Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2- In Painter's Loving Arms- Part 3





“Did you enjoy the movie?” tanong ni Sunset kay Lara habang papalabas sila ng sinehan sa isang mall.

                “Oo naman, enjoy na enjoy!” Mas enjoy ako sa sweetness mo actually.  Lara was literally enjoying his company.

                It was her first date after their first kiss. Typical date ang hiningi niya kay Sunset nang magyaya itong lumabas. Gusto lang niya i-enjoy ang sandaling kasama ito at hindi na siya nag-isip pa ng bonggang date. Ang mahalaga, masaya sila pareho.  Katatapos lang nilang manood ng My Amnesia Girl.

                Sunset never failed to make her feel so special. Mula nang maganap ang unexpected first kiss nila ay naging mas evident ang pagpaparamdam nito ng so-called pagmamahal sa kanya though hindi na nito muling binanggit ang katagang “I love you” o “Mahal kita.”  Okay lang iyon para kay Lara. Actions speak louder than words ika nga.  Ang mahalaga ngayon, masaya siya kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Sunset.

                “Maganda ang movie right? The story is cute,” sambit ni Sunset sabay hawak sa kamay niya.

                Dumaloy muli sa kanyang sistema ang kakaibang damdaming parati niyang nararamdam pag malapit lang sa kanya si Sunset.


                Napatingin siya sa magkasalikop nilang mga kamay. It looked so well together. Napapangiti tuloy siya habang magkahawak-kamay silang naglalakad.  “Oo at naiyak ako sa revelation part. Kung ako man iyong nasa tayo nung lalaki tapos may secret iyong mahal ko na tinago sa akin, masasaktan din ako ng sobra. Kasi di ba kung mahal mo ang isang tao, di ka magse-secret at dapat sa simula pa lang ay di mo siya lolokohin.”  Binalingan niya ito at nginitian.

                Sunset suddenly became expressionless. “Paano kung nag-secret lang siya para maprotektahan iyong taong mahal niya o kaya naman ayaw niyang saktan ang damdamin nung isa…tulad sa movie?”

                “Ang ending pa rin noon, masasaktan pa rin ang isa. Masasaktan sila pareho. Kaya dapat sa simula pa lang dapat walang secret-secret. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo siya sasaktan right?”

                Nagtango-tango ito. “R-right.”

                Then moment of silence took over. Hanggang sa makakita siya ng restroom.

                “Ah Sunset… restroom muna ako ha.”

                “Sure sige, I’ll wait here.” 

                Iniwan niya ito sa may snack station sa labas ng sinehan ng mall na iyon. Naglalakad na siya sa walk way papunta sa restrooms nang mapansin niya ang isang binata tila may kakaibang kilos. Nakatungo lang ito habang naglalakad.  Nagkibit-balikat lang siya  hanggang sa makapasok siya sa Women’s room.

                Nag-retouch siya ng make-up at nag-ayos ng sarili. Isang young looking at late forties woman ang nakatabi niya habang nananalamin. Outfit pa lang ng babae, nahuhulaan na niyang may sa manghuhula ito. Long dress, stilettos at maraming abubot na gems ang kwintas nito at bracelets. 

                Biglang natigilan ang babae nang mapagmasdan siya nito sa salamin. Pagkatapos ay binalingan siya. “Hija, may boyfriend ka ba?”

                “Meron po. Bakit po?” Feeling meron agad. Hehe.

                “Pagsubok. Nakakaramdam ako ng paparating na pagsubok para sa’yo at relasyon mo.”

                Ay manghuhula nga! “Po?”

                “Pwede ko  bang makita ang palad mo hija?”

                Na-curious siya sa maaaring sabihin ng manghuhula kaya hindi siya nagdalawang isip na ipakita dito ang palad niya. Binasa nito ang mga guhit sa palad niya.

                “Hija, susubukin ng panahon ang inyong relasyon pero wag kang mabahala dahil kung pakikinggan mo lang ang puso mo at hindi ka makikinig ng basta-basta sa ibang tao, madali kang makakalaya sa pagsubok na ito.”  Matapos bitawan ang kanyang kamay ay humarap uli ito sa salamin at nag-ayos ng buhok.

                “Sige po, salamat.”

                Tahimik na ganon din ang ginawa niya habang gumugulo sa isip niya ang sinabi nito. Papalabas na siya ng comfort room nang tawagin uli siya nito at sumabay ito sa paglalakad niya palabas.

                “Siyangapala hija, nakakakita ako ng wedding. Pulang rosas, traje de boda, at kasiyahan. Maging matatag ka lang hija—” Natigilan ito nang may lingunin ito. “Onjing! Onjing! Saan ka pupunta?”

                Napalingon din tuloy siya sa tinawag ng manghuhula isang lalaki na nasa late forties na rin siguro ang naglalakad palayo.

                “Onjing Saan ka pupunta?” 

                “Sa simbahan.Papa-schedule ako.”

                “Papa-reserve ka na para sa kasal natin? I love you, Onjing.”

                Sumimangot ang lalaki sabay belat sa manghuhula. “Hindi. Papareserve ako sa pari ng schedule for exorcism para sa’yo.”

                Agad na tumakbo ang maghuhula at lumingkis sa binata. “Ay ang sweet mo talaga, Onjing. “Sige, magpapa-exorcist ako sa ngalan ng pag-ibig!”         

                “Mahabagin! May sapi nga.”

                Natatawa at nailing na naiwan si Lara habang pinapanood ang dalawa na naglalakad palayo. Papunta na siya sa may snack station kung saan naghihintay si Sunset nang humarang sa kanya ang binatang napansin niya kanina.  Naka-cap ang binata at naka-jacket at nakatungo lang.

                “Miss Lara Danica Lazaro.”

                Natigilan siya at bahagyang nakadama ng takot sa paraan ng pagkakabanggit nito ng pangalan niya. Waring ang binatang ito ay magdudulot ng isang bagay na di maganda sa kanya. “S-sino ka?”

                Tumunghay ito. May hitsura ang binata ngunit sa hindi niya mawaring dahilan ay parang nakakatakot ito. “Hindi na importante kung sino ako.”

                “Anong kailangan mo sa akin?”

                Bahagyang nilingon nito si Sunset na abala sa pagtitingin-tingin sa mga bulletin ng  Coming Soon movies.  “Boyfriend mo siya?”

                “Oo, bakit?” Boyfriend mo din siya? Charot!

                “Mahalin mo na siya ngayon pa lang dahil bilang na ang oras niyan sa mundo. Maghanda ka ng magsuot ng itim, Miss Lazaro.” 

                Nasindak siya sa sinabi nito. He was about to passed her nang balingan niya ito. “Anong ibig mong sabihin?” May kinalaman ba yon sa bagay na ayaw sabihin ni Sunset sa akin?

                “Matalino ka naman Miss Lazaro. Alam ko namang alam mo ang sagot sa tanong mo.”

                “Huh?”

                Pero wala na siyang nakuhang sagot. Sa isang iglap ay nawala na sa paningin niya ang binata. Nagkibig-balikat na lang siyang bumalik kay Sunset.

                “Akala ko nalunod ka na sa inidoro,” biro nito.

                “Hindi ako kasya sa inidoro e,” patol niya sa biro nito.  Pero ang totoo, gumugulo sa isip niya ang sinabi ng estranghero.

               
                IT WAS Sunset’s Ninong and Ninang’s 25th wedding anniversary. Isinama si Lara ni Sunset sa isanf family gathering na iyon. Muling ikinasal ang mga magulang ng kaibigan nitong si Ryuji. The wedding was so great. So sobrang great, hindi tuloy maiwasan ni Lara na mag-daydream na sana pag siya naman ang nagkaasawa ay umabot sila sa 25th year at golden wedding pa. At ang pinakabongga sa daydream niya, wala siyang ibang nakitang groom at lifetime partner kundi si Sunset.  Nasanay na siya ngayon sa attention, presence at pagmamahal ni  Sunset. Isa na lang ang hinihintay niya—ang muling sabihin nito na mahal siya nito. Kapag nangyari na iyon ay sasabihin na rin niya ditong mahal din niya ito.

                She was busy watching other couples dancing at the center of the function hall, when Sunset suddenly pinched her nose.

                “Gusto mo bang sumayaw?” tanong nito sabay offer ng kamay nito sa kanya.

                Agad niya itong binalingan. He was lovingly staring at her. His lips curved a smile when she smiled back. Tinanggap niya ang kamay nito at inakay siya nito sa dance floor. He then looked deeply into her eyes as if sending lot’s of message his heart can’t barely utter. Wala siyang ibang nararamdaman sa mga titig nito kundi pagmamahal, sinsero, buo, at walang alinlangan.

                Hindi niya inalis ang kanya paningin dito. Tila tahimik na nag-uusap ang kanilang mga mata habang dahan-dahan itong lumalapit sa kanya. He lovingly embraced her back. She felt again that strange current in her spine as her heart beat faster. Ang isa nitong kamay ay dahan-dahang umakay sa kanyang ulo palapit dito. He then gave a sweet kiss on her forehead.

                Something strange has come over me. A raging wind across my seas. And girl you know that your eyes are to blame. And what am I supposed to do. If I can't get over you. I come to find that you don't feel the same…”

                A love song fro N-sync was playing in. Pero wala sa love song ang focus ni Lara. Sumasabay sa tugtog ang pagkabog ng puso niyang inilaan na niya kay Sunset.

                Sabihin mo na, Sunset… She was praying at that moment for she really wanted him to know what she really feels for him.

                “Ayca…” Pinaglapat nito ang kanilang mga noo. Pagtakatapos ay inilapat nito ang ulo niya sa balikat nito habang sila ay nagsu-sway. “Alam mo ba kung ano ang greatest fear ko?”

                “Ano iyon, Sunset?”

                “Ang mawala ka sa akin dahil sa isang pagkakamali. Mahal na mahal kita, Ayca.”

                He finally said it again and it was her time to speak up. Nag-angat siya ng uli ng ulo para salubungin muli ang mga mata ng binata. “I love you, Sunset.”  Kahit di ko alam ang pagkakamaling sinasabi mo, mahal kita.

                Tila kumislap ang mga mata nito at umaliwalas ang mukha nang muli siya nitong yakapin. “Thank you, Ayca. Thank you for loving me back.”

                They stayed that way for a while. Sinusulit ang moment na magkasama sila. Until finally the party was over.  Tulad ng dati ay inihatid siya nito sa bahay.

                Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. “Matulog ka na ha. Pahinga ka ng mabuti,” he uttered. Then he held her hand tight.

                “Ikaw rin, ingat ka sa pagda-drive.” He nodded. Atubili pa itong bitawan ang kamay niya. “Sunset, di ka makakauwi pag di mo ako bibitawan. Halatang-halata ka naman na ayaw mong malayo sa akin,” biro ni Lara sabay tawa.

                He laughed, too. “Pwede bang dito na lang ako?”

                “Depende.”

                “Depende, kung papayag ang tatay ko. Sigurado akong hindi kaya umuwi ka na.”

                Umismid ito. Pagkatapos ay hinalikan nito ang kamay niya bago iyong bitawan. Then he waved as he approached the gate. Huminto ito sa tapat ng kotse nito. “Ayca, pumasok ka na sa loob.”

                “Oo, sige. Drive safely.”

                “Sure I will.”

                Papasok na siya sa bahay nang may humarurot na motorsiklo sa kahabaan ng kalye. Paglingon niya ay kitang-kita niyang naglabas ng baril ang nakaangkas sa motorsiklo at sa isang iglap lang ay nagpaputok ito ng baril, pinuntirya si Sunset na agad humandusay sa tama ng baril. Pagkatapos ay mabilis na tumakas ang mga iyon.

                “Sunset!” Agad  siyang tumakbo palabas ng gate para daluhan ang binata. May tama ito sa kaliwang balikat at tagiliran. Natatarantang niyakap niya ito. Nagpalinga-linga siya. “Tulong!” she shouted. Wala sa bahay ang magulang niya.

                “C-cellphone…” mahinang sambit nito.

                Agad niyang kinuha sa bulsa nito ang cellphone. Naghanap siya ng maaaring pwedeng tawagan para humingi ng tulong.

                “A-asteris, zero, zero,  f-five…”  mahinang sambit nito. Hindi na siya nagtanong pa at basta na lang siya nag-dial sa cellphone nito. After she pressed the call buttom ay bigla limitaw sa screen noon ang Code Black Security, Inc. 

                “Code Black?” Kilala ang security agency na iyon sa pagpo-provide ng private investigation, source ng body guards at security guards at security devices. Ito rin lang ang tanging private agency na affiliated sa NBI at PNP.  Pero paanong may access si Sunset sa Code Black? Sino ang mga taong nagtangka sa buhay nito? 

                Then she remembered the weird guy who told her a threat. Sinaklob ng kaba ang kanyang puso.

                Lalo siyang natakot at nag-alala nang sumuka ito ng dugo pagkatapos ay tuluyang nawalan ng malay.

                Wala pang isang minuto ay dumating ang familiar na van lulan ang mga kaibigan ni Sunset. Agad nilang isinugod si Sunset sa pinakamalapit na hospital.
               

                KAMPANTENG naglalakad si Lara sa kahabaan ng hallway sa executive ward ng mamahaling hospital kung saan naka-confine si Sunset. Matapos matanggal ang tatlo bala sa katawan nitong ilang araw na ang nakakalipas ay naging mabuti na ang lagay nito. Ngayon ay nagpapalakas na lang ito.

                Maraming siyang nalaman matapos ang insidente. Isa palang indirect agent ng Code Black si Sunset. At ang taong suspected na may kinalaman sa pamamaril dito ay maaring isa lang sa mga masasamang loob na hinahabol ng ahensya. Karl Torrejos ang naririnig niyang pangalan mula sa mga kaibigan nito. Ngunit kung sino man ang Karl na iyon ay wala siyang ideya.

                Pipihitin na siya ang seradura ng pinto nang marinig niya ang ingay mula sa loob.

                “Hanep ka talaga sa chiks, pare. So kayo na?” Sa wari ni Lara ay boses iyon ng kaibigan nitong si Hiroshi na currently ka-date ng kaibigan niyang si Ann.

                “Yes, officially yes,” tugon ni Sunset.

                “So kami na lang pala ang nasa panganib. Apple is fine with Rover. Icee is doing good with mister priest figure. I think Erika is doing well with her boss and you’re interestingly good with Ayca.  Ryuji, ano na? Sino sa atin ang matatalo sa laro mo?”

                Game? Anong game? Curiousity motivated her to listen more.

                “Shut up,” tugon ni Ryuji. Narinig niyang tumawa si Sunset at Hiroshi.  “The game is not yet over. Paano kung malaman ni Lara na kaya mo lang naman siya nilapitan e dahil sa same order game of destiny?”

                “I love her,” sambit ni Sunset.

                “Still you didn’t answer the question. Ang point dito pare, three months is not yet over. May isang buwan pa tayo at once na magkabistuhan, maaring tayong lahat ay matalo. So better yet, start doing our portrait, bro.”

                “I quit the game!” Sunset announced.

                “Sure ka?”

                “Ayoko na. Look, I love her. I love her for real. Yeah it all started with that Irish coffee and that same order game of destiny but that doesn’t mean I never got serious with her. Alam ng Diyos tuwing kasama ko si Ayca, masaya ako pero may takot sa puso ko na baka hindi niya maintindihan ang lahat ng ito pag nabisto na ako. So I better quit. I don’t have to be in the game, I’m willing to lose the game but still no regrets. I already won my prize.”          

                Natigilan si Lara sa natuklasan. Malinaw pa sa sikat ng araw ang mga narinig niya. Kinapa niya ang puso. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Dapat bang masaktan siya dahil sa una ay niloko lang siya ni Sunset at nagkataon lang na nain-love ito sa kanya or dapat siyang matuwa dahil narinig niya mismo mula kay Sunset kung gaano siya nito kamahal?

               Ang ending tuloy ay nanatili lang siyang nakatayo sa pinto.  Tears fell from her eyes. Hindi niya alam kung ano ang tuwirang dahilan ng mga luhang iyon na hindi niya napigilan.  Lalo siyang natigilan nang biglang bumukas ang pinto. Caught in the act siya nina Ryuji at Hiroshi. Kapwa natigilan din ang dalawa  pagkatapos ay nagkatinginan.

                Agad naman siyang umarteng wala lang. Pasimple niyang pinahid ang luha.

                “Hi Ryu at Hiroshi. Kanina pa ba kayo? Na-late ako ng gising e,” sambit pa niya.   Nilagpasan niya ang mga ito at inilapag sa ibabaw ng cabinet ang dalang isang basket ng prutas. Nagtatanong din ang mga mata ni Sunset habang nakatingin sa kanya.  Umiwas lang siya ng tingin.

                “Ayca—”

                “Sandali lang Sunset, pa-CR muna.”

                Hindi na niya ito hinintay sumagot dahil nangingilid na naman ang luha niya. Agad siyang pumasok sa banyo, binuksan niya ang gripo upang hindi nito marinig ng pag-iyak niya. Nasasaktan siya pero sa di niya rin maipaliwanag na dahilan, hindi niya magawang magalit kay Sunset. Alam niyang sincere ito tuwing sinasabi nitong mahal siya nito.

                “Ayca, let’s talk.” Sunset knocked on the door.

                Humikbi muna siya bago pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili. Huminga siya ng malalim bago niya binuksan ang pinto, Bumungad sa kanya si Sunset, bitbit nito ang sariling dextrose. Halata sa mukha nito ang pag-inda sa mga sugat nito sa katawan.

                Agad niyang inagaw dito ang dextrose at saka niya ito inayang bumalik sa kama. “Ano ka ba naman, Sunset. Bakit ka tumatayo agad e ang sabi ng doctor humiga ka lang daw hangga’t maaari. Sige ka baka mag-open muli ang mga sugat mo. Hindi ka—” Nagulat si Lara at nangilid ang luha niya nang yakapin siya ni Sunset ng mahigpit.

                “Hindi mo kailangang magsalita, Ayca. Alam kong narinig mo ang usapan naming tatlo. Wala na akong magagawa kundi ang humingi ng tawad. Hindi ko sinasadya. Lahat ng pinakita ko sa’yo sincere iyon at totoo. Ayca, please, wag kang mawawala—”

                “Sinong may sabing mawawala ako sa’yo? Nasaktan lang ako, Sunset. Pero naiintindihan kita. At kahit anong pilit ko, hindi ko kayang magalit sa’yo.”

                “Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. Ayca, ayokong nakikita kang ganyan lalo na’t alam ko na ako ang dahilan kung bakit ka nasasaktan.”

                Kumalas siya sa yakap nito. Tinitigan siya nito at pinawi nito ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

                Inayos muna ni Ayca ang dextrose nito sa handle at inalalayan niya itong makahiga muli ng ayos. “Don’t worry, Sunset. Okay lang ako. Kaya ko ‘to. May isang bagay lang akong hihilingin.”

                He grabbed her hand. “Ano iyon?”

                “Sabihin mo lahat sa akin ang buong kwento.”

                Huminga ito ng malalim bago muling tumitig sa kanya. “It was a petty game. One day, nagkatuwaan kami. Umorder kami ng iba’t ibang variant ng kape sa Kofi Cups at nag-abang ng opposite sex na bibili din ng same order ng kape na meron kami. Ang game, we have to make move to be able to get love progress to particular target. Ikaw ang binigay ng game of destiny na yon. Sa una, oo aaminin, lumapit ako sa’yo nong exhibit dahil target kita. Pero nang lapitan kita, nalaman kong fan kita, and you talk about my passion with enthusiasm, nakalimutan ko na ang tungkol sa game. Lumalapit na ako sa’yo dahil unti-unti akong na-in love sa’yo.

                “Noong binigay ko sa’yo ang painting ko, noon palang nagdesisyon na akong mag-quit sa game. Kasi  alam ko na noon pa man na ikaw na ang matagal ko ng hinihintay.”

                “Paano mo naman nasabi iyon?”

                “Meron akong kawirduhan. Kuripot at madamot ako, Ayca. Kahit halos buong buhay ko ng kasama sa buhay ang mga kaibigan ko, never akong nagbigay ng painting sa kanila ng libre. Sabi ko kasi, magbibigay lang ako ng painting ng libre sa babaeng papakasalan ko. Weird lang, pumasok sa isip kong bigyan ka ng painting nang hindi ko man lang naiisip ang kawirduhan kong iyon. Nung mapagmasdan ko ang painting  sa wall ng child care center mo, doon ko lang naalala ang panata ko.”

                “Pinagsisihan mo bang ako ang nakatanggap ng painting na iyon?” 

                He touched her cheeks while lovingly staring at her. “Wala akong pinagsisihan sa lahat ng nangyaring ito. Kung meron man, iyon ay ang naglihim ako sa’yo. Sorry ha. Dapat noon pa lang sinabi ko na sa’yo ang totoo pero kasi noon hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko.  Pero ngayon siguradong-sigurado na ako. Pero hindi ko naman hawak ang puso mo, Ayca. Maiintindihan ko kung pagkatapos nito ay—”

                “Sinabi ko ng hindi ako mawawala sa’yo kaya wag ka ng mag-alala pa, Sunset.”

                “Thank you.”                                              

                “Ako dapat ang mag-thank you kasi mas pinili mo ako kesa sa result ng game na iyon.” She smiled. “Alam mo ba, pakiramdam ko tuloy, ang ganda-ganda ko. As in super ganda ko na talaga. You make me feel I’m the lovliest woman on earth kahit para naman talaga akong elyen most of the time.”

                Sa wakas ay napangiti na rin ito. “Alam mo bang pag kasama kita feeling ko rin—“

                “Napakaganda mo?” patawang hirit niya.

                He laughed. “No. Pero feeling ko napakaswerte  ko dahil may kasama akong maganda—” Bigla nitong sinapo ang tagiliran nito. Napapikit ito at suminghap.

                “Magpahinga ka na muna, Sunset.”  Hinaplos niya ang pisngi nito. She moved closer and gave him a quick kiss on cheeks.

                Nagmulat ito ng mata at hinalikan siyang muli. “I love you so much, Ayca.”

                “I do, too.”  


                “KAINIS talaga ang mga lalaking yan, Sisturrrrr!” gigil na gigil na litanya ni   Ann kay Lara.

                Hinila siya ng kaibigan niyang magkape sa Kofi Cups after work. Hindi alam ni Lara kung makikigigil ba o tatawa na lang sa asta ng kaibigan.  Inamin na rin kasi ni Hiroshi ang tungkol sa same order game of destiny na muntik ng magpahiwalay din sa kanila ni Sunset.

                “Intindihin mo na lang, Sisturrrr. Look at me, inunawa ko at pinatawad si Sunset. Heto ngayon, happy at super duper happy na kami sa isa’t isa.”

                “Hindi ako kasing bait mo, Sisturrrr. May araw din sa akin ang poging amo ko na yon. Isa siyang Sushi! Malaking Sushi. Ipiprito ko siya pag nakita ko siya!”

                “Ann, hindi piniprito ang sushi.”  Namataan ni Lara si Hiroshi na papalapit sa kanila habang patuloy ang litanya ng kaibigan niya. Lihim siyang natutuwa pero hindi siya nagpapahalata. Mukha naman kasing may gusto rin ang binata sa kaibigan niya.

                “Ah, basta, walang basagan ng trip, Lara.” Bumuntong-hininga ito. “Buti ka pa minahal ka ni Sunset. Binigyan ka pa ng bagong nick name. Ako…waley, nakipag-date lang sa akin dahil—”

                “Dahil gusto rin kita, Ann.”

                Kitang-kita ni Lara ang gulat na expression ng kaibigan.

                “Excuse us lang, Ayca kakausapin ko lang ang friend mo ha,” paalam ni Hiroshi sabay baling sa kaibigan niya. “Let’s talk.”

                “Ayoko nga!”

                Pero kahit humindi si Ann dito ay  kinaladkad  pa rin ito ni Hiroshi palayo sa kanya. Ang ending tuloy  ay naiwan siyang mag-isa. Maraming tao sa shop pero kataka-takang wala sa paligid ang barkadahan nina Sunset. Maging ang binata ay wala rin. And speaking of that guy, kanina pa niya itong hindi nakakausap.  Nasaan na kaya ang lalaking iyon?  

                On cue biglang namatay ang ilaw at automatic na nagbukas ang emergency lights sa shop.  All of a sudden, naalala niya ang unang gabi na niyaya siya ni Sunset magkape. Nawalan din ng kuryente noon tulad ngayon.

                “Naaalala mo pa ba ang gabing iyon?”

                Napalingon siya sa may counter. There standing in the counter was Sunset. May nakalatag sa harap nito na salamin na may lights sa ilalim. Biglang bumukas din ang flat screen tv roon na nakafocus lang sa nakalatag sa harap ni Sunset.

                “Iyon ang gabing minahal kita, Ayca.”

                “Wuuuuu!”

                Naghiyawan ang mga tao, kinilig naman siya.

                “Naaalala mo pa ba ang nangyari sa atin? Hayaan mong ikwento kong muli sa’yo.”

                Nanahimik ang lahat nangmay marinig silang music. It was a sweet love song. 

                No more talk of darkness, forget these wide-eyed fears. I’m here.Nothing can harm you. My words will warm and calm you.  

                As the line gone by, Sunset threw sands on the platform mirror.  Sunset was exhibiting  a sand painting featuring their love story. Habang pinaglalaruan nito ang buhangin ay unti-unting nabuo ang imahe ng isang babaeng nakamasid sa isang painting at isang lalaking nakatingin sa babae. Hindi rin tuloy naiwasan ni Lara na mag-reminisce.

                Let me be your freedom, let daylight dry your tears. I’m here, with you, beside you. To guard you and to guide you…

                An image of a guy and girl sitting on a table similar on the tables of Kofi Cups appeared on sand painting.  My caption pang Kofi Cups sa taas.

                Then say you love me every winter morning. Turn my head with talk of summertime. 

                 Napalitan ang image ng isang babae at lalaki na magkayakap. Pagkatapos ay buhat ng lalaki ang babae.

                Say you need me with you now and always. Promise me that all you say is true.  That’s all I ask of you.

                Image naman ng babae at lalaki na may hawak na heart sa pagitan ang naging imahe. 

                 Say you need me with you here, beside you. Anywhere  you go, let me go too. That’s all I ask of you.  

                Napalitan ang image ng babae at lalaking magkayakap habang nakaupo sa damuhan.

                Say the word and I will follow you. Share each day with me each night, each morning. Say you feel the way I do.

                Then Sunset wrote, “Will you marry me?” above.

                That’s all I ask of you…

                Naghiyawan ang mga tao habang si Lara ay natitigilan at napapatulala. He was proposing marriage!

                Then Sunset walked towards her. Habang lumalapit ito sa kanya at tila may kinakapa ito sa mga bulsa.

                “Ayca…” He lovingly looked at her. Habang siya naman ay kinakabahan ng sobra. Kahit alam na niya ang sasabihin nito ay na-excite pa rin siya. “I finally realized that you are the one I want to spend the rest of my life with. I want you to be my lifetime partner.”  Dumukot ito sa kaliwang bulsa ngunit tila wala dito ang hinahanap. Dumukot din ito sa kanang bulsa ngunit tila wala din do’n ang hinahanap nito na sa palagay niya ay singsing. “Nasaan na iyon?” bulong nito.

                Impit na natatawa na si Lara maging ang mga taong saksi sa proposal na iyon. “O nasaan na ang singsing?”

                Dumukot uli ito sa magkabilang bulsa at sa wakas ay nakita na nito ang hinahanap. “Here.” He then looked at her with all the love in his eyes.   “Ayca, will you marry me?”

                Wuuuuu!  Kinantyawan silang muli ng mga tao roon.

                She just smiled and gave him a naughty smile. “Kiss mo nga ako.” She pointed in her right cheeks. Walang dalawang isip na  hinalikan siya nito sa pisngi. “Isa pa.”  She pointed on her left cheek and he did kiss too. “More!” She pointed on her nose. He laughed, hugged her and lovingly kissed on her nose.

                Then she kissed him on his lips. “I will Sunset. I do!” 


                He kissed her back, inserted the ring on her fingers and lovingly embraced her.






PREVIOUS                                                   NEXT STORY

Comments

Anonymous said…
walangjoOness naihi ako sa kilig nyahahah :P

~Rika

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…