Skip to main content

Love Story by Glass Wall- Chapter Two





“Beybs, look! Tingnan mo ‘to. May mga wedding magazines na pinahiram sa akin ang wedding coordinator natin. Pag-isipan na natin ang wedding theme natin, dali!” excited na sambit ni Leanne.

                Pinuntahan niya si Zyren sa hotel unit nito para ipakita ang mga magazines na pinakita sa kanya ni Loise Dernadez-Sandoval. She was really excited to plan their wedding. Kaya naman hindi na niya hinintay na magpakita ito sa kanya. Siya na ang sumugod sa unit nito.

               She found him lying on the bed. He just lazingly gave her an annoyed look. “Naka-recover ka na agad sa depression mo? Bilis ah.”

                Hinampas niya ito sa balikat. Napasinghap lang ito at pumikit uli. “Wag mo na ngang ipaalala. Wala naman tayong magagawa kung ayaw pa nila. Pero sabi mo, that doesn’t mean titigil tayo sa preparations di ba? Kaya heto na! Kinausap ko na ang wedding coordinator natin. Siya ang nagpahiram ng mga ito sa akin.”

                “Ano ba iyan?” he lazily asked.

                “Magazines nga! Gumising ka na nga. Dapat kasi ugaliin mong matulog ng maaga para magising ka ng maaga.” Daig pa niya ang isang ina na ginigising ang anak. And Zyren was like a kid with sleepy head.

                “Pass. Antok pa ako. Ikaw na lang tumingin sa mga iyan,” sagot nito nang hindi man lang siya binibigyan ng attention. Mukha pa nga itong nag-sleep talk lang. 


                “Sabihin mo nga, gusto mo pa bang magpakasal o tinatamad ka na rin?” asar na tanong niya.

                “Leanne, I’m having some hangover! Bahala ka na kung anong isipin mo. I just want some more sleep. And even if I’m awake, makakatulugan ko rin ang tumingin sa wedding gowns, okay?” pasigaw na sambit nito.

                Natigilan siya. Yes, madalas silang magsigawan ni Zyren noon at kapwa sila walang pakialam sa mundo habang ginagawa yon. But the way he shouted on her today felt different. Nasaktan siya.

                Walang paalam na lumabas na lang siya ng kwarto nito. Her insecurities were eating her up again. Marami siyang fear. Takot siyang ma-realize ni Zyren na hindi pala sila meant to be. Takot siyang iwanan na naman nito. Takot siyang umasang muli kung sakaling umalis na ito. Kaya nga ginagawa na  niya ang initial steps sa wedding preparation para maramdaman nitong gusto niyang makasama ito habambuhay at excited siyang mangyari iyon. Maybe I should stop thinking about the marriage. Baka lalo lang siyang umasa at lalo siyang mahirapan at masaktan.

                Marami ng changes ang nangyari within eight years. Nagbago na si Zyren. Hindi na ito ang Zyren na umuusok ang tenga kapag inaasar niya. Hindi na ito si Zyren na gumagawa ng paraan para makabawi sa  mga ginagawa niyang power trip dito. Yes they both became matured but she saw something really different on him. Hindi na siya nito pinapatulan pag inaasar niya ito. Sa halip, ay nilalambing pa siya nito kapag nang-aasar siya. Alam naman niyang mahal na mahal siya nito kaya ito nagbago towards her pero di niya maalis  na sa  sulok ng puso niya na nami-miss niya ang dating Zyren. The old one who will fight against her… a rival… a competitor. Someone who will treat her as someone of the same level of his instead of being a fragile crystal like the way he treated her now. Sino nga ba ang minahal ko? Ang dating Zyren na masarap ilibing ng buhay o ang Zyren ngayon na malambing nga pero madalas, walang oras sa akin?

                How she wish she could see the old him again…but it is impossible to turn back the old one out of the new one.

                Malungkot na pumasok siya sa elevator. It was also made of one sided glass wall.  She pressed the close button. Pero bago pa man sumara iyon ay napigilan na iyon ni Zyren. “Naiwan mo.” Iniabot nito sa kanya ang mga magazines.

                Tiningnan lang niya ito without reflecting any emotion.

                “Sige na kunin mo na.”  Inilapit pa nito sa kanya ang mga magazines na hawak. Manhid ba talaga ba ang lalaking ito?

                Pero sa halip na kunin yon ay puwersahang hinila niya ito papasok sa elevator. Her martial arts expertise didn’t fail her to that easily. Then she pushed the close button.

                “Your hand is still heavy huh,” kunot-noong sambit nito sabay hilot ng wrist nito pagkatapos ay binalingan siya.

                 “I hate you Zyren! I really hate you!” She yelled. Alam niyang kahit sumigaw siya ay wala sa kanyang makakarinig mula sa labas ng elevator.

                “I love you so much, Leanne.” Knotted forehead was gone and replaced by those expressive eyes that spoke the silent language of love.

                Napikon na siya. Tuwing sasabihin niyang galit siya dito ay dinadaan lang nito sa sweet na I love you that somehow became her weakness. Inundayan niya ito ng suntok. With his skills in martial arts too, it was just easy for him to avoid her attacks. Ngayon lang niya napagtanto na lahat ng suntok na naibigay niya dito noong estudyante pa sila ay sadya nitong saluhin kahit na kaya naman pala nitong iwasan. That’s how you love me… and I missed that Zyren.  She missed the guy who will let her hit his face even once.

                “Bakit ba tuwing sasabihing kong I hate you, naga-I love you ka?”

                “I don’t hate you, Leanne. I never did. So why should I answer the same thing? I love you so much. That’s the only thing I feel towards you.”

                “You’ve changed a lot. I don’t even know who you are now. And I hate what I’m feeling!” She confessed as her tears fell down.

                Wala siyang nakitang reaction mula dito. Ang ginawa lang nito ay iwasan ang attacks niya. Lalo siyang nainis. Iniba niya ang martial arts technique para sugurin ito pero tila naubusan na rin ito ng patience. He moved a little and…boom! She was already imprisoned with his loving arms. Ngayon lang siya natalo nito sa combat. Or rather, ngayon lang nito pinakitang kaya naman siya nitong labanan kung gugustuhin nito. Ang lahat ng pagsalo sa physical abuse na binigay niya dito ay tanda lamang ng pagsuko. Now she was seeing the real Zyren. She felt being cheated and it hurts her heart so well.

                She sobbed. Tumungo na lang siya para itago dito ang sakit na nararamdaman niya.  “Bakit ka ganyan?”

                “I’m sorry if you think I changed. Ako pa rin naman iyong tinatawag mong antipatikong tipaklong noon. Kung iyong paglalambing ko sa halip na patulan ka ang tinutukoy mo, ayoko lang na makalimutan mo kung gaano kita kamahal. Parehong may nagbago sa atin, Leanne. We have no choice but to keep going. Kung hindi tayo mag-cope up, lalo tayong magka-clash.” He kissed her forehead. “Mahal na mahal kita. I can’t afford to lose you again. Sorry if I’m too cruel to you.”

                Iniabot nito sa kanya ang mga magazines.  Pero hindi pa rin niya kinuha ang mga yon.  The elevator indicator interrupted pero sa halip na bumaba sila sa ground floor ay pinindot nito ang roofdeck button. Then the elevator closed again and went up.

                He sighed. Binuksan nito ang isang magazine at pinakita sa kanya. May nakadikit ng note pad sa page na iyon ng wedding gowns. Pangalan niya ang nakasulat sa notepad. “Nakausap ko na si Loise noon pa, even bago akong mag-propose sa’yo. Nakita ko na ang mga magazines na ito and I will love to see you wearing this gown on our wedding day.”

                She was surprised. All along, iniisip niyang wala na itong pakialam sa wedding nila. Nakalimutan niyang mas nauna nga pala itong nagpalano bago pa man ito mag-propose. Lalo lang tuloy siyang naiyak. “Nakakainis ka! Sana sinabi mo na lang.”

                Niyakap siya nito. “Sorry na.  Masakit ang ulo ko kaya. Ayoko ng kinukulit ako pag masakit ang ulo ko.  Pero alam kong hindi kita dapat pinagtaasan ng boses. Kaya, sorry.”

                “Ewan ko sa’yo!”  She hugged him back.

                He moved a little enough to see her face. His thumb gently d the tears on the side of her eyes. “Wag ka ng magtampo. Tumahan ka na ha. We have to work on this. Nangangapa pa kasi tayong dalawa. Let’s find ways to bring back the old us. Iyong masaya lang at walang iniisip na ibang bagay kundi paano mapapasaya ang isa’t isa.”

                “Yeah. Maybe I should stop thinking about the marriage too much. Marami tuloy akong naiisip masyado sa kakaisip ng kasal natin.”

                “We have long time for that and we will plan that well, okay?”  By looking at his lovely eye, she knew her heart was secured.

                “Okay.” She rested her head on his broad shoulder. “Bakit tayo pupunta ng roof deck?”                 

                “You need some fresh air to clear your heads. Puro ako na lang kasi ang nasa isip mo e. Adik ka na sa akin ano?”

                She rolled her eyes. “Ikaw ang dapat magpahangin. May carbon monoxide na iyang utak mo.”

                And as usual, tinawanan lang siya nito.


                ZYREN shot his 2nd glass of brandy. Kainuman niya si Marco sa Senang Hati Music Lounge.  Recently, he got troubled of Leanne’s confession. Hindi na daw siya nito kilala. At maging tuloy siya ay nalilito na.  Hindi niya alam kung ano bang bahagi ng pagkatao niya ang gusto ni Leanne na ibalik niya o kung ano bang nakita nito sa kanyang kakaiba at sinabi nitong hindi na siya nito kilala.

                “Nag-away ba kayo ng pinsan ko?” usisa ni Marco.

                “Kelan ba kami hindi nag-away? Pero pare, this thing is a lot different.” Sumubo siya ng isang kutsarang sisig.

                “Please expound.”

                “Sinabi niyang, I changed a lot.”

                “People changed.”

                “Yeah, but it has a follow up statement. She doesn’t know who I really am now. Hindi na daw niya ako kilala. And perhaps, she’s thinking about her feelings towards me. Baka inisip niyang hindi pala niya ako mahal. Ang minahal niya ay ang old me, not this one na nakakasama niya ngayon. And if that’s the case, I’m dead.”

                “You’re really dead. Good luck.”

                “At hindi ko pa nasasabi kay Leanne na in few days, kailangan ko ng umalis papuntang South Korea at bumalik ng Hawaii to settle things bago ako mag-settle down dito.”

                “Lagot ka, pare. Pag iniwan mo iyon, wala ka ng babalikan.”

                Sinamaan niya ito ng tingin. “Pare, isinama kita dito para mabigyan mo ako ng payo.  Come on, you’re now a married man. Paano nyo nagawa yan ni Crista na maka-survive?”

                “Make her fall in love with you.”

                “Pare she already fell in love with me.”

                “Past tense na iyan, pare. Kung gusto mong tumagal kayo ni Leanne, gumawa ka ng mga paraan para ma-in love siya sa iyo ulit. Paulit-ulit. The spark and love should not stop. Kahit pa kasal na kayo, kahit pa may anak na kayo. Kami ng asawa ko, nagde-date pa rin kami once a month. We celebrate birthdays, monthsaries, and anniversaries. Iyong kami lang at hindi kasama ang baby namin. The rest of the month, we watch movie together, play along with Yumi, and comply with our obligation to each other.”

                “Thanks, I’ll take note of that. Pero pano ba iyon?”

                “Ang gulo mong kausap pare, kampai!”

                SanMig na ang iniinom nila. “Magulo ba? Hindi ko kasi alam kung paano ba siya mapo-fall sa akin. Di ba baliktad utak niyang pinsan mo?” Ngiti lang sinagot ni Marco sa kanya sabay tingin sa kung sinuman sa likod niya. “Minsan ayaw niyang nilalambing ko siya pag inaaway niya ako. Pero pag hindi naman ako naglalambing, nagtatampo siya kasi di na daw ako sweet sa kanya.  Ang gulo di ba? Bakit nga ba ako na-in love sa babaeng magulo na iyon?”

                May biglang umakbay sa kanya. “Ewan ko rin nga kung bakit ako na-in love sa antipatikong tulad mo e. Ano? Quits na? Ganda ng overtime mo sa trabaho ha. Sinong amo mo? Si SanMig?”

                Napangiwi siya. Hindi siya nagpaalam kay Leanne na magba-bar sila ni Marco. Ang sinabi pa niyang palusot ay marami siyang hinahabol na paperworks para sa ZLCD Services, ang negosyo niyang naiwan sa Hawaii. Pero pag minamalas nga naman, heto siya’t huling-huli.

                “Leanne, nagkayayaan lang kami. Kaorasan na kaya di na ako nakapagsabi sa’yo,” sambit niya.

                “Talaga?” nakakalokong lambing nito sa kanya. Nakikinita na niya. Lagot na naman siya dito. “Kay pareng SanMig may oras ka, sa fiancée mong cute wala?”

                “Pati beer pagseselosan mo?”

                “Wag mo nga akong ganyanin. Mambababae ka dito ano?”

                 “Kung babae si SanMig, oo ang isasagot ko sa’yo.”

                “I’m dead serious here!”

                “I’m deadly in love with you too. Kaya wag mong isipin na mambabae ako okay?”

                Akma namang may dumaang group of girls sa tabi nila. They all greeted him, “Hi Zyren!” Alanganing ngumiti lang siya sa mga iyon. The next thing he knew, binatukan na siya ni Leanne. At dahil may tama na nga ng alak ay nahilo siya sa ginawa nito.    

                 “Deadly in love pala ha. Wag kang lalapit sa akin kung ayaw mong ako ang maging cause of death mo!” Then she walked out.

                “Paano niya nalamang andito ako?” tanong niya kay Marco.

                Nagkibit-balikat ito. “Baka sinabi ng asawa ko.”

                “Eh bakit mo sinabi sa asawa  mo?”

                “Ah, nakalimutan ko palang sabihin sayo na ang golden rule ng marriage ay honesty.”

                “Crap!” Kumuha siya ng pera sa wallet at ipinatong iyon sa mesa. “Pare ikaw na bahala pag kulang!” Tumayo na siya para sundan si Leanne. 

                “Sige pare, good luck.”


                HIGH BLOOD na nagmartsa palabas ng Senang Hati Music Lounge si Leanne.  Ayaw niya talaga sa lahat ay niloloko siya. Tiwalang-tiwala siya kay Zyren na nasa hotel lang ito at nagpapakalunod sa trabaho pero nakumpirma niyang sa bar pala ito nagpapakalunod. At naabutan pa niya itong may tama na ng alak at nakikipagngitian pa sa mga babae.

                “Nakakainis!” Niyaya niya itong mag-movie sila sa bahay ng mga romance movies. Andami nitong reasons na inakala niyang valid.  Hindi naman niya ipagkakait dito ang sapat na oras para magtrabaho kaya hindi na siya nagpumilit. She planned to bring him some food. Pero walang tao sa unit nito. She tried to find where he was at nakuha niya ang iba pang detalye kay Crista. Magkainunan daw ang pinsan niya at si Zyren.

                 Naalala niya ang mga babaeng ang lalagkit ng tingin sa fiancé niya. Di pa nakuntento, flirty na binati pa ito ng mga iyon. At ang may pagka-antipatikong fiancé niya, tinapunan pa ng matamis na ngiti ang mga yon kahit kaharap na siya.

                Asar na naghintay siya ng masasakyang taxi nang may familiar na lalaking dumaan sa harap niya. Nilagpasan siya nito ngunit tila pareho silang napaisip na familiar sila sa isa’t isa kaya naglakad ito pabalik para silipin uli siya. There she recognized the guy. 

                “Leanne!”

                “Uy, Jerick!”  It has been years since she last saw him. Ang masugid niyang manliligaw noon na palaging tinatawag ni Zyren na mukhang paa kahit hindi naman.

                “Oh, kamusta ka na? Still gorgeous ah. Balita ko nagma-manage ka na ngayon ng hotel.”

                “Sa Tito ko iyon, napasabit lang ako. Eh ikaw?”

                “Auditor na ako. DTI Representative sa mga game shows.” Nagpatingin-tingin ito sa paligid. “Nasaan ang asawa mo? Wag mong sabihing hiwalay na kayo ni Zyren.”

                Naku patay! Noon lang din niya naalala ang dramang ginawa nila dati. Nagpanggap silang young parents ni Zyren para lang lumayo na ito at tumigil manligaw sa kanya. “Ah, nasa loob pa siya, may naiwan do’n.”

                “I see. I have to go. Take care. Nice seeing you here,” paalam nito.

                “Okay.”

                He started walking away nang bigla itong huminto at muling binalingan siya. “Leanne, alam kong hindi naman kayo mag-asawa ni Zyren at wala kayong anak. It’s just, alam kong mahal mo siya kaya nagpaubaya na ako. Sana tumagal pa kayo.”

                Napangiti siya. “Salamat Jerick.”

                He waved goodbye. Tama si Jerick, wala naman talagang mas mahalaga kundi ang katotohanang mahal niya si Zyren noon pa man. Nagbago man ito, madalas man ay wala itong oras sa kanya, at tumitingin ito sa ibang babae, ang mahalaga ay siya ang pinili nito.

                On cue may narinig siyang usapan na nagpalingon sa kanya.

                “You’re good-looking. I go straight forward. I think we should go out some time to know each other well, Zyren,” sambit ng isang babae dito sabay kapit sa braso ng fiancé niya. Nasa main door ng bar ang mga ito. They were just few meters away from her, enough for her to hear the conversation.

                Mukhang hindi naman alam ni Zyren na nakikita niya ang nangyayari dahil di man lang siya nito tinapunan ng tingin. Marami din kasing bystanders sa labas ng bar.

                Kahit di siya nakikita ay nagtaas pa rin siya ng kilay. Subukan mo lang sumama diyan, tipaklong ka! Iihawin kita ng buhay!        

                In her mere surprise, umiling lang si Zyren at dahan-dahang inalis ang kamay ng babaeng nakapulupot dito. “Sorry but I’m already engaged to a woman I decided to live with the rest of my life. Hanap ka na lang ng iba. I’m hundred and one percent taken.”

                “Oh, sorry. Sige.” Umalis na agad ang babae pagkatapos noon at naiwan si Zyren na nagpapalinga-linga na tila may hinahanap.

                Napababa ang pagkakataas ng kilay ni Leanne. She found that scene sweet. Pwede naman nitong samantalahin ang sitwasyon para maka-good time kasama ang babaeng iyon. But, Zyren chose to tell the world that he was already hers. Totoo nga siguro ang sinasabi nitong hindi ito nambababae na palagi naman niyang naiisip na ginagawa nito.  Alright with that sweet thing, I’ll forgive you.

                Hindi na niya hinintay na makita siya nito. Siya na ang kusang lumapit.  “Oy, panget!” Hinila agad niya ang kamay nito. “Tara na umuwi na tayo.”

                Tulad ng dati ay hindi man lang ito nagreklamo sa pagkalakad niya dito. “Di ka na galit?”

                “Nagalit ba ako? Normal mode ko iyon di ba?” She winked.

                “Agggh! Woman! You’re so complicated!”

                “And cute. Don’t forget that last one.”

                “And crazy.”

                Sumakay na sila sa kotse nito at tumuloy sa bahay niya.



PREVIOUS                                                                   NEXT 

Comments

Rika said…
wer is the next bottom? next na please.. naiihi ako sa kilig utang na loob haha.. :P
Naiomi said…
ahhh! Nakakangisay ssa kilig ito. ang ganda! Next na plssss :)
kiz said…
hahaha baliw ka Leanne. ang lukring. hahaha dame kong tawa. ihhhhhh kakilig. next na!!!

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…