Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Maybe This Time- Part 1





“One minute more!” Bilang na bilang ng high school student na si Apple ang bawat segundong lumilipas bago ang pag-ring ng bell. She can’t wait to finally step out of the room and meet her boyfriend at the old gym.

                Yes, may boyfriend na siya kahit fifteen pa lang siya. Kahit pinagbabawal sa school at lalong pinagbabawal ng protective niyang ama, ay hindi siya nagpapigil.  Sino ba namang makakapagpigil kung ang magiging boyfriend mo ay ang Mr. Popular ng campus, no other than Rowell Vergel Manalili. Isa itong student leader, pambato ng quiz bee, badminton varsity player at isang certified campus crush sa pagiging talented. Madaming nagkaka-crush dito, halos buong campus ata, pero above all the girls, siya ang pinili ni Rover. At ngayon nga, isang buwan na silang lihim na mag-boyfriend.

                The bell rang. Lihim na nagbunyi si Apple nang marinig iyon.  Nang makalabas ng room ang teacher nila ay agad din siyang lumabas.

                “Uy, Victoria! Di ako papasok sa next class. Pakopya na lang ng lectures ha,” sambit niya sa kanyang best friend sabay takbo.


                “Uy! Bff! Saan ka pupunta?” Bakit di ka papasok?”

                “Basta!”

                Hindi naman niya pwedeng sabihin na makikipag-date siya kaya hindi siya papasok. Dumaan muna siya sa canteen at bumili ng fries at inumin. Pareho silang mahilig sa fries ni Rover. Nangingiti at kinikilig pa siya habang nagmamadaling maglakad papunta sa old gym kung saan palaging nagpa-practice si Rover.

                “Hey, Apple! Oh anong ginagawa mo dito?” tanong agad nito nang makita siya.

                Iniabot niya dito ang fries. “Happy  monthsary!”

                Natigilan ito. “Monthsary ba natin ngayon?”

                Nalungkot si Apple sa sinabi nito. Hindi nito naalala na isang buwan na sila. Ang totoo parang siya lang naman ang nagpapahalaga sa relasyon nila. Para ngang wala itong pakialam sa kanya. “Nakalimutan mo?”

                He held her hand and they walked towards the benches. “I’m sorry, nakalimutan ko. Pero babawi ako sa’yo, Apple.”

                “Nood tayo ng sine ngayon para makabawi ka sa akin,” sambit niya.

                “Ngayon na? Pero may klase ka di ba?”

                “Hindi ako papasok. Para magkasama tayo.”

                “No!” Tumaas bahagya ang boses nito. “Hindi mo dapat pinapabayaan ang studies mo!” Hinila nito ang kamay niya at kinaladkad siya pabalik sa classroom niya.

                Napakahigpit ng hawak nito sa kamay niya at nasasaktan na siya. “Aray ko! Hindi ka ba natutuwa na gumagawa ako ng paraan para magkasama tayo?”

                “Apple, maling paraan iyang sinasabi mo.”

                “Kahit na! Gusto ko lang naman makasama ka!  Ganon kita kamahal.”

                Huminto ito sa paglalakad at kunot-noong binalingan siya.  Umiling ito na parang dismayado at saka seryosong hinarap siya. “Alright. Sasabihin  ko ang totoo. Hindi naman kita gusto talaga. It’s just you are the Ms. Popular of the batch and I am the Mr. Popular. People want us to be together. It was just a game, Apple.”

                Nangilid ang luha niya sa sinabi nito. “Pero sabi mo mahal mo ako!”

                “I just said it, but I don’t mean it.” Tumawa ito ng pagak. “Sa tingin mo ba makakalimutan ko ang monthsary natin kung talagang mahal kita? Ni wala nga akong inihandang surprise para sa’yo. I don’t even remember kung kelan naging tayo.”

                “So you played the games huh!” Nung mga oras na iyon ay gustong-gusto niyang sapakin si Rover sa sobrang galit. Pinaglaruan lang nito ang damdamin niya.

                “Girl, I don’t settle to someone less intelligent than me. Mag-aral ka muna ng ayos. Who knows, baka ma-in love ako sa’yo kapag mas mataas na sa 85 ang Math at Science mo.”

                “Ah gano’n ba?” Naningkit ang mata niya. Isinaboy niya sa mukha nito ang soft drinks na binili niya dito pagkatapos ay  isinaboy niya sa mukha nito ang cheese flavored na French fries. “I don’t settle with a jerk, too.” Nag-mega walk out siya.

                That was the last day she allowed herself to be involved with that jerk Rover. Pinahiya niya ito sa sarili nito. Inungusan niya ito sa honor list until they graduated. Siya ang naging Valedictorian at nag-third honor lang ito. Iyon ang pinakamagandang revenge na nagawa niya dahil sa panloloko nito sa kanya.   After graduation ay nag-apologize sa kanya si Rover pero hindi niya iyon pinansin. Tapos na ang lahat sa kanila at kahit kelan hindi niya ito mapapatawad. Markado na ito sa kanya hangga’t nabubuhay siya sa lifetime na ito o kahit sa life after this lifetime. He would be her greatest mortal enemy. Iyon na rin ang panahong nawalan siya ng interest sa love life. At pinangako niya sa sarili na hindi na muling magtitiwala sa kahit kaninong lalaki.

               
                “DADDY kong pogi, ito na po iyong reports na hinihingi nyo mula sa Finance Department at ito naman po iyong budget proposal.” Inilapag ni Apple ang dalawang folder sa mesa ng kanyang ama.

                She was now a successful Auditor ng lahat ng business ng kanyang ama. Well, aside from being a heir of Hacienda Canilao, of course. May tatlong divisions na ang Hacienda ng kanyang ama. The first one was the plantation of different kinds of coffee, pineapple, coconut, apples and different variants of peanuts and other agricultural products. One of her younger twin brothers, Coco Nathaniel was the one managing the plantation. Philip Nathaniel, the other twin, was managing the company that processes the harvest products into canned and bottled products to be sold in markets. And Apple, the most beautiful of all (eh siya lang naman ang babae kasi sa magkakapatid), managed the Hacienda Canilao Resort, a paradise that specialized in recreational facilities from hotels to pools, spa houses and other facilities that speak of relaxation. Maliban doon,  siya rin ang nagtityagang mag-audit ng finances ng tatlong negosyo katulong syempre ang kanyang ever reliable Bff na si Victoria, ito ang Accounting supervisor niya.   

                “Salamat anak kong maganda,” patol ng Daddy Chrysler niya sa pambobola niya.

                Napatawa na lang tuloy siya.

                “Sige, magbolahan pa kayong mag-ama,” sabat ng Mama niya na abala lang sa pagbabasa ng pocketbooks. Iyon na lang ang naging libangan ng nanay niya mula ng ikasal sila ng Daddy niya. Hindi na kasi pinayagan ni Chrysler na magtrabaho ang asawa nito.

                “Mas masarap ka pa ring bolahin, pinakamagandang Mayii,” sambit ng tatay niya.

                “Tapos na po ang bolahan period natin, Chrysler,” tugon ng mama niya na ikinatawa din lang nilang mag-ama. Binalingan siya ni Maria May. “Anak, I think you are already on the right age. Wala ka pa bang balak na mag-boyfriend o makipag-date?”

                Naalala ni Apple ang same order game of destiny. Kanina ay nag-compute siya ng  profit na mawawala sa kanya kung sakaling  magpatalo siya sa laro. I can’t lose the game! Ang laking lugi ko sa mga tukmol na iyon! Wala na tuloy siyang choice kundi gawin ang best para di matalo sa game. Mas magaling na iyon kesa naman  sa libu-libong mawawala sa kanya. Panigurado kasing isang linggong accommodation ang ihihirit ng tropa niya.   But thinking that it would mean she needed to spend time with Rover Manalili, parang gusto niyang magbikti na lang ngayon din. Of all the guys in the universe, bakit  naman iyong mortal enemy pa niya?   

                “Mayii, my baby is still young. Don’t push Apple to have a boyfriend,” kontra agad ng tatay niya.

Naalala niya noong high school  siya at natuklasan ng magulang niya ang tungkol sa naging relasyon nila ni Rover. Sobrang nagalit ang tatay niyang over-protective. Muntik pang sumugod ito sa bahay ng kaibigan nito which so happened to be Rover’s father. Naparusahan din siya dahil sa kalokahan niya.  Isa rin iyon kaya ayaw na niyang ma-involve sa love life. Baka pag di na naman magustuhan ng tatay niya ang maka-date niya ay  sumama na naman ang loob nito sa kanya.

“Malaki na iyang si Apple. Kung ma-in love iyang anak natin, pabayaan mo na lang Chrys,” sambit ng nanay niya.

“No,” tutol pa rin ng tatay niya. “Well, unless the guy is worth it for my princess.” Binalingan siya ng kanyang ama. “May prospect na ba?”

Umiling siya. May target po. “Wala po Daddy. Sobra kasi akong maganda. Walang makapantay sa standards ko,” patawang hirit niya.

Tumawa ang magulang niya.

“Basta if ever magkaroon anak, don’t hesitate to tell us about it. I know, someday I need to let go of you. But always remember, you are my baby.  Makakapatay talaga ako pag pinaiyak ka ng lalaki,” sambit ng tatay niya.

Napapangiti na lang siya. She was really lucky to have a loving father like him. Kahit pa mahigpit ito sa usaping pera at safety, wala naman kapantay ang pagmamahal nito sa kanilang magkakapatid. 

“Sige, Dad. I let you know po. Ahm, alis po muna ako. May aasikasuhin lang po ako sa Manila.” Humalik siya sa pisngi ng ama at ng kanyang ina at para hindi na siya mausisa pa ay naglakad na agadsiya palabas ng office. “Ah, kasama ko po si Victoria.”

“O siya sige, ingat kayo ha. Need the car?” alok ng tatay niya.

“Hindi na po, Daddy. Gusto ko pong mag-bus ngayon. Trip lang.”

 Lumabas na siya ng silid at pumunta siya saglit sa opisina ng department na hinahawakan niya para kaladkarin ang kanyang Bff. Kailangan na niya ngayong makahanap ng paraan para masimulan ang game niya…kahit napipilitan siya.  Pero pagdating niya sa office ay wala roon si Victoria kaya tinawagan niya ito.

“Bff, asan ba ang mala-dyosa mong kagandahan ha?” tanong niya agad nang sagutin nito ang tawag.

“Ate, may date kami ni Victoria. Wag kang istorbo!” Boses ng kapatid niyang si Coco Nat ang narinig niya pagkatapos ay busy tone na.

Panira talaga  itong si Coco Nat. Kung kelan naman kailangan niya si Victoria eh saka naman niyaya ito ng kapatid niyang mag-date. Her bff had a huge crush sa brother niya. Kaya alam niyang ipagpapalit talaga siya ni Victoria sa kapatid niya.

Walang choice, luluwas siya ng Manila ng mag-isa.  Kailangan niyang  gumawa ng paraan kung paano makakaharap si Rover na isang sikat na celebrity na ngayon…again, kahit napipilitan talaga siya.

Sumakay siya sa bus. Medyo marami na rin ang pasahero. Isang binata na naka-cap at shades ang nag-offer sa kanyang seat sa tabi nito. Tumayo ito at pinaupo siya sa may bintana.

“Thank you,” sambit niya.

“You’re always welcome, Apple. Nice to see you, again.”

Gulat na binalingan niya ito. Sakto namang bumaling ito sa kanya. Bahagya nitong ibinaba ang suot na shades. Nakilala niya agad ito. Ang lalaking isinumpa niya…ang lalaking unang nanakit sa bata niyang puso…ang lalaking target niya sa same order game of destiny na pakulo ni Ryuji.  

                Hindi siya nakaimik lalo na nang ngumiti ito sa kanya. Kung gwapo na noon si Rover, di hamak na naging 10,000 times na mas gwapo ito ngayon. Pero anong ginagawa nito sa isang pampublikong bus?

                Pinagtaasan niya ito ng kilay though hindi niya alam kung marunong ba siya noon. Pagkatapos ay bumaling na lang siya sa bintana. Pag minamalas nga naman higit sa dalawang oras pa niyang makakasama sa byahe ang isang ito. 

                “Apple…”

                “Sorry, I don’t know you.” Picachu!

                “I know, you know me. I’m Rowell Vergel Manalili. Ako ang first boyfriend mo. Ikaw rin ang first girlfriend ko.”

                “Hindi ko iyan naaalala. May amnesia ako.” Ang kapal ng fez ng isang ‘to!  

                “So you really forget about me huh.”

                “Absent ako nung tinuro ka ng teacher!”

Bahagya itong tumawa pero bumalik din naman sa pagiging seryoso. “I know it’s my fault, I’m sorry. I know it sounds crazy. I have lots of chances to say sorry pero ngayon ko lang nagawa after mong deadmahin ang pagso-sorry ko noon. Mukha kasing hindi effective ang gimik ko sa’yo aside from the fact na ngayon lang uli kita nakita after years.”

                 “Hindi ko alam iyang sinasabi mo,” sagot niya sabay baling sa bintana. In denial pa rin na drama niya.

                “Have you ever seen the album of Sheyron Band? Or watch my gig and concerts?”

                “Haller, nagpadala ka ba ng copy? Magpadala ka kaya ng complimentary tickets. Try mo!” pabulong na hirit niya.

                “Sa’n ba address mo? Do’n pa rin ba sa Hacienda Canilao?” tanong nito. Narinig pala nito ang binulong niya. “Papadalhan kita. May flowers at chocolates pa.”

                Natutop niya ang bibig. Me and my joking mouth! Binalingan niya ito. “Please, I don’t want to talk to strangers. Let there be peace on earth and on mars. At saka, hindi ko type ang music ng banda mo. Kasi ang pangit ng boses ng vocalist.” Which so happened to be Rover Manalili, too. 

Imposibleng hindi niya marinig ang mga kanta ng banda. Bukod sa magaling ang arrangements ng mga revivals ng mga ito, super sikat din ang mga kanta nila na kahit saan ata siya pumunta ay maririnig niya kahit ayaw niyang marinig. Though, hindi siya nag-aksaya ng panahong silipin ang album ng mga ito at lalo na ang ang manood ng gig. Pag nga nakikita niya ang banda sa tv, nililipat niya ng channel o kaya naman ay pinapatay na lang niya. Mas maigi pang matulog kesa makita  ang lalaking ito.

“Ikaw lang ang kabukod-tanging nagsabing pangit ang boses ko. Pero sige, hindi ako masasaktan sa panlalait mo. I’ll just keep a treasure na nagkita na rin tayo sa wakas.” 

Bigla siya nitong inakbayan sabay kuha ng picture nilang dalawa gamit ang camera sa cellphone nito. At siya namang may pagkaloka-loka, por que nakakita ng camera ay bigay todo naman sa pagngiti. Tapos na ang picture-taking nang ma-realize niya ang mga naganap.

                “Burahin mo iyan!” asik niya dito.

                Nananadyang tiningnan pa nito ang picture sa cell phone nito. “Ayoko nga. Ang ganda-ganda mo kaya dito. Bakit ko naman buburahin?”

                At talagang may gana pang mambola ang isang ito. Akmang aagawin niya ang cell phone dito pero maagap nitong nailayo sa kanya ang cell phone ng walang ka-effort-effort. “Ano ba talagang problema mo sa akin at ayaw mo akong tigilan?”

                “Ang problema ko? Hmmm, feeling ko di mo pa ako napapatawad at saka hindi  mo pinapansin ang pagpapa-kyut ko. Iyon ang problema ko. Kung napapanood mo lang sana ako sa mga gig at shows ko. Kung binibigyan mo lang sana ng pansin ang tatlong albums ng banda ko.”

                Pagpapa-kyut? Kelan? Saan? “Burahin mo iyang picture ko sa cell phone mo! Pag ako namatay talagang ikaw ang unang mapagbibintangan. Ia-announce kong kinulam mo ako!”

                “Masyado kang OA. Hindi ko kailangang ipakulam ka para lumapit ka sa akin. All I need is to smile at you. That’s how charismatic I am.” Then he showed off the adorable breath-taking, heart-snatching smile he was talking about.

                Natigilan si Apple. Even after so many years, iba pa rin ang impact sa kanya ng ngiti nito. She seemed like she was back to her young version. Noong mga panahong kay Rover umiikot ang happiness niya. Until she remembered the thing he did to her. Wake up, Apple! He was the one who hurt your young heart!, paalala ng kanyang isip.

                “Ewan ko sa’yo! Wag mo na akong kausapin!” Tinigilan na niya ang pagtatangkang agawin ang cell phone nito. Umayos na lang siya ng upo at muling bumaling sa bintana.

                “Okay, I just want to have a remembrance. Isn’t it a good day? I sneaked out to ride a public bus and now, Apple is beside me.”

                Biglang kumabog ang puso niya sa sinabi nito. It sounded sweet. Umiling siya. Hindi siya pwedeng kiligin sa mga pinagsasabi ng isang ito. Rowell Vergel Manalili was a dark past. She must not deal with him today. Mamalasin siya. Then she remembered the same order game of destiny one again.  Kung tutuusin, naka-score na siya sa game.

                Binalingan niya ito. Parang bangengeng  nakatitig ito sa cell phone nito. “Ang cute mo, Apple.”

Napangiwi siya.  “Ako ba ang kinakausap mo?”

“Nope. Kinakausap ko ang cell phone ko. Ayaw mong kinakausap ka di ba?”

“Baliw!”

Binalingan siya nito. “Malapit na akong bumaba ng bus. It’s nice to see you again, Apple.”  Ngumiti ito.

“Hindi tayo friends. Wala akong pakialam kung tumalon ka pa palabas ng bintana para sa grand exit mo.”

Pumara ito at tumayo. “Alam ko. Hindi nga tayo friends, ex’s tayo eh. Take care!” Humabol pa ito ng paghaplos ng pisngi niya na lalong ikinaasar niya.


   “NAISAHAN  niya ako!!!!!!” gigil na gigil si Apple habang ini-slice ang chocolate mousse cake. She was now spending time with her friends at Kofi Cups and Sweets. 

“Sira, ikaw ang nakaisa sa kanya!” hirit ni Icee. “Kami nga nagpaplano pa lang ng the moves para sa target namin pero ikaw walang ka-effort effort nagka-progress ka kaagad with your target.” 

“Sa tingin mo ba gusto ko na siya ang chever na target ko para sa pakulong kacheveran nitong si Ryuji?  Hindi ako natutuwa!” pataaas pa rin ang tono niya.

“Eh kung di ka natutuwa, give up ka na lang,” sambit ni Sunset.

“Tama! Masarap magpa–Thai  massage!” hirit ni Hiroshi.

“Yup. Lalo na kung libre!” dagdag ni Erika.

“Swim-swim to the max at may Jacuzzi pa!” pahabol pa ni Ryuji.

“Asaness kayo! Nag-compute ako. Malaki ang malulugi sa akin kaya no way, high way, I did it my way!”

“Bang!” hirit ni Icee na ikinatawa nila. 

Maya-maya ay napag-isipan niya ang nangyari sa pagitan nila ni Rover.“Winner na ako! Wapak! May progress na ako eh!” hirit na lang niya. Masisiraan siya ng bait kung uubusin niya ang energy niya sa kakaisip tungkol sa pagkaasar niya kay Rover.

“Adik ka, love progress ang usapan. Ano namang ka-love love do’n sa kinuhanan ka niya ng picture? Malay natin ibebenta ka lang niya sa internet. Mabenta pa naman ngayon ang zhitsu, chiwawa at askal.” Humirit na naman si Icee, still busy with her laptop.

“Graveycious ka Icee, ang ganda ko namang aso!” reklamo niya.  “Well, well, well. Wishing well. We are playing games right? Patulan ko kaya itong si Rover? Maka-sweet revenge na ako, di pa ako matatalo sa game!”

“Ooops! Warning, this same order game of destiny is dangerous to your heart,” hirit ni Hiroshi.

“Disclaimer, the creator of the game is not liable if something goes wrong. If heartaches exist consult your father,” dagdag pa ni Ryuji.

Pumailanlang na naman ang tawanan sa kanila.

“Hay naketch! Ano ba talagang gagawin ko? I can’t lose the game!”

“Simple lang iyan Apple. If he ask you out, have a date with him,” sambit ni Erika.

“Yeah, right. Para mo na ring sinabing, ‘Apple, welcome to hell!’ I hate him! Panira siya sa maganda kong mukha, sa flawless kong kutis—”

“At sa kulang-kulang mong pag-iisip!” sabat ni Icee.

Another batch of laugh trip came over.

“Ano vey? Seryoso  naman na ako eh!” reklamo niya.

“Eh kasi bakit hindi mo na lang kaya patawarin ang lalaking iyan para mapadali ang game para sa’yo? Tutal naman, high school pa tayo nung nangyari iyon. Marami ng nagbago,” sambit ni Ryuji. “At malay mo naman, magka-one more chance kayo.”

“Basha? Ikaw ba iyan?” hirit ni Hiroshi. Ang tinutukoy nito ay character sa pelikulang One More Chance.

“Hindi, si Popoy iyan!” pakli naman ni Icee na ikinatawa nila.

“Okay, kagandahan ko na naman ang nakita nyo. Fine!” hirit na lang ni Apple.

“Don’t make it hard for yourself. I-appreciate mo na lang iyong pagpapa-cute niya sa’yo,” hirit ni Ryuji.

“Pasalamat ka nga napagkamalan ka niyang babae. Buti na lang di pa niya nadi-discover na lalaki ka,” biro ni Icee.

“Hindi ako maka-relate!” sambit na lang niya.

“Eh kasi naman, hindi mo pinapansin ang effort niya. Alam mo ba kung anong meron dun sa mga sinasabi niya sa’yo?” tanong ni Sunset.   
  
“Malay ko!” Nag-ring ang cell phone niya at si Victoria ang tumatawag.

Tili ang una niyang narinig. “Ayeeeee! Bff! Asan ka? Magbukas ka ng tv dali! Si Fafa Rover nasa afternoon talk show ni Danica Urbano!”

“Nasa Tralala ako, hindi uso tv dito,” tugon na lang niya. Awtomatikong napalingon siya sa tv at naka-tune in na nga ang tv  sa palabas na sinasabi ng bff niya.

“Manood ka ,bff! Nagtext sa akin ang Fafaness mo, panoorin mo daw siya may ide-dedicate siya sa’yo!”  May kung anu-anong pa-sweet daw para sa kanya na ginagawa itong si Rover ayon sa bff niya.  Fan kasi ito ng Sheyron Band kaya madalas itong nakakapanood ng mga gigs at show ng banda. Pero pakiramdam naman niya ay ine-echoz lang siya nito kaya hindi niya iyon sineryoso.

“Ewan ko sa’yo, makipag-date ka na lang sa kapatid ko,” sambit niya sabay cut ng call. Mukhang araw ng malas ngayon. Lahat ng sulok ata ng pupuntahan niya ay may bahid ng presensya ni Rover.

“I got it, Ryu! Lailah Unte ang pangalan niya,” sambit ni Icee. Nakuha nito ang atensyon niya.

“At sino naman iyan?” tanong niya. “Inaatake na naman kayo ng pagka-praning?”

“Target ko siya, Apple. Uy, look! Iyong target mo nasa  tv!” hirit ni Ryuji.

Halos lahat na ng customers ay sa tv na nakatutok. It was a talk show na nagfi-feature ng iba’t ibang celebrities araw-araw. At ngayon araw na ito, si Rover Manalili at ang Sheyron Band ang featured celebrity ng show.

“Kanina, we talk about your humble beginnings as a group and as an individual. Ngayon naman, ang pag-uusapan natin ay ang topic na maraming viewers natin ang nag-aabang,” anang host na si Danica Urbano, isa sa mga sikat na talk show host ng bansa. “Hindi na siguro secret sa mga fans mo, lalo na sa mga nanonood ng gig ng group mo na meron kang special someone na palagi mong binabanggit as ‘the loveliest fruit you ever had in your life.’  Ang tanong, nagkita na ba kayo ulit?”

Kakaibang ngiti ang pinakawalan ni Rover. Ang ngiting nagpatili sa audience ng show at sa mga customers ng Kofi Cups. Iyon din ang ngiting nagiging dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ni Apple na palagi niyang dine-deadma mula noon at magpa-hanggang ngayon. 

“I did something different kanina. I rode a public bus and fortunately, I got the chance to sit beside her. Finally after years, nakita ko siya ulit and the feeling is so unexplainable. Though hindi ko siya masyadong nakausap. My fault. Meron kasi akong maling nagawa on our past and maybe she was not that ready to forgive me.”

“I-broadcast pa talaga! Adik!” pabulong na buska niya.

Naglakasan ang tiliang narinig ni Apple kasabay ng pagdoble ng kabang nararamdaman niya.

“Haba ng hair mo, ‘te!” hirit ni  Erika.

“Abot hanggang Pluto! Pagupit ka nga!” dagdag pa ni Icee. Pero hindi niya iyon inintindi. Tila may magnet ang tv na humihila sa kanyang atensyon.

“Wow, so after years, pwede na ba nating bigyan ng pangalan si ‘the loveliest fruit you ever had in your life’?”

  “It was already given in the first album we released on market. If people would just spend time looking at the playlist of  the album, for sure malalaman nyo kung sino siya.”

Ano bang ka-ek-ekan iyon? Since busy ang lahat sa tv, binuksan niya ang sariling laptop at sinubukan niyang humanap ng playlist ng album ng Sheyron Band sa internet. Her eyes on her laptop but her ears were still on the tv show.  Natigilan siya nang makita ang playlist na sinasabi ni Rover. Bukod sa mga favorite songs niya ang mga iyon na puro revivals, ang first letters ng eighteen songs ay bumubuo ng pangalan niya.  Lovely Apple Canilao.

“Sounds interesting!  Since it is your moment today, can you sing a song from your album that you want dedicate to ‘the loveliest fruit you ever had in your life’?”

“Sure. Lahat ng songs sa three albums namin ay para sa kanya talaga. The loveliest fruit of my life, this song is for you. I hope this time, you’re watching. This is the first song in our first album three years ago. And this is entitled, Love Will Keep Us Alive.”

She heard the melody followed by his soothing voice. Napalingon tuloy siya sa tv.

“I was standing all alone against the world outside. You were searching for a place to hide. Lost and lonely, now you’ve given me the will to survive. When we’re hungry…love will keep us alive…”

Harana. Isang haranang naka-broadcast sa National TV. Oh my! Ang ganda ko nga! That might be sweet but there’s something bothering her at that moment. He was marked as a guy that plays games. What if pinaglalaruan na naman ni Rover ang puso niya?

“Now I found you there’s no more emptiness inside. When we’re hungry…love will keep us alive. I would die for you. Climb the highest mountain. Baby, there’s nothing I wouldn’t do…”

 Finally, a decision came out. “If you are trying to play the game again, Rover…I’m on it. I’m going to play games with you, and make sure this time, it was you who will face defeat.”

“Bongga ang statement. Pwedeng pam-Facebook status!” hirit ni Icee.

“Tama! Like like like! Share!” dagdag pa ni Erika.

“Miss Salazar!” Napalingon ang grupo sa pinanggalingan ng boses na iyon. There in the main door of Kofi Cups was Mr. Cholo Sandoval. Masamang tingin ang ipinukol nito kay Erika. “I thought you have high fever and so. What the hell are you doing here? Hospital na ba ang Kofi Cups ngayon?”

Napangiwi silang lahat. Indeed, ibang klase nga naman itong bossing ni Erika. Daig pa ang CCTV camera sa galing magbantay ng employees.

“Konti na lang talaga. Sisipain ko na siya ng soccer ball,” pabulong na sambit ni Erika bago umarteng masama ang pakiramdam at dumantay sa katabing si Sunset. “S-sir, may sakit po talaga ako. Nagpasama lang po akong magpa-check up kay Sunset. Nahihilo nga po ako eh.”

 Itong si Sunset, sumakay naman sa drama. “Yeah. She was adviced by the doctor to have two days of complete rest. I just let her take some tea para gumaan iyong pakiramdam niya. Ahm, Cholo I can’t take her home. Gusto mo ba siyang ihatid?”

Lihim na natatawa si Apple. Lalo lang pinagulo ni Sunset ang sitwasyon ni Erika. Laking gulat na lang nila nang walang imik na lumapit si Cholo sa mesa at inalalayan si Erika.

“Let’s go!”  In fairness, may sweetness factor.

“Fafa Onjing!!!!” Once again nagulantang na naman ang coffee shop. “Para sa akin ba iyang flowers? Yiiiih! Ang sweet mo talaga! I love you!”  Hayan na naman ni Madam Dalisay ang manghuhula cum frustrated lover ni Tito Rojun.

“Anong klaseng bulaklak ito, Madam?”

“Roses, Fafa Onjing! Bagay na bagay sa bongga kong outfit!”

“Tama roses ito. Pag ang hawak kong bulaklak ay cauliflower, ibibigay ko sa’yo ha. Umalis ka nga sa daraanan ko.”

“Pa-kiss muna! Mmmmmuuuu!” Ngumuso ito na agad namang iniwasan ni Rojun.

Nagulat si Apple nang sa kanya ibinigay ni Tito Rojun ang bulaklak.

“Siya????” eksaheradong pag-iinarte ni Dalisay. “Pinili mo siya over me Fafa Onjing? Siya…siya na mas maganda ako. Siya na mas cute ako…. Siya na mas matangkad ako??? How? How could you say you love me, Fafa Onjing??!”

Nag-roll eyes si Rojun. Pagkatapos ay binalingan siya nito. “Check the card, sweet Apple.” Pagkatapos ay binalingan nito si Dalisay na nagmo-monolog pa rin. 

“Fafa Onjing, won’t you break my heart slow!”

Umiling si Tito Rojun at  kinaladkad si Madam Dalisay palabas. “Wow! Holding hands tayo, Fafa Onjing! Type!” Mabilis na change pag-iinarte ni Madam Dalisay. “Sabi ko sa’yo eh, ako ang nakatadhana sa’yo Fafa Onjing. Hindi pa huli, may asim ka pa.”

“Ikaw maalat na!” tugon lang ni Rojun hanggang sa maglaho na ang dalawa sa paningin nila. 

Naiiling na binalingan ni Apple ang bulaklak. Kinuha niya ang card at binasa ang message. You made me feel so alive today, Apple. You are the loveliest fruit of my life that I usually mention whenever I got chance to express myself on stage… You will never lose me again, Apple. I promise…Rover.
            
            Napangisi siya. At mababaliw ka naman sa kagandahan kong pang-dyosa! I promise! Gusto sana niyang humirit ng demonic laugh pero magmumukha na siyang tunay na baliw kaya sa imagination na lang siya tumawa ala bruha.






PREVIOUS                                                                       NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…