Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Maybe This Time- Part 4





Tulala. Literal na tulaley ang drama ni Apple habang nakaupo siya sa swivel chair niya sa kanyang office. It’s been three days pero para sa kanya pawang 3 seconds lang ang nakalipas. The feeling was still in her system. The kilig, the romance, the sweetness, the love. Iyon na ata ang pinakamasayang Christmas Gift na natanggap niya.

                Nakatulala lang siya sa monitor ng laptop niya.

                “Hoy, Bff. Nakaka-hypnotize na ba iyang laptop mo?”

                “Why oh why do I feel this way?” wala sa sariling sambit niya.

                “Sige pa, bff, tulain mo pa ang kanta!” buska pa ni Vicky.

                “When I’m with you, I feel so alive…” patulang patol naman niya na ikinatawa nito. “Bff naman! I’m dead serious here tapos tatawanan mo lang ako.”

                “Seryoso ka na sa lagay na iyan? Ano bang problema mo?” Umupo ito sa  visitor’s chair sa tapat niya.


                “Hindi ako dapat nagpahalik. Kung hindi naman nangyari iyon hindi naman magugulo ng ganon ang magulo ko ng brainwaves, bff. Ganon pala ang real kiss, nakakabuang! Waaaaah!” Sinabunutan niya ang sariling buhok.

                Tumawa uli si Victoria. “More, bff more!”

                “O sige more! Isasama kita para masaya!” pabirong sinabunutan niya ito at sabay pa silang napatawa.

                “Bff, ano bang problema mo kung hinalikan ka niya? Rover loves you so much. Kung pumayag kang mahalikan, ibig sabihin, you love him too. You love each other. Love all over the world! What’s the problem? Ang same order game n’yo? Eh di ba sinabi mo na sa kanya pero binalewala niya. Wala ng problema.”

                “Vicky, di ba parang ang weird. Ang weird na hindi siya nagalit sa akin kahit sinabi ko na ang tungkol do’n. Natatakot ako bff.”

                “O sige, matakot ka. Hindi mo na mararanasan ang bonggang love life na in-offer niya kung magpapatalo ka sa takot mo.”

                Natigilan siya. In fairness, may nasabing matino ngayong araw na ito ang bff niya. Naramdaman niyang kumirot ang noo niya. Bad sign, mukhang di pa makikisama si pareng migraine sa kanya. Tumayo na siya. “Bff, ikaw muna ang bahala dito ha. A-attend lang ako ng kasal ni Tito Kofi.”

                Lumabas na siya ng office. At nagtungo na siya sa villa at nagbihis. After an hour, naabutan niya sa labas ng villa si Rover na tila may inaabangan. Nag-slow motion siya sa paglalakad palapit dito para mapagmasdan pa niya ito ng maiigi. He was absolutely attractive especially now that he was wearing a tuxedo and holding a bunch of flowers. Isa lang sila sa pairs na gaganap bilang abay sa kasal nina Tito Kofi at Tita Eloi.   Of course ang mga abay ay pakana pa rin ni Ryuji. 

                Hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ano pa nga bang mahihiling niya? All of the evidences showed that he was the one she was looking for. Pawang napakadali nitong natibag ang haliging ibinakod niya sa puso niya para hindi na muling ma-in love.

                Nahuli pa siya nitong nakangiti nang mapabaling ito sa direction niya.

                “Nag-work ka pa daw sabi ni Vicky. Dapat di ka na nagpagod sa work today,”  bungad na sambit nito.

                 “Sayang ang kikitaing kayamanan eh,” biro niya. Lalo siyang napangiti nang iabot nito ang dalang  bulaklak sa kanya. “Thank you.”

                “Mayaman ka na siguro ngayon ano?”

                Tumawa siya. “Balak mo ba akong holdapin? Sige, ituturo ko sa’yo ang vault!”

                “Eh paano iyong pin code?” patol nito sa biro niya.

                “Siguristang holdapper! Baklasin mo na lang ng palakol. Masaya iyon, try mo!” 

                Puno sila ng tawanan habang Naglalakad na sila sa venue ng garden wedding ng mga magulang ni Ryuji para sa celebration ng 25th wedding anniversary ng mga ito.  She never thought that thing would really happen. Good thing may nakaimbento ng salitang second chance.

                Few minutes more they are already on the venue. Ando’n na rin ang mga katropa niya, complete attendance with their targets slash date.

                “Sir Hiroshi, salamat sa pagsama mo sa akin dito ha,” sambit ni Ann, the asianovela dubber sa network na pagmamay-ari ni Hiroshi.

                “Ibabalik kita sa bahay mo pag tinawag mo pa akong Sir,” pakyut sa reklamo nito.

                “Ay sorry sige, Ma’am!” Pabirong tinapunan ni Hiroshi ng masamang tingin ito. “Peace…Sir—Hiroshi.”

                Ngumiti lang ang kaibigan niya, mukhang kinakarir na rin nito ang  babae.

                On the other side was the busy Sunset with a girl named Lara Danica but he often call “Ayca”. Maliit nga lang siguro ang mundo na inaakala natin ay super laki. Magkatapat lang pala ang studio ni Sunset at ang Child Care Center ni Ayca.

                Few meters away from them were Ryuji and Lailah, the most formal couple of all the partners. Di pa rin nila alam ang buong kwento pero parang napipilitan ang babaeng sumunod sa gusto ni Ryuji. She was his employee at this moment. At kung bakit bigla itong ini-hire ni Ryuji, wala rin silang idea. Nagbubulungan ang dalawa at parang may seryosong pinag-uusapan. 

                Rover suddenly held her hand. “You’re not alone today. I wonder kung ilang kasal na ang nadaluhan mo na nag-iisa ka lang. Sometimes, even though it wasn’t your intention to feel lonely because you don’t have the other half…you just felt it. I know the feeling. At napatunayan ko rin ngayon na mas masarap nga ang pakiramdam ng may kasama. May makaka-holding hands,” he suddenly wrapped his arms on her shoulder, “may maaakbayan,” bumaba ang yakap nito sa kanyang baywang, “may mayayakap.”

                Tumawa lang si Apple. “You sounded like a romance pocketbook prince. May plano ka rin bang maging hopeless romantic writer?”

                Tumawa rin ito. “Pwede, kung papayag kang ikaw ang bida at ako ang ka-love team mo.”

                Napangiti na lang siya. Iyon na lang ang ipinakita niya para mapagtakpan ang kilig na nararamdaman.

                “Cholo Sandoval, hindi kita pinilit pumunta dito. Kung napipilitan ka lang eh di lumayas ka na tsupi!”

                Napalingon sila ni Rover nang marinig ang litanya ni Erika.

                “I’m your boss! Who told you to call me by name?  I don’t remember that I permit you to do so. And who the hell are you to push me out on this event? Hindi nga ikaw ang may okasyon. You should have just thanked me for coming though I know it was just because of a petty game.”

               “Ewan ko sa pa-english English mo!” Walkout ang drama ni Erika.

                “Hey wait, Erika Claudia Salazar!” In fairness, mahaba din ang hair ni Erika at talagang hinabol pa ito ng boss na suplado.

                “I’m just your poor employee. And by the way, who told you to call me by name?  I don’t remember that I permit you to do so!”

                Nag-aaway pa rin ang dalawa nang mawala ang mga iyon sa paningin nila.

                “Pwedeng mag-artista iyong friend mo,” komento ni Rover na tinawanan lang niya.

                “Artistahin talaga kaming magkakabarkada!” Tumawa siya. She was about to say something nang mamataan niya si Icee. Malungkot itong lumapit sa kanila. “Uy, anong problema?”

                “Si Lee, hindi na siya darating. Talo na ako sa game. Pero wala na akong pakialam sa do’n, ang alam ko lang, nalulungkot ako,” seryosong litanya ni Icee.

                “Di pa naman nag-start iyong wedding, darating iyon. Nagpapa-gwapo pa iyon para sa’yo,” sambit niya.

                “O baka, na-traffic,” dagdag ni Rover.

                Umiling si Icee. Alam niya ang sitwasyon. Kung siya siguro ang nasa lagay ni Icee, matagal na siyang sumuko. Bigla niyang natanaw sa di kalayuan si Lee na parang may hinahanap. Napangiti siya.  “Kung dumating si Lee anong gagawin mo?”

                “Tatalon sa tuwa dahil may isang milagro. Magpapa-party ako kasi mahaba na din ang hair ko,” patawang hirit nito.

                “Sige, talon ka na.”

                “Huh?”

                “Iana Christine!” Sa paglingon ni Icee ay yakap ang agad na isinalubong ni Lee dito.

                After few minutes, wala na rin ang dalawa sa tabi nila. Ngunit nagkaroon ng konting agaw eksena sa dumating.

                “Siya ba ang bride?” tanong ni Rover.

                Napalingon tuloy siya sa tinitingnan nito at napangiwi. There was Madam Dalisay, wearing a wedding gown at may belo pa. Bongga.

                “Hindi siya ang bride, ambisyosang bride lang siya.”

                Naglakad ito sa aisle, slow motion na feel na feel na ito ang bride. “Fafa Onjing! This is the day I have been dying to experience. Let’s get married!”  bulalas nito. 

                Namataan niya sa makeshift altar si Tito Rojun na di na maipaliwanag ang mukha pero agad ding naka-recover. Ngumisi ito habang papalapit dito si Madam Dalisay.

                “Dalisay…”

                “Oh yes, Fafa Onjing?”

                Umugong ang tawanan nang damputin ni Rojun ang holy water sa altar at ibinasbas kay Dalisay. Nag-sign of the cross pa si Rojun. “Ayan, pwede ka ng tumalon sa hukay mo okay. Blessed ka na.”

                “Fafa Onjing, halika samahan mo ako sa hukay!” bagkus ay excited na hirit ng bonggang manghuhula.

                “Sige, pero mauna ka ng 3 days!”

                Natigilan si Madam Dalisay na animo’y may na-sense na kung ano pagkatapos ay binalingan nito si Apple. “Ikaw…”

                “Po?”

                Binalingan nito ng tingin si Rover, pinisil ang pisngi ng binata, at muling bumaling sa kanya. “Nakakadama ako ng lungkot, sakit, at panganib sa’yo. Mag-iingat ka.”

                Yeah right talagang masakit. Masakit ang ulo ko kanina pa. Awtomatikong napahaplos siya sa sentido niya. Hindi pa nagkakamali si Madam Dalisay sa prediction nito. Kaya kahit ayaw niyang seryosohin, may palagay siyang may mangyayaring hindi maganda.

                Kaya naman hanggang sa magsimula at matapos ang kasalan ay laman pa rin iyon ng isipan niya. Lalo lang tuloy sumasakit ang ulo niya.

                Rover lovingly embraced her. Isa pa itong isang ‘to. Ni hindi man lang ito na-bother na nasa paligid lang ang magulang niya. Hindi ito nahihiyang maglambing. “May masakit ba sa’yo?” 

                “Medyo masakit lang ulo ko. Migraine. Ipapahinga ko na lang mamaya.” Isang gamot ang ibinigay nito sa kanya. “Hindi ka ready, ano?”

                “Boy scout ako eh.”  Ipinakita nito sa kanya ang maliit na medicine case mula sa bulsa ng tuxedo nito. Iniatang nito ang gamot sa kanya. “Take it now para mabawasan sakit ng ulo mo.”

                Nagulat siya sa ginawa nito. Ibinalot nito ang gamot sa malinis na table napkin at dinurog iyon gamit ang baso pagkatapos ay inilagay ang gamot sa kutsara at saka siya muling binalingan. 

                Ngumiti ito. “Sa isang buwan na naging tayo, nagkasakit ka. Tanda ko pa noon, sabi mo ayaw mong uminom ng kahit anong medicines. Dinurog ko ang gamot mo kaya napilitan kang inumin iyon with a cup of milo.”

                She was surprised. “Naalala mo pa iyon?”

                “I treasured every single moments we had that time.” Ibinigay na nito ang gamot sa kanya.

                Inimom na niya iyon sabay inom ng pineapple juice. Kasabay ng ilang segundong iyon ay nakapag-desisyon na siya. Nginitian niya si Rover. Hindi rin siya nabigo dahil nakipagtitigan din ito sa kanya.

                His loving expression was replaced by amusements. “Apple, the last time you stared at me like that…you said yes when I asked if you love me…”

                “Yeah. That was a young love way back then.”

                “If I will ask the same question, ano kayang magiging sagot mo?”

                “Try mong i-ask,” nakangiting sambit niya.

                “Apple, I love you so much. I really do. Did I make it to win your heart again?”

                Her heart was thumping in rhythm. “Yes, Rover. You did it.”

                He lovingly embraced her. “I love you. Thank you, Apple.”

                “I love you too. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakapag-decide about us.  Who knows, we might made it this time.”

                “It was worth it to wait.” He rested his eyes on her.

                “Kiss! Kiss! Kiss!” cheer ng mga tao. Alam nilang dalawa na para ki na Tito Kofi at Eloi iyon pero talagang may sarili na silang mundo.

                Rover loving held her closer and gave her a loving kiss.
                 

                MATYAGANG naghintay sa dressing room si Apple. Kasalukuyang guest sa talk show ni Danica Urbano si Rover. This time ang mga guests sa show ay mga celebrities na  may successful career ngayon.

                She was more than happy having him beside her. The three months period of same order game of destiny was over. It was obvious she didn’t lose the game. But it doesn’t mean anything to her by now. Mas maagang niyang natanggap ang premyo niya…si Rover.

                Habang nakasalang sa talk show si Rover ay inayos niya ang gamit nito. She acted as his PA slash girlfriend. Lantad sa publiko ang relasyon nila. At di rin maiwasang naungkat ang love story nila. And in her mere surprise, tinanggap siya ng buong puso ng mga fans at haters nito. Ayon sa mga haters, panatag silang may isang taong nagpahirap kay Rover bago nito makuha ang gusto nito.

                Tiniklop niya ang mga damit. Natigilan siya nang may mahulog na singsing mula sa bulsa ng isang jacket nito. At kulang ang salitang shock para i-describe ang naramdaman niya sa isang rebelasyong aksidente niyang natuklasan.  Nangilid agad ang luha niya.

                “Hey Apple, wag mo ng gawin iyan. Kaya ko ng gawin iyan.”

                Umakto siyang walang nangyari nang pumasok ng dressing room ang manager ng banda na si Richael.

                Inayos na lang niya ang patas ng damit sa upuan at ang singsing ay ibinulsa niya. “O-okay lang wala naman akong ginagawa dito eh.”

                Ngumiti si Richael. “You must be a wonderful and super understanding woman. Above all ng na-link kay Rover, ikaw lang ang inamin niya sa publiko. And that was different from the usual him. Hindi ako magtataka kung mag-asawa na siya one of these years. And I’ll be glad kung ikaw ang maging Mrs. Manalili niya.”

                Kinagat niya ang kanyang labi para maiwasang maiyak. Bakit ba palaging mapaglaro ang tadhana sa kanya? Kung kelan masaya na siya uli kay Rover, biglang may mangyayaring tila hahadlang sa kanilang dalawa.

                Hanggang sa ihatid siya ni Rover sa Hacienda Canilao ay ang singsing pa rin ang nasa isipi niya. Halos wala sa sariling bumaba siya ng sasakyan.

                “Apple, okay ka lang ba? Apple!”

                “H-ha?” wala sa sariling tugon niya kay Rover.

                “What’s bothering you? May masakit ba sa’yo? May problema?”

                “W-wala. Wala lang ako sa mood today. Pagod lang siguro ako. Sige papasok na ako sa loob.”

                “Sige, I’ll check you out later.” Humalik ito sa pisngi niya pero pakiramdam niya ay lalong pinabigat nito ang nararamdaman  niya.

                How come he acted super sweet to her kung kasal na pala ito sa ibang babae? Playing games again? Iyon pa rin ang laman ng isip niya hanggang sa makapasok niya sa loob ng silid niya. Doon umagos ang luhang kanina pa niyang pinipigilan. Iyak lang siya ng iyak kasama ang panalangin na sana pag naubos na ang luha niya ay kasamang mauubos ang sakit na nararamdaman niya.

                Habang nakahiga sa kama ay pinagmasdan niya ang singsing na nakuha sa damit ni Rover. It was a wedding ring. Naka-engrave pa sa singsing ang pangalang Rover at Gracel at ang date ng kasal…same day nang una niyang makita uli si Rover after years. Ang daming tanong na gusto niyang masagot pero wala siyang mahagilap na kasagutan.

                Her cell phone rang. Si Rover ang tumatawag.  Matagal niyang tinitigan ang screen ng cell phone niya. Habang nagri-ring iyon ay nakikita rin niya ang wallpaper ng cell phone niya, ang picture nilang dalawa.  Hinayaan lang niyang mag-ring nang mag-ring ang phone. Maya-maya pa’y huminto na rin iyon. Kinuha niya iyon at tinawagan si Icee.

                “Pwede ka ba?” tanong niya.

                “Hindi ako pumapatol sa kapwa ko maganda, Apple.”

                Napangiti siya. “Baliw! May ipapakiusap ako sa’yo.”

                “Kelan natin siya patutumbahin? O naitumba mo na siya? Saan mo gustong ilibing ng malinis at walang ebidensya?”

                Napatawa na siya kahit na tumutulo pa rin ang luha niya. Thank God she had good set of friends. “Icee, will you get information about Rover’s marriage with Gracel Cheng?”

                “Okay I knew it.” Biglang nagseryoso na rin ito.  “Give me few minutes. I’ll call you back.”

                Itinaas niya ang kamay niyang may hawak na singsing. “Ang layo mo…malapit ka lang pero pakiramdam ko palagi kang inilalayo sa akin, Rover. Bakit kailangang maging ganito?”

                Nahinto ang page-emote niya nang may maramdaman siyang kumakaluskos sa veranda. Malamang na si Rover lang din iyon. Ito lang naman ang mahilig mag-akyat veranda sa kwarto niya kaya laking gulat na lang niya nang maaninag ang anino ng taong nasa veranda. Hindi si Rover iyon.

                Dahan-dahan siyang bumangon para alamin ang tao sa veranda nang biglang bumukas ang sliding door at agad na inatake siya ng taong hindi niya pinangarap makaharap uli. Walang hirap na naihagis siya nito sa kama.

                Nilapitan niya ito. “Kamusta ka ex-girlfriend? Na-miss mo ba ako?”

                “Karl, ano bang kailangan mo at ayaw mo akong lubayan?”  Sinubukan niyang pumalag at ipagtanggol ang sarili pero napakalakas nito. Nagawa nitong igupo siya sa kama at hinawakan panito ang magkabila niyang kamay. Nagsimula na siyang salakayin ng takot.

                Ngumisi ito at nanlisik ang mga mata. “As far as I remember, hindi ko pa nakukuha ang dapat kong makuha sa’yo.” He was about to kiss her with force pero nanlaban siya. Tinadyakan niya ito. Kagayat na napalayo ito sa kanya at nabitawan ang isa niyang kamay na maagap naman niyang ipinanghanap sa signaling device na nakakabit sa gilid ng kama niya. Iyon ang magbibigay ng alert sa Code Black at sa pamilya niya kung nasa panganib siya.

                “Ano bang pinagmamalaki mo? You’re boyfriend? Kawawa ka naman, Apple. You got into a third party relationship!” Isang marriage contract ang ipinakita nito sa kanya. “He’s married. Kaya sa akin ka na lang. Makakaganti na ako sa mga taong dahilan ng pagkasira ng buhay ko, magagantihan ko na rin ang boyfriend mo at matitikman pa kita.”

                “Hayop ka!” 

                “Matagal na!”

                “Hindi mo magagawa iyang sinabi mo.”

                “Silly girl. Of course hindi pa kita re-rape-in dito. Excited ka naman masyado. Nagparamdam lang ako para hindi mo ako ma-miss!”

                “Gago ka!” Kung anu-anong mura na ang pinakawalan niya dito pero tumawa lang ang gago. Nainis na siya. Muli niya itong tinadyakan na tila ikinagalit na nito. Lumayo ito sa kanya at tinutukan siya ng baril. Kitang-kita pa niya nang ikasa nito ang baril.

                “Noon ko pa ito dapat ginawa sa inyong tatlo, sampu ng inyong mga kaibigan. Kung nagtagumpay ako noon, naging napakagandang paghihiganti sana iyon sa mga magulang nyo. You are lucky. Pero ngayon, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya ninyo. Makipaghabulan kayo sa akin.”

                Natigilan siya. Isang maling kilos, tiyak magsa-sayonara world siya. Then the door opened kasabay ng sunod-sunod na putok. Napapapikit lang siya. May naramdaman siyang presence ng isang taong tila humarang  sa harap niya para protektahan siya.

                “Anak!” Napamulat siya nang yakapin siya ng kanyang ama. “Are you alright? Sinaktan ka ba niya?” Noon lang niya napagtantong dumating na pala ang ilang agents ng Code Black pero wala na si Karl. Nagawa pa rin nitong makatakas.

                “Dad…”

                “Apple…” tinig ni Rover ang narinig niya. Saka lang niya napansing nasa paanan niya ito at duguan. May tama ito ng bala sa balikat. Ang kanyang ina ang unang umagapay dito.

Agad niya itong dinaluhan. “Rover!!!”

“N-nasaktan ka ba?”

Hindi na nito nahintay ang tugon niya. Nawalan na ito ng malay. Agad nila itong isinugod sa hospital.


“THE marriage was a fake. Tampered ang public documents. Rover was just a victim of stolen identity and even Gracel don’t know anything about that marriage,” sambit ni Icee sa kanya habang nakabantay sila kay Rover.

Nasa private room na ito at nagpapahinga. Mabuti na lamang at hindi naman masyadong malala ang naging tama nito.

“How about the ring? Paano mo iexplain iyon, Icee? Anong koneksyon ni Karl kay Rover?”

“Planadong paninira ito Apple. Someone might plant the ring on his things to make it like a real scene. As I can see it parang long term na paghahanda ang ginawa para ifabricate ang kwentong gustong buuin  ni Karl. We don’t have enough evidences as of the moment but he was the major suspect. With the connection, wala pa kaming masasabi ngayon,” salo ni Ryuji.

“Wag kang mag-alala. Pag-aaralan uli namin ang case ni Karl. Oras na para maiganti natin ang ating mga sarili sa muntik ng pambababoy niya sa atin,” sambit ni Icee.

“The next time, hindi na ako maduduwag ipagtanggol ang sarili ko,” sambit niya. “Kasalanan ko kaya nasaktan si Rover.”

“It’s not your fault. Nagkataon lang na playing  knight iyang boyfriend mo. Siguro it will be better kung iwanan ka na namin with him. Don’t worry, nasa labas lang sina Sunset at Hiroshi. Icee and I will going to have a debriefing sessions tonight.”    

Maya-maya pa’y naiwan siyang mag-isang nakabantay kay Rover. Sedated pa rin ito kaya nahusto na lang siyang pagmasdan ito habang nahihimbing. “I’m sorry. I have been unfair to you ever since. Pinagduduhan ko ang pagmamahal mo, ang sincerity mo, ang mga sinasabi mo. Inisip ko kaagad na manloloko ka pero wala ka namang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. You are too good for me, Rover.” Tumulo ang luha niya. “The least thing I must give you was love. But I fail on that one.” Hinaplos niya ang mukha nito. “I love you so much. I know, even I say it for thousand times, it would never compensate the love you have given me.”

Bigla itong nagmulat ng mata and he directly looked in her eyes. Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. “Simple lang akong tao. Okay na sa akin na malamang mahal mo ako.”

She just sobbed. Akmang papawiin ng free hand nitong walang benda ang  kanyang mga luha pero pinigilan niya ito. “I’m sorry.”

“Don’t be sorry for what happened. It was my immediate reaction who has the fault. Alam mo kahit magpa-ulit ulit, sasaluhin ko pa rin ang balang para sa’yo.”

“I know, kasi ganon mo ako kamahal.”

Umiling ito at ngumiti. “Kasi hindi ko alam ang gagawin ko kung ikaw ang napahamak. Noong mga bata pa tayo, iniikot mo ang mundo mo sa akin kahit wala pa tayong kamalay-malay sa love noon. That was too innocent but real. Now that I have you back, will you do the honor to spin up my world around you?”

  Nagpo-propose na siya…weeeeee!

“Hmmm, pwede sa isang kundisyon,” pa-demure na hirit niya.

“Ano? Kiss?” Ngumuso ito sabay kindat na ikinatawa niya.

“Alam mo kahit nasa ospital ka na’t lahat nagagawa mo pang magpa-kyut.”

“Cute na naman ako talaga.”

“Pero hindi iyon ang kondisyon ko.”

“Ano?”

“Kantahan mo ako.”

“Kanta? Mas sweet iyong kiss kesa do’n,” ungot nito.

“Mamaya iyong kiss pagkatapos mong kumanta.”

“Okay…” He lovingly stared at her and sang an acapella song. “The smile on your face let me know that you need me. There’s a truth in your eyes saying you’ll never leave me. The touch of your hand says you’ll catch me whenever I fall. You say it best…when you say nothing at all…”

“Ah ganon, sige mag-sign language na lang tayo mula ngayon,” hirit niya na ikinatawa nito.

“When you say nothing at all…”

“Iyang ang title ng song. Bakit iyan, Rover? Wala iyan sa tatlong albums nyo ah.”  He asked her to get a cd case on his bag. Ibinigay niya iyon dito pero ibinalik nito sa kanya.

“It was the first song on our upcoming album. Draft copy pa lang iyan,” nakangiting sambit nito. “Surprise ko sana iyan sa’yo kaya ako bumalik sa bahay nyo kanina.”

She felt tears falling due to unexplainable happiness when she took a look on the playlist. The album was proposing on her… “Will you marry me, Apple” ang binuo ng mga first letters ng mga song.

He wiped her tears. “Nagbabakasakali lang naman ako—”

Hindi na niya pinatapos ang litanya nito. She leaned on him and kissed him. He lovingly managed to answer back on those sweet kisses. “Yes! I will. Kahit pagkalabas na pagkalabas mo ng hospital. Sa akin ka na! Hindi ka na nila makukuha sa aking mga kamay!” hirit niya na ikinatawa nito.

“Parang nakakatakot ka. But I glad you said yes!” Then he gave her another batch of true love kisses.  


PREVIOUS                                                      NEXT STORY

Comments

Rika said…
grabehh... haba ng hair ni mama kung mansanas.. nyahhahah... gandaaaaaaaaaa!! moreeeeeeeeeee!! hahaha :DDD

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…