Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: The Same Order Game of Destiny, The Result





A year after the three-month long game.

 Obviously walang natalo sa game dahil lahat sila ay nagkaroon ng progress. Hindi nga progress lang kundi love life talaga na naging pang-matagalan pa. Pero dahil likas na madudugas, hindi pumayag ang magkakaibigan  na walang matatalo sa larong gumulo at umayos sa buhay nila. Kaya ang  naging ending… toss coin. At ang minalas… si Ryuji.

               It was five in the morning nang magising si Ryuji. Ngayong araw na naka-schedule ang pagkakabit niya ng mga security devices para sa mga bahay  ng mga kaibigan niya. Inabot talaga ng isang taon dahil ang mga adik niyang mga kaibigan, natripang magpagawa muna ng mga bagong bahay  para doon niya i-install ang mga home security devices  sa mga brand new houses.

                Agad siyang bumangon at naligo. Pagkatapos ay lumabas siya ng silid. Naabutan niya ang kasintahan sa kusina na abala sa pagbabasa ng  textbook habang nasa harap ng hapag. Napangiti siya. Ilang beses na pinilit niya itong bumalik sa pag-aaral. Gusto niyang makatapos ito. Pag-aaralin niya ito. Pero ilang beses din itong tumanggi kaya ginawa na lang niya ulit ang makipag-deal dito. Ngayon, nag-aaral na ito,  at ang kapalit  ay naging assistant niya ito sa pag-install ng mga home security devices. Assistant kuno pero bibihira niya itong utusan. Mukhang lokohan na deal pero pinatulan nito. Ang bonus lang, hindi na mawawala ang katotohanan na magkasintahan sila.

                “Hon, busy huh!”  Humalik siya sa pisngi ni Lailah.

                “Good morning! Kumain ka na… I mean tayo. Kain na tayo.”  Inisang-tabi nito ang mga librong hawak.


Tiningnan niya ang mga nakahain sa mesa sabay upo sa tabi nito. “Uy, favorite ko ‘to!” Agad niyang kinuha ang loaf bread at pinalamanan niya ng fried egg.

                “Wala ka namang hindi gusto sa luto ko. Kahit pangkaraniwan lang favorite mo,” tatawa-tawang komento nito. “Magaling ka na ba?” Sinapo nito ang noo niya, pinagmasdan lang niya ito. Noong nakaraang gabi ay may sintomas siya ng lagnat. Buti na lamang at naagapan ng gamot.

                “Okay na ako.” He teasingly smiled while he lovingly stared at her. Abala na ito sa pagsasalin ng fried rice, bacon and egg sa pinggan niya.

                Natigilan ito nang mapansin siya. “Kumain ka na lang. Hindi yang ginagawa mong hobby ang titigan ako. Alam ko, maganda ako.“

                Kumibit-balikat siya. “Sinong may sabi? Buhay pa ba siya?” pang-aasar niya dito.

                 Sinamaan siya nito ng tingin. “Wala ka talagang puso  kahit kelan. Minsan na nga lang mag-ilusyon  binabara mo pa.”

                He laughed. “Wala nga akong puso.” He lovingly caressed her cheeks with his finger. Nakasimangot pa din ito sa kanya. “Nasa ‘yo na ang puso ko di ba? Isang taon  mahigit na nga e.”

                She smiled. Kinilig he guessed. Umiwas ito ng tingin at ibinaling ang atensyon sa pagkain. “Agang-aga, kung makahirit ka. Kumain ka na, marami tayong gagawin. Dapat on time tayo at matapos ng maaga dahil may date pa tayo after.”

                He laughed.  He scooped some rice and bacon. Isinubo niya iyon dito. “Linya ko yan!”

                Nang matapos silang mag-agahan ay nag-prepare na sila para puntahan ang bagong bahay ng newly weds na sina Apple at Rover.

                Inabutan nilang parang nasa pam-pinilakang tabing  na eksena ang lampungan nina Apple at Rover sa pampang ng dagat malapit sa beach house ng mga ito. Naghahabulan lang naman ang dalawa sa tubig. Isang nakakaumay na “habulin mo ako, dali!” na eksena.

                Napangiwi na lang tuloy si Ryu. “Oy Apolonia. Mag-install na kami ng devices sa bahay nyo.”

                “Nasa pasong color pink na may cactus ang susi. Sungkitin mo na lang. I’m kinda busy you know! Weeee! Habulin mo pa ako Rover. Don tayo sa kabilang  beach dali!”

                “Sige lang, pare tuloy na kayo do’n,”  dagdag naman ni Rover.

                Napapakamot sa ulong naglakad silang magkasintahan papunta sa bahay nito. “Kawawa talaga ang singer na iyon. Masisira  lang buhay noon kay Apple,” natatawang komento niya.

                “Inggit  ka lang, kasal na kasi sila,” sagot ni Lailah.

                “Magpakasal na rin kasi tayo,” ungot niya.

                “Sige mamaya,” sagot nito sabay tawa.

                Niyakap na lang niya ito sa sobrang panggigigil. Nang matapos silang mag-install ay bumalik sila sa beach para magpaalam sa bagong kasal. Guess what? Naghahabulan pa ring parang mga adik lang  ang dalawa kaya di na nila inistorbo ang mga yon.

                Next stop… ang kabanal-banalang new house nina soon to be married, Icee and Lee.

                Grotto sa garden ang unang sumalubong kina Ryuji at Lailah nang pumasok sila sa half-furnished na bahay ng mga ito. May altar sa gilid ng living area. At may natanaw pa silang Sto. Niño sa may balkonahe. Natatawa si Ryuji. Hindi niya ma-imagine na titira sa bahay na iyon ang pinsan niya...ang pinsan niyang hindi masyadong close sa religion.

                “Icee???”

                “Mr. Honrado???”

                Walang sumasagot sa kanila.  Buti na lang at wala pang mananakaw na mahahalagang bagay sa bahay dahil kung nagkataong  intruder sila, limas ang lahat ng malilimas sa bahay na iyon.

                “Iwan mo na lang ang devices, Ryu. Ako na ang bahala. Busy ako… kami!” Mula sa kwarto nanggaling ang sigaw ni Icee.

                Nagkatinginan sila ni Lailah at kapwa napangiwi.

                “Susmaryosep, Icee! Magpakasal ka muna bago yan!”

                “Sira!” Lumabas ito ng kwarto at may hinagis sa kanya na maliit na kahon. Sumilip din ang boyfriend nito at kumaway habang nasa kamay pa nito ang mga bagay na pinagkakaabalahan ng dalawa. “Couple’s rosary iyan. Sideline business namin ni Lee. Diyan kami busy! Sige na tsupeeeee!”

                “Salamat dito. Okay, ingats!”


Third Stop. Los Baños Laguna…ancestral house ng mga Sandoval.

“Nica… Bryan. Wag kayong magulo, magagalit si Tito Ryuji!” sita ni Erika. Naging instant ina ito ng dalawang batang inaalagaan nito sa foundation na pinamamahalaan ng Ninong Rojun niya. Isang buwan na lang din ay  nakatakda na itong magpakasal sa untouchable now, overly abused  and very touchable boss nito  sa Zeus-Apollo.

Tumigil sa paghahabulan ang dalawa at dumiretso sa main door nang makita ng mga ito ang kanilang bagong ama. “Kayong dalawa. Ikukulong ko kayo sa washing machine. Go to your room and behave.”

“Huh? Ayaaawwwww!!!!” Nag-unahang pumasok ang dalawang bata sa kwarto nito. Natawa na lang si Ryuji. Kawawang mga bata. May strict na ama, may lukring na ina.

“Yan buti naman nasindak na sila. Cholokoy ko, tara sa kusina dali, magmiryenda tayo. Sama ka sa amin Lailah.”

Kumunot ang noo ng soon to be hubby nito. “Mauna ka na don. Ihahanda ko lang ang itatambak kong trabaho sa’yo.”

“Sige damihan mo at pupurgahin kita!”

Cholo smiled and just give quick kiss to her cheeks.

“Ehem…Paano naman ako?” reklamo niya. Kasalukuyang nasa taas pa siya ng hagdan at nagkakabit ng smoke sensor.

“Tapusin mo na lang iyan, Ryuji. Keri mo iyan! Ikakain ka na lang ni Lailah.”

“Ang bait mo, Erika. Mabulunan ka sana!”

They both laughed. Matapos niyang mag-install ay nagmiryenda muna sila at umalis na uli.

Next destination. Sunset and Lara’s haven.

“Uy tuloy kayo! Si Sunset nasa lungga pa niya at nagpe-painting. Feel at home ha tatawagin ko lang siya,” bungad sa kanila ni Lara.

Ethnic ang theme ng bagong bahay ni Sunset. Bawat sulok  ng  bahay ay mga sculpture at painting. Traditional din ang landscape garden. Pagpasok nila sa bahay ay tila living room slash art exhibit ang sala nito. Sa kanilang  lahat, mas state of the art na home security devices ang ilalagay niya sa bahay ni Sunset dahil mas matataas ang value ng mga makukuha ng magnanakaw sa bahay na iyon. Ang isang painting  ni Sunset ay nagkakahalaga ng sampung libo pataas lang naman.  Mahigit biente ang paintings sa bahay at higit sampung sculptures. At sa lahat, pinakalugi siya kay Sunset.

“Okay  ka lang ba diyan pare? Kailangan mo ng tulong?” pang-aasar pang tanong ni Sunset sa kanya habang nanonood sa kanyang pagkaabala. Nasa tabi lang nito lagi si Lara aka Ayca.

“Pare,  hindi  kita kilala!” Bumaba siya ng hagdan.

“Naku, Ayca hindi na ako kilala ni Ryu! Babayaran mo lahat ito. Pulubi na ako e,” biro ni Sunset.

“Kilala ka niya, sandwich lang katapat niyan. Teka kukuha ako.”

Maya-maya ay pinatulan nila ng kasintahan ang meryenda at nagkakwentuhan.

At bago sila umalis ay may ibinigay sa kanya si Sunset na hula niya ay isang painting. On a second thought, hindi rin pala siya lugi. Mahal din naman ang painting nito.

“Una’t huling beses kong gagawin yan, pare!  Samantalahin na!”

Inalis niya ang papel na cover ng painting. Human portrait niya iyon when he was three years old. Napangiti siya dahil naaalala pa niya ang picture na pinagtularan nito ng portrait. May supot ng plastic ng Kofi Cups ang ulo niya na noon ay sinabi niya daw na yon ang kapa niya at naka-tshirt siya na may superman logo prints.

“Ikaw yan?” tanong ni Lailah.

“Oo cute ko ano?” sagot niya.

“Oo, noon. Panget ka na ngayon e.”

Nagtawanan sila.

“Salamat, pare!”

“No problem, Ryu.”

“Best wishes na rin.” Malapit-lapit na rin itong magpakasal.

“Sumunod ka na pare. Mag-announce ka na rin.”

Makahulugang binalingan niya si Lailah. Nakangiti lang ito sa kanya. “Hindi pa ready magiging misis ko.”

At bago pa sila mapasarap sa kwentuhan ay nagpaalam na sila.

Last stop.  Sa modern glass house para sa isa pang newly wed…sina Hiroshi at Ann.

Napapakunot  ang noo niya habang nagkakabit ng fire alarm. Parang walang ibang tao sa paligid ng dalawang couple at may gana pa talagang maglambingan sa harap niya. Siya lang kasi ang nasa loob at nasa kapitbahay ng mga ito si Lailah. May kaibigan kasi si Lailah sa executive village  na yon.

At sa dinami-dami ng pwesto sa bahay na yon ay talagang doon pa sa sofa na tanaw na tanaw niya napili ng dalawang tumambay. Nakahigang magkayakap ang mga ito.

“Oh Hiroshi, you’re so fine. You’re so fine, you really blow my mind, my lovely sushi.”

“Really, my lovely Ann?” Di pa nakuntento ay nag-kiss pa ang dalawa. “I love you, my lovely Ann.

“I love you, my lovely sushi.”

“I love you  too!” sabat ni Ryuji na ikinatawa ng dalawa. “Oy, may ibang tao dito!”

 “Oh,  andyan ka pa pala pare,” balewalang tanong ni Hiroshi.

“Ay wala ako, hologram lang ako,” pamimilosopo niya.

Bumangon si Ann. “Gusto mo ng juice Ryuji?”

“Oo, thanks. Pasamahan ng sandwich for two. Baka gutom na rin girlfriend ko.”

“Sure.”

“Ang bait mo talaga, Ann. Malas mo lang at kay Hiroshi ka bumagsak.”

She just laughed. “Pak na pak!”

Few minutes more, tapos na siya sa pag-install ng devices. Hinihintay na  lang niya na bumalik si Lailah mula sa kapitbahay. Ngunit nang mainip siya ay nagpaalam siya saglit kina Hiroshi para puntahan na at sunduin ang kasintahan.

“Ay umalis na. Babalikan ka na daw baka nagkasalisihan kayo,” pahayag ng friend ni Lailah.

“Ah ganon ba? Sige, salamat.”

He called up Hiroshi for confirmation.

“Wala pa siya dito, Ryu.”

Kinabahan na siya. He dialed Lailah’s number. Unattended. Napraning na siya. Hindi na siya nagdalawang isip na hanapin ito sa buong village. Kinakabahan siya. Baka maulit ang nangyari dati. Hindi niya mapapatawad ang sarili pag nagkataon. 

Agad niyang nakitang lumabas ng convenient store si Lailah. Tumakbo siya at agad niyakap ito.  Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang makumpirmang ligtas ito sa panganib.

“Uy, okay ka lang?”  nagtatakang tanong nito.

He moved a little enough to be able to kiss her forehead. Pagkatapos ay nag-aalalang tinitigan niya ito habang nakakulong ang mukha nito ng kanyang mga kamay. “Sa susunod, wag kang alis ng alis nang hindi nagpapaalam sa akin ha. Ayoko ng maulit ang nangyari dati.”

Yumakap ito sa kanya, humalik sa pisngi niya at yumakap uli. “Hindi na mangyayari yon, Ryuji. Wala na si Karl di ba?”

True. This time it was for real. Nagkasakit sa loob ng bilangguan si Karl Torrejos at eventually nagsayonara world.

“Eh baka may iba lang na gumawa no’n sa’yo. Natakot lang ako.”

“Wala na silang originality pag ganon. Okay lang ako, hon.”

“I love you, hon.”

“I love you too—”

“Fafa Onjing! Please forgive me. I don’t know what to do!”

Nawalan sila ng moment nang biglang may pamilyar na couple na dumadramang pang-teleserye sa kalsada.  Si Rojun at Madam Dalisay aka Cynthia Torrejos.

“No! No no way. I’m living without you. I just don’t love you no more!” sagot ni Rojun.

“Oh… oh my gosh! I’m staying… I’m staying. And you and you… you’re gonna love me!”

“It’s over and done. But the heartache lives on inside. And who’s the one you’re clinging to instead of me tonight?” Madramang nag-walkout pa si Rojun.

Humabol naman si Dalisay at OA na pinigilan ito sa braso. At OA din itong binalingan ni Rojun sabay iwas. Lahat ay nakakaumay na ka-OA-han lamang. “No one! No one! No one can get in the way of what I feel for you.”

“Ano ba? I wanna be alone! Aloooonnnneeeee! Kalimutan mo na ako.” OA na walkout uli.

“Di ko kaya… ang limutin kita. Masdan mong lumuluha ang aking mga mata. Onjing come back to me. I’ll do anything for you.”

“Tears in heaven lang yan. Go, dalhin mo na sa heaven. Bitbitin mo na at may welcome party ka doon!”

Nagtuloy pa ang OA at puro ka-OA-han ng dalawa. Nagkatinginan na lang sina Ryuji at Lailah at sabay na napangiwi.

Hinila na niya ang kasintahan. “Tara na, hon bago pa tayo mahawa sa ka-OA-han ng mga nakatatanda.”  Magkaholding hands silang bumalik sa bahay nina Hiroshi. “Ano bang binili mo sa convenient store?”

“Ice cream para sa’yo.” Ibinigay nito sa kanya ang plastic bag kung saan nakalagay ang ice cream na  nasa cup.

Inakbayan niya ito at yumakap ito sa kanya. “Salamat, hon.”

“Para sa ice cream?”

“Hindi lang para sa ice cream kundi para sa lahat ng bagay na bumago sa buhay ko. Natalo ako sa game na ako ang may pakana pero hindi ko maramdaman ang pagkatalo ko dahil nasa tabi kita. Higit ka pa sa first prize.”

“Hmmm, hon?”

“What?”

“May singsing ka na ba?”

Napahinto siya at seryosong hinarap ito. Dinukot niya sa bulsa ang singsing at pinakita dito. “Ang alagad ng batas ay palaging handa.”

She offered her hand to him.  “Parang boy scout lang!”

They hugged and kissed. Buti na lang at wala masyadong taong naglalakad sa mga kalsada ng village na ’yon. Ligtas sila sa PDA accusations. 

Finally they are all engaged or married… Six stories ended… and started with a new beginning…


THE END

Comments

Anonymous said…
my gallyness! so gandaness ng story! weee.. :D super duper mega graveh to the highest level talaga ang mga stories lalo na yung kina ryuji at lailah!super love ko! weeee.. :D
Anonymous said…
Ms. Melai bat puro anak lng ng mga lalake sa series 1 ang kwento dito..asan po yng anak ng mga babae...?

Galing neo po...super like ko ang mga kwento..
Melai said…
iyong mga bida dito, anak ng 6 pairs (guy and girls) from kofi cups 1. :)
Unputdownreadable stories.

I love them all!

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…