Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: When God Takes the Action- Part 1




Loading Information. Sinamantala ni Icee ang pagkakataon upang kumain ng biscuit at uminom ng juice habang hinihintay na mag-load sa specialized computer program ang impormasyon na kailangan niya.

               Pol. Insp. Iana Christine Candaza was a Criminal profiler of Philippine National Police and was assigned at one of the agencies under Criminal Investigation Unit. Ang trabaho niya ay mag-assess at analyze ng criminal minds. Nagtapos siya ng Forensic Psychology at nag-training upang maging isang pulis.  Aside from that, she was a direct agent of Code Black Security System Inc., the solely private investigative agency that was approved by the NBI, PNP and President of the Philippines.

                Isang internal organs robbery case ang tinututukan ng team nila. At katatapos lang niyang ayusin ang criminal assessments na ginawa niya para sa mga tutugising myembro ng sindikato. 

                “Uy Candaza, hindi naman bawal ang kumain ng matinong miryenda kesa sa biscuit at tetra pack juice lang,” bungad sa kanya ni S/Pol. Insp. Eldwick Almendral, ang kapwa niya police officer na lagi niyang ka-buddy kapag nag-iimbistiga sila ng krimen. Nagtapos naman ito ng Forensic Chemistry.   Ipinatong nito sa mesa niya ang cup noodles.


                “Okay na ako sa biscuit, Sir Almendral,” tugon niya sabay kagat sa hawak na biscuit. 

Makulit itong si Eldwick at panay ang pagpapa-cute sa kanya. Cute naman talaga ito, most nga ng mga babaeng police sa distritong iyon ay may crush kay Eldwick maliban sa kanya. Kinaiinggitan siya ng lahat dahil sa kanya palaging nakadikit ito pero ewan ba niya. Wala talagang ganong impact ang binata sa kanya. 

                Abnormal kaya ako at hindi ko ma-crush-an ang isang ito?

                Nawala lang ang kanyang nilay-nilay moments nang lumapit si Eldwick sa kanya. He moved closer, daig pa ang ‘gaano ka close’ ng A Very Special Love. “Alam ko ang iniisip mo…na gwapo ako? Matagal na, Icee. So kelan tayo magde-date?”

                Napangiwi siya. Kung hindi lang niya ito superior baka kanina pa niya ito nasapak.

                Loading information completed, anang voice prompt mula sa computer niya. Saved by the voice prompt. Dahil sa interruption ay lumayo na rin sa kanya si Eldwick at napatingin sa monitor ng computer niya.   Sakto namang naka-view na sa monitor ang picture ni Leeshan Mino Honrado, ang kanyang target sa same order game of destiny na pauso ng promotor  ng kalokohan niyang   pinsan na si Ryuji.

                “Criminal iyan? Hindi halata ah.”

                Ngumisi siya nang balingan niya si Eldwick. “Hindi siya criminal.”

                “O, e bakit gumagawa ka ng profiling niya kundi hindi siya criminal?”

                An idea came to her mind. “Siya ang mapapangasawa ko. Background check!”

                Sumimangot ito at nagseryosong bigla. “Bawal gamitin sa personal na purpose ang facility ng PNP laboratory. Bababaan kita ng memo,” sambit nito sabay walkout.

                Hindi niya sineryoso ang sinabi nito. Minsan na rin kasi itong nagpagawa ng ganong assessment para sa nililigawan nito. Alam niyang hindi ito gagawa ng memo dahil may posibilidad na ilaglag din niya ito.

                She printed the information and deleted the possible leak. Malinis. Hindi rin made-detect ng main office nila na ginamit niya ang internal confidential information system ng ahensya para sa sarili niyang benefit.  Mamaya na niya pag-aaksayahan ng panahon ang target niya pag nakauwi na siya.

                The game appeared to be serious and not just a joke this time. Mukhang  wala ni isa sa kanilang magkakaibigan ang magpapatalo kaya dapat hindi rin siya. Malaki ang nakataya sa bet niya. Ang magpalda ang pinaka-dark moments of her life. Mas gugustuhin pa niyang mag-shorts kesa maging girlash na girlash sa palda. Malaking parusa sa pagkatao niya ang mapilitang magpalda sa loob ng isang buwan.

                Just in time na tapos na ang paglilinis niya ng kahit anong lead sa krimeng ginawa ay pumasok ng opisina ang hepe ng presinto which so happen to be her father too, P/Supt. Leonel Candaza kasama ang Regional Director nila, S/Supt. Excelente Almendral na nagkataong ama ng makulit na si Eldwick.

                Agad siyang tumayo ang nagbigay-pugay sa pamamagitan ng pagsaludo.

                Nilingon siya ng Regional Director. “Candaza, sumama ka kay Almendral at mag-field kayo. Kulang tayo sa tao kaya kailangan ng mga roronda sa Baclaran.”

                “Sir, yes Sir!”  excited na tugon niya.

Because she was a daughter of the chief of police, wala siyang choice kapag sinasabi nitong sa office lang siya at wag sasama sa mga operations. Pinapapunta lang siya sa field kapag kailangan na ang forensic team. Mabibilang  niya sa kamay ang mga pagkakataong napapasabak siya sa action. Kaya naman nang sabihin iyon ni Sir Almendral ay agad na nabuhayan siya ng dugo.

Agad na siyang tumayo. Papalabas na siya ng office nang tawagin siya ng kanyang ama. May ibinigay ito sa kanya na relo.

“Isuot mo iyan para alam ko agad kung nasaan ka.”

Napangiwi siya. Bihadong may tracker ang relong iyon. Isang major reason kaya hindi siya makapag-outshine ng bonggang-bongga bilang pulis ay dahil sa ama niyang kahit sa presinto eh bine-baby siya.

Maya-maya pa’y nasa field na siya kasama ang kanyang walang kasawaang partner.

“You lied. Wala ka naman daw boyfriend sabi ng tatay mo. Bakit mo sinaktan ang puso ko kanina? Muntik na akong maniwala na may mapapangasawa ka na.” At simula na namang magdrama ito.

“Eldwick, kung gusto mong maging artista, mag-audition ka na. Ilalakad kita kay Hiroshi.”

“Icee, can’t you see? Can’t you see?”

“See what?”

“Me? My heart, my love so sweet!”

“I see!” bulalas niya nang may mamataang tumatakbong mama na may bitbit na bag. Sigurado siyang magnanakaw iyon.

“You see?” nagtatakang sambit ni Eldwick.

“May magnanakaw!” Itinuro niya ang direction na tinatahak ng tumatakbong suspek. “Ayun! Habulin natin!” Agad siyang tumakbo at hindi na hinintay si Eldwick.

After long long time, she felt her adrenalin rushing up high. Ito ang tunay na buhay ng isang pulis!

Nang sa palagay niya ay maririnig na siya ng tumatakbong kawatan ay saka siya sumigaw. “Tigil!”

“Neknek mo!” sagot naman ng hinahabol niya.

Aba echosera sumasagot! “I’m warning you, tumigil ka sa pagtakbo!”

“Sige bukas, pag nakita na kitang kalbo!”

Aba’t may gana pang mag-joke ito. 

“Ginagalit mo ako ha!” Itinaas niya ang kamay na may hawak na baril at nag-warning shot. “Tigil!”

“In your dreams!”

Halos tumikwas ang hair strands niya sa magnanakaw na ito. Tuloy-tuloy pa rin ang paghabol niya.  She gave him another warning shot. Sinubukan niyang padaplisan ito sa binti ngunit maliksi ito at nakaiwas pa rin.

Hanggang sa pumasok na ito sa simbahan. “Tigil!”

Siya ang natigilan matapos siyang sumigaw. Masama ang tingin na ipinukol sa kanya ng mga deboto na nagdadasal sa loob ng simbahan. Tiningnan siya ng mga ito na pawang isa siyang convicted na makasalanan.

Nahiya naman siya at itinago ang baril. “Sorry po!” Nag-sign of the cross pa siya  at pasimpleng hinabol ng tingin ang magnanakaw. Hindi niya pwedeng patakasin iyon. Nang hindi na siya makatiis ay hinabol niya uli iyon. Lord pasensya na  po, iginagalang ko kayo pero may tungkulin po ako. “Sorry po, may hinahabol lang po akong magnanakaw!” Hindi na siya nagpaawat.

Hanggang sa may isang binata na nakaputing  polo at black slacks na parang magpi-first communion ang lumabas mula sa silid kumpisalan ng simbahan. 

“Sabi ko na tumigil ka naaaaa!” Malapit na niyang ma-corner ang magnanakaw. Ngunit laking gulat  niya nang iabot ng magnanakaw ang bag sa binatang nakaputing polo at tumakbo palayo.

“Ako ng bahala sa magnanakaw, arestuhin mo na iyan,” sambit ni Eldwick.

Binalingan niya ang binata. Kataka-takang hindi man lang ito tumakbo knowing na aarestuhin niya ito.

“Arestado ka.” Akmang poposasahan na niya ito nang mabalingan niya ang mukha nito. Natigilan siya. Na-struck. Na-stranded ng ilang segundo ang  mata niya sa mata nito. Nakasalamin ang binata pero di naging hadlang iyon para makita niya ang napakagandang mga mata nito. You look familiar. Nadagdagan ang pagka-stranded ng mata niya sa mukha nito nang ma-recognize ang kaharap. It was no other than, Leeshan Mino Honrado.

Kumunot ang noo nito. “Anong sabi mo?”

“A-ang pogi mo este arestado ka!”

Hindi ito pumalag nang posasahan niya ito. “Teka, bakit?”

“Amnesia mode? Pa-inosente ka pa eh kasabwat mo iyong magnanakaw! Snatcher in tandem kayo ano?”

Umiling lang ito at ngumiti. “Kapatid, ang mambintang sa kapwa ng walang sapat na ebidensya ay masama.”

“Wag mo akong pangaralan.  In the first place, masama din ang magnakaw. At anong walang ebidensya ka diyan. Ayan nga o, hawak mo pa ang ebidensya.”

“Pero nagkakamali ka. Bigla na lang iniabot sa akin itong bag.”

“Bawal magsinungaling. Nasa simbahan tayo. Dami mong satsat. Sa presinto ka na magpaliwanag. And by the way, you have the right to remain silent, choose your own lawyer…” Ibinanggit pa niya dito ang ilan pang karapatan nito bilang arrested suspek. 

“I don’t need that,”  sambit nito.

Akmang isasama na niya ito palabas ng simbahan nang  humahangos na lumapit sa kanila ang Parish Priest ng simbahan. “Anong kaguluhan ito?”

“Ah, good morning po, Father. Pasensya na po. May nakapasok po kasi na magnanakaw dito. Hinabol ko lang po. Pero eto na po iyong isa, arestado na.”

“Naku, hija. Nagkakamali ka. Hindi criminal iyang inaaresto mo.  Semenarista siya at nagsisimula ng maglingkod sa ating abang simbahan.”

“Pero—” Dumaan sa gilid nila ang arestadong magnanakaw na nagpahirap sa kanya.  “Ikaw, kilala mo ito?” tanong niya sa magnanakaw.

“Hindi ano. Sino ba iyan? Solohista ako ano.”

In fairness, ang taray! 

Alanganing ngiti ang ipinaskil niya nang muli niyang balingan ang binata. “Sorry.” Binalingan di niya ang pari. “Sorry po, father. Ginagawa ko lang po ang tungkulin ko.”

“Walang anuman iyon, anak.”

“Ahm, pwede mo na ba itong tanggalin?” Inilapit ng binata ang  kamay na may posas sa kanya. Agad naman niyang inalis iyon. “Thanks, ako nga pala si Lee. Church server ako dito.  Ikaw?” Tumingin ito sa nameplate na suot niya. “Candaza, anong first name mo?”

“Ahm sige kailangan ko ng umalis bye!” sa halip ay tugon niya.  “Akin na ito!” Kinuha niya ang bag dito. Agad siyang tumalikod at  nagmadaling lumayo dito dahil sa sobrang hiya.

“Sandali, anong first name mo?”

Sinundan pala siya nito. Nasa labas na sila ng simbahan. “Pasensya ka na hindi kasi kami pwedeng basta magpakilala. Bawal. Magroronda pa ako.” Dahil sa kalituhan ay naglakad siya pabalik ng simbahan. 

“Magroronda ka sa loob ng simbahan.”

Natigilan siya. Ano vey! Icee, focus.  “Nakalimutan kong magpaalam kay Lord,” palusot niya.

“Really?” nagdududang sambit nito. 

Mangangatwiran pa sana niya nang may mamataan siyang isang couple na naghahalikan na medyo eskandaloso na at sa gilid pa ng simbahan.  Marami na rin ang napapatingin at napapakunot ang noo sa eksena. Dahil exaggerated ang pagkakunot ng noo niya ay napalingon din doon si Lee.

“Against sa law sila di ba?”

Doon lang nayanig ang diwa niya. “Oo, aarestuhin ko lang.”

Nilapitan niya ang couple at laking gulat niya nang malamang kilala niya ang dalawang iyon na nasa kalagitanaang ng sizzling kissing scene.

“Sabi ko naman sa’yo. Kahit anong iwas mo, sa aking mga bisig ka pa rin babagsak, Onjing!” malambing na sambit pa ni Madam Dalisay.

“Ewan ko sa’yo. Tuparin mo ang sinabi mo,” sagot ni Tito Rojun.

“Hmmmm, isang kiss muna uli!”

Umeksena na siya bago pa siya maloka sa nasaksihan eksena. “Arestado kayo! Tito Rojun, Madam Dalisay!” 


“SERYOSO ba iyon?” natatawang tanong ni Sunset kay Icee.

“Seryoso. Nakakahiya!” tugon niya. After ng pagkapahiya niya kay Lee at wala sa oras na panghuhuli niya kay Tito Rojun at Madam Dalisay, sa Kofi Cups siya tumuloy. Nagkataong andon din ang mga kabarkada niya.

“Pero wala namang relasyon si Ninong Rojun at Madam Dalisay di ba?” ani Ryuji sabay serve ng Chocolate Mousse at Cafe Brava sa kanya. 

“Eh malay naman natin no’n. Hindi naman natin inuungkat ang love life ng mga nakakatanda,” sabat ni Hiroshi sabay higop ng black coffee. “Pero andun na tayo. Nag-violate  sila ng batas. What they did is a public scandal case.”

“Walang kaso. In-interview lang sila ni Hepe. Actually tawa lang ng tawa ang tatay ko habang kinakausap sila. May deal lang pala sila. A hundred thousand worth of check para sa Charity Foundation ni Tito Rojun ang ibibigay ni Madam Dalisay for just a kiss,” tugon naman niya. “Nag-sorry na ako kay Tito Rojun kaya okay na iyon.”

“Eh ano ang ine-emote mo diyan?”  tanong ni Erika.

“Baka si Mr. Kabanalbanalang target!” sabat ni Apple sabay hawi nito ng long hair ala commercial model ng shampoo. “Oh ano, Hiroshi? Pwede na ba akong magpa-VTR?”

“Oo naman, Apple. Naghahanap ng model ang agency ng network.”

“Talaga? Anong commercial naman iyan? Conditioner? Shampoo? Cologne?”

 “Muriatic acid!” hirit naman niya na ikinatawa ng lahat.  Madalas na binabara niya si Apple. Ganon kasi sila ka-sweet. 

“Sige, muriatic acid tapos ibubuhos ko sa’yo.”

“Ayaw mo? Sige, suyod na lang. bagay sa long hair mo, Apple. Kung ayaw mo naman, tina! Iyong color pink!” Another batch of laughter poured in. 

Walang effect. Kahit i-divert niya ang atensyon niya sa pang-aasar kay Apple ay bumabalik pa rin sa isip niya si Lee…ang expressive nitong mga mata, ang paghabol nito sa kanya para lang makuha nito ang pangalan niya, at ang simple nitong ngiti.

“Ano bang gagawin ko?” untag niya.

“O akala ko ba nakapag-sorry ka na kay Ninong Rojun?” tanong ni Hiroshi.

“Hindi naman si Tito, Hiroshi. Si Lee! Waley na waley talaga ako kanina. Kailangan kong umisip ng the moves.”

“Ano bang propesyon mo, Icee?”  korong tanong ng grupo.

“Pulis. Eh ano naman—” An idea came to her mind. Oo nga naman isa siyang pulis at criminal profiler. Anong silbi ng professional skills niya kung di niya magagamit para maka-reach out sa isang importanteng tao?

“Bongga! Mga henyo kayo!”

“Pero girlfriend, ingat ha. Alam mo naman na semenarista ang target mo. Kung sa tingin mo mali na ang nangyayari, umalis ka na sa sitwasyon okay?” paalala ni Hiroshi.

“Oo alam ko, boyfriend,” tugon niya.

They were best friends. Pero mula pagkabata ay iyon na ang tawagan nila. Kung hindi sila kilala ng makakarinig, aakalain ng mga tao na may relasyon sila. But that was pretty impossible.  Malayo sa tulad niyang astigin ang tipo ni Hiroshi.

“So kelan natin iimbestigahan si Mr. Kabanalbanalan?” tanong ni Apple.

“Sasamahan mo ako eh may target ka ring aasikasuhin di ba?”

“Oo nga pala. Sige good luck na lang sa’yo!”
            
            “Good luck din.”

                “Aw, first time mo akong i-good luck girl! I’m so touched!”

                Napangiwi siya nang yakapin siya ni Apple. She was not used to show sweet gestures. It was not a kind of her personality. Hindi siya sanay mayakap o yumakap sa kaibigan at lalo na ang makipag-beso beso.

                “Hindi naman para sa’yo iyon. Para kay Rover. Good luck kay Rover kasi mamalasin na siya. Malapit na.”

                “Ewan ko sa eyeglasses mo!”

                Ngiti lang ang iginanti niya dito.



                ARMADO ng laptop, tickler notebook, cap, eyeglasses at acquired information, sinimulan ni Icee ang Oplan Lee Day.  It was her day off at mula sa araw na iyon ang day off niya ay ibubuhos lang niya kay Lee. Naks! Feeling girlfriend na ah.

                Bahagi ng “Lee profiling” ang malaman niya ang whereabouts nito. Bumalik siya sa Baclaran at di naman siya nabigong makita ito na abala sa  pag-aayos ng altar. Walang misa sa araw na iyon, malamang ay may padasal lamang.

                Umupo si Icee sa pew hindi kalayuan sa kinalulugaran ni Lee at ng binatang kasama nito. Pinagmasdan niya ang binata.  Sa ganoong paraan ay may nakikita na agad siya sa pagkatao nito. He was a too good to be true kind of guy. Base sa information na nakuha niya tungkol dito,  bata pa lang ito ay nagsilbi na itong sakristan sa simbahan hanggang sa pumasok ito ng semenaryo noon high school ito at nakapagtapos ng degree at masters sa Philosophy sa St. Francis De Sales Seminary sa Batangas.  Ngayon, saglit itong lumabas ng seminary upang pag-isipan ang pagpapatuloy ng pagsisilbi sa Diyos. Bahagi iyon ng pagsubok sa isang pari—kung ipagpapatuloy ba nito ang vocation o mamumuhay              sa labas ng simbahan.

                This guy didn’t have any derogatory records. Kahit sa school na pinanggalingan nito, wala rin siyang na-detect na disciplinary record against Lee.  He was also raised by good family. Religious, down to earth despite of being wealthy, a community servant, and with good relationship to neighbors. 

                By looking at him, masasabi ni Icee na isa ito sa mga lakaking mabibilang mo sa daliri ang existence sa planet earth. Mga lalaking mababait at hindi makabasag pinggan. Baka nga mas magaspang pa ang asta niya kesa dito.

                Naku po naman, mukhang dehado ako sa isang ‘to ah. 

                All of a sudden, bigla itong bumaling sa direction niya. Hayan tuloy, caught in the act siyang nakatingin siya dito. He didn’t say anything though. Nagulat pa nga siya nang ngumiti ito sa kanya.

                Ngingiti din ba ako? Weh? Parang hanglandeyyy naman ng strategy na iyon. Kay Apple lang bagay iyon eh.

                Ngumiti pa rin siya pero hindi pa-obvious dahil kasabay noon ay lumuhod siya at nag-sign of the cross. Nakipag-conference muna siya kay Lord. Hindi siya palasimbang tao. Though she was a Roman Catholic by heart, she was not one of the typical church goers. Sa linya ng trabaho niya, madalas na pag linggo ay naka-duty siya.  At katwiran niya pa, pwede namang maging banal ang isang tao kahit hindi palasimba. At the end of the day, God will judge each and everyone with your deeds not in how many times you pray without understanding what those prayers really mean.

                Pero kapag may pagkakataon, dumadaan din siya sa simbahan para mag-alay ng panalangin tulad ngayon. May kasamang motibo nga lang, pero alam niyang mauunanwaan naman siya ni Lord. 

                Pagkatapos magdasal ay lumabas na siya ng simbahan at doon muna nagpalipas ng oras kuno. Ang totoo, hinihintay niya si Lee. Kailangan niyang malaman ang daily routine nito. She took a glance on her tickler. “Lumalabas ng kwarto ng 6am. Nagdidilig ng halaman at konting gardening from 6:30am to 7am. Lalabas ng bahay at 8am. Church activities hanggang…” natigilan siya. Hindi pa ngapala lumalabas ng simbahan ang binata.

                Matyaga siyang naghintay. Umastang patambay-tambay lang sa labas ng simbahan hanggang sa wakas, lumabas na rin ng lungga ang target. Agad niyang isinulat iyon sa tickler notebook niya. “Lumabas ng simbahan at 12nn.”

                Tanghali na pala at nagugutom na siya. Nakita niya itong lumapit sa isang fishball stand. At dahil nagugutom na rin siya, lumapit na rin siya.

                “Manong limang piso fishball po at dalawang kwek-kwek!” ani niya sa tindero.  Una na siyang nagsalita bago pa makahirit ang tinabihan niyang si Lee.

                “Magandang tanghali, Ma’am Candaza!” sambit ni Lee sa kanya. 

                Napangiwi din siya. Tunog teacher ang pagkakasambit nito ng formal sa apelyido niya. Ngumiti lang siya dito at kinuha ang binili niyang fishball kay Manong. Iniabot na rin niya ang bayad. “Sige, mauna na ako.”

                “Wait!” Sinundan siya nito at humarang pa sa harap niya. Ngumiti ito. “Hindi ko nakuha iyong pangalan mo nung isang araw.”

                “Di ba’t sinabi ko Mr. Leeshan Mino Honrado, hindi ko pwedeng ibigay ang pangalan ko. Bawal sa amin.” Palusot lang niya iyon.

                Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Hindi ka unipormado ngayon. Baka naman maaari ko ng malaman ang name mo. At, paano mo nga pala nalaman ang buo kong pangalan?”

                Natigilan siya. Ayan mapapaghalata pa ata siya. “Ah, nag-check ako ng public documents mo to make sure na hindi ka nga kasabwat ng magnanakaw na nahuli namin. SOP iyon ng pulisya.”

                “Ah ganon ba? You probably know  now na hindi ako criminal, Ma’am.”

                “Yes. Sorry nga pala ulit. Ganon kasi talaga ang mga pulis laging may duda sa mga tao sa paligid. Kahit pa gaano kapogi at kaamo ang mukha ng isang tao like you, hindi iyon sapat na rason para sabihin hindi iyon gagawa ng kahit anong bagay na against sa batas ng Pilipinas.”

                Muntik na niyang masabunutan ang sarili nang ngumiti ito na umabot hanggang tenga nito. May nasabi na naman siyang hindi pwedeng sabihin. Inamin na niyang pogi ito at napakaamo ng mukha.

                “Naiintindihan ko naman. Siguro naman, pwede tayong maging magkaibigan? Alam mo na ngayon na mabait akong tao. Ilang taon din ako sa semenaryo. I think it will be good if I got friends outside God servers group.”

                Napabuntong-hininga siya. “Okay sige, I’m Icee.”

                “How about your real name with title?”

                “Aaanhin mo iyon? Ipapa-check mo rin ba ako sa NBI kung tunay akong pulis?”

                Tumawa lang ito. “Hindi ko po gagawin iyon, Ma’am kasi ayoko pong maposasahan mo uli ako.”

                Napangiti siya. Ibang klase din namang humirit ang isang ito.  “Alright. I’m Police Inspector Iana Christine dela Cruz Candaza.”

                “Nice meeting you and thank you.” He offered his hand to her.

                Tinanggap naman niya iyon. A strange feeling ran over her system in few seconds that their hand touched. Parang may electric current pero wala naman.  Kasunod na noon ang  pagtahip ng puso niya. “Y-your welcome Mr. Honrado. I have to go. Bye!” Siya na ang unang bumitaw.  Tumalikod na siya at naglakad.

                Pero hinabol pa rin siya nito. “Ah, cellphone number mo?”

                Umiling siya.  Ang cellphone niya ay nate-trace ng tatay niya. Lahat ng calls and text messages ay namo-monitor ng kanyang ama. Kaya hangga’t maaari, wala siyang pinagbibigyan ng number niya kasi bihadong mabibisto siya ng ama.

                “Ahm kung di pwede, email address?”

                Umiling din siya.

                “Sabi ko nga hindi mo ako papaunlakan. Mag-ingat ka, Icee. Hintayin ko na lang na bumalik ka dito.”

                Napahinto siya sa paglalakad. Tila may himig ng lungkot ang pagkakasambit ni Lee sa mga katagang iyon.  Napalingon tuloy siya dito ng wala sa oras. Saktong nakita niyang nalungkot ito, tumungo at akmang tatalikod na.  Nagtaka siya, bakit ganito ito? Bakit parang napakalaking bagay niya para dito? Naiintindihan niya kung bakit siya lumalapit at nage-enjoy siya sa paglapit dito. Iyon kasi ang misyon niya para hindi matalo sa same order game of destiny. Pero hindi niya inasahang ito pa talaga ang mag-insist na lumapit sa kanya, magtanong ng pangalan at humingi ng contact number.

                Natigilan din si Lee, marahil ay napansin nitong nag-about face siya. Nagsulat siya sa tickler notebook niya pagkatapos ay pinilas ang pahinang sinulatan. Nilapitan niya ito at ibinigay ang papel. “Ayan ang contact ko, yahoo! messenger at email address.”



                “NABABALIW ka na, Icee!” sita niya sa sarili habang nakaharap sa salamin sa restroom ng bachelor pad sa loob ng Kofi Cups and Sweets.  Napagod siya sa pagsunod-sunod kay Lee sa loob ng isang araw kaya nakiusap siyang  sa pinsan niyang si Ryuji na makipahinga muna siya sa pad. At ngayon nga, nakikipag-conference siya sa sarili.

               Hindi niya alam kung may pagsa-budol-budol gang si Lee at bigla na lang siyang nagbago ng isip at ibinigay dito hindi lang ang cellphone number niya kundi pati ang  internet access. Though it was good for her advantage dahil siguradong hindi na siya mawawalang ng connect sa target niya, still nalalabuan siya sa nangyayari. It was obvious na hindi ang kilala niyang Icee ang nag-appear kanina sa harap ni Lee.

                Inalis niya ang suot na eyeglasses at naghilamos ng mukha. Baka sakaling tumino siya at tumuwid ang nabaluktot na takbo ng isipan niya.

                Biglang nag-beep ang message alert ng cell phine niya. Dinukot niya iyon at tiningnan ang mensahe. Unregistered number. Biglang kumabog ang puso niya. May kutob siya kung sino ang nag-text. Nakumpirma niya iyon nang mabuksan ang message.

                Hi, Icee, It’s Lee here. I just want you save my number. Thank you for entrusting me your contact details. I hope we could know each other better through this. Sa text nawawalan ng meaning ang pagiging pulis mo. You’re now a simple sweet girl kaya sana mapagbigyan mo ako. I’ll be waiting for a reply. God Speed.  

                 Napangiti siya kasabay ng tila kilig na nararamdaman niya. She replied. Hi Lee,  I just want you to know that I gave a real number and I didn’t fool you out. I saw that in your eyes earlier. Alam kong iniisip mong maaaring maling number ang ibigay ko. Okay, I’m the simple girl and you’re a simple guy. Quits! She sent the message and saved the number.

                Hanglandeyyyy ko ata! Waaaaah! Inayos na niya ang sarili at lumabas ng banyo. Isinakbat niya ang bag  at lumabas ng pad. Narinig niyang nagbeep uli ang cell phone niya pero dinedma niya muna. Pagkauwi niya sa bahay saka na siya magre-reply.

                “Uy, Icee, kape mo!” Inihabol sa kanya ni Ryuji ang kape na nasa styro cup sa kanya.

                “Salamat, Ryu!” She carelessly opened the door at aksidenteng may nabangga siya na nabuhusan din niya ng kape. Napasinghap ito.

                “Naku, sorry!” Agad siyang kumuha ng tissue sa mesang malapit sa pinto at pinunasan ang polo ng nabuhusan niya. “Sorry talaga!”

                “Icee?”

                Napaangat siya ng tingin. She was greeted by the expressive eyes of Lee.

                “Icee!”

                Nagulat siya nang bigla na lang siyang niyakap nito. Tila huminto ang  oras, naglaho lahat ng tao at naiwan sila. Tila moment nila iyon at walang makakasira. Tila…tila napapraning na siya kasabay ng pagdoble ng pagkabog ng puso niya.

                “Thank you so much, Icee. Thank you so much!”   parang excited at tuwang tuwa pa ito at natapunan niya ito ng kape. “Thank you!”

                “Huh?”


                Nagulat siya nang bigla nitong hinalikan siya sa pisngi kasabay nang pagdating ng kanyang ama. Gulat na gulat ang kanyang ama sa eksenang naabutan. Caught in the act siya…sila. 




PREVIOUS                                                                    NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…