Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2- Kissing Mr. King of Anything- Part 3





“Sunset, gaano kalaki ang percentage of chance na babalikan kami ni Karl?” tanong ni Erika sa kaibigan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari noong isang araw. Magkakasama silang magkakaibigan nang tawagan ni Karl si Apple. Simula na talaga ng kalbaryo nila. Hangga’t malaya si Karl, nanganganib sila.

Kasalukuyan siyang nasa painting studio ni Sunset sa tapat lamang ng Zues-Apollo University. Lumabas siya saglit para iwasan si Cholo. Tila mula nang mangyari ang eksena nila sa Senang Hati ay hindi na sila masyadong nagpapansinan. Talagang iniiwasan niya ito at marahil nakahalata rin ito kaya naman hindi na siya nito masyadong hinaharap. Pag tatambakan siya nito ng trabaho, pinapadala na lang nito sa sekretarya nito ang mga papeles at sa secretary na rin siya nag-iiwan ng documents. Iwasan mode. Bakit kaya? Pinagsisihan kaya niyang hinalikan niya ako?  Napapatulala na lang tuloy siya ng wala sa oras.

“Malaking-malaki, Erika. But don’t worry, Code Black Security is on alert to guard you as well as Apple and even Icee. Kaya Erika—uy Erika nakikinig ka pa ba o nasa kabilang ibayo ka na ng planeta?”

“Huh?” maang na nilingon niya si Sunset na nakangisi lang sa kanya. “Sorry.”


“Hmm, bakit hindi ko nga naman naisip agad. May ginawa ba sa’yong rated PG si Cholo?”

“W-wala!” Agad siyang kinabahan. A flash of the latest kissing scene with Cholo popped out from her imagination.  

“Wala?” Nilapitan siya ni Sunset at inabutan siya ng salamin. “So, may masakit sa’yo at namumula ka ng ganyan? You want me to call my mama to check if you’re just alright?” He teasingly smiled. Bistado na siya.

Ibinato niya ang salamin sa katabing mesa at binelatan si Sunset. “I hate you, Sunset!” Then she went out of his studio. Narinig pa niyang tumawa lang si Sunset.

Obvious na ba ako? Bakit nahalata ako ni Sunset? Waaaaah! Ayoko na suko na ako!!!

Bumalik siya sa university at agad tumuloy sa office. Nagulat na lang siya nang pagtinginan siya ng mga kaopisina. Ang ilan ay sumesenyas pa sa swivel chair niya.  Anong problema ng mga ito? May sawa na ba sa swivel chair ko?

Napanganga na lang siya nang makitang nakaupo sa swivel chair niya si Cholo at ginagawa ang report sa computer niya. Patay, mukhang may nakahandang three pages sermon siya sa pagtakas sa trabaho.

Biglang tumigil si Cholo sa pagta-type at binalingan siya. “You’re here. I thought you will not be able to finish the report so I did it for you.”

“Ah eh, Sir—”

“You don’t have to explain,” pakli nito. Pagkatapos ay tumayo ito at kinuha ang atensyon ng lahat. “I have an important announcement.”

All ears and all eyes agad sila sa boss na ito. Medyo dumistansya pa nga si Erika dahil baka magbuga ng apoy ang boss niya at siya ang malasing unang mabugahan.

Tumingin ito sa wrist watch at muling bumaling sa lahat. “As of this time, ten in the morning, I want all of you to stop working.”

“Ha?” Napanganga si Erika kasabay ng iba. Anong ibig sabihin noon? Wala na silang trabaho?

“O, bakit ganyan ang mga itsura nyo? Ayaw nyo ng day off?”

“Sir, day off? Hindi mass termination?”

“Miss Salazar, hindi pa ako nasisiraan ng bait para mawalan ng magagaling na employees tulad nyo. Anyway, I have three important good news for you. First I’ll increase your salary with 5%. That’s for keeping the good work. Second, you don’t have to work today. Let’s forget about work and unwind today. I’ll treat you lunch later and we will go somewhere to have some bonding moments.”

Gulat na gulat ang lahat. Paran may milagrong nagaganap. At parang hindi si Sir Cholo na monster boss ang kaharap nila. “Sir?”

“What again, Miss Salazar?” kunot na ang noo nito sa pangi-istorbo niya dito. 

 Alanganing ngumiti siya. “Ah, wala po. Please continue.”

Tumaas ang kilay nito bago muling balingan ang lahat. “Alam ko kasing hindi gaanong transparent ang relasyon natin sa isa’t isa. So I decided to take an action. I want to know each and everyone of you more and I want all of you guys to know me better. So this is our unwind day. Forget about the work, let’s get back to it on Monday. Is that fine with you?”

“Fine!” sagot ni Erika. “Ay Sir, you’re so cute. It’s very very fine.”  Nag-peace sign lang siya nang tiningnan uli siya nito nang masama.

“The third good news is, I’m going to try my best to be a nice and kind boss. Really, I’m sincere so I hope you will give me chance.”

“Yes, Sir.”

“Alright. So, finalize whatever you are doing now. Save files and print documents. See you at the lobby after an hour.”

“Thank you, Sir!” bati ng lahat sa kabila ng pagka-curious kung anong nangyari at biglang bumait ang boss nila.

“See you later then.” Bumaling ito sa kanya. “I have to talk to you for a while. Sumunod ka sa office ko.”

“Yes, Sir.”

Few minutes more, lumabas na ng opisina si Cholo at awtomatikong nagsibulungan ang mga staff.

“Totoo ba iyon, o pare-pareho lang tayong nananaginip?” tanong ng isa.

“Erika, i-confirm mo nga kung totoo iyon.”

“Oo na sige na. Nagtataka din ako eh. Baka may nakaing maganda ang boss natin. Aalamin ko para siguradong iyon ang aalmusalin niya araw-araw,” biro pa ni Erika bago siya lumabas ng office at nagpunta sa office ni Cholo.

Nagbitaw muna siya ng buntong-hininga bago siya pumasok sa office. Naabutan niya si Cholo na nag-aayos na rin ng gamit. Pinagmasdan niya ito mula sa pinto. Ang bawat kilos nito, ang mukha, ang lahat. Normal naman at iyon pa rin ang dating Cholo maliban na lang sa mukha nito. Tila mas maaliwalas iyon kesa dati.

“Come over, Miss Salazar. I won’t eat you alive,”  sambit nito.

Napilitan siyang lumapit. Imimuwestra nito ang upuan. Umupo siya at umupo rin ito sa swivel chair. For couple of minutes ay nakatitig lang ito sa kanya habang siya naman ay panay ang pag-iwas ng tingin.

“Regarding what happento us—”

“Wala akong naaalala, Sir. May amnesia ako.” Inunahan niya ito. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang nangyari na iyon sa Senang Hati.. “Sir, anong kinain mo kaninang umaga?” pagbabago niya ng topic.

“Huh? Typical tapsilog. Bakit?”

“Sir, pwede po bang araw-araw ka na lang kumain ng tapsilog para mabait ka sa lahat? Kasi alam mo parang may sanib ka ngayon. Parang may aura ka ng angel. Kung gusto mo ako pa gang gagawa ng aalmusalin mong tapsi—”

“Wag tayong maglokohan, Erika. Alam kong alam mo na ikaw ang dahilan kung bakit nagpapakabait ako,” sambit nito.

“Ha?” gulat na untag niya. Siya ang dahilan ng pagpapakabait nito? Aba, effective ang sumpa ng kape?

“Alam ko hindi mo ako nage-gets,” asar na sambit nito. “How could I fell in love with someone like you?” pabulong na sambit nito.

“Ha?” hindi niya naintindihan ang binubulong nito.

“Nothing. Sige na, go back to your place and fix your things.”

Napapakamot sa ulong tumayo si Erika. Parang walang kwenta ang usapan nila. She was about to went out of the office  when something came to her mind. “Sir, mabait ka pa rin ba hanggang ngayon?”

“Anong klaseng tanong iyan, Miss Salazar?”

“Eh, baka kasi may expiration date iyang kindness mo eh.”

“Ay oo, sige lalagyan natin ng expiration date ang pagiging mabait ko pero sa’yo lang applicable. Fine with that?”

Napangiwi siya. Nagsusungit na naman at mukhang napapagtripan na naman siya. “Ah, pwede bang makahingi ng pabor bago ma-expire ang kabaitan mo?” She smiled. Iyong ngiting nagpapakyut.

Kumunot ang noo nito. “Depends upon your logical reason behind the favor,” sambit nito.

Tseeeee! May paganon-ganon pa? “Will you be my date on Sunday?”

“Kahit mabait ako hindi pa ring tamang nakikipag-flirt ka sa boss mo.”

“Hoy I’m not flirting with you. I just need you. So ano, makikipag-date ka ba o hindi?”

Rolleyes. Aysus, ang hirap paliwanagan. Ang daming arte!

“Depends. Bakit mo ako niyayang mag-date?”

“Ikakasal ang Ninang at Ninong ko on their 25th wedding anniversary sa Linggo. I need you to be my date.”

“Why me?”
           
           “Ah…eh…” Paano nga ba niya ipapaliwanag ang kalokohan nilang magkakaibigan? “Dahil ikaw ang destiny ko.”

               “Ano?”

                “Ah, ang ibig kong sabihin—Alright. May ikukwento ako sa’yo. Isang araw nagpunta ka sa Kofi Cups at bumili ng kape. Nagkataong nung araw na iyon pareho tayo ng kapeng iniinom. May katuwaan kaming ginawa ng mga kaibigan ko. Ryuji called it, same order game of destiny. We have to have progress with our target. May bet kaming binitawan. Unfortunately, ikaw ang target ko. I have—”

                “Iyan din ba ang dahilan kung bakit ka lumalapit sa akin?”

                Kelan ako lumalapit sa’yo? Ikaw kaya nagpapalapit sa akin! “Ah…”


                “I think it’s yes. Sorry. I won’t go with you. And don’t play flirting with me anymore.”  

Napanganga na lang siya at bagsak ang balikat na lumabas ng opisina.



WALA na akong magagawa…talo na ako nito. OMG, kelangan ko ng one hundred thousand para ilibre ang mga kaibigan ko. Saan ako kukuha ng ganon? Homaygaaaddd.

Natutulala na lang si Erika habang nakaharap sa salamin at nagme-make up. It was Sunday, kasal ng Ninong Kofi at Ninang Eloi niya at kamalas-malasan, hindi pinatulan ng kabaitan ni Cholo ang pagyayaya niya ng date.  Ngayon ay namomroblema na siya. Nakita niyang may maepal na tagihawat siya sa gitna ng noo. Napapalatak na lang siya. Ano vey?! Ang pangit ko nga siguro kaya binasted ako ni Cholo!

At mula noong araw na pinagtapat niya dito ang tungkol sa same order game of destiny, nagkatopak na naman ito at hindi na naman siya pinapansin.

Salamat sa inventor ng concealer at medyo hindi na halata ang pimples niya. She was done with her make up. Tumayo siya at tiningnan ang sarili mula sa life size mirror. Naka-gown siya dahil abay siya sa kasal.

Kumatok ang kanyang ina. “Anak, may bisita ka sa baba.”

“Andyan po si Sunset? Sige po bababa na po ako.”

“Hindi si Sunset, anak. Iyong boss mo.”

“Ano?” Bigla niyang binuksan ang pinto ng kwarto. Hindi na niya pinansin ang kanyang ina at dali-dali siyang bumaba ng hagdan para tingnan kung si Cholo nga ang dumating. At sa pagmamadali niya ay nadulas pa siya sa huling tatlong steps. “Ay!”

A loving arm held her. “Hey, Careful!”

Cholo managed to save her from falling. Inakbayan pa siya nito at inalalayan para makababa ng ayos sa hagdan. “Did you get hurt?” tanong nito sabay silip sa may binti niya na natatakluban naman ng mahabang gown. Then he rested his eyes on her.

Kumabog ang puso niya. Tulad ng dati, tila nanunuyo pa rin ang mga titig nito. “Ahm ah…yeah I mean no, I’m okay.” Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumanib sa kanya nang yakapin niya ito. “Thank you.  You’re my savior! Akala ko talaga hindi ka na darating.” Few seconds more gumanti ng yakap si Cholo.

Nasira lang ang moments nila ang tumikhim ang kanyang ama. Saka lang niya napansin na masama na ang tingin ng kanyang ama sa mga braso ni Cholo na nayakap pa sa kanya. Tila napasong naghiwalay silang dalawa.

“Anak, hindi mo sinabi sa akin na may susundo pala sa’yo ngayon.”

Unexpected kaya. “Ah…”

“Sir, she has no idea that I’m coming.”

“I see. Are you courting my daughter?” Sa unang pagkakataon ay nakita niyang seryosong-seryoso ang kanyang ama.

Maang na tiningnan siya ni Cholo bago nito binalingan uli ang kanyang ama. “No, Sir.”

“Okay. In case you have plans, I want you to court her at home, not outside our house and not even inside your office. Do I make myself clear, Mr. Sandoval?”

“I’ll take note of that, Sir.”

Natitigilan na lang si Erika dahil nalulukring na siya sa mga nangyayari. Binalingan uli siya ni Cholo at nahuli pa siya nakanganga. Agad niyang itinikom ang bibig nang kumunot ang noo nito.

“Are you done? Let’s go?”

Tumango lang siya. Nagpaalam siya sa mga magulang at few minutes more, nakasakay na sila sa kotse ng binata. Walang umiimik sa kanila hanggang sa si Erika na lang ang unang nagsalita.

“Bakit nagbago ka ng desisyon?”

“Ayaw mo ba? Sige, bumaba ka na at maglakad kang mag-isa papunta sa kasalan na iyon.”

“Bakit ba ang taas na naman ng blood pressure mo sa akin?” tanong niya.

“It’s none of your business, Miss Salazar.”

“Yeah, yeah right. Lagi naman eh.”

                Hindi na ito umimik hanggang sa makarating sila sa Hacienda Canilao. Nang bumaba siya ng kotse ay agad siyang sinalubong ng yakap ni Sunset. “Erika, baby!”

                “Uy, anong kalokohan ito, Sunset?” bulong niya. Nakita niyang kumunot ng tila ampalaya ang noo ni Cholo habang pinapanood lang sila.

“Shhh, may nilalagay akong device sa damit mo. May call mula kay Karl na natanggap si Tito Leo. We have to be ready any moment,” bulong nito sa kanya. After few seconds ay bumitaw na ito sa pagkakayakap kuno sa kanya at hinalikan siya sa noo. Sweet naman talaga lahat ng friends niya. Pero dahil siguro sabay-sabay silang lumaki, hindi siya nagkagusto ni nagka-crush sa mga ito. “Take care.”

“I will.”

Tumikhim si Cholo nang makalapit sa kanila. Agad namang nagpaalam na si Sunset. Naiwan na naman silang dalawa ni Cholo. At pumasok na sila sa venue.

“You’re really a heck of a flirt, huh?” he arrogantly commented. “I hate seeing my date flirting with someone else in front of me. That was so absurd.”

Sinamaan niya ito ng tingin. “Adopted child ka ano?”

“What?”

“Para kasing ibang-iba ang ugali ng magulang mo kesa sa’yo. Siguro sa aso nyong buntis ka nagmana ano?”  

“How dare you to say that?”

“And how dare you to insult a beautiful woman like me? Hindi ako flirt at hindi ko pine-flirt ang kinakapatid ko. And for your information, even though I think it’s really none of your business, Sunset has a girlfriend.” Itinuro niya ang tinutukoy. There, few meters away from them were Sunset and his special girl, Ayca Lazaro.

Nanahimik lang si Cholo habang siya naman ay badtrip na badtrip at slightly, nagtatampo. Mas okay pa sana kung hindi na lang ito sumipot. Baka mas naging maganda pa ang araw na iyon. Mas gusto pa niyang problemahin na lang ang ipanglilibre sa barkada kesa tantsahin kung paano pakikisamahan ang lalaking ito na at one-minute mabait, the next minute, nagsusungit.

Literal na walang pakialam ang naging trato sa kanya ni Cholo sa mga sumunod na sandali. Asar na asar na si Erika. Hindi man lang nito nagawang magpanggap na gentleman ito sa harap ng mga magulang niya at ng mga kaibigan at magulang ng kanyang mga kaibigan. Kumuha ito ng maiinom at hindi man lang siya inalala kung nauuhaw na siya. Asar talaga ang isang, ‘to!

Hindi na niya ito natiis. Hindi pa ito tuwirang nakakabalik sa tabi niya nang singhalan niya ito. “Cholo Sandoval, hindi kita pinilit pumunta dito. Kung napipilitan ka lang eh di lumayas ka na tsupi!”

               Kumunot ang noo nito. He was holding two glasses of pineapple juice. “I’m your boss! Who told you to call me by name?  I don’t remember that I permit you to do so. And who the hell are you to push me out on this event? Hindi nga ikaw ang may okasyon. You should have just thanked me for coming though I know it was just because of a petty game.”

                “Ewan ko sa pa-english English mo!” Napansin niya sa wakas ang dalawang baso na hawak nito. Inagaw niya ang isa. “Akin na lang ito!”

Walkout ang drama ni Erika. Punong-puno na siya at sawang sawa na siya sa trato nito sa kanya. Gusto naman niya sanang maging mas mabait ito sa kanya, iyong alagaan siya nito, iyong itrato siya nitong isang special na babae, katulad noong mga sandaling hinalikan siya nito sa kanilang one and only date, inalo, at inalagaan hanggang sa ihatid siya pauwi.

                Oo na aaminin na niya sa sarili niya. Gusto niyang maramdaman na hindi lang laro at pagsakay sa laro ang lahat. She wanted him to love her for real for she was having this weird fear that she was falling for him already.

                “Hey wait, Erika Claudia Salazar!” The way he shouted her name made her feel special. But she was already in the midst of confusion. Gusto muna niyang ituwid ang pag-iisip niya para ituro sa puso niyang hindi maganda sa kagandahan niya ang magkagusto sa  gwapong untouchable boss.

                Binalingan niya ito. A trace of guilt was covering his face. Tila natauhan na ito sa pambabara nito sa kanya. “I’m just your poor employee. And by the way, who told you to call me by name?  I don’t remember that I permit you to do so!”  Walkout again. Ang totoo, gusto niya ang pakiramdam niya ngayon na hinahabol siya nito. Sa mga ganitong sandali lang niya nararamdamang may halaga siya kay Cholo kahit bilang madaldal na empleyado man lang.

                Dinala siya ng kanyang mga paa sa garden kung saan walang masyadong tao. Naramdaman niyang lumapit sa kanya si Cholo pero hindi siya lumingon. Hinintay lang niya kung magsasalita ito.

                He didn’t. Sa halip na magsalita ito ay naunang yakapin siya nito mula sa likod niya na talagang ikinagulat niya at ikinakabog ng puso niya.

                “I’m sorry. I’m always out of good words whenever I feel bad and whenever I’m with you. You’re taking my conscious mind away kaya kung anu-ano na lang palagi ang nasabi ko.”

                “Yeah, dahil mainit ang dugo mo sa akin.”

                “No.”

                “So why?”  

                Bumitaw ito ng yakap sa kanya at hinarap siya. He held her hand and stared at her in his most sincerest way. Hindi makapaniwala si Erika. It wasn’t look like for real. Baka naman napapaganda lang ang ilusyon niya. Baka naman hindi totoo ang Cholo na kaharap niya ngayon.

                She tried to squeeze his hand tight.

                “Aray!” Napasinghap ito. And that made her believe that he was real. “Ikaw ata ang mainit ang dugo sa akin ah.” Napabitaw tuloy ito sa kanya at hinilot nito ang kamay at nanahimik na lang muli.

                “Wag mo na lang sagutin ang tanong ko kung mapipilitan ka lang mag-reason out, Sir. Tama ka naman, I’m just your employee. That’s all. Bumalik na tayo roon at baka magsimula na ang kasal.”

                She turned away and walked when he held her arms to stop her from leaving. “Though I don’t know the reason why, I’m jealous whenever he’s with you.”

                Maang na binalingan niya ito sa pag-aakalang nagbibiro lang ito o nagsisimula na namang mang-power trip. Ngunit walang nagbago sa mga mata nitong sincerity lamang ang pinapakita.

               Nakakagulat. Ang taong alam niyang kayang bigyan lahat ng bagay ng rason, suddenly umaming wala itong makitang rason sa nararamdaman nito sa kanya.

                “Then find your reasons, Sir.”

                Tahimik na ang mga sumunod na sandali habang ginaganap ang kasal at natapos iyon. Inabot na sila roon ng late evening at tanging ang pamilya na lamang ng mga magulang nilang magkakaibigan ang naroon. Other guests were all gone.  

                 She got some few moments to spend with her friends. Medyo matagal na niyang kakwentuhan ang mga kaibigan nang mapansin niya si Cholo na nasa garden lang sa di kalayuan, nakaupo sa damuhan at tila pinapanood lang  ang mga isda sa malaking fish pond. Nagpaalam siya sa mga kaibigan at nilapitan ito.

                “Sir, malamig na diyan sa labas. Pagod ka na ba? May rooms naman doon sa loob. Pwede mo munang gamitin iyong naka-reserve na room para sa akin para makapagpahinga ka. Masyado na kitang naistorbo ngayong araw na ito. Kahit iyon man lang maibawi—”

                “Aampunin ko na sina Brian at Nica. Nakapagdesisyon na ako. I want them to be my children legally,” sansala nito sa sasabihin pa niya.

                Natigilan siya. Malalayo na ng tuluyan sa kanya ang dalawang bata pag nangyari iyon. “Teka lang.  Bakit parang biglaan naman iyan?”

                “Hindi ito biglaan, Erika. Noon ko pa gustong maging legal kong mga anak ang mga bata. Wala pa lang ako sapat na dahilan noon para ituloy iyon. Pero ngayon, handa na ako. Handa na akong maging ama nila.” 

                “Ginagawa mo ba ito para gantihan ako or something o para lalo akong pahirapan? Sir Cholo, mahal ko ang mga bata!”

                “Alam ko. Pero pareho lang tayong walang karapatan sa kanila mula sa simula. Gusto ko ng magkaroon ng karapatan sa kanila para mabigyan sila ng magandang buhay.”

                “No, hindi pwede! Ako lang ang dapat maging magulang ng mga bata!” Isa iyon sa mga pinaghahandaan niya, emotionally at financially dahil nasa plano rin niyang ampunin ang mga bata once na maging qualified na siya.

                Seryosong binalingan siya nito. “I’m not asking for your permission. I’m just telling you my plans.” Tumayo ito at muling hinarap siya. “Isipin mo na lang na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang dalawang bata sa akin.”

                “No! Ewan ko sa’yo! Ilalayo mo sila sa akin alam ko! Sige ampunin mo sila, and I will hate you more for taking them away from me!” magwo-walkout na sana siya uli nang may naisip siyang sabihin. “Salamat sa pagpunta mo rito.  Pwede ka ng umuwi. Sasabay na lang ako sa magulang ko.”

                “Okay, take care then.”

                The nerve! Basta ganon na lang iyon? Asar na asar na siya nang mag-part ways sila. Siya ay bumalik sa loob ng villa kung saan naroon ang mga kaibigan at si Cholo ay naglakad na rin sa lugar papunta sa parking lot.

                 Her phone rang. Basta na lang niya iyon sinagot.

                “Kamusta ka na, Erika?” Natigilan siya. Ang boses na iyon. Ang boses ng taong kinakatakutan niya.

                “Karl…”  Wala sa sariling napahawak siya sa kwintas niya na may signaling  device.

                “O, bakit ka natitigilan? Sobra mo ba akong na-miss?” sarkastikong tanong pa nito. “You are so pretty tonight. Ang sarap mong lapitan ngayon but I know I’m a little in danger if I will.”

                “What do you want?” nagmamatapang na tanong niya sa kabila ng takot. Malakas ang kutob niyang nasa paligid lang si Karl at nakamasid sa kanya.

                “I want to get what I supposed to get before you and your bullshit friends threw me in jail. I have to get you. Pero bago ang lahat, papahirapan muna kita, Erika.”

                “Ano bang gusto mong mangyari ha? Tigilan mo na kami!”

                Tumawa lang si Karl. “Hindi ito ang oras para tigilan ko kayo. Listen. May bomba sa loob ng Hacienda Canilao ngayon. Ang isa ay nasa iyong ama at ang isa ay nasa boyfriend mong hilaw. Sabay na sasabog ang bombang iyon—”

                Hindi na niya ito pinatapos. Hindi na rin siya nag-isip pa. Agad niyang hinanap ang kanyang ama. “Tatay!”

                “Oh, bakit—”

                “Akin na ang cellphone nyo!” natatarantang sambit niya. “May bomba ang cellphone nyo! Akin na!” Batid niyang pinakamalapit ng device na magagamit for explosives ay cell phone

                Inilabas nito mula sa bulsa ang cellphone at nakitang may timer na nga. Thirty seconds.

               Doon nalito si Erika kung anong gagawin sa cellphone. Dahil sa commotion ay nagsidatingan na rin ang mga kaibigan niya.

                “Wala ng oras, itapon mo sa tubig, Erika!” sambit ni Ryuji.

              She did pagkatapos ay tumakbo sila palayo sa fish pond. In just a snap sumabog ang pinagbatuhan niya ng bomba. 

                Napaiyak na siya habang yakap ng mga magulang. Muntik ng mawala ang mga magulang niya sa kanya.

               “Tahan na, anak,” pag-aalo ng kanyang ama sa kanya.

                Then they heard another blast of bomb. Doon lang niya naalala ang sinabi ni Karl na may bomba din ang cellphone ng boyfriend niyang hilaw.

                “Si Cholo!”

                Umiiyak na tumakbo siya papunta sa parking lot. Hindi! Hindi pwede! Nailigtas nga niya ang magulang niya pero mawawala naman ang taong pinakamamahal niya. Hindi iyon fair para sa kanya.

                Isang kotseng nagliliyab na lang ang naabutan nila.

                Binalot na ng sobrang takot ang puso niya. “Oh, no. I’m sorry, Cholo!” Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na lang. Nanlumo siya at napaupo na lang sa damuhan habang umiiyak na pinapanood ang nagliliyab na kotse habang ang ibang mga tauhan ng Code Black ay sinusubukang patayin ang apoy.

                Naghiwalay sila ng hindi maganda ni Cholo kanina lang. Kung alam lang sana niya na may mangyayaring ganito, hindi na lang sana siya nagsungit pa.

                Niyakap siya ng tatay niya. “Tatay, hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang idamay siya dito. Hindi pa niya alam na mahal ko na siya.”

                “It’s not your fault, baby.”  Hinalikan ng tatay niya ang kanyang  noo. Maya-maya pa’y binitawan siya nito.

 Isinubsob na lang niya sa sariling mga tuhod ang kanyang mukha para umiyak lang nang umiyak. “I love you so much, Cholo. Bakit hindi mo man lang hinintay na masabi ko iyon?” She cried out, wala na rin siyang naging pakialam sa mga taong nasa paligid.

A familiar arm embraced her. “Erika…calm down. I’m here.”

Napatunghay siya. Right in front of her was Cholo, wala ni katiting na galos at buhay na buhay.

“Cholo…” naiiyak na sambit niya sa pangalan nito. Tears fell from her eyes when she hugged him. Wala ng lumabas na kahit anong salita sa kanya. Umiyak lang siya nang umiyak. Lubos ang pagpapasalamat niya at buhay ito. Hindi niya maipaliwanag ang takot na naramdaman niya kanina na hanggang ngayon ay nararamdaman pa niya.

Humigpit ang yakap nito sa kanya waring sinasabing hinding-hindi siya nito iiwan. “It’s okay. You don’t have to cry that much for me.”

“Muntik ka ng mamatay dahil sa akin. I’m sorry. I’m sorry!”

“Hindi na mauulit ito, Erika. Tumahan ka na. I’ll just be here with you.”



                MALUNGKOT na isinilid ni Erika ang resignation letter niya. After ng insidente sa Hacienda Canilao ay napilitan siyang bumuo ng mabigat na decision. She was leaving the Zeus-Apollo Academy for good. Kailangan niyang lumayo kay Cholo para hindi na ito pagbalingan pa ni Karl na kasamaang palad ay hindi pa rin natutugis ng mga pulis.

                Kailangan niyang iwan si Cholo kahit napamahal na ito sa kanya. Cholo never failed to make her feel special that night. He really stayed on her side. Hindi siya nito iniwan. Maging sa pag-uwi nila ay kasama niya ito. Hanggang sa makatulog siya sa sobrang pagod sa pag-iyak ay nasa tabi niya ito. Nagising siya kinabukasan na nasa tabi pa rin niya ito. Wala itong sinabi tungkol sa nararamdaman nito sa kanya.  Nararamdaman lang niya ang kagustuhan nitong alagaan siya. 

                “Erika, pagtimpla mo ako ng kape. Isunod mo sa office ko,” utos ni Cholo nang mapadaan sa office nila.

                She did. Sa huling pagkakataon, ipagtitimpla niya ito ng kape. This time, hindi na niya ito isusumpa. Bagkus ay isang dasal ng kaligtasan at pagmamahal ang kaakibat ng kapeng tinitimpla niya para dito.

                Dala ang kape at folder na naglalaman ng resignation letter niya, nagtuloy siya sa office nito. May bouquet of flowers sa mesa nito habang ito naman ay may mga binabasang documents.

                Binalingan siya nito at nginitian. Inilagay niya ang kape sa mesa.

                “Thanks, Erika.”

                “Ah, Sir. Thank you nga pala sa pag-aalaga mo sa akin the last time.”

                “It’s nothing. Bawi ko na lang iyon for being such a ruthless guy to you. I’m sorry nga pala sa lahat ng mga nasabi kong di maganda noon.”

                “Okay lang iyon. Ay Sir, eto po.” Ibinigay niya dito ang folder. 

                “What’s this?”  Agad nitong binuklat ang folder, binasa ang resignation letter niya at tila biglang natigilan bago siya binalingan. “So…you’re resigning.”

                “Yes, Sir. Sana payagan mo ako.”

                “Ako ba ang dahilan?”

                Umiling siya. Wala na itong dapat malaman pa. “Hindi. I just have to do this para kina  Tatay. Gusto kasi nilang tumigil muna ako sa pagtatrabaho at paglabas-labas hangga’t hindi nahuhuli iyong taong nagtangka sa buhay ng mga magulang ko at sa’yo.”

                Napabuntong-hininga ito. “Ganon ba? Okay, I understand.” Kinuha nito ang flowers at ibinigay sa kanya. “This is for you.”

                “S-sa akin?” gulat na sambit niya.

                “Oo. Well I thought flowers will make you feel better.” He sighed again.

                “Ah thanks. Sige aalis na ako.” She was about to leave his office whe he called her name. “Yes Sir?”

                “I’m going to miss you.”

                Ngumiti siya para hindi na siya maiyak. I love you, Cholo. Kung mahal mo lang sana ako. “Dapat lang ma-miss mo ako. Wala na kasing mambabara sa’yo.”

                Tipid na ngumiti lang ito. “Yeah, right. Bye.”

                Mabigat sa loob na tinanggap niya ang pamamaalam na iyon. “Bye.”

                Bumalik na siya sa office. Nagliligpit na siya ng gamit niya nang lapitan siya ng kaopisina. “Uy, nakita ko si Sir. Namumula ang mata na parang umiyak. Nag-away ba kayo tungkol sa resignation mo?”

                “Ha? Hindi ah. Baka may ibang problema iyon.”

                “Ay ganon.”

                “O siya, lalayas na ako, kayo na ang bahala sa monster boss natin ha.” Matapos ang ilang minutong pamaaalam ay umalis na siya ng office dala ang mga  gamit niya.  Papalabas na siya ng university nang mag-ring ang cellphone niya. Office number ang nag-appear  sa screen niya. May naiwan ba akong gamit?

                “Hello?”

                “Erika, si Sir Cholo. Naaksidente sa soccer field!” anang kaopisina niya.

                “Ano?”  

                Agad siyang nagpunta sa soccer field. Napapraning siya. Kung anu-anong injury scenario ang nakikita niya sa imagination niya. Lalo siyang nag-alala nang makita niya si Cholo na nakabulagta lang sa gitna ng soccer field at wala man lang tao do’n para  tumulong dito.

                “Cholo!” Inihagis niya sa kung saan ang gamit niya at dinaluhan niya ito. Nakapikit ito. Wala atang malay. “Cholo! Ano bang nangyayari sa’yo?” Iniangat niya ang ulo nito at inihiga sa binti niya habang sinusubukang gisingin ito. “Cholo!”

                Nag-aalala na siya at natatakot. Bakit hindi ito magising? “Cholo--”

                Natigilan siya nang kabigin siya nito. He grabbed her lips and gave her a sweet quick kiss. “Don’t leave, Erika. I need you.”

               “Huh?”

                She suddenly heard a familiar love song from the built in sound sytem within the soccer fields. It was one of her favorite song. Laking gulat na lang niya nang bumangon si Cholo at matamang tinitigan siya. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at hinalikan iyon ng buong pagsuyo.  At ang pinaka-surprise sa kanya ay nang sabayan nito ang love song.

                He  moved closer to her and rested his forehead on her. “I can’t let you pass me by. I just can’t let you go. But I know that I am much to shy to let you know. Afraid that I might say the wrong words and displease you. Afraid for love to fade before it came come true…”

                “Cholo…”

                “That’s what I really feel for you, Erika. I love you. And I am much afraid that this feeling may fade even before it came come true. Nang magpaalam ka kanina feeling ko hindi na kita makakasama pa uli kung hindi kita pipigilan. Please don’t leave, Erika. I have been in loved with you since our first kiss.”

                Her heart skipped. Halu-halong shock, kilig at kalituhan ang nararamdaman niya. “Ha?”

                Their nose touched. “Alam ko na ang reason kung bakit ako nagseselos kapag nasa tabi mo si Sunset. Pinipilit ko lang sa sarili ko na hindi ako affected pero ang totoo, mahal kita at ayokong may ibang lalaking umaaligid sa’yo. Gusto ko ako lang.”

                “Ang selfish mo ha, “ side comment niya. “So kaya mo akong inaalila para magkaroon ng excuse na makausap ako palagi?” Ang haba pala ng hairk ko.

                “Not really. I did that because I find you cute whenever you shout into my face and tell the world that you want to kill me.” His lips curved, a sign that he was smiling. Dahil magkalapat pa rin ang noo nila ay ang lips lang nito ang nakikita niya at ang magkahawak nilang mga kamay.  Hinihintay niya ang kiss kaso mukhang marami pa itong ipapaliwanag. 

                “Wow, kakaibang pagmamahal pala ang gusto mo ano?”

                “Ikaw lang ang gusto kong magmahal sa akin, Erika. Ikaw lang, dahil ikaw lang ang lubos na nakatagal sa kakaiba kong ugali.”

                Gusto niyang matawa. Batid naman pala nito na kakaiba ang ugali nito at walang babaeng normal na magtityaga dito.

                “Ay buti alam mo iyan ha.”

                “You are above all the woman I met. Napapagod sila sa akin pero ikaw, never kang napagod unawain ako. And I thank you for that. I maybe a monster to you, but believe me, just give me the chance and I will prove—”

                Hindi na niya ito pinatapos. Siya na ang humalik dito. Hindi  naman siya nito binigo dahil buong pagmamahal na ginantihan nito ang ginawa niya. Their third kiss. At batid ni Erika na hindi lang iyon ang huli.

                “I have a lot more things to say—” He gave a quick kiss. “But I suddenly forgot everything.”

                Tumawa siya. “I love you too, Mr. Masungit na Cholo.”

                Amusement flashed on his eyes. “You do?”

                “Yes, I love you.” She kissed him.

                “You, crazy talkative girl!” He touched the tip of her nose. “You are really unique. How could you make me the happiest man at this very moment?”

                She smiled. “It’s just I love you, you love me, and we love each other. Ay parang walang sense iyong sinabi ko, ah basta ganon.”

                He laughed. Sa unang pagkakataon, nakita niya itong tumawa.

                “Ay susmiyo! May milagro nga akong nagawa. Tumatawa ka na! Halleluiah!” Lalong lumakas ang tawa nito sabay yakap sa kanya.

                “I love you, soon to be Mrs. Sandoval.”

                “Ay ang bilis mo, kakasagot ko lang sa’yo ah. Wala pang five minutes, kasal na agad?”

                “I think we should hurry para maampon na natin agad sina Brian at Nica.”

                “Iyong mga bata ba ang dahilan o para-paraan lang iyan?”

                He teasingly smiled. “Both.”

                Finally she found her right one. At least ngayon ay hindi na niya kailangan pang ipagluksa ang puso niya dahil binuhay na iyon ni Cholo. Thanks to same order game of destiny. Akala niya noong una ay walang silbi ang laro na iyon pero ngayon, may napakalaking value na iyon sa kanya.  Dahil sa game, natagpuan niya ang true love na matagal na niyang pinapangarap.


PREVIOUS                                                         NEXT STORY

Comments

Anonymous said…
ang cute!.!.! nakakakilig,.sana magkita na rin kami ng soulmate ko :D tnx ate melai, pinasaya mo ko sa kwento mo :D tec always!.!.! GOD BLESS po...
Melai said…
makikita mo rin ang soulmate mo soon
Anonymous said…
sana nga... parang ang tagal niya kasing dumating...
Anonymous said…
nyahhahahah ang cute ng story nila :) haha tawa ako ng tawa.. sa Ice pinaiyak mo ako tita melai sa Erika naman pinatawa mo ako ng bonggang bonga haha.. :P

~Rika

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…