Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: When God Takes The Action- Part 3




Parang pirated dvd na nagpaulit-ulit sa gunita ni Icee ang huling araw na nagkasama sila ni Lee. That scene…that kiss…para iyong bangungot na ayaw siyang tantanan. Nang magkunwari siyang nawalan siya nang malay matapos ang nakakawindang na halik nito ay agad siya nitong ibinaba mula sa kampanaryo at dinala sa silid ng pari. Doon na rin siya kunwaring nahimasmasan. Nalaman niyang minsan na rin palang naging sacristan doon si Lee. Nang bumuti na ang pakiramdam niya ay nagbyahe na sila pabalik ng Maynila.  Tahimik na ang naging byahe na iyon. At tila pareho nilang ginustong ibaon na lamang sa limot ang nangyari. Maaring nadala lang si Lee at kasalanan niyang nagpaubaya siya.

                Pero hindi niya talaga makalimutan ang eksenang iyon. Ginawa na niya ang lahat. Nagpaka-busy na siya sa trabaho.  Nilunod ang sarili sa panonood ng asianovela pero wala pa rin. Tuwing makikita niya si Lee Min Ho na favorite Korean star niya ay naaalala niya si Lee na laman naman ng puso’t isipan niya kahit i-deny pa niya ng bonggang-bongga.  Hindi na niya alam ang gagawin. Humingi na siya ng payo sa kanyang ina pero parang ayaw niyang sundin ang payo nito.

                “Minsan anak kahit pigilan mo ang sarili mo, may mararamdaman ka pa rin sa isang tao kung talagang siya ang pinili ng puso mo. Minsan hindi rin sapat na isipan mo lang ang sinusunod mo. Tama lang ang alam ng isipan ng tao…at hindi ang totoo. Walang mali kung magkagusto ka sa kanya. Magiging mali lang iyon kung ordained priest na siya bago nangyari ang lahat ng iyon. Kung mahal mo siya…palayain mo ang karapatan mong magmahal, wag mong pigilan ang puso mo…”  


Memoryado pa rin niya ang sinabi ng kanyang ina. At hanggang sa mga oras na iyon ay magulo pa rin ang isipan niya. Kung tutuusin marami siyang dapat asikasuhin pero hindi siya maka-concentrate. Malaking tanong pa rin kasi sa kanya kung bakit siya hinalikan ni Lee? Is he just grabbing the opportunity to experience everything he has to experience outside the seminary? Or he also felt something special towards her?
Umiling siya. Stop thinking about him. You have to work.  Binalikan niya ang mga documents na nakalap tungkol kay Karl Torrejos.  Pinag-aralan niya lahat ng anggulo. Mula sa family background nito na napag-alaman niyang  tila may mali hanggang sa relasyon nito sa mga nabiktima nito.  May napansin siya. Ang mga nagiging biktima nito ay either anak ng alagad din ng batas o anak ng abugado. At lahat ng mga magulang ng biktima ay kinalaman sa isang controversial case dalawang dekada na ang nakakalipas. Pinag-connect niya lahat ng mga taong involve at nauwi siya sa iisang pangalan—Gilbert Salmendre. Sounds familiar ang drug lord na ito.

Tumayo siya at pinuntahan ang kanyang ama sa opisina nito.

“O, Icee anak. Kumain ka na ba?” tanong agad ng ama niya.

Umupo siya sa visitor’s chair. “Tapos na po. Dad may itatanong ako sa inyo.”

“Ano iyon?”

“Si Gilbert Salmendre ba iyong nagpapapatay sa inyo noon?”

Natigilan ang kanyang ama at mataman siyang tinitigan. “Siya nga iyon. Matagal na iyon, anak. Patay na siya. Hindi na niya ako mababalikan pa.” 
            
            “Dad may anak ba siya?” tanong uli niya.

                “Yeah. Iyong panganay ng Tito Xeiji mo, si Beatriz Joy, ang totoo anak siya ni Gilbert Salmendre at ng best friend ni Xeiji. Inampon siya legally ni Xeiji.”

                She was surprised by the revelation. Kahit hindi siya malapit kay Ate Beatriz Joy dahil sa ibang bansa ito nakabase, awkward pa ring malaman na ampon lang ito. “Si Ate Beatriz Joy lang?”

                Tumango ito. “Bakit mo naitanong?”

                Iniabot niya dito ang isang folder na naglalaman ng findings niya. “Bakit po connected kay Gilbert Salmendre ang mga nire-rape at pinapatay ni Karl? Lahat sila, anak ng mga taong may kinalaman kay Gilbert Salmendre. Anak ng abugado, heneral, warden, imbestigador, doctor na once in their life ay nakasalamuha ni Salmendre. At kung isasama kami, lalong lalakas ang connection nilang dalawa. Anak ako ng pulis na nagpakulong kay Salmendre. Si Apple, anak ni Tita Mayii na na-kidnap dati ni Salmendre, at si Erika, anak ni Tito Jomar na nagtago kay ate Beatriz Joy noon.”

               Tila napaisip din ang kanyang ama sa natuklasan niya. “Contact the Code Black. Ililipat natin ang kaso sa agency. We need more skilled agents to work in this case. Kukuha ako ng court order para dito.  Better off, mabigyan na kayong tatlo ng protection. Hindi natin alam kung kelan gaganti si Karl.”  A trace of guilt covered her dad’s face. “I’m sorry, anak.”

                Tumayo na siya. “It’s not your fault, Dad.” 

                “It is. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana sinunod ko na lang si Regine. Your mother was begging on me before. She wanted me to stop chasing criminals. Natatakot kasi siya dahil palagi nalang may nagtatangka sa buhay ko, nadadamay din kayo. Pero hindi ako nakinig. Now, my only baby is suffering from my fault. I’m sorry, anak.”

                Niyakap niya ang Dad niya. “Paulit-ulit lang tayo, Dad. Pinili natin ang buhay na ito. Walang sisihan okay? Wag na po kayong mag-emo. I’ll go back on criminal investigation office.”

                She sighed the moment she left her father’s office. She felt all the guilt that her father was feeling. Pero kahit kailan, hindi niya isinisi sa kanyang ama ang nangyari. Bumalik siya sa opisina niya. Kakaupo pa lang niya sa mesa niya nang dumating si Eldwick. May dala itong bouquet of flowers at ibinigay iyon sa kanya.

                “Sir Almendral—”

                “Hindi sa akin galing iyan. Naawa lang ako sa manliligaw mo. Kanina pa kasi siyang alas-otso sa labas, nakatayo lang doon at hawak ang bulaklak. Parang sira siya do’n. Mag-attempt pumasok ng presinto pero biglang aatras. Ikaw talaga, pahirap ka sa lalaki, Icee my ice cream. Alas-kwatro na, hindi mo man lang hinarap ang manliligaw mo. Nag-volunteer na akong kunin ang bulaklak para sa’yo.”

                Napakunot ang noo niya. Napakamot lang siya sa ulo. Hindi niya ma-gets ang sinasabi nito. “Sinong manliligaw?”

                “Haay, Icee!” Hinaplos nito ang baba niya. “Minsan lang darating sa buhay ng tao ang may magmamahal sa kanya ng lubos at totoo. Tatanggapin kong hindi ako ang para sa’yo kung sa kanya ka mapupunta.”

                “Hindi kita maintindihan!”

                Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya sa may bintana. Nagulat siya nang makita sa labas si Lee, nakatayo sa may waiting shed at nakadungaw lang sa presinto. A warm strange feeling covered her heart.  Kahit hindi pa rin niya alam kung bakit ganon si Lee sa kanya, still alam ng puso niyang nagbubukas na iyon at naglalagay ng espasyo para kay dito.

                “Pag-ibig! Naiinggit ako sa lalaking iyan dahil nakukuha niya ang atensyon mo. Pero masaya ako para sa’yo, Icee! Sige lang, mag-moment ka lang diyan. Ako naman ang kikilos para sa…pag-ibig!” 

                “Baliw!” bulong na komento niya matapos siyang iwan nito. Alam na niya na may seryoso itong nililigawan kaya nga hindi na niya sineseryoso ang mga hirit nito.  

                Muli niyang sinilip si Lee mula sa bintana. Aminadong na-miss niya ito. Ilang linggo na rin silang hindi nagkikita o nagkakausap man lang mula nang  magpunta sila sa Taal. The unexpected kissing scene flooded her mind again. Kasabay noon ay tila kumabag ang puso niya. She took a look on the flowers. May nakasipit na card doon.

                Icee,
                                Days without your presence, your voice, your messages, make me feel sad. I’m missing you, Icee. I’ll have to see you.  I’ll wait you here outside no matter how long you would take to finish your work. I don’t know why, but my heart was telling me that I have to be with you….

                                                                                                                                                                Lee

                Hindi na naghintay ng alas-singko si Icee. Special duty naman niya ngayon. Hindi niya kailangang mag-stay ng matagal sa presinto. Bitbit ang bulaklak ay agad siyang lumabas ng presinto at pinuntahan si Lee.

                Agad na ngumiti ito sa kanya. “Icee! Akala ko hindi mo pa rin ako papansinin,” agad na ungot ni Lee nang lapitan niya ito.

                “Bakit naman kita hindi papansinin?” tanong niya dito habang iginigiya siya nito papunta sa kotse nito.

                “Iniiwasan mo ako, alam ko.”

                “Hindi ah,” deny niya.  “Busy lang talaga ako sa work. Tatlong confidential case iyong hawak ko.”

                “Hindi ka galit sa akin?”

                “Hindi. May dapat ba akong ikagalit?”  Binalingan niya ito at natuklasang nakatitig na naman ito sa kanya. Nakadagdag ang mga nangungusap nitong mga mata sa pagtalon ng puso niya.

                “Nung hinalik—”

                “Wala akong naaalala,” pakli niya sa dapat sasabihin nito. Waaaaah! Bakit ba inuungkat mo pa iyon?

                Umiling ito. “Alam ko, Icee. Nakaapekto iyon sa atin. Sa maniwala ka man o hindi, hindi rin ako pinapatulog ng nagawa kong iyon sa’yo.”

                “Magkumpisal ka agad,” sambit niya pagka’t alam naman niyang ang paghalik nito sa kanya ay isang kasalanan sa bokasyon nito.

                Umiling uli ito. “Hindi ko iyon gagawin.”  He started driving.

                “Bakit? Dapat gawin mo iyon agad.”

                “Icee, ano ba ang mga ikinukumpisal ng isang tao?” bagkus ay tanong nito.

                Weh? Ano ‘to? Theology 101? “Iyong mga kasalanan na pinagsisishihan.”

                “Exactly. Hindi ko ikukumpisal ang nagawa ko. I will ask for your forgiveness because I know I took an advantage and I went out of control but I won’t ask for God’s forgiveness. Una hindi ko pinagsisisihan—” Natigilan itong bigla. “I can’t explain something I’m not sure of. I’m sorry.”

                Hindi na siya umimik.  How could he speak like that? Hindi ba nito naiisip na nagkasala ito at siya ang dahilan? 

                Inihinto nito ang kotse sa isang tabi at saka binalingan siya uli. “Kung galit  ka, maaari mo akong saktan. Sasaluhin ko lahat, Icee. Wag lang masira ang maganda nating pagkakaibigan. Malapit na uli akong pumasok sa seminary.   Ayokong bumalik doon na masama ang loob mo sa akin.”

                Napilitan siyang ngumiti na lang. “Okay na iyon. Wag na lang nating pag-usapan uli. Saan ba punta natin ngayon?”

                “Sure okay lang talaga?” Tumango siya. “Salamat, Icee. Pwede mo ba akong samahang mag-bar? Birthday ko kasi ngayon. Gusto sana kitang makasamang mag-celeberate.”

                “Birthday mo? Bakit di mo agad sinabi? Wala akong gift sa’yo,” tugon niya.

                Ngumiti lang ito. “Just spend time with me. It will be a much better birthday gift than anything else.”

                “Lee…”

                “Will you be with me?”

                “Sure, pero dumaan muna tayo sa bahay. I have to change clothes. Bawal kasi kaming mga pulis na pumunta sa bar ng naka-uniporme.”

                “Sure.”

                Dumaan muna sila sa bahay. Pormal siyang ipinagpaalam nito sa kanyang ina though hindi naman nito kailangang gawin pa iyon. Nag-dine muna sila sa isang restaurant pagkatapos ay nagtuloy sila sa Senang Hati Music Lounge.

                “Icee, sa gabing ito, kalimutan muna natin lahat ng bagay nahahadlang sa atin para maging masaya.”

                “Ha?” kunot-noong binalingan niya ito. Nababasa ba nito ang isipan niya? Iyon din kasi ang iniisip niya. Gusto na niyang kalimutan ang lahat. Gusto niyang mangarap na lang. Gusto niyang itakwil sa isipan niya lahat ng hahadlang sa munting damdaming umusbong sa puso niya para kay Lee. Gusto niyang sundin ang payo ng kanyang ina kahit batid niyang walang kasiguraduhan ang damdamin niya para dito…kahit ngayon lang…kahit ngayong gabi lang.

                “Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin,” nakangiting sambit nito sa kanya sabay hawak ng kanyang kamay. Tumango lang siya.

                Maingay at masaya ang buong Senang Hati nang pumasok sila. On stage ang Karisma Band, ang show band ng bar na  kinabibilangan ng prominent pianist na si Limien Rose Ferrer at ng rumored boyfriend nitong commercial model na si Hamiel Catacutan. RNB song  ang bumungad sa kanila nila at kasalukuyang nagsasayawan halos lahat ng tao sa dance floor.  

                Humanap silang pwesto malapit sa stage. “So, ganito pala sa bar. Parang lahat ay gusto lang maghapi-hapi.”

                “Lee, ngayon ka lang nakapasok sa bar?”

                “Oo, walang ganito sa seminary eh,” natatawang sambit nito. “Masaya pala. Kaya naman pala may ibang naaadik mag-bar linggo-linggo.”

                Pinagmasdan ito ni Icee habang abala itong tumitingin-tingin sa paligid. This guy, the guy who captured her heart, the guy who was given to her by same order game of destiny, the guy she was afraid to fall in love with…bakit kailangang maging komplikado ang lahat sa kanilang dalawa? Isang idea ang pumasok sa isip niya nang maalala ang puno’t dulo ng paglalapit nila ni Lee.

                “Lee—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla siya nitong hinila sa dance floor.

                “Tara sayaw tayo.”

                Wala siyang nagawa kundi ng tumalima dito. Mahiyain si Icee. Hindi rin siya iyong tipo na magwawala sa dance floor. Pero ang energy ni Lee ay siyang naghikayat sa kanyang mag-enjoy. Lee can dance so well. Nakakaengganyo ito. Maya-maya pa’y  tila nakakalimutan na ni Icee na may ibang tao. Go lang siya ng pakikipagsayaw kay Lee.

                “Alam mo Icee, you look prettier when you smile.” Pinisil nito ang magkabilang pisngi niya. “Kaya dapat palagi ka lang nakangiti okay?”

                She did.

                “That’s better.”

                “You’re good in dancing,” sambit naman niya. “Pwede…”

                “Pwedeng ano?  Pwedeng ihagis palabas ng bar?” He suddenly moved closer to her. Dumadami na rin kasi ang tao sa bar at medyo siksikan na rin sa lugar nila.

                “Pwedeng hari ng dance floor.”

                He suddenly did crazy dance steps. Tumawa lang nang tumawa si Icee. Hindi niya alam na may crazy side din pala si Lee tulad ng mga kinalakihan niyang mga katropa na sina Hiroshi, Sunset at Ryuji.  At sa halip na ma-turn off, lalo pa siyang nagkagusto dito dahil sa kakulitan nito.

                The crowd cheered when the RNB song ended.

                “Are you enjoying the night, Senang Hati?” tanong ng lead vocalist and keyboardist nila na si Limien. 

                The crowd yelled again. Kasama na sila ni Lee na nakisigaw.

                “Before we open the stage for free jam, we would like to leave a love song for those couples who are dating tonight.”

                Nagkatinginan sila ni Lee. He smiled. She smiled back. Narinig nila ang keyboard na nasundan ng nakaka-in love na tinig ni Limien Ferrer. She sang a Carol Banawa song. 

                If I believe in paradise, I swear I must be there. I swear I must be there right now with you. If I believe in miracles, I’d know that one was happening to me…

                “Can I hold you?” Lee offered his hand.  Tinanggap niya iyon. He held her closer. Niyakap siya nito sa baywang habang ang isa pa nitong kamay ay masuyong nakahawak sa kanyang kamay. Kakaibang kaba ang hatid noon sa puso ni Icee. Then he managed to sway the rhythm with her. Unti-unti, pawang naglaho lahat ng tao sa paligid. Ang natira na lamang ay sila… sa ilalim ng isang pantasya…tahimik na kapwa humihiling ng milagro.

                But I don’t believe in paradise and miracles aren’t real. Then, someone tell me what is this I  feel?...

                Inilapat ni Lee ang pisngi nito sa pisngi niya. Swak na swak ang  kanta sa kung anong nararamdaman niya.

                I wanna believe it’s love this time. I wanna believe my heart’s not telling me lies. But with you I can’t deny. If I believe in paradise, I swear… I’m there.  

                Right that moment, Icee wanted to believe in paradise…in miracles…in fantasies. Dahil sa state na iyon lang niya pwedeng mahalin si Lee. Sa ilusyon lang…sa panaginip. Nahiling niya tuloy na sana’y hindi na lang ito magpapari.

                “Lee, happy birthday.”

                “Thank you.”

                “Anong birthday wish mo?”   Nagulat si Icee nang bigla na lang humigpit ang yakap ni Lee sa kanya.

                “I wish this night won’t end. I hope we stay this way forever.”

                “Lee…”

                He moved a little, enough for him to put a glance on her face. Nanatiling yakap siya nito habang nakatitig ito sa kanya. His eyes were teary na lalong pinagtaka ni Icee.

                “I don’t know if this is right… pero alam mo Icee, binago mo ang buhay ko. I’m afraid to say that you already have my heart, Icee. Hindi ko naisip na darating ako sa punto na hihilingin ko na sana hindi na lang ako magpapari para mas madali sa akin na mahalin ka.”

                Shock…speechless. For a moment, hindi alam ni Icee kung ano dapat ang sasabihin dito. They have the same wish. A wish that they both believed to be wrong. And she didn’t want to do something wrong.

                Ikinulong ng mga palad nito ang kanyang mukha. “Mahal na kita, Icee. At hindi ko na alam ang dapat kong gawin.”

                Mabigat sa loob na inalis niya ang kamay nito sa kanyang pisngi at tinitigan niya ito. “Ang sarap pakinggan, Lee. But this is wrong. Hindi mo ako dapat mahalin. Nakalimutan mo na ba? Bago mo ako makilala, sigurado kang magpapari ka. You asked for God’s sign, and the sign told you your right path. You are meant to be a priest someday.  Ayokong hindi ka matutuloy sa pagpapari dahil lang sa akin. Hindi kaya ng konsensya ko iyon.”

                “Alam ko. Pero hindi rin ako pwedeng humarap sa paanan ng Diyos kung may kaagaw si Lord sa puso ko.” A trace of confusion covered his face.

                Napapikit ng mariin si Icee. “Siguro oras na para malaman mo ang totoo.”

                Kinaladkad niya ito sa isang sulok na medyo hindi maingay para makapag-usap sila ng ayos.

                “Anong totoo?”

                “May interior motive ako kaya ako nakipagkaibigan sa’yo.  You are just a victim of a game,” sambit niya, trying her best not to show any trace of emotion.

                “What do you mean?”

                “One time, bumili ka ng kape sa Kofi Cups. Nagkaroon kami ng power trip ng mga magkakaibigan ko. Kailangan naming magkaroon ng progress sa taong makakapareho namin ng order. Ikaw ang target ko.”

                Natigilan ito sa sinabi niya. Sabi na nga ba. Mainam  na paraan iyon para itama niya ang mali kahit masakit sa kalooban niya.  “Nakipaglapit lang ako sa’yo dahil ayaw kong matalo sa laro. Iyon lang. Hindi ako mabait tulad ng inaakala mo, Lee.”

                “I’m sorry pero sa tingin ko hindi totoo ang mga huli mong sinabi.  Kung talagang sa una pa lang ay ang game ang nasa isip mo, bakit matagal bago ko nakuha ang pangalan mo at cell number mo? You’re not good in lying, Iana Christine. Naging mabuti kang kaibigan sa akin.” 

                “Hindi totoo lahat ng pinakita ko sa’yo!”

                “Kung may hindi totoo, iyon ay ang pinapakita mo sa akin ngayon. Icee, umaasa pa rin ako na kahit sana  katiting, may nararamdaman ka rin para sa akin.”

                Umiling siya. “So ganito na lang iyon? Ipagpalagay natin na meron, may mababago ba? Lee, maayos ang buhay mo bago mangyari ang lahat ng ito. May oras pa tayo para itama ito. Itigil na natin ang pagkakaibigan na ito, kung ito ang makakasira sa pangarap mong maglingkod sa Diyos.”

                “But I love you, Icee.” Puno ng pagsusumamo ang mga mata nito.  “And I don’t want our friendship to end either.”

                “I’m afraid I feel the same way, Lee. Pero hindi tayo pwede. Sundin man natin ang nararamdaman natin ngayon, paano bukas? Naiintindihan mo naman ako di ba? Gustuhin ko man na mahalin ka rin, hindi ko naman kayang sikmurain na ipinagpalit mo ang Diyos sa akin.”

                Tumango ito. “You’re right. Mali lahat ito. Maybe, we should stop seeing each other para matigil na rin ito. Though it hurts me so bad, titiisin ko na lang para sa tama.”

                “Para sa tama.” Kahit masakit din para sa akin.  

                Moment of silence. Pareho nilang pinag-isipan ang lahat ng bagay. Hanggang sa ito na rin ang bumasag sa katahimikan.

                “Icee, paano iyong game nyo? Matatalo ka? May maitutulong ba ako?”

                “Wag mong gamitin ang game as excuse para magkita tayo. Nagka-progress na tayo. Tama na siguro iyon. Kung matalo ako, I’ll take the consequence.”

                “So last na nating pagkikita ito?”

                “Maybe.” Naalala ni Icee ang kasal ng Tito Kofi niya. “I’ll invite you to my Tito’s wedding though. Kung okay lang sa’yo. Pero kung hindi, ayos din lang.” Sinabi niya ang date ng kasal ng tito niya.

                “Nasa loob na uli ako ng seminary sa araw na iyan, Icee.”

                Lalo siyang nalungkot. Isa lang ang ibig sabihin noon… hindi talaga sila meant to be. “Okay lang.”

                “Ahm, since last na natin itong pagkikita, pwede bang sulitin na natin?”

                Bago pa siya makasagot ay nayakap na siya ni Lee. He lovingly held her close and grabbed her lips. They shared few seconds of sweet kisses.  Mixed emotions filled her heart. Mahal siya nito, mahal din niya ito. But for some reasons hindi sila pwede. At habang pinagsasaluhan nila ang ilang segundong halik na iyon ay napatunayan niya  kung gaano siya nito kamahal. She responded to him for the very first time. Ipinarating niya dito ang tunay niyang nararamdaman. At kaakibat ng halik na iyon ang hiling na sana…kung pwede lang sana… maging sila.

                They were both in tears when their lips parted. Daig pa nila ang mga in break ups moment. Break na agad kahit hindi pa nagiging sila. He managed to wipe her tears away. She did the same to him.

                “I know somehow you loved me, Icee. Hindi kita makakalimutan.”

                “Same here, Lee.”

                He moved away from her. “So  paano na? We still have the rest of the night to be happy. Anong gagawin natin?”

                Hinila niya ito sa may stage. “I’m giving you a birthday gift.”

                Free Jam na. Kinain ni Icee ang hiya niya sa crowd para sa lalaking minamahal. At sa gabing iyon ay kinantahan niya ito sa harap ng maraming tao.

                Too many billion people. Running around the planet. What is the chance in heaven that you’d find your way to me? Tell me what is this sweet sensation? It’s a miracle that’s happened. Though I search for an explanation. Only one thing it could be… That I was born for you. It was written in the stars. Yes, I was born for you and the choice was never ours. It’s  as if the powers of ther universe conspired to make you mine. And ‘til the day I die, I bless the day that I was born for you…

                The song showed off her true feelings. Alam niyang sa kaibuturan ng kanyang puso, siya ay nakalaan para kay Lee. At mula sa gabing iyon ay ito lang ang lalaking mamahalin niya.

                Nang magsawa sila sa bar ay naglakad-lakad sila sa labas. May maliit kasing park sa gilid ng Senang Hati. 

                “Icee, thank you for making my birthday a very unforgetable birthday. Thank you sa lahat,” basag ni Lee sa katahimikan nila.

                They were walking along the garden, holding each other’s hands.  “Salamat din, Lee. You made changes in my life that I will treasure forever.” 

                “May last favor ka ba? Hindi ko alam kung anong klaseng remembrance ang pwede kong iwan sa’yo, Icee.”

                Hinarap niya ito at ngumiti.   Hindi lang nito alam, napakalaking remembrance na ang pagmamahal nito sa kanya. “Buhatin mo ako.”

                Kumunot ang noo nito. “Buhatin kita? Eh baka malula ka na naman,” nag-aalalang sambit nito.

                “Okay lang iyon. Gusto kong buhatin mo ako.” 

                Ngumiti ito at saka siya binuhat. Agad niyang ipinulupot ang kanyang braso sa sa balikat nito. Naglakad ito habang buhat siya.  Masaya na siyang sa huling pagkakataon ay masilayan ang mga mata nitong nakatitig din sa kanya. “Bakit ito ang  ginusto mong gawin ko?”

                “Noong bata kasi ako, sinabi sa akin ng ama ko na ang tanging taong pwedeng bumuhat sa akin ay mga taong magmamahal sa akin ng lubos. Sa pagkakatanda ko, dalawa lang ang nagkaroon ng pagkakataong buhatin ako. Ang tatay ko at ikaw.”

                Lalong lumungkot ang mga mata nito. “Sana hindi dito matatapos ang lahat, Icee.”

                “Let’s trust God. May plano Siya para sa atin.” 

                Nagtanong pa ito tungkol sa same order game of destiny.  Sinagot naman niya lahat maging ang tila mababaw na bet niya—ang magpalda ng isang buwan. And before the day night ends, tahimik na inihatid siya nito sa bahay. And that’s the end. Part ways na sila.



                 “NA-IN love ka sa kanya ano?” sambit ni Hiroshi kay Icee.

                 Tumango lang siya. Totoo naman iyon, bakit pa niya ide-deny sa kaibigan niya? “Pero dead end naman iyon. Hindi rin siya darating ngayon.”  Noong nakaraang dalawang buwan ay nagkita pa sila ni Lee. Personal itong nagpaalam na papasok na uli ito sa seminary. Feeling ni Icee, may pagka-adik din siya. Nagawa pa niyang ihatid si Lee doon mismo sa gate ng seminaryo.

                “Kung dumating siya, well that means something, girlfriend.” Bumuntong-hininga ito. “Pahamak talaga itong mga pauso ni Ryuji. Ma-in love din sana siya sa target niya para patas ang laban. Pare-pareho tayong magugulo ang tahimik na mundo.”

                “Na-in love ka rin?”  tanong niya.

                “I don’t know.” 

                Bahagyang ngumiti si Icee. It was nice to know that she was not alone. Sa pagkakaalam niya ay halos pare-pareho lang silang na-develop sa kani-kanyang target. Kabukod-tangi lang ang pinsan niyang si Ryuji ang tikom ang bibig. 

                Biglang nag-ring ang cellphone ni Hiroshi. “Yes, are you ready? Okay, I’ll be there in few minutes.” Binalingan siya ni Hiroshi. “I have to go. Susunduin ko pa si Ann.” Humalik ito sa pisngi niya. “Mag-ayos ka na rin. See you at the wedding venue.”

                “Okay, ingat ka ha. See you.”

                Pagkaalis ni Hiroshi ay nag-ayos na rin siya.  Abay siya sa kasal ng Tito niya. At iyon din ang make or break moment para kay Icee. Dahil nasa loob na ng seminary si Lee, imposibleng dumating ito mamaya. Tama si Hiroshi, may something na kung dumating pa ito. Masyado ng mahaba ang hair niya pag nangyari iyon.

                Mula nang magtapat si Lee sa Senang Hati, lalong tumindi ang damdamin niya para dito. Pero dahil alam niyang hindi tama sinusubukan na niyang makalimot though alam niyang sa sulok ng puso niya, may konting hold on pa…umaasa na piliin siya ni Lee. Guilty siya sa lagay na iyon. She even confessed to a priest. Napanatag naman ang loob niya nang sabihin ng pari na wala siyang kasalanan. Hindi daw kasalanan ang magmahal ng isang seminarista. Ang hindi daw tama ay ang pumatol sa pari. Pawang ganon din ang sinabi ng nanay niya sa kanya.

                Done with preparation. Kasama ang kanyang mga magulang ay nagtungo na sila sa venue ng kasal. Pagdating niya doon ay nakita niya ang mga kaibigan. Pares-pares na ang mga ito. Mukhang siya lang ang nabigong gawin ang dare na dalhin sa okasyon na iyon ang target nila.

                Malungkot na nilapitan niya si Apple. Kasama nito ang target slash manliligaw nitong si Rover Manalili na isang celebrity. 

“Uy, anong problema?”  tanong agad ni Apple.

                Napabuntong-hininga siya. “Si Lee, hindi na siya darating. Talo na ako sa game. Pero wala na akong pakialam  do’n, ang alam ko lang, nalulungkot ako,” seryosong litanya niya.

                “Di pa naman nag-start iyong wedding, darating iyon. Nagpapa-gwapo pa iyon para sa’yo,” tugon ni Apple.

                “O baka, na-traffic,” dagdag ni Rover.

                Umiling si Icee.

Napansin niyang lumagpas ang tingin ni Apple sa likod niya pagkatapos ay ngumiti ito.  “Kung dumating si Lee anong gagawin mo?”

                Just a hypothetical question. Sinagot niya iyon ng may halong biro. “Tatalon sa tuwa dahil may isang milagro. Magpapa-party ako kasi mahaba na din ang hair ko,” patawang hirit niya.

                “Sige, talon ka na.” 

                Napakunot ang noo niya.  “Huh?”

                “Iana Christine!”  Natigilan si Icee nang marinig ang familiar na boses na tumawag sa pangalan niya.  Hindi siya sigurado kung tama ba ang dinig niya o nagi-ilusyon lang siya.

Sa paglingon ni Icee ay yakap ang agad na isinalubong ni Lee dito. “Lee…”

“I’m here.”

                Hinila niya ito sa isang sulok. “Anong ginagawa mo dito, Lee?”

                “Doing you a favor. Ayaw mong magpalda ng isang buwan. Ayoko namang magkahiwalay na nga tayo, mag-suffer ka pa sa consequences.”

                “Lee, you don’t have to do this.”

                “Nagpaalam ako kay Reverend Father Mendez. Pinayagan naman ako. Tutal naman tapos ko na ang final requirements ko and…” Mataman siyang tinitigan nito. “I will be ordained tomorrow.”

                Lalong nadurog ang puso ni Icee. Tapos na…tapos na tapos na talaga ang lahat sa kanila ni Lee.  She tried her best not to show any sad emotion in what he said. “G-good for you, Lee.”

                “I want you to be there.”

                Adik ka ba? “Do I have to?”

                “I need you there.”



                MABIGAT na humakbang  si Icee papasok sa Taal Church. Ngayon ang araw na oordinahan si Lee bilang pari. At dahil mahal niya ito tinupad niya ang hiling nito. Masakit nga lang sa puso. Tila patagal ng patagal mas sumasakit sa kalooban niyang tanggapin na hanggang dito na lang talaga. Unti-unti namamanhid ang kanyang pakiramdam. Naiiyak na ata niya lahat ng luha kahit hindi naman siya ganoong iyakin. Maybe she just loved Lee that much. It’s just hindi niya kayang maging karibal si Lord. He didn’t even bother to fight for love. Kung sana… sana lang talaga… siya ang pinili ni Lee.

                Pero wala siyang pinagsisisihan sa nangyari. Iyon naman talaga ang dapat dahil iyon naman talaga ang nakatadhana kay Lee.

                Dalawang binata ang sumalubong sa kanya sa pintuan ng simbahan. May guardia sa labas? Bakit nakasara ang simbahan? Di ba pwedeng manood ng ceremony ang hindi invited? Ang daming tanong na pumasok sa isip ni Icee.

                “Ikaw ba si Miss Iana Christine Candaza?” tanong ng isang binata na nakasuot ng puting damit ng sacristan.

                “Yes.”

                Nagkatinginan ang dalawang sacristan pagkatapos ay ngumiti sa kanya na nagpakunot sa noo niya.

                “Pumasok na tayo sa simbahan. Kanina ka pang hinihintay ni Brother Lee.”

                In-escort-an siya ng dalawang sacristan. Wow, ang taray!  Nailang si Icee. Para naman siyang special guest ng simbahan. Nahiya din siya kay Lord. Hindi na nga siya palasimba tapos ganito pa ang treatment sa kanya ngayon.

                Naguluhan siya nang makapasok sa loob ng simbahan. Ganito ba talaga? Bakit parang may ikakasal? Punong-puno ng flower decorations ang aisle ng simbahan, iyong ayos na animo’y may engrandeng kasalan na magaganap. Nagtatanong na binalingan niya ang dalawang sacristan. Nakangiti lang ang dalawa sa kanya at iminuwestra sa kanyang maglakad daw siya sa aisle.

                “Nasa may altar si Lee,” sambit pa ng isa.

                 Napapailing na slow motion niyang inihakbang ang mga paa sa aisle ng malaking simbahan. She realized the reason behind that gimmick. Alam naman nila ni Lee na  kahit pangarapin nilang pareho, hindi naman sila ikakasal. Malamang ay ipinaparamdam lang nito sa kanya ang maglakad sa gitna ng simbahan habang naghihintay ito sa altar na animo’y isang seremonya ng kasal.

                Tumungo siya. Naiiyak na naman. “Lee, bakit mo ginagawa sa akin ito? Ang sakit-sakit na,” bulong niya sa sarili.

                Natigilan siya sa paglalakad nang isang romantic song ang pumailanlang sa buong simbahan. Napatunghay siya at saka lang niya napansin ang church choir sa may altar na tila hinaharana siya. 

                I always knew, we’ll make it here. All eyes on us they disappear. I only see you as you walk straight to me. I know this day was meant to be.  

                On cue, nahagip ng mata niya si Lee sa may altar. Naglakad din ito sa aisle palapit sa kanya. He was lovingly setting a glance on her while holding a stemmed rose. She thought, aabutan niya itong nakasutana but she was wrong. Nakapolong puti lang ito. Saka din lang niya napansin na may pari na nakamasid sa may altar.  A trace of confusion covered her as he came over and stopped in front of her.

                Oh, and the road ahead we’ll walk together. ‘Coz we know our hearts are stronger guide as love will be out light…

                “Ano bang kalokohan ito, Lee? I thought you will be ordained today?”  Umiwas siya ng tingin nang maramdaman niyang nagluluha ang mata niya. “Hindi mo naman kailangang iparamdam sa akin ito. Para ano pa? Hindi naman ito totoo.” 

                Here we are alone, I find you standing at the door. To the rest of our lives that we both been waiting for. Through the good and bad, the happy and the sad. This will be our story, today is the first day of our lives…         

She got it. Masarap sana sa pandinig ang love song dahil tumatagos sa puso niya ang mensahe noon. Nagtatapat. Nagpo-propose. Nangangako ng pag-ibig na lubos na pinakahihiling niya. Ngunit isa lamang pagpapahiwatig ang lahat ng iyon. Lee was just building a fantasy before he finally be gone to serve God.

Umiling si Lee at niyakap siya. Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mainit nitong mga palad at pinawi nito ang mga luha niya. Mula pa kanina ay hindi na nito inalis ang mata sa kanya waring sinasabing mahal na mahal siya nito. Icee wanted to shout or run away but she was stocked on her place. Kumabog ang puso niya nang sinabayan nito ang choir. Kumakanta ang church choir habang ito ay tumutula.

                Icee, I’ll promise this, no matter what I do, I’ll always give my all to you. I’ll be the man who fights for us ’cause I believe that you’re my everything or been the air I breathe…”

                “Lee…”

                “Icee, may nais akong ipagtapat sa’yo.”

                “You really need to explain dahil naguguluhan na ako. Di ko na alam ang dapat kong maramdaman—”

                Natigilan siya nang iabot nito ang stemmed rose at walang sabi-sabing binigyan siya ng quick kiss pagkatapos ay mataman siya nitong tinitigan. “Icee, nagpo-propose na ako sa’yo. Isn’t it obvious? Kung titingnan ang buong simbahan, parang may ikakasal. Before I wanted to see weddings not because I want to get married but I want to be the presiding priest to act as provider of holy matrimony to couples. Everything changed when you declared that I’m under arrest, held my hand and put handcuffs in me.”

                “Lee, ulit-ulit lang tayo! Seminarista ka, magpapari ka. Iyon ang bokasyon—”

                “Hindi na ako seminarista ngayon. Nag-withdraw na ako sa seminary.  Pinayagan naman ako nina father dahil kahit kailan ang bokasyon ng pagpapari ay hindi ipinipilit sa sarili.  Hindi na ako pwedeng magtuloy ngayong hindi lang si Lord ang laman ng puso ko.”

               “Pero—”

                Hinalikan uli siya nito. Pagkatapos ay ngumiti ito. “Let me finish first. Nag-usap kami ng ating Panginoon. Nanalangin ako sa Kanya at humingi ng gabay. Sinabi ko sa Kanya ang tungkol sa’yo kahit alam kong alam na Niya iyon.” Lumingon ito sa altar at muling bumaling sa kanya. “Binigyan niya ako ng bagong bokasyon.” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Ang maging mabuting kasintahan, ang maging mabuting asawa, at maging mabuting ama sa mga susunod na taon. Icee,  I love you so much and I know God took the action for us to meet our faith.” 

                Icee once again became speechless. Ipinaglaban na ni Lee ang pagmamahal nito sa kanya. Tears fell from her eyes. Ngunit di tulad kanina, ang mga luha niya ngayon ay may halong tuwa at pasasalamat kay Lord dahil tinupad na Nito ang matagal na niyang pinangarap.

Niyakap niya ito. “Nakakaasar ka, Lee! Alam mo kung hindi lang tayo nasa loob ng simbahan, nasapak na kita. Ang tagal kong hinintay na gawin mo ito, na ako ang piliin mo kahit alam kong mali iyon.”

He loving embraced her back. “Noon pa lang ikaw na ang pinili ko. Sinunod ko lang ang gusto mo.”

“Hindi ko naman gusto talaga iyon!” ungot niya.

Tumawa ito. “Now I know.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya para titigan siyang muli. “I already said it and did it. I love you, Pol. Insp. Iana Christine Candaza. Will you be my princess?”

Inirapan niya ito. “No.”

Sumeryoso ang mukha nito. “No?”

“Ahuh.”

“Bakit no?” 

“A princess is weak. Kelangan pa niya ng prince charming para maghugas ng pinggan para sa kanya.”

“So what you want to be?” 

Ngumisi ito. “I love you too and I want to be your commander.”

He lovingly smiled and and kissed her nose. “So i-under the saya mo ako?”

“Ayaw mo?”

“Magsaya ka muna.”

They both laughed.

“Ah Lee, hijo…ano, magpapa-bless ba kayo?”  Umeksena si Father.

“Andyan na po.” Binalingan nsiya nito. “Papa-bless natin kay father ang relasyon natin. And the next time na haharap tayo sa pari, I’ll make sure that it will be our wedding.” 

He held her hand and led her to the altar. Ilang minuto silang nagdasal. Ipinagdasal na sana ay maging mas matatag ang relasyon. And as if they were taking sacrament of marriage, the blessing end up with a sweet passionate kiss. 



PREVIOUS                                             NEXT STORY

Comments

Anonymous said…
super duper mega grabe to the highest level ang kilig ko dito.. :D ang ganda ng story ni Icee.. ang tagal ko ring hinintay yung about sa kanila ni Lee simula noong mabasa ko yung love story ni Eldwick.. :D
Melai said…
maraming salamat anonymous :)
Anonymous said…
pina iyak mo na naman ako tita melai! waa~~ grebeh sama ng mga writer kagaya mo... TTATT

nayhahahahah joke lang... gandaa tlga ate melai..

~Rika
Melai said…
hahaha. adik! salamat rika
Anonymous said…
this made me cry... :'(. pareho ang love story namin ni icee. kaso happy ending sa kanya. sakin hindi pa sure. sana ako din ang piliin sa huli.
Melai said…
hello anon Only God holds the pen for you and your love one. Ipagpray ko na maghappy ending din kayo katulad ni Lee at Icee :)
Anonymous said…
grabe to the highest level naiyak aq dun aa! and kinilig ng sobra galing ng riter haha!

ano nga po p lng name ng story ni Eldwick sounds interesting eh! :D thanks po more poer po! :D
Melai said…
Ang story ni Eldwick nasa Senang hati 2 : Wanted boyfriend hunter :) Salamat
Anonymous said…
Ang gaganda ng mga stories mo ms. Melai. Nawawala ang lungkot ko dito sa japan pag nagbbasa ako ng mga stories mo. Thank you. And more beautiful stories pleassseeee
God bless.,

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…