Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series 2: In Painter's Loving Arms- Part 1




“In fairness, ma-arts!” komento ni Lara sa sarili habang pinagmamasdan ang isang painting sa nagaganap na exhibit sa mall kung saan niya napiling maglagalag. It was Friday afternoon. Lumabas siya saglit sa child care center niya sa isang commercial building malapit sa mall na iyon upang mag-unwind. Konti lang naman ang batang nasa pangangalaga niya kaya iniwan na lang niya sa dalawang baby sitters ang mga iyon.

               Nang makitang may exhibit sa activity area ng mall na iyon ay di siya nagdalawang isip na sumaglit doon para magtingin-tingin. She loved paintings and all kinds of artworks. It’s just, hindi nga lang siya biniyayaan ni Lord ng talent  sa larangan ng arts kaya ang tangi na lang niya magagawa ay ang mag-appreciate. Dagdag pa ang katotohanang cannot afford din siyang bumili kaya hanggang tingin-tingin na lang siya talaga.  Marami-rami din ang tao sa exhibit.

                Ang painting na may title na “Forever Happiness”, isang abstract acrylic painting na binuo ng mga lively colors ang nakakuha ng atensyon niya.  Kapag tinitigan mo ang painting ay saka mo lang mapapansin na sa gitna ng halu-halong kulay ay may imahe ng babaeng may mahabang buhok at isang binatang tila nakatitig sa babae.  The painting worth ten thousand pesos and was made by the magical hands of her most favorite painter, Sunset Reyes.


                Fan siya ng nasabing pintor. Lahat ng youtube videos ng pintor habang nagpipinta ay napanood na niya. Napakagaling ng mga kamay nitong humubog ng imahe mula sa halu-halong kulay.  Nacu-curious din siya kung anong hitsura ng pintor sa personal. Sa mga videos kasi nito ay tanging naka-focus lang sa mga kamay nito at sa pinipintahang canvas.

                “Bakit kaya palaging associated sa love ang forever at happiness?” sambit niya kahit wala naman siyang kausap.

                “Once you fell in love, you will be chasing all the possibilities and chances to be with your love forever since that particular love interest is what happiness means to you.”

                “Huh?” Agad siyang napalingon sa echoserong sabatero sa tabi niya. She was greeted by a tall handsome guy, straightly looking at her with a curve smile on his lips. Physically fit ang binata at literal na good example ng tall, dark, and handsome. 

                “Like the painting?” tanong nito sabay turo sa painting na kinakausap niya kanina.

                “Ah, yes. Pero hanggang tingin lang ako. Alam mo na, sikat na sikat kasi ang painter na ito. Ang mamahal ng paintings niya. Ito na ata ang pinakamura, sampung libo.”

                “Ah ganon ba? You like him?”

                “The painter? Of course. Ang gaganda ng works niya at meron siyang magical hands. Actually, fan niya ako, kung sinuman siya.”

                Ngumiti lalo ang binata.

                “Organizer ka dito?”  tanong niya.

                “Ah, yeah.”

                “Pwede ko bang kuhanan  ng picture ang painting? Hindi ko kasi mabibili iyan eh.”

                “Oh, no need.” Tinawag nito ang isa sa mga organizer. “Sold na ito ha,” tukoy nito sa Forever Happiness pagkatapos ay binalingan uli siya nito. “It’s all yours.”

                “Ha? Eh wala akong pambayad diyan, poging organizer!” hirit niya.

                He laughed as he touched her chin. “It’s free, only for you, sweet lady.”

                “Weh?”

                “Stay here. I’ll get a form.”  He smiled and walked away.

                “Seryoso?” sambit niya sa sarili. She was proven right nang nakangiting binalikan siya ng binata at may hawak na itong papel.

                Ibinigay na nito ang papel sa kanya. “Fill up the form. After the exhibit, we’ll have the painting delivered to you.”

                “Seryoso talaga ito?”

                “Oo naman.”

                “Bakit mo ibibigay sa akin ang pagkamahal na painting na ito? Di naman tayo close. Ni hindi nga kita kilala eh. Sino ka nga ba?”

                Ngumiti lang ang binata at ininguso ang katabing board na may nakapaskil na profile ng mga exhibitors. Most ng mga andon ay members ng Association of Abstract Painters of the Philippines at Association of Bachelor Painters. 

                Napanganga si Lara nang mamataan niya ang isang particular painter’s profile. The guy in the picture was literally the guy beside her.

                Maang na binalingan niya ang binata. “I-ikaw si Sunset Reyes?”

                Tumango ang binata at saka ngumiti uli. “Yes. It was my first time to meet a fan in person. And that painting, that will be my thank you gift for you.”

                Di makapaniwalang nakatitig lang siya kay Sunset. “I-ikaw talaga si Sunset?”

                “Yeah.”

                Ngumiti siya at di na nahiyang tumili sa harap nito.  “Eeeee! Ang pogi mo pala!”

                Nahihiyang ngumiti naman ang binata. “Thank you.”

                “Ah, pwedeng pa-picture?”

                “Sure!”

Kinuha niya sa bag ang digicam at nagpicture-picture silang dalawa.

“Ay salamat, pwedeng payakap?” hirit pa niya. Sa sobrang ka-star struck niya dito ay nawalan na talaga siya ng hiya. Pagkakataon na niya iyon dahil hindi lahat ng fan ng pintor na ito ay nagkakaroon ng opportunity.

So I grab him este grab the opportunity pala,  hirit niya sa isip.

Without hesitation he opened his arms to embrace her. Wala namang pakyemeng yumakap siya dito. God of love! Ang bango-bango naman! Hmmm, ang sarap yumakap! Weeeee, fafaness for life!

They stayed that way for couple of seconds. Nagsimula siyang mailang nang humigpit ang yakap nito sa kanya waring pinaparamdam nito sa kanya na special siya dito. May ganitong ilusyon agad? 

Dahan-dahan siyang kumawala sa yakap nito bago pa siya mabaliw ng tuluyan. Tahimik na nagngitian lang sila.

“Ah, sigurado ka na talaga na ibibigay mo sa akin ang painting?”

“Oo, makulit ka rin ano?”

“Naninigurado lang po.” Sinimulan niyang sulatan ng tamang information ang form na ibinigay nito sa kanya. “Salamat ha. Ayan tuloy nalugi ka ng ten thousand,” biro niya sabay abot ng form dito.

“It’s nothing for a sweet lady who happened to be my fan.” He looked over the form. “Lara Danica Lazaro. You’ve got a very nice name. Anong nickname mo?”

“Lara or Danica.”

“That’s too simple and common. What if I call you Ayca then?”

“Ayca?” Wow, ang ganda naman. Bakit di ko naisip iyong nickname na iyon? “Sure!”

He smiled. “So Ayca, I’m Marco Sunset Reyes, as you know, I’m a painter and photographer as well. How about you?”

“Ah…” Kelangan bang mag-English talaga? Nakakadugo naman ng ilong ang isang ‘to. “I’m a Child Care Center owner.”

“Talaga? Saan? Dito ba sa mall na ito?”

“Ah, diyan lang sa tabi ng mall. Doon sa commercial building malapit sa Zues-Apollo University.  

                “I see—”

“Sunset, you have a phone call.” Isa sa mga organizers ang tumawag dito.

Binalingan nito ang tumawag dito. “Okay, be there.” He then looked back to her. “So, hintayin mo na lang iyong painting sa address mo after few days. Nice meeting you, Ayca.”

Ay tapos na? “Okay—ah…pwede bang pa-kiss!”

Ngumiti lang ito pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi. Waah sabi ko pa-kiss as in ako ang hahalik. Bakit ikaw ang humalik sa akin? Waaaaah!  “Take Care, Ayca!”

Nababangengeng nagpatangu-tango lang siya. 



                “ANONG sabi mo?” kunot noong tanong ng kaibigan ni Lara na si Ann.    Isa itong voice talent sa nangungunang tv network ngayon sa bansa.  Tuwing may pagkakataon ay dumadaan ito at tumatambay sa Little Angels’ Cradle, ang kanyang child care center, para makipaglwentuhan.

                “Sisturrrr! Nakilala ko na siya. The painter, si Poging-poging wapak na wapak sa kapogiang Sunset Reyes!” Halos di pa rin makapaniwala si Lara kahit ilang araw na ang nakakalipas nang magtagpo ang landas nila ng hinahangaang pintor.   

“Si Sunset Reyes? Ang pintor ng bonggang painting na itey?” Hinaplos pa nito ang unang painting ni Sunset Reyes na nabili niya este ibinigay lang pala sa kanya ng gwapitong pintor.  

“Ahuh!”

“O eh ano ngayon, sisturr? Palagi ko siyang nakikitang pagala-gala sa HBH network,” sambit nito.

Eksaheradong binalingan niya ito. Feeling donya ang pagkakaupo nito sa makulay niyang sofa. “Kilala mo si Sunset Reyes?”

“Oo.”

“Bruha! Kilala mo pala siya, bakit di mo man lang pinakilala sa akin?”

“Malay ko bang may hidden desire  ka sa pintor na iyon. Di ka naman nagkukwento e.”

Napangiwi siya. Tablado siya sa kaibigan. “Wala akong pagnanasa do’n ano. Hmmm, I admire  his talents and his face. Iyon lang naman.”  Nagde-day dreaming mode na naman siya nang may pumasok sa office slash facility niya.  “Good evening, Sir.” 

 Isang binatang singkit ang mata na nakasalamin ang dumating. Naghintay siya ng kabuntot na anak, o yaya na may bitbit na bata para paalagaan sa child care center niya pero mukhang wala itong karay na bata. Kung ganon…Ang kagandahan ko ba ang pakay ng poging binata na itey?

Napurnada na naman ang ilusyon niya nang hindi man lang siya pinansin ng binata bagkus ay ang kaibigan niyang nagaaladonya sa sofa ang  binalingan nito.

“Ann, let’s go?”

“Sure.”

Tumayo na si Ann at pasimpleng nagpaalam sa kanya ng wala man lang explanation sa kaganapang iyon. Nagtatanong na sinundan na lang niya ng tingin ang dalawa habang palabas ng Little Angels’ Cradle. May something sa dalawang iyon. 

Inayos na niya ang kanyang mga gamit. Wala na silang kliyente dahil alas-sais na ng gabi. Kadalasan sa mga ganitong oras, maliban na lang kung peak seasons sa katabing mall ay wala na silang inaalagaang mga bata.  Kaya pag off season, nagsasara na siya pag ganitong oras.  Maya-maya pa’y nagpaalam na rin ang dalawang baby sitters niya. 

Ang main service ng kayang munting negosyo ay ang mag-alaga ng mga bata pansamantala habang ang mga magulang nito ay nago-grocery o nagsa-shopping sa mall o kaya naman ay abala sa trabaho o may ibang importanteng pupuntahan kung saan hassle ang may bitbit na anak. Bihasa sa Child Care at Caregiver practices si Lara maging  ang kanyang  mga tauhan kaya marami-rami na rin silang mga suking kliyente. May ilan ngang bata na kilalang-kilala na sila dahil halos araw-araw  ay sa kanila pinapaalagaan. 

Napatay na niya ang computer server at nai-check na rin ang bawat sulok. Papalabas na siya ng pinto nang  bumukas iyon.

           “Hi!”                   

Nawindang ang beauty niya at napakurap-kurap pa nang mamukhaan si Sunset.  Mukhang nagulat din ito na nakita siya.

“Hi uli, Ayca.” He smiled.

“Hi!” tanging nasabi niya. By looking at him mukhang pwede na siyang wag maghapunan. Mukha at katawan pa lang nito talagang mabubusog na siya.

“Ahm…” Inilibot nito ang tingin sa kabuuan ng munting child care center niya. “Dito pala ang pwesto mo.”

“Yeah, tuloy ka.” Pinapasok niya ito sa loob. “Naligaw ka ata.” Muli niya itong pasimpleng pinagmasdan. Saka lang niya napansin na medyo messy look ang binata. May mga paint smudges ang mga kamay nito at maging ang suot nitong damit. May bitbit din itong maliit na timba.

Napatingin ito sa sarili. Nahalata na ata nito na nawiwirduhan siya sa itsura nito ngayon. Mas mukha kasi itong batang naglaro ng mga pintura kesa sa aakyat ng ligaw. Ano kamo Lara? Aakyat ng ligaw? Ilusyanda ka, ‘te!, buska ng isip niya.

He slightly laughed. “Oh, sorry for my mess look. Di ko alam na pwesto mo pala ito. Actually, kalilipat  ko lang diyan sa katapat. I’m doing something in my studio.”

“Ah, kaya naman pala.”

“Kaya ano?”

“Mukha kang batang pinabayaang maglaro ng mga pintura.” 

He laughed. “Well, doon naman ako nagsimula. Anyway, ahm, mukhang magsasara ka na. Makikihingi lang sana ako ng tubig. Wala pa kasing linya ng tubig  ang pwesto ko. Bukas pa daw ako magkakatubig.”

“Sure. Basta kasing pogi mo sure na sure.”

Sinamahan niya ito sa banyo para makakuha ng tubig.

“Mag-isa ka lang dito?”

“Hindi naman. May dalawa akong babysitters. Kakaalis lang din nila.”

“I see.” Lumabas na ito ng banyo bitbit ang timbang may laman ng tubig ngayon. Napangiti ito nang mapansin nito ang painting nito na naka-display sa receiving area. “My painting seemed to fit well on the wall of your place.”

“You’re right. Salamat ngapala uli Sunset ha.”

“Wala iyon. Thank you din sa tubig.”

Lumabas na sila ng child care center. Tinulungan din siya nitong isara ng mabuti ang shop niya.

“Ah, may pine-paint ka ba sa shop mo ngayon?” tanong ni Lara. Matagal na niyang gustong makita itong mag-paint ng personal.

“Meron. Actually I’m doing some wall painting.  Para pag nabuksan ko na ang shop ko, feel na feel agad ng customers na nasa art exhibit sila pagkapasok pa lang nila ng pinto.”

“Wow, Pwede bang manood?”

A shock covered his face. “Manood? Papanoorin mo akong magkalat ng pintura sa pader?”

Tumango siya. “Kung pwede lang naman.”

“Sure.”     

Isinama siya nito sa  inaayos nitong studio sa tapat. Magulo pa nga roon. May steel ladder sa isang tabi, may mesa na puno ng iba’t ibang lata ng pintura. Nagkalat  din sa sahig ang mga dyaryo at sa left side na pader ay nakita niya ang ginagawa nitong wall painting. Bagama’t hindi pa tapos ang wall painting ay batid niyang maganda ang kalalabasan noon. 

“Pasensya ka na at magulo pa talaga.” Kumuha ito ng mono block chair  at doon siya pinaupo. “Sure ka gusto mo lang  tumambay dito para panoorin akong mag-paint?”

“Oo, wala rin naman akong gagawin sa bahay e. Cheer na lang kita.”

He laughed. “You’re a funny sweet girl, Ayca.”

Weeeeee! Ako na ang humahaba na talaga ang hair. Ngumiti siya. “Salamat. Fan na fan mo ako kasi talaga. Lahat ng videos mo napanood ko—”

“You like me that much?”

Nawindang siya sa tanong nito. Literal na napanganga siya. “Ah…”

He smiled and winked. “Don’t worry, I like you, too.”

“Ha?”

Umiwas lang ito ng tingin at bumaling sa pader. “You can stay here anytime you want.”

“Talaga? Hindi ba kita maiistorbo kung araw-araw kitang bulabugin dito?” Yes! Pagkakataong ko ng mang-akit. 

Muli siya nitong binalingan at ibinigay nitong muli sa kanya ang nakakawala sa sariling poging-poging ngiti nito. “I don’t mind. In fact, I like that idea. We can also go out for dinner or coffee after work.”

Ay bongga parang date! Ngumiti lang siya. “Sige, wag mo akong intindihin dito. Mag-paint ka na uli.”

“Okay.”

He turned on his mp3 player. Classical music na hindi siya sigurado kung sino ang tumugtog ang agad na pumailanlang sa kabuuan ng unit.  The next thing happened, he picked his paint brush and gently continued painting.   Matamang pinagmasdan ni Lara si Sunset.  Abala na ito sa pagpipinta at tila sinakop na ng pader ang lahat ng atensyon nito.

Kung ganito ka-yummy ang pintor papipintahan ko ng paulit-ulit ang bahay ko hanggang sa magmukhang painting na tinubuan ng bahay! Bongga!

Halos sundan ng mga mata niya ang bawat paggalaw na arms nito habang nagpipinta. Watching a full-packed yummy guy messed out with different color of paints made her feel so lucky.

Messy hair, expressive eyes, yummy arms and abs, ano pa bang mahihiling ko. Yes! I’m the luckiest fan of him!

Kung anu-ano na tuloy eksena ang naiisip niya habang pinapanood niya ang binatang walang kamalay-malay sa itinatagong niyang pagnanasang maakit ito. Sa ilusyon niya ay kung anu-anong yakap at sweetness ang ginagawa ng binata sa kanya.  Hmmm, bongga ang arms, loving arms!   Natulala na lang tuloy siya sa kawalan.

“Ah, Ayca, nilalamig ka ba?”
          
           Naisip niya ang amoy ng pabango nito.  Bongga ang bango! Napayakap tuloy siya sa kanyang bag ng wala sa oras.

“Ayca?”

Napakagwapo ng boses!

Nagising lang siya sa reyalidad  nang may bumalot na jacket sa balikat niya. Nagulat pa siya nang mapagtantong nakalapit na pala si Sunset sa kanya nang hindi niya namamalayan. Nagkatinginan sila. This guy showed worry in his expressive eyes. Sa hindi niya maipaliwanang na dahilan ay bigla na lang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib.

“Ayca…” He gently touched her cheeks and that also gave her thrilling sensation within. Lalo lang tuloy siyang hindi nakakilos o nakaimik man lang. Nanatili lang siya nakatulala dito. Ikinulong nito ang kanya mukha sa mainit nitong palad. “You’re cold.”

“Ah. Medyo malamig lang ang panahon pero o-okay lang.”

Hinawakan nito ang kamay niya at inaya siya palabas ng shop. “Magkape muna nga tayo para hindi ka lamigin.”

“Sige.”

Ngunit bago sila lumabas ng shop ay ipinasuot muna nito ang jacket nito sa kanya. Pakiramdam ni Lara ay yakap-yakap siya ni Sunset habang suot niya ang jacket nito.
        
           At muli, pinagsalikop lang ni Sunset ang kanilang kamay.  


SA KOFI Cups and Sweets sila nakarating. Naglalakad na sila papasok sa naturang coffee shop nang bigla na lang itong huminto at binalingan siya.

“Akin na ang isa mong kamay,” maya-maya’y sambit nito. Hindi na nito hinintay ang tugon niya. He held her other hand and wrapped both in his warm hands.

Hindi  maipaliwanag ni Ayca ang kabang naramdaman niya habang ang mainit na palad ni Sunset ang pumapawi sa lamig ng kanyang kamay dulot ng malamig na panahon. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, parang gusto na niyang pasalamatan ang nagbabadyang paparating na bagyo sa bansa. Ay lab yu bagyo!

“I hope this one can make you feel better,” sambit pa nito.

“Oo naman. Hindi na nga ako nilalamig e,” tugon niya kahit hindi naman talaga siya nilalamig. Nahuli lang siya nitong nananaginip ng gising. Buti na lang at may aksidenteng palusot siya.

He suddenly looked at her and smiled. Walang kupas talaga. Kahit nagbabadya na ang bagyo sa paligid ay tila hindi nabago ng bad weather ang paghanga niya sa binata. Ilang minuto pa ay naging conscious na siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya kasabay ng kabang tila hindi na nawala mula pa kanina.

“Ahm, shall we?” Iginiya na siya nito papasok sa shop nang bigla na lang siya nitong kinabig para ilayo sa entrance. “Ayca!” Agad siya nitong niyakap at inilagay pa nito ang kamay sa ulo niya waring pinoprotektahan siya sa maaaring bumagsak.

          Sa bilis ng pangyayari ay hindi niya agad napagtantong muntik na siyang mabagsakan ng  tarpaulin mula sa signboard sa taas ng naturang shop.

He then moved a little enough for him to be able to look into her eyes. “Nasaktan ka ba?”

“Hindi naman, salamat.”

Ngunit hindi nawala ang bakas ng pag-aalala sa mga mata nito nang sipatin nito ang pinagmulan ng bumagsak na tarpaulin. Agad nagdilim ang mukha nito kaya napatingin na rin siya sa tinitingnan nito. Isang binatang nakasalamin ang bumungad sa kanya.

“Ooops, sorry!” Nag-peace sign pa ang binata sa kanila na tila hindi naman sincere sa munting “aksidente” na naganap. 

“Sorry ka diyan, Ryuji! Pasalamat ka at hindi nasaktan itong si Ayca,” buska ni Sunset sa binata. Tila magkakilala ang dalawa. “Kung nagkataon, puputulan kita ng ano!”

Napamulagat na lang si Lara sa narinig. Maang na tiningnan niya si Sunset na ang buong atensyon ay nasa poging binata sa bubong ng Kofi Cups. Ano daw ang puputulin? Waaah! Ipinaling niya ang ulo para maalog ng konti. Pinapasok na kasi ang utak niya ng mga idea na hindi dapat mapasok doon.

Sumipol lang si Ryuji. “Pare, hindi bagay sa’yo ang maging gangsta yeah know, break it down yo!” Nasundan pa iyon ng malutong na tawa.

“Maghanap ka ng kausap mo, Candaza.”

Bigla siyang binalingan ni Sunset at huli naman siya sa aktong umiiling-iling.    “Nahihilo ka ba?”

“Ah… hin—”

Bago pa siya makasagot ay marahan nitong inihilig ang ulo niya sa balikat nito. Waaaaah, hanovey! Moment na moment ko na itey! Dahil sa kilig at kawalan ng matinong pag-iisip ay napabuntong-hininga siya.

“I’ll better take you in. Let’s—”

“Wow, yakapan sa entrance ng Kofi Cups. I like it. Pareng Sunset, bagong style ng pangtsi-chiks ba iyan?”

Isang babae naman ang hindi nila namalayang sumulpot sa harapan nila at pangisi-ngisi lang.

“Get in, Apple. Bawal kang mahamugan, nagmu-multiply ka.”

“Ang isang ito, nakakita lang ng chicks e.” Binalingan siya ni Apple. “You look familiarity. Galing ka ba sa land of beauty and goddessesesses? Magkasing-level tayo ng ganda e.” Tumawa pa si Apple bago sila nito iniwan at nauna na itong pumasok sa shop.

Napangiti na lang si Ayca.

“Don’t mind her Ayca, baliw lang iyan. Takas ng mental health iyan e. Let’s go.” Sa wakas ay nakapasok na  rin sila sa loob ng Kofi Cups. Marami-rami ding customers ang shop dahil nga malamig ang panahon at in na in ang magkape.

“Sunset, late ka ata,” buska ng isang babaeng pulis. Napatingin ito sa kanya at napangiti. “Ay alam ko na kung bakit. Sige, enjoy.”

“Ay unfair, siya lang ang nage-enjoy? Paano si girlaloo?” hirit naman ng isang babaeng naka-office attire. Familiar sa kanya ang babae, na kung hindi siya nagkakamali ay nagtatrabaho ito sa Zues-Apollo na malapit lang sa child care center niya.  Binalingan siya nito. “Uy, girlaloo, ingat ka diyan, chick boy iyan.”

 “Mahilig sa chicks at pwede ring sa boys!” dagdag pa ni Apple na ikinatawa hindi lang ng mga kasama nito sa mesa kundi pati na rin ng ibang customers doon.

“Oy tatlong pekeng dalaga. Tigilan nyo iyan, oral defamation ang kaso para diyan,” pabirong banta ni Sunset.

“Wuuu! Pasikat ka lang diyan sa chicks mo e,” hirit pa ni Apple.

“Gusto mong ilaglag kita sa first love mo, Apple?”
        
         “Sabi ko naman sa’yo Sunset e, enjoy kayong maigi ng date mo ha,” biglang bawi ni Apple pagkatapos ay binalingan siya uli. “Alam mo miss—ano nga palang name mo?”
          
              “Lara Danica Lazaro. Ayca na lang or Lara.”

           “Ay ang bongga ng name. pang-dyosa tulad ko!”

“Nababaliw ka na naman, Apple!” buska ni Icee.

                “Anong bago e parati namang baliw iyan,”  gatong pa ni Erika.

                Pero tila binalewala iyon ni Apple. “Alam mo Ayca, gaya nga ng dapat kong sasabihin kanina, napakabait niyang si Sunset namin. Hindi iyan makabasag pinggan.”

                “Kaldero kasi ang binabasag niyan!” pahabol na hirit ni Ryuji na kapapasok pa lang sa loob ng shop bitbit ang mga tarpaulin na ibinaba mula sa bubong ng shop. 

           Napangiti na lang siya nang basta na lang siya hilahin ni Sunset palayo sa mga ito. Dinala siya nito sa isang mesa sa sulok ng shop.

                “Pasensya ka na, magugulo ang mga kaibigan ko,” sambit nito habang matamang nakatitig sa kanya.

“Mukhang mababait ang mga friends mo. Nakakatuwa naman sila e.”

He just smiled. Iyon na naman ang ngiting nagpapakaba sa kanya. “Anong gusto mong kape, Ayca?”

“Kahit ano, ikaw na ang bahala.”

“Okay then. Wait there. Oorder lang ako.” Tumayo na si Sunset at pumunta sa counter.

Matamang pinanood niya ito habang naglalakad papunta sa pila sa counter. Napabuntong-hininga siya at saka lang niya napagtantong  kanina pa pala siyang hindi humihinga ng ayos dahil conscious na conscious siya sa presence ni Sunset.

Laking gulat niya nang bigla na lang magsiupuan ang mga kaibigan ng binata sa tabi niya.

“Ayca, alam mo ba na type ni Sunset ang mga babaeng may soft curl na buhok?” sambit ni Icee.

“Talaga?” nangingiti at pasimpleng hinawakan niya ang soft curled na buhok na produkto lang ng curling iron.

“Oo, at type din niya ang may eye shadow  na blue,” dagdag ni Apple.

Ngumiti lang siya. Sige, mula ngayon ay blue na lang lagi ang eye shadow ko!

“At higit sa lahat type niya ang  taong may interest sa artwork niya,” dagdag ni Erika.

“Eh ang galing-galing naman niyang pintor e. The best siya talaga,” tugon niya.

Nagkatinginan ang tatlo bago sabay-sabay na muling bumaling sa kanya. “Sa madaling sabi, type ka ni Sunset.”

Biglang kumabog ang puso niya sa sinabi ni Ryuji. Ako? Type talaga ako ni Sunset? “Weh?”

“Listen, lady.” Agad bumaling ito sa papalapit na si Sunset na may dalang tray ng pastries at kape. Napatingin din tuloy siya sa binata. “Pare, type mo ba si Ayca?”
            
            “Oo, bakit may problema?”

Literal na nalaglag ang panga niya sa narinig.


PREVIOUS                                                        NEXT 

Comments

Anonymous said…
nice

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…