Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Looking Through the Eyes of Ann- Part 1





“Ate Bea, kelan ka uuwi?” tanong ni Hiroshi sa nakatatandang kapatid nakausap niya sa telepono.

                “Kapag kaya ko ng tanggapin ang lahat, Hiroshi.” May lungkot sa tono sa kapatid niya. Naiintindihan niya ang bagay na iyon. “For the mean time, gusto ko munang mapag-isa kaya ikaw na muna ang bahalang mag-alaga kina Ma at Pa. Pakabait ka na rin diyan.”

                “Mabait ako ate!” Hiroshi browsed over the files of Ann Janihim, ang voice talent ng kanyang network at siyang sinuwerte or maybe minalas- depende sa itatakbo ng  game- na maging target niya sa same order game of destiny. “Ate, kung umuwi ka na tapos sabay nating alagaan sina Ma at Pa?”  hirit pa rin niya sa kapatid. Kahit walang sinsabi ang kanyang mga magulang, batid niya kung gaano na ka-miss ng mga ito si Ate Beatriz Joy.

                His only sister went to States a year ago when their parents finally revealed her real identity. Ampon pala ang ate niya at anak ito ng isang drug lord na naipakulong ng kanyang amang abugado. Anak ito ng best friend ng ama niya at ng drug lord. Inako lamang ng kanilang mga magulang ang responsibilidad na palakihin ito, alagaan, at ituring na tunay na anak.

                “Eh kung hindi na rin kaya kita tawagan kasi makulit ka?”

                “Oh no, wag naman ate. Sige na hindi na ako mangungulit.”

                His sister laughed. “Good. Kamusta sina Mama?”

                “Okay naman sila, health-wise, financially-wise, stress-wise. But they’re missing you so much ate. Kailan mo sila kakausapin?”


                “Honestly Hiroshi hindi ko alam kung paano haharap sa kanila. Hindi ako galit sa kanila. I loved them so much. Masyado lang magulo ang lahat. Ni hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kahit saan daanin, si Papa ang dahilan kung bakit nakulong at namatay sa kulungan ang tunay kong ama. At ang tunay ko namang ama ang dahilan kung bakit namatay ang tunay kong ina at ilang beses din niyang pinagtangkaan ang buhay ng pamilya natin. Ni hindi ko matanggap na anak ako ng criminal.”

                “Ate, anak ka lang. Hindi ka tulad niya.” 

                “Alam ko pero….sige na Hiroshi. Tatawagan na lang kita uli ba-bye.”  Agad itong nawala sa kabilang linya. Malungkot na ibinaba ni Hiroshi ang telepono at napabuntong-hininga. Bigo na naman siyang kumbinsihin itong umuwi at magsimulang muli. 

                Umiling si Hiroshi at muling binalikan ang files ni Ann. Masyado na siyang nahuhuling kumilos para sa game na pauso ni Ryuji. Si Apple, nakausad na, ganong din sina Erika, Sunset at Icee. Masyadong maraming inaayos si Hiroshi sa negosyo niya kaya muntik ng mawala sa kanyang isip ang game na iyon. Too late to realize that he would definitely lost millions if he lost the game. Free commercials for their business plus the date of Icee and Erika with their favorite actors… Bakit ko ba naisip i-bet ang negosyo ko? And I don’t even want to be a cupid.  

                 He read the information on files. “Graduate ng mass communication, nakapag-training ng crash course sa voice acting… Hmm, talented. Not bad. Well aside from pretty of course.”  Inilipat niya ang page and read her credentials. Nakapag-dubbed na pala ito ng  pitong asianovelas, sampung anime, limang Mexican telenovelas. At labindalawang commercial skits. “In short, competent. Hmmm, mabigyan  kaya siya ng bonus.”

                He then turned the page wherein the confidential information was revealed. Galing ang file sa bestfriend niyang criminal profiler, si Icee. “A woman who loves pink and black, used to live with her friend, Lara Danica Lazaro—wait…the Ayca of Sunset?” Small world nga naman. “Loves adobong manok. Plays volleyball with gays…huh? Boys hunting with gays?”  Pasimpleng natawa si Hiroshi sa nabasa. Tiwala siya sa expertise ni Icee bilang profiler kaya sigurado siyang lahat ng nabasa niya doon ay totoo. “Ayaw sa bastos, liar at hindi gentleman. Good, I’m not one of them.  Likes a man who’s loyal, kind and gentleman. Ehem, describing me huh?” Parang siraulong tumatawang mag-isa si  Hiroshi. Inilapag na niya ang files sa mesa at sinimulan na niyang basahin ang iba pang reports na dapat niyang basahin at pirmahan.

                Few hours more, inantok na siya sa ginagawa kaya minabuti niyang lumabas muna ng opisina at maglibot-libot. Twenty-four hours may tao sa gusaling pagmamay-ari din niya. Ang itaas kasi ng gusali ay isang call center samantalang ang ibang floors naman ay okupado ng mga tv show studio, commercial studio, shooting set, recording studios at kung anu-anong pang studio sa loob ng Hotoki Complex Building.

                 Pumunta muna siya  sa pantry ng isang office para kumuha ng kape then he went strolling along the corners of his building. Hanggang sa makarating siya sa lobby. May tatlong sofa sets at chairs sa lobby. Iyon na rin kasi ang waiting area para sa mga bisita sa building kaya pinasadya niyang magmukha iyong hotel lobby. There in the middle of  unoccupied sofa and chairs was Ann. May yakap itong black pillow na may pink stripes. Nakasandal ito sa sofa. Hiroshi went closer enough to discover that Ann was sleeping…soundly.

                The woman looked tired. Malamang ay nag-overtime na naman ito para matapos ang naka-schedule na dubbing nito. At dahil tulog ang dalaga, nagkaroon si Hiroshi ng pagkakataon para matitigan ito. You look like an angel sleeping…soundly. On cue, the woman snored. Pero sa halip na ma-turn off,  Hiroshi just smiled. He finds it cute anyway.  He gently patted her cheeks, aimed to wake her up and offered his pad instead for a better sleep for her. Ngunit tila malalim ang tulog nito at tila mainit ito  so he decided to do the plan B. Tinawag niya ang receptionist.

                “Yes, Sir?” agad na tanong ng receptionist nang makalapit ito sa kanya.

                “Kanina pa ba siyang natutulog dito?” tanong niya sabay turo kay Ann.

                “Ah, opo Sir.  Mukhang pagod po kasi kaya hindi ko na po ginising.  32 hours na po kasi siya dito sa studio e.”

                Tama ang hinala niya. Kinuha niya ang bag nito at iniabot sa receptionist. Ang unan na yakap nito ay ipinabitbit din niya  dito. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang binuhat ang himbing na himbing pa rin na si Ann. “Isunod mo iyong gamit niya sa pad ko.” 

                “Yes, Sir.”
               

                PAKIRAMDAM ni Ann ay inihehele siya ng malambot na unan, malambot na kumot, malambot na kama at amoy ng pabango ng lalaki… huh? Malambot na kama? Amoy lalaki? Hindi malambot ang kama niya sa bahay at lalong hindi amoy lalaki!

                Agad siyang napamulat ng mata at napabalikwas ng bangon. Saka niya napansing wala siya sa sariling kwarto gaya ng inaakala niya. In fact hindi pamilyar sa kanya ang silid na iyon. Waaaah, where na me? Nagsimula na siyang mataranta. Hanggang sa mapansin niya ang bintana. OMG, umaga na! Ibig sabihin noon ay higit sa limang oras na siguro siyang natutulog sa lugar na iyon. Nasaan ako?  

                Pilit niyang inalala ang nangyari noong nakaraang gabi. Siguradong hindi siya lasing. In fact, ala una na nang matapos ang dubbing session nila para sa isang anime kung saan  boses niya ang ginamit para sa lead character. I-thinkerbell mong mabuti Ann! Kalurkey ang beauty mo, sarap krampalin ng bonggang-bongga! Baka na-rape ka na, waley ka pa maalala! sermon niya sa sarili.

                Huminto siya sa pagpi-freak out. Nagpakalma ng sarili at nag-isip ng mabuti. Pero hindi niya talaga matandaan kung paano siya napunta sa silid na iyon.  Until she remembered a feeling. She felt like being cradled and cared by someone’s hands who touched her face and arms who wrapped around her...Err, Ann, panaginip mo iyan e!  Oo tama, nanaginip nga siya na buhat-buhat siya ng papable bossing nila sa network. Ang gwapo-gwapo kasi ni Hiroshi. Halos lahat ata ng mga katrabaho niya ay pinapantasyang malingon man lang ng poging batang CEO. Pero hindi iyan ang sagot sa tanong kung nasaan ako.

                Out of frustration, sinabunutan niya ang sarili at impit na sumigaw. “Waaaaaaahh!” Kung pwede nga lang mageskandalo at sumigaw ng malakas baka kanina pa niyang ginawa. Kaso lang, bawas poise iyon sa ganda niya kaya wag na lang.

                “Good morning!”

                Nakasabunot pa ang dalawang kamay sa buhok niya nang biglang bumukas ang pinto ng CR at iniluwa ang pinakamagandang lalaking nakilala niya sa tanang buhay niya. Hiroshi was shamelessly and intensely looking at her with amusement. Alright he has the most stunning angelic face she ever seen. His chinky eyes, a trace of his Japanese Blood, was melting Ann’s heart. All of a sudden, walang nagawa ang puso niya kundi ang kumabog.  His pointed nose down to his red lips, reminded Ann how huge her extra large crush on him. Waaaaaaah! Anong ginagawa namin sa isang kwarto?! Na-rape ba niya ako? Or rather…na-rape ko ba siya? Paano? Kelan? Walang replay?

                Nanlaki ang mata ni Ann nang mapagtantong ang binatang kaharap ay topless at tanging tuwalya lang ang nakatabing sa ibaba nito!

                Agad na tumalikod si Ann at tinakpan ang mata pero may konting awang para masaya. “Waaaaaahhhhh!” Sumigaw na siya ng tuluyan. Kinalimutan na niya ang poise dahil konti na lang mababaliw na siya sa biglaang pangyayari. Tumakbo siya palabas ng silid. Office table ang bumungad sa kanya.  That made her conclude, she was on her boss’ bachelor’s pad.  Anong ginagawa ko dito?  

                “Miss Janihim—”

                “Waah! Magbihis ka muna, Sir!” She kept her eyes shut. Tinakpan pa niya ng tinangay na unan ang kanyang mga mata.

                “I’m sorry, Miss Janihim. Bihis na ako.”

                She felt the warmth of his hands on her hands. Pero hindi hinayaan ni Ann na maalis nito ang kamay na nakahawak sa unang nagtatakip sa mata niya. Waaah, tama na ang pagkakasala ko kanina waaaaaaah!  

                “Ann, pag hindi mo inalis iyan, maso- suffocate ka. Let me.”  A gentle touch of Hiroshi’s hands easily took away her defenses. Maya-maya pa’y nakuha na nito ang unan sa kanya pero nanatili siyang nakapikit. Nakakahiya lahat ng anggulo ng pangyayari kanina o maaring mula kagabi pa. 

                “Ann, open your eyes.”

                “Sorry Sir, kung anuman po ang nangyari na wala akong maalala—“ bagkus ay tugon niya.

                “Ann…” He touched her forehead na ikinagulat niya. “Good your temperature went down.”

                Iyon ang nagpamulat sa kanya. Ang expressive na tsinito nitong mga mata ang unang sumalubong sa kanya.  He was intensely looking at her like he did  a while ago.

                Nagsimulang mailangang si Ann sa pagkakatitig nito. He was like reading her soul…caressing her heart…and melting her sanity. Idagdag pa ang pagkabog ng puso niya. Nakaka-in love itong tumitig na tila sinasabi ng mga nitong….Ang ganda-ganda ko! Mabuhay! “Sir…”  Umiwas na siya ng tingin.

                “Ah…” Umiwas na rin ito ng tingin pagkatapos ay tumuloy sa office table nito.

Eeeeekk, ganon na lang iyon? Walang explanation?  Bilang isang simpleng empleyado, wala siyang karapatang mag-question sa amo, pero sa mga oras na iyon hindi niya napigilan ang sarili. “Sir. Ahm,  iyong nangyari…kung paano ako napunta dito—”

He took another glance on her and her heart skipped once again. Pagkatapos ay umupo ito sa swivel chair at nagsimulang magbubuklat ng papeles. “Don’t mind it.”

“Po?”

“Kung ano man ang nangyari kagabi, wag mo ng pakaisipin. The bottom line is you’re safe with me.”

“Sir…” Na-rape ba kita, Sir?  Naloloka na talaga si Ann sa kakaisip. Buti na lang at nagising siyang suot pa rin ang mga damit niya. Kung nagkataon ay lalo siyang mababaliw. Kung ganon, hindi pala. Sayang!

“Yes?”

“Salamat po. Uuwi na po ako.” Kinuha niya ng nakitang gamit na nakapatong sa visitor’s chair.

He nodded and picked the phone. “Manong Ben, ihatid nyo po si Ann sa bahay.” He ended the call and faced her. “Abangan mo si Manong  Ben sa may lobby. Siya na ang bahalang maghatid sa’yo.”

“Naku, Sir, wag na po. Kaya ko na pong umuwing mag-isa. Sobra-sobra na pong istorbo ako sa inyo,” nahihiyang tugon niya.

“First, I’m your boss. What I command, you shall obey. Second, I never treated this as disturbance. And third, I want you to be home safe after having some fever last night.”

“Ha?”    Fever? Nilagnat ako?  Kung gayon, nagmagandang loob ang amo niyang ito na alagaan siya. Now she remembered clearly, sa sama ng pakiramdam niya kagabi ay nakatulog siya sa lobby. “Sir, salamat po sa maraming tinulong nyo sa akin.”

“Sure, no problem. Well, in case sumama ang pakiramdam mo, or nasobrahan sa puyat, may rooms naman tayo sa third floor. Staffs may use it.”

Ay di na pwede dito uli sa pad mo? Ang bango-bango at ang bongga-bongga dito. Haha. “Sige po, Sir. Aalis na po ako.” Papalabas na siya ng office nang magsalita uli ito.

“You’ve got a mesmerizing pair of eyes, Miss Janihim.“

Kumabog uli ang puso niya. Nilingon niya ito at nahuling nakatitig sa kanya. “T-thank you po.”

Nakahinga lang siya ng maluwag nang makalabas na siya ng silid na iyon.  Nagpalinga-linga siya sa paglalakad papuntang elevator. Baka kasi kung ano ang sabihin ng ibang tao pag nalaman nilang natulog siya ng isang gabi sa pad ng amo. Mga haragan sa tsismis pa naman ang mga staff and crew ng network.

Pagdating ni Ann sa lobby ay nakita nga niya si Manong Ben, ang driver ng amo at agad siyang inihatid sa nakaparadang BMW at inihatid sa bahay. 


 “IYONG totoo, ang ganda ko ano?” hirit ni Apple. Heto na naman ang kaibigan nilang lukring. Bumabangka na naman sa usapan. 

Kasalukuyan silang nasa Kofi Cups and Sweets, kapwa nag-uubos ng oras pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho. Nagkakatuwaan ang lahat samanatalang siya ay abala sa pag-iisip kung paano nga ba niya didiskartehan si Ann.  Mukhang mali kasing move ang ginawa niya. Base sa mukha ni Ann kaninang umaga nang magising ito sa pad niya, mukhang sa halip na mapalapit siya dito e lalo siyang mapapalayo dahil mahihiya ang dalaga sa kanya.

Malaking problema iyon para kay Hiroshi. Hindi pa man din siya marunong manligaw.  Hindi kasi kasama iyon sa naging plano niya sa buhay. Katwiran niya, kung gusto na niyang mag-asawa saka na lang siya maghahanap ng babaeng papatol sa kanya.

“Depende.” Si Icee ang sumagot sa kalokahang tanong ni Apple.

Sumampa si Apple sa mesa at nag-pose ala model. “Depende sa anggulo?”

“Hindi,” tugon nilang lahat.

“Depende saan?”

“Sa titingin. Kung duling banlag, kirat at iba pa,” pakli ni Sunset na umani ng tawanan.

“Tse!” Binato nito ng tissue si Sunset pagkatapos ay binalingan siya nito. “Sa tingin mo Hiroshi pwede na ba ako?”

                Nginitian niya ang kaibigan. “Pwedeng-pwede.”

                “Sus, Hiroshi saan pwede? Please specifiy!” hirit ni Erika.

                “Ah…ano bang topic?” pabirong hirit niya.

                Pabiro siyang sinabunutan ni Apple. “Eeeeeek ka, Hiroshi. Isa kang malaking eeeeekkkk!”

                “Hindi ako biik!” patol niya dito.

                “Oy, Oy, Apolonia bumaba ka nga diyan. Makita ka ng tatay mo, ikulong ka na naman no’n sa Hacienda nyo,” hirit ni Ryuji.

                “Hoy ang kagandahan kong ito, tatawagin mong Apolonia? Wag mong dungisan ang maganda kong pangalan!” Apple dramatically declaimed.

                “Oooops, sorry.”

                “Good!”

                “Apolonio nga pala ang pangalan mo, sorry naman!” pahabol hirit ni Ryuji.

                “Ay ewan ko sa bangs nyo!” Umupo si Apple sa tabi niya. “Hiroshi dude, ano na? Nakapanligaw ka na ba?”

                “Hindi nga e,” sambit niya.

                “Ayos!” Nagsipag-apir naman ang mga ito.

                “Siraulo kayo! Hindi ako papatalo. Milyon ang malulugi ko sa inyo.”

                “Ay gorabels Hiroshi, i-cheer ka namin,” sambit ni Erika.

                “Ay  i-cheer mo din sarili mo. Andyan na naman boss mo oh,” hirit ni Icee kay Erika.

                “Miss Sala—“

                “Oo na, oo na!” Inunahan na ni Erika ang boss nito. “Fullmoon ngayon, may saltik ka, Sir. Sige tara na school!”

                 Few minutes more, natangay si Erika ng boss nito.

                “Napaghuhulihan ka ata, Hiroshi. Si Apple naka-score na kay Rover—”

                “Oy, ako pa talaga ang naka-score? Adik you?” sansala ni Apple na tinawanan lang ni Ryuji.

                “Si Icee, may moment na with Mr. Kabanal-banalan.”

                “Wala kaming moment!” apila din  Icee.

                “Si Erika, may harassment ng nagaganap sa kanila ng boss niya.”

                “Pasalamat ka pare,wala si Erika dito,” sabat ni Hiroshi.

                “At itong si Sunset, natiklo na si Miss Lazaro.”

                “Oy hindi ko siya tiniklo!”

                “Oo nga naman , hindi tiklo iyon. Akit ang tamang term!” hirit ni Apple. “At by the way, ikaw din Ryu, wala kang ginagawa sa target mo.”

                “Meron iyan, tinatago niya lang!” buska ni Hiroshi.

                Nakita nilang lahat ang tila pagbabago ang expression ng mukha ng kaibigan. “Di ko siya type. Pinaparusahan ko lang siya.”

                “Defensive!” Korong hirit nila.

                “Oh, Fafa Onjing kahit three-in-one coffee lang, basta galing sa puso mo, tatanggapin ko!”

                Natigilan silang magbabarkada sa lakas ng boses ng bagong dating. Ang ninong nilang lahat  si Rojun ang dumating at parang sawang nakakapit naman sa braso nito ang manghuhulang walang ginawa sa buhay kundi habulin si Rojun.

                “Kahit mainit?” tanong ni Rojun.

                “Kahit naglalagablab, Fafa Onjing.” Nakarating ang dalawa sa counter. “Isang iced coffee at choco marble sa akin at isang litrong gasolina at posporo para dito sa kasama ko.”

                Umugong ang tawanan  sa buong Kofi Cups. Tulad ng dati ay agaw eksena na naman ang mga ito. Nagbubungisngisan din sina Hiroshi. Naalala kasi nila ang kwento ni Icee tungkol sa ninong nila at sa certified authentic manghuhula na iyon na hindi nila mawari kung may relasyon nga ba o wala.

                “Ikaw talaga, Onjing. Gusto mo talaga ang nag-aapoy na pag-ibig ko sa’yo ano?”

                “Oo, gusto ko.”

                “Ay gusto mo na ako?”

                “Gustong-gusto kong mag-apoy ka. Baka matapos na ang problema ko sa’yo pag nagkataon.”

                Lalong nagtawanan ang mga saksi.

                “Ikaw talaga. In denial ka palagi—”  Biglang natigilan ang manghuhula. Bumitiw ito kay Onjing at lumapit sa mesa  nila. Agad naman silang nagsitahimik.

                “Ikaw! Patingin ng palad mo,” ani Madam Dalisay kay Hiroshi.

                “Ah—” Hindi na nito hinintay na umoo siya. Sa isang iglap ay binabasa na nito ang palad niya.

                “Pag-ibig. Abot kamay mo na ang babaeng nakatakbang maging asawa mo, hijo.  Ngunit may hadlang. Mag-iingat ka sa pagdedesisyon. Isang maling desisyon lamang ay maaring mawawala sa iyo ang babaeng ito. Hmmm, bibiyayaan ng husto ang iyong negosyo, hijo.”

                “Talaga po?” Hindi siya tuwirang naniniwala sa hula pero marunong siyang makinig.

                “Oo, hijo. Maganda ang magiging takbo ng negosyo mo.” Hinawi ng manghuhula ang buhok. “Lalo na kung magiging model nyo ako.”

                “Puro ka kalokahan. Tara na nga.” Kinaladkad na  ito ni Ninong Rojun.

                “Sandali! Hijo, ingatan mo ang pamilya mo. Iyon ang kapalit ng lahat ng swerte mo!” pahabol pa nito  bago tuluyang makalabas ng shop.

                Napaisip si Hiroshi sa huling sinabi ng manghuhula. May kinalaman kaya ito sa pagkatao ng kapatid niya? Oo, patay na ang ama ni Beatriz Joy pero hindi siya sigurado kung may ibang tao o kamag-anak itong nakaabang ng right timing para balikan ang ama niya.

                “Don’t worry about that much, boyfriend,”  sambit ni Icee.

                “Madam Dalisay is an authentic fortuneteller, girlfriend. Hindi ko maiwasang kabahan.”

                Hiroshi and Icee were best friends since birth. Bata pa lang sila ay nakatuwaan na nila ang gayong tawagan kaya hanggang ngayon lumaki na sila, ay nadala pa rin nila yon. Madalas niyang sinasabi sa tao nung bata pa siya na si Icee ay girlfriend niya. Hindi pa naman niya alam ang tunay na ibig sabihin ng girlfriend noon. At ngayon, pareho nilang alam na walang malice ang endearment na iyon sa kanila kundi habambuhay na pagkakaibigan.

                “Bro, don’t forget that Code Black security is just there,” sambit ni Ryu.

                “I know, bro.”  But…mas problema ko talaga ang panliligaw.
               


                NASA kasarapan pa si Ann sa pagtulog nang gisingin siya ng kaibigang si Lara. Kahit kasi hindi hindi na sila magkasama sa iisang bahay dahil umuuwi na ito sa sariling bahay nito ay madalas pa rin itong makitulog, makigulo at bumibisita sa kanyang bahay. “Sisturrrr! Gumising ka, daliiiiiii!”

                Pero sa halip na gumising ay lalo lang itinalukbong pa niya ang kumot. Hadya na nga siyang nakatulog dahil nababangenge pa rin siya sa huling encounter niya with Hiroshi kaninang umaga tapos iistorbohin pa ang bonggang pagtulog niya?

                “Sisturrrrr!”

                “B-bakit ba?” inaantok na tanong niya. Nanatili pa siyang nakapikit at walang pakialam. Ang alam lang niya inaantok pa siya at matutulog siya tutal naman walang siyang trabaho sa gabing iyon. Madalas  ay gabi ang schedule ng dubbing nila.

                “Iyong bossing mo sa HBH network, nagpadala ng dinner for two at bulaklak.”

                “Ha?!!!” Sa gulat niya ay napabalikwas siya ng bangon. “Wag mo nga akong pagtripan, sisturrrr.”

                “Hindi kita pinagtitripan! Tingnan mo kaya!” 

                Napilitan siyang bumaba sa kama at patakbong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakalapag na nga sa mesa ang isang punpon ng bulaklak at dalawang plastic na may mga styro foam kung saan nakalagay ang food.

                Sa ibabaw ng mga styro ay may note.  Binasa niya iyon.  “I wonder if you already took your dinner. Anyway, I brought you your favorite Adobo along with other dishes. Enjoy your food. Hope you like the flowers, too. Get well. Linking with you, Hiroshi.” 

                Agad na kumabog ang puso niya nang balingan niya ang bulaklak at mga pagkain. Ay ang sweet ni crush! Woooh!

                “Sisturrrr, may manliligaw ka na pala. Gwapo, mayaman at mabango.”

                “At paano mo nalaman iyan? Nakita mo na ba si Hiroshi?”

                “Eh di ba ang kwento mo sa akin, ang crush mong iyon ay gwapo, mayaman at mabango? Tiba-tiba ka na do’n sisturrrrr. Grab na!”

                Pabirong sinabunutan niya ito. “Anong grab ka diyan?! Hindi nanliligaw sa akin iyon!”

                “Sus, anong tawag mo dito?  Friendly move? Bruha, ikaw itong isa’t kalahating adik din sa pocketbooks, dapat alam mong nagpapa-impress ang boss mo sa’yo.”

                “Weh?  Ang ganda ko naman kung ganon!”  They both laughed. “Hindi. Hindi ako type no’n.  Wala lang iyan, donasyon sa mahihirap lang!” They started transferring the food to bowls and plates.

                “Wow, pag ganito naman palagi ang donasyon sa mahirap, aba, masarap pa lang maging mahirap. Ang bongga! Araw-arawin sana ito ng bossing mo. Hindi na tayo magugutom, sisturrr!”

                “Sira!”

                Ngunit habang kumakain ay iniisip pa rin ni Ann kung para saan ang biglang pagpapadala ng amo ng pagkain at bulaklak. Like nga kaya ako? O baka naman dahil may sakit lang ako kanina. Concern citizen lang siguro siya. Or baka… naalala niya nang makita niya itong half-naked lang. Nyay! Sinusuhulan niya kaya ako para hindi ko ipagkalat na nakatulog na ako sa bongga niyang bachelor’s pad? Waaaaah!  

                “Sisturrr…. Uy sisturrrr….Sisturrrrrr!” Tinapik siya ni Lara at saka lang siya natauhan. Nagri-ring ang phone niya.  Tumayo na si Lara. “Sagutin mo na iyan at baka iyan iyang papable boss mo. Alis na ako ha, see you tomorrow!”  Dire-diretsong umalis na ito.

                Unregistered ang number na nag-appear sa kanyang screen. Sinagot niya ang tawag. “Yes, hello?”

                “Hi Ann, it’s me Hiroshi!”

                Hohemjiiiii!  Bigla siyang na-tense. The guy had a soothing voice.  Guwapo na, maganda pa ang boses sa phone, sa personal at sa….waaaaah! Naloloka na ako!  There again the fast beating of her heart as she recognized the one on the other line.

                “Ah, I’m just checking if you received the food?”

                “Ah…o-oo. Actually, ah….kumakain na ako. Ahm, s-salamat Sir ha.”

                “It’s Hiroshi pag wala tayo sa opisina, Ann. Will that be just fine?”

                Fine. Oh Hiroshi you’re so fine. You’re so fine you blow my mind.  Maging siya ay gustong tawanan ang sariling joke.

                “Ann? Still there?”

                Dahil lipad ang utak niya ay nagulat siya nang bigla itong magsalita. Nabitawan niya tuloy ang kutsarang hawak at nalaglag iyon sa pinggan. That created some noise.

                “Ann, okay ka lang ba diyan? Is there something wrong?”  may himig ng pag-aalala ito.

                “Ah…wala …w-wala. Nabitawakan ko lang iyong kutsara. Sumemplang lang iyong reflexes ko.”

                “Ah…I see. How’s the food?”

                “Okay naman masarap.” Pero ikaw mas masarap for sure….ooops… Umiling si Ann para pigilan ang utak niyang nagsisimula na namang anayin.

                “And how about the flowers?”

                Binalingan niya ang bulaklak. “Okay din naman…Ah Sir este Hiroshi, pwede bang magtanong?”

                “Sure.”

                “Para saan po ba itong bulaklak at pagkain, sesesantehin nyo na po ba ako bukas? O baka naman bibitayin nyo na ako? Ipapa-salvage? Ipapa-cremate ng buhay?”

                She heard him laughed. Oh my! Pati ang pagtawa, gwapo!     

                “So it’s true that you’re funny huh.”

                “Oo naman, asset kong maging funny e. Hmmm, di nga para san po ba ito?” Saglit na uminom siya ng tubig dahil pakiramdam niya ay nate-tense na siyang masyado. Ganon pala ang feeling ng kausapin ng crush mo.  Super ang pagkabog ng puso siya.

                “Gusto ko sanang manligaw. Pwede kaya?”

                Agad siyang nasamig ng tubig. Nagsunod-sunod ang ubo niya. And to make the scenario worst, natabig niya ang baso sa tabi niya, nahulog iyon sa sahig at nabasag.

                “Ann? What happened? Anong ingay iyon? Okay ka lang ba?”


                “Okay lang, I’m fine.” Patay kang bata ka. Oh Hiroshi you’re so fine. You’re so fine you blow my mind…. Hiroshi…Hiroshi!  






PREVIOUS                                                               NEXT

Comments

Anonymous said…
NICE STORY

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…