Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Pamper My Heart, Doc Geo- Part 3






“Isang linggo nga akong mawawala, Rika so be a good Queen of my palace okay?” bilin niya sa secretary.

                “Aba, seryoso talaga yan?”

                “Boss mo ako, ano! Maniwala  ka naman. At saka imposibleng makapagtrabaho ako sa power trip ni Doc Geo. Mauubos ang oras ko sa buong araw para ipagluto siya ng sunog!”  natatawang hirit niya. Day two na ng pag-pay off niya sa out-of-court settlement nila at hinihintay lang niya ang pagdating ni Mathew para sunduin siya.   

                “Sus, pay off lang ba talaga yan?”

                Naalala na naman ni Sophia ang mga naganap nang nagdaan gabi particular na ang Korean sentence na  hindi pa pala niya nahahanap ang translation. “Oo naman, ano pa ba? Adik ka talaga. Sabi ko naman sayo Rika wag mong ngat-ngatin ang puncher natin diyan kapag nabo-bore ka. Naadik ka tuloy at kung anu-ano iyang naiisip mo.”

                “Eh ikaw ata ang ngumangata ng flower vase diyan e. Wala kaya akong iniisip at nagtatanong lang po ako. Ikaw ata ang may iniisip e. Tell me, naka-score ka ba?”


                Parang instant na nagsibalikan sa isip niya ang mga sweet words na pinagsasabi ni Mathew. “Pero bibigyan kita ng samu’t saring dahilan para magka-malice ka sa akin.” Napangiti siya kasabay nang biglang pagkabog ng puso niya.

                “Oy, andyan ka pa ba? O nagre-reminisce na?”

                Saka lang bumalik ang huwisyo niya. “Ah…” Narinig niya ang busina. “Andito na sundo ko. I-report mo sa akin lahat ng happenings sa office ha. I’ll check emails tonight. At pag tumawag si Papa, sabihin mong out of town ako for business trip.”  She cut the call. Hindi na niya hinintay na humirit na naman si Rika na lalong ikabaliw niya.

                She grabbed her overnight backpack and went out of her house. Last minute ay sinabihan siya nito na magdala ng pamalit dahil may possibility daw na mag-overnight sila somewhere. Naabutan niya si Mathew   na nakasandal sa kotse nito at may kausap sa  cellphone.

                “Hindi po, Ma. Promise I’ll be good as always,” narinig niyang sambit nito sa kausap sa cell phone. Napalingon ito sa kanya at ngumiti. 

                She felt her heart celebrated when he focused his attention to her. Literal na hindi nito inalis ang matamis na ngiti nito habang nakatitig sa kanya. Wala tuloy masabi si Sophia kaya ang nagawa na lang niya ay ngumiti na lang din habang ninanamnam ang kakaiba ngunit masarap sa pakiramdam na kaba. 

                “Sige, Ma. Para di ka mabigla, sasabihin ko na po. Yeah, you’re right. I’m with someone… Ms. Sophia Chii of Chii’s Creations. Iyan nasabi ko na Ma ha. I have to go. I love you po.”  He ended the call and greeted her. “Good morning, my Sweet Chinese Girl.”

                “Good morning, Doc G.” She grinned.

                “Huh?”

                “Ayaw mo ba no’n? From now on, I call you Doc G.”

                Iginiya siya nito sa  pintuan ng kotse. “That is so short but nice. As you wish my lady.”  Binuksan nito ang pinto at pinsakay na siya. In fairness, A+ ito sa pagkagentleman this time.

                Feeling like a pampered princess, she rode in the car with full poise and finesse kahit hindi naman siya ganon talaga. Pa-epek lang kumbaga. Hindi agad nito isinara ang pinto kaya binalingan niya ito.

                Caught in the act, he was giving some seconds staring at her.  “Thank you, Doc G. I know I’m pretty much beautiful and gorgeous this morning. Pwede mo ng isara ang pinto nang makalayas na tayo.”

                He blew a handsome laugh followed by sweet smile. “So are you ready for a date?”

                She grinned. “Armored and prepared,” mayabang  na tugon niya. Prepared nga ba? Eh sa lagay ng puso niyang kanina pang nagtata-tumbling, malamang na bago pa magsimula ang date na yon, talo na siya sa deal.  Waaah! Hindi ako pwedeng ma-in love sa isang ‘to!  “Hinding-hindi ako magkaka-malice sayo by all means!”

                “Really huh?” He moved closer. “Don’t be so sure my sweet Chinese lady. The day is just starting. I’ll make sure you’ll count my pogi points as time passes by.”    

                “You wish!” Hindi siya magpapatalo. Ngayon pa lang ay pinagbabawalan niyang i-entertain ang attraction niya dito. Another heart break will surely drown her and she would never allow it to happen.  

                “I not only wish. In fact, I prayed for it. We’ll be going to Clark Pampanga. Put your seatbelts on now.” Isinara nito ang pinto at umikot ito para sumakay sa driver seat.

                Naiwan siyang natitigilan sa buwelo nito. Hinila niya ang seatbelt at natigilan. There was a love note written on the seatbelt.

                The first time I saw you, I thought I’d seen my future.

                Napangiti siya habang inaayos ang seatbelt niya, sakto namang pagkasakay ni Mathew. “Iyon na yon? A sweet note was written in seatbelt. And so?”

                Binalingan siya nito at nginitian. “Wala pa akong ginagawang effort Sophia. Sit back, wait and see.” He started the engine drove their way going to Clark Pampanga.  


                  NAPANGANGA lang si Sophia nang mapagtanto kung nasaan sila at kung anong klaseng date ang makakaharap niya. They were in the middle of Clark Airfield for Hot Air Balloon Festival. Okay lang sana dahil napaka-amazing panoorin ang mga hot air balloon. Ang siste, hindi keri ng ka-cute-an niya ang plano ni Mathew. Sasakay daw sila sa hot air balloon. It will be covered by media. Anak ng lobo, takot ako sa heights!  Pero hindi niya yon pwedeng sabihin dahil sasabihin na naman nitong duwag siya kung aatras siya. Kailangan niyang patunayan dito na matapang siya at malakas talaga ang defenses niya.

                Mathew held her hands as they approached the exclusive entrance for guests within the venue. Her heart started to beat crazy again as she felt the warmth of his hand against hers. “O bakit may holding hands kang nalalaman, Doc G?”

                “Affected ka na agad?” He gently squeezed her hand tight. “Walang malice yan. Friendly holding hands lang.”

                “Friendly ka diyan. Ginogoyo mo ako, sinasabi mo lang namang walang malice sa side mo pero meron naman talaga kasi type mo ako,” buska niya dito.

                “Oo nga. At alam kong alam mo iyon. Any complain, my sweet Chinese girl.” He winked.

                “Bitawan mo ako.”

                “Yoko nga.”

                Napakunot ang noo niya at hinayaan na lamang itong hawak ang kamay niya. Somehow it made her feel better. Hindi naman bago ang pakikipag-holding hands sa kanya pero ngayong si Mathew ang nakahawak sa kamay niya, pakiramdam niya…first time lang.

                Si Maria Kisses Sandoval-Castillo, isang sikat na event coordinator ang sumalubong sa kanila.  “Sophia! Nice to see you here.” Agad siyang nilapitan nito at nakipagbeso-beso.  Isa si Sophia sa permanent client nitong si Kisses. 

                “Event mo rin ito, I guess,” sambit niya.

                “Ano pa nga ba?” Binalingan nito si Mathew. “Hello, Doc Geo!” Kumaway lang ito kay Mathew nang mapansing magkaholding-hands silang dalawa. “I never know you’re in a relationship.”

                “No!”

                “Yes!”  

                Magkaiba ang sagot nila.  Nagkatinginan sila at kapwa nagsukatan ng tingin. Nadistract lang sila nang mapansing natatawa na si Kisses habang nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa.

                “Mukhang in denial pa kayo, sige lang. I’d been there,” natatawang comment ni Kisses.

                “Hindi no!” koro nilang sagot nila ni Mathew. Natigilan sila pareho at natawa na lang.

                “Sus, nagkasundo sa pagdedeny ha.”

                “Leave that to us, Kisses. How’s your twins?” pag-change topic ni Mathew.

                “They’re good and healthy. Thanks to you. Actually kasama ko sila, pero si Hershey ang nag-aalaga kasi alam mo na busy ang kagandahan ko.  And speaking of, dumiretso na kayo do’n sa celebrity deck ha.” Tumingin ito sa wrist watch. “The hot air balloon program will start in few minutes.”

                “Okay,” sabay na namang tugon nila.

                Tumawa si Kisses. “Ang cute nyong dalawa ha. Magkatuluyan nga sana kayo at pag nangyari yon, ako ang wedding coordinator ha.”

                “Oo na!” korong sagot pa nila. 

Natatawang iniwan sila ni Kisses habang silang dalawa naman ay kunot-noo parehong napatingin sa isa’t isa. Pabirong nag-pout si Mathew. Pinandilatan niya ito. In her mere surprise, tinawanan lang siya nito.  Kainis! Bakit kinikilig ako at natutuwa akong makitang masaya ka?

Pagdating nila sa deck, andon na nga ang Karisma bandmates ni Mathew kasama ang either nililigawan, asawa,  o nakaladkad na date.  Umupo siya  sa tabi ni Danica, isa sa kilalang tv show host ng bansa. Finally Mathew let go of her hand.

“Sophia, may nakalimutan akong i-check kay Kisses. Iwan muna kita dito ha.” Tumayo ito at biglang yumuko uli at hinalikan siya sa noo sabay haplos sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay nag-upside down ang puso niya sa tuwa. Sa sobra tuwa, hindi siya nakapagsalita. Iniwan nito sa kanya ang body bag na dala nito. “Pag nagutom ka, may pastries at muffins dyan. May tubig din kung sakaling mauhaw ka. Mabilis lang ako ha.”

Tumango na lang siya habang ramdam na ramdam niyang nakatingin sa kanila ang mga kabanda nito. Nang harapin niya ang mga ito with her left eyebrow raised a bit ay nagsibalingan sa ibang direction ang mga ito.

“Sweet naman ni Doc Geo,” komento ni Danica sabay baling sa kanya. “Kayo na? Bagong scoop iyan. Pwede ka ba naming ma-interview about your relationship sa show ko?”

“Hindi kami ng isang yon. Adik lang siya sa kagandahan ko,” hirit na lang niya. “Mangkukulam ako e. Nadaan sa orasyon iyan.” Turn for her to throw comment on Danica’s condition. Nakahilig kasi sa balikat nito si Cielo which was very unusual. Daig pa ang aso’t pusa sa pagbabangayan at minsan na niyang nasaksihan iyon. “Himala, cease fire ata kayo. And you look sweet too.”

“May awa naman ako sa may sakit na kailangan ng kalinga at ganda ko—”

“Wag kang sinungaling di tayo magkikita sa heaven ikaw rin,” sabat ni Cielo.

“Shut up po. Matulog ka lang dyan or else iwanan kita. Bahala kang mangisay diyan, bet mo?” tugon ni danica dito sabay baling uli sa kanya.

“Ayaw!”   Nanahimik na si Cielo after noon.

“So okay na kayo talaga?”  tanong ni Sophia.

“Okay naman kami ni Cielo. Ang totoo niyan mamaya pag nasa taas na ang hot air balloon na sasakyan namin, ihahagis ko na siya para tapos na ang problema ako. Pababaunan ko na lang siya ng matamis na bayeeeeee!” hirit ni Danica sabay halakhak.

“Naririnig kita, Danica.”

“Ay buhay ka pa pala!”

Napapangiti na lang si Sophia sa dalawa. Magkokomento pa sana siya nang  dumating  na si Mathew. Inakbayan siya nito kaya nawala kina Danica ang atensyon niya at napabaling dito.

He winked. “Wag kang mainggit sa dalawang iyan. Hayaan mo lang akong maging sweet sayo, tatalunin natin sila.”

“Siraulo ka talaga! Iyang braso mo, tanggalin mo sa balikat ko,” sita niya dito.

“Yoko nga,” tugon nito sabay tanaw sa mga hot air balloons sa field na tila kino-condition na para sa pagpapalipad maya-maya.

She sighed. Pagkatigas talaga ng ulo nito at delikado siya dahil sa katigasan ng ulo nito. Aminin man niya o hindi, nagsisimula ng maging affected siya sa mga ginagawa ni Mathew sa kanya. One more day and she knew it, she might fall for him. Binalingan niya ito. He was seriously observing the hot air ballons in the ground. What are you thinking Doc G?

“It’s been years,” sambit nito.

“Huh?”

“It’s been years since I had someone beside me sitting on benches while witnessing the festival.” Binalingan siya nito. “Thank you for being here, Sophia. It means a lot.”

“Adik ka, di kita ma-gets.” Binelatan niya ito.

He laughed. Inalis nito ang braso nito sa balikat niya. Aaangal sana siya kasi kumportable na siya sa eksenang iyon pero pinili niyang manahimik. Ini-offer nito ang palad sa kanya. “Can I hold your hand again?” 

“Anong drama naman iyan, Doc G?”  Pinagbigyan na lang niya ito. Ipinatong niya ang kamay sa palad nito. He then held it slowly and firmly.  She didn’t literally knew what’s happening to her senses. But one thing was sure… the lock of her heart was finally removed by this man who have all the heart to make her feel special. 

“The last time I fell in love, I was dumped. Wala daw akong karapatang mahalin dahil hindi ko naman daw siya mabibigyan ng oras. Mas mahalaga kasi daw sa akin ang propesyon ko which is half-true. Ilang beses ko siyang iniwan in the middle of date dahil nagko-code ang pasyente ko. And she never understood it.” He clipped the hair strands that covered her face at the back of her ears, giving him the full access to see her face well. He stared at her like there’s no tomorrow. “Since then, I prevented myself to fall in love again until I saw you in the pathway of Keithan Apparels. You walked elegantly with your red stilettos and passed me by. Nagkatinginan tayo I smiled, you smiled. I kept that memory for years na rin pala.”

Napakunot ang noo niya, pilit inaalala ang eksenang sinasabi nito. Ang siste sa dinami-dami ng taong nakakasalubong niya sa linya ng kanyang trabaho, hindi niya maalala ang sinasabi nito. Lalo tuloy nakunot ang noo niya hanggang sa tumawa ito. “Adik ka! Wag mo akong tawanan dahil di ko maalala iyan. May amnesia ata ako.”

“Wag mo ng alalahanin. Ang mahalaga naman ay ngayon.”

Magre-react pa sana siya nang lapitan sila ng isa sa mga production staff ng event. Pinapapunta na sila sa grounds. Agad siyang nagpanic deep inside pero hindi siya nagpahalata kay Mathew. Waaah! Ayokong mamatay, ayawwwww!  Nakikinita na niya ang sarili. Sumasakay sa hot air balloon, naghi-hysteria. Ang malala pa, paano kung pina-power trip lang siya ni Mathew?  Pinaasa lang siya sa sweetness kuno nito tapos iiwan siyang mag-isa sa hot air balloon?  Homaysuperkalurkeygawd!  

 Naglalakad na sila ni Mathew papunta sa hot air balloon na sasakyan nila nang bigla itong huminto sa paglalakad. “Okay ka lang ba?” He gently massaged her hands. “Nanlalamig ang kamay mo.” He gently touched her forehead. “Pinagpapawisan ka ng malamig.” Iniyakap nito ang isang braso sa likod niya giving her support.

“W-wala lang iyan. First time kong sasakay ng hot air balloon kasi.” 

He lovingly gazed at her, let go of her hand and gently touched her cheeks. “Wag kang matakot sa heights. Kasama mo ako okay?”

Sa hindi niya mawaring dahilan, natagpuan niya ang sarili tumango na lamang at nagtiwala dito. Bagama’t ramdam niya ang takot, kataka-takang nawala ang panic na naramdaman niya kanina.  Hindi siya binitawan ni Mathew hanggang sa makasakay na sila sa hot air balloon.

Sa una ay kampante lamang siya habang inaayos ng mga kasamang staff ang lahat ng safety precautions bago mag take off sa ere ang hot air balloon. Ngunit natakot siya nang umangat na ang hot air balloon. Napayakap tuloy siya ng mahigpit kay Mathew sabay subsob ng ulo niya sa dibdib nito wag lang niya makita ang unti-unting pagtaas nila.

Mathew didn’t say anything. Instead he just lovingly embraced her silently letting her feel she will always be secured in his arms.

Sophia heard his heart beat. Pawang musika sa tenga niya ang naririnig. “Doc G…”

“Hmmm?”

“Sabihin mo nga, mamatay na ba tayo?”
            
            Mahina itong tumawa. “No. And I will never allow it to happen.”
        
           Bahagyang humangin at lumihis ang hot air balloon. Napasigaw siya sa nerbyos at lalong humigpit ang yakap niya kay Mathew.

                “Relax, Sophia.” He gently kissed her temple.

That gave her system a thrilling sensation she couldn’t even describe at all. Ang alam lang niya, it was new to her and it make her feel better. Nagulat siya nang may ilagay ito sa tenga niya. Earphones pala iyon. The one was on her left ear and the other one was on his right ear.  Napatingin tuloy siya dito and caught in the act, he was just lovingly looking at her.

He started browsing his Iphone and turned on the Itunes. “I think you need some diversions.”

An RNB Song suddenly played while he focused his lovely expressive eyes on her. Still he was embracing her at nakakapit pa rin siya dito. Walang nagawa si Sophia kundi ang magpahipnotismo sa mga mata nitong waring wala ng gusto makita kundi siya lamang.           

You got that smile that only heaven can make. I’ll pray to God everyday that you keep that smile. Yeah, you are my dream. There’s not a thing I won’t do. I’ll give my life up for you ‘cause you are my dream…

 Nagulat siya nang biglang sumabay si Mathew sa kanta.  “And baby everything that I have is yours. You will never go cold and hungry. I’ll be there when you’re insecure. Let you know that you’re always lovely, girl. ‘Cause you are the only thing that I got right now.”

 Natutulala na lang tuloy si Sophia. Nice pair of expressive eyes, nice lovely voice… nice broad chest, nice loving arms. Homay! Bakit lahat sa’yo nice, Doc G?  Iyon ang laman ng isipan ni Sophia habang hindi niya magawang maalis ang tingin sa binatang nagparamdam sa kanya kung gaano kasarap ang feeling ng may isang prince charming na handang protektahan siya kahit anong mangyari. Yes indeed, naidivert na nga nito ang atensyon niya. Hell care with the heights! Literal na nasa langit na siya by just staring at his lovely pair of eyes.

 Inalis nito ang brasong nakayakap sa kanya at kinulong ang kanya mukha ang mainit nitong palad at ipinagpatuloy ang pagsabay sa kanta.

“One day when the sky is fallin’  I’ll be standing right next to you, right next to you. Nothing will ever come between us ‘cause I’ll be standing right next to you, right next to you…”  

Lumagpas ang tingin nito sa kanya. “Look Sophia. The view is so amazing.”

Lumingon siya at tumambad sa kanya ang magnificent scenery ng Pampanga sa top view.  “Wow!” she uttered. Tuluyan siyang bumaling sa direction kung saan may magandang view. Mathew just stayed on her back. Umatras siya nang malula siya nang mapansin niya kung gaano na sila kataas. Mathew managed to embrace her from her back. She felt secured and relaxed again. 

“Sophia, gusto kita.”

Natigilan siya.  Hindi dahil surprised siya sa sinabi nito kundi dahil surprised siya sa reaction ng puso niya. Pawang  nakalaya ang puso niya sa tuwa.

“Okay lang kung ayaw mo sa akin. I still have time to work on it and hope that someday you’ll like me too.    Hayaan mo lang sana akong manligaw.” 

Nilingon niya nito. Kumawala siya sa pagkakayakap nito. She moved a little to be able to face him better.  Ano ngang nangyari sa armored and prepared drama ko?  By just looking in his eyes, nabibigyan na agad siya ng isanlibo’t isang dahilan para magkamalisya dito. Am I ready to give in?  May takot si Sophia ngunit batid niyang nanalo na si Mathew. Tuluyan na niyang hinayaan ito na buksan ang puso niya at pumasok roon.

“How could you make me feel different in just few days?”

“True love is making a way for us I think.”  He pushed her closer to him and in her mere surprise, he claimed her lips. Everything vanished as soon as she felt his lips on hers. She had been kissed by former boyfriends but kissing Mathew felt like the first time. His gentle kisses were follwed up with a loving hug.

We’re made for one another me and you. And I have no fear. I know we’ll make it through… You’ve got a smile that only heaven can make. I pray to God everyday to keep you forever….


MATAMANG nakatitig lang sa dagat  si Sophia habang nakaupo sa terrace ng 2 bedroom cottage na nirentahan nila ni Mathew.  Laman pa rin ng isip niya ang eksena nila noong nakaraang araw.  Matapos ang Hot Air Balloon Festival ay tumuloy silang dalawa sa Subic. At dahil pagod na rin sila sa mahabang program ng festival at byahe, maaga silang nagpahinga  noong nakaraang araw.

Maagang nagising si Sophia. Iniwan niya sa loob ng cottage ang natutulog pang si Mathew. Napangiti siya nang mapatitig siya sa sunrise. “Amazing earth. God is the best painter ever.  He was able to create beautiful natural scenery like this,” sambit niya to no one in particular since she was alone.

Buong gabing pinag-isipan niya ang tungkol sa panliligaw ni Mathew or rather sa namumuong pagtingin niya sa binata. Hindi pa rin niya sigurado kung ano ang nangyari sa kanya at kung paanong pagkatapos ng ilang araw ay parang gusto na ng sistema ang pakiramdam na nasa paligid niya si Mathew.  She sighed.  Wala naman sigurong masama kung subukan ko uling magmahal. Si Coco Nat nga, nagpaplano na silang magpakasal. Dapat ako…hayaan ko na si Doc Geo sa gusto niyang gawin. Tutal naman, siya ang binigay ni Lord.  

She picked up her Iphone and browsed their photos during the festival. Sa hindi mawaring dahilan ay napapangiti  si Sophia. Naagaw lang ang atensyon niya nang may mapadaang Koreano sa tapat  niya. Agad niyang naalala ang Korean phrases na nakalimutan niyang igoogle ang ibig sabihin. Agad siyang tumayo at hinabol ang Korean guy.

“Excuse me!” Agad namang lumingon ang binata. “Hi, are you Korean?” The guy nodded. She presumed nainitindihan din siya nito kahit nage-English siya. “Ahm, this may sound absurd but I need your help.”

“For what?” the guy asked in his serious tone. Eeeeekk, suplado pa ata.  

She browsed her Iphone. “Can you please translate this to English?” She let the guy hear the recorded voice of Mathew.  Dang shin te moon e Ga soom i Seol rae yo.

The Korean guy gave her an impish smile. “It means, ‘my heart throbs because of you’, Miss.”

On cue she really felt her heart throbbed as if it wanted to come out from her chest. “S-sigurado ka?”

The Korean guy smiled. “Oo. I hope I did help. Gonna go, Miss.”

Letsugas! Marunong palang magtagalog, nagmagandang English accent pa ako. “Ah, salamat ha!”

“No problem.” The guy left her standing…absent minded. Naniniwala na siya. Gusto talaga siya ni Mathew at ang lahat ng ito ay hindi lang power trip or out-of-court settlement. She turned around to go back to the cottage when she saw Mathew. Kunot ang noo nitong nakamasid sa kanya. Wooooh, what kind of look is that, Fafa G? Jelly jelly? He looked like those heroes in paperback novels that were not shy to let the world know that they were jealous. Well, ang ganda ko talaga!

Sinalubong siya nito. “Sino iyon? Ikaw ha, natulog lang ako kung sinu-sino na ang kinakausap mo.”

Nilapitan niya ito. With her thumb ay tinuwid niya ang kunot sa noo nito. “Ito naman kung makakunot noo kala mo naman nagseselos. Wala iyon, nagtanong lang.”

“Sa masabi kong nagseselos ako, may effect ba sayo?”

“Ha?” Kunwari ay hindi niya narinig ang sinabi nito. Knowing that he’s jeleous made her feel better.

“Wala mag-agahan na tayo.”

“Naku! Nakalimutan ko, di ako nakapagluto!”

His turn to smile. “Kalimutan mo na iyon.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Ayoko rin namang dito sa Subic mamatay sa food poisoning.”

Sinamaan niya ito ng tingin. “Ah ganon?”

He just laughed out. “Biro lang. First time ko ngang nasarapan sa sunog e.”

“Isa pa Mathew Geoffrey Kaviero!” warning niya.

“Isa pang ano? Hug o kiss sa umaga?” he teasingly smiled. “Which reminds me to ask, marami na ba akong pogi points?”

She rolled her eyes. Pa-epek kuno para di nito mahalatang kilig na kilig na siya. “May sapi ka ba? Wala akong binibilang Doc G. Wala namang dapat bilangin pa.”

 “Talo na ako? Walang effect?” Bagama’t pabiro ang pagkakasabi nito ay tila may himig iyon ng alinlangan kay Mathew.  

Hinila niya ito sa terrace at naupo sila doon habang nakamasaid sa ganda ng dagat.  Nakapagdesisyon na siya. Tatanggapin na niya si Mathew. “Geo, I lost the deal. You win. Kahapon habang nasa hot air balloon tayo, takot na takot ako. Pero dahil sa’yo parang nalabanan ko iyong takot ko. First time na may isang lalaking hindi kinunsinte ang katigasan ng ulo ko at ang pagiging cute brat ko pati na rin ang fear ko. First time na may humamon sa aking maging matapang at lumaban. Thanks to you.”

 “Good to hear that,” simpleng tugon nito.

“Then what’s your plan now?”

“Mula noong una kitang makita, wala naman akong naging plano—“

Napa-rolleyes siya. Adik pala ang isang ito e! “Hah! Player! What more I’ll expect? You’re a celebrity. It is easy to play around right?” Napailing pa siya.

“It’s not what I mean.”  Hinarap siya nito at hinawakan ang kanyang kamay. “Sophia, mula noon una kitang makita, wala namang akong naging plano kundi ang makilala ka  ng husto at maiparamdam sa’yo kung gaano kasarap ang pakiramdam na may lalaking nagmamahal sa’yo at palaging andyan sa tabi mo.”

“What?”

He smiled. “I was there, looking at you from afar since I first saw you in Keithan Apparel. Mula noon nagkaroon naako ng pagkakataong makita ka uli like noong photoshoot. I noticed you and all of a sudden, I had a weird feeling that I wanted to come near you and give you hug while you were enduring your sadness. Pero di ko ginawa dahil magmumukha akong baliw. Hindi naman tayo personal na magkilala that time tapos bigla kitang yayakapin? E baka masapak mo lang ako.

“One day I dine alone in a resto. You came in and sat on the table next to my place. We actually sat back to back. Nasabi ko sa sarili ko na, ‘yes andito na siya sa tabi ko, few inches away lang, less than a meter.’ Ang saya-saya ko noon, I was about to turn around and introduce myself when your ex-bf came in and joined you. Back off na ako.   Not my lucky day. You argued, you pushed him away and broke up with him. You asked him to leave you alone. He did and you were left broken when you walked towards the exit door.

“Sinundan pa rin kita hanggang sa makita kitang umiiyak sa labas ng kotse mo. Gustong-gusto kitang lapitan noon pero wrong timing pa rin iyon kaya pinagmasdan na lang kita. Gusto ko sanang mag-volunteer na maging  shoulder to cry mo at sabihin sayo na wag na lang siya. Ako andito ako at gagawin ko ang lahat para alagaan ikaw at ang puso mo. Hindi ko alam pero sa tingin ko minahal kita nang hindi ko rin namamalayan kahit na concern at curious lang ako sayo noong una. Hanggang sa nabigyan ako ng pagkakataon sa mall na iyon at sa Senang Hati. Pero sabi ko kulang pa iyon. Nakiusap ako kay Ninong Xeiji na tulungan akong mapalapit sa’yo lalo na nalaman kong inaanak ka rin niya—”

“Teka… teka. What do you mean by that? Di mo talaga ako ipapakulong? Set up yon? And what’s with the issue?”

He posed a guilty smile that made him more appealing into her eyes. “The issue was real but the lawsuit was not. Mailap ka, kailangan kong gumawa ng moves dahil sa tingin ko pag pinalagpas ko pa ang pagkakataon, hindi na kita malalapitan pa ng walang dahilan. Sophia, I’m not playing around. Seryoso ako, mahal kita.”

She felt her heart jump off with so much happiness. Mahal siya ni Mathew. Hindi lang type, hindi lang gusto, mahal siya nito. It was indeed overwhelming but when she realized he’s not Chinese and her father might not agree with her new relationship, she felt afraid.

“Hindi ka Chinese, Geo. Hindi magiging madali sa atin lalo na sa akin kung magkakaroon tayo ng relasyon at tanggapin kita. Natatakot ako. Hihindi na naman ang Papa ko, sigurado.”

“Kung sakali, ipaglalaban mo ba ako? Kasi ako, ipaglalaban kita.”  He was sincerely gazing her, letting her feel how determined he was to win her heart.  Mabilis na nagtiwala ang puso niya dito kahit sinusukob siya ng takot.

“Hindi ko alam kung kaya kong suwayin ang Papa ko. Nakakatakot isipin. Siya na lang ang meron ako, Geo. Pag tinakwil ako ni Papa, maiiwan akong mag-isa. Ayoko. Isipin lang yon ay natatakot na ako.”

He moved closer touched her cheeks. Without breaking their eye connections, he uttered. “Hindi ko sasabihing wag kang matakot dahil andito ako. Kahit manatili ako sa tabi mo, wala akong magagawa para alisin ang takot mo. Pero wag kang mag-alala. Kung natatakot ka, sasamahan kitang matakot. Kung nalulungkot ka, sasamahan kitanh malungkot. Kung masaya ka, sasamahan kitang magsaya. Mawala man ang lahat sayo, pero mananatili ako dito sa tabi mo. Sasamahan kita sa bawat emosyon na mararamdaman mo.”

Tears fell from her eyes. Maagap namang pinawi nito ang luha niya. “How could you be so loving, Geo?” Nagkibit-balikat lang ito, waring hindi rin alam ang sagot sa tanong niya. It was just it. “Nadinig na ni Lord ang prayer ko. Mukhang nakita ko na ang lalaking para sa akin.” Niyakap siya nito. Muli, susugal siya sa pag-ibig. Bahala na kung ano mangyari.

“I love you, Sophia.”

“Nasabi mo na yan kanina.”

“Wala ka bang sasabihin?”

“Gutom na ako, Geo.” She laughed. Natawa na rin ito.

Binitawan na siya nito at tumayo. He offered his hands. “Tara, mag-agahan na tayo.” 

Napaka mo talaga Geo, di mo man lang ininsist na mag-I love you ako.  Batid niyang hindi siya pinagmamadali ni Geo na mahalin ito. Sa una pa lang naman ay hiniling lang nito na hayaan  niya itong manligaw. Such a sweet gentleman indeed. Pero wala na siyang sasayanging oras. Pagod na siyang maging malungkot sa love department at gusto na niyang sumaya. Tinanggap niya ang kamay nito at tumayo  na rin. “I love you din, Fafa G!”

Nagliwanag ang mukha nito at awtomatikong nagpakita ng matamis na ngiti. He pulled her closer to him and awarded her their first kiss as official couple.






PREVIOUS                                                         NEXT

Comments

Naiomi said…
Ang gandaaa!!!! Kilig much!!! Next naaaaaa... :D
kiz said…
ihhhhhhh... paanong nd maiinlove si babes sa lalaking yan.. kinikilig pa rin ako kahit after 3 minutes ko ng tapos basahin hahahaha.
Rika said…
grabenesss.. nakakakilig.. haha.. gandaa sobraa.. moreeee!!
Anonymous said…
tem mais inscritos que o Mc Kaviero mesmo, LOL ;/
mas continuo seu fan caio *-*
Melai said…
Thank you for reading. And thanks to google, I understood the comment a bit. Hehe. Keep on reading. :)

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…