Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: When Ryu and Lailah Collide- Part 2





Kulang na lang ay lumipad si Lailah para lang mahabol ang oras. Male-late na siya sa trabaho. Nasobrahan kasi siya sa tulog dahil sa sobrang pagod sa trabaho bilang personal slave este assistant ni Ryuji. It’s been three weeks and so far, so good… yet hellish.  Oo nga naman, makatao naman talaga lahat ng pinapagawa nito sa kanya. Wala pa naman itong buwis-buhay na inuutos sa kanya. Iyon nga lang, ubusan ng powers.

Sa condo-type unit nito siya dinala nang “iuwi” siya nito ilang linggo na ang nakakalipas. In fairness to him, disenteng tulugan at pagkain nga ang nakukuha niya mula dito. Anim na gabi sa isang linggo ay doon ito natutulog sa bahay na iyon. At pagdating ng Linggo, solo niya ang bahay at libre siyang gawin ang lahat doon—kahit magparty party pa siya— dahil doon ito natutulog sa bahay ng mga magulang nito.

Lahat na ata ng pwedeng gawin bilang isang certified alila ay nagawa na niya. Siya ang naglilinis sa bahay nito. Siya rin ang nagluluto, naglalaba at nag-aasikaso ng mga isusuot nito. Higit pa doon, siya din ang assistant secretary ng secretary nito. Sa araw-araw, memoryado na niya ang routine nito sa buhay at isa lang ang masasabi niya…isa itong hayup sa pagtatrabaho. Iyong tipong kukurap pa lang siya…si Ryuji e mulat na mulat na. Iniisip niya tuloy minsan kung tao ba talaga ito o cyborg.

Napakarami niyang ginawa nang nakaraang gabi. Pinaplantsa kasi nito ang mga susuotin nito ng isang linggo. Pitong pares ng corporate attire, plus tatlong casual. Tinapos niya iyon lahat pagkatapos niyang maglaba ng iba pa nitong damit. Buti na nga lang at naawa na ata ito sa kanya at hindi na siya inutusang magluto. Nagpadeliver na lang ito ng pagkain. Solb na siyang mapagod. At least, nakatikim naman siya ng pagkain ng mayaman.


Nagmamadaling bumaba siya ng taxi sa tapat ng opisina ng Code Black Security System, Inc. Isa itong company na specialized sa pag-provide ng well trained security personnel sa mga establishments, subdivisions at mga bahay ng mayayaman.   Specialization din ng company ang mag-provide ng mga security devices kasama na ang installation. Maliban dito, may nga tauhan din ang Code Black na expert sa investigation. Sa katunayan, konektado ang company sa ahensya ng NBI.

Nakakunot ang noo ni Ryuji nang makita siya nito sa lobby ng building.  Hindi na niya kailangang manghula. Batid niyang siya na lang ang hinihintay ng team para sa field work nila. Magi-install sila ng  security devices sa isang bagong gawang corporate building sa Makati.

“Where have you been? You’re ten minutes late!” bungad ni Ryuji sa kanya.

Ayan na nga. Ang pinakaayaw pa naman ni Ryuji ay ang pahuli-huli. Nangkupo! Baka madoble ang utang ko! “Sorry po, Sir. Na-late ako ng gising—“

Pinagtaasan siya nito ng kilay. “What did you say, Hon?”

Hon? Nagkatinginan ang mga staff na nakarinig sa kanila. Noong mga unang araw ay pinapalagpas nito ang pagtawag niya dito ng Sir. Naisip niya tuloy na baka nanaginip lang siya nang sinabi nitong dapat ay Hon ang tawag niya dito kaya naman nasanay na siyang Sir ang tawag dito. Pero ngayon, mukhang tinamaan na naman ng saltik ang Ryuji na ito.

“Ah… eh.”  Nahihiya tuloy siya. Malamang, highlight of the tsismisan ang bagsak niya maya-maya lang.  

“Inuubos mo talaga pasensya ko. Never mind!” Nagulat na lang siya nang pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay at hinila siya palabas ng lobby.   “Let’s go, Hon. We don’t have time to waste.”

Agad sumikdo ang puso niya. Napakasarap sa pakiramdam na hawak nito ang kanyang kamay. Lord, nananaginip pa ba ako? Taray! Mamaya na ako gigising Lord! Oo, aaminin niya. Fafable naman si Ryuji. Iyon nga lang, hindi niya ma-gets ang ugali pero other than his sumasaltik-saltik na ugali ay okay na okay ito.

 Few minutes more, they were on their way to Makati.  Sila lamang ni Ryuji ang magkasama sa isang kotse.  At tulad ng dati pakiramdam niya ay nag-iipon na naman ng apoy sa bibig itong si Ryuji at any time ay bubugahan na naman siya nito ng apoy.

“Enough of one week,” biglang sambit nito.

“Ha?”

“Tama ng isang linggong hindi mo sinunod ang first rule ko. Call me Hon not Sir okay? And when we’re  infront of other people, especially with the people at Code Black and my friends, act as if we’re in relationship.”

“Aba teka teka, lugi naman ata ako diyan. Ano yan? Magpapanggap akong gi-ep mo? Uy, pare, nagbabayad ako ng utang at hindi pokpok—”

“Watch your mouth, lady! Wala ka sa kanto. Nasa corporate world ka. Listen, may utang kang dapat bayaran. So just do what I say. Front lang naman ‘yan.”

Hinagip niya ang nakitang salamin sa dashboard ng kotse at nanalamin siya habang ito ay naglilitanya pa rin.  Hindi niya sineseryoso ang 90% ng mga sinasabi nito.  Kung lahat kasi ay dadamdamin niya baka day two pa lang niya sa pagbabayad ng utang ay nag-suicide na siya.

“At isa pa, this is for a purpose, Lailah. May mga babae kasi akong iniiwasan. And having you as my pretend girlfriend will free me from trouble. Don’t be bothered. Hindi kita type at all. Trabaho lang iyan. I don’t mix credit with pleasure.” 

Naks ang gwapo ng tirik-tirik mong buhok, men! Pinagpatuloy na lang  niya ang pananalamin kesa patulan ito. Nacute-tan siya sa sarili kaya naman nagpout-pout pa siya ng lips. 

“What the hell are you doing?” The car stopped in the middle of traffic kaya nagawa nitong balingan siya.

Caught in the act na nakanguso pa siya nang magkatinginan sila. Dahan-dahan tuloy na napaurong ang nguso niya at nang-aasar na ngumiti siya. “Sumusunod sa utos. Sabi mo, I watch my mouth! I’m watching na. Ganda pala ng lips ko ano?” nag-pout pa uli siya.  

Napailing ito bago nagpatuloy ng pagmamaneho. “Will you stop talking about senseless things? And doing non-sense too?”

“Ah Sir—“

“It’s Hon! Isa pang Sir mo sa akin gagawin kong fifty percent ang interest ng utang mo.”

“Oh Hon, wag ganon Hon. Sige na Hon. Have pity on me, Hon. English iyon, Hon. Pahingi nga tissue. Dumudugo ilong ko, Hon,” pang-aasar nito sa kanya.

“Ewan ko sa’yong babae ka. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa’yo.”

“Do whatever you want. I‘m yours. Wuuuuuu tissueeeeee!” pang-aasar pa ulit niya. 

The car parked on the parking space provided for the building wherein they will install security devices.  Then he maliciously moved closer to her.

Nahigit niya ang hininga. Mali atang nag-joke siya. Baka rape ang maging ending niya. Nag-peace sign siya. “Peace!” Tinapik niya ang noo nito. “Pendong peace!” Nag-peace sign uli siya.  Wala siyang nakitang ibang reaction nito maliban sa malisyosong pagtitig nito sa kanya. Her heart suddenly skipped a bit.  He even teasingly stared on her lips. Napalunok tuloy siya ng wala sa oras.

He smiled. Homaysabaw! Ang cute mo, pa-kiss! He moved away. “May mga kahon ng devices sa compartment. Buhatin mo at isunod sa building.” Iyon lang at lumabas na ito sa kotse.

Bumuntong-hininga siya at lumabas na rin ng kotse. Ang walanghiya, hindi man lang siya pinagbukas ng pinto at ang worst, hindi man lang siya hinintay.  Kinuha na niya ang kahon sa compartment. Anak ng CCTV! Ang bigat!

Kahit may kabigatan ay kinaya niya iyong buhatin.  Pagpasok niya ng building ay naabutan niya doon si Ryuji, prenteng nakatayo ito sa bukana ng gusali at pinapanood ang walang ka-poise poise niyang pagbubuhat ng mabigat ng kahon. Pangisi-ngisi pa ito as if na tuwang-tuwa pa habang hirap na hirap siya sa kanyang kalbaryo. Sige, ngumisi ka pa, lalake. Ibabato ko ito sa’yo e.  Binelatan niya ito.

Nagtaas ito ng kilay. “Bilisan mo!”

“Saan ba ito dadalhin?” Pag ganitong mga sandali talaga, nakakalimutan niyang fafaness itong si Ryuji. Nagmumukha itong pader na tinubuan ng ulo sa paningin niya. 

“Sa tenth floor.” She then go to the elevator. “Lailah, I forgot to say, elevator is not working so follow me.”

Napamulagat na siya at napanganga pa. “Ano kamo?! Bubuhatin ko ito hanggang tenth floor?”

“Yeah, you’re paying debts right? Don’t worry, I’ll give you decent and big lunch meals later. Let’s go.” Nagpatiuna ito at wala na rin siyang naging choice kundi sumunod.

Magbayad ng utang ay di biro. Lalo na kung kay Ryu ka may utang. She was having a hard time carrying the heavy box. Kung alam lang niya na gagawin lang pala siyang kargador ng lalakeng ito, e di sana din a siya nag-effort mag-corporate attire at mag-heels. Lalo tuloy siyang nahihirapan.  Masamang tingin ang ipinukol niya sa binatang nauunang umakyat sa kanya sa hagdan.

Ryu had a well-built body. Batak marahil sa gym at sa training nito bilang isang pulis ang katawan nito. Broad shoulders na tila nakakaengganyong yakapin at mga braso na papangarapin mo talagang makayakap sa’yo. Suma-tutal, si Ryu ay pwedeng-pwedeng ihanay sa mga male models napaglalawayan ng lahat ng kababaihan at feeling-feelingans. Wag lang talaga itong magpapakita ng ugali dahil kasumpa-sumpa ang pagiging one minute mabait, the next minute walang puso na ugali nito.

Nasa third floor pa lang sila ay hingal na si Lailah pero deadma pa rin si Ryuji na may gana pang mang-chicks habang siya ay mamatay-matay na sa hirap. He was holding his cellphone placed in his left ear while talking to a….perhaps…babae… mga babae. Nakailang  dial na kasi ito. Sa ilang araw niyang kasama ito, isa sa natuklasan niya ang pagiging happy go lucky nito. At isa sa nagpapa-happy dito ay mag-enterntain ng mga babae na sa di mawaring dahilan ni Lailah ay ubod ng taas ng level na kinaiinisan niya dito. Lagi na lang kasi itong may kausap na kung sinu-sinong babae.  

At sa inis niya ngayon ay may naisip siyang kalokohan. Ibinaba niya ang kahon at hinubad ang sapatos niya.

 “Yeah, a date? Sure baby, basta ikaw—”  Natigilan nito nang ipabitbit niya ang sapatos dito. “I’ll call you later baby.” He ended a call and looked at her with a knotted head. “What’s the meaning of this?”  Iniangat pa nito ang hawak na sapatos niya.

Nilagpasan niya muna ito sa pag-akyat ng hagdan. “Hon, as you can see, nabibigatan na ako sa buhat ko. Baka madapa pa ako kung isuot ko pa yan. Pabitbit na lang ha. Kakahiya kasi sa’yo, napakabigat ng dalahin mo,” may halong parinig na sabi niya. Aba, kababae niyang tao siya pa ang may bitbit na mabigat at ang lalaking ito, porke’t mayaman at boss, hindi nagbubuhat.

Nilagpasan lang siya nito sa pag-akyat. Nang makarating sila sa fifth floor ay give up na siya. Hingal na siya at hindi na niya kayang umakyat pa. Ibinaba niya ang kahon at umupo siya sa hagdan. “Mauna ka na lang, di ko na kaya. Pahinga muna ako dito,” asik niya dito.

Huminto ito sa pag-akyat ng hagdan at binalikan siya. Ibinigay nito sa kanya ang sapatos. “Wear your shoes.”

“Eh mas mahihirapan akong umakyat ng hagdan niyan, namamanhid na nga binti ko tapos—”
Nagulat na lang siya nang ito na mismo ang nagsuot ng sapatos sa kanya. Ni hindi ito ininda na madumi ang paa niya at madudumihan ang business suit nito. At ang mas kinagulat niya ay ang bahagyang paghilot nito ng paa niya bago nito isinuot sa paa niya ang sapatos. A rush of strange current flowed on her system as he managed to hold her legs and feet firmly. Kasabay noon ang pagkabog ng puso niya habang nakamulagat lang siya sa ginagawa ni Ryuji. Ano bang klase ng siraulo itong si Ryu?  Pero deep inside, she was touched by his sweetness again. Lahat ata ng first time sa usaping ng encounter with opposite sex ay dito niya naramdaman. A care, a concern, an attention she hardly define…kahit na nga ba haragan itong mang-alila sa kanya.

His attention was fully on her feet as if making sure that she would feel better afterwards. Parang ang tagal ng eksenang sinusuotan siya nito ng sapatos. Ako si Cinderalla, ikaw si Prince Charming! Napangiti tuloy siya. Pero agad niyang binawi ang ngiti nang bigla itong tumunghay at maingat na ibinaba ang paa niya.

Wala itong sinabi. He just picked up the box and went out of the fifth floor.

“Teka, akala ko sa tenth floor pa tayo? Bakit papasok ka na diyan?” nagtatakang tanong niya.

“We’ll going to use the elevator.”

“Ano kamo?!!!”  Kung pwede nga lang sigurong magbuga ng apoy ang tao, matagal na sigurong toasted, grilled, or burned itong si Ryuji. Anak ng CCTV. Gumagana naman pala ang elevator, pinahirapan pa ako! Nakuyom niya ang kamay sa inis habang lulan sila ng elevator. Hindi na niya ito pinansin dahil baka lalo lang niya itong isumpa. Tumungo na lang siya. The she noticed her shoes. Naalala niya ang eksena kanina at tila pinawi noon ang inis niya. Maswerte ka pa rin, Ryu!


CODE Black Security Board Room. Debriefing session. A big bang ruined the peaceful,and happy life of Ryuji’s circle of friends. Hindi pa ring siya makapaniwala na ang taong nakita niyang nakulong at inilibing ay buhay na buhay at muling nanggugulo sa tahimik nilang buhay. He even can’t believe what he was hearing right now.  On interrogation ang warden na nakabantay sa kulungan ni Karl Torrejos.

“May kakambal siya, Candaza. Minsan nakulong din ang kakambal niya dahil napagkamalang siya. Sa natatandaan ko, nakita ko pa silang nag-aaway. Binartolina ko pa nga silang dalawa. Sa tingin ko, maaring nagpalit na silang dalawa bago pa napalaya ang isa,” sambit ng warden.

“So ang namatay sa rambol sa loob ng Bilibid ay ang kakambal ni Karl at hindi si Karl mismo,” pahayag ni Icee.

“May pinagmanahan sa galing tumakas,” hirit naman ni Leo Candaza, ang ama ni Icee na tito niya. “It was almost the same tactics that Gilbert Salmendre did.”

“Well, what can we expect? It’s like father like son thing,” sambit naman ni Atty. Xeiji, ang abugadong nagpakulong kay Gilbert Salmendre at Karl Torrejos.

“Ipahukay natin ang libingan ni Karl o Karlo man,”  sambit ni Tito Leo. “Mabuti ng sigurado.”

“Okay. I’ll submit court’s order to Supreme Court,” tugon ni Atty. Hotoki.  “Candaza…” baling nito kay Icee. “Anong assessment mo? Can you figure these things out?”

“Yes, Sir,” tugon nito.

Ryuji put his full attention to his cousin. Halos magkakamag-anak lang sila sa loob ng debriefing room pero nanatiling hiwalay ang bagay na yon sa kanilang trabaho. When it comes to work, they forgot their surnames and worked as colleagues.   

 “Simple ang nangyari. Karl met Karlo, his twin, inside jail. He encouraged or forced him to switch over so that he could continue killing people involved with his late father’s imprisonment and death.  With his identical twin naging madali sa kanya ang tumakas sa bilangguan nang ibinaba ang hatol ng korte sa kanyang kapatid na proven innocent being an accessory to his brother’s crimes. Sa tingin ko ay may binayaran siya sa loob ng Bilibid para patayin ang kapatid niya. According to Karlo’s profile, mabait na tao itong kakambal ni Torrejos. Walang kaaway, walang bisyo, walang masamang record maliban sa naging kapatid nito ang isang most wanted criminal. Marahil ay naisip ni Karl na baka traidorin siya ng kanyang kapatid kaya bago pa siya maisuplong ng kaptid ay pinapatay na niya ito. Presto! Laya na siya.”

“Mautak si Torrejos. Hindi agad siya umatake. Hinintay niya ang tamang panahon. Years after his brod’s death. Fantastic!” sarkastikong hirit ni Ryuji. “Confirmed na ba ang connection ng mga pinatay niya? At watch list niya?”

His Tito passed a folder on him. “With Icee’s reinvestigation and profiling files, it was confirmed. Lahat may kinalaman sa pagkakakulong ni Gilbert Salmendre. Iilan na lang ang naiisip naming hindi pa niya napapaghigantihan.”

“That’s including me and my family on top of the list,” sambit ni Atty. Hotoki.

“Yes, plus our circle of friends in general,” dagdag ni Tito Leo.

“Magde-deploy ako ng spy guards sa mga family natin, Tito. My team created a new signaling device. Mas mabilis ang signal transfers kesa sa dating device na ginagamit natin. I’ll give each and everyone of our family members a device,” pledged ni Ryuji. “Dati, halos wala kaming nagawa to save Icee, Erika and Apple. Now that I know I can do a lot to take care of our princesses, then I will definitely do my best.”

“That will be a great help, hijo,” sambit ni Tito Leo. “We have to be ready. We should never underestimate a criminal mind. Baka magulat na lang tayo, nasa harap na natin siya. Ilang taon siyang nanahimik. Malamang na sa mga sandaling iyon ay  napagplanuhan na niya ang lahat. Alam na niya kung paano tayo papatayin o pasasakitan para maipaghiganti ang kanyang ama.”

 “How about that Cynthia Torrejos?” pakli ni Atty. Hotoki.

“Pinapatrabaho ko na iyan kay Icee, pare,” tugon ni Tito Leo. Bumaling ito sa anak. “Any progress?”

“I’m on the process of profiling, Sir. As of the moment ang alam ko lang ay hindi kasal si Gilbert Salmendre kay Cynthia Torrejos ngunit may dalawa silang anak. Hindi ko pa ma-trace ang location niya. I think something is wrong. Parang nawala ring parang bula si Cynthia nang mamatay si Karlo Torrejos.”

“I see. Team, let’s work on this case better for the next few days. We don’t have time to waste,” mando ni Ryuji sa lahat maging sa mga tauhan niyang nago-observe lang sa defriefing session. 

“Sir, yes, Sir.”


 “GRABE namang grocery list ito!” maktol  ni Lailah habang pinapasadahan ng basa ang grocery list na nabungadan niya sa pinto  ng kwarto niya pagkagising niya sa umaga. It was a Saturday morning. Maaga siyang nagising pero hindi na niya naabutan pa si Ryu.  Marahil ay may emergency na naman ito sa Code Black kaya parang bulang bigla na lang nawawala. At dahil Sabado, wala siyang trabaho sa Code Black at inday mode naman siya sa bahay ni Ryuji.

Kumuha si Lailah ng big cart at inisa-isa ang nasa grocery list. Nang matapos ay agad siyang nagpunta sa counter. Medyo mahaba ang pila kahit na umaga pa lang. Ganon talaga sa grocery store na iyong tuwing weekend. Matyaga siyang naghintay sa pila hanggang sa lumingon ang binatang nasa unahan niya. Binalingan nito ang big cart na sinulong niya pagkatapos ay tiningnan din siya. Konti lang ang dala nito compare sa cart niya. Ngumiti ito sa kanya.

“Mauna ka na muna, Miss. Konti lang naman itong sa akin,”  anang binata habang nakangiti at nakatitig sa kanya.  He moved to give way for her. Nagpalit sila ng pwesto. 

“Salamat!” Napangiti si Lailah, may gentleman pa rin talaga sa earth. At hindi kasali si Ryuji… Hindi pa rin niya nakakalimutan ang  panggogoyong ginawa nitong nakaraan. Pasalamat na lang talaga ito at nakabawi ito sa sweetness na pinakita nito sa kanya kung hindi…lalasunin ko ang tirik- tirik mong buhok Ryu!

Pina-counter na niya ang mga pinamili. Ang problema naman niya ngayon ay kung paano mabibitbit iyon palabas. Hay, kung naiisip lang sana ng amo kong ewan na hindi ko keribels ang mga ito. Hmmp, sana makonsensya siya at sunduin ako. Asa pa siya. Wala namang alam si Ryuji kundi pagtripan siya.

Kasalukuyan siyang nahihirapan sa pagbibitbit ng mga pinamili nang lapitan uli siya ng binata. “Need some help?” tanong nito sa kanya.

“Ah hindi okay lang ako.” Kahit na hindi naman ito mukhang criminal at sanggano, mahirap pa ring magtiwala sa estranghero sa panahon ngayon. 

“Mukhang hindi ka naman okay e.  Sige na, let me help you. By the way, I’m Jasper. And you are?”

“Lailah,” tipid lang na tugon niya. nag-aalinlangan pa rin siyang ipagkatiwala dito ang groceries niya.

“Madalas ka ba dito? Kasi last week nakita rin kita. Nahiya lang akong lapitan ka.”

Nagulat si Lailah. Aba, may nakakapansin pala sa ganda niya habang nag-grocery. “Weekly dito ako nag-grocery.”

“Ah ganon ba? Wait… come on, let me help you. Hindi naman akong masamang tao,” nakangiting sambit nito.

Ang cute naman niya.  The guy has a mesmerizing pair of eyes. Isang pares ng mata na tila tutunaw sa lahat ng babae once matitigan ito. Mukha namang mabait.

At the end pumayag na siyang bitbitin ni Jasper ang ilan sa groceries niya. “Saan ka ba? Parking lot?” tanong nito.

“Hindi sa labas na lang. Okay na ‘yon. Commute lang naman ako e,” sambit niya.

 Few seconds more, nasa labas na sila. “Sure ka gusto mo hanggang dito lang? Pwede kitang ihatid.”

“Naku wag na at okay na ako dito. Salamat ha.”

Ngumiti uli ito. “No problem. Ah, Lailah. Nice meeting you. Pwede ko bang makuha ang number mo?”

“Sure.” Ibinigay niya kay Jasper ang number niya. Hindi naman siguro masama na maging text mates sila.

“Salamat, Lailah, text na lang kita ha.”

Then, naiwan siyang mag-isa sa labas ng groceries dahil nagpaalam na ito at naglakad sa kabilang direction. Nag-aabang na siya ng masasakyan nang pumarada ang pamilyar na kotse sa harapan niya.  Oh Lord! I believe in miracles now! May himala! 

Agad na bumaba ng kotse si Ryuji at nilapitan siya. “Kanina ka pa, Hon?”

“Ha?”

Hanggang ngayon hindi pa rin niya maintinidhan ang kilig na nararamdaman niya sa tuwing tinatawag siya nitong hon sa halip na Lailah lang. Kahit alam niyang power trip lang ‘yon, hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng kakaiba. 

“Tinatanong kita kung kanina ka pa dito? Buti naabutan pa kita. Traffic din kasi e.”

“Ah… medyo lang.”

Biglang kumabog ang ang puso niya nang bigla itong kumuha ang panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis niya sa noo at sa leeg. A thrilling sensation run through her veins as Ryuji managed to tapped his hanky on her forehead and neck.  Anong nangyayari? Naguguluhang tinapunan niya ito ng tingin. He was caught mesmerizingly staring at her. Nakakatunaw ang mga tingin na iyon. Tila biglang naglaho ang ibang tao. Wala siyang ibang makita kundi ang mga mata nitong matamang nakatitig sa kanya waring sinasabi siya na ang pinakamagandang babaeng nakilala nito.  Weh? Taray lang ng imahinasyon, ‘te!  

                Natigilan din ito at tila na-hook na rin sa ganda niya… at biglang natauhan. Umiwas lang ito ng tingin at parang walang nangyaring binalingan ang grocery bags.

In her mere surprise, kinuha nito lahat ng grocery bags na bitbit niya at inilagay sa compartment ng kotse. Isang himala. Dininig  ni Lord ang wish niya.  Tinubuan na ito ng konsensya at may freebies pang kilig siyang nakuha. Ayos!

“O, anong tinatayu-tayo mo diyan? Ayaw mo pang sumakay? Gusto mong maglakad pauwi? Get in!”

Paglingon niya ay nasa may driver seat na ito. Hindi na niya namalayan ang pangyayari dahil abala siya  sa kakaisip kung nananginip ba siya o hindi. Nang hindi agad siya kumilos ay binalikan siya nito. Another surprise took over when he held her hand and led her to the car.

Ngunit bago nito buksan ang pinto ng kotse para sa kanya ay may binulong ito sa kanya. “My parents are inside the car. So be my girlfriend for a while. Their having dinner with us. Naiintindihan mo… hon?”

Sa pangalawang pagkakataon, nalaglag ang pantasya niya. Asar talaga ang lalaking ito. Panira sa pantasyang maganda!  “Eh paano kung ayaw ko?”

Pinandilatan siya nito.  Nahigit niya ang hininga nang ilapit nito ang mukha sa kanya.  She smelled his fresh men scent that literally blew her mind away. Then he raised his hand and caressed her hair. “Lailah, don’t you ever forget, you owe me a hundred thousand pesos, and you’re still in the middle of paying your debt. O baka naman, nagkakagusto ka na sa akin at ayaw mo ng umalis sa poder ko kaya nagpapasaway ka na. You want some extension, honey?”

Trying her might not to fell on the trap, Lailah moved a little to adjust. Kailangan niyang ituwid ang baluktot niyang brainwaves, at kailangan niyang huminga. Pero ang binata, lalo pa siyang tinutukso, lalong lumalapit pa. They almost shared breaths.  Kulang na lang halik mo!

“Ano ba, Mr. Candaza?! Hindi iyan kasama sa contract natin.”

“Bakit, wala naman akong ginagawa ah? If I know, you are enjoying the scene now, hon.”

Enjoy your face. Natigilan siya. Oo nga naman, she’s enjoying his face right know.  Reresbak pa sana siya nang makarinig sila ng busina. Tila nasilabang naglayo silang dalawa at napalingon sa kotse nito. Nakababa na ang bintana at nakasilip na  ang mga magulang nito.

“Son, we have to go.  Continue that thing at home,” sambit ng Daddy Kofi niya which so happened to be the founder of Kofi Cups and Sweets.

Alanganing ngumiti silang dalawa sa mga magulang ni Ryuji pagkatapos ay binalingan siya ng huli. “Umayos ka ha. My parents want me to have a stable relationship. Ayoko pa no’n. So you are my lame excuse. Wag na wag kang kokontra or else…” he touched her nose. “ikukulong kita sa kwarto ko mamayang gabi.”

 Napaawang ang mata niya. Ikukulong siya sa kwarto nito? Kung anu-anong naisip niyang rated XXX na eksena nang hawakan nito ang kamay niya at iginiya na siya sa kotse. Natahimik na lang siya at hindi na nakaimik. Bumati lang siya sa parents nito na nasa backseat at tinikom na uli niya ang bibig. Damang-dama niya kaba dala ng banta ni Ryuji sa kanila. Kung saka-sakali…. Napailing siya. Bakit nga ba niya naisip  magbakasakaling makulong sa kwarto nito.

Isang message alert tone ang nagpabalik sa kanyang huwisyo. Si Jasper ang nag-message. I was captivated with your soft voice, expressive eyes and beautiful face. Take care, Lailah. Hope we meet again.

Napangiti siya ng walang oras. Nakalimutan niya pansamantala si Ryuji dahil kinilig siya sa text message mula kay Jasper. Nag-reply muna siya ng pasasalamat. Ang sweet niya. Sana ganon din itong si Ryuji. Nge, si Ryuji na naman? Akala ko ba etsewera na siya?

“Hon, what’s with the smile? Sinong ka-text mo?” untag ni Ryuji sa tila nagtatampo ang tinig.
Binalingan niya ito. His attention was on the road. Pero kahit hindi ito nakatingin sa kanya kitang-kita niya sa mata nito ang lungkot.

Magaling na artista. Hmmp! “Wala.”

“Eh bakit ang tamis ng ngiti mo diyan? Hon naman, konting tampuhan lang, pinagpapalit mo na agad ako?”

Anong drama iyan Ryu? Pasimpleng pinandilatan niya ito at sinamaan naman siya ng tingin nito.  Sa ibang direction na lang tuloy siya bumaling para umiwas ng tingin.

“May LQ. Tell me, Lailah, nambabae na naman ba itong si Ryu?” tanong ni Tita Eloi.

“Ma, bakit ako?”  reklamo si Ryu sa ina.

“Kasi anak, alam namin ng mama mo na babaero ka. Ito namang si Lailah, mabait na bata. Kung may probema kayong dalawa, malamang kasalanan mo,” sabat ni Tito Kofi.

Umasim ang mukha ni Ryuji at siya naman ay lihim na nagpaparty at nagpupunyagi. Buti nga sa’yo Ryu!  Oras na para gumanti. “Tita Eloi, konting problema lang naman po. Nakita ko po kasi siyang may ka-date na babae. Habang nahihirapan ako sa mga gawaing bahay ngayong pansamantala ay sa bahay niya po ako nakatira, siya naman nagpapakasaya sa iba,” nagdadramang sambit niya.

“What the hell are you saying?” sansala ni Ryu sabay tingin ng masama sa kanya. “Hindi ako nambababae. Ikaw nga diyan. Nag-grocery ka lang, may ka-textmate ka na agad!” Kung hindi lang alam ni Lailah na kadramahan lang ang lahat malamang iisipin niyang nagseselos nga ito.

Magatungan nga. “Kasalanan mo iyan. Hindi naman masama kung matuwa ako sa atensyon ng iba. Buti pa nga itong ka-text ko, may concern sa akin, gentleman, hindi ako pinababayaan, eh ikaw? Puro pagpapahirap ang ginagawa mo. Nasasaktan din ako Ryu,” todo drama pa niya.

                “Ako ba di nasasaktan?”

                Natigilan si Lailah. The way he delivered that last line was so real as if he was really hurting. Punong-puno ng emotion at conviction iyon.

“Anak, bad ka. Wag ganon. Make it up to her tonight anak,”   sambit ni Tita Eloi.

Ryuji seemed to get the easy way to turn the burden back to her. He dramatically held her hand and gently squeeze. “I’m sorry, hon. Don’t worry, I’ll make it up to you…..” nakangising pinandilatan siya nito. “tonight!”

Make up? Tonight? Patay! Napalunok siya ng wala sa oras. Hindi na rin siya nakaimik. Inalis niya ang kamay dahil nagsimula na iyong manginig. Baka matuklasan pa ni Ryu na tensyunado siya. Ngunit kahit tahimik lang siya ay naglalakbay sa isip niya ang pwedeng mangyari tonight…. Lagot ka, Lailah…tonight.



PREVIOUS                                                       NEXT

Comments

Anonymous said…
next chapter na ateh MELAI plsssssssssssssssssssssssssssssssss
Anonymous said…
next chapter na po! :D parang awa niyo na po.. pleassssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssse.. :D

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…