Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: The Same Order Game of Destiny- Primer





 “Sigurado ka ba sa information, Icee?” tanong ni Ryuji over a cell phone conversation. Nakapasak sa tenga niya ang earphones habang nagmamaneho. Papunta siya sa isa sa  mga branches ng coffee shops ng kanyang ama. 

                “Kelan ba pumalya ang information ko, Ryu? Sigurado ako. May spy sa loob ng Kofi Cups and that particular person wants to turn your Dad’s shop down!” tugon ni Icee, ang kanyang ever-reliable pinsan na Criminal Profiler sa PNP at isa sa mga trusted na tauhan niya sa Code Black Security System Inc., ang corporation na pinamamahalaan niya.

                “Nasa’an ka?”

                “Malapit na ako sa Kofi Cups,” tugon nito.

               “Okay, I’m on my way.”  He ended the call and concentrated on driving. 

                His father’s Kofi Cups and Sweets, a coffee shop that caters all kinds of coffee blends and pastries, has been popular for the past 25 years. At dahil nga sa success ng negosyo ng magulang ay di maiwasan na may ilang mga coffee shops ang gumawa ng mga under the table tactics, makuha lang ang secret formula of success na coffee shop. Bilang panganay na anak nina Kofi at Eloi, hindi niya mapapayagang basta-basta na lang may sisira sa negosyong naging saksi sa pagmamahalan ng mga magulang niya.


                That was a little melodramatic, indeed. Hindi man halata sa ugali niyang may pagka-happy go lucky na tao, pagdating naman sa usaping pampamilya ay tumitino siya. Ang bunsong kapatid na si Zuleika ang nagma-manage ng Kofi Cups dahil wala siyang hilig talaga sa walang thrill na negosyo pero hindi ibig sabihin noon ay wa pakels na siya. Higit sa lahat ng bagay sa mundo, mas importante sa kanya ang pamilya niya at ang mga bagay na nakapaligid sa angkan ng Candaza.

                He parked his car sa VIP parking space sa harap ng shop at dali-daling bumaba ng kotse at pumasok ng Kofi Cups. Inabutan niya doon ang mga kaibigan slash kababata sa isang mesa andon na rin si  Icee.

                Umupo siya sa tabi ng pinsan. “Nasa’n?” 

                “70 degrees northwest,”  tugon nito habang patuloy sa pagtitipa sa laptop nito.

                “Kayong magpinsan para na naman kayong mga sinanibang praning,” komento ni Apple. “Ano na namang problema? Nung isang linggo,  basta na lang kayo tumakbo palabas at may hinabol kayo tapos ngayon, may pa degree-degrees pa kayong nalalaman. Chill out mag-cousins, ang sarap kayang magkape. Try nyo!”

                Tinawanan ng buong grupo ang hirit ni Apple. 

                “Ang kyut mo talaga, Apple. Halika nga,” sambit ni Sunset.

                “Bakit, ‘tol?” Umarteng namang barakong lalaki in a pink dress and stilettos itong si Apple. “Mamaya pa tayo mangtsi-chicks ‘tol. Wag  kang  excited. Darating tayo diyan!”

                Lalong umugong ang tawanan.

                “Hindi naman iyon,  ‘tol. Eh alam kong malakas ka sa chicks. Uutangan lang sana kita,” patol ni Sunset sa biro nito.

                “Ay bukas ka na lang umutang offline ako eh. Balik ka ‘pag office hours na.”

                “Apple, tara dalhin kita sa studio,” sabat ni Hiroshi.

                “Whyness?  Gagawin mo na ba akong artista sa TV network mo? O kaya naman ay news anchor? Model? Ay bongga! Stardom here I come!”

                “Hindi ano! Ipapalinis ko sa’yo iyong stockroom namin. Mukhang wala ka kasing magawa sa buhay mo eh,” tugon ni Hiroshi.

                “Ganon? Chever! Busy rin ako sa Hacienda Canilao, hindi lang halata kasi maganda ako. At love ko ang color pink!” kalat-kalat na hirit nito.  Lalong umugong ang tawanan nila. Nag-iiba talaga ang atmosphere kapag bumabangka  ng patawa itong si Apple.

                “Tama nga, mas okay na iyong maranasan niyang maging janitress kesa mabaliw ang isang iyan! Ay baliw ka na nga pala, Apple. Masama ata kung ma-double insanity ka.”  Nakisabat na rin si Icee. 

                Napapatawa na rin si Ryuji pero hindi niya kinalimutan ang subject ng praning na usapan nilang magpinsan. Sa peripheral vision niya ay nakabantay siya sa binatang matangkad, naka-pink na shirt na nagkakape at sa katabi nitong babae. They looked like typical customers but relying on Icee’s information, malamang na ang bawat ino-order ng mga ito na products ng Kofi cups ay inoobserbahan ng mga ito ng maigi. Good luck na lang sa kanila. He would never allow an intruder passed his security skills.

                “Pero in case, mag-sponsor ako sa hospital bills mo sa mental institution, Apple. Ganon talaga, kasi labs ka namin,”  hirit ni Ryuji.

                “Graveycious! Ang kagandahan ko na naman ang nakita n’yo. Napaka-dyosa ko talaga,”patawang  hirit nito na in fairness, bumebenta talaga sa kanila.

                “Iba ka talaga, Apple. Isa kang malaking kabaliwan sa umaga,” sabat naman ni Erika.

            “At ikaw bakit andito ka? Resigned ka na bang maging slave ng amo mong pogi pero untouchable?” tanong naman ni Apple.

               “Hindi ano. Hindi siya ang magpapaalis sa akin sa Zeus Apollo University. Ang ganda ko kaya! Magpapa-late lang ako ng pasok para maasar ko siya.” Binuntutan pa ni Erika ng demonic laugh ang statement nito.

                “Ay sis, try mo rin kayang mag-AWOL one time.  Itaon mo sa araw na marami siyang ipapagawa sa’yo. Bongga, tingnan natin kung sesesantehin ka niya o hindi!” hirit pa rin ni Apple.

                “Ay bongga! Sige, gawin ko iyan bukas.” Nag-apir pa ang dalawa.    

                Napansin ni Ryuji na tumayo ang lalaking binabantayan at lumabas ng shop. Maya-maya pa’y sumunod na rin ang kasama nito sa table na babae. Mukhang nag-back-out sa spying  drama ang dalawa.

                “Sino ba iyong tinitingnan mo?” tanong ni Apple. “Ano ba talagang meron? Nakakaloka kayo eh!” 

                Siniguro muna ni Ryuiji na wala na sa paligid ang hinihinalang spy bago sumagot kay Apple. “Icee tracked some information. There was a certain businessman who sent spy here at Kofi Cups.”

                “Talaga? Asan na ang spy na iyan? Pogi ba? Aakitin ko na lang para wala na kayong problema.” Humirit na naman si Apple.

                “Alam ba naman ni Tito Chrysler na ganyan ang panganay nilang anak?” nakangiwing sabat ni Icee. Tumayo ito. “I’ll check kung may naiwang traces iyong mga spy.” Umalis ito saglit.

                “Bakit ba? Wala namang mali sa akin ah. Oh well, meron nga. Sobra ko kasing ganda.”

                “Hay naku, Apple malala ka na,” sita ni Sunset.

                Naglabas ng limang daan si Hiroshi. “O ayan Apple, sa’yong sa’yo na iyan.”

                Kinuha naman ni Apple ang pera. “Wow, nagtatapon ka ng pera Hiroshi? Wala ka namang sama ng loob sa pera?”

                “Actually wala. Nagmamagandang loob lang si Hiroshi sa’yo. Pamasahe mo daw iyan pauwi ng Batangas. Bumalik ka na do’n, now na!” sabat ni Icee pagkabalik nito mula sa kabilang mesa. “Di ba?”

                “Tamaaaaa!”

                Umirap si Apple. “I don’t need your Ninoy. I’m rich!” Ibinalik nito ang limang daan sa noo ni Hiroshi.

                Binalingan niya ang pinsan. “Oh ano?”

                “Wala namang iniwan. Wala rin akong nakitang listening device or something. Gagawa muna ako ng profile nila tapos bigyan na lang kita ng details.”

                “Okay…okay. Tama na muna ang usapang nakakapraning,” sabat ni Erika.

                “Eh ano na ang pag-uusapan natin? Iyong kagandahan ko na naman?” litany ni Apple.

                “Konti na lang talaga, ipapagamot na kita,” naiiling na sambit ni Sunset.

                “Wag ganon ‘tol! Di kita sasamahang mang-chiks!”

                Umugong na naman ang tawanan nila.  Ibang klase talaga pag si Apple na ang humihirit.

                “Love life na lang ang pag-usapan natin,” suggest ni Icee.

                “Aba, himala. Kelan ka pa nagka-interes sa love life? May lagnat ka?”  pang-aasar ni Apple.

                “Wala lang. Naisip ko lang na better topic iyon kesa sa sinasabi mong kagandahan mo,” tugon ni Icee.

                “Ano namang tungkol sa love life?” tanong ni Ryuji.

                “Boring topic, wala naman tayong love life,”  sambit ni Erika.

                “Oo nga naman Bakit nga ba puro tayo single? Wala man lang kulay ang buhay natin,” hirit ni Hiroshi.

                “May naisip ako,” sambit ni Ryuji. Nakaisip na naman siya ng power trip. Madalas na pasimuno siya ng mga kung anu-anong trip na pinapatulan naman ng mga kababata niyang palaging game sa lahat.

                “Trip-trip uli?” korong tanong nina Icee, Apple at Erika.

                Napangisi siya. “Oo.”

                “Game!” korong sambit ng lahat.

                “Okay, I call it, Same Order Game of Destiny.”

                “Wow, ang cheesy ng title!” tumatawang  hirit ni Apple.

                “Okay lang iyan. Malay natin, maging kupido ako this time,” hirit pa ni Ryuji.

                “Sige paano ba iyang Same Order Game of Destiny na iyan? Baka sakaling magkakulay ang love life natin diyan,” litanya ni Icee.

                “Okay. Ganito ang rules. Lahat tayo ay bibili ng tig-isang variant ng coffee. Kelangan magkakaiba tayo. And then after nating bumili, kung sino ang  unang bibili ng same order natin, siya ang ituturing nating destiny. Kelangan opposite sex at halos ka-age-range natin. And then, for the next three months, kailangang magka-progress tayo as in progress na may kinalaman sa love sa mga ‘destiny’ natin or else, you lose the game.”

                “Okay iyan! Call!” sambit ni Apple.

                Sumang-ayon na rin ang iba.

                “Mas masaya siguro kung may bet sa mga matatalo,” suggest ni Sunset. Sinang-ayunan naman ng lahat ang sinabi nito.

                “Okay, no problem. Let’s throw our bet. Mauna ako. Pag ako natalo,  libre na ang installation ng full package ng security devices sa mga bahay n’yo at sa sasakyan,” sambit ni Ryuji.

                “Astig ah! Type! Ako naman, free accommodation sa Hacienda Canilao Resort,” sambit ni Apple.

                “Wow, malaking tipid kayong dalawa ha. Pag ako natalo, libre commercial endorsements ng negosyo nyo,” sambit ni Hiroshi.

                “Dehado kami ni Icee, wala kaming negosyo!” apila ni Erika.

                “Para sa inyo ni Icee, ise-set ko kayo ng date sa favorite nyong artista. Name them, I’ll make an arrangement!” tugon ni Hiroshi.

                “Bongga!” nag-apir pa ang dalawa.

                “Ako, teka ano bang ibe-bet ko? Hmmm, pag natalo ako, magpapalda ako ng isang buwan!”

                Nagtawanan sila. “Go Icee! Matalo ka sana! Masaya iyan! Aayusan kita. Gagawin kitang ganap na babae,” buska ni Apple.

                “FYI, babae naman ako ah! Baliw!”

                “Ako naman, pag ako ang natalo, ililibre ko kayo sa Disneyland,” nakangiwing sambit ni Erika. “Wag sana akong matalo, magastos kayo! Isa lang naman akong hamak na empleyado!” Nagtatrabaho ito sa Zeus Apollo University bilang isang Finance Officer.

                Nagtawanan sila.

                “At ako, pag ako natalo, papayag na akong gawan kayo ng portrait. Hay naku, ayaw ko ring matalo!” hirit ni Sunset.  Bata pa lang sila ay pinipilit na nila itong igawa sila ng portrait pero tumatanggi talaga ito. Kahit ngayong kilalang pintor na ito ay todo tanggi pa rin ito.

                “Yan, recorded ang bet natin sa cell phone ko kaya wala tayong kawala sa isa’t isa. Three months lang ang period natin ha.  So ano?  Game na?” tanong ni Ryuji.

                “Game!”

                Nagsimula na silang umorder ng kanilang choice of coffee. Maya-maya pa ay nai-serve na rin sa kanila ang mga kape. Café Breva para kay Ryuji, Café Latte para kay Apple, Café Macchiato kay Icee, Espresso Con Panna para kay Hiroshi, Irish Coffee para kay Sunset at Melya kay Erika.

                “Teka eh paano natin malalaman ang information tungkol sa mga bibiktimahin natin?” tanong ni Erika.

                “Kanya-kanyang diskarte na iyan. Pero kung talaga nahihirapan  kayong ma-hunting ang target, I can do profiling,” sambit ni Icee. “Naka-set na rin ang CCTV camera for snap pics!” Pinakita nito sa grupo ang laptop na nagsilbing monitor ng CCTV camera sa main door ng coffee shop.  

                “Wow, astig itong naisip mo Ryuji,” sambit ni Apple. 

                Maya-maya pa’y may pumasok na ang unang prospect. Isang babae ang nagtungo agad sa counter at umorder.  At ang na-bueno mano sa power trip nila? Si Sunset.

                “Anong masasabi mo, pare?” tanong ni Hiroshi.

                “Not bad! Masundan kaya?” tugon ni Sunset. “Excited ako!”

                Nagtawanan sila nang may pumasok uli. Isang binatang nakaputing polo na may pin na crucifix sa kwelyo ng polo. Familiar sila sa suot ng binata. Walang dudang semenarista iyon. Bumili ito ng kapeng katulad ng order ni Icee.

                “Ngek! Counted ba iyon? Eh Magpapari iyon ah. Ayokong magkasala kay Lord!” apila ni Icee.

                “Hindi pa siya pari. Malay natin di ba? Go lang!” sambit ni Erika. “Hangga’t wala pang abito, pwede pang akitin!” Tatawa na sana ito nang bigla itong mapangiwi sa nakitang pumasok. It was no other than her untouchable boss at Zeus Apollo University. “Aww! This can’t be! Babangungutin ata ako!”

                “Paano ba iyan? Pareho kayo ng order ng untouchable boss mo. Destiny is in your hands!” pang-aasar pa talaga ni Hiroshi.

                “You, Miss Erika Claudia Salazar. Ano pang ginagawa mo dito? Nalipat na ba dito ang office mo? Late ka na naman sa trabaho,” sita pa mismo dito ng boss nito.

                “Kailangan bang buo ang pangalang ko?” pabulong na reklamo nito. “On the way na po, Sir!”  Tumayo na rin si Erika at sumunod sa slave boss nito papalabas ng shop.

                Another girl entered the coffee shop. Pumunta ito sa counter at umorder ng kaparehong order ni Hiroshi. 

                Binalingan ni Ryuji si Hiroshi at nahuling nakangiti ito. “Kilala mo pare?”

                “Oo,” tipid na sagot nito.

                Bago lumabas ang babae ay bumaling ito sa direction nila at pa-kyut na kumaway kay Hiroshi. “Hi Sir Oshi! Good morning!”

                “Good morning, Miss Janihim. Papasok ka na sa studio?”

                “Opo, Sir! Maaga ang taping ngayon.”       

                “Yeah. See you at the studio.”

                “Sige po, Sir.” Lumabas ito ng shop.

                “Madaya! Kilala  mo rin ang sa’yo!” hirit ni Apple.

                “Artista ba iyon?” tanong ni Icee.

                “Nope. She’s a voice talent.”

                “Nagda-dub ng anime at asinanovela?” tanong ni Sunset.

                “Yes!”

                “Wow, she’s interesting,”   sambit naman ni Ryuji.

                “Well, she’s my target. Find yours!” pa-possessive na hirit ni Hiroshi.

                Biglang nagkaroon ng commotion. Nagtilian ang mga babae. Nalaman na lang nila ang dahilan ng pumasok sa shop si Rover Manalili, the famous band vocalist of Sheyron Band na sikat na sikat sa Pilipinas ngayon.

                “May mamaw na dumating,”  asar na sambit ni Apple. Hindi nito inabala ang sarili makiusyoso. Kape na lang ang pinagbuhusan nito ng panahon.

                “Waaah, sis! Pareho kayo ng order ni Rover Manalili! Ang bongga mo ‘day!” hirit ni Icee.

                “Hindi pwede iyan! Magpapakamatay na ako mamaya!”

                Tinawanan lang nila ito. Alam naman kasi nila ang dahilan kung bakit umuusok ang tenga nito kapag may nasasagap itong anything about Rover Manalili.

                “Oh last target na for Ryuji! Ay patay! Bumalik si spy!”  hirit ni Icee.

Namataan  nga niya ang babaeng kanina ay kausap ng isang lalaking markado na nila bilang spy.  Pumunta ito sa counter at bumili ng kape na katulad ng kanya. Napangiwi na lang tuloy siya.

“Pinapadali ng babaeng ito ang buhay niya,”  sambit niya.

“Oy, love progress ang pinag-uusapan natin dito ha. Baka kung anong progress ang gawin mo sa kanya,” paalala ni Apple.

“On the second thought, maganda ngang maging resbak ang suyuin siya para hindi na siya makapag-spy,” sambit niya. Awtomatikong isang plano ang na-formulate sa isipan niya. “Let the game begin!”

Nakuha ng isang umeeksenang tili ang pagninilay-nilay nilang lima.

“Fafa Onjing!!!!!”

Pumasok sa coffee shop ang Tito nilang lahat na si Rojun. Kaibigan ito ng mga magulang nila.  Kasunod nito ang isang  babaeng kulot ang mahabang blonde na buhok, naka-bestida ito at naka-high heels. Malamang, ito ang tumili kanina.

“Fafa Onjing!” Kumapit ito sa braso ni Rojun. “Ako ang pag-ibig na matagal mo ng hinihintay!”

“Madam  Dalisay, utang na loob naman. Lipas na ako sa pag-ibig.  Maghanap ka na lang ng iba.”

“Ikaw ang sinasabi ng mga bituin sa langit!”

“Jino-joke ka lang langit okay!”

Napatawa na lang tuloy silang magkakaibigan sa nakakatawang eksenang nasasaksihan nila. Siguro nga ay ganon nga ang pag-ibig, kung kelan hindi mo hinahanap kusang darating.  Ang anim na taong tinukoy ng same order game of destiny, sila rin kaya ang tunay na nakatadhana sa kanila?


                                                                      FIRST STORY

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…