Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2





“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.

                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.

                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.

                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love katulad ng love ng mga magulang niya sa isa’t isa. “Happy anniversary, my sweet Cattie!” Another quick kiss.

                “Happy, anniversary, Jomar. I love you so much.”


                “I love you, too. Pero mas love natin ang isang magandang batang puyat na ito,” tukoy ng tatay niya sa kanya sabay yakap din sa kanya.

                “Eh di tayo na ang sweet family ever!”  Napapangiti siya. Minsan talaga makita lang niya na masaya ang  pamilya niya, nawawala lahat ang worries niya sa buhay. Speaking of worries, dadalhin pa nga pala niya ang report sa bahay ni Cholo. Tumayo na siya at iniligpit ang laptop niya at ilang papeles na nagkalat sa mesa. “’Tay, mauna na kayo sa Lingap Kabataan Foundation, susunod na lang po ako do’n. Idadaan ko lang po itong report sa boss kong halimaw.”   Taon-taon sa Charity Institution ni Tito Rojun nagse-celebrate ng anniversary ang mga magulang niya. Sa halip na pagkagasyusan ang isa’t isa, mas nakagawian ng magulang niya na mag-share na lang ng pagmamahal sa mga batang kinapos sa pagmamahal.

Tumayo na siya at pumanhik sa kanyang silid. Naligo siya kahit puyat para naman magising ang diwa niya. Pagkatapos ay nagmadali na siyang magbihis. Inilagay niya sa bag ang mga documents at nagmadaling bumaba. “Alis na po ako!”

“Anak, kumain ka muna,” sanlsala ng kanyang ina.

Bumalik siya kusina, humigop ng hot chocolate, at dumampot ng pandesal at namaalam uli. “Sige po, kita na lang po tayo sa foundation.”

“Ayusin mo naman ang pagkain mo, Erika Claudia!” Napahinto siya sa kanyang supposed grant exit nang tawagin siya ng tatay niya. Binalingan niya ito. Kunot ang noo ng tatay niya. Ibig sabihin noon ay seryoso ito at hindi na madadaan sa pagpapakyut.  Binalikan niya ito at hinalikan sa pisngi bago siya tumakbo palabas ng bahay. 

Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa exclusive village kung saan nakatira ang boss niya. Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay na kulay pink at yellow. Mukhang bahay ng babae sa unang tingin ang bahay na iyon. Pati siya ay nagulat noong una siyang nakarating sa bahay na iyon. Nalaman niya mismo kay Sir Choco ang kwento sa likod ng kulay ng bahay na iyon. Her former boss fell in love with pink when he fell in love with Cholo’s mother. Another successful love story indeed.

Nag-doorbell siya. “Ay pusa!”  Napatalon siya paatras nang bigla na lang lumitaw sa harap niya ang pakay. There infront of her was Cholo, naka-pajama at walang suot na shirt. Kaya sa halip na sa mukha nito mapunta ang mata niya, sa abs nito napapunta ang atensyon niya. 

May abs pala ang isang ‘to. Akalain nyo iyon?,  sambit niya habang nakamulagat pa rin ang mata sa abs nito na tila nag-aagahan part 2. Kanin, nasaan ang kanin! Ang yummy ng ulam!

 Kung alam lang niya na yummy pala ang boss niya, malamang na hinubaran niya muna niya iyon polo bago niya ito nakawan ng mga pictures noong tulog na tulog ito. She remembered the kiss. Hindi talaga iyon mawala-wala sa  isip niya kahit na tinatakwil na niya iyon.

Tumikhim ito.  Bago isinandal ang dalawang kamay sa ibabaw ng mababang gate ng bahay. Doon lang nawala ang abs sa paningin niya at napalitan ng gwapo ngunit kaasar-asar na mukha ng untouchable boss niya.

“Miss Salazar, do you know that it’s unethical to stare?”

“I’m not staring at you Sir—”

“You’re staring at my abs. It’s my property and that means you’re staring at me. Or shall I say fantasizing instead? I almost forgot that you’re pro in flirting,” nakangising sambit nito.

Pinigilan niya ang kamay niyang nagpipigil na masampal ito. Hambog! Pasalamat ka’t maganda ang abs mo. Kung nagkataong hindi, bawas pogi points ka na naman.  

Nakipagsukatan ng titigan si Erika. She was someone who would not step back. At lalong hindi kung ito rin lang boss niyang ito ang kaharap niya. 

“Sir…”

“What now? Aamin ka ng pinagnanasaan mo ako?”

Ngumisi siya. “Duh? Sir, sasabihin ko lang ng may muta ka pa,” biro niya.

Kumunot lang ang noo nito nang kinusot nito ang mata at mapagtantong  nagbibiro lang siya. Minsan talaga nauuto niya ang isang ito.

“Pagnasaan ka? Naku Sir, kung kayo ang nasa katayuan ko na may tatlong hunkylicious na kaibigan, hindi  ka na magkakainterest sa pinagpupugayan mong abs. Meron din niyan si sina Sunset, Hiroshi at Ryuji. Libre silip pa.”

Pinagtaasan siya nito ng kilay nang mapansing nagpipigil siyang tumawa. “Ngayon lang ako nakakita ng babaeng manyak.”

“Lucky you!” sakay lang niya kahit nagsisimula na naman itong mang-insulto.

“Where are the papers?”

Ay ungentleman talaga. “Sir, baka kung hindi naman nakakaistorbo sa’yo, baka pwede mo naman akong patapakin sa loob ng bahay mo. You know, nakakangawit tumayo habang ine-explain ko ang pinagpuyatan kong report—”

Walang imik na binuksan nito ang gate at pinapasok siya. Pinauna siya nitong pumasok sa loob ng bahay bago ito sumunod. Okay, gentleman ka na rin…hmmm, kalahati lang. “Ganyan nga, Sir. Maging mabait kayo sa akin kahit minsan lang ha. Awa mo na sa puyat.” Nginitian niya ito nang lumingon siya.  Napalitan iyon ng naughty na ngiti nang tumalikod na uli siya dito. Nasilayan na naman kasi niya ang abs nito. Para-paraan lang iyan!

“Now, where are the papers?” tanong uli nito nang makarating sila sa sala.

“Sir?”

“Ano na naman?”

“Pwede po bang umupo muna sa bongga nyong sofa?  Eh kasi—”

“Miss Salazar, kahit  magta-tumbling ka pa sa loob ng bahay na ito wala akong pakialam. You’re really wasting my time, do you know that? Puro ka daldal. Nagawa mo ba ang trabaho? Baka naman dinadaan mo lang ako sa daldal para pagtakpan ang pagiging incompetent mo—”

Natigilan ito nang padabog niyang ibinagsak sa center table ang reports na hinihingi nito. Hindi na niya inisip na baka masira ang mesa dahil napalakas ang pagdadabog niya.

“Pinagdadabugan mo ako? Miss Salazar, let me remind you that you are just my employee. How could you—” 

“Thank you,” pakli niya. Binalingan niya ito at tiningnan sa mga mata. Halatang nagulat ito. Wala naman siyang planong magdabog. Iyon nga lang kasi, puyat siya. The least thing she wanted to have that time was moment to rest at hindi umaatikabong pamumula at sermon. “Alam mo, simple lang naman ang magpasalamat, Sir. Mas magaan sa kalooban ng isang hamak na empleyadong tulad ko ang makarinig ng kahit simpleng thank you lang kapalit ng pagod at puyat sa trabahong inuwi pa sa bahay para lang matapos agad.”

“I’ll pay extra credits for this.”

Umiling siya. “Hindi mo ako naiintindahan Sir kahit nagtatagalog naman ako ano? Alam mo, hindi naman ako humihingi ng dagdag bayad. Thank you lang, okay na ako do’n.”  Tumayo na siya. “All documents are presented logically with notes. Call me up for any matter regarding the report. Aalis na po ako.”

About face.  Pa-exit na siya ng bahay. Nang tawagin nito ang pangalan niya. Huminto lang siya sa paglalakad at naghintay sa sasabihin nito.

“Ahm, I’m sorry.”

“Nothing to be sorry about, Sir.”

“Will you face me for a while? It’s unethical to talk at your back.”  Napangiwi siya. Maypagka-arogante talaga ang binatang ito.  Lumingon  na nga siya para walang gulo. “Ahm, thank you.”

“Try mong gawin hobby iyan Sir, magiging mas maganda ang relasyon mo sa mga employees mo. You’re welcome, Sir.” 



“WEEEEEEE!” Masayang nakikipaglaro si Erika sa dalawang bata sa garden ng Lingap Kabataan Foundation. Doon siya tumuloy pagkatapos niyang manggaling sa bahay nina Cholo. Ang mga magulang niya ay abala din sa storytelling sa mga batang nasa 6-10 years old samantalang siya ay nakikipaglaro sa isang 3 years old na lalaki at 2 years old na babae.

Mahilig siya sa bata. Kaya naman naging regular volunteer na rin siya sa foundation na iyon na itinatag ng kanyang Tito Rojun. Medyo nag-lie low lang siya nang maging aliping sagigilid siya ni Cholo.

Napangiti siya nang tumawa ng malakas ang dalawang kalaro niya nang mahuli niya ang mga ito at humiga sila sa bermuda grass.  Kahit pagod siya, medyo gutom at puyat, tila naging balewala lahat iyon dahil sa sayang idinudulot sa kanya ng mga bata.

“Onjing! Aking Onjing!”

Habang nakahiga siya ay napatingala siya para makita ang nagsalita. Nakita niyang parang sawang nakalingkis si Madam Dalisay sa braso ng Tito Rojun niya. Aliw na aliw si Madam Dalisay habang abala naman si Tito Rojun sa paghihiwalay ng sarili nito sa dakilang manghuhula.

“Onjing, tingnan mo ang mga bata. Ang sasaya nila, ang lulusog, punong-puno ng pagmamahal. Ganitong pamilya ang gusto ko para sa atin, Onjing. Maraming salamat Onjing sa pagbibigay sa aking ng pitong basketball team na mga supling. Sila ang simbolo ng ating pagmamahalan,” overly sa ilusyong litanya ni Madam Dalisay.

                “Utang na loob Dalisay, marunong ka rin sanang kilabutan,” napapa-rolleyes na tugon ni Tito Rojun.

                “Ay para sa’yo Onjing kahit mangisay pa ako!”

                “O sige, mangisay ka na… ngayon na ha.”

Kinurot pa ni Madam Dalisay ang pisngi ni Tito Rojun. “Ang kyut mo talaga pag nagpapanggap kang ayaw mo sa akin.”

“Anong nagpapanggap? Ayaw ko talaga sa’yo!” tugon nito.

Kumuha ng check booklet si Madam Dalisay at sinulatan iyon pagkatapos ay inabot ang tseke kay Tito Rojun. “Hundred thousand for the kids, just give me a kiss.”

“Eeeeeewww!”

Ngumuso na si Madam Dalisay nang bigla itong natigilan at agad lumingon kay Erika. Napabangon tuloy siya ng wala sa oras nang lapitan siya nito.

“Erika,” seryosong sambit nito sa pangalan niya. “Pag-ibig. Isang bagong pag-ibig.”

Hay naku, humihirit na naman itong si Madam. Pero hindi niya maiwasang hintayin pa ang sasabihin nito. Authentic fortune teller ang medyo may pagkalukring na manghuhula na ito. In fact, sabi ng kanyang ina, nahulaan din daw ni Madam Dalisay na siya ang magiging anak ng magulang niya. Ilang beses na rin siyang binigyan nito ng libreng prediction at wala pang pumapalya sa mga iyon. 

                “Rosas,” pagpapatuloy nito habang hinahaplos nito ang buhok niya. “Simbolo ng tunay na pag-ibig. Humahalo ang rosas sa puting aura. Isang tunay at wagas na pag-ibig. Iyon ang nakikita ko sa’yo, hija.”

                Ngumiti lang siya. Maganda sanang marinig ang mga iyon pero hindi naman siya iyong tipo ng taong umaaasa sa hula. At saka,  pag-ibig? Eh wala nga siyang love life.

                “Hija, may isang binatang sa’yo ay tumitingin sa malayo. Lingunin mo siya at makakamit mo ang pag-ibig na kay tagal mo ng inaasam.” Natigilan ito, tumingin lagpas kay Erika  at saka siya muling binalingan. “Ang iyong unang halik, andito siya.” Tumayo na ang dakilang manghuhula at iniwan na lang siyang napapakunot-noo.

                Unang halik? Naalala niyang muli ang eksena nila ni Cholo noon. Yes indeed he was her first kiss. Andito and hukluban na iyon? Pag-ibig? Siya? Ay sows! Umiling-iling na lang siya.  Binalingan na lang niya ang dalawang batang inaalagaan na abala sa sa paghahabulan sa paligid niya. Si Brian ay bumitin sa likod niya at si Nica naman ay yumakap sa kanya. Naging palaman tuloy siya ng dalawa. Napapangiti si Erika habang tuwang-tuwa ang dalawang bata. Para siyang isang tunay na ina na nag-aalaga ng dalawang anak.  Napaisip tuloy siya. Bakit kaya sila inabandona ng mga magulang nila?

                Tunay na magkapatid ang dalawa. Sanggol pa lang ang dalawang ito nang iwan sa ampunan na iyon at simula noon hanggang ngayon, ang pamilya nina Erika ang naging foster parents ng magkapatid. Kung mayaman lang sila, malamang na matagal na nilang inampon ang magkapatid.

                Matapos magkulitan habang pinaggitnaan siya ay naghabulan naman ang dalawa.

“Uy! Mag-ingat kayo at baka kayo madapa!” Pero dahil tuwang-tuwa ang dalawa, hindi nila pinansin ang paalala niya. Hay naku, sige maglaro lang kayo at matutulog ako. Humiga uli siya sa Bermuda grass at pumikit. Malapit na sana siyang makatulog nang yugyugin siya ni Nica.

                “Ate Yeka! Ate Yeka!”

                Tinatamad pa siyang kumilos kaya hindi siya gumalaw.

                “Di galaw Ate Yeka.  Tara, Nica tawag natin Yuya,” narinig niyang sambit ni Brian.

                “Yuyaaaaaaaa!” Duet pa ng pagsigaw ang dalawa habang tumakbo sa kung saan. Ipinagpatuloy lang ni Erika ang pagtulog. Masarap na sana ang tulog niya kung hindi lang siya inistorbo ng isang unwanted familiar voice.

                “Miss Salazar?”

                Haaay, pati ba naman sa panaginip boses mo pa rin ang maririnig ko? Abuso ka na Cholo!

                “Erika!”

Nagising ang diwa niya. Hindi pala panaginip, talagang boses iyon ni Cholo. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa pisngi niya para gisingin siya. Tinatamad pa rin siyang kumilos kaya pinanindigan niyang tulog siya or much better kung isipin nitong si Cholo na nawalan siya ng malay.

                 Maturuan kaya ito ng leksyon. Pursuing the drama, hindi siya nag-response sa pagtapik-tapik nito sa pisngi niya. Naramdaman niyang iniangat nito ang katawan niya at isinandal sa kung saan. Sa pakiwari niya ay ang dibdib ng binata ang naging kama niya. Bongga!

                “Erika!” tawag uli nito sa kanyang habang masuyo nitong hinahaplos ang kanyang pisngi habang bahagyang tipatapik ang mga iyon para magising siya.

                Umarte siyang naalimpungatan at medyo nahihilo. Ang mukha ni Cholo ang agad na bumungad sa kanya. At sa unang pagkakataon ay may nakita na siyang expression sa mga mata nito na palagi na lang seryoso. Pag-aalala ang naaninag niya sa mga mata nito. 

                Hinaplos nito ang pisngi niya. “Anong nangyari? Hinimatay ka ba?”  tanong nito habang nakatitig pa rin sa kanya.

                Ay hindi, nagsa-sun bathing ako eh ano? Tumango siya. “Medyo.”

                Inalalayan siya nitong makatayo. “Dahan-dahan lang baka mahilo ka uli.” Niyakap siya  nito mula sa likuran para alalayan naman siya sa paglalakad papunta sa pinakamalapit na bench.Feel na feel niya ang moment mayakap nito. Nang makarating sa upuan ay maingat siya nitong inalalayang makaupo.

                Nagulat si Erika sa kabaitang ipinakita ni Cholo sa kanya. Hindi naman pala ito ruthless. May puso rin naman pala ito. 

                “Hindi ka natulog dahil sa pinagawa kong work?”

                “Hindi po. Hindi ko kasi matatapos iyon kung natulog ako.”

                “Kumain ka?”

                Saka lang niya naalalang isang pandesal nga lang pala ang kinain niya mula pa kanina. “Konti.”

                Pumikit ito ng mariin at saka napabuntong-hininga. “Stay put. I’ll just get some food for you.” Tumayo ito at umalis.

                “Ate Yeka?” Saka lang niya napansin ang dalawang bulilit na  nakatingin lang sa kanya. Puno din ng pag-aalala ang mga mata ng dalawang bata. Mukhang mali ata na biniro niya ang dalawa na wala siyang malay kanina.

                Binuhat niya si Brian at isinampa sa bench pagkatapos ay binuhat din niya si Nica at kinalong. “Kiss nyo nga ako?”  Sabay na humalik ang dalawang bata sa magkabilang pisngi niya. Iyon ang eksenang inabutan ni Cholo. Isang tray ang dala nito na alam niyang may lamang pagkain.  Inilapag nito ang tray sa tabi niya at kinalong nito si Brian. Mukhang kilala din ito ng bata.

                “Matagal ka na dito, Sir?” usisa niya habang abala sila sa pagkain kasalo ang dalawang bata. All along akala niya ay hari ito, untouchable at hindi nakikisalamuha sa mga mahihirap. Ni hindi niya maiisip na makikita niya ito sa bahay ampunan na tulad noon at walang pakyemeng kumakain ng itlong na pula, tuyo at sinangag.

                “Mga three years na. Ako ang nag-aalaga sa magkapatid na ito tuwing Linggo.”

                Tama nga ang hinala ni Erika na ito ang pumalit sa kanya. Sabado kasi ang schedule niya na hindi pa nga consistent at ito naman ay Linggo kaya hindi sila nagtatagpo.

                “Ah, ako kasi nag-alaga sa magkapatid mula noong baby pa sila. Nag-lie low lang ako noong—”

                “Magtrabaho ka sa  Zeus-Apollo? Or rather noong ako ang naging boss mo?”

Tumango siya. “Pero pinupuntahan ko pa rin sila once in a while. Napamahal na rin kasi sa akin ang mga bata.”  Pinagmasdan niya ito habang abala sa pagkain ng pagkaing pang-dukha. “Alam mo Sir, mabait ka rin pala.”

Natigilan ito at kunot-noong binalingan siya. “Ano namang tingin mo sa akin? Demonyo?”

“Medyo!” nakangising tugon niya.

“You will never understand how hard it is to become a boss.”

“You will never understand how hard it is to be a slave employee.”

“The company is paying all of you well.”

“You can never have anything just because you have money. Marami kaming mga bagay na tinalikuran, manatili lang kaming nakatayo bilang slave employees mo. In my case, I give up these kids kahit labag sa kalooban ko.” Iba nga siguro ang dating ng puyat kay Erika. Napapa-emo siya ng wala sa oras.    

                Sa unang pagkakataon ay wala itong naisagot sa sinabi niya kaya siya na lang uli ag naglitanya.

                “Pero ngayon araw na ito, may tatlong pogi points ka sa akin, Sir.”

                “Huh?”

                “Kanina, nag-sorry ka at nag-thank you. That’s the first. Second, Inasikaso mo ako kanina at dinalhan mo pa ako ng pagkain. At third, inaalagaan mo ang dalawang batang mahalaga sa akin.”  Sinubuan niya ng sliced mango si Nica. “I therefore conclude, you’re not that bad. May puso ka naman kaso shy type lang. Alam mo kung ipapakita mo lang iyang kabaitan mo—”

                Nahinto siya sa paglilitanya nang subuan siya nito ng mangga. Alam na niya ang ibig sabihin no’n. Mag-shut up na siya.  Aapila pa sana siya nang makita niya itong bahagyang ngumiti bago tumungo. That was another rare scenario. Napangiti na lang din siya.


               
                NAGMAMADALING pumara ng jeep si Erika. Male-late na naman siya.  As usual kulang na naman siya sa tulog dahil sa patung-patong na trabahong itinambak sa kanya ni Cholo. Akala niya ay magbabago na ito matapos ang mga sinabi niya, ilang araw na nakikilapas pero nagkamali siya. Pagpatak ng Lunes balik hell pa rin ang buhay niya. At ngayong Huwebes na, siguradong naghahanda na namang magpa-take home work itong si Cholo. 

                Nang makasakay siya ng jeep ay may sumakap pa uli kasunod niya na umupo sa tapat niya. Nagkatinginan sila ng bagong sakay. Napamulagat siya, napanganga, napakurap-kurap. At napakusot pa ng mata sa pag-aakalang namamalik-mata lang siya dahil kulang siya sa tulog.

                “Miss Salazar, ako nga ito. Tama na iyang drama mo  at please, pakisara iyang bibig mo.” Dumukot ito sa bulsa at nag-abot ng bente. “Dalawa pong Zues-Apollo.”

                Nagulat siya uli. Anong himala ang nagaganap? Nakasakay sa jeep ang kamahalan ng Zues-Apollo at higit sa lahat, inilibre pa siya nito.

                “Sir, are you sick? Will I call the doctor very quick?” 

                Agad na kumunot ang noo nito. “What the hell are you talking about?”

                “Sir, hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayon? Headline ‘to. Mr. King of Aything, the god of Zues-Apollo, riding the public jeep with mere mortals.”

                “You really love talking about nonsense thing, don’t you?”

                “Oh! I love taking about nonsense things especially if the topic is you,” banat niya.  Muntik na siyang mapahagalpak ng tawa nang makita ang pagkainis sa mukha nito.

                “If you don’t have something nice to say just shut up kung ayaw mong sesantehin na kita ng tuluyan.”

                Napatikom naman siya ng bibig. Isinenyas pa niya ang kamay na tila gumuhit ng linya sa kanyang bibig. Okay. Shut up na siya kahit hindi niya forte ang tumahimik. Pero hindi rin siya nakatiis. Tinapik niya ang tuhod nito para lingunin siya nito pagkatapos ay inilapit niya ang kamay  sa mukha nito at sinimulang igalaw ang daliri na tila bibig na dumadaldal.

                Pinagtaasan lang siya nito ng kilay. “What?”

                Itinuro niya ang bibig na nakasara pa rin at sinelyuhan muli iyon. 

                Umiling ito. “Alright, you can talk now. Hindi na kita sisisantehin sa kadaldalan mo.”

                Ting! Daig pa niya ang nanalo sa lotto sa lapad ng ngiti niya. “Thank you sa pamasahe. Ang bait mo!” Bumaling naman siya sa dako ng driver.

                “Para!” Nagkasabay sila ng sambit. Napangiti siya at huling-huli na naman ng dalawa niyang mga mata na ngumiti rin ito. Isang rare scenario na naman ang nakita niya.

                Tahimik na silang dalawa nang pumasok sila ng university. Nagsalita lang ito uli nang papasok na sila sa administrative offices.

                “Ipagtimpla mo ako ng kape,” utos agad ni Cholo.

                Mula noong pinagtimpla niya ito ng kapeng “may baygon” ay siya na lagi ang nagtitimpla ng kape nito. Nabawasan ng trabaho ang personal secretary nito. 

                “Sure, Sir. With Lysol or Formalin?”  nakangiti ngunit nang-aasar na tanong niya.

                “You really want to be fired for real, don’t you?”

                Ngumiti siya ng matamis. “I do.”

                “You do?”

                “Cherish you, Sir!” hirit niya sabay kindat.

               “You’re crazy!” nailing na sambit nito. “Wag mo akong akitin.  I don’t prefer typical woman with invisible humps in respective areas! Hindi ko rin type ang madaldal, maingay at opinionated na tao, at lalong higit sa lahat, hindi ko type ang babaeng hindi mukhang babae.” Tiningnan pa nito ang ulo niya. “Magsuklay ka bago ka pumasok sa office ko.”  In a snap lumayas na ito. Naiwan na naman siyang naisahan tulad nang una nitong matikman ang kape niya.

                Kapal ng mukha. Akala mo kung sinong gwapo. Oo na, gwapo nga, mukhang bading naman sa sobrang ganda!

                Pinagtimpla niya ito ng kape. As usual, may orasyon na kape. Ma-in love ka sana sa akin hukluban ka. Ako ang karma mo, makikita mooooo! Hindi na niya isinatinig iyon at baka mabisto na naman niya. Tutal naman, the game of destiny was still on. 

                Dala ang kape ay nagtuloy siya sa office nito. Kumatok muna siya at hinintay na sabihin nitong pwede na siyang pumasok. May ganong arte pa talaga. Wala eh, ganon talaga pag hari. Pagpasok niya ng office ay naabutan niya ang ama ni Cholo. May pinag-uusapan ang mag-ama.

                “Wala pa, Dad. Wag po kayong aburido.”

                “Iyong mga kaibigan ko may mga apo na. Ikaw ni girlfriend wala pa. Manligaw ka na anak. Bawasan mo iyang pagkasuplado mo para may ma-in love sa’yo,” sambit ni  Sir Choco, ang orihinal na may ari ng Zues-Apollo.

                Bumati muna siya dito. “Good Morning po, Sir.” Pagkatapos noon ay saka niya inilagay sa mesa ang kape ni Cholo. “Sir, Choco kayo po, gusto nyo po ng kape?”

                “Hindi na ako mahilig magkape ngayon. May gatas ba diyan, hija?” nakangiting tanong nito. Buti pa talaga ang ama ng boss niya, marunong ngumiti. Pero itong boss niya, ginto ang presyo ng ngiti.

                “Meron po, sandali lang po at ipagtitimpla ko po kayo.” Aalis na sana siya nang magtanong ang ginoo.

                “May boyfriend ka hija?”

                Umiling siya. “Wala po.”

                “Gwapo ba ang anak ko sa paningin mo?”

                Nilingon niya ang napapakunot ang noo niyang boss. “Oo, pogi naman po talaga ang anak nyo.” Defective nga lang ang ugali.

               “Free ka ba mamayang gabi?”

                “Po? Sir, kayo ha. Magagalit si Ma’am Loise. Nagde-date kayo ng ibang babae na mas bata,” biro niya.

                “How could you say that to my Dad?—” Nahinto ang pag-alma ni Cholo nang tumawa ng malakas ang ama nito.

                “Erika, hija. Hindi ka pa rin nagbabago.  Joker ka pa din. You have a date tonight. Gusto kitang maging manugang!”   

                “What?” korong bulalas nilang dalawa. Napamulagat pa si Ericka. At kelan pa nag-play cupid ang dati niyang boss na mahigpit na nagbilin sa kanilang bawal ang magkarelasyon sa isang department?

                “Dad, I will not date her!”

                “Don’t say it in front of a woman. Nakakasakit iyan ng damdamin ng babae, alam mo ba iyon, Suencho Loidy? Hindi ganyan ang asal na tinuro namin sa’yo ng mama mo. Magpapa-reserve ako ng restaurant. You two have a date tonight. Subukan nyong wag siputin iyon, I’m gonna charge you triple of the expenses.” 

                Nang marinig iyon ay lalong nag-alala si Erika. Nag-iipon na kasi siya ng panlibre sa barkada niya pa-Hongkong. Hindi niya carry ang makaltasan ng sweldo ngayon.

                “Hoy, wag mo akong iindiyanin mamaya!”

                “Wag mo akong mahoy-hoy! Amo mo ako!” Binalingan uli nito ang ama na pangisi-ngisi lang. “Dad, I can’t date this woman for God’s sake!”

                Aba! This woman? Ganon lang ako? Majombagan ko kaya ito para masaya. “Lalong ayokong kong maka-date ka, hindi ko lang keri ang makaltasan ng sweldo, no way!”

                 “If I know, gustong-gusto mong maka-date ako. Pero sorry ka, mas gugustuhin ko pang tumanadang binata kesa i-date ka!”

                Napailing siya. “Sir, hinay-hinay sa confidence. Hindi lahat ng babae maaakit sa mukhang mong ubod ng pogi  na konti na lang mukha ka ng babae, sa abs mong perfect na parang ang sarap hawakan, sa mga braso mong masarap yumakap  at sa labi mong mapula  na… na kissable!” Binelatan niya ito. “Hindi ko type iyan lahat! Lalo na ang napakaganda mong ugali! Sa sobrang ganda naging labs na labs tuloy kita. Labs na labs kitang isumpa!”  Asar na asar na mega-litanya niya sabay walkout.  Ang huli niyang narinig mula sa loob ng office ay ang pagtawa ni Mr. Choco.

                 Sumusobra na talaga si Cholo. Babae naman siya ah. At take note, magandang babae. Bakit ba ayaw na ayaw nito sa kanya? Niloloko lang ata ako ni tatay pag sinasabi niyang maganda ako

                Pero hindi niya matanggap na harap-harapan siyang tinatanggihan ni Cholo. Kahit wala siyang gusto dito, masakit iyon sa pride niya.  Sa halip na sa office ay sa soccer field ng unibersidad siya nagtuloy. She definitely needed to release the anxiety she has within. Dahil kung hindi niya iyon mailabas kahit man lang sa soccer ball, baka mapatay na nga niya ang boss niya kahit hindi siya mamamatay tao.

                “Oy! Pwedeng palaro?” sambit niya sa team captain ng varsity team ng unibersidad. Soccer lang ang pang-alis niya ng stress at dahil ilang taon na siya sa university, nakagawian niyang kaibiganin ang team captain at coach ng soccer team.

                “Sure, ate!”

                Hindi na niya pinansin na doll shoes lang ang suot niya at may iniwan siyang tambak na trabaho. Wala na rin siyang pakialam kung mawalan siya ng trabaho. Nasaktan siya kahit hindi niya talaga alam kung bakit. Asar lang ba? O hindi niya talaga  matanggap na hindi siya type ni Cholo?

                “Pakialam ko kung hindi mo ako type, wala naman akong gusto sa’yo ah!”

                “Ano iyon ate?” usisa ng  estudyanteng kalaro niya.

                “Ay wala, wag nyo akong intindihin!”  Ipinasa sa kanya ang bola ng ka-team niya.  Pagkakataon na niya iyon. Inisip niyang ang bola na iyon na kino-control niya para sipain sa base ay ang ulo ng mayabang na si Cholo.

                “Ikaw lalaki ka, ang kapal ng fez mo! Feeling mo ha. Ma-feeling ka talaga!”

                “Miss Sala—”

                “Eto ang bagay sa’yooooo!”  Sinipa niya ang bola ng ubod ng lakas pero dahil may tumawag sa pangalan niya mula sa kung saan ay medyo lumihis ang sipa niya sa target base. Nakita na lang niyang sumapul sa noo ng lalaking kanina pa niyang kinaiinisan ang bola at bigla itong bumagsak. Na-knockout ata.

                “Sir Cholo????”  Naku patay ako! 

                Agad niyang nilapitan ang nabiktima niya.  Natakot siya nang wala itong malay. Tinapik niya ang pisngi nito. “Sir Cholo! Naku, Sir sorry po! Ano ba kasing ginagawa mo sa gitna ng soccer field?” Hindi ito nagre-response.  “Sir! Sir Cholo! Wag mo akong iwaaaaaannn! Hindi mo pa ako nai-increase-an sa sweldo eh! Waaaagggg Sir, please don’t leave me and break my heart!” OA na litanya niya sabay yakap dito.

                “M-matapos mo akong tamaan ng bola, may gana ka pang magpaka-OA diyan. You’re one of a heck crazy woman.”

                Nagulat siya nang magsalita ito. Hindi naman pala nahimatay. Nabigla lang  pala. Sayang!  “Sir!” Inalalayan niya itong makaupo.  Napakapit ito sa balikat niya. “Sir, gusto nyong magpa-ospital o magpa-reserve sa sementeryo?”

                “Shut up! Wag kang maingay lalo na ngayong nahihilo ako.” 

                Bigla siyang nag-alala kaya isinandal niya ang ulo nito sa balikat niya. “Sige, Sir. Mag-moment ka muna diyan, pag okay ka na sabihin mo lang, dadalhin kita sa clinic. Sorry ha, hindi kasi talaga kita nakita.”

                “May araw ka rin sa akin, Miss Salazar. Makukuha mo mamayang gabi ang hinahanap mo!” may bantang sambit nito.

                Naalala niya ang dati nitong sinabi na sa susunod na pagtangkaan niya ang buhay nito, makikita niya ang hinahanap niya.  “Sir anong gagawin mo sa akin? Ikukulong mo ako? Ihahagis sa bulkan? Pababayaan sa kalsada ng walang pera? Isasabit sa San Juanico Bridge? Ibebenta ng buy one take one? Sir, wag naman, Sir.”

                Ngumisi lang ito at biglang tumayo. Ni hindi ito nagpaalalay na tila hindi tinamaan ng bola. Mukhang nag-inarte lang ito kanina para yakapin niya. Eh? Ilusyunada, ‘te?

                Nagulat na lang siya nang masuyong haplusin nito ang pisngi niya habang nakatitig ito sa kanya. Tumutunaw, nanunuyo, at  nang-aakit ang mga titig na iyon na bigla na lang nagpabilis ng tibok ng puso niya. “You’ll see tonight. Don’t be late. Ayokong napupurnada ang bawat segundo ng dates ko.  8pm, Senang Hati.”  masuyong sambit nito sabay haplos nito sa buhok niya hanggang sa hawakan nito ang balikat niya. “See you, later!” Pagkatapos noon ay iniwan na naman siya nitong natutulala na lang. 

Hindi kaya…..waaaah ayoko pang ma-reyyyyyyyppp!


TAHIMIK at panay lang ang inom ni Erika ng iced tea habang nasa iisang mesa sila ni Cholo sa loob ng Senang Hati Music Lounge. Kagagaling lang nila dining area ng bar and restaurant na iyon at ngayon nasa malapit sa stage area na sila. Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan siya. Hindi niya alam kung natatakot ba siya sa pagtatangka nito sa buhay niya o  nae-excite siya. Reyp? Nae-excite kang ma-reyp niya, Erika? Aba ibang klase ka na talaga!, sita niya sa sarili. Dahil sa naisip ay  napalunok pa siya kaya uminom na lang uli siya ng iced tea. Nang ibaba niya sa mesa ang baso ay saka niya napansing matamang nakatitig lang pala sa kanya si Cholo. Gaano katagal na kaya itong nakatingin sa kanya?

Umiwas siya ng tingin at bumaling sa stage. On stage ang Karisma Band, ang banda ng sikat na commercial model actor na si Hamiel Catacutan at ng humored girlfriend nitong si Limien Rose Ferrer na isang sikat na pianist. The band was performing an ancient Christina Aguilera and Ricky Martin song, Nobody Wants To Be Lonely. Pawang nagpaparinig ang kantang iyon sa kanila.

Nobody wants to be lonely. Nobody wants to cry. My body’s longing to hold you. So bad it hurts inside. Time is precious and it’s slipping away. And I’ve been waiting for you all of my life. Nobody wants to be lonely so why…why don’t you let me love you….

“There’s a miracle happening in front of me today,” basag ni Cholo sa katahimikan nilang dalawa sabay inom ng SanMig Light.

“Sir?”

“Tahimik ka. And that’s unusual. Sayang pa naman iyang effort mo sa pag-aayos ng sarili mo.You are pretty tonight pero parang may ibang kaluluwa diyan sa katawan mo. What’s wrong? Masama ba pakiramdam mo?”

Napangiwi siya. Mukhang nagkapalit nga silang dalawa. Naging tahimik siya at medyo naging madaldal ito. Napansin niya ang SanMig Light. Nakakailang bote na ito. Dumadaldal ito pag nakainom. At nanghahalik pag tulog. Wala sa sariling natikom ni Erika ang bibig. Balak ba nitong malasing para makatulog agad at mahalikan siya uli bilang parusa sa pagtatangka niya sa buhay nito? Weh? Bakit kailangang makatulog pa eh pwede naman niya akong halikan ng live na live?

“You are really acting so weird. Kinakabag ka ba?”

Umiling siya. “No, Sir.”

“Then why are you like that? Afraid of my punishment or excited?”

“May paparusahan bang  nae-excite pa sa halip na matakot?” sagot niya.

May milagro nga ang langit dahil sa unang pagkakataon ay nakita niya itong ngumiti. A full cherished smile that reached his eyes. “That’s the Erika Claudia Salazar I know. Welcome back to your own self. Cheers!”  Iniangat nito ang boteng hawak sa kanya at sa lumagok. 

“Okay guys,  we are now opening the stage for free jam. Pwedeng pwede nyo ng pagsamantalahan ang Senang Hati stage.”

 The crowed laughed. Requirement nga siguro sa perfomers sa mga music lounges ang magkaroon ng humor sa katawan just like the papable Hamiel Catacutan on stage. 

“Who wants to take first?”

Sa gulat ni Erika ay nagtaas ng kamay si Cholo.

“Oh, Mr. Cholo Sandoval!” 

“Not me.” Itinuro nito si Erika. “This girl.”

“Ako?”

“First punishment. You have to earn the crowd, lady.”

Balak ata siyang ipahiya nito pero hindi siya papatalo. “And what if I did?”

He grinned. “You’ll earn your reward.”

Naglakad na si Erika papuntang stage.  Napangiti pa siya nang alalayan siya ni Hamiel paakyat. Aba, ang beauty niya bumobongga at inalalayan pa siya ng gwapong artista. 

“Pwedeng agawan kita ng role? Sa akin muna acoustic guitar mo?” hirit niya kay Hamiel.

“Sure no prob, basta lalong pasisikatin ng mama mo ang banda namin sa columns niya,” biro din nito sabay bigay sa kanya ng gitara nito. Ang kanyang ina ay isang columnist sa isang Celebrity Magazine.

Sinabi niya sa Karisma Band ang kakantahin niya para kung gusto nilang maki-join ay makakasunod sila.  Madalas siyang nakiki-jam sa mga ito tuwing maliligaw siya sa Senang Hati. She faced the crowd and set her eyes to the only man who has the nerve to shiver her senses. Bago matapos ang kantang ito, mahi-hypnotize ka na. Mai-in love ka na sa akin, makikita mo. She grinned and started strumming the guitar and singing Terrified.

“You, by the light is the greatest find. In a world full of wrong you’re the thing that’s right. Finally, made it through the lonely to the other side...”  Hindi niya ang mga matang nakatitig sa mga mata ni Cholo. Oo na sige na aaminin na nga niya na mula noong mahalikan siya nito ay tila nagbabago ang impression nito sa kanya. She wanted to see him constantly. Mas madalas niyang gustong asarin ito. At kahit mag-deny siya, alam niya ang dahilan. Malapit na siyang mahulog dito.

“You set in again, my heart’s in motion. Every word feels like a shooting star. I’m at the edge of my emotions watching the shadows burning in the dark. And I’m in love. And I’m terrified. For the first time and the last time in my only life…”

Sumakto rin ang kantang napili niya sa tunany niyang nararamdaman. Evrything in her was new. Nagkaboyfriend naman siya noon ngunit ang binatang dahilan kung bakit nasa stage siya ngayon ng Senang Hati ay nagbigay sa kanya ng kakaibang damdamin na tanging dito lang niya naramdaman. Am I falling?

Natapos ang kanta, inulan siya ng palakpakan at papuri. She passed the punishment.  Bumaba siya ng stage. Naabutan niya si Cholo na nakapikit na tila tulog.  Kumabok ang puso niya. Tama ata ang hinala niya. Kiss ang reward niya. 

Gusto niya na ayaw niya kaya natagalan pa siya bago siya umupo sa dati niyang puwesto. Mataman niyang pinagmasdan ito. Nalasing na ata ang loko. Paano sila uuwi?

Nilapitan niya ito. “Sir, lasing ka na ata. Uwi na—”

Nagulat siya nang kabigin siya nito at tulad ng unang nangyari ang eksenang iyon sa kanilang dalawa, hinawakan nito ang batok niya at saka siya masuyong hinalikan. His sweet kisses were telling her so many things that she couldn’t believe. May gusto rin kaya ito sa kanya?

No! I should be the player not him. Siya ang may hidden agenda dito hindi vice versa. Siya dapat ang maglaro. She started her game by kissing him back. Pero nagulat din siya sa nangyari. Ang itinugon niyang halik ditto ay may halong pagmamahal, pagkalinga, at pagnanais na maging nag-iisang babaeng hahagkan nito nang ganoon.

“What are you doing to me, Miss Salazar? I never thought that having you this close will make me feel so light and wanting you for more,”  bulong nito sa kanya sa pagitan ng halik.

Doon na natauhan si Erika.  May balak nga itong hindi maganda sa kanya. Bumitaw siya dito.  A certain fear covered her heart. She remembered someone. Ang lalaking naging manliligaw ng kaibigan niya na muntik ng sumira ng buhay nilang tatlong maria ng barkada.

Kahit pa siguro may gusto siya kay Cholo ay hindi siya makakapayag sa gusto nito. Hindi pa siya handa dahil bihadong maaalala niya ang harassment na ginawa sa kanya ni Karl Torrejos. Siya ang muntik nang maging unang biktima nito sa kanilang magkakaibigan ilang taon na ang nakakalipas.

 Bigla siyang bumitaw dito at itinulak ito. “G-gusto ko ng umuwi,” sambit niya.

Hinaplos nito ang pisngi niya habang mataman siyang tinitigan. “Is there something wrong? Namumutla ka, okay ka lang.”

“You know, I won’t give you more than that kiss. Gusto ko ng umuwi!” Hindi niya napigilan ang mapaiyak. “Please, maawa ka sa akin, gusto ko ng umuwi—”

Bigla siya nitong niyakap. “I’m sorry. Tahan ka na. I didn’t mean anything bad, Erika. Wrong choice of words, I’m sorry. It’s not really what I mean of what I said. Oh crap, I don’t know how to explain.” Masuyong hinalikan nito ang noo niya. “Ito muna sa ngayon. I’ll take you home.” Muli siya nitong niyakap.


PREVIOUS                                                            NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…