Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: When God Takes the Action- Part 2





Daig pa ni Icee ang napapraning na imbestigador habang hinintay niyang lumabas si Lee at ang ama niya sa board room ng Kofi Cups. Doon nga humantong ang eksenang naabutan ng kanyang ama. Ini-interrogate na ng ama niya si Lee at siya, nakaupo sa isa sa mga mesa sa coffee shop at naghihintay ng hatol.

                She knew her father so much. Sa sobrang strict at protective nito sa kanya, bihadong nagigisa na ng buhay ang walang kamalay-malay na si Lee sa loob ng board room.  Napabuntong-hininga siya sabay inom ng pang-tatlo na ata  niyang kape sa araw na iyon. Kung bakit ba naman kasi basta na lang siyang hinalikan sa pisngi ni Lee? Eh di sana hindi na napahamak ito sa ama niya at hindi siya nawawala sa sarili ngayon.

                “Last coffee mo na iyan ha,” untag ni Ryuji sa malalim niyang pag-iisip ng theory sa kasong kinasasangkutan niya. 

                “Ryu, sa tingin mo buhay pa si Lee pag lumabas sila ni Dad?”

                Tumawa ang pinsan niya. “Praning ka talaga.  As far as my ears are concern, wala pa akong naririnig na gun shot unless your dad use silencer!”

                Binato niya ito ng tissue. “Bad ka talaga! By the way what’s your plan with Miss Lailah?”


                “Give her the best that she deserves from intruding my father’s business.” Tumingin ito ng lagpas sa kanya, setting his eye on the entrance of the shop located at her back side. “Speaking of, my slave just entered.” Tumayo na ito at sinalubong ang bagong pasok na suspected spy na na-trace niya ilang linggo na ang nakakalipas. 

                Napapailing na lang siya. She knew it. May ginagawang kalokohan ang pinsan niya. Few minutes more, lumabas na sa board room si Lee.  Hindi  alam ni Icee kung anong nangyari sa kanya at nagawa pa talaga niyang ayusin ang hawi ng kanyang buhok bago tuluyang makalapit ito.

                “Icee? Can I join you?” tanong ni Lee. Tumango lang siya. “Tama ang iyong ama, may malaki akong kasalanan sa’yo,” guilty na sambit nito.

                “Huh?” kunot noong untag niya.

                “Patawarin mo ako, Icee dahil nalapastangan ko ang pagkababae mo. Hindi kita dapat basta-basta hinalikan dahil natuwa lang ako. I was disrespectful at that case. I’m sorry.”

                Hindi niya ma-gets ang pinagsasabi nito. “Teka nga, bakit mo ba ginawa iyon?” tanong niya.

                Seryoso itong tumitig sa kanya. Tila may kung anong magic ang nag-connect sa pagitan nilang dalawa habang mataman itong nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay lihim na inaanalisa nito ang mukha niya. Nahiya naman tuloy siya.  Hindi siya sanay na may ibang taong nagbibigay ng ganong katinding upclose attention sa kanya. It was new to her… very new.

                “Ikaw ang pinadala ng ating Panginoon para maging daan sa pagpawi ng aking alinlangan,” tugon nito.

                Ha? Baka pwede kang mag-modern Tagalong?Ang deep mo, pare! buska niya sa isip. Hindi tuloy naalis ang kunot sa noo niya.

                Tila napansin naman nito ang wirdong expressions niya. “Ang ibig kong sabihin, iyong nangyari, hiniling ko iyon sa Panginoon.” Wala siyang bagong reaction, still nakakakunot lang ang noo. “Okay, I’ll explain further.”

               “Sure, go ahead.”

                Tinitigan siya nito. Pawang sinusuyo siya ng mga mata nito na maniwala sa mga sasabihin nito. His expressive eyes made her feel some rhythmic beat in her heart. “I told you before that I went out of the seminary to be test by faith. Noong lumabas ako at namuhay tulad ng nakakarami, marami akong natuklasan sa sarili ko. Most of these things created confusion to my vocation path. So I prayed to God and ask for a sign. Kung matatapunan ako ng kape sa di sinasadyang pagkakataon, ibig sabihin tutuloy na ako sa pagpapari. Sa dambana ng ating Panginoon ako nararapat magsilbi…iyon ang kapalaran ko. You just materialize the sign.”

                Nagulat si Icee nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. His warm smooth hands were giving strange feeling to her senses. “Masyado akong natuwa nang matapunan mo ako ng kape kanina. Nawalan ako ng control kaya nakagawa ako ng pagkakamali sa’yo. Patawarin mo ako, Icee. I want to be your friend. Sana hindi magbago ang isip mong makipagkaibigan sa akin dahil sa nangyari.”

                Hindi  alam ni Icee kung mapapangiwi ba siya o mapapakunot-noo.  Ganon ba talaga ang mga magpapari? Daig pa ni Lee ang nang-rape kung makapag-sorry sa kanya. Seryosong-seryoso ito. Siguro talagang mortal sin sa mga seminarista ang makahalik ng babae. 

                “Ah…okay lang iyon. No problem.” Pasimpleng inalis ni Icee ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito. Mahirap na baka maramdaman nitong nanginginig ang kamay niya. Hindi niya maintindihan ang sarili pero tila magkaka-crush pa ata siya sa alagad ng Diyos na ito.

                He sighed. Tila nabunutan ito ng tinik sa sinabi niya. “Salamat Icee. Ahm, I think I have to go. May misa pa mamaya at tutulong pa ako sa simbahan.” Tumayo ito at may kung anong kinuha sa bulsa. Hinawakan nito ang kamay niya at saka isinuot sa kanya ang bracelet na may crucifx at imahe ng Birhen ng Ina ng Laging Saklolo.

                Tahimik na napatingin lang siya dito.

                Mataman uli siya nitong tinitigan.  “Pagpalain at ingatan ka nawa ng Maykapal,” nakangiting sambit nito.

                “Thank you. Ikaw rin Ingats ka.”

                Ngumiti lang ito bago tuluyang lumabas ng Kofi Cups.

                Napabuntong-hininga si Icee. Hindi niya alam kung tama pa ba ang gagawin niya. Tiningnan niya ang binigay nitong bracelet charm. Lee was a too good to be hurt kind of guy.  Pawang mas lalaki ang kasalanan niya kay Lord kung itutuloy niya ang unang plano na magpa-charming dito. Dadayain na lang niya ang contest. Lalapit pa rin siya kay Lee pero itinaga na niya sa araw na ito na hinding-hindi siya pwedeng magka-crush kahit katiting sa binata, bilang pagrespeto sa bokasyon nitong pagpapari.


               
                “O AYAN na iyong information na kailangan mo, Ryu. Duda ka pa sa work ko? Bakit mo ba pina-double check iyang data ni Miss Lailah?” tanong ni Icee sabay abot dito ng isang folder. Kasalukuyang nasa office siya ng Code Black Security System, Inc. 

                “Sigurado ba tayong patay na si Karl Torrejos?” bagkus ay tanong nito na ikinakunot ng noo niya.

                “Ryu, nakita ng apat nating mga mata na inilibing siya six feet below the ground.”

                “Eh paano kung sabihin kong parang nakita ko siya? Nakita ko siyang kausap nitong si Lailah. Hindi ako pwedeng magkamali, si Karl Torrejos ang nakita ng apat kong mata!” giit nito sabay adjust ng suot nitong eyeglasses.

                Kinabahan naman si Icee sa narinig. Karl Torrejos was a nightmare from her past. College students palang sila nina Apple at Erika nang ma-encounter nila si Karl. Nanligaw ito kay Apple.  At dahil kinaibigan din sila, akala nila ay mabuti itong tao. Until one day, they found out his real identity. Karl was demon with a face of an angel. Rapist pala ito at serial killer at ang malala pa dito, muntik pa silang maihanay sa victims’ list nito.  Good thing, they were saved by her father.

                Few years after, nakulong si Karl at namatay sa loob ng kulungan. Pulis na si Icee nang maganap iyon. At tulad nga  ng sinabi niya kanina nakita rin niya na inilibing ito sa hukay.

                Di kaya napa-praning lang itong si Ryu? Pero hindi niya maitatangging may iba siyang kutob. Kung buhay nga si Karl, may posibilidad na balikan sila nito. And that means danger with capital D.

                “Ryu, give me permission. Hahalungkatin kong muli lahat ng information about Karl,” sambit niya.

                “I’m about to say that, Icee. I’m giving you all the access. Masama ang kutob ko. This will be a confidential case at ikaw, ako at si Hiroshi lang muna ang makakaalam sa grupo.”

                “Areglado, Ryu.”  Tumayo na siya. “I have to go.” 

                Laman pa rin ng isipan niya ang posibilidad na buhay si Karl. Inaalala niya si Apple. Sigurado siyang ito ang unang babalikan ni Karl.  Naglalakad na siya sa hallway nang mag-ring ang cell phone niya.

                “Yes, Sir Almendral,” sagot niya sa tawag. 

                “Icee my ice cream! Andito ako sa labas ng Code Black Security Building. Sinusundo na kita, Icee my ice cream,” parang bangengeng tugon naman ni Eldwick.

                Napangiwi siya. “Can I ask why, Sir?”

                “May crime scene sa isang motel malapit dito sa building nyo. Kailangan nating puntahan.”

                “Okay, Sir. Palabas na ako ng building.”

                “Take care ‘coz I care, Icee!”

                Napangiwi uli siya nang marinig iyong mahinang ‘muwaaaah’ na pahabol pa nito bago na-cut ang call. Hindi niya alam kung talagang may gusto sa kanya si Eldwick o wala lang talaga itong mapagtripan maliban sa kanya.

                Pagkalabas niya ng building ay agad siyang pumasok sa patrol car. “Icee, my ice cream! Na-miss mo ako?” May folder itong iniabot sa kanya. 

                “Hindi.”   Binuklat niya ang folder. File iyon ng crime scene na iimbestigahan nila.

                “Ikaw talaga, kahit minsan naman patulan mo ang pagpapasaring ko sa’yo.”

                “Sir Almendral, on duty po tayo. Mamaya na iyang kaeklavuhan mo pagkatapos ng duty hours.”

                “Eklavu—what? So, after ng duty hours, makikipag-date ka na sa akin?”

                Binalingan niya ito at ngumiti siya. “Hindi.”

                Napakamot ito sa batok at nag-start mag-drive. “Hindi talaga ako makalusot sa’yo.”

                “Kung gusto mo ng girlfriend ihahanap na lang kita.”

                “Hindi pwedeng ikaw?”

                “Hindi po.”

                “Ouch! Ang pangit ko siguro sa paningin ng apat mong mata.”

                Hindi na siya nag-comment. Hahaba pa kasi ang usapan. Pagkarating nila sa crime scene ay agad nilang ginalugad ang paligid para sa mga ebidensya.  Naghahanap siya ng finger prints nang may makita siyang bracelet sa ilalim ng cabinet. Kinuha niya iyon at bigla siyang natigilan. Familiar sa kanya ang bracelet na iyon. Inilagay niya iyon sa sealed plastic.

                “Another murder case. Kelan kaya darating ang isang araw na walang matatalang crime sa paligid ano?” sambit ni Eldwick. “Pero malabo ata iyon sa Pilipinas.”

                Di niya ito inintindi. Okupado ng ibang bagay ang utak niya.

                “Icee… uy! Salita ako nang salita dito, di mo naman pala ako pinapakinggan.”

                “Posible kayang buhay nga siya?”  bagkus ay sambit niya.

                “Sino?

                “Ah, wala. Balik na tayo sa presinto. Marami pa tayong gagawin. May ballistic examination pa akong tatapusin.”

                Mukhang magkakapuyatan moments na naman siya sa pagtatrabaho. Kailangan niyang magmadaling makapag-derive ng information. Kailangang maunahan niya ang anumang masamang balak ni Karl.

                Papasakay na uli siya sa patrol car nang mamataan niya si Tito Rojun na may kasamang babae na naglalakad sa direction ng motel kung saan sila nanggaling ni Eldwick. Napangiwi siya nang makitang si Madam Dalisay na naman ang kasama nito.

                Icee stayed for a while para makasagap ng tsismis.

                “Mabilis lang tayo, Madam Dalisay. May gagawin pa ako sa Charity Foundation,” sambit ni Tito Rojun na pawang  may pinagtataguan dahil panay ang lingon nito sa kanan at kaliwa.

                “Oo naman Fafa Onjing. Kaya natin ito nang mabilisan!” Lumingkis pa ito sa braso ni Tito Rojun.

                Napangiwi siya. Ano naman kayang gagawin nila sa motel? tanong niya sa sarili habang sumasakay ng patrol car. Suddenly kung anu-anong carnal thoughts ang pumasok sa isip niya.  Umiling siya bago pa kung saan mapunta ang pag-iisip niya. 

                Her phone rang. Biglang kumabog ang puso niya nang makita ang pangalan ni Lee na nakarehistro sa screen ng cell phone niya.  Tinapik niya nang wala sa oras ang dibdib niya. Oy, tumigil ka nga! Mahiya ka kay Lord. Nagkaka-crush ka sa magpapari! Pilit niyang sinita ang sarili pero walang effect. Kumakabog pa rin iyon.

                “Problem? Bakit di mo sagutin iyong call?” untag ni Eldwick.

                Sa kaka-emote niya saka lang niya naalala na nagri-ring nga pala ang cell phone niya. She was about to answer the call when it suddenly stopped ringing.

                Napasimangot siya. Ay sayang! Ikaw kasi, pa-emote emote ka pa diyan, Icee. Ayan tuloy. Ngunit nabuhayan uli siya ng dugo nang mag-ring uli ito. Hindi na siya nag-emote. Agad niyang sinagot ang tawag.

                “Yes, Lee?”

                “Hi Icee. Busy ka ba?”

                “Ah hindi naman masyado. Bakit?”

                “Can I invite you for dinner later?”

                Sumilay ang kakaibang ngiti kay Icee. “Sige.”

                “Great.” Sinabi nito ang oras  kung kelan siya nito susunduin bago ito nagpaalam. Naks! May dinner date sila ni Lee. Pero agad ding naglaho ang ngiti niya nang maalalang hindi nga pala siya pwedeng magkagusto dito.


               
                “NAIILANG ka ba sa akin, Icee?”

Napaangat ng tingin si Icee mula sa pakikipag-bonding sa pagkain. Nasa isang restaurant sila ni Lee. She was greeted by his expressive eyes that were quite busy gazing at her. Dahil feeling ni Icee ay nahi-hypnotize na naman siya ni Lee ay agad siyang umiwas ng tingin.

“Nagtanong pa ako. Halata namang naiilang ka nga sa akin. May kinalaman ba ito sa nagawa ko dati?” malungkot na sambit nito.

Binalingan niya uli ito. She doesn’t want to see him sad though she wasn’t sure why. Umiling siya. “Hindi naman ako naiilang sa’yo. Mahiyain lang talaga ako.”

Hinawakan nito ang kamay niya na tulad ng dati ay nagbigay sa kanya ng kakaibang feeling na di niya alam kung ano ang ibig sabihin. “Don’t think of too much things, Icee. Siguro kaya ka naiilang dahil iniisip mong ang kaharap mo eh isang seminarista. It was really awkward having a date with someone like me perhaps.”

She showed off a guilty smile. Kung paano nito nahulaan ang iniisip niya ay hindi niya alam. Sapul na sapul siya sa sinabi nito. “Kasi parang kakaiba iong ginagawa natin, Lee.”

Ngumiti ito. “Yeah, right. Kakaiba nga. Pero alam mo, sabi sa akin ng mga ka-brother ko sa seminary, gawin ko daw lahat ng bagay  kapag lumabas ako. Kasabay kong lumabas mula sa institusyon ang pagpapari ko. I’m doing things, a normal guy of my age was doing. Nakikipagkaibigan ako sa tagalabas ng simbahan. I ask you to be with me. Who knows, I might finally earn your trust and be able to ask you out again.”

Wow. Feeling ni Icee ay mabilis atang humahaba ang hair niya. Hindi pa tapos ang date nila ay may plano na agad ito ng round two. “Talaga namang dapat ine-enjoy mo na ang buhay mo dito sa labas. Gumimik ka rin,pumunta ka sa bar, party party!”

“Plano ko rin iyon, pero gusto ko kasama kita.”

“Sige ba.”

 “Icee, tuwing magkasama tayo o magkausap tayo, pwede bang humingi ako ng pabor?”

“Sure. Ano naman iyon?”

“Wag mong isipin na magpapari ako. I’m just a simple guy enjoying the company of a sweet girl. Pwede ba iyon?”

The condition was risky but yet advantageous to Icee. Sa kanya galing iyon at hindi sa’yo, Icee. Ligtas ka sa kasalanan kaya go! She nodded. “Okay.”

Lumapad ang ngiti nito na tila umabot sa expressive nitong mga mata. Hayan na naman, nabubudol-budol gang na naman siya. “So ayoko ng naiilang ka sa akin okay? Let’s enjoy the moment, Miss Iana Christine Candaza. By the way may tanong ako sa’yo.”

“Ahm, pwede bang bitawan mo muna ang kamay ko bago ka magtanong?”  Nakangiting sambit niya. She was about the take her hands away from him but he resisted. “Lee…”

“I won’t let your hands off mine unless you’re finally comfortable with me.” A trace of demand was on his words.

“Demanding ang drama mo ngayon, Lee?”

Tumawa ito. “I rather call it possessiveness and not being demanding. Try lang, ngayon lang ito at sa’yo lang.”

Napangiti naman siya sa sinabi nito. Carelessly ay napahawi siya ng bangs kahit wala naman siyang bangs…imaginary bangs. Hanglandeyyyy! 

“Praise God! Napangiti din kita. Magandang sensyales iyan.”

“Senyales ng ano?”

“Ng pagkawala ng pagkailang mo sa akin. So, ready for my question?” She nodded sabay subo ng pagkain.

She can’t help it. Hindi na siya conscious sa kamay niyang hawak ni Lee. Ang free hand naman niya ay may hawak ng kutsara at abala sa pagkain ng lasagna. She loves eating so much. Tuloy ang pagkain niya habang hinihintay ang tanong nito. Natigilan lang siya nang mapansing hindi na ito nagsalita pa. Binalingan niya ito at saka niya napansing nakangiti lang ito habang pinapanood siyang kumain. At saka lang siya nahiya na naman. Inilapag na lang niya ang kubyertos sa pinggan.

“Why? Did I offend you?”  nag-aalalang tanong nito.  “I’m sorry.”

“Hindi naman, nahiya lang ako kasi pinapanood mo akong kumain.”

Binitawan nito ang kamay niya. Na-turn off na ata ang binata sa katakawan niya. Nagulat na lang siya nang hawakan nito ang inilapag niyang kutsara. Kumuha ito ng lasagna at iniatang sa kanya ang pagkain. Nahihiya man ay isinubo niya ang inialok nito. He then got a tissue paper and wiped the lasagna sauce on the side of her lower lips. Pagkatapos ay mataman siyang tinitigan nito.

“Bakit mo ba ako tinititigan?”

“I can’t help it Icee. I want to memorize every detail of your face. I got fascinated in the way you eat your food. Pero sige para di ka mailang, hindi na kita papanooring kumain.”

 They went back on their own food nang maalala niyang may itatanong nga pala  ito sa kanya. “Lee, ano ngapala iyong itatanong mo sana sa akin kanina?”

Nag-angat ito ng tingin at nagtagpo na naman ang kanilang mga mata. “Ah itatanong ko lang sana kung nagka-boyfriend ka na.”

“Ah...hindi pa.”

“Pihikan ka siguro. Imposibleng walang nagkakagusto sa’yo. You’re pretty and you’re astig. I’d like you when I first saw you. A woman who was running after a snatcher inside a church. You’re so cute way back then.”

“At expert ka pa lang mambola ano? Tuloy mo pa iyang pambobola mo. Malay natin, baka may ibang babaeng kagatin iyan, hindi ka na makabalik sa seminaryo.” 

Tumawa lang ito. “Si Lord pa rin ang first priority ko. Pag naging pari ako, dapat ako ang magkakasal sa’yo ha. Ako rin ang magbibinyag sa mga magiging anak mo.”

Aray ko naman po! Ngumiti lang si Icee. Niloloko na nga ata siya ng tadhana. At one point papakiligin siya at paaasahin na malay ba natin magka-chance sila ni Lee. Tapos biglang ipapamukha sa kanyang hindi pwede ang iniilusyon niya dahil magpapari nga ito.

Tinapos na nila ang pagkain. Pagkatapos ay naglakad-lakad sila  sa may bay side. Marami silang napag-usapan. May mga bagay din silang natuklasan sa isa’t isa. Pareho pala sila ng hilig mula sa type ng movie to asianovelas to anime.

“Noong lumabas ang Boys over Flowers, pinagkakatuwaan na ako ng mga kapwa ko seminarista. Tinatawag nila akong Lee Min Ho. Wala naman akong maitanggi dahil Lee Min Ho nga naman ang short cut ng pangalan ko.”

“Bagay naman sa’yo ang Lee Min Ho. Magkasing-cute naman kayo,” sambit niya. “Mas gwapo nga lang sa’yo ng isang paligo si Fafa Lee Min Ho.”

“Type mo?”

“Si Lee Min Ho? Ay super!”

“Eh iyong Lee Min Ho minus isang paligo?” 
            
    Pabirong  nginusuan niya ito. “Sumisimple ka, Father! Wag ganon father!” biro niya.

                “Ikaw lumalabag ka sa rule. Hindi nga ako magpapari pag kasama kita. Isa lang akong simpleng binatang nage-enjoy kasama ang isang astig na pulis!”

                “Eh sumisimple ka na eh! Baka mapasarap ka, hindi ka na bumalik sa dapat mong balikan, ikaw rin.”

                “Kung ikaw ang makakasama ko, kahit hindi na ako bumalik ayos lang.”

                “Ay di ko type iyang idea mo. Gagawin mo pa akong accessory to the crime.”

                “Wala namang crime ah.”

                “Meron, pagtalikod sa bokasyon. Bad iyon!”

                Tumawa lang ito. “Bakit pagpupulis ang pinili mo, Icee? I mean, for me, it was one of dangerous jobs for a woman.”

                Umupo sila sa isang bahagi ng sea side. “Sabihin na natin, pasaway ako. I want to be on the side of the cliff. Type ko iyong ma-action na buhay. Tutal naman halos iyon na rin ang kinalakihan ko. You know it, my father was a good policeman. Noong bata ako, naranasan kong may humahabol-habol na assassins sa ama ko. May mga death threats kaming natatanggap dahil sa mga big time criminals na napakulong ng tatay ko. Lumaki akong iniisip na sana someday, pag di na kaya ni tatay lumaban sa criminals, ako naman ang magtatanggol sa aking ama.”

               “Buti pinayagan ka ng tatay mo na sumunod sa yapak niya.” 

“Iyong totoo, ayaw din ni Dad. Kaya nga sa Forensic Psychology ako bumagsak eh. Inilalayo pa rin ako ng tatay ko sa action. Ikaw, mula ba pagkabata gusto mo na talagang maging pari?” tanong ni Icee.

Nagkibit-balikat si Lee. “Mula pagkabata kasi naglilingkod na ako sa church. Hindi ko na matandaan kung kelan ko unang naisip na gusto kong magpari pero ang alam ko, buong-puso ko iyong ginusto. Hindi rin naman ako nagka-girlfriend kahit na naranasan ko namang manligaw noon. Siguro, hindi talaga ako para sa pag-aasawa. Ako ang daan sa simula ng mga mag-aasawa.”

Tinitigan niya si Lee. “Proud ako na may friend ako na magpapari.”

“Proud din ako na may kaibigan akong pulis.”

“Proud tayo sa isa’t isa. Ang bongga nating dalawa!”  They both laughed. 

“Icee, kung nagkataong hindi ako magpapari, sa tingin mo ba may magkakagusto sa akin?”

Ako! Ako! Walang iba kundi ako!, agad na sumagot siya sa isip.  Kung saan galing ang kagustuhan niyang i-volunteer ang sarili niya ay hindi niya tiyak.  Isa iyong sagot na hindi niya pinag-isipan at kusang na-formulate ng utak niya.

“Oo naman. Mabait ka, good-looking, pwede kang ihanay sa linya ng mga Fafaness. Kung nagkataong di ka magpapari, magkaka-crush ako sa’yo.” Natutop niya ang bibig nang ma-realize niya ang kanyang nasabi. But it was too late to take it back. Nakangisi na sa kanya si Lee.

Bangengemon ka Icee!, sermon niya sa sarili. Umiwas siya ng tingin. “A-ang ibig kong sabihin eh kung… what if… hypothetical lang iyon.”

“Wala naman akong sinabi ah. Flattered pa nga ako sa sinabi mo.”

“Yabang nito!”

“Alam mo kung hindi lang ako magpapari, niligawan na kita.”

Tila dumoble ang kabang naramdaman niya.  Matutuwa ba siya o manghihinayang dahil what if lang naman iyon?

Biglang may narinig silang tunog ng kampana  mula sa simbahan sa tabi ng malaking mall sa di kalayuan.

“Ayan, gumising ka na raw sa kahibangan mo sabi ni Lord,” nasambit na lang niya kay Lee.

“Oo nga. Ihatid na daw kita pauwi. Shall we?” Bumaba ito mula sa pinag-upuan nila. He offered his hand para alalayan siyang makababa.


ALAM mo kung hindi lang ako magpapari, niligawan na kita. Parang lamok iyon na ume-echo sa tenga ni Icee. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa analysis na ginagawa niya. Nakumpirma na kasi niya na ang bracelet na nakita niya sa crime scene noong isang araw ay pagmamay-ari nga ni Karl. Kumpirmado na talagang buhay ito dahil nakausap na rin ng haragan na iyon si Apple kanina habang nasa meeting sila para sa preparation ng kasal ni Tito Kofi at Tita Eloi.  Ngayon ay pinagtutugma-tugma niya ang mga luma at bagong information na hawak  niya. Ngunit sa halip na makapag-concentrate ay lalo siyang nagugulo dahil sa mga binitawang salita ni Lee noong nakaraang gabi na hindi maalis sa utak niya. 

Alam ni Icee na hindi niya dapat iniisip ang mga bagay na iyon. It was just a hypothetical statement. Kahit pa baliktarin ang mundo, hindi talaga siya pwedeng mag-ilusyon pa tungkol kay Lee. He will back to seminary after few weeks, Icee!  Palagi niya iyong sinasaksak sa utak niya ngunit tila may ibang desisyon ang puso niya. Consistent ang pagpaparamdam ng puso niya ng kakaibang kaba tuwing makakasama niya Lee.

Icee believed she needed to do something. Or else,  bihadong mauuwi ang lahat sa pagkabigo niya. Unang pagkakataon pa man din niyang magmahal ng totoo kung saka-sakali. Naisip na niyang iwasan na si Lee nang paunti-unti. Ngunit tuwing tinatangka niyang umiwas ay saka naman ito nagbibigay ng rason para lumapit siya. Ngayon tuloy, hindi na niya alam ang dapat niyang gawin.

Bahala na talaga si Lord. Hindi naman siguro papayagan ni Lord na magkasala ako…o kami.  

Dahil wala din namang ma-produce na analysis si Icee, minabuti na lang niyang lumabas na rin ng presinto. Wala naman siyang duty sa araw na iyon. Nagpunta lang siya doon para sana mag-divert ng attention para hindi maalala si Lee pero wala palang effect.  Magliliwaliw na lang siyang mag-isa para saglit na maituwid ang baluktot na niyang isipan.

Nagulat na lang siya nang maabutan niya sa labas ng presinto si Lee.

“Icee! Off duty ka ngayon di ba?”

“Oo, kanina ka pa dito?” gulat na tanong niya.

“Oo, hinihintay kita.”

“Bakit?”

“May gagawin ka ba? Pwede ka bang sumama sa akin? Maaga pa naman. Babalik din tayo bagong mag-gabi. Ihahatid kita sa inyo.”

“Saan tayo, pupunta?”

“Sa Batangas.”

Bago pa siya maka-oo ay nahawakan na nito ang kamay niya at iginiya na siya sa kotse. Few minutes more, nasa SLEX na ang kotse papuntang Batangas. Wala na siyang nagawa kundi ang sumama dito.  Ilang oras din ang naging byahe na halos makatulog na si Icee. Naligtas lang siya ng mga pagkain na binigay ni Lee. Nagdala pala ito ng maraming makakain. Sa pagkakatingin niya sa backseat ng kotse, mukhang may balak mag-picnic itong si Lee. Bawal bang mag-picnic ang mga magpapari? Para kasing excited pa itong si Lee sa binabalak nitong gawin.

 “Uy Lee, baka maubos ko ang baon mong food,” natatawang sambit niya nang  mapansing nakakatatlong supot na siya ng pan de coco. Paborito kasi niya ang tinapay at isa pa sa Kofi cups na pan de coco iyon. Sigurado siyang ang Mama niya na Head Pastry Chef ng Kofi Cups ang nagluto noon.

“Para sa’yo naman talaga iyan. Kanina ko lang nalaman na mama mo pala ang nagluluto ng tinapay sa Kofi Cups.”

Natigilan siya sa pagnguya at binalingan ito na ang mga mata ay nasa kalsada nakatutok.

“Nagkita kayo ni Mama Regine?”

“Hindi. Sinabi lang ng pinsan mo…si Ryuji.”

“Ah…” Kumuha siya ng pan de coco at ini-offer ito dito. “Gusto mo? Kanina pa akong kumakain dito, nakalimutan kitang tanungin kung gusto mo.”

Walang pasakalyeng isinubo nito ang ini-offer niya. Lihim siyang napapangiti. Kung titingnan ang sweet nila. Pero batid ni Icee na hanggang ilusyon lang talaga siya. Tama na nga ang pag-iisip mo ng kung anu-ano, Icee. Enjoy ka na lang diyan, okay? Iyon na nga lang ang gagawin niya. Masisira lang lahat ng saya kung hahayaan niya ang sariling ibagsak ng mismong pantasya niya.

 Maya-maya pa’y  nakarating sila sa venue. Huminto ang kotse sa isang lumang simbahan sa bayan ng Taal, Batangas.

“We’re here.” Bumaba ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. 

Hindi naiwasan ni Icee ang mamangha. Hindi naman kagandahan ang itsura ng simbahan ngunit ang kalumaan nito ay naghahatid ng kakaibang aura sa kabuuan. Thinking that the church was alreadyexisting during Spanish Era, made her amused. Hindi siya gaanong history lover pero marunong naman siyang mag-appreciate ng history.

“Tara sa loob!” aya niya dito.

He just held her hand and they made their way inside the old church.  Pakiramdam ni Icee ay bumalik siya sa past nang makita niya ang loob ng simbahan. Bakas pa rin doon ang katandaan ng simbahan. Walang masyadong tao dahil hindi araw ng misa ngunit may mangilan-ngilang tao na taimtim na nagdadasal.

Nagkasabay sila ni Lee na humaplos sa holy water mula sa rebultong may hawak ng tila malaking mangkok na pinaglalagyan ng banal na tubig.   Nagkatinginan sila at sabay na nag-sign of ther cross. Pagkatapos ay nagsimula silang mag-tour sa loob ng simbahan.

“This place was awesome. Bakit mo ako dinala dito, Lee?

 “It’s like a fulfillment of a distant dream,” tugon nito.

“Huh?”

“Sabi ko kasi noon. Dadalhin ko ditto ang magiging pinaka-importanteng babae sa buhay ko.”

Natigilan si Icee habang nararamdaman niya ang tila magbilis na naman ng tibok ng puso niya.

“Naisip ko na baka hindi ko na magawa ito once na bumalik ako sa seminary kaya isinama na kita dito. O bakit parang shock na shock ka? Ikaw lang naman ang palagi kong nakakasama. Walang ibang nararapat kong dalhin dito kundi ikaw lang.”

“Nagugulat kasi ako sa mga sinasabi mo.”

Ngumiti lang ito. “Eh di lalo ka ng magugulat kung sasabihin kong ang pinili kong babae, which is ikaw nga, ang gusto ko sanang mapakasalan kung nagkataong para ako sa pag-aasawa.”

“Huh?”  Para na siyang nabibingi sa mga sinasabi nito. Kung hanggang balikat lang ang hair niya, feeling niya umabot na iyon sa talampakan sa sobrang pagkahaba ng hair niya.

“See? Na-shock ka pa lalo.” Inakbayan siya nito habang iginagiya siya sa isang direction. “Parang promise ko lang iyon sa sarili ko noon na minsan dadalhin ko dito ang isang special girl. Noon kasi naisip ko na maganda sigurong magpakasal dito. Sa simbahan na ito nagpakasal ang mga magulang ko. Sabi ko noon, dadalhin ko rin dito ang mapapangasawa ko. But things are different now.  Hindi ako mag-aasawa, kaya ikaw na lang ang isinama ko.”

“Thank you, Lee.”

“Para saan?”

“Dahil ako iyong isinama mo rito. At least alam kong importante ako sa’yo.”

“Super special ka sa akin, Icee. Kasi ikaw lang iyong naging kaibigan ko after kong lumabas ng seminary.”

“Kaya nga nagte-thank you ako sa’yo eh.”

“You’re welcome! And thank you din kasi pinagtityagaan mo ang kakulitan ko.” Inalis nito ang brasong nakaakbay sa kanya. Ayaw pa sana niyang matapos ang moment na inakbayan siya nito pero wala naman siyang magagawa. Hinawakan naman nito ang kamay niya. Ayos na rin. Para silang mag-boyfriend sa drama nilang iyon. “Tara, dadalhin kita sa special na lugar.”

Sumunod lang siya.  Pero natigilan siya nang malaman kung saan ang special lugar na sinasabi nito.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Sa taas. Sa kampanaryo.”

Pumiglas siya sa pagkakahawak nito. “Ayoko. Ikaw na lang!”

“Bakit? Maganda ang view doon sa itaas. Sumama ka na dali!”

“Ayaw!” May takot siya sa heights. Baka magkalat pa siya sa harap ni Lee. Nakakahiya na iyon.

“Takot ka ba sa mataas na lugar?” tanong nito.  Tumango lang siya. “Ako naman ang kasama mo. Trust me. Aalagaan kita.” Ini-offer uli nito ang kamay sa kanya habang nakatitig ito sa kanya.

Hindi niya matanggihan ang mga mata nitong tila nanunuyo. Natagpuan na lang niya ang sariling umaakyat ng hagdan papunta sa kampanaryo ng simbahan habang hawak nito ang kanyang mga kamay.

“Lee!” Napayakap siya dito nang makaabot sila sa tuktok. Walang mataas na harang ang nagsisilbing bintana ng kampanaryo. Talagang mamamatay ang aksidenteng mahuhulog mula dito.  Isa iyon sa mga worst na bagay na kinatatakutan niya. Dumoble ang kabang nararamdaman niya dahil sa nakakatakot na nagsilitaw sa imagination niya. Pumikit na lang siya at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Lee.  Hmm, ang bango mo pala Fafa Lee! Pero kahit pinipilit niyang mag-joke sa sarili ay wa epek pa rin. Ramdam pa rin niya ang takot.

Agad naman siyang niyakap ni Lee. “Wag kang matakot, kasama mo naman ako ah. Tingnan mo ang view, maganda.”

“Ayaw! Bumaba na tayo, Lee.” She felt some difficulty in her breathing. Lagot, magkaka-anxiety attack pa ata siya. Ganon ang nangyayari sa kanya kapag sobra siyang natatakot. Idagdag pang kung anu-ano ang naiisip niya. Kesyo paano kaya kung biglang lumindol o kaya naman aksidenteng mahulog sila roon ni Lee.  Tinatakot lalo siya ng praning niyang isipan. “Lee!” Patagal nang patagal lalo siyang nahihirapang huminga. “B-baba na tayo. N-natatakot na ako.” 

“Icee? What’s wrong?”

Bigla siyang nabuway. Buti na lang  ay yakap siya nito. “Lee, n-nahihirapan akong huminga.”

Nataranta na rin pati si Lee. Kinuha nito ang bottled water na nabitbit nito at ipinainom sa kanya pero hindi siya makainom ng ayos dahil hinahabol niya ang paghinga niya. “Icee! I’m sorry! Relax ka lang para maibaba na kita.”

She was trying her best to relax pero hindi niya magawa. Kinakapos na talaga siya ng hangin until she felt his warm lips on hers! Natigilan siya. His lips commanded her to open her mouth and let him in. He breathed on her. Naramdaman niya ang kagustuhan nitong mag-provide ng hangin upang makahinga siya ng ayos.  It happened. Unti-unti ngang lumuwag ang paghinga niya. Akala niya ay mararamdaman agad iyon ni Lee. Hinintay niyang bumitaw ito sa pag-resuscitate sa kanya pero hindi iyon nangyari. Laking gulat na lang niya nang ang resuscitation ay nauwi sa romantic passionate kiss. He even held her nape for support.

She never expected a scene like that pero hindi naman niya natanggihan. Hanggang sa natigilan ito at bigla na lang tinapos ang eksena na iyon. Mataman siyang tinitigan nito.

“Icee…” Nakita niyang tila nagso-sorry ito sa nagawa.

Pumikit na lang siya at nagpanggap na hinimatay upang pareho silang makatakas sa confrontation. Wala ng paliwanagan na dapat mangyari. Mali ang lahat ng iyon. Pag nagising siya kuno, magpapanggap siyang wala siyang matandaan sa nangyari.

“Icee?” Naramdaman niyang hinaplos nito ang pisngi niya bago niya naramdamang binuhat siya nito.


PREVIOUS                                                                 NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…