Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Looking Through the Eyes of Ann- Part 2





“Anak...”

                “Yes, mama kong maganda?”  Agad na nag-angat ng tingin si Hiroshi mula sa binabasa niyang reports para bigyan ng atensyon ang kanyang ina. Wearing her usual nurse uniform, his mom was intensely looking at the bouquet of flowers with a knotted forehead.

                His mom never stopped from her service. At ngayon nga, isang Chief Nurse  na si Arlene sa hospital kung saan ito nagsilbi ng matagal na panahon. Kahit hindi na naman nito kailangang magtrabaho, hinayaan na lang nila ang mama niya kung saan ito masaya.

                “Anak, mag-aasawa ka na ba?”  nakangiting  baling nito sa kanya.

                “Hindi po, mama.”

                “Eh…”  Binalingan muli nito ang punpon ng bulaklak at kahon ng chocolate cake sa mesa sa mini-sala sa loob ng kanyang opisina. “Para kanino ‘to?”

                “Sa nililigawan ko po… if and if….I know how to court,” he said. He never kept secrets with his parents. Dahil dalawa lang silang anak, lumaki sila ni Beatriz Joy na ang mga magulang nila ang kanilang number one trusted friends. Kaibigan, kapatid, magulang. That’s what their parents were for them.

                Nakangiting nilapitan siya ng kanyang ina at gigil na niyakap. “Finally! Ang baby ko, nagbibinata na,” biro nito.


                “Mama, matanda na ako.”

                “Pero ngayon mo lang naisipang manligaw kung kelan matanda ka na nga. You’re really like your father. Siguro wife material din ang hanap mo anak ano?”

                Wife material. Ngayon lang niya naisip na complicated pala ang consequence ng desisyon niyang patulan ang same order game of destiny. At ngayon din niya naisip na iyon nga pala ang reason kung bakit wala pa siyang ka-amor amor manligaw…he haven’t found his wife material type of girl. And to make everything worse than ever, you’re courting your employee. Isn’t that…a suicide, Hiroshi?  Wife material. An image of Ann, carrying a baby of him flashed on his mind. Posible kayang nakita ko kay Ann ang pagiging wife material niya para sa akin? Aminin man niya o hindi, masaya siya habang sinisimulan ang panliligaw dito. Ngayon ay napapaisip na siya kung tama pa bang isangkot niya si Ann sa crisis niya sa same order game of destiny.

                “Oh, natahimik ang pogi kong anak. Istorbo na ba si Mama sa work mo?”

                “No, Ma. May iniisip lang ako.”                 

                “Si wife material girl? Sino ba ang babaeng aalayan ko ng sampaguita at sa wakas marunong ng manligaw ang anak ko?” biro pa nito sabay tawa.

                Napailing na lang si Hiroshi. “Mama, hindi santo si Ann.”

                “Parang santo na rin siya dahil binuhay niya ang kagwapuhan ng anak ko!”

                A knock on the door interrupted. His secretary then came in. “Sir, tapos na po ang recording niya.”

                “Thank you, Hanna Fay.”

                “Welcome, Sir.”


                “GOOD job, Ann!” bati sa kanya ng dubbing director nila. Ilang asianovela na ang natapos niyang project kasama ang director na ito na tinuturing niyang mentor niya.

                “Thank you po, Sir. See you na lang po bukas!” paalam niya dito. The director just nodded and turned back on his work. 

                Pagod sa halos 10 hours straight dubbing session sa nira-rush na Tagalog-dubbed Korean movie, nakailang hikab na si Ann habang naglalakad sa hallway. Pagdating sa dulo ay basta na lang niya pinindot ang down button ng elevator. Prenteng inihilig niya sa pader ang ulo at pumikit habang hinihintay na umakyat ang elevator sa 20th floor.

                “Hi Ann!”

                Napamulagat siya nang marinig ang tinig na iyon. The smiling Hiroshi was there in front of her with a bouquet of roses and box of cake and pastries. 

                He raised his free hands and gently touched her hair. He stucked those hair that unintentionally covered her face at the back of her ears. “There…much better view of your eyes.”

                Alanganing ngumiti siya. “Good evening, Sir err Hiroshi.” Saan lakad mo? Punta sa puso ko? Char!  It has been weeks since he started courting her…kung courting nga ba iyon.  Nagpapadala ito palagi ng tubig, tea, kape, juice at mirienda kapag nasa trabaho siya. Walang mintis.  Kapag lunch ay pinupuntahan siya nito sa opisina at sinisiguradong kumakain siya sa oras. Tuwing papasok siya sa trabaho ay makikita niya ito sa lobby at kahit sa 20th floor lang naman ang destination niya ay inihahatid siya nito. At tulad nga ngayon, sinusundo din siya nito at inihahatid.  

                Nakangiting iniabot nito sa kanya ang punpon ng bulaklak. “Here, para sa’yo. I don’t know if you like flowers but I assumed every woman does, and so you do.” At iniangat nito ang hawak na kahon. “And these cakes and pastries too. Para sa’yo.”

                “Thank you.” Hindi niya maiwasang kiligin.  Ay naku Lord, please lang, panatilihin nyong buhay ang katawang baliw ko. Kung ganito ang pakiramdam ng baliw, ayoko ng tumino! 

                “Pauwi ka na ba?” tanong nito as he let her first get inside the elevator before him. Plus 100, gentleman.

                “Oo sana, haba kasi ng dubbing session, nakakapagod.” At nakakagutom.  Sumandal siya sa elevator side.

                Her heart started to do the rhythmic move it already mastered when Hiroshi lovingly put his arms around her shoulder and slowly leaned her head on his chest. At dahil mas matangkad ito sa kanya, komportable ang naging paghilig niya sa dibdib nito.  Yes! Libreng tsansing! Pumikit siya at pasimpleng sumiksik sa katawan nito.  Weeee! Whatta blessing!

                “You can always take a rest on my arms, Ann. Ihahatid na kita? Yayain sana kita mag-date kaso mukhang pagod ka na nga. Mas mabuting makapagpahinga ka na muna.”   

                Napangiti na lang siya. Kahit pa sabihing alam naman niya ang dahilan kung bakit ito bigla na lang sumulpot sa buhay niya, hindi pa rin niya magawang maniwala sa panliligaw nito. She was indeed asking a very huge “why” on her head. Andaming nagkalat na magagandang artista, model, broadcaster, writer at director ang network. Bakit sa dinami-dami ng better choices ay siya ang napili nitong ligawan? Of course alam kong lumelevel ang ganda ko kaya lang…nananahimik ako e, bakit ako?

                Wala talaga siyang maalalang nagawa niya para matapunan siya ng special na atensyon ng amo. Maliban sa pagbati dito araw araw ng pa-cute na good morning, good noon, at good evening, wala na siyang maalalang extra-ordinary para mangyari ang lahat ng kabaliwang ito. 

                Ilang segundo pa ay bumukas na ang elevator at nakarating na sila sa lobby. Bumaba ang kamay nito mula sa kanyang balikat para hawakan naman ang kanyang kamay. Her body felt a strange current that only Hiroshi can give her. Batid ni Ann na center of tsismis na silang dalawa sa opisina ngunit himalang wala siyang naririnig na komento o usap-usapan don. Napatunayan niyang talagang magaling magtago sa tsismisan ang mga empleyado sa building na yon. Imposibleng wala makapansin sa kanila e kahit nga nakaupo lang sa isang tabi ang amo nila ay napapansin ng lahat ito. Umiling siya. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip niya.

Then she suddenly felt her tummy hopelessly begging for food. Nabalingan niya ang nananahimik na kahon ng cake at pastries na bitbit ni Hiroshi.

“Hiroshi…”

“Yes?” nakangiting binalingan siya nito.

Hinila niya ito pabalik sa elevator.

“May naiwan kang gamit?”

“Wala.”

“Saan tayo pupunta?”

She smiled. “Magde-date tayo.”  She pressed the elevator button going up to the roof deck.  Few minutes more, bumungad sa kanila ang magandang star gazing view ng roof deck.

Umupo sila sa isa sa mga benches doon pagkatapos ay pinagsaluhan nila ang pastries at cakes na bigay nito sa kanya habang nakatanaw sila sa mga bituin at sa mga gusali na may iba’t ibang lightings.

“Sigurado ka bang iyan lang ang gusto mong kainin?” tanong ni Hiroshi.

“Hindi, gusto ko ng lechon, ng sisig, ng adobo, cream soup at—anong ginagawa mo?” napakunot ang noo nya nang mapansing tila nagte-text ito habang kausap niya.

“I’m texting our in-house chef. Ipapadeliver ko ang gusto mong pagkain dito.”

Huwaaaaattt? Napakamot siya sa ulo. Masama palang biruin itong si Hiroshi. “Teka, masyadong marami iyong sinabi ko at saka joke lang iyon!”

Balewalang binalingan siya nito. “Then, anong gusto mo? Papadala tayo ng food dito. Hindi healthy na iyan lang pastries ang kakainin mo ngayong gabi.”

Hindi na siya nakatanggi kaya sinabi na lang niya na adobo at cream soup ang gusto niya. Wala pa atang thirty minutes ay may mga cafeteria crew na ang nagdala ng mga pagkain iyon at sa wakas, tuluyan na ring napawi ang gutom niya.

“Ann, kung nagugutom ka, okay lang naman na sabihin mo sa akin iyon. Kung hindi pa ako nagtanong, hindi ko pa malalaman na gutom ka na,” tila may himig ng tampong sambit ng binata.

Guilty  na nginitian niya ito. “Sorry, wag kang ng magtampo. Nahihiya kasi ako sa’yo e.”

“Manliligaw mo ako, Ann. But I think there’s something wrong. Parang formal pa rin tayo sa isa’t isa. Hindi ko pa rin pala nasisira ang wall sa pagitan natin. Nahihiya ka pa rin sa akin. Honestly, I really don’t know what to do anymore.”  Hiroshi was hopelessly gazing at her. “Well, hindi ako marunong manligaw talaga.”

Amusement covered Ann’s face. This man was admitting that he doesn’t know how to court though she finds everything he did for her was a good way of courting. Ang cute mo talaga, Hiroshi. 

Para mapasaya ito ay niyakap niya ito. Ramdam niya ang pagkagulat nito sa kanyang ginawa pero hindi na niya iniatras ang ginawa niya. “Susubukan kong hindi na na mailang at mahiya sa’yo Hiroshi. And don’t worry too much, you’re doing good.”  In catching my heart.

She felt his arms slowly enveloping her back. “Thank you, Ann.”    

Ilang oras pa silang nanatili sa lugar, nagkwentuhan, nagkakilanlan at nagkulitan. That simple date ended well hanggang sa inihatid na siya nito pauwi.

“Sige, Hiroshi salamat ha. Mag-iingat ka pauwi,” sambit niya dito. 

“You too.” 

May narinig silang kaluskos mula sa katabing bahay. On instinct, sinilip ni Hiroshi ang kabilang apartment. Pagkatapos ay muling bumalik din naman sa side niya.

“May nakatira ba diyan sa kabila?”

“Wala pero baka may bagong lipat.”

Parang nagdududa pa ring nagpahabol sulyap si Hiroshi sa kabilang unit. “Mag-lock ka ng pinto ng ayos ha. Pag may unusual kang nararamdaman sa paligid ng bahay mo, tawagan mo ako.”  Bakas sa mga nito ang pag-aalala.

 “Ah okay.” Anong meron?



                “I STILL can’t believe this is really happening,” sambit ni Hiroshi habang kausap si Ryuji sa cell phone. Kasalukuyan siyang nasa isang resort kung saan nagaganap ang company outing na bahagi ng benefits na binibigay niya sa mga empleyado niya.   Tinawagan siya ng kaibigan para kumpirmahin na buhay nga si Karl Torrejos.  Nakahiga siya sa duyan sa labas ng solong room niya sa resort na iyon.

                “Well, well. Sabihin na lang nating pati criminals ngayon ay parang computer programs. Naga-upgrade din to latest version. Kung pano tayo na denggoy ng pagkamatay ni Karl e pinapaimbestiga ko pa sa mga tauhan ko. In any case, let’s just be alert. Nag-deploy na ako ng tauhan na babantay sa mga magulang mo. Nagpadala na rin ako ng tauhan para sa ate mo.”

                “Salamat, pare.” Nag-aalala na siya ng husto sa pamilya niya. Nitong nakaraan ay may inaaral na information si Icee. Lahat ng binibiktima ni Karl Torejos ay may kinalaman sa dating most wanted criminal na isa lang sa mga naipakulong ng kanyang abugadong ama. Kung magpatuloy sa ganitong gawain si Karl, siguradong-sigurado siya na higit sa lahat ng related people kay Salmendre, ang pamilya niya ang pinaka-highlight target nito.

                Bigla siyang may narinig na boses ng babae sa kabilang linya.

                “Oy Ryu, magkaliwanagan nga tayo? Anong ibig sabihin ng mga goons na sumusunod sa akin ha?”

                “Can’t you see, I’m talking to someone here? So please shut up and wait! May kasalanan ka sa akin kaya magdusa ka!”

                “Wag mo akong galitin, Ryujing panget!”

                Lihim na natatawa na si Hiroshi sa naririnig sa kabilang linya. May idea siya na baka si Lailah Unte, the known spy of Kofi Cups na minalas maging target ni Ryu sa same order game of destiny ang kaaway ng kaibigan sa kabilang linya.

                Maya-maya pa’y tila may humablot sa hawak na cellphone ni Ryuji. The next thing he heard was a sweet cute voice of a girl.

                “Hoy babae ni Ryuji, makinig ka sa akin. May asawa na iyang pine-flirt mo. May lima na kaming anak kaya magbackout ka na okay? Babu!”

                Napatawa na lang si Hiroshi nang tuluyang maputol ang linya. Ma-in love ka sana sa target mo Ryuji! sambit niya sa isip. 

                “Vaklaaaaaa, dito mo sa akin ipasa ang bola!”

                “Sandali lang, vakla! Ayan o!”

                Napalingon siya sa volleyball court sa di kalayuan. Masayang naglalaro at nagkakatuwaan ang kanyang mga empleyado. Ann caught his attention. She was happily throwing the ball to the opponent.

                “Oy vakla, dahan-dahan naman,  nasisira ang ganda kong girlash na girlash sa gamelalu na itey,” hirit ng kalaban ni Ann.

                “Chosera ka, vakla. Akez lang  vavae ditey!” tugon ni Ann sabay tawa.

                Napapangiti lang si Hiroshi habang nanonood kung pano makipaglaro ng volleyball si Ann kasama ang usual friends nito na mostly ay mga bading. Hiroshi never practiced gender discrimination in his workplace. In fact, most of the best employees he has were part of the third sex.

                Napabuntong-hininga si Hiroshi. Their last date at the roof deck of his building was the most memorable date he ever had. Nagulat din siya mismo sa sarili niya dahil tila nasasanay na siya sa bagong emosyon na nararamdaman niya towards Ann.  Ngunit kapag nasasagi sa isip niya ang dahilan kung bakit niya ito nililigawan, bigla-bigla ay nagiging atrasado siya.

                Muling bumalik ang bola kay Ann ngunit tila kinapos ito sa paghabol sa bola kaya nawalan ito ng balance at nadapa. 

                Agad itong dinaluhan ng mga kasamahan pero hindi naman nagpahuli si Hiroshi. Agad niya itong nilapitan at iniupo ng ayos habang ang katawan nito ay nakasandal sa kanya.

“Anong masakit sa’yo?” tanong niya habang ini-inspection ito. May mga natamo itong sugat sa braso at tuhod.

“Wala naman okay lang ako. Konting sugat lang naman yan—ay, anong gagawin mo sa akin?”

                Walang patumpik-timpik na binuhat niya ito. At sa gulat nito ay napayakap ito ng mahigpit sa balikat niya. “Gagamutin natin iyang sugat mo.” 
               

                OH HIROSHI you’re so fine talaga. Sabihin mo na nga na mahal mo ako nang masabi ko na rin na I love you too para ma-harrass na kita ng bonggang bongga! Ay type na type!  Kung anu-anong kalokahan na naman ang pumapasok sa isip ni Ann habang tila slow motion na binuhat siya ni Hiroshi sa mga bisig nito at ngayon ay tangay siya nito hanggang sa paraiso ng kaligayahan….err sa kwarto ng kanyang amo.

                Parang napo-possess na nakatitig lang siya sa seryosong mukha ni Hiroshi habang naglalakad ito at bitbit siya. Pinagpapasalamat niya talaga ang pagkakadapa niya. Kahit may malaking sugat siya sa tuhod at galos sa braso, hindi niya ipagpapalit ang mga sandaling ito na nakuha niya ang end result…ang magkaroon ng pribilehiyong maging babae sa bisig ng hinahangaang bossing.

                Ilang minuto lang ay nasa silid na siya. Marahan siya nitong ibinaba sa kama. “Sigurado kang walang ibang masakit sa’yo?” nag-aalalang tanong nito.

                Bakit ang guwapo-gwapo mo?  

                “Ann?”

                Gumagwapo ka lalo kapag nag-aalala ka sa akin, Hiroshi. Nanatiling nakatunganga lang siya sa binata habang ramdam niya ang hindi na mawawalang kaba sa kanyang dibdib.

                Lumapit ito sa kanya ang ikinulong nito ang kanyang mukha sa mainit nitong mga palad. Then he lovingly stared at her. “Tell me, kung may masakit pa sa’yo. Wag mo lang akong tingnan na lang ng ganyan, Ann. Lalo akong mag-aalala niyan.”

                “Ah… wala na. Iyong tuhod ko lang—”

                Natigilan na siya nang bigla siya nitong yakapin. “Sa susunod nga wag masyadong hyperactive kapag naglalaro ka. Ayaw kong masusugatan ka uli kaya mag-iingat ka.”

                Napangiti si Ann. “Okay lang naman ako.” Gumanti siya ng yakap.  Sinong hindi magiging okay pag ganito?  

                Bumitaw na ito sa  pagkakayakap at hinalikan siya sa noo. “Stay put. I’ll just get some meds para magamot ko na ang sugot mo.”  He smiled before he turned away and walked out of the room.

                Naiwan si Ann na mabaliw-baliw sa kiss sa noong iniwan ni Hiroshi sa kanya. Nang masiguro niyang wala na si Hiroshi ay ibinagsak niya ng pahiga ang sarili sa kama at gumulong-gulong sa kilig. Oh my noo! Wooooh!  Kiber niya sa sugat niya. Hindi naman talaga iyon masakit at may pagka-OA lang si Hiroshi. Pero malaki ang pakialam niya sa noo niyang nadampian na ng labi ng pogi niyang bossing.

                Kaloka, makapagpalunod nga sa kiddie pool mamaya para sa lips naman!  Gumulonggulong uli siya sa kama sa sobrang kilig sa mga nai-imagine niyang eksena nang biglang bumukas ang pinto. Agad siyang pumikit at nagpanggap lang na tulog.

                “Ann?”

                Hindi siya gumalaw, play dead kung play dead. Malay ba niya kung nakita ni Hiroshi na gumugulong-gulong siya sa kama na parang baliw.  Ilang saglit lang ay naramdaman niyang binuhat siya ni Hiroshi at maingat na iniayos ng higa. Nagpanggap na lang talaga siyang tulog. Hinihintay niyang simulan nitong gamutin ang sugat niya kahit tulog siya. Kahit mahapdi iyon ay titiisin niya kung sakali. Pero hindi iyon nangyari. Bagkus ay naramdaman niya ang labi nitong marahang dumadampi sa kanyang pisngi.

Wagi!  Tila may pep squad na sumasayaw sa imagination niya. Oh Hiroshi, you’re so fine. You’re so fine you blow my mind. Hiroshi! Hiroshi!     


                KUMAKAGAT na ang dilim nang magising si Ann. Ang simpleng pagpapanggap niyang tulog ay natuluyan dulot na rin ng pagod niya sa paglalaro ng volleyball. Nag-iisa lang siya nang magising siya. Inilot niya ang paningin sa silid nang maalala niyang nasa silid pala siya ni Hiroshi. Then everything went back to her mind. Napangiti si Ann nang maalalang nakadalawang kiss sa kanya si Hiroshi. Muli ay tila gusto niyang gumulong-gulong uli sa kama.

                Hmmm, nasan kaya si Hiroshi?  Bumangon na siya sa kama at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay masiglang inayos din niya ang hinigaang kama at hinalikan niya ang mga unan. Hmmmm, para na rin kitang nahalikan mamayang gabi Hiroshi… Hindi pa nakontento ay niyakap-yakap niya sa huling sandal ang mga unan na yon. Damhin mo ang aking yakap, Hiroshi my labs.

                Nang matapos siya sa kabaliwan niya ay lumabas siya ng room at naglakad-lakad sa baybay ng dagat. Ang ilan sa mga kasamahan nila sa trabaho ay abala na sa panliligo sa dagat. Pero hindi ang paanyaya nila ang kanyang tinanggap. Mas inuna niyang hanapin si Hirsohi. Sa kalalakad  niya ay natagpuan niya ang binata na nakaupo sa buhanginan at parang batang naglalaro ng buhangin. Agad niya itong nilapitan at tinabihan.

                “Busy?” Kinda busy kinda busy?

                Agad na binalingan siya ni Hiroshi at nginitian. “Nope. Nagising ka na pala. Buti nakapagpahinga ka ng ayos sa kwarto ko. Mukhang kulang ka na naman sa tulog lately.” He offered his hands to her. “Come, join me here.”

                Tinanggap niya ang kamay nito at inalalayan siya nitong makaupo ng ayos sa buhanginan sa tabi nito.

                “Anong ginagawa mo Hiroshi?”

                “Sand castle. Naalala ko kasi Dad ko. Nung bata kasi ako hindi ako marunong gumawa ng sand castle. I was determined to create one to make my mom happy. Sabi ko kasi, bibilhan ko ng castle ang mama ko pag lumaki  na ako. Iyon nga lang, hindi talaga ako marunong. Out of frustration, I ran to may dad and force him to help me.”

                “Cute mo naman, ilang taon ka noon?” 

                “Four, I think. And look what I discover. Hindi pa rin ako marunong gumawa ng sand castle.” Binuntutan nito ng tawa ang sinabi.

                “Okay lang iyan. Can afford mo na naman ngayon na bigyan ng castle ang mama mo—” Natigilan  siya nang  mapansing nakatitig na naman sa kanya si Hiroshi. Nagingiting umiwas siya ng tingin. “Bakit mo ba ako tinititigan?”

                “Masarap kang titigan, Ann. Especially your eyes. I love watching you. I love seing you.”

                Tumambling, nag-spilt at nagbreakdance ang puso niya dahil sa sinabi nito.  Maliban sa nakakatunaw nitong pagtitig, mas nakakatunaw ang sweet words na binitawan nito. 

                “Ikaw, ine-echoz mo ako. Sabi mo hindi ka marunong manligaw e walang babaeng hindi kikiligin diyan sa mga palinya-linya mo,” sambit niya sabay tawa at iwas ng tingin dahil baka mapansin nitong nagba-blush siya.

“Seryoso ako, hindi ako marunong manligaw. Ikaw pa lang naman ang nasabihan ko ng ganon e. It was also the first time I felt responsible to take care a woman in my arms. And I have to say thank you for being my first.”  

“Wag kang ganyan Hiroshi.” Pag hindi mo kasi ako hinalikan ngayon sa lips, ako na talaga ang hahalik sa’yo! 

“Bakit naman? Wala ba akong mabigay na kilig sa’yo?”

Susme! Lahat na nga lang kahit walang katuturan basta galing sayo, kilig na kilig ako! Amp na Amp!  “Meron, Hiroshi kaya wag mo akong sanayin. Baka hanap-hanapin ko iyan ng bonggang-bongga!”

“O di hanap-hanapin mo. I’m willing to give more.”

Hohemji! Define more. Can I have your body with extra freebies?  Pasimpleng napapailing si Ann sa tinatakbo ng kanyang isip nang mapansin niyang… ang ganda pala ng katawan mo Hiroshi. Will you marry me?  

Natigilan siya nang maramdaman ang kamay nitong masuyong humaplos sa kanyang pisngi. Muling nagbunyi ang puso niya nang mapilitang lingunin ito. He was doing his well-practised hobby of lovingly staring at her. 

“Kanina ka pa pailing-iling. Masakit ba ulo mo? Dapat hindi ka muna bumangon. Okay lang naman na magpahinga ka sa kama ko.”  He then adjusted and tapped his shoulders. “Here, rest on me, Ann.”

Hindi alam ni Ann kung bakit ang dali niyang napasunod ni Hiroshi. Nakita na lang niya ang sariling nakahilig sa balikat nito habang ang braso nito ay nakayakap sa kanya. Never in her entire life she experienced being cradled by a man. At ganito pala ang feeling ng mga taong may lover… I think, malapit na akong matuluyang mabaliw sa’yo Hiroshi…

“Hindi naman masakit ang ulo ko.”

“Sure?”

“Oo.”

“Eh bakit ka naiiling?”

“Umiiwas lang ako na makita mo ang mukha ko.”

“Bakit? Sanay na akong titigan ka e.” Waaaaah ang ganda ko, lagpas pang-beauty queen na!                    

“Kinikilig kasi ako, kakahiya!” Pumikit na lang siya nang mariin dahil sa nasabi niya. Kung bakit naman kasi hindi na niya nagawang pigilan ang sarili ng aminin iyon.

She heard him chuckled. Then she felt him moving closer to her. Oh Hiroshi! Waaah kissing scene naaaaa! She heart tripled its beat when she felt his nose touching her cheeks and his warm breath moving downward to claim her lips. Everything seemed to disappear when finally she felt his lips against her.

           Pagmamahal. Wala siyang ibang naramdaman sa halik na iyong kundi ang pagmamahal nito sa kanya. Hindi pa man nito masabi ang katagang hinihintay niya, sapat na ang mga halik nito bilang susi upang tuluyang mabuksan nito ang kanyang puso.






PREVIOUS                                                            NEXT

Comments

Anonymous said…
nice..nxt please
Anonymous said…
nice..nxt please

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…