Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: In Painter's Loving Arms- Part 2





“O natamik ka na diyan,” sambit ni Sunset. “Wag mong intindihin ang mga kaibigan ko, makukulit lang ang mga iyon.”

                Umiling-iling si Ayca. Sino ba namang hindi matatahimik sa nalaman niya. Bakit ba hindi man lang nagpakipot itong si Sunset nang tanungin ito ng mga kaibigan nito tungkol sa kanya? Lalo lang tuloy siyang nawawala sa sarili. “Ah wala, ninanamnam ko lang ang kape.”

                “Masyado ba akong mabilis?”

                “Ha?” Napaangat ang tingin niya mula sa Cappuccino. Agad niyang nakita ang gwapong mukha ni Sunset na matamang nakatitig sa kanya.

                “I actually mean it, Ayca.”

                “Ang alin?”

                “That I like you. I mean it. Pero masyado nga ata akong mabilis.”

                “Oo nga, baka nabibigla ka lang, you know.”

                Nagkibit-balikat lang ito. “May boyfriend ka ba?”

                Umiling siya. “Wala ngang magkamali e,” biro niya.

                He smiled as if he found out something brilliant. “Well wala naman talagang magkakamali sa’yo,” sambit nito.


                Napataas ang kilay niya ng di sinasadya. Ah ganon?

                Napansin ata nito ang pagtaaas ng kilay niya pero hindi naman ito mukhang affected. “Wala naman talagang pagkakamali dahil ang magkagusto sa’yo ay isa sa mga pinakatamang desisyon sa buhay,” seryosong dugtong nito.   “So, I’m sure I’m making the right decision.”

                “Ah…” Umiwas na lang siya  ng tingin. “Hindi ka lang pala pintor ano? Makata ka rin.”  At bolero!

                He smiled. “Minsan lang naman ako ganito.”

                “Tuwing kelan naman ang minsan na iyan?”

                “Kapag gusto ko ang babae.”

                Natigilan siya sa sinabi nito. Kung bola at pambobola rin lang, kanina pa talaga siyang nagpapabola dito as in! So gusto mo talaga ako? Naman!

                “Hindi ka naniniwala na gusto kita?”

                Nagkibit-balikat lang siya. 

                “Di naman kita masisisi kasi kakakilala pa lang natin.  If you don’t mind can we know each other better.”

                “Sure. No problem.”

                Biglang namatay ang kuryente kasabay ng pagbugso na bagyo sa labas shop.  Automatic din na nagbukas ang emergerncy lights sa apat na sulok ng shop.

                “Ooops. Sorry for the inconvenience. We’re shifting from  normal power supply to generator in few minutes,” anunsyo ni Ryuji.

                Madilim ang paligid. Gabi na kasi at masama pa ang panahon sa labas.  Nagulat si Ayca nang may mainit na kamay na humawak sa kamay niyang nakalapag sa mesa. Nabalingan niya si Sunset. Ngumiti ito sa kanya kasabay nang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya waring sinasabi nitong hindi siya nito pababayaan. 

                “Don’t worry. Babalik din ang ilaw maya-maya lang,” sambit nito.

                “Oo nga kaso lang….” tumingin siya sa paligid. “Siguro dapat umuuwi na ako. Baka wala na akong masakyan pauwi—”

                “Ihahatid na kita.”

                Tumayo agad ito at iginiya siya palabas  ng shop. Agad nitong isinuot uli sa kanya ang jacket nito nang umihip na naman ang malamig at malakas na hangin.

                “May signal ata ang bagyo ah,” sambit ni Lara.

                “I think so. Let’s go. Baka maipit tayo ng traffic.”  He held her hand and few minutes more they’re on their way to her house.

                Pero gaya nga ng inaasahan, naipit sila sa buhol-buhol na traffic na sinabayan pa ng masamang panahon. Malakas ang buhos ng ulan at pabugso-bugso ang malakas na hangin.

                At sa tuwing hahampas ang hangin kasabay ng unti-unting pagtaas ng tubig baha ay lalong kinakabahan si Lara. Nerbyosa pa mandin siya.

                Her cellphone rang. Bahagya pa siyang nagulat. Binasa niya ang message na galing pala sa kanyang ina. Napakamot lang siya  sa ulo ng wala sa oras.

                “Problem?” untag ni Sunset.

                “Nagtext ang mama ko.Umapaw na daw ang creek malapit sa amin. Nasira na rin ang tulay. Wala rin tayong dadaanan. Sabi ng mama ko makitulog na lang daw ako sa mga friends ko.”

                “Ganon ba? May friends ka ba na malapit lang dito?” tanong nito.

                Napangiwi siya. “Iyon nga ang problema.  Out of the way ang mga bahay ng friends ko dito. At sa tingin ko, mahihirapan tayong bumalik. Pasensya ka na Sunset, pati tuloy ikaw naabala ko pa.”

                “It’s okay. Wala namang problema sa akin. Mas palagay ako na nag-volunteer akong ihatid ka lalo na sa lagay natin ngayon. Mag-aalala lang ako sa’yo kung hindi kita kasama.”

                Ang simpleng sinabi nito ay bumuhay sa lumulukso-luksong puso niya. “Salamat ha.”

                “I know this might be awkward to you pero siguro mas makakabuti kung  doon ka na lang muna sa bahay. Actually, on the way ang location natin sa amin.”

                Waaah, kakakilala lang namin iuuwi na niya ako? Waaaaaah! “Naku, nakakahiya na sa’yo Sunset.”

                Nginitian lang siya at ayun na naman. Nakalimutan na niya ang mahiya. “No, it’s just nothing. So okay lang sa’yo, sa bahay ka muna?”

                “Okay.”

                He turned left and few minutes more, the car was already infront of a luxury house. May kalakihan ang bahay na parang mansion na nga kung tutuusin at naka-locate iyon sa isang kilalang exclusive subdivision na kilalang tirahan ng mga celebrity at pulitiko.

               Nang i-park nito sa garahe ang kotse ay agad itong lumabas para pagbuksan naman siya ng pinto ng kotse. Then he held her hands and led her way to the main door.

                “Hindi ba nakakahiya sa pamilya mo?”

                He smiled. “They would not mind at all. Baka matuwa pa si Mama. Ikaw pa lang ang babaeng nadadala ko dito.”

                 Pagkapasok nila sa bahay ay agad na bumungad sa kanya ang dalawang babaeng magkamukhang-magkamukha na natigilan sa pagitan ng pagkukwentuhan nang makita siya.

                “Sunrise, Sunlight, this is Ayca. Dito muna siya magpapalipas ng gabi dahil bumabagyo,” pagpapakilala sa kanya ni Sunset sa dalawa.

                Wow, maaraw ang pamilya na ito! 

                Binalingan siya ni Sunset. “Ayca, they are my sweet but crazy twin sisters.”

                “Hello!” korong sambit ng dalawa.

                “Girlfriend ka ni kuya?” tanong ni Sunrise. 

                “Kelan pa kayo ni kuya?” tanong din ni Sunlight.

                “Kelan ang kasal?”

                “Sa’n ang reception?”   

                “Sa’n ang honeymoon?”

                “Sama kami?”

                “Ah…” Alanganing ngumiti lang si Ayca.

                “Kayong dalawa tumigil nga kayo,” sita ni Sunset.

                “Ano ka ba kuya, excited lang kami. Sa wakas na inlababo ka na ng tunay. Ang saya-saya,” sambit ni Sunrise sabay hawak sa kamay ni Lara at hinila siya para umupo sa tabi ng kambal.

                “So ano ate? Kamusta naman si kuya bilang boyfriend? Wag ka ng mahiya ate. We’re family here,” sambit ni Sunlight.

                 “Ah…”

                “Ayca, you don’t have to answer that—”

                “Kuya, puntahan mo muna si Mama sa kusina. Kanina ka pa niya hinihintay. Kami muna ang bahala  kay ate.”

                “Pero--”

                Wala ng nagawa si Sunset nang itulak ito ng mga kapatid papunta sa kusina pagkatapos ay nangingiting binalingan siya ng kambal.

                “Ano na ate?”

                “Eh, hindi naman niya ako girlfriend. Magkaibigan lang kami ng kuya nyo. Nagmagandang  loob lang siya na ampunin ako ngayon gabi kasi umapaw na ang creek sa may amin at nasira ang tulay. Wala akong mauuwian. Ayun.” Bakit kailangan kong mag-explain? 

                Nagtatakang nagtinginan ang magkapatid.

                “Pero dinala ka dito ni kuya ibig sabihin…”

                “Ano?”

                “Ibig sabihin, mabait ako at may puso para tumulong sa ngangailangan.” Bigla na lang sumingit si Sunset sa usapan. “Ayca, come. Let’s have some decent dinner.” He held again and took her away from the twins.

                Pero bago pa sila makaalis sa living area ay may pahabol pa si Sunrise.

                “Isang tanong na lang Ate Ayca. Ikaw ba ang niregaluhan ni kuya ng painting niya?”

                “Oo bakit?” sagot niya.
                Nakangising nagkatinginan ang kambal. “Confirmed!” 

                Natatanong na binalingan niya si Sunset para lang pala mahuli niya ito sa masuyong nakatitig sa kanya. Gumaganda ata ako today… tonight!


                 PEAK season na ng negosyo ni Lara. Malapit na kasi ang Pasko at napapadalas na ang mga maagang Christmas sale pagkatapos ng mga Halloween sale. At dahil nauuso na sa ganitong panahon ang mag-shopping para mas tipid, maraming mga toddlers ang naiiwan sa shop niya.

Tatlo sila ngayong nagtutulong-tulong alagaan ang sampung bata. Most ng mga bata ay nasa edad two to five years old, hyper, sumpungin at makukulit.

Lara automatically faced the door when a couple carrying a pair of twins entered. Mula sa glass wall na naghihiwalay sa playing area at receiving area ay natatanaw niya agad kung may pumasok sa shop.

“Good afternoon. May I help you?”

                Ibinilin niya ang binabantayang tatlong bata sa dalawa niyang staff at hinarap ang couple. 

                “Ahm, we’re looking for Lara Danica Lazaro,” sambit ng lalaki.

                “That’s me. Have a seat.” In-offer niya ang visitor’s chair sa dalawang she presumed na mag-asawa. “So, what can I do for you?”  

                “I’m Grant Cassanova and this is my wife, Vanilla.”  The guy offered his hands at tinanggap naman niya iyon.

                “Nice to meet you.”

                “You are recommended by a friend. We need to do some shopping and grocery thing but we don’t have somebody to take good care of our twins,” paliwanag ni Grant.

                “I see. You came at the right place, Sir.”

                “Mukhng marami kayong inaalagaan ngayon. Sure ba na maaalagaan mo sina  Xyleena at Xyrus?” tanong naman ng misis nito.

                “Yes, Mrs. Cassanova. I assure you. Ako mismo ang mag-aalaga sa kambal. Nothing bad will happen to your kids as long as they are in my place. Malapit na ring sunduin  ng mga magulang nila ang ilan sa mga bata kaya siguradong maaalagaan namin ng mabuti ang twins nyo.” She pulled out some forms at pinafill-up ang information sa mag-asawa.

                Maya-maya pa ay nakalaro na niya ang three year-old twins sa playing area kasama ng ibang mga bata.

                Maga-alas singko na pero hindi pa siya nanananghalian. Aminado si Lara na pagod na siya pero kahit kailan ay hindi niya iyon pinapakita sa mga staff niya pati na rin sa mga bata. Tutal naman, nakakalimutan niya ang pagod kapag napapatawa niya at nakikita niyang nage-enjoy ang mga batang inaalagaan.

                “Ah, ate Lara si Mr. Poging Pintor nasa receiving area,” tawag sa kanya.

                “Ha?” Agad niyang ibinilin ang kambal na inaalagaan sa staff niyang ito at tinungo niya ang receiving area ng opisina niya. Then she saw Sunset sophisticatedly sitting on the sofa and intensely  staring at the painting he gave her few weeks ago.

                Ano kayang iniisip niya? Nanghihinayang na ba siya at binigay niya sa akin ang painting?

                Naramdaman na ata nito ang presensya niya kaya agad itong lumingon at nagtagpo ang kanilang mga mata. Amusement covered his face as if she was the most admirable woman existing in this mortal world.

                “Hi, naligaw ka ata uli?” untag niya dito. Mula nang nagpalipas siya ng bagyo sa bahay nina Sunset ilang araw na ang nakakalipas ay madalas na silang magkita. Minsan ay dinadalaw  niya ito sa studio nito na isang linggo pa lang na nagbubukas at mas madalas, ito ang dumadalaw sa kanya. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay naging busy ito at ilang araw din na hindi sila nagkita.

                Ngumiti ito. Then he lift a plastic bag na nakapatong sa center table. “I brought  you some food. I know hindi ka pa kumakain. Masama iyan, Ayca. So  I brought some food to fill your tummy.”  Iniabot nito sa kanya ang plastic bags. 

                Ay ang sweet! Ayeeee! Lihim na kinilig siya. Hindi na secret sa kanilang dalawa na gusto siya nito pero hindi pa rin siya masanay-sanay sa atensyon na pinakikita nito sa kanya.

                “Salamat. Nag-abala ka pa.” Ipinatong lang niya ang pagkain sa mesa niya. Wala pa siyang oras para kumain dahil  walo pang bata ang binabantayan nila ng nag-iisa na lang niyang staff ngayon. Nagka-emergency kasi sa bahay ang isa niyang staff kaya nag-undertime.

                “O, kainin mo na ‘yan. Di ka pa nagtatanghalian. Malay ko baka hindi ka pa rin nag-aagahan. Baka magkasakit ka niyan,” nag-aalalang sambit nito. He then touched her cheeks.  “You look so tired. You should eat then para ma-recharge ka ng konti.”

                Pinipigilan niyang mapanganga habang ang expressive nitong mga mata ay tumutunaw sa tamang takbo ng brainwaves niya. Why did you have to be so sweet? So handsome? So caring? So loving? So good!

                “Paano mong nalamang hindi ako nagtanghalian?” tanong na lang niya.

                He looked beyond the glass wall. Mula sa pwesto nila ngayon ay tanaw na tanaw ang shop nito. “Kanina pa kitang pinapanood. Uupo ka lang sa mesa mo pag may dumadating na client. Pagkatapos ay tatayo ka na uli para balikan ang mga batang inaalagaan mo.” Binalingan naman nito ang mga batang inaalagaan niya na nasa kabilang room nase-separate lang ng glass wall mula sa receiving area. “Hinihintay kitang lumabas. Yayayain kitang mag-lunch pero hindi ka lumabas ni sumilip man lang.” 

                 “So hindi ka rin nag-lunch?” gulat na tanong niya.

                Umiling ito sabay baling sa kanya. muli ay tinitigan siya nito.  “Gusto kong mag-lunch sana kasama ka e.” Inilabas nito ang mga styrofoam na may mga pagkain mula sa plastic bag. “Sisiguraduhin kong kakain ka kaya hindi rin ako kumain.”

                “Sira ulo ka rin ano?”  buska niya.

                “Sigurista lang.”

                “Kumain ka na lang diyan, Sunset. Mamaya na ako. Marami pa kaming inaalagaan as you can see.” She was about to enter the play area when he grabbed her arms.

                “Wait. I have a better idea. Just stay here.”

                Bago pa siya makasagot ay nakalabas na ng shop niya si Sunset at diretsong nagpunta sa shop nito. Hindi siya umalis sa pwesto niya gaya ng sinabi nito. Pagbalik nito ay may bitbit na itong isang basket na may lamang pintura at kung anu-anong gamit pampinta, isang blank canvass, at isang lalagyan na mukhang baking pan.

                “I’m going to entertain the kids for a while para makakain ka na.”

“Pero Sunset—”

“This is for your own good. So please trust me.” He winked.

“Sige, ikaw ang bahala. Pero ano ba talaga ang gagawin mo?”

“You’ll see. Basta kumuha ka na ng pagkain and eat well okay?”

She nodded and let him do his thing.  Sinunod na lang niya ang bilin nito. Sinimulan na niyang kumain. Maya-maya pa ay na-curious na siya kung ano ang ginawa ni Sunset at nanahimik bigla ang mga bata.

Bitbit ang kinakaing pansit palabok ay sumilip siya sa play area. Napapalibutan ng mga bata si Sunset na abala sa pagpipinta sa tubig. Ang baking pan na nakita niya kanina na hawak nito ay nilagyan nito ng tubig. Pagkatapos ay maingat nitong pinaglalagyan ng  iba’t ibang kulay ng pintura. Sa una ay parang mga circles lang ang mga iyon.  Kumuha ito ng stick at hinawi ang pinturang  nasa tubig. Ang mga circles ay naging mga bulaklak.

“Wow!” korong sambit ng mga batang amazed na amazed sa nasaksihan. Maging si Lara ay gusto na ring mapa-wow. Pagdating talaga sa pagpipinta walang kapantay si Sunset.

Matapos nitong magpinta sa tubig ay ipinatong nito ang blank canvass sa tubig.

“Tito Sunset, magiging painting talaga iyong mga flowers sa tubig?” tanong ni Xyleena.

“Yes, little one,” nakangiting tugon ni Sunset. Lumingon ito sa kanya and mouthed, “Eat well.”

Tumango lang siya sabay subo ng palabok.

“Now kids, are you ready  to see the painting?” tanong ni Sunset sa mga bata.

“Opo,” korong tugon nila. 

“So here it is.” Sunset pulled off the canvass from water revealing the water paints transferred on the canvass.

“Wow! Ang cool!” sambit ng mga bata.

Napangiti na lang si Lara habang pinagmamasdan si Sunset na tuwang-tuwang i-entertain ang mga bata.

“Ate Lara, ang swerte mo talaga sa boyfriend mo,” sambit ni Eingel, isa sa staff niya.

“Uy di ko siya boyfriend. Sayang nga e.”

“Ay hindi pa ba ate? Mukha kasing iyon na lang ang kulang oks na oks na kayo. Bagay na bagay kayo e. At ate, ang pogi niya.”

“Hunkilicious pa,” natatawang sambit niya habang nagbubulungan sila ni Eingel.

“Ikaw ate ha, type mo siya ano?”

“Sino ba namang hindi mata-type-an iyan? bongga! Type na type!”

Tumawa si Eingel. “Akitin mo na ate. Nasa pang-aakit iyan. Suportahan kita.”

“Loka ka talaga. Wag ganon, baka patulan ko iyang sinasabi mo.”

Pasimple silang nagtawanan. 

Finally natapos na niya ang pagkain. Bumalik si Eingel sa mga bata at pagkalipas din ng ilang oras pa, tahimik na buong shop. Alas-otso na, nasundo na ang mga bata ng kani-kanilang pamilya at  ang naiwan na lang sa shop niya ay silang dalawa ni Sunset.

They ate dinner. Kahit kanina lang alas-sais siya nagtanghalian ay napilit pa rin siya ni Sunset na sabayan itong kumain.  

“So what keeps you busy, Sunset? Hindi kita nakita ng ilang araw sa shop mo. Iyong secretary mo lang ang andon,” kaswal na tanong niya.

“Na-miss mo ba ako, Ayca?” bagkus ay tanong  din nito. “Na-miss ko kasi ang ilang araw na di pagdaan dito sa shop mo. Pati ikaw, na-miss kita.”

“Ako rin naman, na–miss kita.”  Waah, ano bang topic ito? “So…”

“Ah, your question. Medyo busy lang. May exhibit kasi ulit ako. Maraming meetings at personal matters.”

Personal matters?  Girlfriend kaya yon?  Biglang nalungkot  si Lara sa naisip. Bakit nga ba clueless siya kung may girlfriend ba ito o wala?

“O, don’t think I spent time with women. Wala akong ibang babae, Ayca,” sambit nito habang matamang nakatitig sa kanya. “Ikaw lang.”

“Ha?”  Nabingi na ata siya. The way Sunset told that line it seemed like he liked being solely faithful to her.

“Ayca, I’m happy when I’m with you really. Mula noong makilala kita sa exhibit, hindi ka na nawala sa isip ko.  I like your company. I like being with you.”

Waaaah! I do. I do!!! “Sunset…”

Natigilan siya at biglang kinabahan nang yumanig. Bigla siyang napatayo. “Lumilindol!” Nagkatinginan sila ni Sunset. Agad  din itong tumayo at nilapitan siya.

Kabadong-kabado siya at medyo napa-praning at nahihilo din. Pagod na kasi siya pagkatapos ay lilindol pa. Napapikit siya.

Agad naman siyang niyakap ni Sunset. “Wag kang matakot. Mahinang lindol lang ito. I’m here. Di kita pababayaan.”

Mamaya pa ay huminto na rin ang lindol pero hindi pa rin nababawasan ang kabang nararamdaman ni Lara. Magkahalong takot iyon sa lindol  at ang kilig sa  pagyakap-yakap sa kanya ni Sunset. 

Kung tuwing lilindol e yayakapin  mo ako ng paulti-ulit at mahigpit na mahigpit. I don’t mind kung may kasunod na twenty after shocks or more! I love your loving arms, Sunset.  

Never in her entire life had she experienced being taken good care of like the way Sunset was doing on her. Pakiramdam niya tuwing kasama niya si Sunset ay ligtas siya sa piling nito.

“Ayca, are you okay? Wala na ang lindol.”

But she remained leaning on his chest with her eyes shut and her heart throbbing fast.  Her hands are shaking too. Kung pagod, takot o kilig ang may dulot noon ay di niya na rin alam. Pakiramdam niya ay magku-collapse na siya.

“Ayca?” He moved a little. Nabuway siya. Good thing na yakap-yakap siya ni Sunset.

“Don’t move. Nahihilo ako.”

“Ha?” He sounded like in panic.

Then suddenly she felt her body has been lifted. Binuhat na siya ni Sunset at marahang ihiniga sa  sofa. She’s still conscious but literally dizzy.  She managed to open her eyes though and she was greeted with the most handsome painter she ever met with a trace of worry in his face.

She managed to smile. “Don’t worry. I’m okay. Kailangan ko na sigurong magpahinga.”

Sunset gently held her hands and gave them some sort of gentle massage. Nakatulong iyon para ma-relax siya.  Then he gently massaged her forehead too.  “Feeling better?”

“Yes. Thank you ha.”  Sinubukan niyang bumangon  at maingat na inalalayan siya nito.

“Kaya mo na ba? Ihahatid na kita.”

Tumayo ito at iniligpit ang pinagkainan nila.  Nang matapos ay binalingan siya nito.  “Let’s go.”  Inalalayan siya nito hanggang sa  makarating sila sa kotse nito. Inalalayan siya nitong makasakay. “Wait lang. Isasara ko lang ng ayos ang shop mo.”

She just nodded.  Binalikan ni Sunset ang shop niya at isinara iyon. Maya-maya pa’y  nasa byahe na sila para ihatid siya. Inabot sila ng traffic kaya nakatulog na siya habang nasa byahe.

“Ayca...” That soft voice in her ears awakened her.

Nagmulat siya ng mata at muntik nang mapatili nang mapagtantong gahibla na lang ang layo ng mga mukha nila. Pwedeng-pwede nga niyang pagsamantalahan ito at nakawan ng halik. Ako pa talaga ang mananamantala? Homaygawd! 

“Ayca…”  He held her chin, touched her cheeks and leaned down aiming to claim her lips.

 Waaaaah teka bakit may kissing scene agad? So fast and furious! She closed her eyes and anticipated that sweet kiss from the man she had been admiring since she found him.  Pero hindi pa  naglalapat ang kanilang mga labi ay may echoserang  ring ng cellphone na umeksena. Nagkatinginan lang tuloy sila ni Sunset, both with dismay,  pagkatapos ay naghiwalay na sila at sinagot nito ang tawag.

“Hello? Alam mo Apple kahit kelan istorbo ka talaga sa magandang eksena—ano?! Wait there. I’m coming right away.”

Lara saw that worried face again when he turned back to her. Pero ngayon ay hindi na para sa kanya ang pag-aalala na iyon. Para kay Apple na iyon na nalamang niyang nag-iisang best friend nito na babae. Best friend nga lang ba? 

“Ayca—”

“Sige Sunset puntahan mo na siya. Salamat sa paghahatid sa akin.”  Hindi na niya hinintay pang bumaba ito ng kotse para pagbuksan siya ng pinto.  But he was just too quick and was able to be at her side the moment she went out of his car. 

Inalalayan siya nito hanggang sa pinto ng bahay niya. 

“Salamat uli, Sunset. Ingats ka na lang sa byahe.”  She was about to open the door when he suddenly embraced her.

“Ayca…” Humigpit ang yakap nito sa kanya.  Hindi niya alam kung bakit tila problemado si Sunset. Nararamdaman niya iyon kahit hindi ito nagpapahalata, kahit wala itong sinasabi.  At sa tingin niya, may kinalaman ang problema nito sa tawag na natanggap kani-kanina lang.

“Kung may problema ka Sunset, I’m just here.”

He moved a little enough for them to look at each other. Nagulat na lang siya nang bigla nitong halikan ang noo niya. “You should not be involved. Don’t worry, Ayca. I’m fine.”

Kumalas na ito sa pagkakayakap nito sa kanya. “Get in and take a good rest. Babalik ako mamaya to check you okay. Nahihilo ka pa ba?”

“Hindi na.”

“Okay then, get in.” 

They part ways.  Papasok na siya sa bahay at papalabas na ito ng gate when he then mentioned her name again.

 “Yes—”

Sa muling pagbaling niya ay ang mga labi nito ng sumalubong sa kanya. Hindi siya ready di tulad kanina ngunit kahit ganun pa man ipinaubaya niya sa kanyang puso ang pagtugon sa mga halik nito.  Her heart was beating like crazy again. Ngayon ay unti-unti na niyang naiintindihan ang dahilan ng mga kakaibang pakiramdam na yon. Nagmamahal na siya. At ang binatang ito na nakayakap sa kanya at humahalik ng buong puso ang nagturo sa kanya kung paano magmahal ng totoo.

Their lips parted and Sunset rested his eyes on her. “I love you, Ayca.  I don’t know when did I start loving you. I just suddenly felt it. And… I want the best for you. Hindi ako umaasa ng sagot sa’yo ngayon, Ayca. I just can’t leave now without telling you what I feel.”

She was stunned, speechless, stroke mode. Sa unang pagkakataon ay may nagtapat din sa kanya ng pagmamahal na batid niyang sinsero at totoo.

“Sunset…. I…I…” I can’t get you out of my head. Ayeeeee! Ang ganda ko! Choz!

Cellphone ring. 

Nailing na sinagot nito ang tawag. “Ano?! Sige pare, papunta na ako.”  Pagkatapos ay binalingan siya nito. He kissed on her cheeks. “It’s enough for today, Ayca. Take a good rest and I’ll be back later.” Nagmadali na itong lumabas ng gate.

Bago pa niya masabing mahal din niya ito eh wala na ito sa paningin niya. Napapakamot sa ulong pumasok siya sa bahay. 


PREVIOUS                                                             NEXT 

Comments

Anonymous said…
..ganda talaga

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…