Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Maybe This Time- Part 2





Napapakamot sa ulo si Apple habang papasok siya sa isang music store sa loob ng isang mall. Nang malaman ng Daddy niya na pupunta siya ng mall, bigla itong nakiusap na bilhan niya ito ng classical music album ni Limien Rose Ferrer. Nakakagulat iyon sa kanya dahil ang alam niya, band songs ang type ng magulang niya. All of a sudden, bigla atang nag-shift ng taste of music ang parents niya.

                Madali naman niyang nahanap ang album. Napansin din niya na maraming bumibili. Minsan na niyang napanood sa youtube ang ilan sa concerto ng nasabing musician. And she needed to admit, magaling nga ito. Kumuha siya ng isang copy. Papunta na sana siya sa counter nang mahagip ng mata niya ang shelf kung saan nakalagay ang albums ng Sheyron Band. Para siyang na-hipnotized nang damputin niya ang tatlong album. Hindi pa rin siya makapaniwala sa  nangyari kahapon.  Did he really dedicate his entire music to her? The list of songs of first album showed the evidence. At isang kompirmasyon ang makita niya ngayon ng live ang album. She took a look on a second album. The abbreviation of the first letter of the songs spoke of, “For My Sweetest, Apple” and the third spoke of another sweet message as, “The One I love named, Apple.”


                Kumabog ang puso niya sa natuklasan. That was definitely one of the sweetest things a man could offer to a woman. Was he playing games? Parang hindi naman. Bakit naman nito ilalantad sa publiko ang bagay na iyon kung nagbibiro lang ito at pinagtitripan siya? Pawang napalambot ng rebelasyong iyon ang kanyang puso na nagmamanhid-manhidan kay Rover. Okay, sige na nga papatawarin na kita. She took another glance on the album cover at unang nahagip ng mata niya ang picture ni Rover. She smiled. Isinama na niya ang tatlong album na iyon sa counter.

                Few minutes later, she was on her way back to the parking lot when her phone rang. It was her bff again. Napabuntong-hininga  siya. Halatang super-fanatic ng Sheyron Band ang bff niya. Ito na ang nagsilbing taga-news feed sa kanya tungkol kay Rover simula  pa kahapon. His mysterious girl, which so happen to be her, was already an issue in the internet as well as on showbiz talk shows. Malamang na news feed na naman ang itatalak ng bff niya.

                “Ano na naman Victoria?” tanong niya.

                “Oh, It’s Vicky now, bff. From now on, you will call me Vicky okay?”

                Napailing siya. “At anong nangyari sa pinakamamahal mong manang  style name? The last time I check, ayaw mo ng nickname.”

                Tumili ang kaibigan niya sa kabilang linya. “Bff kasi….si Coco Nat kasi. Ang lambing-lambing ng boses niya pag tinatawag akong Vicky! Ayeeeeee! Teka nga pala asan ka? The media found out about you. Umuwi ka na, baka ma-hunt ka ng press diyan. Delikado friend ang buhay mo!” Eksaheradong sambit nito.

                “Okay,” balewalang sagot niya. She ended the call. Wala talaga siyang pakialam. Eh ano kung malaman nilang si Lovely Apple Canilao ang special girl ni Rover Manalili. Hindi lang naman siguro siya lang ang Lovely Apple Canilao sa mundo.

                Her phone rang again. It was Sunset who was calling now, another bff. “Yes Sunset. Mamaya pa tayo mangchi-chiks!”   

                “Where the hell are you?”

                A weird question from him. Though they are the closest, Sunset never question her whereabouts. 

                “Mall.”

                “Oh shit! Get out of the place as fast as you can. The media will surely find you.”

                “Ano ‘to? Praning mode na naman?” Napapadalas talaga na napapagtripan siya ng tropa.

                “Apple, where not kidding here. Pupunta na kami sa location mo.” It was Ryuji this time. They seemed like in panic.

                “Hay naku, hindi lang ako ang Lovely Apple Canilao sa mundo.”

                “Pero nag-iisa lang iyang mukha mo. Your pictures with Rover Manalili on a public bus were all over the news.”

                “Ano?” Bago pa siya maka-react ay bigla na lang sumulpot sa harapan niya ang isang batalyon ng press media, fans ni Rover, at haters ni Rover. “Code Red. I’m in trouble!”  She tried her best to escape pero na-corner na siya.

                “Ikaw si Lovely Apple Canilao di ba? Kelan pa kayo ni Rover Manalili?”

                “Anong nararamdaman mo ngayong ipinagtapat ka na niya sa publiko kahapon over a national television broadcast?”

                “Ikaw ba ang dahilan ng pagtatangkang pagpapakamatay ni Gracel Cheng?” Ito ang actress na napabalita noong kasintahan ni Rover though hindi naman iyon inamin ni Rover. Recently ay napabalitang naglaslas ito ng pulso dahil daw nabigo sa pag-ibig…a shit reason indeed. 

                “Wala po akong alam sa sinasabi nyo!” tugon niya sabay tungo. Trying her best to escape pero lalo siyang kinuyog ng press. Naggigiitan na ang mga tao sa palibot niya at hindi na naiwasan na masaktan siya sa balyahan. And in her mere surprise, hindi niya magawang lumaban. Pati ang konting martial arts skills na itinuro sa kanya ng magpinsang sina Ryuji at Icee ay pawang  walang silbi. Hindi niya iyon magamit para sa verbal harassments na pinapataw sa kanya ng mga taong nakapalibot sa kanya.

               “Ikaw ang umagaw kay Rover sa amin!” sigaw ng isa mula sa  grupo ng Rover fans.

               “Ikaw ang dahilan kung bakit nasaktan si Gracel! Masama ka! Isa kang malanding babae! Ano bang pinagmamalaki mo? Hindi ka naman maganda!” hirit naman ng haters ni Rover.

                “Oo nga! Layuan mo na siya. Nakakasira ka sa career ni Rover.”
  
              “Ikaw ang magpapabagsak sa kanya!”
  
              “Anong nararamdaman mo ngayong nagsanib-pwersa ang haters at fans ni Rover para kastiguhin ka?”

                “Totoo bang nabuntisan ka lang ni Rover kaya panay ang habol mo sa kanya ngayon?”
   
           Wala siyang sinagot sa mga tanong at akusasyon ng mga ito kahit na gustong-gusto na niyang manapak sa mga oras na iyon. Suddenly, tinakasan siya ng katapangan niya. Nilayasan na rin siya ng lakas lumaban. Never in her entire life, she felt hopeless as she was that time.

                In her third attempt to escape the crowd ay may naramdaman siyang something na tumama sa balikat niya. Hindi niya alam kung ano ang ibinato ng haters ni Rover sa kanya. Ang alam lang niya ay nakasakit ang bagay na iyon sa kanya. Tumungo siya para umiwas sa mga ibinabato sa kanya. Maging ang mga hawak na paper bags ay naging walang silbi para hindi siya masaktan.

                And when she was about to cry for too much hopelessness, a familiar loving arms suddenly covered her. Wala na siyang naramdaman na sakit kahit alam niyang may bumabato pa rin sa kanila. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong siya ng nag-aalang mga mata ni Rover. Tila ang kabang dala ng takot ay naging kaba dala ng…pag-ibig. Waaaahh, anong kalandian itong nagaganap sa akin? Hindi pwede ito!

                Habang yakap-yakap siya ay ginawa nito lahat ng paraan para mailayo siya sa crowd.

                “She is a private person. Please leave her alone!” sambit nito sa press. Then he held her away from the crowd. Mabilis lang siyang nailayo nito sa mga iyon na patuloy pa rin sa halo-halong pagtatanong at panunumbat maging pamamato sa kanila ng kung anu-ano.

                “Bakit siya ang pinili mo at hindi si Gracel?”

                “Rover, gago ka…sa malandi ka lang papatol!”

                “Rover, anong masasabi mo sa mga nagaganap ngayon?”

                In just a snap naisakay na siya ni Rover sa isang van at sa wakas, nakatakas na rin siya sa lugar na iyon.

                She never thought that thing would happen to her. At ang kinaiinisan pa niya, pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng tadhana. Bakit kung kelan na-consider na niyang patawarin si Rover ay saka nangyari ang bagay na iyon? Si Rover na naman ang dahilan kung bakit siya napahamak. Ito rin ang nagligtas sa kanya sa kapahamakan. Hindi niya tuloy alam kung magagalit uli siya dito o magpapasalamat siya dahil niligtas siya nito.

                Tears fell from her eyes. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya ang takot. Naalala niya ang kopya ng albums nito. Sinilip niya ang mga iyon sa paper bag. Basag na ang case ng mga cd.  Ipinakita niya iyon kay Rover. “Nakita mo na?  Is it a sign? We can never be together. Nagkakasakitan tayo tuwing nagkakalapit tayong dalawa. Alam mo ba, kanina sinabi ko sa sarili kong pagbibigyan kita. Patatawarin na kita. Then that thing happened. Ngayon hindi ko na alam. Should I say, I hate you because you made my life miserable again or should I say, Thank you for saving my life and protecting me?”

                She didn’t hear any verbal answer. She just heard sobs. Kunot-noong binalingan niya ito. 
And right infront of her was a man crying. Tila napawi ng mga luhang iyon ang nasaktan niyang puso.

                “Hindi ko iyon ginustong mangyari sa’yo. I don’t know why. Every time I tried to show off my feelings for you, wrong things happened. Sa halip na lumapit ka sa akin, nagkakaroon ka ng dahilan lumayo. Ang gusto ko lang naman ay ang mahalin ka. Anong mali roon?”

                Hindi niya alam kung anong milagro ang naganap. Basta natagpuan niya ang kanyang mga kamay na pinapawi ang luha nito. Nag-angat ng tingin si Rover. He did the same thing to her. He managed to wipe the tears on her cheeks. Pawang matapos ang ilang taon ay nagkaunawaan silang muli.

                “Iyong paraan mo kasi nakamamatay eh!” natatawang hirit niya. Siguro nga ay naging harsh din siya dito. Ayaw na niyang magdrama, nakaka-nosebleed iyon kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para maging magaan para sa kanila ang pag-uusap na iyon.

                “Nakaka-frustrate ka kaya,” sagot nito.  Hinaplos nito ang pisngi niya at natulala na lang siya dito. “Nasaktan ka ba kanina? May sugat ka ba?” Sinalat nito ang mga braso niya. “Sorry kanina. Sorry talaga. Hindi ko naman alam na ganon kalala ang mangyayari. Swear, the pictures shown on internet and tv didn’t come from me. Hindi ko nahalatang may paparazzi din sa sinakyang bus natin—”

                Natigilan ito nang salatin niya ang noo nito. Nakumpirma niyang may sugat ito sa noo. May bahid na ng dugo ang kamay niya. “Rover, dumudugo ang noo mo!”

                Saka rin lang nito sinalat ang noo. Agad naman niyang kinuha ang panyo at pinunasan ang noo nito.  Tatlo lang sila sa sasakyan. Silang dalawa at driver. Binalingan niya ang huli. “Manong daan tayong hospital!”

                “No Manong! Sa condo ko tayo tumuloy,”  pakli ni Rover.

                “What? May sugat ka Rover! Kailangan mo ng doctor!” giit niya.

                “Okay lang ako, Apple. Mas mahalagang mailayo kita sa mga taong gustong manakit sa’yo.” At nakuha pa talaga nitong magpa-kyut at ngumiti.

                “Anong meron at ganyan ka sa akin ngayon? Playing games?”

                Hinawakan nito ang kamay niya. “Kung mag-explain ako tungkol sa totoong dahilan ko kaya ako nakipaghiwalay sa’yo noon, makikinig ka na ba?”

                Hihindi sana siya nang maalala niya ang same order game of destiny at ang plano niya regarding that matter. She needed to make up with Rover. Hindi man siya napipilitan sa ngayon dahil pawang natututo na siyang magpatawad, still hindi niya hahayaang maloko na naman siya uli. Nevertheless, wala naman sigurong masama kung makinig siya sa paliwanag nito ngayon. Ngumiti siya. “Okay sige.”


                SA condo unit sila tumuloy. Ang manager nitong si Richael at mga kabanda ang agad sumalubong sa kanila. Isa sa members ng Sheyron Band ay isa palang registered nurse. Ito ang gumamot sa mga sugat ni Rover at sa konting galos niya.  Pagkatapos ay naiwan na silang dalawa sa silid nito.

                Sa simula ay silent mode silang dalawa, tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

                “Apple, do you hate me that much?”

                “Ha?” gulat na tanong niya nang balingan niya ito. Nakaupo sila sa isang sofa.

                “Nag-sorry ako nung high school graduation pero hindi mo iyon pinansin. Nagpunta rin ako nung college graduation mo, nagpadala ako ng gift at flowers pero wala ka pa ring reaction. Naging celebrity music icon ako at ang banda ko, inalay ko sa’yo ang tatlo naming albums pero ngayon mo lang nakita ang mga bagay na iyon dahil lumabas sa news. You totally threw me away from your senses. Oh shit! Nagtanong pa ako. I know the answer. You really hate me that much.” Napabuntong-hininga ito.

                “I hated you. Yes. And it’s already past tense. Nakakapagod kayang magalit, try mo!” pabirong hirit na lang niya though she meant it halfway. Napagod na nga siyang mainis at magalit kaya sige na, give up na siya.

                Bahagya itong ngumiti. “Mukhang naubos nga energy mo sa galit mo sa akin. Well, hindi kita masisisi. You’re right I’m a jerk. I hurt you and I let you go kahit na masakit din sa akin. Alam ko ang inisiip mo noong mga oras na iyon. I was a total jerk. Ako ang pinakamasamang lalaki sa mundo. For the nth time, I’m sorry, Apple. Ayokong saktan ka noong mga oras na iyon but I have to. And I did.”

                 “Why? Alam mo ba umikot noon sa’yo ang mundo ko. Ikaw iyong pinangarap ko noon na makasama ko habambuhay. Ikaw iyong pinangarap kong maging katulad ni Daddy sa Mama ko. Ikaw ang nagturo sa aking magmahal pero ikaw rin ang  nagturo sa akin masaktan, magalit, at wag na muling magtiwala.”  It was still clear in her memory. Ang mga sandaling naging masaya silang mag-boyfriend ni Rover. Ang mga sandaling bumuo siya ng pangarap kasama ito. Ang mga sandaling sinaktan siya nito.

                “Alam ko na mahirap na akong patawarin. Pero susubukan ko pa ring magpaliwanag. Lahat ng sinabi ko sa’yo nung makipaghiwalay ako sa’yo…lahat iyon, they are all lies. Of course I really do love you. Niligawan kita hindi dahil ikaw ang Miss Popular ng campus. Niligawan kita dahil gusto kita…mahal kita. Naaalala ko rin ang monthsary natin, it was 19th of the month, January 19 was the day you said yes to me, 5pm  at  student lounge. It was one of the memorable days of my life. I dreamt about us more than you did. Marami akong pangarap para sa ating dalawa noon pero sa isang iglap giniba kong lahat iyon. I found out that you are cutting your classes, your grades turned low and you lie to your parents. You lied to me. Ang sabi mo okay lahat sa’yo pero hindi. Hindi pala alam ng magulang mo ang tungkol sa atin, hindi rin pala totoong wala kayong teacher kapag iyon ang sinasabi mo. I felt so bad. Pakiramdam ko noon ako ang bad influence sa’yo. Kaya ginawa ko iyon. I want you to be in good path…in my expense. Hindi ko pinagsisihang ginawa ko iyon.

                “You will never be Lovely Apple Canilao, CPA, a successful businesswoman at that young age kung mas pinili ko ang relasyon natin. Though it damaged my name to you and it hurt me that much seeing you in pain, tiniis ko iyon. And until now, I’m suffering from my act. Sorry kanina kung bigla na lang akong umiyak. Iyong marinig na hindi tayo pwedeng maging tayo… masakit iyon. Buong buhay ko, ikaw lang ang minahal ko. Umaasa ako na someday, may Apple na mamahalin ako uli. Well I guess I still have to pay for the damage I have done. Masakit ang sinisingil sa akin ng pagkakataon. Pwede bang iba na lang? Wag naman iyong hindi pwedeng maging tayo.”

                Natigilan at natulala na lang si Apple. Now that she found out his real reason why he did those hurtful things to her before, parang hindi naman niya magawang magalit.

                Hay, tumitikwas ang buhok ko sa kadramahan dito! Nginitian niya ito. Bahala si Lord kung anong mangyayari. Basta sa ngayon, stick to mission siya. Kailangan niyang magka-love progress with Rover. Kung ma-in love uli siya dito…Hindi naman siguro masama na bigyan ka ng chance. Okay gora!

                “Okay. Let’s go back to step one,”  nakangiting sambit niya.

                “And that is?”

                “Starting over. Close book na natin iyong nangyari noon at wag na nating babalikan. Ipagpalagay nating ngayon lang tayo nagkakilala. I’m giving you the shot for a second chance--”

Nagulat siya nang bigla siya nitong niyakap.

             “Thank you so much, Apple.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. “Hindi na ako mangangako ng kahit ano. I’ll just show it to you.”

                “Better. Pwedeng simulan mo sa kung paano ako lalayuan ng media, fans and haters mo. May haters club talaga against you?”

                Napangiwi ito. “Ngayon sigurdo  nga akong hindi ka interesado sa akin. It’s all over the showbiz news. Those haters are those women I said no when they ask me out plus die-hard fans of Gracel Cheng.”

                “Is she your ex?”

                “No. You’re my only ex. Na-link lang siya sa akin. That’s very showbiz. Pinalabas ng manager ni Gracel na we’re exclusively dating. So all of a sudden, inakala ng tao na si Gracel ang loveliest fruit I ever had in my entire life ko. Ginawa nila iyon para pagtakpan ang relasyon ni Gracel sa isang taxi driver. Later on we found out na may asawa’t anak na pala ang driver na iyon. Gracel went on depression stage hanggang sa nag-try siyang mag-suicide. Ako ang tinurong dahilan. Well, we can never stop media from digging and fabricating issues. But in your case, si Richael na ang bahala sa’yo.”

                So that was the real story. Now naka-relate na siya. “Now, I know. Hindi kasi ako mahilig sa showbiz.”

                “Well, akala ko noong una ikaw ang president ng haters club na iyon,” natatawang hirit nito.

                “Ay hindi ko naisip gawin iyan. Sayang! Naunahan nila ako,” patol niya dito.

                “I know you won’t do that.”

                “Dahil maganda at mabalit ako?”

                Tumawa ito. “Yeah you are beautiful and kind pero hindi iyon ang dahilan kung bakit alam kong hindi mo iyon magagawa sa akin.”

                “Eh ano?”

                “’Cause I know, somehow, you loved me. Maaaring namatay na ang feelings mong iyon para sa akin. But I’ll do my best to win your love again.” Hinawakan nito ang kamay niya. “I want you to know that I love you so much. Hindi kita mamadaliin o pipilitin. I’m just glad na binigyan mo ako ng chance.”

                 Magre-react sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat na lang sila nang Daddy niya ang bumungad sa kanila.

                “Apple! Let’s go home!” mando ng kanyang ama. 

                Natigilan siya. Hindi niya alam ang gagawin. Nang hindi siya kumilos ay kinaladkad siya ng galit na galit niyang ama.

                “Daddy, sandali po!” Binalingan niya si Rover. Naga-attempt itong sumunod sa kanila habang kinakaladkad siya papalabas  ng condo nito.

                “Sir, sandali po!” Tumigil ang tatay niya sa paglalakad at binalingan si Rover. “Sorry po sa nangyari. I’ll make sure na hindi na po iyon mauulit—”

                “Talagang hindi na mauulit. I won’t let you see my daughter again. Good day, Mr. Manalili.”

                “Dad! Iniligtas niya ako.”

                “If it wasn’t because of him, hindi mangyayari iyon sa’yo. Stop defending him!”

Natigilan si Apple. Muli ay narinig niya ang authoritarian na hirit ng kanyang ama. Lagot siya. Mukhang mauulit ang nangyari noong high school na kinakatakutan niya lalo na ngayong magsa-start over sila ni Rover. Pasimpleng tinanaw na lang niya ang binata at nahagip ng mata niya ang nag-aalalang mukha nito.


NAKATULALA lang si Apple sa cellphone niya. Mula ng mag-start over sila ni Rover ay panay na ang pag-uusap nila. They started being friends again. Everything was fine and sweet indeed. Ang problema na lang niya ay ang Daddy Chrysler niya. Though hindi na siya nito pinigilang makipag-usap at makipagkita kay Rover, naging mahigpit naman ito. At halata pa rin niyang hindi boto ang tatay niya dito.

Katatapos pa lang niyang maka-receive ng call mula kay Rover. Nagpaalam itong mawawala saglit dahil may shooting ito ng music video sa Baguio. Nagtanong na rin ito kung anong pasalubong ang gusto niya. Ilang minuto na ang lumipas pero parang fresh pa rin sa eardrums ang huling sinabi nito, “You are the reason why I wanted to sing more. Take good care, Apple. I love you.”  Hindi nawawala ang I love you nito tuwing magkakausap sila.  At siya naman, tila bumaligtad na sa plano niya.  Pigilan man niya ang sarili, hindi niya maiwasang kiligin sa mga efforts ni Rover para sa kanya. Nagsimula  na rin tuloy siya sa pagi-ilusyon ng kung anu-anong sweet scenes para sa kanila.

“So Apple, okay na ba iyong reservation para sa kasal nina Mama at Daddy?” tanong ni Ryuji. They are on a meeting para sa 25th wedding anniversary ng mga magulang ni Ryuji. Balak ng mga itong magpakasal uli. “Apple? Yoohoo!  Pumarito ka muna sa earth. Mamaya ka na pumunta sa sarili mong planeta!”

Nagtawanan ang buong barkada at saka lang siya nagising sa pagkatulala niya. “Hay naku, hindi na ba kayo nagsasawa? Palagi na lang kagandahan ko ang topic,” patawang hirit niya. “Okay na iyong reservation. Sasagutin na rin daw ni Daddy iyong flower arrangements.”

“Iba ka ngayon araw na ‘to. May iba talaga sa’yo,” sambit ni Sunset.

“Alam ko mas maganda ako ngayon kesa kahapon. Ganon talaga pag maganda dapat paganda ng paganda,” non-sense na hirit niya. Idinaan niya lang patawa kesa maungkat ang tunay na dahilan kung bakit candidate to bangengemon na siya ngayon.

“Sabi ko naman sa’yo Apple, wag kang sisinghot ng pinakuluang balance sheet. Masama iyon sa mentality mo!” hirit ni Icee.

“Excuse me! Pinakuluang correction fluid ang sinisinghot ko ano!” patol niya dito.

“Apple, sabihin mo lang talaga kung may balak kang magbakasyon ha,” sabat naman ni  Hiroshi.

“Saan naman ang destination natin? Japan? Thailand? Macau?”

“Sa Cavite. May mental institution do’n eh. Bakasyon ka muna, libre pa,”  banat na naman ni Icee habang abala ito sa laptop nito.

Kakastiguhin niya sana nito nang may napansin siyang kakaiba nang balingan niya ito. “Susmiyo, maghanda kayo magugunaw na ang mundo!” Eksaheradong hirit niya.

“Bakit dahil maganda ka?” tanong ni Erika.

“Hindi. Isang milagro! Nagba-blush si Icee!” 

Agad namang nagtakip ng mukha  si Icee dahil sa sinabi niya.

“Aba, mukhang doing good ka sa target mo ah,” komento ni Ryuji.

“Dalaga na rin si Icee! Party Party!” hirit ni Sunset.

“Tse! Tigilan nyo ako. Si Apple ang kulitin nyo wag ako,” hirit ni Icee. 

 “I have  an idea. Sa tingin ko naman lahat tayo ay may progress na sa targets natin. Let’s have a short deal. Bring your targets on my parent’s wedding day.”

No second thought, the group immediately said, “Okay deal!”

Nagpayabangan na ang mga boys sa progress nila sa kani-kanyang target nang mag-ring ang cell phone ni Apple. Hindi registered ang number  na tumatawag sa kanya. 

“Hello?”

“Hi, Apple. Na-miss mo ba ako?”

Muntik na niyang mabitawan ang cellphone nang marinig ang pamilyar na tinig na matagal na niyang ibinaon sa limot.

“O na-speechless ka na diyan. Come on, Apple. Para namang wala tayong pinagsamahan niyan.”

“No! You are not real. Patay ka na! Patay ka na dapat!”

Natigilan din ang mga kaibigan niya nang takot na takot na sinigawan niya ang nasa kabilang linya.   Nagsilapitan ang mga ito sa kanya. Si Ryuji at Icee ay agad nagkabit ng device sa cellphone niya para ma-trace ang caller niya. Naka-loud speaker na rin iyon.

“Unfortunately, I’m alive, Apple. Alive and free. Kamusta na nga pala kayo nina Icee at Erika? I’m back. And remember, sinabi ko noong babalikan ko kayo. Wala na kayong kawala sa akin ngayon. And this time, sisiguraduhin kong maisasama ko kayo sa listahan ng mga napatay ko.”

Kinilabutan siya sa mga sinabi nito. She knew how dangerous this man. Minsan ng nanganib ang buhay nilang magkakaibigan dahil sa baliw na serial killer na ito. Akala ng lahat ay patay na ito pero makalipas ang ilang taon, heto at bumalik si Karl para manakot.

“Iyon ang akala mo!” sigaw nina Ryuji.

Pero kampanteng tumawa lang si Karl. “Sige pa. Magtawag pa kayo ng tagapagtanggol tatlong binibini. Kakailanganin nyo iyan sa mga susunod na araw. Hindi ako nagbibiro, magiging akin din kayong tatlo.” Isang nakakakilabot  na  tawa ang inihirit nito bago ito mawala sa linya.

Binalot siya ng takot. Hindi pa rin siya makapaniwalang buhay pa ang criminal na iyon na muntik ng humalay at pumatay sa kanila nina Erika at Icee noong nasa college pa lang sila.

Agad naman siyang niyakap ni Sunset at pinunasan nito ang luha niya. Doon lang niya napansin na umiiyak na pala siya sa takot. “Of course, hindi namin kayo pababayaan. Kung wala kaming nagawa noon, may magagawa na kami ngayon.”

“Sunset is right. Kayong tatlo ang prinsesa namin. With the force of Code Black Security, hindi kayo magagalaw ng gagong iyon,” sabat ni Ryuji habang yakap ang pinsan nito. “Alam ko kahit di ka magsalita, natatakot ka.”

“Mas natatakot ako para kina Erika at Apple. Pulis ako. I know how to fight. Sad to say hindi ko na-trace ang location ng tawag. The best thing we should do by now is to guard each other.”   

                “Erika, wag kang umiyak ng umiyak lang diyan. Come on, babantayan kita,” sambit ni Hiroshi.

                “Salamat,” tugon ni Erika pero hindi pa rin ito huminto sa pag-iyak. “Pero natatakot talaga ako.”


                Naiintindihan ni Apple ang tension. Naging mahirap sa kanilang tatlong ang naganap noong college pa sila. Ni ang maalala iyon ay hindi nila tinangkang gawin. Sad to say, they need to face their fears again.






PREVIOUS                                                                          NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…