Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Maybe This Time- Part 3





Balance Sheet, Income Statement, Bank Reconciliation. Panay ang palipat-lipat ni Apple sa mga sheets na ito sa MSExcel. Click lang siya ng click. Ang totoo, wala naman siyang ginagawa, nagpapaka-busy lang. Para kasi siyang bilanggo. Daig pa niya ang isang na-house arrest.

                Nang malaman ng pamilya niya ang tungkol sa muling pagkabuhay ni Karl na ang alam talaga nila ay patay na, naging masaklap na ang buhay niya. Tadtad ng security devices ang buong Hacienda Canilao lalo na ang bahay nila at mas lalo na ang kwarto niya. Halos pinagbabawalan na rin siyang lumabas ng vicinity pansamantala. At ang pinakamasaklap sa lahat, bantay-sarado siya ng dalawa niyang kapatid.

                Napapangiwi na lang siya nang mag-angat siya ng tingin. Ang kambal niyang mga kapatid ay nakangiti sa kanya habang nakaupo ang mga ito sa kama niya at siya naman ay nakaupo sa swivel chair sa tapat ng pc niya.  

                “OA na kayo ha. Hindi ba ako pwedeng magtrabaho nang mag-isa?” tanong niya sa mga ito.


                “Sa ngayon ate, pagtiisan mo muna ang aming napakagwapong mukha,” sagot ni Phi Nat. Hindi naman obvious na sa agricultural products isinunod ang mga palayaw nila. She was the mansanas, Coco Nat was the niyog and Phi Nat was the mani…peanut na lang.

                “At hindi ka naman namin ginugulo sa trabaho mo. May sarili naman kaming mundo dito,” dagdag pa ni Coco Nat.

                Yeah, right. Busy nga ang dalawa sa paglalaro ng PSP sa tabi niya. Though hindi nga naman siya iniistorbo ng mga ito, nadi-distract pa rin siya. Ni hindi siya makapag-facebook dahil makikita ng mga ito ang palitan ng messages nila ni Rover. Di rin siya makapag-ym dahil masisilip ng mga kapatid niya ang kanyang pa-demure na paglandi…este pakikipaglambingan.  

                “Wag nyong sabihing matutulog din kayo sa tabi ko mamaya?”

                Sabay na ngumiti ang dalawa. “Pwede?”

Napangiwi lang siya. “Kung makipag-date na lang kayo hindi iyang para kayong guardia civil diyan.”

“Ate, kung noon wala kaming nagawa para iligtas ka sa gagong iyon, ngayon maipagtatanggol ka na namin,” sambit ni Coco Nat. “Kaya hayaan mo na kami.”

“You are the family’s only princess. Hindi kami papayag na masaktan ka pa uli in all means,” sabat naman ni Phi Nat. “Kaya iyang manliligaw mong dating nanloko sa’yo, markado iyan sa amin.”

“Hindi ka namin ate papakealaman pero once na saktan ka uli ni Rover, hindi kami magpa-promise na wala kaming gagawin.”

Napangiti siya. Siguro nga ay madalas na parang baliw itong mga kapatid niya pero at the end of the day, sila pa rin ang sweetest brothers ever!

                Sinenyasan niya ang mga ito na lumapit sa kanya. Pagkatapos ay niyakap niya ang mga ito. “I’m a Code Black agent now. Kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko ngayon.” Bumitaw siya sa pagkakayakap sa mga kapatid. “Marunong na akong mangarate. Kakaratehin ko na lang siya pag nagkita kami as in….eeeeyaaaaaaaaa!”  pabirong pumwesto pa siya ala-kengkay na karatista in a pink pair of pajamas.

                Sabay na tumawa ang mga kapatid niya. “Baliw ka talaga, ate,” buska ni Coco Nat.

                “Siguro nagayuma mo lang si Rover kaya ka nagustuhan,” dagdag pa ni Phi Nat.

                “Baliw din kayo, magkakapatid tayo eh. Ano? Lalabas na ba kayo para mang-chiks?” Nginitian pa niya ang mga ito. “Kasi alam nyo matutulog na ako.”

                “Sige iwanan ka na namin ate. Just give us signal kapag may nangyaring kakaiba, okay.”

                “Sure, Coconatnat giant nut!”

                “At wag ng makipagpuyatan ng chatting with Rover. Sa umaga ka na mang-akit okay?”

                “Oo na! Nagaraya!”

                Itinulak na niya ang dalawa palabas ng pinto. And she finally grinned the moment she closed the door.

                Bumalik siya sa pc at dali-daling nag-online sa yahoo messenger. Naka-invisible pa siya dahil baka mabisto na naman siya ng mga kapatid. Ritual na nila ni Rover ang mag-chat bago matulog. So far, she was enjoying the moment. Nakalimutan na niya ang unang plano na mag-revenge. Ang gusto na lang niya ngayon ay…ang maka-score kay Rover! Sa ngalan ng same order game of destiny, sa ngalan ng pagbibigay niya ng chance na mapangiti muli, sa ngalan ng chance na ma-in love muli.

                Napakunot ang noo niya sa naisip. Ano iyon, ma-in love? Hindi iyon kasama sa plano niya ah.

                She got disappointed when she found out that Rover was offline. Hindi na rin siyang nag-abalang sumilip sa Facebook dahil kung offline ito sa YM, wala rin ito sa facebook. Sa tagal na nilang may connection gamay na rin niya ang hobby nito kapag nago-online ito.  Disappointed enough, naglogout na lang din siya at pinatay ang pc. Then she lazily laid on her bed.       

                Though may risk sa buhay ng barkadahan nila at pamilya nila ngayon, still life must go on. Next week na ang kasal ni Tita Eloi at Tito Kofi. Hindi pa niya nayayaya ng date si Rover. At talagang siya pa ang magyayaya dito. Ibang level na talaga.

                Napabuntong-hininga siya. Nasa pagitan siya ng game at reality.  Dapat pa ba niyang  sabihin kay Rover ang tungkol doon? Oo nga’t kalahati ng utak niya ay nasa determination na wag matalo sa game, kalahati naman ay nage-enjoy sa attention na nakukuha niya kay Rover.

                Ano ba talaga?

                She was in the middle of thinking the pros and cons when she heard unusual sound from the veranda. Tila may kumakaluskos doon. Pinakiramdaman niya ang paligid habang dahan-dahang lumalapit sa veranda. May anino siyang nakita. May tao sa veranda ng kwarto niya. Inihanda niya ang sarili para salubungin ng martial arts ang taong iyon nang makarinig siya ng strum ng gitara.

                Then a familiar voice sang one of her favorite songs.

                “It took one look. And forever laid out in front of me. One smile and I died only to be revived by you….”

                Binuksan niya ang bintana at nakumpirma ang hinala. There sitting on the veranda was Rover with a guitar and heart-snatching voice.

                “There I was, thought I had everything figured out. Goes to show just how much I know ‘bout the way life plays out…”  

                Ngumiti ito sa kanya at kumindat. Kasabay na noon ang biglaang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Heto na naman siya. Nahi-hipnotize na naman siya ng mga titig nito.

                Without breaking their connections, he continued singing. “I take one step away but I found myself coming back to you. My one and only, one and only you…”  

                Hindi maiwasan ni Apple ang mapangiti. Maaring ang isang harana ay napaka-old style na pero kung ganito naman kagwapo at kagaling kumanta ang manghaharana, sino ba naman siya para tumanggi? Habang kumakanta si Rover ay mataman lang niyang pinakinggan at pinagmasdan ito. Who will never fell in love with this man? Maliban sa physical appearance nito, higit na nangingibabaw ang pagiging sweet at romantic nito.

                Okay fine…Give in na ako. Bahala na kung tuluyang ma-in love ako sa’yo.

                “You are still pretty even in the middle of the night,” sambit ni Rover habang nakatitig pa rin sa kanya.  Iniabot nito sa kanya ang isang stemmed rose.

                “And you are bolero as always even in the middle of the night,” nakangiting sambit niya  sabay tanggap sa bulaklak. “Ano bang ginagawa mo dito? Paano ka nakaakyat dito sa veranda?  At saka baka makita ka ng Daddy ko. Lagot ka do’n!”

                Niyakap nito ang dalang gitara. “Di ba sinabi ko sa’yo, I’ll find ways to be with you. Na-miss na kita eh.”

                Pabirong hinampas niya ang balikat nito…may kasamang tsansing of course. “Ikaw talaga, hindi mo ma-resist ang goddess beauty ko ano?”

                Tumawa ito. “Medyo. Hindi na ako kontento sa video call at sa picture mo sa cell phone ko. I’m longing for more.”

                Nagulat siya nang hilahin siya nito. Sa isang iglap, pumalit siya sa yakap nitong gitara. She felt her heart went to crazy beats again. Being with him that close made her feel thousands emotion she was not aware of. Kakaibang pakiramdam na hindi niya ma-explain…hindi niya maunawaan ngunit kakaibang saya ang dulot sa hyperactive niyang puso na nagta-tumbling at split sa sistema niya ng paulit-ulit.

                “Rover…”  Kay bango mo namang nilalang ka! Ahummm!

                “Maybe I’m starting to be crazy. Tumakas ako sa shooting ng music video para lang puntahan ka, kantahan ka at mayakap ka. Okay lang mapagalitan ako mamaya ni Richael dahil nawala na naman ako during break time. I don’t know why but I have the feeling that I need to see you now.”

                Suddenly she went out of word. Madalas nga ay sa text at internet lang sila nag-uusap at aminado siyang mas masaya pa rin talaga sa personal.

                Kumalas siya sa pagkakayakap nito. “Hindi mo naman kailangang tumakas pa. Pwede mo naman akong tawagan. One dial lang naman ako.”

                “It’s not enough. Para sa akin hindi iyon counted sa panunuyo ko sa’yo.” Matamang tinitigan siya nito. “Apple, may hindi ka ba sinasabi sa akin?”

                Natigilan siya. Anong ibig sabihin ni Rover? Nabisto na kaya siya sa same order game of destiny nila? “Ahm…”

                “May natuklasan ako. Sino si Karl?” 

                Natigilan uli siya. Who the hell was feeding him the info? “He was a ruthless man. That’s all I can say. Hindi ko siya kilala. Basta ang alam ko masama siyang tao.”

                “Did he really…” bigla ay naging hesitant ito sa sasabihin.

                Na-gets naman niya kung ano iyon. “Attempted to rape me? Yes. Ako si Icee at Erika. We were kidnapped and saved by Icee’s father before it’s too late. At hanggang ngayon takot pa rin ako.”

                “I’m sorry about that, Apple. If only I—”

                “Iyan ka na naman sa senting panis mo. Di ba sabi ko wala ng babalik sa past natin? Wag mo ng sisihin sarili mo ng paulit-ulit di ka naman unli,” hirit niya.

                Niyakap siya uli nito. “Di na po mauulit.”

                “Tama, wag ka ng tumalon sa past, para kang pirated cd kasi. Jump ka ng jump sa past.”

                “Di iyon. Ang ibig kong sabihin, hindi ka na masasaktan uli ng Karl na iyon kung sino man siya. I’m with you now.”

                Napangiti na lang siya. Pakiramdam niya ay wala talagang makakapanakit sa kanya kapag kasama niya ito.

                “Can I see you tomorrow? Off ako for two days to celebrate Christmas. Baka pwedeng ikaw ang maging Christmas date ko. Okay lang ba?”

                 Okay na okay. Super duper okay. Okay to the nth level! “S-sige!”

                “Thank you!” Bigla siya nitong hinalikan sa pisngi sa sobrang tuwa. 

                Natigilan siya. Natigilan din ito. Ang ending tuloy nagtitigan na lang sila…feeling nasa teleserye lang. Kumabog na naman ang puso niya. There were lots of feelings she can read in his eyes. Joy, happiness, love. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip niya ng wala sa oras habang matamang nakatitig ito sa kanya na waring sinasabi siya na ang pinakamaswerte babaeng sa mundo ngayon. Naihatid na rin siya ng ilusyon niya sa isang romantic na eksena.

                “Apple, the song… it was the second single in the second album of Sheyron Band,” malambing na sambit nito. “It’s for you. At kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, kakantahin kong lahat ng songs ng three albums namin sa’yo to prove how much I love you.”

                It wasn’t the first time he talked about love. Pero parang hindi pa rin makapaniwala si Apple sa naririnig. Naguguluhan pa siya. Kailangan pa niyang pag-isipang mabuti ang bagay na iyon. Kahit gusto ng puso niyang maniwala, tumatanggi pa rin ang isipan niya.

                Nag-ring ang  cell phone nito. And that gave her an excuse not to response on his statement.

Tiningnan lang nito ang nag-iingay na cell phone pagkatapos ay nakangiting bumaling uli sa kanya.

                “I think I have to go. Hinahanap na ako ni Richael.”

                “Yeah, you have to go.” So that I could think over about you. 

                “Good night!” He moved closer and kissed her forehead. Lihim na kinilig naman siya. Kung hindi lang parang baliw, magtatatalon siya sa tuwa. 

                Isinakbat nito sa likod ang dalang gitara at puwesto na ito sa veranda. Nasa second floor ng villa ang kwarto niya.

                “Paano ka bababa?”

                “Don’t worry about me. Nakaakyat nga ako dito, kaya ko ring bumaba.”               

                “Uy ingat ka!” pahabol niya habang bumababa ito ala-akyat bahay gang.

                Nang makababa ito ay kumaway ito sa kanya. Ganon din ang ginawa niya. At inihatid niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng gate ng  villa na tanaw pa rin sa kwarto niya. Bigla siyang nagtaka, tadtad ngapala ng security devices ang buong bahay lalo na ang silid niya. May hidden camera pa nga doon na mismong sa veranda nakatutok. Bakit naging peaceful ang pag-akyat at baba ni Rover sa veranda niya? At maluwag din itong nakalabas ng gate.

                Pagpasok niya sa loob ng silid niya ay nasa pinto na ang mga magulang niya. Mukhang alam na niya ang sagot sa tanong niya. Ang kanyang Mama Maria May ay nakangiti at ang  Daddy Chrysler niya ay nakakunot ang noo.

                “Playing one of Shakespeare’s loving couples huh,” buska ng ama niya.

                “Sus! Sinabi ko na sa’yo Chrysler, dalaga na iyang baby mo. Wala ka ng magagawa. Ang sweet kaya ng batang iyon sa anak natin. Wagi!” hirit ng mama niya. 

                “No way!” pakli ng ama niya sabay lingon sa kanya. “I want to talk to that man tomorrow. And that will be the last chance I will let him trespass on my daughter’s room. Okay?”

                “Yes, Dad.” 



                CHRISTMAS Eve. Green Haven Farm. Doon siya dinala ni Rover matapos siyang sunduin nito sa Batangas. Tumagal din ang thirty minutes ang pag-uusap nito at ng Daddy niya. Wala siyang ideya sa pinag-usapan ng dalawa. Pagkatapos naman noon ay magiliw at sa wakas ay matiwasay na natangay siya nito para sa kanilang Christmas date. Wala ng sinabi pang kung anu-ano ang tatay niya kundi ang umuwi siya bago magsimbang gabi. 

                Bigla siyang inakbayan ni Rover. “Anong iniisip mo?”

                “Huh?”

                “Kanina ka pa kasing tahimik.” Sinapo nito ang noo niya. “Wala ka namang lagnat.”

                “Anong pinag-usapan ninyo ni daddy?”

                Ngumiti ito. “Interrogation ng isang ama na sobrang mahal na mahal ang anak niya. He asked lots of things. It ended well, Apple. Wag mo ng masyadong pakaisipin. At least ngayon, hindi na siya kokontra kapag niyaya uli kitang mag-date.”

                Napangiti siya. At talagang may pahiwatig na agad ng sunod na date ngayong nagsisimula pa lang sila sa unang date. Grabe ang ganda ko. Pinagmasdan niya ito at saka siya may napansin sa mga mata nito. “Natulog ka ba? Bakit ang laki ng eyebags mo?”

                “Aww. ‘Wag mo ng pansinin iyan. 5am nagpack up ang shooting. Pasensya ka na kung medyo gwapo lang ako ngayon,” biro nito.

                Napangiti lang siya. Unfair minsan ang mundo. Bakit pati eyebags bumagay sa kagwapuhan nito? Ni hindi man lang nabawasan ang charm nito. Malinaw na ebidensya na ang mga babaeng napapalingon sa kanila particular na dito habang naglilibot sila sa zoo ng farm.

                “Kahit ata magsuot ka sako at magka-angkan ka ng pimples sa mukha, lilingunin ka pa rin ng maraming babae,” sambit niya.

                “Selos ka naman agad. Kahit lumingon pa sila sa akin, lumapit, magpa-autograph—”

                Natigilan sila pareho nang may grupo ng mga babae na lumapit sa kanila at iyon na nga ang nangyari. Nagpa-autograph ang mga ito, at kilig na kilig na nagpa-picture kay Rover. Nagkahiwalay tuloy sila at napunta na lang siya sa isang tabi habang pinapanood kung paano pagkaguluhan ito ng mga babaeng iyon. Nakangiti na tila tuwang-tuwa naman itong si Rover. Mukhang sanay na sanay na ito sa stardom. Hindi nito iniinda kahit na niyayakap at lumilingkis pa ang mga iyon dito habang nagpapa-picture.

                “Pwede bang pa-kiss? Kahit isa lang,” hirit pa talaga ng mga iyon.

                Napanganga na lang siya at nalungkot nang walang pagdadalawang isip na pumayag si Rover. Ang mga babae naman ay tuwang tuwang humalik sa pisngi nito. Wala sa sarili nakapa ni Apple ang puso niya. Tila masakit sa kanya ang nakikita kahit alam niyang halik ng fan sa idol lang iyon…walang malisya. Umiwas na lang siya ng tingin at nahagip ng tingin niya ang dalawang tiger sa katabing kulungan. Pawang magkayakap ang dalawang tigre.

                Kung ang mga tigre ay marunong magmahal ako pa kaya? Mahal? Napakunot ang noo niya. Mahal na niya si Rover? Umiling siya at tumungo. Hindi pwedeng sa ganoong kabilis na pangyayari lang ay mamahalin niya uli ito.

                Natigil siya sa realization nang muli siyang akbayan ni Rover. “Pasensya ka na. Normal na iyo sa buhay ko ngayon. Kahit saan ako pumunta may lumalapit na fans. Well, as I was saying, kahit pa lumingon sila sa akin, lumapit, magpa-autograph, at the end, sa’yo pa rin ako uuwi.”

                Maang na tinitigan niya ito. “Bakit ka nagpahalik?” wala sa sariling tnaong niya.

                Natigilan ito. “Ahm, walang malisya iyon. Normal lang iyon sa akin.”

                “Okay.” Alam niyang walang malisya iyon pero hindi niya maiwasang makadama ng selos. Naalala din kasi niya ang paghalik sa kanya ni Rover nang nakaraang gabi. Walang malisya rin ba iyon dahil normal na dito ang mahalikan at humalik?  Umalis siya sa pagkakayakap nito at nagpatiunang maglakad papunta sa direction ng mga green houses.

                “Apple! Uy, wag ka ng magselos. Fans lang sila. Walang meaning iyong mga halik na iyon.”

                Nilingon niya ito. “Alam ko. Hindi ko lang gusto na…haaaay, mali. I have no right to complain. I’m not even your girlfriend.” Naglakad na lang uli siya papasok sa butterfly sanctuary. Isa iyong green house na converted bilang malaking tahanan ng iba’t ibang species ng butterfly. Luckily, walang tao sa loob noon.

                “Apple!”

                Nilingon niya uli ito. “Iyong kiss mo kagabi? Walang pinagkaiba iyon sa kiss ng fan mo di ba? Walang malice din iyon. Naisip ko lang kung ano bang ginagawa natin dito? Are we playing game of chance? Or—”

                “Until now, hindi mo pa rin ba nararamdaman ang pagmamahal ko sa’yo? I’m not playing games. Seryoso ako. Paulit-ulit na lang tayo. Ipipilit ko sarili ko sa’yo. Once papayag kang mapalapit ako sa’yo, the next time bigla kang lalayo. Baka naman—”

                “Yes!” Napapikit siya ng mariin. Pakiramdam niya ay sasabog siya. Kailangan na niyang aminin kay Rover ang totoo. “I was the one playing games. May deal kaming magkakaibigan. One day dumaan ka sa Kofi Cups, umorder ng  CafĂ© Latte. Doon nagsimula ang lahat. It was a same order game of destiny, kung sino man ang makapareho namin ng order siya ang target namin. Kailangan naming gumawa ng paraan para magka-love progress sa target. In my case, you became my target. May bet ang game, ayokong matalo kaya—”

                Tumigil siya sa kadadaldal nang mapansing nakangisi lang ito sa kanya. It was an opposite reaction sa naiisip niyang magiging reaction nito pag nalaman nito ang bagay na iyon.

                 “Baliw ka ba? Di mo ba ako narinig? Niloloko lang kita!”

                “I certainly don’t care at all.” Muli ay hinila siya nito at niyakap. At katulad pa rin ng nakaraang gabi, hindi niya magawang tumutol sa mga yakap na iyon. “If that game will let you be this close to me, I won’t care if it’s true or just a game. I’ve been waiting for years to materialize this dream. All those years that we are apart, I always dreamt of having you this close to me. Now that I got the chance, I will never let anything or anybody play the role of a hindrance. Alam kong mahirap makuha ang tiwala at pagmamahal mo, pero sinusubukan ko. You do your game thing, and I’ll do my mission. I won’t stop. I need to make you fell in love with me. And I will never stop loving you no matter what.”

                She just can’t believe it. Kokontra na naman sana siya nang bigla siyang makarinig ng piano. He just moved a little to have some chance to lovingly stare at her. Mabilis na  naman ang pagkabog ng puso niya. Hinaplos nito ang pisngi niya habang ang isang kamay nito ay yakap pa rin siya.

                Few seconds more na-recognize na niya ang piano piece. Isa iyong boyband  song and still part of one of the albums ng Sheyron Band. She wondered where it came from. Sa palagay niya ay live na tinutugtog iyon at hindi lang recorded at naka-play lang with built in speaker. 

                “Everyday I love you. It was the third song on the third album of Sheyron Band,” sambit ni Rover habang dahan-dahan siya nitong isinasayaw. “Limien Rose is just on the other side of this spot. I asked her to play that piece for you.”

                Wow ang haba  na talaga ng hair niya.  Inalayan na naman siya ng kanta ni Rover and this time, the one playing the piece was a world-class pianist. Ang bangis ng kagandahan niya.

                “In your first album, you stated my name. On the second you stated, I’m your sweetest. And on the third, you stated that I’m the one you loved. You are too fictional to be real, Rover.  Sa pocketbook lang ang mga hirit na katulad ng ginawa mo. Sorry if I can’t decide on what should I feel. Nalilito pa ako.”

                “Stop thinking about it.”

                “Haller, para ka kayang horror movie na hina-hunt ako kahit suko na ako. Ang hirap na hindi ka isipin ano. Bakit ikaw kaya mo bang hindi ako isipin?”

                “Sanay na akong iniisip ka palagi.”

                “Eh di ikaw na ang sanay!”

                “Apple, stop thinking.” Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay nito sa dibdib nito. In that case nakalibreng pa-demure na tsansing na naman siya sa binata. “Feel me instead.”

                Mabilis din ang kabog ng dibdib nito. Parang halos magkasabay sa ritmo ng tibok ng puso niya. Will they really feel the same way without any pretentions? Waaaah! I feel it. I can feel it! Hola!

                 “And by the way, the kiss I gave you last night, you’re right wala iyong malice.”

                Napanganga siya. Daig pa niya ang hinagis mula sa roof top ng 33 floors na building. Kasabay niyang nahulog ang romantic fantasy niya sa piling nito. Ano vey? Sarap mong sapakin ah. Matapos mong ipangalandakang mahal mo ako tapos ilalaglag mo ako? Gusto sana niya iyong isatinig ngunit hindi maaari. Masisira ang demure image niya. Umiwas na lang siya ng tingin.

                He touched her chin. Napalingon tuloy uli siya dito. “Eto may malice na.” In just a snap he was able to give her a quick kiss on lips. Hindi siya nakapalag, hindi siya nakatanggi. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang tumugon sa halik na iyon.



PREVIOUS                                                                     NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…