” Nilingon niya ito and caught in the act, nakatitig lang din ito sa kanya. “Now that I think about it, iba rin pala ang taste ko sa lalaki. Ni hindi ko nga alam kung bakit nagkagusto ako sayo e.”

                “Nadadaan iyan sa kagwapuhan at kindat.” He winked.

                Ahhh! How can I disagree with that? Ang cute mo Zyren! “Di rin. Pangit mo e.”

                “Ikaw lang ang nagsasabing pangit ako.”

                “Ako lang ang may lakas ng loob.”

                “Di iyan totoo.”  Binalikan nito ang ginagawa.

                “I feel for you, reality hurts really.” Binuntutan niya ito ng tawa.

                “Not in my case. You are my reality and still you are my reverie. And both don’t hurt. They only make my heart grow bigger.”

                Tinitigan niya ito. Tapos na ang dish niya kaya hinihintay na lang niya itong matapos sa plating na ginagawa nito. This is the guy I will marry. Minsan antipatiko, madalas malambing. At higit sa lahat, totoong nagmamahal. “Beybs…”

                “Hmmm…”

                She didn’t say anything. Nilapitan niya ito at yumakap siya sa likod nito. She even rested her head on his broad back.

                “Hey, kahit rape-in mo pa ako hindi ko babawiin ang dare ko sayo,” biro nito.

                “Siraulo! Naglalambing lang ako. Di ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Iyong-iyo na iyong linyang nagpakilig sa akin e. Hindi ko alam ang pwedeng sabihin para pantayan pa yon kaya hug na lang kita.”

                He moved and turned to her. Niyakap siya nito sa baywang. “A simple I love you will do.”

                “I love you.”

                “I love you.” He hugged her. “Ready for the food taste test?”

                “Kanina pa!”

                They went out of the kitchen and asked the diners to do the honor to judge their dishes. The result, Zyren won and she failed. Waaaaaahhhhh, two-piece?! I’m dead!  



PREVIOUS                                                                 NEXT

Comments

kiz said…
waaaaaaah. kinikilig talaga ako. tapos bglang matatawa ng malakas. ang adik kase nila hahaha. next na!!!! :D
Naiomi said…
Nakakakilig!! hahaha nakakaloka :) magtu0two-piece si leanne hahahahaha. :DDD next next next pleaseeeeeeeeee :))

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…