Skip to main content

Love Story By Glass Wall - Chapter One




“Ikaw talagang lalaki ka! Hindi ka na talaga nagbago!” Leanne burst out as she entered her office.  It was the first day of being in relationship with Zyren. Pero ang loko-loko niyang bf walang ibinigay sa kanya  kundi ngiti lang  nang magkasalubong sila sa hallway. “Magpanggap bang hindi ako kilala? Porket may seksi at magandang kausap na client?” gigil na gigil na hirit pa ni Leanne in no one in particular. Parang batang nakaluhod siya against sofa at nakatanaw sa kabuuan ng Maynila mula sa glass wall na haligi ng office niya. Kulang na lang ay mag-crack ang glasswall sa pagkaasar niya. “Ang ganda-ganda pa naman ng make up ko ngayon para lang sa’yo. Ang ganda-ganda din ng ilusyon ko sa pagkikita natin pero sinira mo!”

               Binalikan niya ang nangyari kanina. She was a bit rushing going to her office. Sa sobrang pagka-hook niya kasi sa wedding proposal kahapon ni Zyren ay halos di siya nakatulog sa excitement kaya ang ending ay tinanghali siya ng gising. Pagkalabas niya ng elevator sa 20th floor ay nakita niya ito dashing with a business suit. Zyren was still an awesome eye-catcher like before.  Since they separate ways for eight years, a lot from his physical attributes were developed. Mas maganda na ang built ng katawan nito at mas naging attractive ang features ng mukha nito. And above all, he developed a charisma that can nail any woman just with a smile.



                Tila huminto na naman ang mundo niya tulad kahapon nang muli niya itong makita after years. They were on both sides of the hallway. Parang pampelikulang eksena ay naglakad sila papalapit sa isa’t isa, nakatitig sa bawat isa ng may pananabik. In her day dreaming it should be followed by touches then a fierce sweet kiss supposedly but… nothing happened. Bago kasi sila magkalapit ng husto ay may bumukas na pinto at may lumabas na seksing morenang babae na agad sumunggab sa boyfriend niya. She was one of his clients. Dahil kasama ang negosyo sa dahilan ni Zyren kung bakit siya umuwi ng Pilipinas, wala itong nabigay sa kanya kundi ngiti lang habang ang kasama nito ay nagsisimula ng mag-talk about business. In return, nginitian niya rin ito…ngiting aso sabay walkout.

                “Why did I fell in love with that handsome insensitive grasshopper?” Napabuntong-hininga siya. “Maybe yesterday was just a dream.” Walang sweet kisses at proposal na naganap at nag-ilusyon lang siya. Ngunit napansin niya ang suot na engagement ring. “But no, nag-propose talaga siya. So, bakit ganon ang treatment niya sa akin kanina?” Upset na  tumayo na siya at  nagtungo sa working table. Mas maigi pang magtrabaho kesa isipin kung bakit ganon ang boyfriend niya. Nagulat siya nang makita ang isang note na nakapatong sa swivel chair niya. Kinuha niya iyon bago umupo.

               Look at the glass wall in front of you beybs!
                Awtomatikong napaangat siya ng tingin. Ang nasa harapan niya ay one-sided glass wall. Nakikita niya ang mga nagdadaan sa labas ng office niya pero walang idea ang mga taong nasa labas na nakikita niya ang mga ito at wala ring nakakakita kung anong nangyayari sa loob ng opisina niya. Naningkit ang mata niya nang makitang sa tapat pa mismo ng office niya nakatayo si Zyren at ang morenang sumira ng first morning nila ng long lost beybs niya. The girl was facing her direction at nasa tapat naman nito si Zyren na nakatalikod sa kanya. Nananadya ba ang lokong to? Pero naagaw ng atensyon niya ang hawak na papel ni Zyren sa likod nito. It has note in it.

                Happy first morning, Leanne beybs. Have your breakfast in the pantry. Love you.

                Lahat ng ngitngit niya kanina ay natunaw na ng sweetness nito. Pinanood na lang tuloy niya ito.  Habang abala ito sa pakikipag-discuss sa client nito ay nagawa pa rin nitong maglambing sa kanya. Seems like my love is a multi-tasking expert.   She smiled and rushed herself to the pantry.  May pagkain na ngang nakahain sa mesa at may bouquet of flowers pa.

                Lunod sa kilig na umupo siya at pinagmasdan ng mga pagkain. Hanggang sa bigla siyang nahiya. Siya ang babae at dapat siya ang naghahanda ng breakfast para kay Zyren pero ito pa talaga ang nakaisip ng bagay na iyon. At siya, ni hindi niya nga naisip na dapat niyang ipaghanda ng pagkain ito. Nahiya tuloy siya sa sarili niya.

                Yakap mula sa kanyang likod at malambing na halik sa kanyang pisngi ang umistorbo sa pagninnilay niya. It was Zyren’s loving arms that comforted her. “O bakit di mo pa ginagalaw iyan? Walang lason iyan,” pabirong sambit nito.

                She smiled. “Hindi naman iyon ang iniisip ko.”

                “Ano?” Bumitaw ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Sinalubong siya ng nag-aalang  mga mata nito. “May problema ba? Di mo gusto ang hinanda ko? Makikipaghiwalay ka na agad sa akin?”

                Napakunot ang noo niya. “Eksaherada ka ha. Di ano.”

                “Eh ano?” Sinapo nito ang noo niya. “You don’t have fever. Masama ba ang pakiramdam mo?”  Bakas pa rin sa mga mata nito ang pag-aalala.

                “Hindi.” She teasingly smiled to him to cast away the worries in his eyes. “Baka kasi may gayuma iyan. Ayokong maging patay na patay sa’yo.”

                He laughed and moved closer to her. Sa gulat niya ay napaatras siya. Napasandal siya ng sagad sa upuan. “Hindi na kita kailangang gayumahin pa, Leanne. Kasi noon pa naman, alam kong patay na patay ka na sa akin.”

                “Ang yabang mo talaga.” He continued moving closer. And she continued moving farther. “Ah, Zyren…”

                “What?” He was lovingly staring at her. And with that teasing and lovely smile joined by his expressive eyes, she knew he would claim her lips again and she will turn hypnotized with his charms too.

                “W-what are you doing?”  Her heart skipped. The rhythm of her heart was starting to play music. Di pa rin niya maipaliwanag ang pakiramdam na iyon pero gustung-gusto niya iyon.  Fresh na fresh pa sa isipan niya ang mga halik nito nang mag-propose ito sa kanya. Those were the moments she would love to treasure over and over again.  Pero sa di rin niya maipaliwanag na dahilan ay parang di pa ata siya ready para sa kissing moment na naman.

                “Claiming my reward as your loving fiancé.”

                “Teka—ay!” Aawatin sana niya ito dahil naninibago pa siya sa mga kissing scene nang akmang matumba ang inuupuan niya sa kakalayo niya dito. Maagap namang napigilan nito ang tuluyang pagtumba ng upuan at naiayos iyon. Out of pagkapahiya ay pasimpleng umayos na lang tuloy siya ng upo.

                “Are you hurt?” Nag-aalalang tanong nito.

                Umiling siya.  “Sorry.”

                “Bakit ka nagso-sorry?”  Hinawakan nito ang kamay niya. Nailang siya. Wala siyang naging boyfriend kundi ito kaya lahat ng nararamdaman niya mula nang bumalik ito ay mga bago sa kanya. Kahit ang simpleng paghawak nito sa kamay niya ay hindi pa siya sanay. “Naiilang ka ba sa akin?”

                Nahihiyang tumango siya. “Nabibigla kasi ako, Zyren. Hindi pa ako sanay. Para ngang hanggang ngayon di pa ako makapaniwalang eto na tayo. Dumating ka na, binalikan mo na ako and I’m wearing your ring.”

                He sighed. Tumayo ito at nilapitan siya. Niyakap uli siya nito sa balikat mula sa kanyang likod. “Hindi din naman ako sanay e. Ni hindi ko nga alam ang tamang gagawin para maparamdam ko sayong mahal na mahal kita. Kaya kung ano na lang ang maisipan ko, iyon na. We have all the hours, days, weeks, months and years together to cope up, beybs. Don’t worry about it okay? Makakasanayan din natin lahat ito.”

                Napagaan ng sinabi nito ang kalooban niya. Good thing she had a very understanding fiancé. “I love you, Zyren. Thank you again for coming back.”

                He kissed her temple. “Ikaw ang unang dahilan kaya umuwi ako. Secondary lang ang trabaho. And I’ll try to stand with my words. Hindi na ako mawawala sa tabi mo beybs. Just let me stay.”

                Niyakap niya ang dalawang braso nitong nakayakap pa din sa  kanya. “I will do my best to be a good girlfriend.”

               “No, I don’t need a good girlfriend. I just want you. Good and bad, I love the real you.”

                Napangiti siya sa sobrang kilig. “Grabe, praktisado ka sa banat ah. Siguro may mga babae ka nga don at echoz lang na wala.”

                Bumitaw na ito sa kanya. Hinila nito ang isang upuan at tumabi sa kanya. “Wala talaga. Selosa!” He pinched her nose.

                “Which reminds me, mas inuna mo pa ang babaeng morena na iyon kesa sa akin kanina,”  asik niya sabay taas ng kilay.

                “Nope. Inuna kong lutuin ang mga ito bago iyon.”

                “Binobola mo lang ako.” Inirapan niya ito.

                He sighed. “Selosa ka talaga. Kumain na lang tayo kesa pagselosan mo sila. Walang naman sila sa akin dahil ikaw ang commander ko.”

                “Talaga?” She gave him a teasing doubt look.

                “Oo naman.” He winked. “Wala ka bang bilib sa ubod ng pogi mong mapapangasawa?”

                “Sa mapapangasawa meron sa ubod ng poging sinasabi mo, wala!” pambabara niya dito.

                “Eh totoo naman yon ah!”

                She curved a smile and lovingly looked at him. “Patingin nga?” Tiningnan niya ito  na parang  ini-inspect niya ang bawat anggulo ng guwapo nitong mukha. “Saang banda ba diyan ang sinasabi mong pogi?”

                He grinned and pointed his kissable lips. “Ito. Dito ka lang naman laging nakatingin e.”

                She was caught off guard.   All along, napapansin pala nitong favorite niyang sulyapan ang lips nito. Napaiwas lang siya ng tingin kasabay ng init na naramdaman niya sa pisngi niya.

                He caressed her cheeks. “You’re really look lovlier when you are blushing because of me.”

                Binalingan niya ito at saka binelatan.  “Guwapong bolero. Kumain na nga lang tayo.” Sinimulan na niyang mag-serve ng food sa plato nito. The feeling was new. Oo nagsisilbi siya sa mga magulang at sa dalawang kapatid. Pero ang magsilbi sa taong mahal niya…kakaiba sa pakiramdam. Pagkatapos niyang i-serve dito ang food ay nagsalin naman siya ng pagkain sa plato niya. Until she noticed that he suddenly became quiet. “Kain na.” Binalingan niya ito and discovered that he was just lovingly watching her.  Napaiwas tuloy siya ng tingin. “Bakit ka ba ganyang makatingin?”

                “Nagdadasal lang ako na sana di ka na mawawala sa akin.”
                Those sweet words reached her heart. And though she’s uneasy with the situation, she knew she must show him how lucky she was to be his girlfriend. Buong tapang na binalingan niya ito.  Busy na ito sa pagkain. “Zyren…”

                “Hmmm?”

                “I love you so much beybs.”

                “I know. I love—” Hindi na nito natapos ang sasabihin. She pulled his necktie and lovingly kissed him.


                “KAILANGAN perfect ‘to!” bulalas ni Leanne habang nagluluto. It was Sunday afternoon and she was already preparing food for the dinner. Mahalaga ang dinner na iyon para sa kanya. Napagkasunduan na kasi nila ni Zyren na sasabihin na nila sa magulang niya na magpapakasal na silang dalawa. Ang mga magulang lang niya ang may alam tungkol sa boyfriend niya. Ngunit di niya ipinaalam sa mga ito ang tungkol sa kasal.  Siguradong mabibigla ang pamilya niya at clueless pa siya sa magiging general reaction at comments ng mga ito kaya sisimulan niya ang gabi sa masasarap na pagkain.

                Kabado siya hindi para sa sarili kundi para kay Zyren. First time kasi nitong haharap sa pamilya niya. Abot- abot ang hiling niyang sana ay magustuhan ito ng magulang para sa kanya.  She was busy preparing her specialized pasta sauce when her phone rang. Napangiti siya nang mag-appear ang pangalang Zyren Beybs sa screen ng kanyang IPhone.  Agad niyang sinagot ang tawag.

                “O bakit? Miss mo ako?” lambing niya dito.

                “Kapag wala ka sa tabi ko talagang nami-miss kita pero hindi iyon, Leanne. I think I’m a bit lost. Saan ba bahay nyo?”

                She laughed. “Aba hanapin mo!”

                “Ang sama mo talagang babae ka. Para namang kakaunti ang bahay dito sa village. Di mo rin naman sinabing halos pare-pareho ang house design ng houses dito ah. Come on, tell me the block.”

                “Problema mo na iyan. Kinukwento ko ng maayos kagabi kung saan ang location ng bahay namin but you’re not giving me attention. Mas inuna mo pa ang mga business papers mo. Bare with the pain, hanapin mo ang bahay namin. Pag di ka dumating in five minutes, di na ako magpapakasal sa’yo!”

                “What?”

                She cut the call and laughed wickedly. Minsan talaga masarap yanagin ang mundo ni Zyren. She found him a lot cuter whenever he’s in panic of the threat of losing her. Halatang-halata ditong mahal na mahal siya. Binalikan niya ang nilulutong sauce at inasikaso na ang food presentation habang inoorasan ang boyfriend niya. A minute before the five minute deadline, she heard a familiar horn of a car.  Napangiti siya. Impressive!

                Dala ang matamis na ngiti ay lumabas siya ng kusina. Naabutan niya ang dalawang nakababatang kapatid na sina Toff at Chad na parang walang narinig na pagbusina ng sasakyan sa labas. Toff was a Chef in Chembrant, isa sa dalawang food concessionaires sa Neryz Ennael kung saan din siya nagtatrabaho bilang General Manager while Chad was a licensed orthodontics. Abala ang dalawa sa PS3. Ito lang ang ginagawa ng dalawa niyang kapatid pag off sila sa trabaho.

                “Wala talaga kayong pakialam sa mundo ano?” sita niya sa mga ito.

                “I care only about the food I cook and this game,” sagot ni Toff, still focused on PS3.

                “I care only about the tooth, teeth or tee-tooth,” patawang hirit naman ni Chad.

                She laughed. “Anong tee-tooth?”

                “Teeth in a tooth. Pauso ng mga batang pasyente ko.”

                 “Sows! Wag mong turuan ng kalokohan ang mga batang pasyente mo. Tumayo kayo riyan, ipapakilala ko sa inyo ang boyfriend ko.”

                Natigilan ang dalawa, kagyat nakalimutan ang nilalaro. Nagkatinginan pagkatapos ay shocked na napatingin sa kanya. “Seryoso?” korong tanong ng dalawa.

                “Oo.” Katok na sa pinto ang narinig niya. She walked towards the main door. Unahan naman ang dalawa niyang kapatid na sundan siya.

                “Mag-aasawa ka na ba ate?”                        

                “Saan mo nakuha ang boyfriend mo? Mapagkakatiwalaan ba iyan?”

                “Mahal ka ba niyan?”

                “Matagal na ba kayo?”

                Sunod-sunod ang tanong  ng mga kapatid niya. “Mamaya na ang tanungan. Mahal ko siya kaya pakisamahan nyo ng maayos ha,” pakiusap niya.

                “Depende. Dapat kinikilatis iyan e,” sagot ni Toff.

                Umiiling na binuksan niya ang pinto. Bumungad sa kanya si Zyren. May dala itong isang kahon na palagay niya ang may lamang cake at bouquet of flowers. He looked dashing as usual in simple polo and jeans.  Ang guwapo talaga ng fiancé ko. Pa-kiss nga beybs!

                 “Am I late?” tanong nito kahit kitang-kita namang confident itong hindi ito late. He was teasingly smiling. She felt her heart skipped. Ang yabang lang e, pero ang cute din. He won. Plus pogi points na naman ito sa kanya.

                Nangingiting  umiling siya. “One minute advance ka pa nga.”

                He breathed as a sign of relief. Pagkatapos ay lumingon ito. “Marco, pare! Salamat.”

                Saka lang niya napansin na papasok na rin ng gate nila ang mag-asawang Marco at Crista.  Dalawang taon ng kasal ang dalawa. “Sagot mo inuman mamaya,” tugon ni Marco pagkatapos ay kumaway sa kanya.

               “Oo ba.”  Pagkatapos ay binalingan uli siya nito.  

                “Bongga! Ano bang meron at invited kami?” tanong ni Crista.

                “Secret!” Biro niya sabay baling uli kay Zyren na as usual, tintitigan na naman siya.

                “So, masaya ka na? Nataranta mo na naman ako.”

                She rolled her eyes. “Okay na sana eh, may daya ka naman palang ginawa.” 

                “Paraan ang tawag do’n.”  Ibinigay nito ang bouquet of flowers sa kanya. Hahalik na sana ito sa pisngi niya nang sunud-sunod na tumikhim at nag-ubo-ubuhan effect pa ang kanyang mga kapatid.

                Pasimpleng napangiwi silang dalawa.  Sa sobrang focus niya sa boyfriend ay nakalimutan na niya ang dapat niyang unang ginawa. “Ah beybs, meet my brothers Toff and Chad.” Binalingan niya ang mga kapatid na sa unang pagkakataon ay nakita niyang seryosong-seryoso ang mga mukha. Nakipagkamay ito sa mga kapatid niya. “Siya si Zyren.”  

                Nagkatinginan ang mga kapatid niya. “Your mortal college enemy?” tanong ni Toff and she just nodded.

                “Iyong sinubukan mong kulamin pero di tinablan?” tanong ni Chad.

                “What?” bulalas naman ni Zyren na nasundan ng tawang wagas nina Marco at Crista.

                Binatukan niya ang kapatid. “Wala akong kinukulam ha. Ang galing mong magdagdag ng kwento. Dentist ka. Hindi writer.” Binalingan niya si Zyren. Nagpipigil na itong tumawa. Hinampas niya ito sa balikat sa inis.

                “Aray naman!” reklamo nito sabay hilot sa balikat nito.

                “Wag mong sabihing naniniwala ka?” asik niya. She can’t believe she will marry this guy na ang prime hobby ay pagtawanan siya ever since. Paano nga naman niya hindi rin magiging hobby ang tarantahin ito kung palagi rin siyang pinagtitripan?

                “Di pa masyado. Yaan mo mamaya magpapatawas ako.”

                That earned him a round of laughs. Si Leanne lang ang hindi tumawa. “Ewan ko sa inyo.” Nagpatiuna siya. “I prepared some food.” Pinapasok na niya ang mga bisita.  Zyren just automatically grabbed her hand. Nabalingan niya ito nang mapansing nanlalamig ang mga kamay nito. “Okay  ka lang?” Nag-alala siya.

                His freehand tapped his left chest. “Ninenerbyos lang.”

                She kissed on his cheeks. “Pampatanggal nerbyos.” 

                “Ang sweet nyo naman!” sita ni Crista.

                “Oo nga. Nagbunga talaga ang set up natin ano?” dagdag pa nio Marco. These two were the people behind their so called love story by headlines. Kung hindi sila na-power trip ng dalawang ito na nag-play cupid noong college pa lang sila, malamang walang magbeybs na Leanne at Zyren ngayon.

                Sabay na pabirong tiningnan nila ng masama dalawa ang mag-asawa.

                “Ahm, aalis na ba kami?” nakangiting tanong ni Marco.

                “Hindi, umupo na kayo sa mesa, may lason iyong servings para sa inyo,” hirit niya. They laughed.

                “Bongga!” hirit ni Crista.


                KABADUNG-KABADO si Zyren habang kumakain siya kasama ang pamilya ni Leanne at mag-asawang malapit sa kanila pareho. Ipinaalam na kasi nila sa mga ito na niyaya na niya si Leanne na magpakasal. At mukhang mapupurnada pa ata ang kagustuhan nilang maikasal na. He had his long years away from Leanne and now that she’s already there beside him, he would do anything just to be sure that she will never walk away from him.

               “Agad-agad? Di ba kakasimula lang ng relasyon nyo?” tanong ng ama ni Leanne. Mukhang di ata okay sa mga ito ang pagpapakasal nila.

                “Matagal ko na pong minamahal ang anak nyo at ganon din po siya sa akin. At sa tingin naman po namin, wala naman pong masama kung magpakasal na kami,” katwiran ni Zyren.

                “Oo nga Tito Nanding, kami ni Marco alam namin ang bonggang love story nila. Magiging nasa mabuting kamay naman si best friend sa kanya,” hirit pa ni Crista.

                “I agree sa asawa ko, Tito. At saka kung iyon ang gusto ni Leanne, nasa tamang edad na naman po siya, hayaan na natin,” dagdag pa ni Marco.

                Lihim na nagpapasalamat siya sa mga kaibigan. May katulong siyang mangatwiran. Totoo palang nakakanerbyos ang kastiguhin ng mga future in laws.  Mas gugustuhin pa siguro niya ang impromptu na mag-talk about businesses na hawak niya para makakuha ng investor kesa ang mai-hot seat ng pamilya  Dellano. 

                Binalingan siya ng ama ni Leanne. “Kahit na, kakasimula pa lang ng formal relationship nyo.”  

                “Iba ang nagmahalan lang sa magkasama at nagmamahalan. Pag nagpakasal kayo, lifetime commitment iyon. Kahit mag-away kayo, wala kayong choice kundi magkabati dahil kailangan nyong panindigan ang marriage nyo. Hindi pwede ang away bati na gawain nyo noon ha. Subukan nyo munang magkaroon kayo ng mahabang panahon na nasa formal relationship kayo at para lalo nyo pang makilala ang isa’t isa. May mga couple nga riyan na inakala nilang perfect na sila sa isa’t isa pero after maikasal saka nila nare-realize na hindi pala. Ayaw naming mauwi kayo sa ganon,” dagdag pa ni Tita Mely, ang ina ni Leanne.

                “Right. Bakit ba kayo nagmamadali?” usisa ni Toff.

                “Hindi ka naman siguro buntis ate,” dagdag pa ni Chad.

                “Hindi!” sagot ni Leanne. She sighed. Halatang na-upset ito sa kinalabasan ng pamamaalam nilang magpakasal. Siya man ay nalulungkot pero wala silang magagawa. Kailangan nilang sumunod sa magulang. “Sa madaling sabi, ayaw nyong magpakasal kami?”  malungkot na sambit nito.

                “Hindi kami tutol diyan, anak. Wag lang ngayon dahil masyado pang maaga para sa inyo iyan,” tugon ng ama nito.
                He squeezed Leanne’s hand tight. Mahirap mang tanggapin pero may punto ang magulang nito. Naging agresibo nga siguro sila ni Leanne sa desisyon ng pagpapakasal. Binalingan siya nito. “Ang sinasabi ng pamilya mo, kilalanin muna natin ng husto ang isa’t isa bago tayo magpakasal. Ikakasal pa rin tayo pero hindi sa date na napagkasunduan natin.”

                “Pero…” A trace of disagreeing was reflected in her eyes. Kung hindi lang kaharap ang pamilya nito ay baka kanina pa niya itong nayakap at nahalikan para mawala ang lungkot na nararamdaman nito. They imagined a perfect wedding coming in few months. Pero lahat ng iyon ay maiisang-tabi muna pansamantala.              

                “Leanne anak, hindi ka namin pipigilang mag-asawa. Ang gusto lang namin pag pumasok kayo diyan ay pareho na kayong handa.”

                Leanne didn’t say anything. Alam niyang masama na ang loob nito.

                Binalingan na lang tuloy siya ng ama nito. “Zyren, sa susunod na taon pumili kayo ng date sa huling quarter ng taon. Siguro naman sa mga oras na iyon ay handa na kayo. Kung gusto ninyong mag-prepare na ngayon, kayo ang bahala. Ipagkakatiwala ko ang anak sa’yo kaya aasahan kong iingatan mo siya.”

                “Salamat po. I’ll promise, I will never let all of you down. Leanne, will be in good hands.” Maluwag na lang niyang tinanggap ang resulta ng paghingi nila ng blessing sa pagpapakasal pero ang girlfriend niya ay hindi. Walang sabing tumayo ito at lumabas ng kusina. Nag-excuse na rin siya para sundan ito hanggang sa makarating sila sa lanai ng bahay.

                Umupo ito sa hakbang ng hagdan at tumabi siya dito.  That’s when he found out that she was crying. His heart broke. “Leanne…” Inakbayan niya ito at inihilig ang ulo nito sa dibdib niya. “Hey, calm down. Wag ka ng umiyak.” Kinuha niya ang panyo sa bulsa at malambing na pinunasan ang luha nito.

                “Ang unfair nila. Ano bang masama kung magpakasal na tayo? Ayaw ba nila akong sumaya?”  She sobbed.

                “Understand them. They only want all the best for you…for us. At saka okay na rin iyon kung sa isang taon pa tayo magpakasal. May mahabang oras tayo for preparation.”

                Tiningnan siya nito ng masama. “So ako ang may problema dahil gusto ko ng maikasal at kampi ka sa kanila?”

                “Hindi naman sa  ganon—Leanne!” Kumawala ito sa kanya, mabilis na tumayo at nagmartsa papasok ng bahay at nagdiretso sa kwarto. “Leanne, mag-usap muna tayo saglit—”

                Huminto ito sa paglalakad at binalingan siya. Naalarma siya nang alisin ang engagement ring at ibinigay sa kanya. “Tutal naman, oo ka na lang ng oo sa kanila e sila na lang pakasalanan mo!” She continued walking.

                “Ano ba naman, Leanne!”

                Itinulak siya nito papalabas ng kwarto nito at saka padabog na isinara ang pinto. Muntik pang sa mukha niya tumama iyon kung hindi lang siya nakaiwas. Napangiwi na lang siya.

                “Matampuhin siya at short tempered. Ilan lang iyan sa dapat mong malaman sa kanya,” sambit ni Toff.

                Lumingon siya at nakitang andoon at nanonood ang lahat. Kita nila ang naganap. “Oo nga e.”

                Inabutan siya ni Chad ng isang bote ng SanMig. “Care to know more about her?”

                “I’m glad to.” He smiled. “Cheers!” He raised the bottle. Mas maiigi pa nga sigurong makipag-inuman sa mga kapatid ni Leanne kesa suyuin ito.

                Then the door of Leanne’s room just drastically opened. Napalingon tuloy siya doon. Leanne was giving them a threatening look. “Sige, pagchismisan nyo pa ako. Hindi ko kayo kakausapin forever! I hate you, Zyren!”

                “Yeah, I love you too.”

                “Tse!” It was followed by another slamming of the door.



                                                                                           NEXT

Comments

Rika said…
next! next! next! next na please!! kilig!!! :P
haffle :)) said…
nakakatuwa si leanne! Hahaha :">
Anonymous said…
astig ng story! :D next story po please.. :D
Anonymous said…
waahh!!! hahaha :) nakakakilig naman!! hehehe :) next na ate melai :))
-Ericka
Ericka said…
hahaha.. kakilig :))
Naiomi said…
sobrang nakakakilig naman!! nakakatuwa sila.. nakakatuwa si Leanne.. ang ganda.. next naaa :)
kiz said…
HAHAHAHAH. kinikilig ako na natatawa. namiss ko tong dalawang to!!! :D
Gladdys said…
Matagal ko ng hinahanap ang blog nyo. nandito lang pala. HaAy... Sa wakas. haha... I'm addicted to your stories. :)
Melai said…
maraming salamat pows. haha :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…