Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Pamper My Heart, Doc Geo- Part 4





The out-of-court settlement was over…with freebies. After ng Subic getaway ay back to normal phase na si Sophia at may extra happiness pang bitbit. Kahit naguluhan sa isang linggong nakaraan ay masayang binuo nila ni Mathew ang kanilang relasyon. Kaya naman buong araw siyang nakangiti habang bumubuo ng bagong designs ng sapatos.

               Her phone rang. Agad niyang sinagot ang tawag nang makitang si Mathew ang kumo-contact sa kanya. “Yes, Fafa G?”

                “It’s three already. Kumain ka na ng merienda?”

                “Hmmm, hindi pa. Actually, nawala sa isip kong mag-merienda. Napapasarap kasi akong gumawa ng shoe designs.”

                “Pwede ka bang ma-kidnap kahit isang oras lang?”

                “Huh?”

               “Andito ako sa labas ng office mo. Tumakas lang ako sa mga pasyente ko. Ano? Let’s have some decent coffee break.”

           “Sige.”  She ended the call and rushed her way going outside. Nasa lobby na siya nang makasalubong niya ang kanyang Papa.


                “Where are you going?” agad na tanong nito.

           “Ah…” Sasabihin ko bang may date kami ng boyfriend ko? No. That will mean lots of discussions. Mauubos lang ang nakaw na oras nila ni Mathew.  Precious pa naman ang oras nito bilang doctor.  “Client meeting, Papa.”

                “With that guy outside? Sigurado kang client meeting iyan?”

                “Opo, client meeting nga po.”
                
                 “Let me remind you, Sophia. He’s not Chinese—”

                “Alam ko na po iyan.” Humalik siya sa pisngi ng ama. “Dai hui er jian, Papa.”  She wished to see him later before she stepped out of the building.

                 Naabutan niya si Mathew na inaabangan siya.  Akmang hahalik ito sa pisngi niya nang umiwas siya at nilagpasan niya ito. Agad siyang pumasok sa loob ng kotse nito.

                “Anong problema?” tanong agad nito pagkasakay nito sa driver’s seat.

                “Nakita ka ng Papa ko at humirit na naman siya na kesyo hindi ka Chinese! Arrrghh!” Mahinang inuntog niya ang ulo sa dashboard.

               “Hey, stop that.” Masuyong pinigilan nito ang pagu-untog  niya ng ulo at niyakap siya nito. “Kung humarap na kaya ako sa Papa mo?”

                Eksaheradong  binalingan niya ito. “Adik ka ba?”

                “Oo, sayo lang.”

                Bigla siyang napangiti. “At talagang may gana ka pang mambola ha.”

                “O at least napangiti kita. Pero seryoso ako. Pwede pa akong bumaba para  harapin ang tatay mo.”

                Nag-alinlangan siya. Bihadong mauulit na namana ng eksenang pinagdaanan nila ni Coco Nat dati. Pero kung sakali nga, kaya ba niyang ipaglaban si Mathew?

                Seryosong hinarap niya ito. “Sigurado ka ba talaga?”

                “I’m ready.” Hinawakan nito ang kamay niya. “At kahit anong sabihin ng tatay mo, ipaglalaban kita sa kanya. Ikaw handa ka ba?”

                “Para sa’yo, sige. Magiging handa ako.”

                Bumaba uli sila na sasakyan, sakto naman kalalabas lang sa lobby ng kanyang ama. “Papa!” Kunot noo ang sinalubong nito sa kanila lalo’t magka-holding hands pa sila ni Mathew. “You’re right. He’s not a client. He’s my boyfriend, Dr. Mathew Geoffrey Kaviero—”

                “I know,” putol ng Papa niya sa sinasabi niya. “Sa tingin mo ba ay hindi ko malalaman ang mga kalokohang ginagawa mo dito habang wala ako?” Seryosong binalingan  nito si Mathew. “You’re wasting your time with my daughter. She will never be yours. She will marry a Chinese soon.”

                “Pa!” sita niya sa ama.

                Kagyat na tinapunan siya ng kanyang ama ng tingin. “Sophia, alam mo ito sa simula pa lang pero patuloy kang sumususuway.” Ibinalik nito kay Mathew ang atensyon. “Nag-aayos na kami ng engagement kaya kung ako sayo hijo, iwan mo na ang anak ko.”

                Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Mathew. Binalingan siya ng kasintahan. “Gusto mo bang iwan kita?”

                Umiling siya.

                Pagkatapos noon ay matapang na hinarap uli nito ang kanyang ama. “Mawalang galang po, Sir. Ni minsan po ba naitanong nyo kay Sophia kung ano ang gusto niya? Or even consider what she feels? She will never be mine? Dahil po ba sinabi ninyo? Sir, I love your daughter so much. It took me long time to be able to have her beside me. I’m not Chinese, but I can love your daughter more than any other Chinese out there. If she will never give me up. I will never give her up too.”

                “Love is not important.”

                “Is not, Sir? Hindi nyo po ba minahal ang inyong naging asawa? Hindi nyo po ba minahal ang anak nyo? If you love Sophia, Sir, you should understand that she has her own mind to think, her own heart to love and her own journey to travel.  Ako po, mahal na mahal ko siya. Hindi ko po siya pipigilan kung ikasasaya niya at ikakabuti ang isang bagay kahit makasakit pa iyon sa akin.”

                Sophia felt so much proud of him. Nagawa nito sabihin lahat iyon sa harap ng kanyang ama. Pero nanatili siyang tahimik dahil hindi niya alam kung may dapat ba siyang sabihin.

                Umiling ang kanyang ama. “No one in our family can break a tradition. My daughter is mine and whatever you do, I will never allow you to have her completely.” Binalingan siya ng kanyang ama. “Pumili ka, ako na ama mo o ang binatang ito?”

                   Matapang din na hinarap niya ang kanyang ama. First time niyang nagkaroon ng kakaibang tapang na ipaglaban si Mathew, something na hindi niya nagawa dati. Ayaw na niyang bumalik na naman sa dati, malungkot, tinataboy ang taong minahal para lang lumabas siyang masama at hindi na siya ipaglaban. Ngayon, lalaban din siya lalo na ngayong alam niyang kahit anong mangyari ay hindi siya iiwan ni Mathew.

                “Mahal kita Papa.”

                “Good. Bumalik ka na sa office mo—“

                “Pero gusto ko pong sumaya, Papa. Sorry po.”

                Hinila niya paaalis si Mathew. She heard her father calling her name but she didn’t bother to look back. Walang imikan sila ni Mathew habang nagmamaneho ito until they reach Kofi Cups and Sweets and now sitting in a couch with cups of cappuccino and pastries.  

                Hindi pa rin makapaniwala si Sophia. Magaan ang loob niyang sa unang pagkakataon ay nagawa niyang ipaglaban ang isang lalaki sa kanya papa. Siguro nga, sa maikling panahon ay natagpuan na nga ng puso niya ang true love. She’s certain that she can’t live without Mathew.  Pero di niya rin matatanggi na natatakot siya sa maaaring gawing hakbang ng kanyang ama sa kanyang pagrerebelde.

                She heard Mathew sighed. Pagkatapos ay lumipat ito sa tabi niya. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. “Dito lang ako.”

                Humilig siya sa balikat nito. “Alam ko kaya nga ang tapang ko kanina. I can’t believe it. Alam mo, pakiramdam ko nakawala ako sa kulungan. Geo, ayokong maikasal sa Chinese na pinili ni Dad para sa akin. Wag mo akong ibibigay sa kanya kung sino man siya.”

                He lovingly kissed her cheeks. “Matapos ang hirap kong magpapansin sa’yo, basta na lang kita bibitawan? No way.”

                “Over your yummylicious hunkylicious abs?” biro niya.

                He laughed. “Over my lifeless heart, my sweet Chinese girl.”

                 Napanatag siya. Di siya nagkamaling nasa mabuti siyang kamay. Her phone rang. It was Rika. Agad niyang sinagot ang tawag.

                “Sophia, ano bang nangyari? Pinapalinis na ng Papa mo ang office mo. Di ka na daw part ng  kompanya.”

                Na-upset siya. Alam na niyang mangyayari iyon kaya hindi na siya nagulat pero  nakakalungkot iyon. “Nagdecide na ako Rika. I’ll go with my happiness. And that means I’ll go against my father. Pakidala na lang ng  gamit ko sa bahay.”

                “That’s another problem. Pati ang gamit mo sa bahay mo  pinalilimas niya. Saan ka titira niyan?”

                “Ha?”  gulat na untag niya. Napatingin siya kay Mathew. Inilayo niya muna ang cell phone at saka kinausap si Mathew. “Pinalayas na ako ng tatay ko. Wala akong pupuntahan.”

                “May bahay ako. Wag kang mag-alala,” tugon nito. Kinuha nito sa kanya ang cell phone at kinausap nito si Rika. Sinabi nito sa sekretarya niya ang address kung saan dadalhin ang mga gamit niya. Then ibinalik na nito ang cell phone sa kanya. “I know you’re not okay.” Hinawakan nito ang kamay niya waring pinaparating sa kanya na kahit anong mangyari, hinding-hindi siya nito iiwang mag-isa.

                “Okay lang ako. Oras na rin siguro para patunayan ko sa tatay ko na kaya ko ring mag-isa.”

                “Hindi ka mag-isa, Sophia.  Dalawa tayo.”  Inilabas nito ang cellphone at may tinawagan. “Doc Sebastian, marami ka bang hawak na pasyente? Good, pakihawak muna ng tatlo kong pasyente. I had an emergency. Kunin mo kay Daddy ang  endorsements. Salamat bro. Babawi ako next time.” The he ended the call.

                “Okay lang bang ihabilin mo ang pasyente mo? My things can wait naman, Fafa G.”

                He smiled and looked at her intensely. “But my love can’t. Ikaw muna bago ang lahat. Wag mong alalahanin ang pasyente ko. Gawain na rin naman namin ng kaibigan kong doctor ang maghabilinan ng pasyente. Now, finish your coffee and pastries. Then let’s go home.”

                “Iyong mga magulang mo, hindi kaya sila magtaka?”

                “Hindi iyon. Magpa-party pa siguro si Mama.” Binuntutan pa nito ng tawa ang sinabi.


                MONTHS PASSED. Everything in Sophia’s life changed. Natuto siyang mag-isa. Sa tulong ng mga naging kaibigan sa trabaho ay nagawa niyang unti-unti tumayo sa sariling paa. At sa suporta na rin ni Mathew, nakapagpatayo siya ng sarili niyang shoe line. Proud na proud siya sa bagong negosyo. Hindi man iyon kasing laki ng Chii’s Creations, bawat bahagi naman ng negosyong iyon ay kanyang-kanya…walang tulong mula sa kanyang magulang.

                Her relationship with Mathew became stronger too. Maluwag siyang tinanggap ng magulang nito at sinuportahan sila sa kanilang plano sa buhay. Nagsasama na sila sa iisang bubong. Para na rin silng mag-asawa. Kasal na lang ang kulang…bagay na hanggang ngayon ay hindi pa nila napapag-usapan. Pero sigurado siyang pag napag-usapan nila iyon, walang alinlangang papayag siya.  So far, so good. Ang madalas lang nilang problema ay oras.  Celebrity ito bukod sa pagiging dedicated doctor kaya madalas na naiiwan siyang matyagang naghihintay dito.  Alanganing oras na minsan itong umuuwi, kalimitan ay madaling araw. Siya naman ay maagang pumapasok sa trabaho kaya may mga araw na halos hindi sila nagkakausap.  Gayunpaman, inunawa nila ang isa’t isa at bumabawi na lamang sila kapag nagkakaroon sila ng quality time together.

                Sophia was very energetic while preparing the special dinner for Mathew. It was their sixth monthsary and she wanted to surprise him. Nag-aral siyang magluto at hindi lang basta pagluluto. Gourmet ang drama ng luto niya sa tulong ng kaibigang si Hershey na chef sa isang sikat na restaurant.  Almost done na ang preparation niya para sa romantic dinner nila for two nang mag-ring ang phone niya. Tumatawag si Mathew.

                “O, Fafa G.”

                “Sophia, Happy monthsary.”

                “Happy monthsary din. I prepared something for us. Hope you could come home early.”

                She heard him sighed. “Sophia, I would like to be there with you but I have obligations here in the hospital. May pasyente akong di ko maiwan. The little girl is dealing with her life and I have to be here to observe her condition. She’s critical. Anytime, pwede siyang mamatay. Alam ko unfair sa iyo, sa atin ang sinasabi ko pero—”

                “Naiintindihan ko.” Pinutol na niya ang pagpapaliwanag nito. Yes naiintindihan niya ngunit hindi pa rin niya maitatangging bahagi ng puso niya ay nagtatampo. “Mag-iingat ka na lang diyan.”  She ended the call.  Hindi na niya hinintay na mag-round two pa ito ng pagpapaliwanag. Naupo siya sa mesang pinaghirapan niyang ayusin para maging romantic tingnan. “Paano ba iyan? Sayang ang pinaghandaan ko.”  Mathew tried to call her again pero tinamad na niyang sagutin ang tawag na iyon hanggang marahil ay napagod na rin itong suyuin siya.

                Her phone rang again. Nagulat siya nang makita kung sino ang tumatawag. It was Coco Nat. Isang malaking himala. Coco Nat never called her after he did his proposal to a girl named Victoria. Why suddenly you’re calling me?  

                Para masagot ang curiousity ay in-accept niya ang call. “Hello?”

                “Sophia, are you free tonight?”  

                Sophia invited Coco Nat in Mathew’s home. Kesa naman masayang ang mga pinaghirapan niyang lutuin, mas magaling pang mapakain na lang niya iyon sa iba. And here’s Coco Nat to save her from despair.

                “Sigurado ka bang okay lang sa asawa mong andito tayo?” tanong nito in the middle of their meals.

                “Wala naman tayong ginagawang masama, why bother? And let me correct… Mathew, Geo or whatsoever is not my husband. We’re not married.”

                Coco Nat smiled. “I sense an LQ.”

                “At natuwa ka pa! Di mo ba alam may lason iyang kinakain mo?”

                He laughed. “Kung ganon, salamat.”

                “May LQ din kayo?”

                Nagkibit-balikat din ito. “Gago ako e. Nakalimutan ko itago o kaya ibalik sa iyo ang mga damit mo sa closet ko. Kung kelan ikakasal na kami saka pa niya nakita iyon. And you know your specie. Kahit magpaliwanag kaming mga lalaki, you will just listen but will never understand.” He sipped his wine.

                “Kaya ka ba tumawag para may makausap?”

                “Sort of. Pero ito talaga ang dahilan ko.” Ibinigay nito ang wedding invitation sa kanya. “Punta ka ha, kayo ng boyfriend mo.”

                “Sure.”  It was awkward to see his wedding invitation. Hindi dahil minsan niyang minahal si Coco Nat at maaring mahal pa niya ito. She was certain that she already moved on. Iyon nga lang, naiinggit siya. Mauuwi rin kaya sila ni Mathew sa kasal?

                Iyon pa rin ang iniisip niya habang nililinis ang pinagkainan nila ni Coco Nat. After the dinner ay nagkakwentuhan sila hanggang sa kinailangan na rin nitong umalis para suyuin ang nagtatampong fiancé.

                Biglang may narinig siyang pagsabog. In split of seconds, the alarming device of the condo building filled the air. May di magandang nangyari.  Kinuha niya ang cellphone at lumabas ng condo ni Mathew. Nagsilabasan na rin ang  mga kapitbahay nila doon at  halos lahat ay in panic.

                Nakitakbo na rin siya hanggang sa may makita siyang kakilala. “Anong nangyari?”

                “May sunog 15th floor.”

                Natakot na rin siya at inatake na rin ng panic.  Tatlong floor lang ang pagitan ng sunog at ng kinalulugaran niya. Nagkakagulo ang lahat ng tao.   Ramdam na ramdam ni Sophia ang takot. Habang  gumagawa ng paraang makalabas ng gusali ay sinusubukan niyang tawagan si Mathew pero hindi nito sinasagot ang tawag.  Ano ba Geo? Mamamatay na ako dito. Do you still care?  Sa pangatlong beses pa nga ay unattended na ang phone nito. Doon siya naiyak. Ni minsan ay hindi siya nag-demand ng kahit ano sa kasintahan. Ngayon lang, gusto lang niyang maramdaman na di siya nag-iisa.   

                Nang sa wakas ay makalabas siyang buhay  sa building na iyon ay ang puso naman niyang na-trap sa tingin niyang one-sided love ang napagtutunan ng pansin. Ang dami niyang what if. What it tulog siya at hindi siya nakalabas ng buhay? Or what if hindi siya nag-iisa sa condo unit ni Mathew? Ano kayang gagawin ni Mathew para iligtas ang buhay nilang dalawa?

                Ipiniling niya ang ulo. Walang saysay na isipin pa iyon. The fact that Mathew was not there to give her a hug when she needed it the most means there’s nothing between them shall continue. She dialed again to her cellphone. “Coco Nat, pwede ka bang bumalik dito sa bahay?” mangiyak-ngiyak niyang ikinuwento kay Coco Nat ang nangyari at agad naman siya nitong pinuntahan.
               

                “HETO oh, magpalit ka muna. May malinis din na tuwalya do’n sa banyo. Pagpasensyahan mo na muna ang bahay namin Sophia ha. Di pa kasi masyadong tapos ito. Excited lang itong si Coco Nat na dito na tumira habang nag-aayos kami ng kasal,” sambit ni Vicky, ang babaeng sinuwerte sa puso ng ex niya.

                “Salamat.” Nagtungo na siya sa banyo para mag-ayos ng sarili. Bahagya pa siyang natawa nang mamukhaan niya ang damit na binigay ni Vicky. Mga damit nga niya iyon na naiwan sa closet ni Coco Nat. 

                Inuwi siya ni Coco Nat nang hindi pa rin niya ma-contact si Mathew. Wala siyang pupuntahan. Ayaw naman niyang umuwi sa ama niya at lunukin lahat ng side effect ng pagpapalayas nito sa kanya.  Alanganin siya noong una dahil alam niyang pinagseselosan siya ng fiancé nito. Pero sa huli ay pumayag na rin siya. Kabaliktaran naman sa inaasahan niya ang naging trato sa kanya ni Vicky.

                Pagkalabas niya ng banyo ay dinalhan naman siya ni Vicky ng tea. “Inumin mo ‘to para makalma ka.”  Umupo ito sa kama.

                Tumabi siya dito. “Salamat ha. Buti na lang andyan kayong dalawa ni Coco Nat. Kung wala kayo, mukha na siguro akong palaboy sa kalye. Wala pa naman akong nasalbang cash. Ni piso sa bulsa wala akong nadala. Kasalanan ng sunog na iyon ano? Epal na sunog yon!”

                Sa gulat niya ay tumawa si Vicky. “Hindi ka naman pala evil witch gaya ng sinasabi ni Coco Nat. May feeling akong magkakasundo tayo.”

                “Nagkakamali ka, evil witch talaga ako. Uunahin kong kulamin iyang mapapangasawa mong inilalaglag ako sa magiging misis niya,” biro na lang niya.

                “Sige, kulamin mo siya, iyong kulam na hinding-hindi na siya makakawala sa aking mga kamay.”

                Tumawa siya. “Kung iyon din lang, di na kailangang mag-effort kulamin siya. Mahal na mahal ka no’n. At wag ka ng magselos sa mga naiwan kong damit. Piraso ng tela lang iyan. Walang –wala pa iyan sa laki ng pagmamahal niya sa’yo.”

                May sasabihin sana ito nang mag-ring ang phone niya. Her father was calling. Uso nga ata ang himala at surprises sa araw na iyon. Nagpaalam na si Vicky para daw magka-privacy siya bago niya sinagot ang tawag ng kanyang ama.

                “Anak, nasaan ka? Okay  ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang ama. Napaiyak siya, kahit may tampuhan silang mag-ama, hindi pa rin talaga mabubura ang katotohanang mag-ama sila.  “Nee teng ma?” Tinanong nito kung may masakit sa kanya.  A loving concern of a father will always be heart-melting.

                “I’m okay, Papa.”

                “I’m sorry anak. May punto ang boyfriend mo. Dapat ay tinatanong muna kita kung gusto mo ang isang bagay at kung masaya ka.”

                Lalong naiyak si Sophia. Bakit kung kelan wala ng problema sa Papa niya, ngayon pa nangyari iyon sa kanila ni Mathew?  Para ba talaga siya sa akin?  “Papa, duo xiang ni ya!” sinabi niyang na mi-miss na niya ito ng sobra. “Hindi pa po alam ni Mathew na nasunog ang condo niya. Iniwan niya akong mag-isa doon. Papa, ayoko na. Sunduin nyo na ako.” Sinabi niya dito kung nasaan siya at nangako ang kanyang ama na darating ito in few minutes.

                Ilang minuto pagkatapos ang tawag mula sa kanyang ama ay may kumatok sa pinto bago iyong bumukas. It was Coco Nat. “Doc Geo is outside.”

                “Ayoko siyang makita. It’s too late.”

                “Sophia, kung ayaw mong sumama sa kanya, it’s your choice. But you have something to talk.”

                “Fine, let him in.”

                Few minutes more, humahangos na pumasok ng kwarto si Mathew. Agad siya nitong niyakap. “Sophia. God, are you okay?” nag-aalang kinulong pa nito ng kamay nito ang kanyang pisngi habang tinititigan siya ng buong pag-aalala at pagmamahal.

                Her heart skipped. Napamura siya sa isip. Letse! Despite of the pain, her heart’s loyalty was still on him.  Inalis niya ang kamay nito at bahagya siyang lumayo. “Sorry I wasn’t able to save anything from your house. And sorry again, you’re too late.”

                “Too late?”

                Pinagtaasan na niya ito ng boses. “Hindi mo  alam kung anong takot ang pinagdaanan kong mag-isa kanina. Paano kung na-trap na lang ako do’n? Patay na siguro ako ngayon. Kung kelan kailangan kita saka ka wala. Sabi mo hindi ako mag-iisa? Pero anong ginawa mo? Iniwan mo rin akong nag-iisa! Then you call this love? Don’t give me this shit, Geo.”

                Tumungo ito. “I’m sorry.”

                “Sorry? Nangako ka sa akin Geo. Sasamahan mo ako sa lahat ng emotions na mararamdaman ko. Pero palaging wala ka. At kung kelan kailangang-kailangan kita, pinagpatayan mo ako ng cell phone. Buti na lang tinulungan ako ni Coco Nat.”

                Tumunghay ito at seryosong tinitigan siya. “Why all the people, si Coco Nat pa? Pwede ka namang magpatulong sa ibang tao. Bakit kailangang dito kita matagpuan? Nananadya ka? Gumaganti—”

                Hinampas niya ito sa dibdib. “Kasi wala ka! Kasi siya ang nagmagandang loob na tulungan ako. Kasi sa unang pagkakataon, naramdaman kong napakahina ko pala at wala ka para tulungan ako maging malakas! Kasi walang ikaw na ililigtas ako sa panganib.” Sinalo nitong lahat ang paghampas niya dito para ilabas ang galit niya. “Minahal kita. Pinaniwalaan ko lahat ng pangako mo. Pero pagod na ako, Geo.”

                Niyakap siya nito. Nagpaubaya siya. She cried on his shoulder. “Ayusin natin ito, Sophia.”

                “Yeah, and let’s start with parting ways.”

                Nawalan na din ito ng pagkakataong magpaliwanag at suyuin siya dahil biglang dumating ang Papa niya. Iyon na ang huli nilang pagkikita.


                THE ESCAPADE was over. Ilang linggo ang mabagal na lumipas. Bumalik siya sa Papa niya pero hindi niya iniwan ang pinaghirapang negosyo habang wala siya sa poder ng ama. Pinabayaan naman siya ng kanyang ama dahil na rin sa pangako nitong hahayaan na siyan magdesisyon para sa sarili niyang gusto at ikaliligaya.  Matagal niyang pinangarap ang pagkakataong iyon, pero hindi kumpleto ang happiness na nararamdaman niya ngayon. 

                “Anak, let’s have some bonding time out. Ilang araw ka ng kulong dito sa kwarto mo at nagkukulong ka rin sa office mo. Your problem with your boyfriend can’t be resolved in this way,” sambit ng tatay niya nang pumasok ito sa kwarto niya.

                “Ex po.Wala na nga kami.”

                “Masaya ka ba?”

                Umiling siya. “As I thought I finally found the one, it went out to be just another false alarm.”

                “It’s not that over to say that, my daughter. Nakalimutan mo na ba? He was the guy who thought you to be brave and fight for your will. He was the brave guy who faced me so many times just to prove that he is the right one for you.”

                Nagulat siya. “So many times?” Wala siyang naalalang encounter uli ni Mathew at ng ama niya maliban sa una kung kelan siya napalayas at ang pangalawa nang sunduin siya ng ama sa bahay ni Coco Nat.

                “Nag-uusap kaming madalas ng binatang iyon nang di mo alam. Papatunayan daw kasi niya sa akin kung gaano ka niya kamahal. Napakatapang ng batang iyon kahit alam niyang may posibilidad na hindi ko siya pagbigyan. You’re my precious daughter. Mas kampante akong ipaubaya ka sa kapwa natin Chinese pero ang lalaking iyon, pinaglalaban ka niya sa akin kahit ikaw, sumuko na.”

                Heart melted. That’s how Mathew loved her. At hindi siya bato para hindi maramdaman ang pagmamahal nito sa kanya. Hindi niya alam na gumawa ng ganoong effort si Mathew just because he loved her so much. “Kailan ang last Papa?”

                “Well, nagkape kami kahapon. Kinakamusta ka niya at in-invite niya tayo sa Senang Hati ngayong gabi. Anak, kung gusto mo pa rin siya, at mahal mo pa siya, alisin mo na iyang tampo na iyan. That guy truly loves you. And you deserve to claim your happiness. Magbihis ka na, hihintayin kita sa labas.”

                Ilang minutong nakipag-usap siya sa sarili. Handa na nga ba siyang patawarin si Mathew at sumugal muli? Kinapa niya ang kanyang puso. Walang anumang galit para sa binata ang ando’n. Ang laman lang noon ay konting tampo na kusang natunaw nang malaman niyang nag-effort itong makipag-usap sa kanyang ama. At mas malaking percentage ng puso niya ang alam niyang gugustuhing bumalik sa mga braso nito upang muling ma-in love.

                “Lucky you, Mathew,” she uttered. “Rhyme iyon ah. Break it down yoh!” Natawa siya sa sariling joke. Ganon ata talaga ang may pagkabaliw.  Agad na siyang nagbihis at kasama ang kanyang ama, pumunta na sila sa Senang Hati kung saan alam niyang naghihintay sa kanya ang kanyang Fafa G.

               
                “WHY DON’T you try to open up your heart. I won’t take so much of your time. Maybe it’s wrong to say please love me too ‘cause I know you’ll never do. Somebody else is waiting there inside for you…”

                Senting love song agad ang sumalubong kina Sophia at sa kanyang ama. On stage na ang Karisma Band at ang tema ng jam ngayong gabi ay mga senti cruisin’ love songs na talagang marami ang may alam at nakaka-relate.

                Naupo silang mag-ama malapit sa stage.   Until her father received a phone call at nagpaalam itong lalabas saglit para makausap ng ayos ang tumatawag dito. Naiwan siyang mag-isa sa mesa. Hamiel, the lead singer of ther band never failed to give meaning to every song the band was playing. Actually, the band itself had its own distinct charisma indeed.

                The song Maybe ended in superb. “Tutal naman senti-sentihan tayo ngayong gabi, ang isa naming  kasama dito on stage ay  nag-prepare ng something senti for the one he truly love.” Binalingan ni Hamiel si Mathew. “Ano Doc kaya na ba? I think I saw her in the audience.” Saglit siyang binalingan ni Hamiel bago ito muling bumaling kay Mathew. “The right time is here, bro.” Then he faced the audience. “Bigyan natin ng mas marami pang nerbyos ang ating si Doc Geo, palakpakan!”  

                Magkahalong tawa at palakpak ang narinig sa buong Senang Hati. Hamiel and Mathew switch off. Parang tulad lang noong una niyang marinig kumanta si Mathew, singing her meaningful fave song Because of You. Pero ngayon, may iba sa binata. He looked like a lot nervous than before.

                Natatakot ka ba dahil andito ako sa harap mo? Wag kang kabahan, Geo. Lalo kang gumagwapo sa paningin ko.

                Nang kuhanin nito ang mic kay Hamiel ay agad itong napatingin sa kanya. She smiled. He smiled. At parang bigla itong lalong kinabahan sa nangyari. “W-wala akong gustong sabihin sa mga oras na ito kundi…” tinitigan siya nito. “Mahal na mahal kita. I really want you back. I’ll risk everything even the career of my band dahil kakanta na naman ako at baka masintunado ako sa kaba.” People laughed. “Okay lang isakripisyo ang banda ko, mayayaman na silang lahat.” Nagreklamuhan ang mga kabanda nito na lalong nagpaugong ng tawanan sa buong Senang Hati. “Pero bago pa magbuhol-buhol ang mga sinasabi ko, mabuti pang kumanta na ako.” Nginitian siyang muli ni Mathew. “This is for you, my sweet Chinese girl.”

                Then the band played the undisputed all time favorite song sa videoke, If Ever You’re in My Arms Again.

                “It all came so easy, all the loving you gave me, the feelings we shared. And I still can remember how you love me so tender. It told me you cared. We had a once in a lifetime but I just couldn’t see until it was gone. A second once in a lifetime, maybe too much to ask but I swear from now on.”

                  Mathew focused his attention to her. Sophia felt her heart skipped and touched when she noticed the sad and guilt feeling in Mathew’s eyes while he was singing the song with all his heart. Geo, baba ka dito, hahalikan kita! Her crazy mind was thinking a lot of dramatic reconcillation scenes in her head.

                “If ever you’re in my arms again, this time I’ll love you much better. If ever you’re in my arms again, this time I’ll hold you forever. This time will never end.”

                 He started walking down the stage while still singing then next lines. The crowd cheered and her heart beats faster than the first rhythm as he walked towards her. Refrain na ng kanta nang hawakan nito ang kamay niya. Now, all the attention of Senang Hati audience was set to both of them.  “We had a once in a lifetime but I just didn’t know it ‘til my life fell apart.”  She noticed that there were tears formulating in the side of his expressive eyes. “A second once in a lifetime, isn’t too much to ask ‘cause I swear from the heart…”  Nangilid na rin ang luha niya. Parang ginawa ang kantang iyon para sa kanilang dalawa. And the way he sang the song made her feel so loved. Pero sa halip na pawiin ang sariling luha ay iniangat niya ang kamay at pinawi ang luhang bigla na lang tumulo mula sa mga mata ni Mathew. “If ever you’re in my arms again, this time I love you much better…”  

                He suddenly stopped singing. Bigla na lang siyang niyakap nito ng mahigpit. Suddenly, the Senang Hati went in silence waring lahat ay naging speechless sa kanilang napapanood. The band on the other hand, continued playing kahit di na kumakanta si Mathew. It was something she could define a perfect moral support from his true friends.

                 “Isn’t it too much to ask? I really want you back, Sophia.”

                “No need to ask for it. The reason why I’m here is because I miss you so much and I want to be back in your arms,” she lovingly uttered.

                He moved a little to be able to gaze on her. Gone was the worries and sad expression from his eyes. All she can see was the love, overwhelming in his teary eyed. “I love you so much, Sophia. I’ll take all the chances just to have you in my life. This time, I want to have you forever.”

                She kissed his nose. “I will love to be with you forever. I love you, Mathew or Doc Geo, or my Fafa G.”

                Sa gulat niya ay hinalikan siya nito infront of lots of people partying at Senang Hati. Though it was just a quick kiss, tinapatan niya ang tapang nitong ipakita sa napakaraming tao ang pagmamahal nito sa kanya. She responded. And they remained lovingly staring at each other afterwards. Smiling. Silently expressing how much they love each other and how glad they were that finally they’re back in each other’s arms.  Inangkin nila ang Senang Hati at pawang pinaubaya din sa kanila ng mga taong naroon ang pagkakataong solohin ang lugar sa kabila ng pagiging crowded noon. Mga hopeless romantic nga rin siguro ang mga tao sa lugar na iyon. 

                Then they heard Hamiel singing the bridge line of the song. “The best of romances deserve second chances. I’ll get you somehow ‘cause I promise now…”  Si Hamiel na ang nagtuloy ng pagkanta.

                Kapwa nila binalingan ang banda…lahat sila ay nakangiti sa kanilang dalawa, some of them even mouthed, “Congrats.”

                Pagkatapos ay sabay din nilang ibinalik ang atensyon sa isa’t isa. “You’re lucky with your friends.”

                “Yeah, but I’m much luckier to have you.” Niyakap siya nito. “Sa rang he, my sweet Chinese girl.”

                “Iyan naintindihan ko iyan, I love you yan e.” They laughed. “Wo ai ni, Fafa G!”

Nabalik sa stage ang atensyon nila nang umeksena na si Cielo. “O tapos na si Mathew beybeh. Ako naman. Itong song na ito, iaalay ko sa ‘yo kasi alam mo namang mahal na mahal talaga kita. Patay na patay nga ako sa’yo e,” eksaheradang sambit ni Cielo na halatang napipilitang sabihin ang mga linyang iyon. “Danica, kung saan ka man naroon—”

                “Oy, panget buhay pa ako! Kung makasalita ka diyan!” Someone from the crowd yelled. Hindi na kailangang hulalan pa kung sino iyon.

                “Oh di mabuti, maririnig mo pa ang iaalay ko sa’yong kanta.” Nagseryoso si Cielo waring pinaghandaan ang mga sasabihin. “Danica, this song is for you…Pusong Bato!”

                The crowd burst with laughters. Lalo pang umugong ang tawanan nang pabirong nagsialisan sa stage ang mga kabanda nito. “Oy saan kayo pupunta? Kakanta pa ako!”

                “Mag-isa ka diyan!” sagot ni Hamiel na lalong nagpatawa sa crowd.

                “Seryoso ba siya?” napapangiwing tanong ni Sophia.

                “Of course not.” He kissed her temple. “Dadamayan ko lang si Cielo sa stage. Wait me here okay?”

                She nodded.

                Matapos nga ang konti pang biruan ay nagsibalikan na sa stage ang mga kabanda ni Mathew. Cielo tried his best to serenade the famous tv show host…and Pusong Bato was not part of the serenade of course.




PREVIOUS                                                         NEXT STORY

Comments

Naiomi said…
Waaaaaaaaaaaaaaahhh! Nangingisay ako sa kilid dito! ang gandaaaaaaaaaaaa! i'm so excited sa next story. andami kong tawa kay Cielo. hahaha. Next naaaa :D
Haffle :)) said…
wuhooo! the best talaga ang senang hati! dami kong tawa sa banat ni Cielo! Hahahahaha
kiz said…
waaaaaaaaaaaahh. hahahaha. kinikilig pako wait.. haha. ihhhhhhh.. next na!!! taragis si Cielo, hahaha. ate next na please??? *beautiful eyes* hahaha
Chiichoi said…
Ang sakit naman sa puso ng song na yun! hahahahhaha! OM! Pero kinilig ako supeeeeeeeeeeeeeer! Eh bakit ba?! Mahaba ang hair ko times two! Parehong wafu ang mga fafa ko eh! Fafa Geoooooooo! Fafa Coco Naaaaaaaaaat! Mamimiss at namimiss ko na kayo kaagad! Kembz Nasaan na ang copy ko?! Chozzzzzzzzzzz! hahahahah! I love it so very very much!
Jez Galvez said…
waaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!! naiyak ako na natawa na kinilig ng bongga.. myyyyyyyygaddddddd :D
Anonymous said…
kelan po yung next story? tapos na po yung Kofi Cups and Sweets 2, pwede po bang Senang Hati Music Lounge 2 naman po? hehehe.. :D excited na po ako sa next story ng Karisma Band members.. :D salamat po.. ^_^
Melai said…
sinusulat ko pa eh. not yet done pa. hehehe
Anonymous said…
at kahit late na ako magbasa.......... wahhhhhhh kinilig at sumakit ang tiyan ko sa kakatawaaaa..... bwahhahahahahahahahahahahahahaha

-beauty-
pretty_jenny said…
oh sockz! sandaliiiiiiiiiiiii!!! kinkilig aq grabe ubeeeer! !!!!!!!!!!!! you already fafa G haha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :D ang galing tlaga ng writer! wapak!!!!!!!!!!!!!!!!!
I love their so called "samahan" o tropa.

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…