Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Looking Through the Eyes of Ann- Part 3





Abala si Ann sa pag-aayos ng sarili. Sasamahan niya si Hiroshi na umattend sa 25th wedding anniversary ng may-ari ng Kofi Cups and Sweets. Nang makapag-ayos na siya ay tinawagan na niya ito para sabihing pwede na siya nitong sunduin.

                Lumabas siya ng bahay para abangan si Hiroshi nang mapansin niya ang bagong lipat na kapitbahay na may hinuhukay sa maliit na garden space ng apartment unit nito. Matangkad ang binata pero tila may kakaiba dito. Maya-maya ay bigla itong lumingon…napansin ata na may tumitingin dito.

                Nginitian siya ng kapitbahay ngunit iba ang sinasabi ng mga tinging matalim na binigay din nito sa kanya. Pagkatapos ay muli  nitong binalingan ang ginagawa sa garden. Natakot lang si Lara nang makitang tila may inililibing ito.  Napaatras tuloy siya ng wala sa oras.

                “Namatay ang alaga kong pusa. Nilibing ko lang. Kesa naman itapon di ba? Mahal ko ang pusa ko. At pag mahal mo di ba, bibigyan mo siya ng disenteng libing?” biglang turan nito.

                Kinilabutan si Ann lalo na nang makita niyang may hawak itong kutsilyo na may bahid pa ng dugo. Alanganing ngumiti lang siya habang pasimpleng dumidistansya dito.

                “Hinihintay mo ang boyfriend mo?” tanong pa nito.

                “Ah—oo.”  Kahit hindi naman niya boyfriend si Hiroshi.

                Makahulugang ngumiti ang binata bago ito pumasok sa bahay nito. Nakakaloka ang hombre! Mukhang killer. Yiiiyikes!


                “Ann—”

                “Ay!” Nasapo niya ang dibdib sa pagkagulat nang biglang may humawak sa kamay niya. Paglingon niya ay si Hiroshi na pala iyon.

                “Ann, bakit? You’re hands are shaking.” Agad nitong minasahe ang mga kamay niya.

                “Ah, wala. Nasobrahan lang ata ako sa kape.”

                Nag-aalalang  tinitigan siya nito. “Kung masama ang pakiramdam mo, okay lang na wag mo na akong samahan.”

                Agad niyang naisip na maiiwan siya sa bahay ng mag-isa habang ang nakakatakot niyang kapitbahay ay nasa kabilang pinto lamang. Waaaaah, no way! Scarecrow akez! “Hindi ‘no. Okay lang ako tara na!” Ikinawit niya ang kanyang kamay sa braso nito.

                “Sigurado ka ha?” Nagdududang nilingon pa nito ang kapitbahay niya. Posible kayang nakukutuban nito ang takot na nararamdaman niya?

                “Oo naman.”

                Higit isang oras ang naging byahe nila bago sila nakarating sa pagdarausan ng kasal. Doon ay nagkaroon siya ng pagkakataong makilala ang mga kaibigan ni Hiroshi. Andon din pala ang kaibigan niyang si Lara na naging date ng sikat na pintor na si Sunset.

                “Bongga, sisturrrrr! Ikaw na ikaw na ikaw na ang naka-score kay Sunset!” biro niya kay Lara nang magkasama sila sa ladies room.

                “Echoz, sisturrrrrr!  Ikaw din naman lakas-tama ng boss mo sayo ah,” tugon naman nito pagkatapos ay tumawa sila. 

                Magkasabay na lumabas sila ng ladies room at naabutan nila ang kani-kanilang date.  Ngakahiwalay na uli silang magkaibigan. Muli ay bumalik siya sa piling ni Hiroshi.

                Agad siya nitong iginiya sa isang mesa.Doon ay nakahanda na ang pagkain. “Kung may gusto ka pa Ann, sabihin mo lang at ikukuha kita.”

                 “Ganyan ka ba talaga? As in super maalaga.”  They started eating.

                He smiled. “Sa pamilya ko, oo ganito ako. Pero kung sa ibang babae, hindi. Sa’yo lang.”

                Napangiti na lang siya. Kung kilig at kilig din lang ang pag-uusapan, marinig lang niyang binanggit ni Hiroshi ang pangalan niya ay overly kilig na ang nararamdaman niya.

                “Halika na Onjing. Mag-take na tayo ng vow!” 

                Napalingon silang dalawa sa  isang agaw eksenang guess ng kasal. Ang kilalang manghuhula na si Madam Dalisay ay nakasuot din ng wedding fown kahit hindi naman ito ang ikinasal. Kasalukuyan nitong kinukulit ang press-released apple of the eye nitong si Mr. Rojun Ferales na isang Charity Foundation Chairman at Ninong ni Hiroshi.

                Ibinigay ni Rojun Dalisay ang nananahimik na empty bowl kay Dalisay. “O yan, i-take mo na.”

                “Ikaw talaga, Onjing ang cute cute mo. Hindi bowl, vow!”

                “Ah, ayaw mo ba nito?” Kumuha uli ito ng isa pa. “O ito na lang, pink. Bagay sa gown mo.”

                “Ah, ang sweet mo talaga, Fafa Onjing! Tara na habulin natin ang pari, pwede pa nating ituloy ang sarili nating kasal!”

                Nagkatinginan sina Ann at Hiroshi pagkatapos ay sabay na napatawa. 

                “Ann....”

                “Hmm…” Isinubo niya ang tempura habang hinihintay ang sasabihin nito.

                “What do you think of me? Noong una mo akong nakita anong naisip mo tungkol sa akin?”

                Gulat na binalingan niya ito at natuklasan niyang nakatitig na naman ito sa kanya.  Uminom muna siya ng tubig bago niya ito muling hinarap at tinitigan din. “Dati, akala ko untouchable boss ka. Iyon tipong hindi ka titingin sa mga taong nasa baba mo kasi isa kang big boss at your young age. Pero noong nagtagal na ako sa HBH, nakita ko na hindi ka naman pala ganon. You are kind, gentleman, you have a good heart, sweet din at higit sa lahat, marunong kang umunawa sa feelings ng iba.”

                Malungkot na umiling ito. “Hindi naman ako ganyan. May mga bagay din akong ginawa na hindi  maganda sa kapwa ko.”

                Huh? “Ano naman kaya iyon?”   She took her final scoop of food.

                “Pwede ba tayong mag-usap sa mas private na lugar?”

                “Sure.”

                Matapos nilang kumain ay dinala siya nito sa isang greenhouse garden sa loob din ng Hacienda Canilao.

                “Ann, I have to tell you something. Pero bago ko ipagtapat sa’yo ang mga bagay na ‘yon, gusto ko sanang malaman mo na lahat ng pinakita ko sa’yo, lahat ng pinaramdam ko ay totoo.”

                Bahagi ng utak niya ang nag-assume ng kung anu-anong bagay. Isa do’n ay ang kutob niyang hindi naman ito seryoso sa panliligaw sa kanya.  Marahil ito na ang pagkakataong hinihintay niya…ang masagot ang tanong kung bakit nga ba siya ang napili nitong ligawan. “Ano ba ‘yon?”

                Pansin niyang balisa ito na tila hindi alam kung paano sasabihin ang dapat sabihin. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “I’m sorry, Ann. A part of this courtship is just a lie. I just dated you because I don’t want to lose a game.”

                Walang naging reaction si Ann sa sinabi nito. Pakiramdam lang niya ay namanhid ang buo niyang katawan. Malinaw na ngayon ang lahat. Napaglaruan lang ang damdamin niya. Sa huli ay walang sabing nagwalkout na lang siya.
               


                 “KAINIS talaga ang mga lalaking yan, Sisturrrrr!” gigil na gigil na litanya ni  Ann kay Lara.

             Niyaya niya ang kaibigan na magkape sa Kofi Cups and Sweets, ilang araw mataposmakalabas ng ospital ang boyfriend nito. Nalaman niyang inamin na rin pala ni Sunset dito ang tungkol sa same order game of destiny ng tropa ni Hiroshi.

Nalaman niyang kaya lang pala siya niligawan ni Hiroshi ay dahil ayaw lang nitong matalo sa game. No more no less. Siya lang ang minalas maging biktima ng walang kwentang laro na iyon.  Nang mapagtanto niya iyon ay wala siyang naging reaction. Ngunit nang sumunod na mga araw ay umusbong paunti-unti ang inis niya. Pag naaalala niya kung paano siya nagoyo ng pagpapa-cute ni Hiroshi ay parang gusto niyang igisa ito ng buhay.

Ang totoo ay gusto niyang magwala ng bonggang-bongga. Umasa siya sa lahat ng pinakita ni Hiroshi sa kanya. Aminadong pinangarap niya ang binata na mahalin siya. Pero ngayong nagkatotoo ang pangarap niya, saka naman niya hiniling na sana nanatili na lang iyong pangarap. Ilang tao na ba ang nasaktan dahil sa petty game na yon? Wag sanang matunawan ang creator ng letseng game of destiny na iyan.
         
          “Intindihin mo na lang, Sisturrrr. Look at me, inunawa ko at pinatawad si Sunset. Heto ngayon, happy at super duper happy na kami sa isa’t isa.”

                “Hindi ako kasing bait mo, Sisturrrr. May araw din sa akin ang poging amo ko na yon. Isa siyang Sushi! Malaking Sushi. Ipiprito ko siya pag nakita ko siya!”

                “Ann, hindi piniprito ang sushi.”

                Nginatngat niya ang straw ng coffee crumble shake niya sa inis. “Ah, basta, walang basagan ng trip, Lara.” Bumuntong-hininga siya. “Buti ka pa minahal ka ni Sunset. Binigyan ka pa ng bagong nick name. Ako…waley, nakipag-date lang sa akin dahil—”

                “Dahil gusto rin kita, Ann.”

                Natigilan si Ann nang marecognize niya ang boses ni Hiroshi. Ako gusto mo? Eh sabi mo e nakipagdate ka lang sa akin dahil sa letseng destiny game na ‘yan! Napa-roll eyes tuloy siya ng wala sa oras.   

                “Excuse us lang, Ayca kakausapin ko lang ang friend mo ha,” paalam ni Hiroshi sa kaibigan niya pagkatapos ay binalingan siya nito. “Let’s talk.” 

Every hurt feeling was reflecting in his eyes. Mukha ding may bakas na takot sa facial expression nito.  But Ann had enough of day dreaming. Baka hindi totoo ang nakikita ng kanyang mga mata at produkto lamang ng paasa mode niyang puso.

                “Ayoko nga!”  tangi niya.

                Laking gulat na lang niya nang kaladkarin siya nito papunta sa  isang pintuan roon na may nakalagay na  Authorized Personnel Only. Pag pasok nila sa pinto ay may hallway doon at sa dulo ay pumasok na uli sila  sa isang pinto. Isa palang bachelor pad ang silid na iyon.

                “Ano pa ba, Sir? May nakalimutan ka pang sabihin?” sarkastikong hirit niya.

                “Bakit ka nag-resign?” bagkus ay tanong nito.

                “Ay mahal na mahal ko ang sarili ko kasi. Sa tingin mo ba ay makakaya ko pang humarap sa ibang tao sa network matapos ang lahat-lahat? Marahil wala silang alam, pero ako maiilang ako. Hindi na ako magiging professional thus, masesente rin naman ako so why wait? Nag-advance resignation na ako.”

                “You don’t have to leave my company. Ako na lang ang –”

                “Hep! Wag mong sabihing ikaw na lang ang aalis? Bangenge ka ba? Ikaw ang may-ari ng network ikaw ang aalis sa sarili mong kompanya? Adik ka adik!”

                “Ann…”

                “Pwede na akong umalis?”

                “Mahal kita.”

Umiwas siya ng tingin hanggang sa tuluyan niyang tinalikuran ito. Para maiwasan niyang maiyak sa harap nito. “Pwede ba? Hindi ka pa nakuntento sa panggogoyo sa akin at dinadagdagan mo pa? Ano pa bang gusto mo? Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa’yo?—” Natigilan siya nang yakapin siya nito.

“Alam ko, ang sama ko kasi idinamay kita sa gulong ito. But Ann, please give me a chance. I love you, Ann I meant it. I really meant it. And I will anything…everything, just to win you back.”

Tumulo na ng tuluyan. “Wag mong sabihin iyan kung hindi naman totoo. Kasi alam mo, ang sakit sa heartsung ko iyang sinasabi mo. Di ko alam kung maniniwala pa ba ako sa’yo.”

 “Alam kong marami akong pagkakamali. Alam kong hindi mababago ng sorry at I love you ang lahat ng naging kasalanan sa’yo. Kaya nga hindi na kita hinabol noong umalis ka. Wala rin naman akong karapatan pa dahil nasaktan na kita. Pero nang matanggap ko ang resignation letter mo kanina, natakot ako. That will only mean I will no longer be able to see you, to hold you, to care for you and to love you. Mawawala ka sa ‘kin and that scared the hell out of me. I rather look stupid in asking you to come back to me than losing you for the rest of my life.”

Hindi manhid si Ann para hindi niya maramdaman ang sincerity ni Hiroshi. She turned around and was surprised of what she saw. There in front of her was a man crying his heart out because of her. He was intently looking at her while there were tears falling from his eyes.

“Mahal kita Ann. Kung kailangan kong paghirapan ang second chance para makasama ka at mahalin ka, paghihirapan ko. Pagsisihan ko ng buong buhay ko kung sakaling mawala ka sa akin.”

Another rush of tears fell from Ann’s eyes. Nagtatalo ang puso at isipan niya. Ang isa ay nagsasabing patawarin ito at bigyan ng pagkakataong patunayan nito ang pagmamahal na sinasabi nito. Ang isa naman ay tumututol at nagsasabing wag na itong pakinggan pa.

“Hiroshi, hindi ko alam—”

Niyakap siya nito ng mahigpit. “Maghihintay ako.”

Pumikit siya at dinama kung ano ba talaga ang gusto niyang mangayri. Mahal niya si Hiroshi, iyon ang alam niya. Hindi siya masasaktan ng ganito kung hindi. Pero natatakot siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ito dahil nangangahulugan din iyon ng pangalawang pagkakataon para masaktan siya.

Ano ba talaga? “Hiroshi…” Kumalas siya sa pagkakayakap nito para magawa niyang makita ang mukha nito.

“Alam mo, Ann favorite kong pagmasdan ang iyong mga mata. Pero sa nakikita ko ngayon na umiiyak ka..,” pinawi nito ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata,  “gustong-gusto ko ng sapakin ang sarili ko. How could I break your heart, Ann? I’m sorry. I’m really sorry.”

Seeing how sincere he was, Ann finally found  her right decision. “Hiroshi…” Niyakap uli niya ito. “Sa susunod na date natin, dapat may adobo uli ha.”

Humigpit ang yakap nito sa kanya. “I love you, Ann.”

I do too, pero paghirapan mo muna ito Hiroshi bago ako magbonggang I do!

They stayed that way in few minutes. Muli binuksan niya ang puso niya para sa binatang unang nagmahal sa kanya ng lubos.

          
      ANN was busy reading a pocketbook while on her bed when her phone rang. Agad siyang napangiti nang makita ang pangalan ni Hiroshi sa screen ng kanyang cell phone.

                “Yes?” Excited na sagot niya.

                “I miss you.”

                Charotera ka Hiroshi! “Sus, kakahatid mo lang kaya sa akin. Nakauwi ka na ba?”

                Gaya ng napagdesisyon ni Ann, binigyan niya si Hiroshi ng pangalawang pagkakataon. They went back into exclusively dating stage. At sa bawat araw na panunuyo nito sa kanya, mas lalong napapatunayan nito ang pagmamahal na ipinangako nito sa kanya. Unti-unti, napatawad niya ito sa pagkakamali nito sa kanya.

                 “Ganon talaga siguro pag mahal mo ang isang tao. Mawalay ka lang ng isang oras, nami-miss na agad kita.”

                “O sige, bumabanat ka naman Mister Sushi,” natatawang sambit niya. “Di mo sinagot tanong ko. Nakauwi ka na?”

                “Ah, hindi pa kasi bumalik ako sa network. Wag mo ng hintayin na makauwi ako. Matulog ka na kapag inaantok ka na. I’ll just check kung okay ka.”

                “Okay naman ako—” Natigilan si Ann nang may maaninag siyang umaaligid sa unit niya.  Sa anino ng nasa labas, batid niyang matangkad ang kung sinomang nasa bakuran ng apartment unit niya.  Agad siyang kinabahan. May masama siyang kutob.

                “Ano bang ginagawa mo ngayon? Pocketbooks?”

                Anong agenda ng tao sa labas.  Lalong kinabahan si Ann nang sumilip ang taong nasa labas sa maliit na siwang ng bintana sa kwarto niya na malapit pa mismo sa kama niya. Tuluyan na siyang natakot nang manlisik ang mga mata nito nang makilala niya mismo ang tao. Iyon ay walang iba kundi ang wirdo niyang kapitbahay. Maya-maya ay tila balewala na naglakad ito papunta sa likod ng bahay na may mababang bakod. Kumpirmado, papasukin ng lalaking iyon ang bahay niya. Natatarantang inilock niya ang pinto ng kwarto niya.  

                “H-Hiroshi…” Sumiksik siya sa isang sulok. Halata na sa boses niya ang panic.

                “What’s wrong Ann?” nag-aalalang tanong nito.

                “M-may tao. Papasukin niya ang bahay ko—” Impit na napatili na lang siya nang  marinig ang pagkalabog sa kusina ng bahay niya. Nakapasok na sa bahay ang siraulo niyang kapitbahay! “Hiroshi!”

                Rinig niya sa kabilang linya ang start engine ng kotse. “Listen, Ann. I-lock mo ang pinto. Ilagay mo sa pinto lahat ng mga mabibigat na cabinet. Wag mong hahayaan na mapasok ka niya. I’m on my way!”

                Habang kausap ito ay isa isa niyang iniharang sa pinto ang kanyang cabinet at kama. Pero napatili lang siya nang hindi pa niya lubos na naihaharang sa pinto ang mga iyon ay naunahan na siya ng intruder. Isang nakakalokong ngiti lang ang ibinati sa kanya ng binatang kapitbahay.

                “Hiroshi!”  Without any single word, hinablot siya  nito at nawalan na siya ng malay.



                HALOS paliparin ni Hiroshi ang kotse niya. Nang maramdaman pa lang niya ang takot sa boses ni Ann ay nagpadala na agad siya ng alert sa Code Black para masigurong maliligtas sa panganib ang minamahal niya.

                Pagdating ni Hiroshi sa inuupahang apartment ni Ann ay naroon na ang agents ng Code Black maging ang mga kaibigan niya. 

                “Si Ann?” agad na tanong niya kay Ryuji.

                Umiling lang si Ryuji pati si Icee. “Naunahan tayo,” sambit ni Ryuji.

                “Wala si Ann nang makarating kami dito,” dagdag ni Icee.

                “How could this happen? In just two minutes? Ganon kabilis? Sinong may gawa nito? Anong gagawin nila kay Ann?” Nanlulumong umupo siya sa pavement ng kalsada.   Naiinis siya sa sarili. Kung alam lang niya sana ay hindi na lang niya iniwan si Ann  na mag-isa sa bahay nito. Eh di sana sa mga oras na ito ay hindi siya nilalamon ng takot.  

                    “Isang tao lang ang alam kong kayang gumawa ng krimen at pumuslit sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong minuto. Si Torrejos,” sambit ni Icee sabay abot sa kanya ng isang envelop. Nakasulat doon ang “Hotoki”. Binuksan iyon ni Hiroshi at isang CD lang ang nakita niya.

                “My God, bakit si Ann pa?”  Inihilamos niya ang kamay sa mukha para pakalmahin ang sarili hanggang sa nagdesisyon siyang tumayo. “We have no time to waste. Pag sinaktan niya si Ann ko, magkita-kita na lang kami sa impyerno.”

                With Code Black agents, they went back to Code Black headquarters at pinanood ang video. Hindi na sila nagtaka nang mukha ni Karl Torrejos ang nakita nila sa video. Kasalukuyan na siyang nasa board room kasama ang mga kaibigan at ang mga magulang niya at ni Icee.

                “Hiroshi Hotoki. Kamusta na pare. Pahiram muna sa syota mo ha. Siya ang collateral mo sa akin. Gusto ko na kasi kitang singilin, lalo na ang pamilya mo.”

                Lahat sila ay impit na napapamura sa inis. They have been dealing with this mortal burden  who ruin their days since Karl had the chance to escape from  Bilibid. Literal na tinotoo nito ang bantang babalikan sila once na makatakas ito. Ang hindi lang talaga matanggap ni Hiroshi ay kung bakit si Ann pa ang kinuha. Mas gugustuhin niyang siya na lang ang nakipagbuno dito kesa ang babaeng minamahal pa niya.

                “Hotoki. Alam mo bang ang bigat-bigat ng kasalanan ng apelyidong iyan sa akin? Sinira ng ama mo ang buhay ko.  Kaya nga hindi ako papayag na nagpapakasaya kayo at ako, patuloy na nagdurusa sa impyernong bunga ng mayabang mong ama.”  Ang ama rin niya ang nagpakulong sa rapist killer na ito.

                “Kukunin ko na ang dapat ay sa akin. Hindi ko kasi siya makuha-kuha dahil may mga taga-Code Black na nakabantay sa kanya. Madali akong kausap, Hotoki.   May dalawa kang option. Ang ama mo, kapalit ng babaeng ito o kapatid ko kapalit ng babaeng ito. Bibigyan kita ng tatlong oras. Tatlong oras lamang, Hotoki. For the mean time, sa akin muna ang kasintahan mo.”

                The video turned black. Pagkatapos ay may lumitaw na address at instructions kung paano magkakaliwaan.  Three hours, how can he make a wise decision concerning his family and love one’s welfare in just three hours?

                “Kapatid? And where the hell I would fine his—” Napatingin siya sa ama na walang imik na sinagot ang tumatawag sa cellphone nito na binigyan nito ng abisong pumasok. “You know something, Dad.”

                “Apparently yes, son.”

                Bumukas ang pinto at pumasok si Beatriz Joy.

                “Ate?” Nagtatakang bati niya dito.

                “Anak, okay you have to know the full truth,” Xeiji took everyone’s attention. “Magkapatid si Beatriz Joy at si Karl Torrejos. Magkapatid sila sa ama.”

                He was shocked. Nang malaman niyang anak ng convicted criminal ang kinilala niyang mabuting ate ay nagulat na siya. Ngunit ang malamang may kapatid din itong isa pang criminal, sa tingin niya ay labis-labis na kalupitan na iyon ng tadhana.

                “Icee was able to reinvestigate Karl Torrejos. And he was confirmed a son of Gilbert Salmendre from a woman named Cynthia Torrejos. Si Cynthia ang kinakasama ni Gilbert nang maipakulong ko siya,” pagpapatuloy ng kanyang ama.

                “That classified information solved the riddle why Karl Torrejos kill. Ipinaghihiganti niya ang ang kamatayan ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagpatay sa mga anak ng mga taong may kinalaman sa patung-patong na kaso na kinasangkutan ng kanyang ama noon.”

                Nanlulumong umupo si Hiroshi sa sofa. “But I can’t give my father nor my sister in exchange for Ann! Damn! Mahal ko kayo pare-pareho! Anong gagawin ko?” He was more that frustrated really means hanggang sa maalala niya ang hula ni Madam Dalisay. Nabanggit ng manghuhula na may panganib na darating sa pamilya niya kapalit ng magandang takbo ng negosyo. Ito na iyon. Nagaganap na. I have to make a decision.  But he can’t afford to trade her family. And he can’t afford to lose Ann too.

                “I’ll go.”

                “No Dad!” Magkasabay na apila nila ni Beatriz Joy.

                “Lahat ng nangyayaring ito, dahil sa akin…dahil sa madami ako napakulong. You have to make a decision son. I know how much you love that girl. You deserve to be happy—”

                 “I can’t be happy without my Dad!”

                “Then, I’ll go. Kapatid niya ako. Hindi niya ako sasaktan.”

                “Hindi tayo sigurado diyan, Ate.”

                “No, I fight for you since you were a baby, Beatriz Joy. I won’t allow you—”

                “Dad, kahit anong gawin natin still, there was other biological blood running on my veins. I am a daughter of someone else. I’m not yours. I have a responsibility with my real brother. So please, para hindi mapahamak ang magiging sister-in-law ko, let me go.”

                “No!” giit ng mag-ama.

                “Ah…can we suggest a better plan?”  singit ng ama  ni Icee.



                “ANONG plano mo ba sa akin?” asik ni Ann sa kidnapper.
                “Wala. Kung may plano ako sa’yo, kanina ko pa ginawa. Pantubos ka lang,” kampanteng tugon ng kidnapper.

                A weird kidnapper. Hindi man lang siya nito ginapusan sa kamay. Sa binti lang siya may tali. Katwiran siguro nito,  hindi naman niya magagawang tumakas dahil bantay sarado siya.

                “Bakit mo ba ako kinuha? At anong tubos ek ek? Hoy mahirap ako,  walang ibabayad sa’yo nanay ko, kaya kung ako sa’yo, iyong mga mayayaman na lang ang kidnappin mo. Ibalik mo ako sa bahay, Hindi kita isusumbong, magiging textmates pa tayo,” sarkastikong hirit niya.

                “Lokohin mo ang iyang silya mo. Oy babae—”

                “Ann ang pangalan ko. Kaganda-Aann okay?”

                Tiningnan siya ng masama ng kidnapper. Natutop naman niya ang bibig.

                “Pasalamat ka talaga hindi ka kasama sa listahan ng mga papatayin ko. Kasi kung kasama ka, kanina ka pang pinagpipyestahan ng langaw sa tapunan ng basurahan.”

                Natahimik tuloy siya ng wala sa oras. 

                “Oy Ann, hindi kita sasaktan pero iyang boyfriend mong hilaw, papatayin ko siya. Pero hindi pa sa ngayon. Ang gusto ko lang muna ay makuha sa pamilya niya ang dapat sa akin. Wag kang mag-alala, mamaya, magkikita na uli kayo ng boyfriend mong hilaw. Pero kapag hindi tumupad sa usapan ang Hiroshi Hotoki na iyan, mamamatay ang buong pamilya niya. Nakakalat na sa meeting place nila ang mga snippers ko. Isang maling kilos, paglalamayan ang buong angkan ng Hotoki. Isn’t it victorious for me?”

                  Kinabahan na siya. Kung ganon, mas nanganganib ang buhay ni Hiroshi. She silently pray na sana walang buhay na mawala at makaligtas pa siya doon ng buhay.

                Mamaya ay may pumasok na tauhan ni kidnapper. “Boss, andon na sila. Clear wala pong pulis na kasama.”

                “Sige.” Kinalagan siya ng kidnapper at kinaladkad palabas ng gusali.

                “Dahan-dahan, masakit sa bones you know.”

                “Shut up, or you wanna be killed too?”

                She shut up. Mamaya ay nakita na niya si Hiroshi na may kasamang babae. “Hiroshi—aray!”  Agad na hinaklit ni Karl ang leeg niya.

                “Ann!” Puno ng pag-aalala ang pagkakasambit ni Hiroshi sa pangalan niya. Binalingan nito si Karl. “Andito na kapatid mo, akin na si Ann. Wag mo siyang saktan please.”

                “Kaliwaan,” tanging sambit ni Karl.  “Diyan ka lang sa kinatatayuan mo Hotoki. Ang ate ko lang ang kailangan ko.”

                Naglakad palapit sa kanila ang babaeng kasama ni Hiroshi.  Then she extended her hands to her. “Karl, ibigay mo na siya sa akin. Andito na ako. Ako ang ate mo.”

                Agad na binitawan siya ni Karl. Hinila siya ng babae. Ngunit hindi niya inasahan ang mga sumunod na pangyayari. Nagkaroon ng serye ng barilan. May mga nagsulputang alagad ng batas na nakipagpalitan ng bala sa mga tauhan ni Karl.  Nagawa pa siyang lapitan, hilahin sa mas ligtas na lugar, yakapin at protektahan ni Hiroshi hanggang sa bigla itong natigilan at bumagsak na lang sa kanya.

                Hinila niya ito sa sulok na pwedeng pagtaguan. “Hiroshi!” Yakap-yakap niya ito nang makapa niya sa likod nito ang dumadaloy na dugo. Sinakluban siya ng takot. Niyakap niya ito ng mahigpit. Natatarantang tinapik niya ang pisngi nito ngunit wala na itong malay. “Hiroshi… Hiroshi naman e. Wag ka namang ganyan.” Mahal na mahal kita Hiroshi. Tears fell from her eyes. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kapag umalis sila sa sulok na pinagtataguan ay baka mabaril lang sila ulit. Maya-maya pa ay may pulis ng agad na rumescue sa kanila.

               
                 TAIMTIM na nagdarasal si Ann sa chapel ng hospital nang tumabi sa kanya ang ina ni Hiroshi. It’s been a week since the kidnapping incident happened. Sa hospital ang naging ending nina Hiroshi, Icee at Ryuji. Pare-pareho silang minalas na tamaan sa encounter nila sa mga tauhan ni Karl Torrejos. Naibalik sa kulungan ang huli.

                Ligtas na sa panganib sina Hiroshi. Iyon nga lang, malalalim ang sugat na natamo nito kaya hindi pa ito mapayagang lumabas ng hospital. At mula ng maconfine ito, operahan, at ngayon ay nagpapagaling na, hindi siya nawala sa piling nito. It’s her time to show her love for him. Higit pa sa pagmamahal ang binigay nito sa kanya. Habambuhay niyang aalalahanin na maging ang buhay nito ay isinakrisyo nito para sa kaligtasan niya. ganon siya nito kamahal.

                “Anak, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa binata ko ha,” nakangiting sambit ni Nurse Arlene.

                Ngumiti siya. “Mahal ko po ang anak nyo. Kung kaya ko lang po sanang higitan pa ang nagawa niya sa akin, gagawin ko.”  

                “Napakaswerte naman ng anak ko sa’yo. Wag kang mag-alala, Ann. Kapag nagloko siya sa’yo, isumbong mo sa akin at ako na ang bahala,” biro pa nito. “But I doubt he will do it. Ako na mismo ang magsasabi, mahal na mahal ka ng anak ko.”

                 Ay plangak, mother in law! “Alam ko po, nararamdaman ko po.”

                Ngumiti ang ginang. “Puntahan mo siya. Kanina ka pa niya hinahanap e. Go ahead.”

                “Sige po.” 

                Nang makapagpaalam ng ayos sa ina ni Hiroshi ay agad niyang tinungo ang ward ni Hiroshi. Agad niya itong dinaluhan nang makita niyang nagtatangka itong bumangon. Inalalayan niya ito para makaupo ito ng ayos. Kumuha siya ng unan at inilagay iyon sa likod ni Hiroshi para maging mas komportable ito.

                “Salamat Ann.” Pumikit ito at saglit na napasinghap pagkatapos ay nagmulat ng mata at diretsong tumitig sa kanya.

                “Ikaw talaga, sana hinintay mo na lang ako o tumawag ka ng nurse para may mag-alalay sa’yo. Alam mo namang hindi ka pa dapat nagkikikilos at,” naramdaman na naman niya ang pagkabog ng puso niya, “at wag mo nga akong titigan ng ganyan, nagle-level up ang ganda ko e,” patawang hirit niya.

                He laughed and held her hand. Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. Then he lovingly looked at her. “I don’t know if I succeed or failed on my second chances to you, Ann. Dapat talaga, gumaling na ako ng husto para makapanligaw na uli ako ng matino.”

                “Ikaw talaga, nabutas na nga iyang katawan mo ng apat na bala ng baril, ang panliligaw mo pa rin sa akin ang iniisip mo? Ibang klase ka rin.”

                “Syempre, hindi ko naman mapapakasalan ang mga balang naalis sa katawan ko ah. Eh ikaw, mapapakasalan kita kung…” Nagulat si Ann nang bigla na lang itong nag-abot ng maliit na kahon sa kanya. Isang diamond ring ang laman noon.  “Kung papayag  ka…will you—”

                “Marry you?”  Waaah, kasal agad? Atat you, Hiroshi?

                A teasing smile curved his lips.  “Mahal mo na ako ano? Gusto mo na agad magpapakasal tayo. Well darating tayo sa point nay an pero sa ngayon, gusto ko munang maging boyfriend mo.”

                Pabirong sinimangutan niya ito. “Hindi ako patay na patay sa’yo ano. Pero… matagal ko ng ipinag-novena na maging girlfriend mo.”  She smiled.

                He smiled. “I love you so much, Ann. Hindi ko maipapangako lahat ng magagandang bagay sa mundo, pero ibinibigay ko na sayo ang puso ko ng buong-buo err may gasgas lang ng bala ng baril pero mag-heal din naman ito.”

                Tumango siya. “Wala akong pakialam sa gasgas sa puso mo. Basta sa akin lang iyan. Okay na ako. I love you too, Hiroshi. Noon pa, natakot lang ako kaya hinayaan kitang sulitin ang second chance mo. Pero mula noong ligawan mo ako, nagawa mo na agad na angkinin ang puso ko.”

                Kinuha nito ang singsing sa kahon at isinuot nito iyon sa kanya. Pagkatapos ay buong pagmamahal siya nitong tinitigan. “I don’t know what do your eyes have but when I first laid my eyes on yours, I know I finally found my dream wife, my future life, my forever happiness. Salamat Ann.”

                “Ako ang dapat magpasalamat. Ngayon lang may nag-alaga sa akin tulad ng ginawa mo. Ngayon lang din may nanligaw sa akin na claiming na first time niyang manligaw pero tunog expert naman.” Binuntutan niya iyon ng tawa.

                “Ikaw lang talaga ang naligawan ko sa tanang buhay ko,” giit nito.

                “Parang hindi talaga, Hiroshi,” pang-aasar niya dito.

                “Totoo, ikaw lang talaga ang niligawan ko kasi iyong iba, sila ang nanliligaw sa akin,” sambit nito.

                Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Ah, ganon. Sige, break na tayo. Doon ka na sa mga nanliligaw sa’yo!” Inismiran niya ito.

                “Hey, jealous. Good sign iyan. Come here.” 

                The  next thing happen, she was carefully in the arms of Hiroshi. He moved closer, held her nape and they shared  sweet kisses as an evidence  of their love. At tulad ng  una nilang halik, wala siyang ibang naramdaman kundi tunay na pagmamahal.

                “I love you so much, my lovely Ann,” he lovingly uttered in between their kisses.

                “I love you so much, my lovely Sushi,” she said while responding in his sweet kisses.

                Natigilan ito at napakunot ang noo habang nakatitig sa kanya. “Huh? Bakit sushi?”

                She gave him a quick kiss on his lips. “Ang haba ng Hiroshi eh.”

                They both laughed. “Silly.” He kissed her again. “But because it came from you, I have to love it, my lovely Ann.”

                 “Good, my lovely sushi.” They shared batch of laughters.

                Unexpected love. That was Hiroshi in Ann’s life. And from that day on, they promise to share every bit of their life and love together.   




PREVIOUS                                                   NEXT STORY 

Comments

Anonymous said…
nice ending...

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…