Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: When Ryu and Lailah Collide- Part 4





Tahimik lang na nakaupo si Lailah sa isang mesa sa reception area ng 25th wedding anniversary ng mga magulang ni Ryuji. Iniwan siya ng binata para mag-entertain ng bisita, makipagkwentuhan, at marahil mang-chicks. Hindi na niya inabala na sundan pa ng tingin ang mga kilos nito. Bahala na ito sa buhay nito.

               “Oh, bakit di ka pa kumakain?” may himig ng pag-aalalang tanong ni Ryu sa kanya nang makabalik ito.

               “Wala akong gana,” sagot niya. Feeling niya ay nakalutang siya nang araw na iyon. Napuyat kasi siya sa kakabasa ng pocketbooks na binigay ni Ryu sa kanya.

Nagtanong kasi ito kung ano ang favorite hobby niya noong huli silang nag-date. Sinabi niya ang totoo na mahilig siyang magbasa ng  pocketbook. Without second thought ay kinaladkad siya nito papunta sa bookstore at sinabing bilhin niya ang kahit anong pocketbook na gusto niya. Tumanggi siya pero nagpumilit ito.  Kaya kumuha siya ng limang pocketbooks at tinapos niyang basahin lahat ang limang nang nagdaang gabi. Bangag tuloy siya ngayon.

“Bakit?” Sinalat nito ang noo niya at pinagmasdan siyang maigi. “You look pale at medyo mainit ka rin.” Iniyakap nito ang isang braso sa balikat niya. Here comes the unusual heartbeat again.  “Ano bang ginawa mo at napuyat ka?”

“Nagbasa ng pocketbook. Tinapos ko lahat. Okay lang ako, Ryu. Wala lang ako sa mood na makipag-asaran sa’yo kaya sana day off ko muna sa pang-aasar mo, okay ba yon?”


Hindi ito umimik. Bagkus ay kinuha ng free hand nito ang kutsara. He scooped food for her. Sinubuan siya nito. “Lalo kang mamumutla pag di ka kumain. Here.”

               “Ayoko, Ryu. Wala akong gana.”

               “Hmm, ikukuha kita ng soup.” Hindi na nito hinintay ang sagot niya. Umalis ito  at pumunta sa buffet table. Pagbalik nito ay may dala na itong soup at saka tea.  “Yan, siguro naman kakainin mo na iyan. Hindi pwedeng hindi ka kakain. Manghihina ka lalo.”  Inakbayan uli siya nito at sinubuan.

                Naengganyo siya sa amoy ng soup kaya tinanggap na niya ang in-offer nito. “Ako na lang, kaya ko na yan!” Akmang aagawin niya ang kutsara dito pero inilayo nito iyon.

                “Let me. Minsan lang ako maging mabait. Bare with it.”

                Natigilan siya. Anong minsan? Lately nga ang bait-bait mo na sa akin e. At ang sweet mo pa. Para kang bidang lalaki sa pocketbooks. Nai-in love tuloy ako sa’yo.  Natutop niya ng bibig sa tumakbong ideya sa isip niya.

                “Here, eat more.” Sinubuan talaga siya nito hanggang sa maubos niya ang soup.  “Ayan, e di nagkakulay ka na.”

                “S-salamat.”

                Hinawakan nito ang ulo niya at marahang idinantay sa balikat nito. Naghintay siyang may sabihin ito pero wala. Nanahimik lang ito. Lately ay nagiging sweet nga ito, at hindi alam ni Lailah kung maniniwala ba siya o iisipin na lang niyang bahagi lang iyon ng pagpapanggap. Nasa palagid lang kasi ang magulang nito at maging mga kaibigan.

                Naputol ang silent sweet moments nila nang naghihisteryang pumasok ng function hall ang isa sa kaibigan ni Ryu at tarantantang nilapitan ang mga magulang.

                “Tatay!  Akin na ang cellphone nyo! May bomba ang cellphone nyo! Akin na!” sambit ni Erika.

                “Stay there, Lailah.” Sa isang iglap ay  nakaalis na si Ryu sa tabi niya at nilapitan si Erika. “Wala ng oras, itapon mo sa tubig, Erika!” sambit ni Ryuji.

                The next thing happened, nakarinig na lang si Lailah ng malakas na pagsabog kasabay ng pagyakap sa kanya ng pamilyar na mapag-alagang mga braso. Ni hindi niya namalayan kung ano talaga nangyari. Nakita na lang niya na wala na siya sa mesa at nakita niya mismo ang mesang kinatatayuan niya kanina na ngayon punung-puno ng mga basag na glass. Kung naiwan siya sa lugar na yon, malaman nasa katawan na niya ang mga bubog. Kinabahan siya at natakot. Buti na lang yakap siya ni Ryu.

                “Lailah, are you okay?” He lovingly touched her face. Ang mga mata nito ay punung-puno ng pag-aalala sa kanya. 

                “R-ryu…”

                “May masakit ba sa’yo?”  Hindi pa rin nawawala sa mga mata nito ang pag-aalala sa kanya.

                “Anong nangyayari?”

                Another blast somewhere near their location interfered.

                Isang communication device ang inilabas nito and he commanded. “Search the area, now.”  Pagkatapos ay binalingan siya nito na may trace ng pag-aalala pa din. “I’m going to explain everything later.”

                Iniwan siya nito para imbestigahan ang nangyari. Few hours more, natapos ang gulo at binalikan siya nito. He then confessed all the details that just tripled the fear she felt in her heart.


                “KAILANGAN ba talaga ‘to?” tanong ni Lailah kay Ryu habang isinusuot nito sa kanya ang isang kwintas na ayon dito ay may signaling device. Ilang linggo na ang nakakalipas mula nang maganap ang insidente sa kasal ng magulang ni Ryu. Ngayon ay aware na siya sa lahat ng detalye. Hindi na rin siya umalis sa poder ni Ryu dahil ayon dito, mas magiging ligtas siya sa piling nito. Sa pag-aaral ng binata at ng team ng Code Black, may suspetsa silang  kasama na siya sa listahan ng target ng criminal na may kagagawan sa pagpapasabog ng bomba sa Hacienda Canilao.

                “Kailangan yan for your safety.” He smiled at her after he’s done putting the necklace on her. “Mag-iingat ka dito sa bahay. Wag ka masyado maglalalabas pag di naman kailangan.”

                “Eh anong gagawin ko dito sa bahay mo?”  reklamo niya. Wala na kasi siyang nagagawa sa bahay na yon. May maid na pumupunta doon para maglinis ng bahay at umaalis lang pagkatapos gawin ang gawaing bahay. Hindi siya sanay sa special treatment sa bahay na yon.

                May binuksan itong cabinet and got something from it.  He gave her a paper bag. “Here. Hindi ka na mabo-bore.”

Sinilip niya ang laman. Pocketbooks iyon. Lihim siyang natuwa at kinilig. Kung ang iba ay  kinikilig pag nabibigyan ng flowers na mamahalin at chocolates, in her case towards Ryu, pocketbooks mula dito ang nagpapakilig sa kanya. For a guy who made efforts finding the books she wanted to read, there’s no doubt that Ryu was setting himself to higher level of pogi points for her.  

                “Wow, salamat.”  He just smiled. Walang imik na kinuha lang nito ang lisensyadong baril at inilagay sa dala nitong bag. “Bakit naghahanda ka ng baril? Anong meron?”

                “Ah, special operation,” balewalang sagot nito. “Kailangan na naming mag-double effort para mahanap si Karl at ang nanay niya. Para matapos na ang lahat at wala ng madamay.” He sadly looked at her. “Para…di ka na rin madamay at bumalik na sa tahimik ang buhay mo. Pasensya ka na, wala ka namang kinalaman dito pero eto nadadamay ka.” He went back fixing his firearms on a bag.

                She once again got amazed of him. May nagbago kay Ryuji nitong mga nakaraang araw. Napapansin  niyang hindi na ito nang-aasar. Madalas ay seryoso lang ito at malalim ang iniisip mula noong mangyari ang insidente sa  Hacienda Canilao.  Nahusto na lang tuloy siya sa pagmamasid dito.

                Natigilan ito nang  muli siya nitong binalingan at huli siya sa aktong pinagmamasdan ito. He smiled and walked towards her. “Why are you watching me like that?”

                “Ah…wala… Wala lang akong masabi kaya pinanood na lang kita.” Agad siyang umiwas ng tingin. He moved closer to her. She step back to move away. 

                “Why are you moving away?”

                “Why are you closing away? Ay ano ba yan?!  Ayoko  na ngang maki-english sa’yo.” He chuckled and continued moving closer until she was the the dead end wall. “Ryu…”

                “It’s hon…you’re violating my first rule! And you have to be punished.”

                “Sige, subukan mo, you’re going to be panis too!”

                He laughed and lovingly stared at her eyes that made her heart beat faster.”You’re watching me huh. Enjoying the scene?”

                “Hindi, ang panget mo kaya. Bakit ako mag-enjoy?” pambabara niya dito. “Hinihintay na nga kitang umalis kasi magbabasa pa ako ng pocketbooks. Sige na layas ka na!”

                Kumunot lang ang noo nito. Pagkatapos ay lumayo na sa kanya. Saka lang siya nakahinga ng maluwag. “Mamayang alas-siete ng gabi, pumunta ka sa  Kofi Cups. Wag kang male-late. May reservation tayo do’n.”

                “Bakit?”

                “May date tayo. Two months na tayo di ba?”

                “Two months? Tayo?” Ah, naging tayo? Kelan?

                He threw a look with a knotted forehead again to her. “You don’t even know our monthsary? Imposible ka talaga, Lailah.” Then he shook his head. “Don’t forget our date.  Sasakalin kita pag di ka pumunta.”  

                Ako pa talaga ang naging imposible? Adik ka? “Oo na..oo na. Nanakot ka pa e.”

                Pagkaalis nito ay sinimulan niyang magbasa ng pocketbook. She was enjoying the story she was reading when her cell phone’s message alert tone interrupted. Nakatanggap siya ng text mula ka Jasper.

                Hi, Lailah. Busy?”

                She replied. Hindi naman, basa lang pocketbook. Musta?

                Consistent text mates pa rin niya si Jasper. Minsan ay nagkikita rin sila. Pero malayu-layo si Jasper para matipuhan niyang maging boyfriend kahit nagpahayag na ito ng panliligaw sa kanya. She didn’t feel anything from him. Hindi katulad ni Ryu na malapit lang sa kanya, kumakabog na ang puso niya. Having Ryu closer than what close means was another issue. So anong ibig mong sabihin diyan? Nakapa niya ang puso.  It was still beating fast kahit na ilang minuto ng nakaalis si Ryu.

                Her message alert tone rang again. Pwede ba tayong magkita?  

                Naisip ni Lailah na oras na para sabihin dito na basted na ito. Makikipagkita siya. Magta-type na sana siya ng reply  nang mag-beep uli ang message alert tone niya. This time, the message came from Ryu.

               I know, I may sound silly…but I found it very amusing whenever I make you blush. Somehow, it seemed to be very rewarding. Please do come tonight… I have a surprise for you.  

                Muling kumabog ang puso niya. Isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng iyon. In love siya sa lalaking may saltik at tirik-tirik ang buhok. Napangiti siya. Nireplayan niya muna si Ryu. :P Sa susunod wag kang sisinghot ng Ambi Pur, tumataas ang level ng pagkabolero mo. Hindi ako tatakas, pupunta ako. Takot ko na lang sa’yo! Sent!  Pagkatapos ay nakipag-set na siya ng meet up with Jasper.

                Makalipas ang isang oras ay nakipagtagpo siya kay Jasper. Isinama siya nito sa condo unit nito dahil ipapakita daw nito sa kanya ang art collections nito. 

                “Ayos ah. Gumagastos ka ng malaki para lang sa collections mo? Iba talaga kayong mayayaman. Wala na kayong mapaglagyan ng pera nyo ano?” natatawang comment niya kay Jasper. Lahat kasi ng art collections nito mapa-painting man, o sculptures ay mukhang mamahalin.

                Tila nahihiyang napakamot ito sa ulo. “Hindi naman. Naging hobby ko lang yan. Sabi kasi ng mama ko, mahilig sa arts ang father ko. Nakuha ko siguro ang hilig na ito sa kanya.”

                “Nasaan ngapala parents mo?”

                Tila hindi  nito type ang tanong niya. “Ah, wala. Si mama hindi ko kasama sa bahay. Father ko patay na. Tara doon tayo sa kusina, nag-prepare ako ng pagkain.” Umiwas ito sa topic. Nagkibit-balikat lang siya at sumunod dito.

                Gentleman si Jasper. He managed to serve the food to her. Magiliw din ito at palaging nakangiti. Pero parang siraulo pa rin si Lailah. Habang inaasikaso siya ni Jasper, si Ryu pa rin ang naiisip niya. Kumpirmado na talaga. May tama na siya kay Ryu. Tamaan ka rin sana ng ganda ko, Ryujing panget.

                “Kain ka lang ng marami, Lailah. Niluto ko talaga yan para sa’yo.”

                “Ah, Jasper…may sasabihin ako sa’yo.”

                Nakangiting binalingan siya nito. “Ano yon?”

                Bumuntong-hininga siya. “Tungkol sa panliligaw mo sa akin—” Naistorbo sila ng doorbell.

                Alanganing ngumiti si Jasper. “Sandali lang. Diyan ka muna.” Umalis ito para puntahan ang nag-doorbell.

                Ipinagpapatuloy niya ang pagkain habang nire-recall ang mga sasabihin niya dito nang marinig niyang sumigaw ito na tila galit.

                “Umalis na kayo! Hindi ko kayo kailangan para pakialaman lang ako!”

                Na-curious siya kaya pasimple sumilip siya sa sala. Ang manghuhulang nagbigay ng libreng hula sa kanya may Kofi Cups ang nakita niyang sinisigawan ni Jasper.

                 “Karl, anak, patawarin mo na ang mga Hotoki at Candaza. Hindi ka pa ba napapagod? Hindi pa ba sapat na namatay ang kakambal mo dahil sa ginagawa mong iyan. Anak,tama na.”

                “Sila ang may kasalanan kung bakit namatay si Papa pati si Karlo. Pinatay ko ang kakambal ko dahil sa kanila. Kasalanan nila at hindi ako titigil hangga’t di ko naigaganti sa kanila ang pamilya natin. Kung ayaw nyong masangkot sa gulo Mama, umalis ka na. Wag ka ng magpakita sa akin. At utang na loob, tigilan mo na ang pagbibigay ng babala sa kanila. Hindi mo ako mapipigilang gawin ang gusto ko.”

                Lailah was more than shocked on what she heard. Bigla siyang natakot…kinabahan.  Sino ba namang mag-aakalang napakalapit lang pala sa kanya ng mga taong tinutugis nina Ryu? Nataranta siya. She knew she had to escape. Pero hindi niya alam kung ano ang dapat gawin, ang tumakas, magbigay ng signal kay Ryu gamit ang signaling device o ang tawagan ito para sabihin ang kanyang natuklasan. She was about to do the last, when Jasper err Karl caught her.

                “Anong gagawin mo, Lailah?”

                Kinabahan lalo siya. She tried to fake her acts though. “Ah,  wala. Check ko lang ang cell phone ko kung may nag-text,” pagdadahilan niya.

                Sinamaan siya nito ng tingin. Tingin na papangilagan ng kahit sinong tapunan ng tingin ng mga mata nito. Lalo siyang natakot nang hablutin nito ang cell phone niya. “Really?   Iba ang hula ko. Magsusumbong ka kay Candaza, tama?”

                She played innocent. “Paano mo naman nalaman ang surname ng amo ko? Ikaw talaga—”

                “Hindi ka magaling umarte, Lailah. At hindi ako tanga para maniwala sa drama mo. Alam kong narinig mo ang pag-uusap namin ni Mama. O sige, sasabihin ko sa’yo. Si Madam Dalisay na manghuhula na kilalang –kilala sa Kofi Cups ay walang iba kundi ang aking ina… si Cynthia Torrejos. Siya ang mata ko sa lahat ng galaw ng mga target kong patayin. At oo tama ang narinig mo. Criminal ako. Marami na akong pinatay at nakahanay pa ang boyfriend mo at mga kaibigan niya sa mga papatayin ko. Gusto mong sumama sa liga?”

                She was in danger. Pasimpleng pipindutin niya ang signaling device nang hilahin iyon ni Karl mula sa leeg niya. Ni hindi niya alam kung nakapagpadala siya ng signal sa Code Black o hindi.

                “Aalis na ako, Jasper—”

                “Karl Torrejos ang pangalan ko. At pasensyahan na lang tayo, hindi ka na makakabalik pa sa boyfriend mo.”


                UPSET si Ryu dahil walang nangyari sa isang araw ng paghahanap nila sa mag-inang Torrejos. Ngunit kinalimutan niya muna ang trabaho nang pumasok siya ng Kofi Cups. Tumuloy siya sa isang private corner na naka-reserve para sa private celebration ng monthsary ni Lailah. Mukhang kalokohan nga ang i-celebrate ang bagay na hindi totoo but yes it was, dinahilan lang niya ang monthsary para mapilit niya itong pumunta sa date na yon. Ang tunay na pakay niya ay ipagtapat na dito na mahal na niya ito.  He wanted their relationship become real. Tulad ng kanyang mga kaibigan, naging biktima na rin siya ng game na siya mismo ang gumawa. And he’s more than excited to finally propose to Lailah.

                He was highlighting a line from a romance novel na gagamitin niyang way para mag-propose kay Lailah nang biglang sumulpot ang kanyang ama.

                “What’s up, son?”  umupo ito sa tapat niya.

                “What’s up you want to hear, Dad?”

                “This one. Sabi ni  Zuleika, may date daw kayo ni Lailah dito mamaya.” Tinapunan nito ng tingin ang mine-murder niyang pocketbook, ang bouquet of roses na nakapatong sa mesa, ang stuff toy na nakaupo sa tabi niya, at ang sampung pocketbooks na nakapatong sa tabi ng mga bulaklak.

                “I’m proposing, Dad.”

                “This is for real, son?”

                “Yes, Dad,”  sagot niya with full confidence. Sigurado na siya. Mahal niya si Lailah. 

                “Walang kinalaman iyan sa same order game of destiny?”

                Nagulat siya. “How did you know about that?”

                He laughed. “Son, don’t forget that parents know everything when it comes to their children. Sa dami-dami ng lugar na gagawa kayo ng kalokohan e dito pa sa Kofi Cups nyo napili. I own this place. Sa tingin mo ba hindi ko malalaman lahat?”

                Natawa na lang din siya. Oo nga naman. “No, Dad. Walang kinalaman ang game. I’m willing to lose the game. What matters now is my cheesy proposal.” Binuntutan niya ng tawa ang sinabi niya.

                “Good. I’m happy for you, son.”

                “Thanks, dad.”

                His phone rang. Tauhan niya ang tumawag. “Sir, nagblackout ang  signaling device ni Miss Lailah Unte.”

                Agad siyang kinabahan at nag-alala. “Double-check  nyo siya,” he commanded.

                “Problem?”

                “Huminto daw ang signaling device ni Lailah.” Tumayo siya. “Dito muna ang mga ito Dad. Hahanapin ko lang siya. Masama kasi ang kutob ko.” Oo, pasaway nga si Lailah pero pag kaligtasan na nito at seryosong bagay  ay sinusunod siya nito.

                Agad siyang umuwi sa bahay. Naabutan niya ang mga pocketbooks na binigay niya dito na maayos na nakapatas sa center table. Ang isa pa nga doon ay may naka-fold na page indication na nagbasa ito ng libro. Sinilip nya ang kwarto, wala ito. Ganon din sa kusina, sa labahan, sa kwarto niya. Wala si Lailah. He tried to call her. Ring lang ng ring ang cell phone nito kaya lalo siyang nag-alala. In his third attempt to contact her, finally someone answered.

                “Lailah, nasaan ka ba? Di ba sabi ko sa’yo, wag ka munang maglalalabas?—” 

                “Kamusta na, Candaza?”

                It wasn’t Lailah. Boses ng lalaki ang sumagot sa kanya at hindi na niya kailangang manghula pa kung sino yon. “Hayop ka, Torrejos! Anong ginawa mo kay Lailah?”

                “Sekreto!” Tumawa pa ito ng pagak na lalong ikinagalit ni Ryu.

                “What do you want?”

                “Buhay mo sana, pwede ba? O kaya naman buhay ng Tito Leo mo? O ng tatay mo! Pero ang gusto ko talaga ay buhay ninyong lahat!”

                “Siraulo!”  Napamura pa siya.

                Tumawa lang ito. “Sige, buhay na lang nitong Lailah na ito. Pwede ba yon?”

                “Wag mo siyang saktan. Sa akin ka may kailangan di ba?” He sustained the conversation  habang ikinakabit niya ang cell phone sa detecting device niya. He had to pinpoint his location.

                “Pag nawala sa mundo itong si Lailah, mararamdaman mo na rin kung gaano kasakit ang mawalan ng minahal. Pero hindi ako boring na tao Candaza. Maglaro muna tayo.”

                “Ibalik mo sa akin si Lailah!”

                “I have a better idea. Bakit hindi mo siya kunin sa akin?” The call was cut.

                Pero swerte si Ryu at nakuha niya ang location. Agad siyang nagpunta sa lugar. Sa sobrang pag-aalala  kay Lailah ay hindi niya agad naisip na mag-feed ng signal sa Code Black at NBI. On the way  pa lang niya nagawa ang bagay na yon. Nag-iisa siyang sumugod sa location ni Karl…isang condo unit.

                Nasa loob na siya ng condo building nang mag-ring ang cellphone niya.

                “Wala ako  diyan, tanga! Sa tingin mo ba ganon ako kadaling mahuli? Ako ang mag-break ng records mo sa pulisya, Candaza. Dahil hinding-hindi ako magpapahuli sa’yo. Pero wag kang mag-alala. Mabait ako ngayon, sige pumasok ka sa unit ko at kunin mo ang girlfriend mo.”

                “Gago!” The call was cut again. Without a second thought, pwersahan pinasok niya ang  condo unit nito.  Dumating na rin ang Code Black agents at ang NBI na tumulong mag-search sa tinutugis na kriminal habang hinahanap niya si Lailah.  Naabutan niya ito sa nag-iisang bedroom doon, wala na itong malay.  Agad niya itong dinaluhan.  At sinubukang gisingin. “Lailah!”  Wala itong sugat pero may blood spots sa ilong nito at tenga. “Lailah!” He shook  her as he grabbed her hands and neck, trying to make sure that she’s alive.

                His phone rang again. “Nakalimutan kong sabihin na in-overdose ko siya ng injected insulin two hours ago. Hindi ko alam kung  bu—“

                Hindi na niya pinatapos ito. Natatarantang binuhat niya si Lailah at isinugo sa pinakamalapit na hospital.
                 

                TULALA pa rin si Ryuji habang nakabantay kay Lailah sa ICU. Critical pa rin ito dahil nakaabot na sa internal organs nito ang damage dala ng injected insulin. Tinapat na nga siya ng doctor na maaring ilang oras lang ang itagal nito. Lahat ng pagkakamali ay isinisi niya sa sarili. Kung naging mas maalaga sana siya dito o naging mas mahigpit  sa protection dito, wala sana ito sa sitwasyon nito ngayon.

“Why does this thing needs to happen now? Ngayon pa na handa na akong mahalin ka for real, Lailah. Please don’t give up,” sambit niya kahit hindi naman siya nito maririnig.  

                Tahimik ang isolated ICU ward. Ang tanging ingay na maririnig ay ang makinang nagbibigay buhay sa nag-aagaw-buhay na minamahal. Sa unang pagkakataon ay tumulo ang luha ni Ryu para sa isang babae.

“Kapag naka-survive ka dito, pangako lalayo na ako para maging ligtas ka lang. Para maging okay ka lang.”

 Nakapagdesisyon na siya. Hindi na niya ipagpipilitan ang magkarelasyon dito. Uunahin niya ang safety nito. Kung magpapatuloy ang so called relationship nila, mapapalapit lang ito sa samu’t saring panganib dahil sa propesyon niya. Sana nga lang ay kaya niya iyong panindigan.

                He kissed her hand and forehead. “Please, fight, hon. Amazona ka di ba?  Prove the doctors that they are wrong.” Pinunasan niya ang sariling luha. “I love you, Lailah. Please hold on.”  Maingat na inilapag niya ang kamay nito at naupo siya sa silya malapit sa kama nito.

Sa dumaang mga oras ay hindi niya binitawan si Lailah. Dahil hindi niya alam kung saan mahahagilap ang magulang nito, siya lamang ang naroon para bantayan ito. Ang mga magulang niya ang tumulong sa kanya para asikasuhin ang hospital matters ni Lailah. Wala siyang ginawa kundi ang manatili sa tabi nito.

Ibinuhos niya ang dumadaang oras sa pagdadasal. Paulit-ulit na dasal na isa lang ang hinihiling…ang madugtungan pa ang buhay ni Lailah. 

Isang doctor ang pumasok at ininspeksyon ito. Few minutes more ay kinausap siya ng doctor. “Mr. Candaza, I think miracles do come true sometimes. You don’t have to worry. The patient is fighting.  Her body is responding to medications now compare few hours ago. Let’s be positive, Mr. Candaza. Believe on her that she can make it and I’ll do my best to help her.”

“Thank you so much, Doc Mat.” That was indeed positive news. Pero hindi siya mapapanatag unless, magising na si Lailah. He went back to his place and started praying again and again. 


AFTER three weeks.

Nakapangalumbaba si Lailah sa hamba ng bintana mula sa tinitirhan niyang apartment unit. It’s been three weeks mula ng masangkot siya sa gulo at muntik ng magsayonara earth pero hindi iyong ang dahilan ng malalim niyang mga buntong-hininga araw-araw. It was Ryuji. Nang magising siya sa ospital ay hindi niya nakita ni anino nito. Buti pa ang mga magulang nito. Ang mama nito na isa ring nurse ang nag-alaga sa kanya. Kapag tinatanong niya si Ryuji dito, ang palaging sagot nito ay busy  ang binata sa trabaho at walang oras dalawin siya. Ni kahit bulaklak o prutas man lang ay di ito nagpadala. Nagtatampo siya pero mas nangingibabaw sa kanya ang pagka-miss dito.

                He didn’t bother to check her personally. Pero he made sure that she’s going to be safe always. Iniupa siya nito ng apartment at binigyan ng security…same Code Black goons este agents na mukhang bouncers  na nagbantay sa kanya dati. Hindi na rin niya kailangang mag-grocery dahil ang mga goons este agents nito ang gumagawa ng mga bagay na iyon para sa kanya.

                Walang sinabi si Ryu kahit ano maliban sa isang note na nagsasabing ito na muna ang bahala sa basic needs niya for the next few months hanggang sa maka-recover siya. Iyon daw ang tanging mapapakunswelo nito sa kanya matapos masangkot sa gulong hindi naman siya dapat kasali. Iyon lang ang huli. Ang masaklap pa, hindi nito inabot ang note sa kanya ng personal. Ipinadaan lang ito sa isa sa mga agents. Hindi na talaga ito nagpakita sa kanya. Ni hindi tumatawag at hindi nagte-text. Isa lang ang ibig sabihin noon… tapos na ang purpose nito sa kanya… o ang purpose niya dito.

                Mula sa bintana ay tanaw niya ang mga agents. Once in a while ay dalawa sa tatlong agents ay lumilibot sa paligid ng bahay.

Hanggang sa may nag-park na kotse. Sa pag-aakalang si Ryu na yon, nagkamali siya. Isang agent na naman ng Code Black na may dalang stuff toy, bouquet of flowers, at paper bags. Kumatok ito  sa pinto.

                Tumayo siya para pagbuksan ito.  Ibinigay nito ang mga hawak sa kanya. “Ma’am eto po. Pinabibigay ni Sir Ryu.”

                “Sige, salamat.” 

Kahit papaano ay napangiti siya. Hindi naman pala siya nakakalimutan ni Ryuji. Umupo uli siya sa sofa para tingnan ang mga pinadala nito. Ang paper bags ay puro pocketbooks. Napatawa siya nang mapansing may unusual sa  stuff toy. Tirik-tirik kasi ang upper balahibo ng stuff toy. 

“Kamukha mo si Ryuji!” sambit niya sa stuff toy.

Sinunod niyang tingnan ang flowers. Napakakabango ng mga bulaklak at tila fresh na fresh. Doon nakuha niya ang isang white envelope na may sulat. She read the note :


Hon,

                Feeling ko pwede pa rin kitang tawaging hon. Can I?  Anyway, alam kong nagtatampo ka kasi oo tama ang iniisip mo umiiwas ako sa’yo. Ayoko na kasing dalhin ka ulit sa gulo kaya ang pinakamadaling gawin at tama ay ang lumayo sa’yo… at saka, para  ma-miss mo naman ako kahit papaano…

 Napairap siya sa nabasa. Kahit kailan talaga, walang bagay na hindi nito dinaan sa biro.

                May bagay na gusto kong aminin sa’yo, Lailah. Nung araw na nilason ka ni Karl, may sasabihin sana ako sa’yo kung natuloy lang sana ang date natin. Pero naging magulo na ang lahat kaya di ko na nasabi. I even planned not to tell you at all. In short, natorpe ako… sa maniwala ka o hindi…ganon ang nangyari.

                Akala ko after three weeks na di ka nakikita, babalik ako sa dati. Pero hindi na bumalik sa dati ang mundo ko. Your sweet smile keeps on haunting my mind. Your lovely face…your strong attitude… your sweet lips. They haunt me. Hindi ka mawala sa isip ko…and again believe it or not, my heart keeps on longing to have you once again.

                Kung hindi mo pa nagegets dahil magulo akong kausap… ahm… kunin mo iyong isang pocketbook sa paper bag with the title, The Closet I Got From You. Turn to page 90 and read the last paragraph.

 Ryu

 Iyon ang ginawa niya. She found the book and turned to page 90. Ang huling paragraph sa page na yon ay naka-highlight that stated, “When you look at me or when I look at you rather, I felt being complete. Ewan ko, magaan ang loob ko kapag tinititigan kita. Hindi ko na nga namalayan na matagal na pala kitang minamahal. I love the way everything goes when I’m with you. Hindi ko na alam ang tamang salitang gagamitin. Basta, mahal kita.”    

She felt her heart skipped again. Makalipas ang ilang linggo, ngayon lang uli niya naramdaman ang kakaibang kaba na yon. Mahal? Mahal ako ni Ryuji?  Hindi siya makapaniwala. Parang imposibleng mangyari iyon. She needed to hear those words from him live… in person…

Agad siyang nagbihis at naghandang umalis. Pupuntahan niya si Ryuji kung saan ito naroroon sa mga oras na iyon… kahit sa Pluto pa.

Paglabas niya ng pinto ay sabay-sabay na ngumiti sa kanya ang apat na goons este agents. “Nasaan si Ryujing panget?”

Nagkatinginan ang mga ito.

“Ang hindi sasagot panget!”

“Nasa hospital, Ma’am!” korong sambit ng apat.

Nabigla siya. “Ano?”

Agad siyang nagpasama sa mga ito papunta sa hospital at on their way ay nalaman niya ang nangyari mula sa mga ito.


“O, ANAK, relax ka lang diyan. May lagnat ka pa,” malambing na sambit kay Ryuji ng Mama Eloi niya.  Nadaplisan siya ng bala sa tagiliran sa engkwentro nila sa kampo ni Torrejos noong nakaraang gabi kaya heto siya ngayon, naka-confine sa ospital.

Sa wakas ay napakulong na rin nila ang criminal na iyon at nakahanda na rin ang patung-patong na kasong isasampa dito.  Ang ina na naman nito, na hindi nila inasahan na si Madam Dalisay pala, ay nasa ilalim ng witness protection program. Handa daw itong ilahad lahat ng alam nito. Tapos na ang problema ni kay Torrejos. Personal na problema naman ang aasikasuhin niya.

“Ma, gusto  ko ng umuwi,” ungot niya sa mama niya.

“Hindi pa pwede. Wag kang makulit kung ayaw mong turukan kita ng sedatives diyan,” pabirong hirit ng mama niya.

“Sabi ko nga po, gusto ko pang mag-extend vacation dito sa hospital.” His mother just smiled at him.

“Anak, huling bala na yang dadaplis sayo ha. Pinakaba mo ako. Ayoko ng maulit ha?” sambit ng mama niya.  “Kung ayaw mong magka-nervous breakdown ang baliw mong ina, wag ka ng uulit.”

“Don’t worry, Ma. Last na ‘to. Mag-iingat na ako sa susunod.”  Nagpaalalay siya sa kanyang ina upang makaupo at maisandal ang katawan sa headrest ng hospital bed. Nakaramdam siya ng kirot sa tagiliran niya pero manageable pa naman.

Few minutes more iniwan na siya ng mama niya.  Ang  mga girls niyang friends ang pumalit maliban kay Icee na naka-admit sa kabilang kwarto. Tatlo silang minalas, si Hiroshi na may malubhang tama ngunit ligtas na sa panganib at silang magpinsan.

“O kamusta ang bala ng baril? Magagamit pa?” biro ni Apple.

“Mali naman, Apple dapat ganito. Kamusta ang gumamot sa’yo? Buhay pa?”  hirit ni Erika.

They both laughed. “Awa ni Lord, okay pa ang bala, pwedeng i-reuse at iyong doctor, may crush na sa akin.” Matandang dalaga ang naging doctor niya.

“Yabang!”

Biglang bumukas ang pinto. At bumulaga sa kanila si  Lailah in her usual battle mode appeal. “Oy Ryujing panget! Magkaliwanagan nga tayo. Totoo bang mahal mo ako?”

“Uy, may humahabol at mukhang di papatalo,” hirit ni Erika.

“Tara, exit tayo!” gatong pa ni Apple. “Doon tayo kay Icee at Mr. Kabanalbanalan.”

Bumati ang dalawa kay Lailah bago lumabas ng silid. In just a while, sila na lang dalawa ang nasa silid. Ironic naman, bigla silang natahimik. 

“Hmm, ano ngang sinabi mo, hon?” basag niya sa katahimikan.

Umiwas ito ng tingin, napapangiti ngunit tila nagpipigil bago muli siyang hinarap sa seryosong mukha. “Iyong… tungkol don sa pinadala mo… totoo ba yon?”

“Lika dito,” sambit niya, inviting her to sit on a chair near him. Umupo ito sa tabi niya. He then managed to throw her a loving stare. “I love you, Lailah. And It’s for real.”

A doubting look was given to him. Pero hindi rin nakatakas sa paningin ni Ryu ang pamumula ng pisngi nito. It was a good sign. He smiled.  “I’m making you blush again.” His free hand without dextrose inserted managed to reach her blushing cheeks. “I never thought this will happen but I eventually fell in love with you.”

Inalis nito ang kamay niya at binelatan siya na parang bata. “Weh? Maniwala sa’yo!”

“Totoo! Oo alam ko karamihan ng sinasabi ko mukhang di seryoso pero this time, kahit this time lang maniwala ka naman!” ungot niya dito.

The doubting look was still on her face but a trace of believing was reflecting in her eyes. “Totoo talaga yan? Hindi yan joke?”

“Totoong-totoo walang halong joke.”

“Hindi dahil sa same order game of destiny?”

“Wala yong kinalaman dito. I don’t care about it anymore, I’m willing to lose the game, basta ikaw ang punishment ko.”

“Hindi iyan power trip?”

“I left my power tripping ability in my closet.”

“Hindi yan scam?”

Kumunot-noo niya. “Kelan ako gumawa ng scam?”

                Sa wakas nawala na ang doubting look nito. It was replaced by a sweet smile. “Hindi yan, showbiz?”

                He rolled his eyes. “Artita ka ba?”

                “Hindi. Artistahin lang.”

                They laughed. He then held her hands. “Totoo, at papatunayan ko yan sa’yo.” He grabbed her nape and awarded her a sweet gentle kiss.  He was so glad to make her feel that he was sincere…that he loved her so much… that he didn’t have any plans to make her escape from his love. And he was more than thankful when the  supposed quick kissed turned to be longer. She responded. He fell in love more. “I love you, Lailah.”

                “I love you din, Ryu kahit siraulo ka,” sambit nito afterwards. They remained holding each other’s hand…coping… silently expressing they will never let go of each other no matter what.

                He smiled. “Thank you.” He kissed her hands and grabbed her again to kiss her forehead.

                “Kelan ka na-in love sa akin?” tanong nito.

                “When I first kissed you. That was also the time that my parents told me, I should take care of you ‘cause I’ve got a nice girlfriend. Sabi ko nga sa sulat ko, your kisses haunted me. You awakened my soul. You let me feel—”

                “Ah, pwede Tagalog? Wala akong dalang tissue e,” biro nito.

                He laughed. “Siguro sa simula akala ko it’s just about the game…winning the game. Pero mula noong makita ko ang tuwa kapag binibigyan kita ng pocketbook, asar kapag pinagtitripan kita, pati iyong takot noon sa Hacienda Canilao…at iyong paghihirap mong lumaban para mabuhay nang lasunin ka ni Karl…nakalimutan ko na ang tungkol sa game and  I realized that I was in love with you. And I can’t afford to lose you.”

“Eh bakit wala ka noong nagising ako? Ikaw lang kaya ang hinanap ko noon,” may halong tampong sambit nito.

“Wrong. I was there. Hindi kita iniwan. I was there at your side from the moment I saw you lying his bedroom and running out of life. I rushed you to the hospital and stayed at your side until the doctor said, you’ll going to survive. Hinintay ko na magising ka. Andon lang ako sa labas ng room mo nang mangyari yon. Saka lang ako napanatag and moved on to finish my goal nang sabihin ng doctor na ligtas ka na. Hindi ako tumigil hangga’t di ko nahuhuli ang taong may kagagawan kung bakit muntik ka ng mawala sa akin. And last night, I did it and succeeded. Nakakulong na siya in maximum security.”

“Salamat, Ryuji. At sorry ha. Dahil sa akin, lalo tuloy naging magulo ang trabaho mo.”

“No it’s not you fault.”

“Buti na lang nakakulong na siya.”

“Yeah. Kaya sisiguraduihin kong hindi ka na makikipag-text mate sa kahit kaninong lalaki uli.” He awarded her a quick kiss.

“Bakit? Dahil baka malason uli ako ng insulin?” she  smiled.

“Nope. Dahil bibigan kita ng hundred reasons para di mo na magawang humanap ng atensyon sa iba at sa akin  ka na lang palagi.” He teasingly smiled.

Ito naman ang nagbigay sa kanya ng quick kiss. “Sige bibilangin ko iyang hundred reasons mo. Ayaw pa kasi sabihing seloso ka lang talaga.”

He laughed. “Oo na seleso ang boyfriend mo at selfish. I love you, hon.”

“I love you…Ryujing panget!”  Sumimangot siya. “I love you, hon.” Once again, they shared sweet kisses together.



PREVIOUS                                                   NEXT 

Comments

Anonymous said…
sa Kofi Cups and Sweets Series 2 ito ang pinakabest! pinaka na best pa di ba? pak na pak! hahaha! super love ko talaga ito, second is yung kina Icee and Lee, then kina Erika and Cholo.. ilabet!

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…