Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 1





Erika was enjoying her cappuccino in a cup while doing her catwalk along the hallway of Administrative offices of Zeus-Apollo University. She was working as Finance Officer for Budget and Finances Department of the said university and under the management of a monster boss named  Cholo aka Suencho Loidy Sandoval. Panganay na anak ito ng dati nilang boss na si Sir Choco.

                Ilang araw din na naging “malaya” silang magkakaopisina nang  magkaroon ng business trip sa New Zealand, Spain at Amerika si Sir Cholo. At sa tantsa niya, wala pa rin ito sa bansa kaya naman literal na pasaway mode siya ngayon. Late na siya ng ilang minutes sa trabaho pero nagagawa pa rin niyang mag-catwalk.

                “It’s just enjoying my freedom. My freedom without that arrogant ruthless, heartless, boneless, esophagus-less, payless king of anything,” bulong niya sa sarili.

                Her new boss was a literal slave-driver. Walang pakialam si Sir Cholo sa emotion ng mga empleyado nito. Basta may ipagawa ito, gusto nito ay matapos agad iyon regardless kung di ka kumain o matulog. Wala siyang pakialam kung may hardships kang pinagdaanan. Wala siyang panahon sa mga reasons mo valid man o hindi. All he cared about was the input-output result.


                Malaki ang pinagkaiba nito sa dati nilang amo, ang ama nito. Sir Choco was a jolly, loving, and understanding boss. Anak ang turing nito sa kanila. Heaven ang buhay nila noon, impyerno na ngayon. Mula nang ilipat kay Sir Cholo ang management ng Zeus-Apollo Academies and Universities, parang sumailalim sila sa hagupit ni Hitler at martial law combined.

                Though the management input created a better result in market share and profit, still Erika found something that was lacking. It has to do with the boss’ attitude itself. Kulang sa puso, kaluluwa, atay balunbalunan…at konsensya.

                “Good morning, officemates!”  Napakunot-noo siya nang makitang tila busy mode at aburido ang mga kaopisina niya. “O bakit kayo ganyan? Bumalik na ba ang amo nating kumpare ni Satan?”

                “Oo, tambak na naman sa trabaho,” sambit ng isa.

                “Lalo ka na, tambak na sa mesa mo ang trabaho mo,” sambit pa ng isa.

                Napangiwi siya. Tapos na pala ang kalayaan nila. Dismayadong tinungo niya ang sariling mesa at itinapos sa basurahan ang empty styro cup na pinaglagyan ng ininom niyang kape.

                “So hindi pala effective ang pagpapakulam ko sa kanya,” birong litanya niya. “Hindi rin pala effective  iyong prayers ko na sana masagasaan si Sir ng bus, sumabog ang sinasakyan niyang subway train o kaya naman ma-stampede siya sa gitna ng mga cow—” Nanahimik bigla ang paligid. Napalingon tuloy siyang nang maramdaman niyang may tao sa likod niya. Ang seryosong gwapong mukha ni Sir Cholo ang bumungad sa kanya. Nakakunot ang noo nito habang matamang nakatitig sa kanya. Sigurado siyang narinig nito ang sinabi niya.

                “What are you saying again, Miss Salazar?” sambit nito in his authoritarian tone.

                “Wala po, Sir,” pagde-deny niya.

                Umiling ito at saka matalim na tiningnan siya. “Liar!” Ibinaba nito ang ilang folders sa mesa niya. “Additional work for you. That is for being late,” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, “for being not in proper staff uniform and for cursing me to die.”

                “Ha?” Binalingan niya ang mga folders. Sa tingin pa lang doon alam na niyang aabutin na naman siya ng siyam-siyam bago matapos iyon.  

                “Kung ako sa’yo, Miss Salazar, sisimulan ko na ang trabaho. I want detailed financial analysis and budget projection out of those investment data. Finish it today.” He victoriously grinned bago ito tumalikod sa kanya.

                Sa asar niya ay kinuha niya ang nananahimik na  na batong paper weight sa mesa niya. Akmang ibabato na niya iyon sa untouchable boss nilang ito nang bigla uli itong lumingon. Caught in the act siya.

                “And what’s that for?”

                “Ah…” Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay na may hawak ng paper weight at pasimpleng  nilaro-laro ang bato sa mga kamay niya. “Stress management, Sir. Inaalis ko lang po ang tension na ibinigay mo sa akin. Iyon po ang other purpose ng batong ito maliban sa pagiging paper weight—”

                “Enough of senseless explanation. The next time na mahuli kitang pinagtatangkaan ang buhay ko, makikita mo ang hinahanap mo.”

                “Ang OA naman ng isang ito,” pabulong na sagot niya.

                “Ano kamo?”

                “Wala po, Sir. Magtatrabaho na po ako.” Tiningnan pa siya nito ng masama bago ito tuluyang lumabas ng opisina.

                “Grabe ka, Erika, paano mo nagagawang sumagot-sagot ng ganon dun? Di ka ba natatakot sa kanya?” tanong na kaopisina niya.

                “Bakit ako matatakot sa kanya eh maganda ako?”

                “Anong connect no’n?”

                Ngumiti siya. “Basta meron!”

                Hindi rin niya alam sa sarili niya kung bakit walang ibang effect sa kanya ang boss nila kundi pagkaasar. Ang iba sa kanila ay takot na takot dito. Iyong tipong hindi  na makasagot ng matino kapag nasesermunan nito. Pero siya, talagang balewala sa kanyang makipag-debatihan dito.

                “Wala ka bang common sense? Para simpleng debit-credit entry lang, hindi mo pa maitama? Why did HR personnel hire an incompetent accountant like you? Are you really a CPA or you’re just making a fraud? I don’t like a staff that knows how to put make up but doesn’t know how to work well. Get out!”  

                Lahat sila ay natigalgal slash nabingi sa lakas ng pagsigaw ni Sir Cholo. Highblood na naman ang palaging highblood na monster boss nila.  Napangiwi si Erika nang makita ang isa sa mga staff niya na umiiyak.

“Magre-resign na ako, Ate Erika,” umiiyak na sambit nito sabay upo sa katapat niyang mesa.

“Pag nag-resign ka, ikaw ang talo. Para mo na ring pinatunayan sa hambog at walang konsensya nating boss na iyon na tama siya kung magre-resign ka. Ang gawin mo, patunayan mo sa kanya na deserving ka dito. Tapos saka ka mag-resign. Pak!”

Napatawa naman ang staff niya.  “Buti na lang ate andyan ka.”

“Walang magandang lumalabas sa bibig ng haragan nating boss. Kaya isipin mo na lang na pinupuri ka niya tuwing nasisinghalan ka. Masasanay ka rin,” sambit niya habang sinisimulan ang trabaho niya. Nagbukas siya ng MSExcel at ng YM account. Agad niyang pinalitan ang kanyang YM status. 

Bossing is back. May lamay na naman. Haiz.

Buzz!

Lumitaw ang instant message window sa kanyang screen.

CholoSandoval: I want half of your work at my table at 1pm sharp.

Napanganga siya. Adik talaga sa pang-aalipin ang Finance Head nila. As if naman na ganoong kadali mag-analyze ng patung-patong na data at gumawa ng report. Buti na lang talaga maganda siya. 

ErikaClaudia: Sir, I think that’s impossible.

CholoSandoval: I’m not asking you to fly, Miss Salazar. There’s no impossible thing in making reports. 

Grrrrr! Minsan talaga parang gusto  na niyang totohanin ang assassination attack sa boss niya.

ErikaClaudia: But Sir, you are asking for reliable financial analysis not a simple financial report.

CholoSandoval: Then submit your resignation letter instead.

Nakuyom ni Erika ang kamay sa panggigigil. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa mouse. Kung mumurahing mouse lang iyon baka kanina pa iyong nadurog.

ErikaClaudia: You wish, Sir. Ayokong malayo sa ‘yong piling Sir.

Napapangiti na siya ngayon. Kung asaran ang gusto nito, ibibigay niya. Dati ng mainit ang dugo nito sa kanya dahil sa pagsagot-sagot niya dito. Okay lang iyon, mainit din naman ang dugo niya dito. Quits lang sila.

CholoSandoval: Do you know it’s unethical to flirt with your boss?

ErikaClaudia: Sir, I’m not flirting with you. I’m concern about my future. I’m concern about you.  I’m showing you some love. Mukhang kulang ka do’n, Sir. Wala kang girlfriend ‘no? Wag kang masyadong highblood Sir. Sige ka maaga kang mamamatay sa stroke.

CholoSandoval: Hindi kasama sa job description mo ang usisain ang love life ko. And what’s that? You’re cursing me again, evil witch? Go and get your work done.

ErikaClaudia: Ahihihihi *witchy laugh*

Sa wakas, tumahimik din ang evil boss niya. She spent the rest of hours doing the financial analysis. Wala naman siyang magagawa kundi magtrabaho. Sa mga ganitong moments niya naiisip na sana, mayaman ang pamilya nila. All of her childhood friends were born rich. Siya lang ang medyo may kaya lang sa buhay. Hindi naman siya pine-pressure ng mga kaibigan niya pero minsan naiilang din siya. Kahit naman kasi hindi naman ipinaparamdam sa kanya ng mga ito na mas mayaman sila kesa sa kanya, still someday gusto niyang makipagsabayan sa mga iyon. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi niya maiwanan ang Zeus-Apollo kahit na haragan pa ang boss niya. Malaki ang sinusweldo niya sa institution na iyon.

                Twelve noon. Lunch break. Nagsilabasan na ang mga kaopisina niya para mananghalian habang siya ay binuburo pa rin ang sarili sa trabaho. Hindi na siya magtatanghalian para mahabol ang deadline niya sa deadly niyang bossing.

Buzz!

This time, she received a chat message from her loving father.

JomarSalazar: Anak, lunch na.

ErikaClaudia: Sorry ‘tay, kayo na lang po muna ang mag-lunch. May deadline po ako ng 1pm eh.

JomarSalazar: Inaalipin ka na naman ng boss mo? :(

ErikaClaudia: Medyo lang po ‘tay. Wag na po kayong mag-alala. Keri ng kagandahan ko ito.

JomarSalazar: Sure? Basta anak kung nahihirapan ka na, mag-resign ka na lang anak. Maganda ka naman, marami ka pang mapapasukang work. Gusto mo ba ng pagkain, anak? Dadalhan na lang kita diyan.

Napangiti siya. She has a loving family with a loving father as well. Para lang silang magkatropa ng mga magulang niya. At dahil dalawang kanto lang ang layo ng opisina ng tatay niya sa university, madalas silang magsabay magtanghalian.

ErikaClaudia: Mag-message na lang po ako ‘tay pag nagutom ako. Sige po, ‘tay. Ingat po kayo.  Labyu!

JomarSalazar: Labyu din, anak.

Binalikan niya ang trabaho, hinahabol ang oras na ang bilis ng pagtakbo. Hindi siya makakapayag na may maisumbat si Cholo sa kanya pagdating sa trabaho. Fifteen minutes bago mag-ala una ay natapos niya ang report. Agad siyang lumabas ng department office para i-submit ang report sa separate office ni Cholo.

Kumatok siya ng tatlo bago pinihit ang seradura ng pinto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakita niya si Cholo, prenteng nakahiga sa swivel chair nito at nakapikit. Narinig pa niya ang mahinang paghihilik nito. Tulog na tulog at tila pagod ang binata. Sa tantsa niya, dumiretso ito sa opisina mula sa airport at hindi na nagpahinga.   Workaholic din kasi ang taong ito. 

Malaya niyang napagmasdan si Cholo. He was like a God taking a good rest in his throne. Kahit tulog ito ay naipaparamdam pa rin nito sa kanya ang signature domineering presence. She silently and carefully moved closer. Pinagsawa niya ang sarili sa kagwapuhan nito.

Alam mo, pogi ka naman eh kaya lang ang chever kasi ng ugali mo. Kung mabait ka lang, maka-crush-an kita, sambit niya dito sa isip.

Isang kalokohan ang naisip niya. Inalagay niya sa mesa ang reports pagkatapos ay kinuha niya ang cell phone sa bulsa. Kinuhanan niya  ng pictures ang walang kamalay-malay na si Cholo sa iba’t ibang anggulo. Pagkatapos ay lumapit siya dito. Kinuhanan rin niya ang sarili kasama nito.  Inilapit niya ang pisngi sa pisngi nito. Doon niya nasamyo ang pinaghalong masculine scent nito at pabango.

Hmmm. How could a devil smells like an angel? Ang bango mo, Sir Cholo. Amoy baby!

Iba’t ibang wacky at pa-kyut na pose ang kinuha niya.  Hanggang sa matitigan niya sa malapitan ang mukha nito. Inaakit siya ng makinis nitong mukha. Napagmasdan niya ang pisngi nito.  Pawang  iniimbitahan siya nitong humalik sa pisngi nito.

Pwede kaya? Sige na isa lang naman eh! She did. Humalik siya sa pisngi nito sabay  kuha ng ilang shots. Nang magsawa ay lumayo na siya rito ng konti. She was about to leave when he suddenly grabbed her, held her nape and kissed her lips.

Waaaaaaaahhh!

Nagulantang ang lahat-lahat kay Erika. Natigilan siya. In fact mulat na mulat pa ang kanyang mga mata nang maglapat ang kanilang mga labi. His arrogant, heartless, devil boss was kissing her! Pero sa halip na mainis o magwala, naging mabuti ang dulot sa kanya ng halik na iyon. Pinasok na rin ng agiw ang utak niya. A part of his mind was telling her to response.

Ay! One…two…three!  She was about to response on his kiss when he suddenly let go of her and stop kissing. Napanguso pa si Erika sa pagkadismaya. And in her mere surprise, bumalik ito sa paghihilik.

Napanganga siya. Tulog? Nanghahalik na tulog? Napakunot ang noo niya hanggang sa maisipan na lang niyang lumabas ng office matapos magkaagiw ang utak niya.

Noon lang niya napansin ang bilis ng tibok ng puso niya. Dahil ba iyon sa kiss?

Hindi! Gutom lang ako. Ilusyon ko lang iyon! Unconsciously ay nahawakan niya ang kanyang labi.  The image of his untouchable boss registered in her mind. Pakiramdam niya ay nakalapat pa rin iyon sa labi ni Cholo.

Umiling siya at agad tinawagan ang kanyang ama. “Tatay, gutom na ako. Pengeng pagkain!”



ERIKA was sipping her Melya, a variant of coffee blend with unsweetened cocoa drizzled with honey. Kasalukuyan siyang nasa Kofi Cups and Sweets kapiling ang mga baliw niyang kaibigan. Hinihintay niya ang turn niya para sa same order game of destiny ek ek na pakana ni Ryuji. Since wala naman siyang love life at lahat sila ay ganon, pinatulan nila ang tila walang kwentang pakana ng promotor ng kalokohan sa grupo. Inaabangan niya ang lalaking itatadhana sa kanya ng kapeng iniinom dala ang panalanging wag sana iyong maging kasing ugali ng haragan niyang poging boss.

Actually, may pasok pa siya sa trabaho pero wala siya sa mood makasalubong ang boss niya kaya magpapa-late na lang muna siya.

She took another sip when she remembered that particular kissing scene of them.  Alam kaya niya na hinalikan niya ako?

Napabaling lang ang atensyon niya sa entrance ng shop.  Isang binatang nakaputing polo na may crucifix sa kwelyo ang pumasok at umorder ng katulad na kape ni Icee.

“Ngek! Counted ba iyon? Eh Magpapari iyon ah. Ayokong magkasala kay Lord!” apila ni Icee.

                “Hindi pa siya pari. Malay natin di ba? Go lang!” sambit ni Erika. “Hangga’t wala pang abito, pwede pang akitin!” Tatawa na sana siya nang bigla siyang mapangiwi sa nakitang pumasok. It was no other than her untouchable boss at Zeus Apollo University. Napailing na lang si Erika. Pag minamalas nga naman. “Aww! This can’t be! Babangungutin ata ako!”

                “Paano ba iyan? Pareho kayo ng order ng untouchable boss mo. Destiny is in your hands!” pang-aasar pa talaga ni Hiroshi.

                Sinamaan lang niya ito ng tingin. Nakasimangot na siya nang biglang lumingon sa direction nila si Cholo, as usual in his knotted forehead of course.

                “You, Miss Erika Claudia Salazar. Ano pang ginagawa mo dito? Nalipat na ba dito ang office mo? Late ka na naman sa trabaho,” sita pa mismo nito sa kanya.

                Napairap siya ng wala sa oras. “Kailangan bang buo ang pangalang ko?” pabulong na reklamo niya. “On the way na po, Sir!”  Tumayo na rin si Erika at sumunod sa slave boss niya papalabas ng shop.

                Kahit kelan talaga, panira ng araw si Cholo. Napapalatak na lang siya nang businahan pa siya nito bago niya nakitang lumayo ang kotse nito na pawang sinasabing magmadali siya.  “Hindi man lang ako isinabay sa kotse niya. Hambog! Ungentleman! Walang magkakagusto sa lalaking iyon sa pangit ng ugali. Siya ang target ko? Aysus ginoo!”

                Mas mabuti pa atang magsimula na siyang mag-ipon ng panlibre sa mga kaibigan niya sa Disneyland kesa akitin si Cholo.

                Nag-commute lang siya. Alam na niya ngayon na talaga late na siya pero wala na siyang pakialam. Buryong na siya sa buhay dahil sa boss niya. laking gulat niya nang makita niya ang boss niya sa lobby ng university na tila may hinhintay.

                Lalagpasan na lang sana niya ito nang magsalita ito. “Ang bagal mo. Gaano ba kalayo ang Kofi Cups? You’re more than five minutes than the usual commuting hours.”

                “Sir, kayo may kotse, ako wala. Try mo kayang mag-abang ng sasakyang jeep para maranasan mo naman kung gaano kahirap maging dukha,”  sagot niya dito habang nagi-in sa time in record rfid censor.  Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa office. Talaga sigurong araw ng pambubwisit ni Cholo ngayon. May gana pa talaga itong sabayan siya sa paglalakad. 

                Nanahimik lang siya. Mas maiigi nang manahimik siya kesa naman hamunin ng one on one ito.

                “Miss Salazar, ipagtimpla mo ako ng kape. Isunod mo agad sa office ko,” sambit nito sabay diretsong pasok nito sa sariling opisina. Naiwan siya napapanganga sa utos nito. Kape? Kape again? Di pa nakuntento sa Melya? May secretary naman ito, bakit kailangang siya pa ang magtimpla ng kape?

                “Asar! Makakapatay na talaga ako,” bulalas niya pagkatapak pa lang ng isang paa niya sa loob ng department office.

                “Nag-almusal ka na naman ng pambubwisit ni Sir?” tanong ng isa niyang kaopisina.

                “Ano pa nga ba?” Inihagis niya sa kanyang swivel chair ang kanyang bag at nagpunta na siya sa pantry.

                Puno ng poot, galit at sumpa ang kanyang pagtitimpla ng kape. “Mapurga ka sana sa kape ko, Suencho Loidy Sandoval!!!! Ahummmmm.”

“Wala ka bang ibang hobby kundi ang isumpa ako?” A familiar baritone voice interfere her cursing ceremony.

Natigilan siya. Caught in the act na naman ang drama niya. Napairap siya bago siya nagpaskil ng pekeng ngiti bago humarap dito.

“Ay meron pa, Sir.” Gusto ko rin sanang ako na mismo ang papatay sa’yo, pwede?, dugtong niya sa isip. “Mahilig po ako sa soccer, manood ng movie at magbasa ng pocketbook. Tsaka Sir, hindi kita isinusumpa. Anti-oxidants ang kape. Ipinapanalangin ko lang na malinis ng kapeng ito ang toxins sa inyong hunky na katawan,” palusot niya with matching pambobola.

Kunot lang ang noo ni Cholo habang nakikinig sa walang kwenta niyang palusot. Mataman lang itong seryosong nakatitig sa kanya. Ang mga expressive nitong mga mata ay tila tinutunaw siya sa titig na iyon. Umiwas siya ng tingin at binalingan ang kape.

“Do you really hate me? Ilang beses na kitang nahuhuling sinusumpa ako ah.” 

Ay nagtanong pa talaga eh ano? Obvious ba? “Naku hindi naman, Sir!” pabirong hinampas pa niya ito sa balikat. “Labs na labs nga kita eh.” Labs na labs isumpa.

Lalong dumami ang kunot sa noo nito.  Gusto na niyang matawa sa mukha nito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa and vice versa na tila kinikilatis ang kabuuan niya. Pagkatapos ay  umiling ito. “You didn’t pass my qualification. Hindi kita type.”  Inagaw nito ang hawak niyang tasa ng kape at naglakad na ito palabas ng pantry. Pinigilan niya ang sariling maihagis dito ang kalapit na coffeemaker sa inis.  Bigla itong huminto sa pag-exit at binalingan siya uli. “And by the way, you don’t look a woman to me.”  Ngumisi ito. “Wala kang sex appeal sa akin. Lalaki ka siguro ano? Yeah, tama! Maybe you’re a transsexual.”

Napanganga siya sa sinabi nito. Aba’t—sumosobra ka na to the nth level ah. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa coffeemaker. Gustung-gusto na talaga niya iyong ibato sa mukha nito makaganti man lang sa pang-iinsulto nito sa kagandahan niya. Ang beautiful fez kong itey? Transsexual?

                Sinundan niya ito. Hindi siya papayag na makaisa ito sa kanya. “Sir?”

Huminto ito at lumingon. He showed off his breath-taking adorable seductive smile. Kung hindi lang talaga siya naimbyerna dito baka napanganga na siya nang wala sa oras. Talung-talo naman kasi ng kagwapuhan nito ang kung sinumang modelo diyan sa tabi-tabi.

“Yes?” Humigop ito ng kape.

Ngumisi siya. “May Baygon iyang kape mo!”

Wala sa oras na naibuga nito ang iniinom ng kape kasabay ng impit na tawanan at ngisian ng mga kapwa niya empleyado na nakakita ng eksena.  Hindi na maipinta ang busangot nitong mukha nang balingan siya nito.

Saka niya binawi ang sinabi. “Joke!”  Nag-peace sign pa siya. 

Matalim na tingin ang binigay nito sa kanya. He intensely gazed at her. Pero sa halip na masindak, pakiramdam niya ay sinusuyo siya ng mga tingin nito. Ano ba naman iyang imagination mo Erika? Super naman iyan!

“Miss Salazar…”

“Yes, Sir? You love me, too?” pang-aasar niya.

“You’re fired!” sambit nito sabay exit.

“I do!” Tinawanan lang niya iyon. Ilang beses na naman niyang narinig ang linyang iyon pero hanggang ngayon, employed pa rin siya sa Zeus-Apollo University.

  
 
 INABOT si Erika ng alas-nueve ng gabi sa pag-finalize at pag-review ng mga trabaho ng staff niya. Siya na lang ang natira sa office.  Nagpaalam na rin siya sa magulang na mahuhuli na naman ng uwi. Tapos na siya sa reports. Hinihintay na lang niyang ma-print lahat ng copies para maibigay na niya kay Cholo. Sa palagay niya, andon pa rin ito sa office nito.

Joke nga lang ang pagsesante nito sa kanya nung nakaraang linggo. In fact, tinambakan pa siya nito ng trabaho kinabukasan. Asa pa siya. Working with Cholo was like heaven and hell. Heaven dahil masarap ang may among gwapo. Nagagamit niya ang fez ng loko sa imagination niya kapag nagbabasa siya ng novels. Hell dahil totoong kasumpa-sumpa ang ugali nito. Patagal ng patagal, padami rin ng padami ang mga kaopisina niyang nagre-resign dahil dito.  Marami na rin ang mga applicants na swerte ng tumagal ng isang linggo  bago mag-resign.  At sa lahat ng kaguluhang iyon, siya ang nagsa-suffer dahil siya ang gumagawa ng trabahong nabakante ng mga nagsilayasan doon.

Marami-rami ang pini-print niya kaya pansamantala, inabala muna niya ang sarili sa pag-iisip kung paano siya magkaka-love progress sa amo niyang hari ng lahat. Wala na rin naman siyang choice kundi ang wag magpatalo sa game nila. Wala pa kasi siyang matiempuhang promo ng flight pa-Hong Kong. Kailangan  pa talaga niyang mag-ipon ng bonggang bongga. Naisip niyang lumaban na lang. Tutal naman, naka-first move na siya kuno. Pinakita niya sa mga kaibigan ang mga pictures nila ni Cholo. Napaniwala niya ang mga kaibigan. Malay ba nila pinagsamantalahan lang niya ang isang nahihimbing sa pagtulog?

Napangiti siya. Kinuha niya ang cell phone at pinagtitingnang isa-isa ang mga larawan ni Cholo. Then she remembered those sweet kisses again. Iniisip pa rin niya kung alam ba ni Cholo na siya ang nabiktima ng sleep-kiss nito.

“When did you get those pictures?”

“Ay bakling!” Sa gulat niya ay nabitawan niya ang cell phone.  Sa dami ng iniisip  niya ay hindi na niya namalayan ang paglapit ni Cholo. Wala na, nahuli na naman siya.  Ni hindi nga siya nakakilos agad para pulutin ang cell phone. She was about to pick her phone nang pigilan siya nito. Napapikit na lang siya nang ito ang pumulot sa cellphone at isa-isa nitong pinagtitingnan ang pictures.

Lagot na talaga ko!

“Sir, wala lang po iyan—”

Natigilan siya nang titigan siya nito. “I kissed you?”

“Ha?” Biglang sumikdo ang puso niya.

Ipinakita nito ang picture. Hindi niya alam na nakuhanan pala ng ilang pictures ang paghalik nito sa kanya.

“So it was… you.” 

“Sir—”

Balewalang ibinalik nito ang phone sa kanya. “I don’t really care about whatever reasons you have in taking my photos but I hope you know it was my right to confiscate it. Kasi ako iyan, malay ko ba kung ibinebenta mo na ako sa internet.”

“Ay di ko iyan naisip, Sir. Naunahan mo ako sa idea na iyan.” Tiningan siya nito ng masama. “Joke lang.”

“But since I did something wrong on you that day, hindi ko na kukunin iyang cell phone mo.  Walang meaning ang kiss na iyon, Miss Salazar. So we’re quits.” Ibinaba nito sa mesa niya ang ilang folders. “I want the reports tomorrow morning. Iyang pini-print mo, isunod mo na sa office ko mamaya.”

“Sir! Sabado bukas!”

“I know, ihatid mo sa bahay ko ang documents.”

Tila may kung anong pumitik sa ulo niya dahil sa sinabi nito. Wala talaga silang work pag Sabado at may importante siyang  lakad. Mapupurnada na naman ang plano niya.

“Pero Sir, may ibang plano ako bukas—”

“You know what? I don’t care. I’m your boss. You are just my employee. Your job description includes doing task directly instructed by your immediate boss which so happened to be me. I need the documents tomorrow. Dalhin mo iyan ng personal sa bahay bukas.”

Pagkatapos noon ay umalis na ito. Naiwan siyang natutulala, naiiyak at naiinis. Nang matapos ang printing ay dinala na niya iyon sa opisina. Nanlalambot na lumabas siya ng opisina.  Akala niya ang makakasama niya buong maghapon ang mga magulang kinabukasan. Wedding anniversary kasi ng mga ito. Pero sinira na naman ni Cholo ang maganda niyang plano para sa mga magulang niya.

Naiiyak na siya. Buwisit talaga. Kabagan ka sana ng bongga, Cholo para absent ka ng isang linggo.

“Erika!” Napalingon siya nang may tumawag sa kanya. It was Sunset, isa sa mga katropa niya na part-time art professor sa university.   Nagtaka siya nang makitang tila nag-aalala ito.

“Bakit? Anong problema mo?”

“May threat sina Icee at Apple. Hinala namin si Karl Torrejos ang may pakana.”

“Patay na siya ah.” Kinabahan siya sinabi nito. Bigla niyang naalala ang mga isang insidente na muntik ng tumapos sa buhay nila nina Icee at Apple noong college sila.

“May hinala sina Icee na buhay pa si Karl.”  Isang kwintas ang isinuot nito sa kanya. “That’s your signaling device.” Ipinakita nito sa kanya ang maliit na button sa rubi pendant ng kwintas. “If anything goes wrong, iyan ang magliligtas sa’yo. Uuwi ka na ba?” Tumango siya. “Ihahatid na kita.” Hinawakan nito ang kamay niya.

Paalis na sila nang magbukas ang pinto ng office ni Cholo. Lumabas ang binata at agad kumunot ang noong nang tapunan ng tingin ang magkahawak nilang kamay ni Sunset.

“Bawal ang PDA dito,” sambit nito sabay lagpas nito sa kanila.

Chever ka, Cholo!

“Highblood na naman boss mo. Mukhang nagseselos pa ata. Ang gwapo ko kasi eh,” patawang sambit ni Sunset.

“Ewan ko rin sa’yo, Sunset!”


PREVIOUS                                                              NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…