Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: When Ryu and Lailah Collide- Part 3





Lihim na natatawa si Ryuji habang palihim na pinagmamasdan si Lailah. Nasa hapag sila sa bahay niya kasama ang mga magulang. Lailah cooked their dinner and it was very excellent. Sa loob ng ilang linggo na magkasama sila sa iisang bubong, isa ang pagiging good cook nito sa gustong-gusto niya. But what made him smiling inside was her innocent but fierce reaction whenever he started playing the game with her. Tulad ngayon…tensyunadong-tensyunado ito marahil dahil sa pananakot niyang ikukulong niya ito sa kwarto niya. Dahil na rin siguro sa threat na iyon kaya sumunod na lang ito sa utos niya. They pretended to be couple.

 Hindi rin niya alam kung bakit nagpapaniwala ito sa kanya gayong alam niyang alam nito na ang lahat ay power trip lang. He really didn’t need that hundred thousand to be paid off. His purpose was to win the same order game of destiny… And what I’m going to do is to play the game well. Indeed, excited na siyang umalis ang magulang para maibigay na niya kay Lailah ang kwarto niya ngayong gabi.

   “Ah, son, I think we have to go. It’s kinda late and Zuleika is just alone at home,” sambit ng kanyang ama.

Tumayo sila ni Lailah. He kissed and hug his parents. “Sige po, Ma, Dad…ingat po kayo.”

“Ah, ihahatid ko po kayo sa labas!” volunteer ni  Lailah. Hinayaan na lang niya ito at sinamantala ang paghatid nito sa magulang niya para ayusin ang kwarto niya kung saan niya ikukulong ang pasaway na si Lailah.


Saktong paglabas niya ng silid niya ay siyang pagpasok naman nito sa loob ng bahay. Napakunot ang noo ni Ryu nang makita itong ngingiti-ngiti na naman habang nagta-type sa keypad ng cell phone nito. Sino bang pontio pilato ang katext ng babaeng ito? Sa di niya maipaliwanang na dahilan, naiinis siyang may ibang lalaking nakakakuha ng atensyon ni Lailah. Ang gusto ni Ryu, siya lang. Siya lang ang magpapainit ng ulo nito at siya rin lang ang magpapatawa dito. Magpapatawa? Kelan mo siya napatawa? Ginagalit mo lang kaya siya! Napaismid siya.

Pagkatapos ni Lailah na mag-text ay nakapaskil pa rin ang ngiti nito habang isinasara nito ang pinto. Nawala lang ang ngiti nito sa labi nang makita siya nitong nakangisi lang dito.  

 Dumistansya ito sa kanya. Iyong tipong parang takot na takot na mahawakan niya. Lihim na natatawa si Ryu. Stick to the plan. I’ll make you fall in love with me tonight, Lailah. “Oh anong problema mo?” baliwalang tanong pa niya sabay ngisi na may halong pagpapa-cute. After all, his forte to capture women’s attention was his charming smile.

“B-bakit ka ganyan makatingin?” nauutal pang tanong nito.

Bakit ko ba ngayon lang nakita? Cute ka rin naman Lailah.  “Wala na sina Mama at Dad.  It’s time for me to make it up to you tonight, hon.”

Nanlaki ang mata nito sa tinuran niya. Tila tensyunadong nagpapalit-palit ang tingin nito sa kusina at sa main door na nasa magkabilang direction ng bahay niya. Tila nababasa ni Ryu ang binabalak ni Lailah. Maaring pumunta ito sa kusina o tumakbo palabas ng bahay dahil sa takot sa kanya.

She stepped towards the kitchen. “Ah… m-maglilinis ako ng kusina. Sige diyan ka na!” Aaalis na sana ito ngunit napigilan niya sa braso.

“Ako na ang bahala sa kusina.”

Nagpumilgas ito. “Ah, may kukunin pa ako sa kwarto.”

“Lailah… ang usapan ay usapan. Kung ayaw mong forever nagbabayad ng utang sa akin, papasok ka na sa kwarto ko ngayon din.”

“T-teka lang!” Tila nakabawi na ito sa pagkatensyunado. Sinamaan siya nito ng tingin. “Sabi mo, makatao lahat ng ipapagawa mo sa akin at hindi mo ako pagsasamantalahan o aabusuhin. Ikaw ang dapat tumapad sa usapan!”

Hindi napigilan ni Ryu ang pagtawa habang ito ay nagtataka sa inaasal nila. “Lailah, at sinong may sabi sa’yong…,” he moved closer to her face. Iyong act na aakalain nitong may balak siyang halikan ito, “pagsasamantalahan kita o aabusuhin? I’ll just gonna make you happy and satisfied this night,” sambit niya na tila may halong malisya.

Napaawang ang bibig nito. Doon tuloy napunta ang paningin niya. He was tempted to kiss those lips pero wala yon sa plano niya kaya bago pa siya madala sa sarili niyang laro, he moved away. Hinila niya ito sa tapat ng pinto ng kwarto niya.

“T-teka lang naman, Ryu!”

Binalingan niya ito. Kung kanina’y animo’y reresbak ito sa kanya ngayon ay may takot na ito sa mga mata na nagpalambot naman sa puso niya.  “Don’t worry, ikukulong kita diyan ngayong gabi pero hindi mo ako kasama sa loob. Nek-nek mo. Hindi tipo mo ang gusto kong makasama matulog ‘no kaya wag ka ng matakot. Open the door.”

She did. And as he expected, she was surprised on what she saw. May mga signature clothes from dress to casual and corporate, ilang pair of shoes, mga accessories, mga cosmetic products, at bagong cell phone na nakalagay sa kama. Shocked was still in Lailah’s face when she turned to him.

“Reward ko iyan sa’yo. Alam ko naman na this past few days, pinagtitripan kita pero hindi ka pumapalag at saka, masipag ka. Kaya ayan. Enjoy your stay at my room tonight. Mas maluwag yan, may aircon, mas comfortable kesa kwarto mo. May jacuzzi sa banyo. Pwede ka ring magbabad sa bath tub.  I suggest, rose bath or bubble bath para marelax ka. Isang gabi lang yan kaya samantalahin mo na.” Itinulak niya ito papasok ng  kwarto at isinara ang pinto. Hindi na niya ito hinintay na mag-react o magsabi pa ng kahit ano.

Siya mismo ay hindi niya maintindihan ang sarili. Yes, he planned the scheme for a purpose but when he was already in the process of choosing clothes and shoes for her, he felt like he was taking that thing seriously.

At dahil binigay niya dito ang kama niya, matutulog na lang siya sa sofa. Ayaw naman niya sa room nito dahil walang aircon doon. Humiga na siya sa sofa at nanood ng tv.  Hinagip niya ang isang throw pillow at niyakap iyon. Ang mata niya ay nasa tv ngunit ang isipan niya ay tila naglakbay sa mga nangyari nang araw na ‘yon. I almost kissed you. Kung ituloy ko ba, magagalit ka?  With that thought, napangiti siya. After so many years, ngayon lang may babaeng nagpangiti sa kanya kahit wala itong ginagawa kundi ang makipagtarayan sa kanya. Akalain mo, may silbi din pala ang gawa-gawa kong game…

He heard his message alert tone. He grabbed his phone and read the text message from his mother. You’ve got a nice girlfriend, anak. Finally, may love na ang baby ko. Like ko siya, kaya ingatan mo na siyang mabuti, Ryu.

Suddenly, he felt something warm enveloped his heart.

Naglaho ang pagninilay-nilay niya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

“Ryuji…”  Tila nahihiyang lumapit si Lailah sa kanya.
           
          Bumangon siya at umupo ng ayos. Umupo rin ito sa tabi niya.

               “Bakit?” Binalingan niya ito at tinitigan. Lately, gumagaan ang loob niya pag tinititigan niya ito.

“Magpapasalamat lang sana ako. First time kasi na may ibang taong nagbigay sa akin ng concern at nagregalo sa akin ng mga katulad ng binigay mo. Too much na iyon, Ryuji. Sa susunod wag ka na gumastos para sa—“

“Hindi iyan dadagdag sa utang mo.”

“Alam ko…ahm.” Tumayo ito. “Salamat uli.” Nagulat siya nang yumuko ito at hinalikan siya sa pisngi.  “Sige bye!”

Tatakasan sana siya nito nang hawakan niya ang kamay nito. Hindi ito lumingon sa kanya. “Lingunin mo nga ako.”

“Ayoko, kakahiya ginawa ko e.”

“Bakit mo ako hinalikan?” Ngingiti-ngiting tanong niya.

“Ah, thank you kiss iyon. Ganon ako magpasalamat.”

Tumayo na rin siya.  “I see. Ganito naman ako mag-you’re welcome.” Kinabig niya ito. He grabbed her nape and gave in to temptation. In just a snap, he tasted her sweet lips in his most gentle way.  And I think, this is my way of opening my heart, Lailah.


LUMIPAS  ang mga araw. After that unexpected kissing scene nila ni Ryuji, inakala ni Lailah na puro sweet moments na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa tulad ng pocketbook stories o kaya movies o teleserye. Pero isang malaking hindi. Nagkamali siya dahil kinabukasan, parang walang nangyaring sweet kissing scene. Balik pagiging alila ng isang Ryuji Candaza ang drama niya…aliping namamahay.

Eh anong magagawa ko kung walang meaning pala ang kiss na yon? Nahinto ang pagninilay-nilay niya nang magtext si Jasper. Oo, textmates pa rin sila. At kung tutuusin, mas sweet ito kesa kay Ryuji, pero hindi niya magets ang may saltik niyang puso dahil mas type ata nitong tumibok para kay Ryu  na walang ginawa kundi pagtripan siya kesa kay Jasper na pinauulanan siya ng sweet words.  Adik lang?  

Binasa niya ang text. Nagyayaya ito na mag-date sila mamayang hapon. Walang masama, pumayag siya.

Last day na ng pagbabayad niya ng utang kay Ryu. In her mere surprise, hindi na siya nito pinagtrabaho taliwas sa iniisip niyang itotodo nito ang pagpapahirap sa kanya.  Huling araw na niya sa bahay na yon at sa buhay ni Ryuji. All of a sudden, bigla siyang nalungkot. Tapos na araw na makakatulog siya sa comfortable na kwarto at malambot na kama. Babalik na siya sa bahay niyang bahay na lang at walang gamit. 

Ma-miss ko rin ang lugar na ito. Bigla niyang naalala ang kakarampot na kasweetan ni Ryu mula simula. Ang pagbabayad nito ng utang niya, ang minsang pagsusuot nito ng sapatos niya sa kanya, ang mga regalong ibinigay nito, ang ilang minutong halik na pinadama nito sa kanya. Kahit na may mga pagkakataong nakakainis talaga ito at the end of a day, masasabi pa rin niyang isa itong good guy.  He was a prince charming and a knight in shinning armor for her. Teka lang. Agad niyang naalala ang hula sa kanya sa may Kofi Cups dati. Isang prinsipe ang darating, siya ang tatapos sa iyong problema at siya ang nanakaw sa’yong puso.  Possible kayang…si Ryuji ang prinsipeng tinutukoy sa hula?

Naistorbo na naman ang pag-iisip niya nang may kumatok sa pinto. Pinagbuksan niya si Ryuji. Pumasok ito sa silid niya at umupo sa kama. “This is your last day. Saan ka na pupunta?”

“Saan pa e di do’n pa rin kung saan mo ako napulot. Salamat ha. Kahit na saksakan ka ng higpit sa lahat ng bagay, saksakan ang pagkabossy mo at feel na feel mong alilain ako, utang ko pa rin sa’yo ang pagkakabayad ng utang ko sa manyakis na Manuel na ‘yon. Naligtas mo ako sa kapahamakan.”

“Alagad ako ng batas, trabaho ko ang magligtas ng tao.” Binalingan siya nito. “Since last day mo na, may ipagtatapat ako sa’yo. Well, hindi naman ito big deal pero sasagutin nito marahil ang tanong mo sa isipan mo kung bakit ko binayaran ang utang mo at inuwi kita dito.”

“Ano iyon?” 

“I’m just playing games with my friends.”

“Ano?”

“Naalala mo pa ba noong bumili ka ng Café breva sa Kofi Cups kung saan kita unang napansin?”

“Napansin mo ako no’n?” gulat na tanong niya.

“Of course, you’re pretty enough to be noticed. But that’s not the issue here.”

Kumabog ang puso niya sa sinabi nito kaya hinayaan na lang niya ito sa sinasabi. “Okay, ituloy mo ang kwento.”

“May laro kaming nabuo ng mga kaibigan ko. It is the same order game of destiny. The one who will buy the same coffee drinks we bought will be our target. The game is about having love progress. And my target is you. Nagkataon din na suspect ka bilang spy ng Kofi Cups kaya naging pursigido ako na mapalapit sa’yo. Lahat ng nangyari, kung may sweetness man akong napakita, dahil lang yon sa ayaw kong matalo sa game. I have to keep you to won the game or else I’m going to lose hundred thousands.”

Lahat? Pati iyong kiss? Nalungkot lalo si Lailah. Wala naman siyang dapat ikagalit or rather wala siyang karapatang magpakita ng ibang emosyon. Sa simula naman ay may atraso na siya kay Ryu at nagkautang pa siya. In general, pera lang ang dahilan nang lahat sa kanya…halos parehong dahilan ni Ryuji. Quits.

“Okay,” tanging nasambit niya.

“Okay?”

“Oo, e ano ngayon?  Lahat na ng power trip na gawa mo na sa akin, ano pa bang bago kung malaman ko na power trip lang din ang dahilan ng mga power trip mo sa akin? Pero ngayon, quits na tayo nakapagbayad na ako ng utang sa’yo, naisakatuparan mo pa ang topak mo.”

“Will I be selfish if I ask you to stay?”

Nagulat siya. “Akala ko ba power trip lang lahat? Tapos gusto mo wag akong umalis? Lakas-tama ka rin e ano?”

“Lailah, I need you.” Tila hindi ito sigurado sa sinabi nito. Maniniwala na sana siyang   baka may iba itong dahilan kaya gusto nitong manatili pa siya roon nang mag-iba ang expression nito. “Syempre, ayoko ngang matalo sa game kaya kailangan pa kita. At saka si Mama at Dad, ikakasal uli, kailangan kita do’n. I’m hiring you as my girlfriend now. Hindi ka na magkakatulong sa akin. Pababalikin ko na ang dati kong maid. So…hindi ka na aalis at girlfriend na kita?”

Nalaglag ang balikat niya. Wala na talagang pag-asa ang lalaking ito.  “Deal. Pero may bayad.”

“Sure!”

Nek nek mo, lalayasan na kita bukas. Babu na sa tirik-tirik mong buhok, Ryu! Asar kaaaaa! Ngayon talaga niya napagtanto na dapat hindi na siya naniniwala sa mga pinapakita nito sa kanya. Lahat ng iyon ay hindi sincere, puro laro, at kahit kailan hindi siya nito mamahalin gaya ng pinapantasya niya mula sa simula.


MAINIT ang ulo ni Ryuji. Naging kampante  siyang hindi na uli aalis sa poder niya si Lailah. Ngunit paggising niya kaninang umaga ay nag-alsabalutan na ito at nilayasan  na siya.  As he thought he already captured the heart of this woman, he was proven wrong. At ang hindi niya matanggap, nagawa nitong takasan siya nang hindi niya namamalayan… siya pa na isang de kalibreng crime investigator ang nalusutan nito.

Sabi ko nga, dapat nagfocus na lang ako sa kaso ni Karl Torrejos kesa subukang paamuin ang babaeng ewan na ‘yon. Inis na inis siya. After their wonderful kiss few days ago and their smooth conversation last night, he thought everything will put into right places. Maitatama niya ang mali niya sa pangtitrip dito. He even gave consideration na seryosohin ang panunuyo dito dahil sa gusto niya ring hanapan ng kasagutan ang kakaibang nararamdaman niya towards Lailah. Pero gumuhong parang landslide lahat ng yon, nang maisahan siya ng dalaga. Ngayon, what he was thinking was to take his revenge.  No one gets off my hands, neither you nor any criminals out there.. 

Kasalukuyang nasa board room siya ng Kofi Cups kasama ang mga kaibigan. Abala ang lahat sa final preparation ng kasal ng mga magulang niya habang siya, abala sa pag-iisip ng paraan para gumanti kay Lailah.

Bumalik lang sa usapan ang atensyon niya nang dumating si Icee.

She  gave a folder to him. Binuklat naman niya ang lamang documents noon.

“Guys, confirmed. Buhay si Karl Torrejos. Ang nakita naming inilibing ay si Karlo Torrejos, kakambal niya,” pahayag ni Icee.

“Kung ganon mas dapat lalo tayong mag-ingat,” sambit ni Apple. “Sige, papayag na ako, tadtarin nyo ng  security device  ng bonggang-bongga  ang aking bahay pati na rin ang aking beautiful and sexy body—”

“Apple, kilabutan ka nga. Mahiya ka sa fafaness mo. Kulang na lang magtago sa CR  si Rover dahil sa kahihiyan na may kasama siyang baliw pag magkasama kayo,” banat ni Erika.

Ang tinutukoy nito ay ang sikat na singer who happened to be Apple’s first love and game target. Nakatodo disguise ito kanina nang ihatid nito si  Apple at agad din namang umalis.

“Tse! Inaalagaan niya ang kaligtasan ko kaya siya nagtatago.”

“Inaalagaan niya reputasyon niya kaya siya nagtatago kamo,” buska ni Sunset na ikinatawa nila.

Ryuji was suddenly caught by  an information from the documents. “Natunton na ba si  Cynthia Torrejos?”

“Sino naman ‘yon?” tanong ni Erika.

“Siya ang mother hen ng peking duck criminal na yon!” sabat ni Apple na ikinatawa nila uli.

Iyon ang kaibahan kapag ang ka-meeting niya ay ang mga kaibigan niya rin. Seryoso sila, but with his set of friends,  imposibleng walang tawa moments compare kung talagang nasa debriefing session siya with the seniors.

“Hindi pa. Mahirap hanapin ang taong nag-iba na ng pangalan.  Ang huling data na nakuha namin tungkol kay Cynthia ay noong namatay si Karlo Torrejos na pinalabas nila na si Karl. Nakapirma siya sa documents ng funeraria at hospital. Pagkatapos noon, nahihirapan na ang kapulisan na ma-trace siya. Isa lang ang sigurado, accessory to the crime si Cynthia at maglalabas ng warrant ang pulisya para sa kanya.”

“Ipasok mo ang search sa program ng Code Black. Magdadagdag tayo ng taong hahanap sa kanya. Siya lang ang lead natin para matunton ang gago niyang anak. For the mean time, wag na wag nyong iaalis sa mga sarili nyo ang signaling device. Mas okay na ang naninigurado,”  litanya niya.

Lahat ay nag-agree sa sinabi niya.

“O paano, mauna na ako. Tatawagan ko na lang si Hiroshi para sa update.” Dahil may trabaho pang naghihintay sa kanya ay nauna na siyang umalis.

Papalabas na siya ng Kofi Cups nang  habulin siya ni Zuleika. Iniabot nito ang isang kahong chocolate toasties at Café breva na nasa styro cup. “O kuya, wag ka papagutom ha.”

He kissed on his sister’s cheeks. “Ikaw din at wag kang magpapakapagod diyan.”

Pagkalabas niya  ng Kofi Cups ay agad niyang tinungo ang kotse. Saka lang niya natapunan ng pansin ang kapeng hawak niya.  Ayaw man niyang aminin pero naalala niya si Lailah. Buwisit!  


UMUUSOK   ang tenga ni Lailah nang magising siya. Pagbukas kasi ng pinto niya para sana mag-good morning sa mga askal sa labas ay mga goons este agents ni Ryuji na mukhang bouncers ang nabungadan niya. Ang mga ito ay nakatayo sa harap ng bahay niya, sabay-sabay ngumiti sa kanya at nag-good morning. Isa lang ang ibig sabihin noon. Wala talaga siyang kawala kay Ryu.

 Nang umalis siya ng madaling araw sa bahay ni Ryuji ay nakatulog uli siya sa luma niyang bahay. Officially, balik na siya sa lugar ng mga tulad niyang dukha na isang kahig isang tuka ang drama. Mas magaling na iyon kesa naman manatili siya kay Ryuji na puro pagpapa-easy go lucky,  pantitrip o pagtatapon ng pera lang ang alam.  Sa akala niyang matiwasay  na ang pag-exit niya sa buhay nito, puwes nagkamali pala siya. Wala pa ngang twenty four hours heto’t nagsimula ng rumesbak sa kanya ang binata. 

    Sinubukan niyang tawagan ang binata para kastiguhin ngunit unattended ang cell phone nito. Tumawag na rin siya sa opisina ngunit sabi ng secretary ay ayaw nitong paistorbo at busy ito. Sa madaling sabi, umiiwas ang loko. Wala na siyang choice. Susugurin kita. Hukluban ka!  

Nagbihis na siya at naghandang umalis ng bahay. Pagkalabas niya ng bahay ay sumunod sa kanya ang mga goons. Sinamaan niya  ng tingin ang mga yon. “Dalhin nyo ako kay Ryujing panget ngayon din!”

“Yes, ma’am.”

Few minutes more nakarating siya sa opisina ni Ryu lulan ng isa sa mga BMW na ginagamit ng mga tauhan nito. Ni walang pakialam sa secretary nito na pumasok siya sa loob. At pinagtakahan lang niya, hindi man lang siya inawat ng secretary.  Inabutan niya ang binata na may kausap sa  cell phone…malamang babae na naman. Lalo siyang nainis.

“Oy, Ryu, magkaliwanagan nga tayo. Anong ibig sabihin ng mga goons na sumusunod sa akin ha?”

Kunot-noong binalingan siya nito. “Can’t you see, I’m talking to someone here? So please shut up and wait! May kasalanan ka sa akin kaya magdusa ka!” hirit nito sa kanya.

Eh adik pala ito e! “Wag mo akong galitin, Ryujing panget!”

At dahil natrigger na rin ang topak niya, inagaw niya dito ang cell phone nito at kinausap ang nasa kabilang linya. “Hoy babae ni Ryuji, makinig ka sa akin. May asawa na iyang pine-flirt mo. May lima na kaming anak kaya magbackout ka na okay? Babu!” She ended the call. Tapos ang problema niya sa atensyon ni Ryu.

                Inagaw nito ang cell phone.  Kung kanina ay galit ito ngayon ay tatawa-tawa ito…parang nang-aasar talaga.

                “Anong nakakatawa ha? Baliw ka talaga, dapat doon ka sa mental hospital nagoopisina e!” asik niya dito.

                “Kilala mo ba kung sino ang kausap ko sa telepono?” tanong nito.

                “Aba malay ko, babae mo siguro!” Proud ka pang babaero ka?  

                “Wrong. He’s  Hiroshi Hotoki, the man behind HBH network.”

                Napahiya siya at umiwas ng tingin.  Nakagat niya ang labi at napapikit ng mata. Kung anu-ano pa namang nasabi niya sa inakala niyang babae nito.

                “So now, pwede na ba akong tumawa uli?” he asked. Pero hindi nito hinintay ang  sagot niya she just heard him burst his laughs out loud.

                Binalingan niya ito.  “Malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo e isa ka nga certified power tripper!” asik pa rin niya dito.

                He gave his cell phone to her. “Check mo.” She did and she concluded that he’s telling the truth. “Grabe kang magselos, Lailah ha. But that’s cute. You’re cute.” 

                Ibinalik niya ang cell phone at inirapan eto. “Wala akong pakialam sa’yo! Anong selos yang sinasabi mo? Wala epek-epek ang pambobola mo Mr. Ryujing panget. Ang pinunta ko dito ay ang mga goons mo! Alisin mo sila sa buntot ko!”

                “Ayoko.”

                “At bakit?”

                “Hindi ko sila aalisin para may mag-alaga sa’yo. At saka, may atraso ka sa akin. Pumayag ka na kagabi sa set up natin. You’re gonna be my girlfriend. Pero bigla mo akong nilayasan kaya magdusa ka sa mga agents ko. Okay na rin yan at least sigurado akong ligtas ka sa panganib at  madali kitang mahihila pag kailangan kita.”

                “Wala na akong utang sa’yo. Kaya wala ka na dapat pakialam sa akin.”

                “Kailangan pa nga sabi kita. Ang kulit mo naman!  Kung ayaw mo sa kanila,  be my girlfriend in front of my parents and my friends. Two months pa bago matapos ang game. Pagkatapos noon, kahit umakyat ka pa sa cell site tower para magsuicide, hinding-hindi kita papaikialaman.   That’s final. Take it  or leave it!”

                Napaamang na lang siya. Ano ba itong napasok ko? “Ewan ko sa’yo.”

                Tumayo ito at sa gulat niya ay hinawakan nito ang kamay niya at pinagsalikop ang mga yon. “I’ll take it as a yes. Let’s go. Ibibili kita ng dress para sa wedding anniversary nina mama at magdedate tayo.”

                Ipagshashopping  na naman ako?  Tapos date? Waaaah! “ T-teka, hindi ako umoo!”   tutol niya pero wala rin siyang nagawa dahil nakaladkad  na siya nito palabas ng office.

                “Umoo ka na!”

                “Ha? Kelan.”

                “Sabi mo ewan mo sa akin. Ako na nagdesisyon para sa’yo. And my decision is yes, pumayag ka na. So hon, let’s have a date. Mukhang di ka pa naede-date sa mga sosyal na lugar. Doon tayo  pupunta. Totoo ang sinabi ko ano? Hindi ka na nakasabat.” 

                “Aba’t—“ gigil na gigil si Lailah. Paano nalaman nitong hindi pa siya naide-date ng totoo at sa sosyal na lugar pa? “Pinaimbestigahan mo talaga ako mula ulo hanggang kuko sa paa? Bakit ang dami mong alam sa akin.”

                “Pasalamat ka na lang at ako ang nagparanas sa iyo ng mga  ganito first experiences. Ah, be thankful also, I’m your first boyfriend and your first kiss.”

                Tila kumabog ang puso niya sa sinabi nito. Nablangko tuloy siya nang pumasok sila sa empty elevator. Paano ako magiging thankful na first boyfriend at first kiss kita e saksakan ng tirik yang buhok mo? Ansabe ko? Siya mismo ang naguluhan sa tinatakbo ng utak niya. Napagmasdan niya ang kanilang magkasalikop na kamay. Tila  nakalaan ang kanilang mga kamay na maging magkahawak habambuhay.  Tumaas ang tingin niya hanggang sa mukha nito. Nahuli tuloy niyang nakatitig ito sa kanya. Mga titig na animo’y sinasabi nitong mahal na mahal  siya nito.  Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ganon ang impact nito sa kanya sa kabila ng pagiging constant kaasaran nito sa kanya.

                “B-bakit ba ganyan ka na naman makatingin?”

                “I’m waiting for your thank you.”

                Namilog ang mata niya nang ma-realize ang tinutukoy nito. The last time na mag-thank you siya ay naganap ang kanilang first kiss. So pag nag-thank you ako, may second kiss na? Ayeeeeee! Napaurong ang nguso niya sa realization na iyon. “Ewan ko sa’yo!” buska niya dito. Ayaw niyang magpahalik, unless masiguro niyang may pagtingin ito sa kanya  na higit sa pagiging fake girlfriend.

                Mabilis na nakabig siya nito. His left hand held her nape. His other hand the used to hold her hand  was now touching her chin and caressing her cheeks as he moved closer, aiming to claim her lips. Bumalik sa sistema niya ang kilig na naramdaman nang una siya nitong hinalikan. Walang sinasabi ang halik na iyon kundi pagmamahal…Weh? Pagmamahal? Sure ka?   

                Pero dinedma niya ang pang-ookray ng isipan niya. She let him kissed her more ngunit nang handa na siyang magrespond ay bigla itong lumayo. Nadismaya at nabitin tuloy siya.

                “You’re welcome, hon.”  He smiled. Genuine smile na walang halong pretention as if na satisfied ito sa nangyari habang siya naman ay natitigilan, natutulala, at…naloloka.



PREVIOUS                                                            NEXT

Comments

Anonymous said…
so kilig nxt please.

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…