Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: When Ryu and Lailah Collide- Part 1





“Isa lang ang kailangan ko, ang secret strategic management and recipes ng Kofi Cups. Kapag naibigay mo iyon sa akin, bayad na ang utang ng kaibigan mo,” anang binata na kausap ni Lailah. He was Manuel, ang ex-jowa ng kaibigan niyang beki na nag-rest in peace na.

               “Akala ko ba kukunin mo na lang ang parlor ni Lucy?” hindi makapaniwalang tugon ni Lailah.

                “I changed my mind. Wala naman akong mapapala sa parlor niya. So I need cash or something that can be equivalent of cash.”

                Kasalukuyan silang nasa Kofi Cups and Sweets, nagkakape, at kasama niya ang ex ng namayapa niyang kaibigang bading  na nagsasabing may utang dito na isangdaang libong piso ang kaibigan niya at siya ang pinagbabayad. Kung hindi nga lang patay na ang kaibigan niya ay nasabunutan na niya iyon ng bonggang-bongga. Bakit kasi sa dinami-dami ng mga kaibigan nito ay kabukod-tangi siyang idinamay nito sa kontrata nito sa binata. Guarantor siya pero wala siyang kaalam-alam. Ayan tuloy, nagkaroon siya ng isandaang libong instant utang na hindi man lang niya nahawakan ni piso.

                “Nababaliw ka na ba?  Magnanakaw ako ng information para lang bayaran ka? Ano ako bale?” asik niya kay Manuel.

                “Kung ayaw mo, bigyan mo ako ng cash, one hundred thousand. May pambayad ka  ba? As far aa I know, nalulugi na ang salon ng kaibigan mo—”

                “Na ex mo!” pakli niya.


                “Yeah, ex ko na pinerahan lang ako. So I’m giving you choices. To spy or to give me a hundred thousand in one week.”

                Hundred thousand? One week?  Ilang buhok ang dapat kong kulutin para magkaroon ng hundred thousand sa loob ng isang linggo? Anak ng curler naman!  

                “So…”

                “Bahala na!” tugon niya.

                “Okay.” Tumayo na alagad ni hudas na gwapong binata na ito. “Information, money or kulungan. There, you have three options now. One week lang, Miss Unte.”  Pagkatapos ay basta na lang siyang nilayasan ng loko.

                Gigil na gigil siya. Mahigpit ang hawak niya sa isang tasa ng brewed coffee. Ni minsan ay hindi pa siya nakahawak ng one hundred thousand at ang worst scenario pa ngayon, kailangan pa niyang magbayad ng ganoong kalaking halaga o magnakaw ng information para lang makabayad. Naku, Lucelito! Pasalamat ka at patay ka na dahil kung buhay ka, ako ang papatay sa’yo!

                Hinigop niya ang huling lagok ng kape pagkatapos ay inilibot ang paningin. First time niyang makapasok sa mamahaling coffee shop. Pawang lahat ng tao sa loob ay mga professional o mayayamang estudyante. Sa isang corner ay namataan niya ang tila umpukan ng mga magkakaibigan. Masaya ang grupo at nagtatawanan.  Buti pa talaga ang mga mayayaman, walang problema.  

                Kasama siya sa masang Pilipino na hindi mabubuhay at walang kakainin kung hindi kakayod ng bonggang-bongga.  Bread winner pa siya sa pamilya.  Hindi siya nakatapos ng college. Kailangan kasi niyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho na lang para tulungan ang mga magulang na pag-aralin ang anim pa niyang nakababatang kapatid.  Nasayang lang ang  civil engineering scholarship niya. Kahit na nakaabot naman siya ng third year, hindi iyon naging sapat para makahanap siya ng matinong trabaho. Ang naging ending, sumabit siya sa kaibigang si Lucelito na kilala bilang Lucy. Nagtraining sila sa ibang bansa ng hairdressing and cosmetology at iyon ang pinagkakakitaan nilang magkaibigan. Until a tragedy happened, namatay sa motorcycle accident ang kaibigan niya. At siya na lang ang naiwang mag-isa para ipagpatuloy ang salon nila. Iyon ang tanging pamana ng kaibigan niya sa kanya… errr, kasama pala ang utang sa namana niya kay Lucy.

                One hundred kwit! Saang lupalop ng Tralala ako makakakuha ng ganong pera?

                Napabuntong-hininga pa siya habang nakamasid pa rin sa magkakaibigan. Mukhang nagkakatuwaan pa ang mga iyon. Until she noticed a certain guy from the group, medyo singkit ang mata, maputi at very…superbly…wafu. Ngumiti ito sa kanya kaya nailing siya. Umiwas nalang siya ng tingin pero nakikita niya pa rin sa peripheral vision na nakatingin pa rin ang binata sa kanya.

                Nagpasya na siyang lumabas ng shop at naglakad papunta sa kung saan habang malalim na nag-iisip. Imposibleng makakuha siya ng pera sa loob ng ilang araw lang unless umulan ng pera. Wala kang choice Lailah. Mag-spy next door ka na lang sa Kofi. Pero ayaw niyang makulong! Pero kulong din ang bagsak mo pag di mo ginawa iyon! Napasimangot siya. Sige Lord, mag-spy na lang ako.  

                Nag-about face siya at bumalik sa Kofi Cups at bumili ng specialty ng shop ang Café Breva.  Papalabas na siya nang mag-ingay pa ang grupong pinagmasdan niya kanina ngunit  hindi na niya inalam ang mga bagay na pinagkakatuwaan nila. 

                Isang lalaki ang papasok sa Kofi Cups na biglang hinaklit ng isang magandang babae na curly ang hair, nakabestida at naka-stilletos. Sa tantsa niya ay naglalaro sa fifties ang edad ng dalawa. Napapatawa na lang siya dahil halatang ayaw ng lalaki sa babae at ang babae naman ay todo sa paghabol. Pag tumanda akong mag-isa, magkaganyan din kaya ako? Napakunot ang noo  niya sa naisip.  Ano ka ba Laila ang one hundred thousand ang isipin mo at wag ang kung  anu-ano!  Nagkibit balikat na lang siya at inubos ang iniinom na kape.  Sisimulan na niyang isa-isahin ang mga products ng Kofi Cups at alamin kung ano ang kakaiba sa bawat isa.

                Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang nang may narinig siyang ingay.

                “Ay, Fafa Onjing! Umamin ka na kasi, love mo naman ako di ba? Kasi ako love na love kita.”

                Napalingon siya. Ang couple na nakita niya kanina ay nasa likod na niya ngayon at hindi niya mawari kung naglalambingan ba o nag-aaway.

                “Oo love kita. Love kitang itapon sa Timbuktu. Bitawan mo nga ako, Madam Dalisay!”

                “Ayoko, ikaw ang sinasabi ng buwan na lalaking magpapaligaya sa akin. Ikaw ang tadhana ko—” Natigilan ito nang mapansin nitong  nakatingin siya. Tila sinaniban itong bumitaw sa nililingkisang lalaki at seryosong nilapitan siya.  Natakot si Laila kaya umiwas siya. Ngunit hinabol pa siya nito. “Sandali, hija. Kailangan kitang hulaan.”

                Napahinto siya sa paglalakad at binalingan ito. “Po?”

                Agad nitong ginagap ang palad niya at tiningnan iyon. Wala na siyang nagawa kundi ang hintayin ang sasabihin nito.

                “Nakikita kong may malaki kang problema sa pera.”

                Aba, okay si Madam ah. Mukhang authentic.  “Medyo nga po.”

                “Wag kang mag-alala hija. Isang prinsipe ang darating, siya ang tatapos sa iyong problema at siya ang nanakaw sa’yong puso—”  Agad nitong nabitawan ang kamay niya nang mapansin nitong naglalakad na palayo ang kaninang nililingkisan nito. “Oy, Onjing! Intayin mo ako. Sabay tayong tumungo sa love nest natin,” she shouted. The guy just walked away. Binalingan uli siya ni Madam Dalisay. “Wag kang papalinlang sa panlabas na anyo at pagpapakilala. Ang maamong mukha ay maaaring maging mabagsik na halimaw nang hindi mo namamalayan. Mag-iingat ka.”  At saka ito tumakbo para habulin ang lalaking sa rinig niya ay Onjing ang pangalan.

                Nagkibit-balikat na lang siya. Ano daw?  Winalang-bahala na lang niya ang panghuhula ng babae at  sumakay na siya ng jeep para umuwi. Maraming pa siyang dapat gawin. Kailangan pa niyang magbukas ng salon at magplano ng pag-spy sa Kofi Cups and Sweets. 


                 NAKAPAGMASID-MASID na si Lailah pero wala naman siyang makita extra-ordinary. Lahat ng factors na naiisip niya ay puro practical matters na dapat meron ang isang negosyo. Wala na rin siyang pera para alamin at isa-isahin ang products ng shop. Kaya naman napilitan siya sa plan B, ang mag-conduct ng interview sa boss ng Kofi Cups and Sweets. Ipapalabas niya na estudyante  siya na ngangailangan ng facts about pastry business. Laking gulat niya nang wala man lang pag-aalinlangang pumayag ang boss nito na mag-interview. Zuleika Marie Candaza maybe someone with a good heart. Nakonsensya tuloy si Lailah. Ah, di bale, magkumpisal na lang ako pagkatapos.

                Matyagang naghihintay siya sa isang mesa sa Kofi Cups. Ang branch manager lang ang nakausap niya kanina at sinabi nitong ipapaalam muna nito sa boss ang pagdating niya. Few minutes more, nilapitan siya ng branch manager.

                “Miss Unte, pwede ka ng pumasok sa office. Let me lead you the way,” anang mabait na branch manager. Nagpatiuna ito at sumunod lang siya. Iniwan siya nito sa tapat ng pinto na may signange na, “Office of the Vice President, Zuleika Marie Candaza.”

                Pumasok siya. “Good morning po—” Natigilan siya nang makitang hindi ang inaasahang tao ang nakita niya sa loob ng opisina. There sitting in a swivel chair is no other than Ryuji Candaza na nanunuyong nakatitig sa kanya. Ito rin ang binatang nakita niya kahapon na biglang lumingon sa kanya.  Pag sinusuwerte nga naman, oo! Ang wafuuuu!

                “Good morning din,” he said with a smile. “Have a seat.”

                Nakakaloko ang ngiti nito at naloloka si Lailah. Hindi niya ma-determine kung ang ngiting iyon ay nagpapa-cute o naninindak sa kanya. “Thank you.” Umupo siya sa visitor’s chair.

                “I hope okay lang sa’yo. My sister is not available today kaya ako  ang humarap sa’yo ngayon. By the way, I’m SPO3 Ryuji Candaza, of NBI and Code Black Security System.” Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi nito at naging napaseryoso. He even looked at her with mere intense.

                Kinabahan si Lailah. Hindi na niya kailangang mag-assume. Dahil sigurado siyang bistado na siya. “H-hello.” Ano ka ba Lailah?? May gana ka pang mag-hello? Hello rehas ba ang ibig mong sabihin?

                He extended his arms to her. “Nice meeting you, Miss Unte.”

                Kinabahan siya lalo. Nanginginig ang kamay niya nang tanggapin niya ang pakikipag-shakehands nito.

                “Oh nervous? Your hands are shaking…”

                “Ahm…”

                “Well, relax. Let’s start, shall we?”

                Bakit nakakaramdam ako ng total danger?  “Ahm…” Naiilang siya. He was still staring at her with so much intense. Kung hindi ito alagad ng batas, aakalain niyang  may balak itong rape-in siya.  She had a feeling that she had to go or else….Lagot kang bata ka, Lailah! “Ah, S-sir sorry, naiwan ko pala questionnaires ko. Babalik na lang ako bukas.” Tumayo siya. “Bye po. Pasensya na po sa istorbo.”

                The guy didn’t mind her at all. Parang hindi ito na-bothered sa tensyunadong kinikilos niya. That made her think that yes…she’s in danger zone.

                Agad siyang pumunta sa pinto para umeskapo. Bahala na kung maipakulong siya ni Manuel sa di pagbabayad ng utang. Kung hindi din naman siya makakaalis sa lugar na iyon, tiyak na maghihimas na siya ng rehas maya-maya lang.  Nagtriple ang kabang naramadaman niya nang matuklasan niyang naka-lock ang pinto. Paktay!

                “Where do you think you’re going, Lailah?”

                Takot na takot na binalingan niya ito. Paano mo nababanggit ang pangalan ko sa malambing na paraan e mukhang may balak kang ipakulong ako, now na?!

                “The interview…err the interrogation is not yet over. In fact, magsisimula pa lang ako sa’yo.”

                Tumungo lang siya. She was hopeless. Wala na siyang kawala. Hello rehas! Hello Correctional!  “Sorry.”

                “Sorry?” nakakaasar na painosenteng tanong nito.

Sarap ka ring sapakin e ano? “Ano ba? Wag na tayong maglokohan Mr. Candaza. Hindi nga siguro ako nakatapos ng college pero hindi ako tanga. Nage-gets ang mga nangyayari dito.”  

“Good. I’m impressed. So maiintindihin mo rin kung sabihin kong hindi ka makakalabas ng opisina na ito hangga’t  hindi mo kinakanta ang alam mo?”

 “Wala akong masamang intention—”

“You’re spying Kofi Cups right?”

                “Hindi ko naman—”

                “Yes or no?!”  natahimik siya. Natatakot na talaga siya. Then she heard him sigh. “Alright. Sit down here, relax, and don’t worry… hindi kita ipapakulong.”

                Nabuhayan siya ng loob. “Talaga?” Agad na siyang umupo sa visitor’s chair. In an instant parang nakakita siya ng kakampi sa suliranin niya.  Napamulagat lang siya nang agad nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. He was looking at her pair of eyes, on her nose, on her lips… Te, ilusyunada mode? Bawas-bawasan ang pagbabasa ng pocketbook, te! sita niya sa sarili. 

                Then he smiled…a smile that let her forget that she’s a convicted criminal and she was indeed in the middle of an interrogation process. “Well…depende kung magsasabi ka ng totoo. Kung hindi, idederetso kita sa rehas, nauunawaan mo ba?”  Then he went back in his swivel chair firmly. 

All of a sudden, biglang bumagsak ang pantasya niya. Gone with the image of a hero. What she saw in him was a living manipulative deadly handsome devil.

“Sorry na nga. Wala naman akong nakuhang matinong information about Kofi Cups e.” Itinaas pa niya ang kanang kamay sa anyong panunumpa. “Swear!”

He laughed. “Talagang wala kang makukuha. First, you’re not an expert spy. Second, a hairstylist can’t do any harm on big company like Kofi Cups. So… inaamin mo ngang nag-spy ka dito?”

“Ay hindi. Tinatanggi ko nga ng bonggang-bongga e,” asar na sagot niya. Adik pala ‘to e!

“Oy, umayos ka ng pagsagot kung ayaw mong makulong!”

“Eh makukulong din naman ako pagkalabas ko dito. Ipapakulong ako ng hunky hukluban na iyon na siyang dahilan kung bakit ako napilitang mag-spy dito.”

“Who is that man you’re talking about? Ayusin mo ang sagot ha!” 

“Okay fine. Manuel Serona ang pangalan niya. Gusto niyang makuha ang secret ng strategic management at recipes ng Kofi cups. Hindi ko nga alam kung bakit niya gustong makuha iyon e wala naman siyang negosyo na may kinalaman sa kape at pastries. Sa tingin mo bakit?” hirit niya.

“Aba malay ko! Kayo ang magkausap di ba?”

 Roll eyes. Kung hindi lang talaga ikasasama niya, nag-roll eyes na siya. “Siguro kasama ka sa mga abusadong pulis. Sungit mo!”

“Umayos ka, Miss Unte. Masisira kinabukasan mo kung makikipagptarayan ka lang sa akin.”

“Next question please!”

“Bakit ka pinapa-spy ni Serona?”

“Di ba sinabi  ko na, hindi ko alam. Ano ‘to? Amnesia?”

Napailing ito. “Sumagot ka ng ayos sabi.”

“Sumasagot ako ng ayos ano. Hindi lang halata. Hindi ko talaga alam. Next question!”

“Magkano ang binayad sa’yo ni Serona kapalit ng management leak ng Kofi?” 

 “Bayad? Haller! Wala kaya. Ako pa nga may utang sa kanya at ito ang gusto niyang kapalit o kaya pera. Mahirap lang ako, isa akong hampaslupa, dukha, gumagapang ako sa lusak, wala akong malaking pera kaya ito na lang ginagawa ko. Pero dahil sabi mo nga, hindi ako expert, eto kinalabasan ko. O masaya ka na Mr. Candaza? Well-answered ang questions mo,” litanya niya.

“Ang daldal mo. Masakit ka sa tenga.”  

Ang sungit mo. Masakit sa ka sa bangs kahit wala ako no’n! “Magulo ka rin. Sabi mo sumagot ako ng matino, tapos sasabihan mo akong madaldal. Summarized na nga iyang sagot ko. Eh paano pa kaya kung iyong long version?”

“I don’t believe you Lailah, I’m sorry. Hindi ko kakagatin ang alibi mo. Perhaps million ang ibibigay sa’yo ng Serona na ‘yon kung nakuha mo ang secret management at ng Kofi. Yeah that’s too epic. Ang dukha ay kakapit sa patalim para lang sa pera.”

“Ewan ko sa tirik-tirik mong buhok, Mr. Candaza. Pero nagsasabi ako ng totoo. Nagkautang ako kay Manuel dahil ginawa akong guarantor ng kaibigan kong umutang sa kanya ng pampuhunan sa parlor. Dedo na ang kaibigan ko kaya ako ay hinahabol ng Manuel na iyon. One hundred thousand cash ang hinihingi niya sa akin sa loob ng isang linggo. Alam kong milagro lang ang makakapagbigay sa akin ng isandaang  libong  piso sa loob lang ng ilang araw kaya kumapit ako sa plan B na binigay niya. Iyon ay ang mag-spy nga dito at magnakaw ng information. Pero dahil hindi ko nagawa, ang third option niya ang bagsak ko.”

“Which is?”

“Ang kumaway-kaway sa rehas ng Correctional. Ipapakulong niya ako. Kung ayaw mong maniwala, ikaw ang bahala. Basta nasabi ko na lahat ng alam ko.” Tumayo na siya para umalis. Sisirain na lang niya ang   pinto kung naka-lock pa rin iyon. In her mere surprise, she heard the door lock clicked. Unlocked na ang pinto bago pa man niya mahawakan ang seradura.

“Papaimbestigahan pa kita, Miss Unte. For now, you may leave. Wag kang magtatangkang tumakas ng bansa, nasa block list ka. Don’t even travel to other places across the country, naka-block ka din sa lahat ng bus terminals at airport.”

“Nagpapatawa ka, Mr. Candaza. Wala nga akong perang pangkain sa mga susunod na araw, pang-travel pa kaya? Pasundan mo ako kung gusto mo. Walang kaso sa akin.  Tutal naman baka sa linggo, nakakulong na ako. Naipakulong na ako ni Manuel sa araw na iyon sigurado. Sige babu.”


NAKAKALAT sa kama ni Ryuji lahat ng information about Lailah. Kung inaakala ng  babaeng iyon na abswelto na ito sa kanya, nagkakamali ito. May mission pa siya sa babae.  Una ay hindi pa rin siya sigurado sa mga pinagsasabi nito noong interrogation kaya kailangan pa rin niya itong bantayan at pangalawa, ito ang minalas na maging target niya sa same order game of destiny na siya rin ang may pakana.  Sa makatuwid, kailangan pa niyang mahawakan ito sa leeg at mapaikot sa kanyang palad para maprotektahan ang Kofi Cups at para di matalo sa game.

Napaimbestigahan na rin niya si Manuel Serona. Isa lang pala itong ambisyosong businessman na walang nagiging ansensadong negosyo. Puro pagsisimula sa negosyo lang naman ang alam nito kaya malayu-layong maging threat ito sa Kofi Cups. At si Lailah? Patuloy pa rin niya itong pinapamanmanan sa mga Code Black Security Field Agents.

He was lying on his bed while talking to his ever reliable cousin na isang criminal profiler. Hawak pa niya ang mga prints ng iba pang mga detalye tungkol kay Lailah mula  sa pinsan. “So you’re telling me that this Lailah Unte is just someone na ginigipit lang ni Serona?” tanong niya kay Icee.

“Yes.  At according sa mga nakalap kong information, hindi sila directly related. May kaibigan si Lailah named Lucelito, who by the way died in expressway motor accident last month, that happened to be the ex of that Manuel Serona.”

“How about iyong liability na one hundred thousand?”

“It was verified authentic and legal. May documents ang lending firm ni Serona regarding that. I’ll send it to your email.”

So…nagsasabi naman pala ng totoo ang babaeng iyon. “Okay then, may iba pa ba?”

“Wala na. I’ll call you up pag may bago.”

“Okay sige.”  He ended the call.  Napag-isip-isip niya ang mga information. Honest naman pala siya… good.

By browsing Lailah’s profile, napag-alaman ni Ryu ang estado nito sa buhay. Hindi nga ito nagsinungaling dahil lumabas din sa profiling ni Icee na mahirap nga lang ito at may maliit na parlor na halos di rin naman masyadong kumikita. He found out about her unfinished studies, her trainings in cosmetology and hairdressing, and her relationship to other people. Kung tutusin, na kay Lailah din naman ang mga bagay na hinahanap niya sa babae. Maliban sa maganda ito, responsible din ito, at hindi maarte… mga character ng babaeng magugustuhan niya. Pero hindi! Magugustuhan ko lahat ng babae maliban sa kanya. Ayoko sa amazona! He just found out na wala itong boyfriend dahil lahat ng lalaki na nagtangkang manligaw dito ay nababasted lang nito at the same time, nabibigwasan din.

Kung iisipin, maraming pwedeng maging tactics para magawa nito ang pag-spy sa Kofi Cups. Ngunit dala marahil ng pagiging likas na mabait nito, according sa profiling files, hindi nito ginawa ang mga bagay na naiisip niya.  Malamang may konsensya. Not bad.  

Nahinto ang pag-aanalisa niya sa profiles ni Lailah nang mag-ring ang phone niya. Isa sa agent ng Code Black na nakabantay kay Lailah ang tumatawag.

“Any update?” bungad niya sa kabilang linya.

“Sir, dumating dito si Serona. Sinisingil si Miss Lailah pero mukhang walang pambayad. Binabatak lahat ng gamit niya sa bahay, halos wala ng natira pati na rin ang mga gamit sa parlor.  Armed and dangerous ang partido ni Serona. Sir, kikilos na po ba kami?”

Napabangon siya sa pagkakahiga. Hindi niya alam sa sarili ngunit nakadama siya ng konting pag-aalala para sa dalaga. Pag-aalala? Saang planeta galing yon? “Guard her. I’ll be there in five minutes. Kapag sa tingin nyo ay mapapahamak na si Lailah then make a move. Understand?”

“Sir, yes, Sir!”

 Saka lang niya naisip ang mga inakto niya. What the hell! I’m gonna be a knight in shining armor this time? Oh heck!  He can’t believe himself. Parang bigla siyang nakaramdam ng calling to be a savior. Nailing na kinuha niya ang car keys sa study table at dali-daling lumabas ng kwarto. Nakasalubong niya ang kanyang ina na may bitbit na food tray.

“Anak, dadalhan sana kita ng merienda—”

He just kissed her mom’s cheeks. “Later na lang mama. I’m in a hurry.”  Then he walked towards the main door.

“Pero paano ang special gelatin ko na favorite mo?” ungot ng Mama Eloi niya.

“Pag-uwi ko later, Ma. Uubusin ko ang maja mo.” Naging katuwaan na nilang mag-ama ang asarin ang kanilang ina nang minsang nagluto ito ng gelatin na naging lasang maja. Though it was a little kitchen accident, naging favorite niyang dessert ang gelatin na luto ng kanya mama na lasang maja.

“Gelatin ito hindi maja!” reklamo ng kanyang ina.

He just laughed. “Oo na po, Ma. See you later.”

“Mag-iingat ka, pogi kong anak!” pahabol pa ng nanay niya.

He immediately rode his car and drove his way to Lailah’s place.  Nang makarating  siya doon ay andun pa rin si Serona na kasalukuyang nakikipagdebate pa kay Lailah. Andon pa rin ang mga armadong tauhan ni Serona. At ang pinagtatakahan ni Ryu, sa dinami-dami ng magkakapitbahay doon, wala man lang tumulong kay Lailah. Lahat ay tila mga dagang sumilip-silip lang sa mga bintana at bakod ng kani-kanilang bahay.  Mga duwag ang mga tao dito!  Kunsabagay, ang mga lalaki nga sa lugar na yon ay kayang-kaya ni Lailah eh ito pa kayang mga armadong goons ni Serona.

Narinig niya ang debate ng dalawa.

“Kulang pa lahat ng nakuha naming gamit bilang kabayaran sa utang mo, Lailah. Sumama ka na lang sa akin. Paligayahin at pagsilbihan mo ako,” sambit ni Manuel.

“Nek-nek mo! Ipakulong mo na lang ako, hukluban ka! Mas gugustuhin ko pang makulong kesa maging slave mo. Ano ka sinuswerte? Manigas ka diyan!”

“Ayoko ng ipakulong ka. Gusto kong maging akin ka na lang kaya sasama ka sa akin sa ayaw mo at sa gusto!”

Akmang hahaklitin na ni Manuel si Lailah nang pigilan ni Ryu ang mga braso nito. Natigilan ang mga ito. Ryuji managed to firmly hold the guy’s arms as he intently looked at him. “Brad, pag ayaw sumama ng babae, wag mong pipilitin.”

Nagpumiglas ito. Napilitan tuloy siyang mamagitan sa dalawa. Lailah was now in his back and secured.

“Oy, Lailah, sino ba itong pakialamerong ito ha?” tanong ni Manuel. Mayabang tiningnan pa siya nito. “Hindi mo ba ako kilala?”

“Artista ka ba? Part of the high class society? If no, hindi kita kilala. Mga high class na tao lang ang kilala ko, brad.”

“Eh ang yabang pala nito eh!” Akmang hahaklitin nito ang kwelyo niya pero pinigilan niya ito.

He was well-trained in martial arts. In fact kaya niyang pumatay nang walang ka-effort-effort gamit ang mga techniques na natutunan niya sa ilang taon ng pag-aaral ng iba’t ibang klase ng self-defense. Balewala sa kanya ang pinagmamalaking muscles ng lalaking ito.  Ngumisi lang siya. A little way of pang-aasar.

“Uy, Mr. Candaza. Siraulo ka ba?” bulong sa kanya ni Lailah. “Anong ginagawa mo dito?”

Bahagya niyang nilingon ito. “I’m trying to be a hero here so shut up!”

“Shut up your face!” bulong nito na rinig na rinig naman niya.
         
       “Matapang ka ah. Kakasa ka ba? Subukan natin ang tapang mo,” buong yabang na hirit ni Manuel.

                “Brad, nagmamadali ako.” Mula sa bulsa ay kumuha siya ng check book. “Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo si Lailah? Name the price.” Pasimpleng kinurot siya ni Lailah sa tadyang. Kaya pasimpleng binalingan niya ito. “Bakit ba?”

                “Anong ginagawa mo?”

                “Binabayaran ang utang mo.”

                “Bakit?”

                “Gusto ko lang.”  Muli, binalingan niya si Manuel. “Now what?”

                “Hundred thousand.”

                “Oy hukluban, may binatak ka ng gamit sa akin. Sixty thousand na lang dapat—Mr. Candaza!”

                Walang patumpik-tumpik na nag-issue siya ng check worth one hundred thousand at pinirmahan iyon.  Agad niya iyong iniabot kay Manuel sa kabila ng pagtutol ni Lailah.  “Now, amanos na  tayo kaya wag ka ng babalik-balik pa dito sa lugar nina Lailah naiintindihan mo?”

                Pangisi-ngisi si Manuel nang tumugon sa kanya. “Hindi ko maipapangako iyan—‘’ Natigilan ito nang isa sa mga tauhan niya ay tinutukan ito ng baril sa ulo.

                “May sinasabi ka Mr. Serona? Ako may sasabihin ako. Nasa wanted list ikaw at ang mga negosyo mo dahil hinahanapan kita ng butas. May tip kasi kaming natanggap na involved ka sa illegal na negosyo ng shabu at marijuana. And by the way, you mess with a wrong lady. Sa susunod wag kang babangga na konektado sa akin kundi lalabas ang baho mo. Alis na!” Sinenyasan niya ang tauhan niya na ibaba ang baril.

                “May araw ka rin, lalaki ka kung sino ka man,” farewell line ni Manuel bago ito nagpack-up ng mga goons nito.

                “Nakalimutan kong magpakilala. I’m SPO3 Ryuji Candaza. Magkita tayo sa bilibid one of these days, Serona.”

                Nang marinig nito ang pangalan niya ay nagmadaling umalis na ang grupo nito.  Mga duwag! Tapos na ang malapelikulang eksena. Binalingan niya si Lailah at sampal ang agad na sumalubong sa kanya. “What the—ganyan ka ba magpapasalamat?”

               “Humingi ba ako ng tulong sa’yo? Siraulo ka, bakit mo binayaran ang utang ko? Akala ko ba di ka naniniwala sa akin?”

                Sinapo niya ang pisngi. Ngayon lang siya nakaranas na nagpakabayani siya pagkatapos ay sampal ang isusukli sa kanya. Naman! Ang sweet mo! “Pwede namang pasalamatan mo na lang ako. Bakit kailangang may sampal? Mali ata ang agents ko. Sabi sa profiles mo mabait ka. Hindi pala. Isa kang fake!” Hindi niya napigilang singhalan din ito.

                Inismiran siya nito. “Thank you.”

                “Wow salamat ha. Kahit labas sa malaking butas ng ilong mo, salamat!” sarkastikong tugon niya.

                Hinila siya nito papasok sa bahay nito. Napakaliit na silong lang noon. At wala ng gamit dahil natangay na ni Manuel.

                “Ikaw lalaki, hindi kita magets. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong bayaran ang utang ko. Hindi ako naniniwalang nagpapaka-good Samaritan ka lang dahil sa simula pa lang wala ka ng tiwala sa sinasabi ko di ba? Tell me, anong kapalit nito ha? Ikaw naman ang magpapakulong sa akin?”

                “Ang daldal mo talaga ano?”  napapangiting sambit niya. Hindi niya alam sa sarili niya pero naiinis at natutuwa siya kay Lailah all at the same time.

                “Eh ano kung madaldal ako ha?  Eh sa gusto kong sabihin ang nararamdaman ko e. At least ako nagsasalita ako, hindi katulad mo, kanina ka pang nakikinig lang sa kadaldalan ko. Ano ba talaga? Sabihin mo na lang kasi kng ano ba talaga ang – oy saan mo ako dadalhin! Kidnapper kaaaaaa!“

                Kinaladkad na niya ito palabas ng bahay nito hanggang sa kotse niya. Nagpupumiglas si Lailah pero sorry na lang ito. It’s now his turn to make a move.

                “Technically, sa akin ka na may utang Lailah.”

                “Sabi na nga ba. Wala kang pinagkaiba kay Manuel. Bakit ganito ang kapalaran ko? Binibili na lang ba ang mahihirap ngayon?”

                Bigla siya tinubuan ng konsensya sa sinabi nito pero hindi siya pwedeng magbackout sa plano niya. “Wag mo akong i-compare sa kanya. Una, wala akong mahalay na interest sa’yo. Pangalawa, safe ka sa akin kasi hindi kita papatulan kahit malasing pa ako. At pangatlo, makatao ang pay off scheme ko para sa’yo.”

                “Ano naman iyon, aber?”   

                Binitawan na niya ito at pinagbukas niya ng pinto ng kotse. “Get in!”

                “Saan mo ako dadalhin?”

                “Hindi ka na pwedeng tumira sa bahay mo. Wala ng gamit don, wala na rin ang kabuhayan mo sa parlor mo. I’ll give you a decent home for now and worth it job to pay me off.”

                Natigilan bigla si Lailah at wala ng sinabi nang pumasok ito sa kotse. Hindi na rin ito tumutol. Few minutes more he was already driving on his way home. 


                TAHIMIK lang si Lailah habang  abala naman sa pagmamaneho. Aminado siyang na-touched siya nang sinabi nitong bibigyan siya nito ng desenteng matutuluyan. Wala na siyang pakialam kung dukhang-dukha ang tingin nito sa kanya. Basta ang alam niya, may konting haplos sa puso niya ang ginagawa at sinabi nito sa kanya. First time kasing may isang lalaking nagparamdam sa kanya na gusto siya nitong iangat mula sa pagkadapa at iupo sa pedestal.

                “Simple lang ang pagbabayad na gagawin mo, Lailah. Alam ko kasi na likas din sa mga katulad mo ang mataas ang pride—”

                “Ah, buti alam mo iyan—”

                “Pwede bang  patapusin mo muna ako?”

                Natutop niya ang bibig. “Okay gorabels!”

                Pinagtaasan lang siya nito ng kilay bago ito nagpatuloy sa sasabihin. “Be my personal assistant in one month. After a month, bayad ka na kahit may mga araw na wala kang gagawin. You will just follow my instructions. Don’t worry, lahat ng ipapagawa ko sa’yo, makatao. Wag ka ding mag-alala sa mga needs mo, bibigyan pa rin kita ng allowance at desenteng matutuluyan.”

                “Wow seryoso ka? Iyon lang? Isang buwan lang? Tapos pabahay at allowance pa? Lugi ka don, pre!” Pero deep inside alam niyang may katumbas na kagula-gulantang na iuutos itong si Ryuji. Mukhang mainit ang dugo nito sa kanya.  Well, ganon din ako quits. Pero dahil inilayo mo ako sa hunky manyak hukluban na yon, sige pagsisilbihan kita.

                “Whatever. So deal?”

                “May choice ba ako? Sabi mo nga, hindi na ako pwedeng tumira sa bahay kong walang gamit at nakaladkad mo na ako dito. Wala na akong choice boss!”

                “Call me hon.”

                Napamulagat siya, kasabay ng pagkabog ng puso niya. “Ha?”

                “Sabi ko from now on, call me ‘Hon’ at hindi ‘Ha’, okay?”

                “Eh bakit?”


                “No more questioning, Hon. That’s a boss order.”






PREVIOUS                                                              NEXT

Comments

Anonymous said…
ang kulit eh hehehhe :D... tagal kung hinintay tong story na ito sana post mo na ateh MELAI ung part 3 :D....

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…