Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: You Will Always Be Mine- Part 3





Pansamantalang sarado ang Kofi Cups para sa renovation. Kaya pansamantala ring bumalik sila sa dati nilang tambayan bago mabuo ang Kofi Cups—ang fastfood chain sa tapat ng coffee shop na pagmamay-ari ni Mhiel Dimasindac-Catacutan.  May good news siya para sa mga kaibigan. Promoted na siya. At balak niyang ilibre sa Senang Hati ang buong tropa, kasama si Jomar.

             Natagpuan niya ang mga kabarkadang lalaki sa pinakasulok ng lugar. Lalapit na sana siya nang marinig niya ang usapan ng mga ito. 

           “As of the moment, Jomar is the safest person to trust,” seryosong sambit ni Xeiji.

            Trust? Para saan? tanong ni Cattie sa sarili. Ipinagpatuloy niya ang pakikinig habang hindi pa siya nakikita ng mga ito.

            “Pumayag na rin siya kahit medyo delikado itong pinasok natin,” dagdag pa ni Leo.

            “Wala na tayong magagawa kundi panindigan ito. Andito na ito e,” sabat ni Kofi.

            “Teka, hindi ba dapat sinasabi na rin natin ito sa mga muse natin?” tanong ni Chrys.


            “Iie! No! I don’t think it’s safe for the girls to know about this. Yoko damay Dhey at Cattie. Yoko damay babae,” mariing pagtanggi ni Xeiji.

            “Pero dinamay mo si Melai,” buska ni Chrys.

            “The case is different. Melai was a former NBI bago siya magtago sa sibilisasyon. She can definitely handle the situation,” depensa ni Leo.

            “Paano kung magka-conflict si Cattie at Jomar dahil dito?” tanong ni Kofi.

            “Do’n lang niya malalaman ang totoo,” sagot ni Chrys.

            “Magulo ‘to!” reklamo ni Kofi.

            “Yeah, we know. But we have no choice,” tugon ni Xeiji. “Oh, apparently we have. Give up this thing and let those criminals have the baby or we stick to the plan.”

            Huh? Walang maintindihan si Cattie sa usapan ng mga ito. Ano bang secrets meron ang mga ito na ayaw ipaalam sa kanila ni Dhey? At paanong nasangkot dito si Melai at Jomar? She needed to find answers. Alam niyang wala siyang mapapala kung ang mga kaibigan ang kakastiguhin niya. She turned back para lumabas sana ng shop at puntahan sa bahay si Jomar. Tutal, nakaplano namang pupuntahan niya ito para surpresahin.

            Pero hindi na pala kailangan dahil pagbaling niya sa entrance ng fastfood chain ay nakita niyang pumasok si Jomar kasama si Melai na may kargang bata.  Si Jomar pa ang may bitbit ng bag na may lamang baby stuffs. Anong eksena ito?

            Kapwa sila natigilan lahat. Maraming bagay ang naglalaro sa isipan niya. Apat na taong nawala si Jomar at nagtrabaho sa Miami. Sa Miami rin nagtrabaho si Melai few years ago bago ito bumalik ng bansa. Posible kayang…. Binalingan niya ang batang karga ni Melai. Kung titingnan may similar ang features ng bata kay Jomar.

            “May relasyon ba kayong dalawa?” Parang niraratrat ng bala ng baril ang puso niya bago pa niya maibitaw ang tanong na iyon.

            “Cattie, ano kasi—” sabat ni Melai na hindi naman nito naituloy dahil pinigilan ito ni Jomar.

            “Mauna ka na, Melai. Mag-uusap lang kami ni Cattie,” sambit pa nito.

            Alanganing binalingan ni Melai si Cattie at tumango pagkatapos ay naiwan silang dalawa ni Jomar. Manhid siya ng mga oras na iyon. Pawang gusto niyang umiyak pero walang luhang lumabas sa mga mata niya. Ayaw niyang paghinalaan ang pagmamahal ni Jomar sa kanya pero hindi niya mapigilang isipin na niloloko lang siya nito at pinapaasa.

            Iginiya siya nito sa isang mesa sa may sulok ng fastfood.

            “Mahirap bang sagutin ang tanong ko, Jomar? Mas may oras ka sa kanya. Mas madalas kayong magkita. Ang ipinangako mong date natin, hindi matuloy-tuloy dahil kailangan ka niya. Tapatin mo na nga ako. Hindi iyong para akong tanga dito,” singhal niya rito.

            “Don’t say that. Hindi kita niloloko, Cattie. Wala kaming relasyon ni Melai.”

            Tingnan lang niya ito ng may pagdududa. “Anak nyo ba ang batang bitbit niya?”

            “Of course not!” tanggi nito.

            “So anong kinalaman nyong dalawa sa barkada ko? Bakit kayo magkasama ngayon at ikaw pa ang may bitbit ng gamit niya? Ang sinabi mo sa akin, may aasikasuhin kang importante. Siya ba ang importanteng iyon?” 

            “Mas mabuting wala kang alam Cattie. I’m sorry.”

             “Kung ganon, mas mabuti rin sigurong tigilan na natin ang kalokohang ito.”

            “Ano bang kalokohan ang sinasabi mo? Kalokohan lang ba para sa’yo ang pagmamahal ko?” Bahagyang nagtaas ito ng boses. By looking at his eyes she could see a strike of hurt feeling. “Akala mo ba madali lang para sa akin ang iwan ka ng four years? Akala mo ba madali ang makipag-compromise sa’yo pagkatapos nating maghiwalay? Hindi na tayo tulad ng dati Cattie. Pareho na tayong nagbago. I’m trying my best to make it up to you tapos sasabihin mong kalokohan lang ito? Wala kang alam sa nararamdaman ko.”

            “Wala ka ring alam sa nararamdaman ko.”

            “Inalok kita ng kasal. Sinabi kong mahal kita, pero wala akong natanggap na sagot mula sa’yo. Naghanap ba ako? Hindi. Kasi naiintindihan kita na hindi madali na pagkatiwalaan akong muli.”

            “Paano ko malalaman na seryoso ka? Palagi ka rin namang wala. Kung hindi pa nga niratrat ng bala ang Kofi Cups hindi kita makakasama ng mas matagal sa simpleng pagbisita mo lang. Mas madalas kayong magkita ni Melai.”  

            “Wag mo siyang idamay dito!”

            Tumayo siya. “Magsama kayong dalawa!”

Dire-diretso siyang lumabas ng fastfood. Akala niya ay hahabulin siya nito at susuyuin gaya ng sinabi nito kung sakaling tumakbo siya palayo. Pero walang bakas ni anino ni Jomar ang nakita niyang nang lumingon siya bago sumakay ng jeep. Iyon na ang huli nilang pagkikita.


          “WOOOH! Yeh! Party!” Cattie was already half-drunked. Kasalukuyan siyang nasa Senang Hati kasama ang mga kaibigang babae. Andon sina Dhey, Regine, Maria May, Eloi at Arlene na sa pagtagal ng panahon ay naging ka-close na rin niya. Hindi niya inimbitahan ang mga guys pero hindi pumayag ang mga itong gumimik ang mga labidabs ng mga ito na wala sila. Kaya nasa kabilang mesa lang sina Leo, Chrys, Kofi, at maging si Xeiji na in denial pa sa relasyon nito kay Arlene.

 It has been a week since the last time she talked to Jomar. Hanggang ngayon ay wala itong ginawa para humingi ng sorry o kahit magparamdam lang. Nasasaktan na talaga siya.
            
             “Oy, akala ko ba andito tayo para mag-celebrate ng promotion mo?” tanong ni Eloi.

            “Oo nga,”  tugon niya sabay lagok ng The Bar.

            “Bakit mukhang pambigo ang drama mo?” tanong ni Arlene.

            “Ako?” Tinuro pa niya ang sarili niya. “Bigo? Hah! Dapat siya lang ang mabigo at nawala ako sa kanya.” Tears fell from her eyes. “Letseng mga lalaki iyan!” 

            “Oy, hindi naman lahat!” sabat ni  Chrys.

            “Tse! Haym nat towking tu yu!” singhal niya dito.

            “Eh ikaw, Doc Dhey anong drama mo naman diyan?” tanong ni Maria May.

            Binalingan niya ito. Tulala ito na parang namatanda. Siniko niya ito. “Oy, okay ka lang ba? Lasing ka na? E di ka naman uminom.”

            “Ang haba ng hair ko,” wala sa sariling tugon ni Doc Dhey. “Hinaplos niya ang long hair ko. Sinalo niya ako nang mahulog ako ng hagdan.” Wala sa sariling lumingon ito sa kanila. “Ang ganda ko, ang haba ng hair ko!”

            “Hala, nabaliw na si doktora!” hirit ni Kofi.

            “Tse! Hindi nga sabi kayo kasali sa usapan dito eh,” Galit na binalingan niya ang mga guys. “Bakit ba ang kulit nyo?”

            “Easy! Kay Jomar ka lang naman galit bakit pati kami idinadamay mo?” hirit ni Kofi.

            “Sinabi na naming wala nga silang relasyon. Tinutulungan lang niya si Melai. Kasalanan namin iyon. Hindi mo naman kailangang magalit sa kanya o saktan ang sarili mo,” seryosong sambit ni Leo.

            “May pagkukulang kayo sa isa’t isa, wag mo namang isisi sa kanya ang lahat!” dagdag pa ni Chrys.

            “Mahar ka niya. Aramo ba iyon?” hirit pa ni Xeiji.

            On cue isang ma-emong kanta pa ang biglang kinanta ng vocalist ng Infinity Band, Pag Ayaw Mo Na ni Yeng Constantino.

            Sawa ka na yata, may iba na bang nakita? Isa lang naman ang aking hiling… Pag ayaw mo na, sabihin mo lang. di ko matitiis na ikaw pa ang mahirapan. Kasi pag ayaw mo na. Ako na ang lilisan. Di rin magtatagal, pag ayaw mo na….

Tinatanong sa sarili nagkulang pa ba ako? Basta’t ang alam ko ay ginawa kong lahat basta’t para sa’yo….           

            “Ayoko na nga! Ayoko ng masaktan!” Itinaas niya ang basong may vodka. “Kampai para sa palpak kong love life!”

             “Catherine-khun!” sita ni Xeiji. “Tama na iyan!”

            “Di tayo friends! Pabayaan nyo ako!”

            “Cattie!” May biglang umagaw ng wine glass niya.  Hindi na niya kailangang mag-isip o lingunin kung sino iyon. Memoryado na ng eardrums niya ang tinig na iyon. At ang nakakainis na-miss niya ang lokong Jomar na iyon. Niyakap siya nito.

            Nagpumiglas siya. “Bitawan mo ako. Do’n ka na lang sa kanya!”

            “Tama na, Cattie! Lalayo ako kung iyan ang gusto mo. ‘Wag mo lang gawin ito sa sarili mo.” Lalong humigpit ang yakap ni Jomar sa kanya. “Mahal kita, Cattie. Sinabi ko na noon na kahit tumakbo ka, hahabulin kita. I can’t live without you. Pero kung mas magiging okay ka na wala ako, sige ito na ang huling beses na magkikita tayo. Sorry if I hurt you. Pero sana maintindihan mo ngayon kung ano ang totoo. Wala kaming relasyon at hindi ko anak ang anak niya. wala akong minahal kundi ikaw lang.”

           Pero manhid ang puso niya sa mga oras na iyon. Maingay ang buong Senang Hati dahil isang RNB na ang kinakanta ng banda pero pawang wala siyang naririnig. At hanggang ngayon ay sarado na ang tenga niyang makinig.

            “Ngayon lang ito, Jomar. Bukas, hindi na ako ganito. Tapos na tayo.”

            Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya as if hesitant to let her go. Then he slowly moved away. “Kung gusto mong ito na ang maging huli, sulitin na natin.” He grabbed her nape and lovingly kissed her. Maingat, puno ng pagmamahal at tila ayaw nitong tapusin dahil ang kasunod na noon ay pamamaalam. Natigilan siya. Bakit kailangang mangyari ang eksenang iyon? Talaga bang pinahihirapan siya ng tadhana? At bakit sa dinami-dami ng pwedeng maramdaman, iyong kilig at sinseridad ng pagmamahal nito ang naramdaman niya?

            She cried. Sino bang niloko niya? Ayaw niyang mawala sa kanya si Jomar. Mahal niya ito. Pero pagod na siyang masaktan. Oras na naman siguro na mahalin naman niya ang sarili niya. 

            “Ngayon mo sabihing hindi mo na ako mahal, Cattie,” sambit nito.

            “Hindi na kita mahal,” nagmamatapang na tugon niya. 

            Pagkatapos ng eksenang iyon ay nag-iwasan na sila. Pinanindigan nito ang tuluyang paglayo sa kanya. At pinanindigan niya ang pagpapanggap na hindi siya apektado sa pagkadurog ng puso niya.



             “ANO BA?! Sinabi ko ng hindi ako a-attend ng meeting na iyan! Ise-set up nyo lang ako e. Busy ako, marami akong trabaho!” singhal niya kay Leo sa kabilang linya ng cellphone.

            Nasa photo shoot venue siya at sinu-supervise ang pictorial ng Thunderkizz Band para sa Celeb Mag. Ilang linggo na rin siyang hindi nagpapakita sa barkada niya. Ipinagtatanggol kasi ng mga ito si Jomar at talagang naiinis na siya. Defend ng defend ang mga ito pero tuwing tatanungin niya ang katotohanan sa involvement ni Jomar sa sekreto nila ay wala namang masabi ang mga ito.

            “Last na hirit na namin ito, Cattie. Sige na. Kakabukas lang uli ng Kofi Cups. Siputin mo naman kami!”

            “Oo nga! Oo nga!” Narinig pa niya hirit ng mga kaibigan niya.

            “Bahala kayo sa buhay nyo!”

            “Tampo ka pa rin ba sa amin? Sorry na. Sige, sasabihin na namin sa’yo ang totoo. Punta ka ha?”

            “Talaga? Inuuto nyo lang ako e.”

            “Catherine-khun, tama na dlama nyo ni Jomar-khun. Ako sabi na totoo, sa’yo. Hintay kita.” Si Xeiji ang huling nakausap niya nang agawin nito ang cellphone kay Leo.

            Hindi niya alam kung pupunta ba siya. Kahit lasing na siya noong huli silang magkita ni Jomar ay malinaw sa alaala niya ang last kiss nila. At kapag naaalala niya iyon ay bumabalik ang kakaibang feeling na bumabalot sa sistema niya. She literally know that it was a sign of love pero hindi na siya sigurado kung handa pa ba siyang makipag-ayos dito.

            Hay, bahala na nga!  

            Pumunta siya sa Kofi Cups. Agad siyang sinalubong ng barkada ng isang group hug.

            “Cattie! Na-miss ka namin!” sambit ni Kofi.

            “Ako hindi! Ang o-OA n’yo!” nakangiting hirit niya. Kahit ano nga siguro ang gawing kalokohan ng mga ito, hindi niya kayang lubusang magalit. Mula pa kasi bata ay magkakasama na sila.  “Mag-explain na kayo.”

            “Do’n tayo sa  bachelor’s pad ko.”

             Pagkapasok nila sa loob ng pad ni Kofi ay ni-lock nito ang pinto. Mukhang confidential ang pag-uusapan.

             “Okay simuran ko na,” sambit ni Xeiji. “Si baby, hindi taraga anak ni Melai. Siya si Beatriz Joy, anak ng drug lord.”

            Bigla niyang na-recall ang nangyari noong niratrat ng bala ang Kofi Cups. “Ibig sabihin ang batang iyan ang hinahanap ng mga nagpaulan ng bala dito?”

             Nagsitanguan ang mga ito. “Walang relasyon sina Jomar at Melai. Ang nangyari kasi, Cattie kailangan naming iligaw ang mga tauhan nung drug lord na iyon. Hindi nila pwedeng malaman na ang batang nasa custody ni Melai ang hinahanap nila. To do that, kailangan niyang magpanggap na may asawa kapag lalabas siya ng bahay,” paliwanag ni Leo. “Si Jomar ang pinaka-safe na maging alibi. With him, mas lalabas na possible ang alibi na ito dahil nagtrabaho din naman si Melai sa Miami na halos kasabay ni Jomar though hindi naman talaga sila nagkikita roon.”

            “Hiningi namin ang tulong ni Jomar para mag-portray as father ni Beatriz Joy,” dagdag pa ni Kofi.

            “Pero nahaluan na ng issues ninyong dalawa ang incident kaya ayun, lalo kayong nagkagulo ni Jomar. Hindi ka niya niloko. Lahat ng sinabi niya sa ‘yo totoo,” sambit ni Chrys.

            “Kami ang totoong may kasalanan sa’yo,” dagdag  pa ni Kofi.

            “Alam nyo mga siraulo talaga kayo. Bakit ngayon nyo lang iyan sinabi sa amin?” buska ni Dhey. “’Pag ganitong wala pa akong tulog ng 48 hours, gusto ko kayong pagbalingan ng puyat ko!”

            “Ayaw namin kayo damay!” hirit ni Xeiji.

            “Di nyo nga kami nadamay, sinira nyo naman love life ng bunso natin,” sabat ni Dhey.

            “Sorry na nga!” korong sambit ng mga ito.  

            Ngayon niya mas naunawaan ang lahat. Marahil totoong may pagkukulang sila ni Jomar sa isa’t isa pero hindi totoong niloko lang siya nito at pinaasa. In split of seconds, she recalled all the sweet memories she had with Jomar. His loving hug, the way he lovingly gaze at her…his sweet kisses. And she realized how much she missed him. 

            “Nasa’n si Jomar?”

            “On the way na daw siya,” tugon ni Chrys.

            Handa na siyang makipag-usap. Handa na siyang makipag-ayos. Kung hihilingin nito ang third chance, ibibigay niya. Sana may oras pa siyang ituwid ang pagkakamali niya. Sa sobrang halo-halong emosyon, napaiyak tuloy siya.

            Agad siyang niyakap ng mga katropa niya.

            “Don’t worry, magiging okay rin kayo ni Jomar,” sambit ni Dhey.

            “’Pag kinasal kami ni Jomar, hindi kayo invited!” hirit niya na ikinatawa lang ng lahat.

            “Hindi mo na kami kailangang imbitahan dahil iniimbitahan na namin ang aming mga sarili,” sagot naman ni Chrys.

            Natigil ang biruan nila nang mag-ring ang cellphone niya. Si Jomar ang caller. 

            “Hello—”

            “Cattie, listen to me. I love you okay.”

            Nahimigan niya na mukhang tensyonado ang tinig nito. “Jomar, anong problema?”

            “Basta, Cattie. I’m sorry.”

            “You’re forgiven. I’m sorry din.”

            “Wala kang kasalanan sa akin. No matter what happen, just always remember that I love you, okay.”

            Nawiwirduhan na siya. Kinakabahan na siya. Nararamdaman niya na may maling nangyayari.

            “Jomar natatakot na ako sa sinasabi mo. Tell me what’s wrong?”

            “Please tell me, mahal mo pa ba ako?” bagkus ay tanong nito.

            “Oo! I still love you—Jomar! Hello!” Isang nakakabinging ingay ang narinig niya sa kabilang linya bago iyon naging busy tone. Binundol ang puso niya ng takot at kaba. Lord, anong nangyari kay Jomar? Ingatan Nyo po siya.

            “Cattie, bakit?” tanong ni Leo. 

            “Kaya nyo bang i-locate si Jomar? May nangyari sa kanya.” She sobbed. Takot na takot na siya.


            MATAMANG minamasdan ni Cattie ang nahihimbing na si Jomar. Hindi siya makapaniwalang halos mawala na ito ng tuluyan sa kanya. Total wreck ang kotse nito nang matagpuan nila, ilang kilometro ang layo sa Kofi Cups. Cut ang break plug ng kotse na naging dahilan ng pagkawala ng preno ng sasakyan nito. Bumangga sa pader ang kotse. Mabuti na lang at walang bangin o tulay sa paligid. Kung nagkataon, mas malaking pinsala siguro ang natamo nito. Wala pang nahuhuling may sala pero may hinala na ang pulisya na may kinalaman ito sa mga taong nagpaulan ng bala sa Kofi Cups few months ago.

            Milagrong talagang maituturing na nakaligtas pa si Jomar sa insidente.  Halos bugbog na sa pasa at galos ang buong katawan nito. May fracture pa ito sa isang binti. Pero ayon kay Dhey, ligtas na ito sa panganib. Ang kailangan na lang nito ay pahinga at pag-aalaga niya.

            Nag-iisa siyang nakabantay sa hospital. Ang pamilya kasi ni Jomar ay nasa probinsya pa. Minarapat niyang ‘wag munang ipaalam sa magulang nito ang nangyari. Ipapaubaya niya kay Jomar ang desisyon tungkol doon. For the mean time, siya na muna ang mag-aalaga dito.

            Habang nahihimbing ito ay kung anu-ano na naman ang naiisip niya. Ano nga kayang mangyayari kung hindi ito nakaligtas? Napaiyak na lang tuloy siya. Humilig siya sa kama at hinawakan ng mahigpit ang isa nitong kamay. She definitely can’t live without him. Lalo na ngayon hindi pa sila totally ayos. Isa lang ang malinaw, they still love each other pero marami pa silang dapat ayusin sa estado nilang dalawa.

            “Cattie…”

            Napabalikwas siya nang marinig ang tinig nito. “Kamusta na’ng pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? Inumin?—”  Natigilan siya nang pawiin nito ang luha sa pisngi niya at bahagya itong ngumiti.

            “’Wag ka ng umiyak, okay lang ako.”

            “Tinakot mo ako.”

            “Sorry.”

            Ngumiti siya at marahang niyakap ito. She wanted to feel him. Ito lang ang assurance na buhay nga ito. Pero agad din siyang lumayo nang suminghap ito. “Sorry. I just want to be sure that you’re here.”

            Hinawakan nito ang kamay niya. “I’m here. Bugbog sarado lang, pero buhay naman. Cattie…”

            “Hmmm… Gusto mo ng tubig?”  Umiling ito. “Pagkain?” Umiling ito. “Nurse at doctor?”

            Umiling ito. “Ikaw ang gusto ko.”

            “Kainaman ka na. Bugbog na nga ang katawan mo sa pasa at galos, nakakapambola ka pa.”

            “Seryoso naman ako,” ungot nito. He kissed her hands at inihaplos iyon sa pisngi nito. “Tama ba ang narinig ko nung naaksidente ako? Do you still love me?”

            “Oo. Hindi naman nagbago iyon e. Ewan ko ba kung bakit. Nag-explain na sina Xeiji. Alam ko na ang totoo. Sorry kung naging sarado ako para intindihin ka.”

            “Nagkulang din ako ng effort para patunayan sa’yo kung gaano kita kamahal, Cattie. All I did was to tell you that I love you but I didn’t bother to prove it. Alam ko na ang pagkakamali ko. Let’s take chances again, please.”

            She smiled. Syempre hindi siya hihindi. “Let’s take the third chance. And this time, itatama na natin ang mali. Hindi na kita pag-iisipan ng kung anu-ano.”

            “At hindi na rin kita bibigyan ng rason para pag-isipan ako ng kung anu-ano.”

            They lovingly stared at each other then smiled.

            “I love you so much, my sweet Cattie.”

            “I love you so much, too Jomar.”

            He smiled. “Can you move closer?”

            Kunot-noong tumalima siya. They were about to share some sweet kisses nang marinig nila ang ingay mula sa may pinto.

            “’Wag ka maguro, Kofi-Khun!”

            “Tumabi ka ng konti Chrys.”

            “Hai! Hindi ko kita kissing scene.”

            “O, nag-kiss na ba?”

            “Oy, mga adik, tumabi nga kayo riyan. Maninilip rin lang kayo dito pa sa hospital. Tabi! Itse-check up ko ang pasyente.”

            Pabalandrang bumagsak ang mga siraulo niyang kaibigan sa sahig nang biglang binuksan ni Dhey ang pinto.

            Nabitin na naman ang kissing scene nila ni Jomar dahil sa mga kaibigan niya. Sa inis ay binato niya ng nakarolyong tissue paper ang mga ito.  “Panira talaga kayo sa moment kahit kelan!”

            “Pwede nyo namang ituloy, don’t mind us—Aray!” Ibinato niya ang stainless na baso kay Chrysler.

            “Manyak!” babatuhin pa sana niya uli ito ng thermos nang pigilan siya ni Jomar. 

            Agad napalitan ng sweet na ngiti ang nakasimangot niyang mukha nang balingan niya ito.

            “Nahihilo na ako. Kiss mo ako!” ungot nito.

            “Sa harap nila? No wa—” Nagulat siya nang hilahin siya nito at masuyong hinalikan.

            “Yehey! Sakalan na!” patawang korong hirit ng mga kaibigan niya.

            Kulang na lang ay sumuot na rin siya sa ilalim ng kumot ni Jomar sa hiya. Nagtalukbong na lang siya ng kumot nito. But she felt so happy and complete.

            “Cattie, magpakasal na tayo ha. Seryoso ako,” bulong nito.

            Wala ng atrasan. Handa na siyang maging Mrs. Salazar. “Sige, gusto mo ngayon na?” biro niya.

            Tumawa ito. “Kung makakatayo nga lang ako e.” Kinintalan nito ng halik ang ilong niya.

            “Guys I have—uy, ano iyan? Kissing scene under blanket? Mamaya mo na rape-in si Jomar, Catherine. May importante akong announcement,” sambit ni Leo na kararating lang.

            Kunot noong inalis niya ang kumot na nakatalukbong sa kanya. “Tse!”

            Tumawa lang ang lahat ng ando’n pati si Jomar.

            “O seryoso na. May problema tayo,” sambit ni Leo. Binalingan nito si Jomar. “Pare, nung maaksidente ka, magkasama ba kayo ni Melai?”

            “Oo, itatakas ko sila ng bata dahil sabi niya pinasok ang bahay niya ng mga armadong lalaki. Nung malaman kong walang preno ang kotse ko, nagdesisyon siyang tumalon. Nakita ko pa siyang gumulong sa tabi ng highway. Bakit?”

            “Nawawala si Melai. Si Beatriz Joy lang ang nakita namin sa damuhan,” sambit ni Leo.

            “Ano?!” gulat na reaksyon nila.

            Sa mga sumunod na sandali ay pinang-isipan nila kung saan posibleng mapunta si Melai. Hindi sila titigil hangga’t hindi nila ito nakikita. Malaki ang naitulong nito at ng mga kaibigan nito para maalagaan at maprotektahan ang batang naging sanhi ng kaguluhan sa buhay nila. Nang malaman ni Cattie at Dhey ang buong kwento tungkol kay Beatriz Joy ay nagkaroon na sila ng malinaw na participation sa pag-aalaga at pag-protekta sa bata.


            “NASA’N na kaya si Ate Melai?” sambit ni Cattie. Nasundan pa iyon ng isang buntong hininga. Katatapos lang ng  simpleng wedding ceremony  nila ni Jomar. Naka-check in  na sila sa isang hotel sa Talisay Batangas kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal.

            Limang buwan na at wala pa rin silang lead kung nasaan na si Melai. Nag-aalala na silang lahat. Kahit dapat ay nasa party mode sila ngayon ni Jomar ay hindi nila magawang lubusang mag-party. Iniwan na lang nila ang mga bisita sa bar at pumasok na sila sa kanilang kwarto.

            “Dating NBI agent si Melai. Makaka-survive iyon. Pero sana nga, okay lang siya.” Niyakap siya ni Jomar sa baywang mula sa likuran. Hinalikan nito ang pisngi niya at ang kanyang balikat pagkatapos ay isinandig nito ang ulo sa balikat niya. “It’s our wedding night. We should be thinking of romances. You should be thinking of me…and I should only think of you.” Naramdaman niyang sinamyo nito ang buhok niya. “Ang bango-bango ng misis ko.”

            Tumawa lang siya at bumitaw dito. Sumampa siya sa kama. “Pumunta ka do’n.” Itinuro niya ang pinto ng CR.

            “Huh?” kunot-noong sinunod siya nito. “Anong gagawin ko dito? Papasok ako sa CR?”

            Tumawa siya. “Hindi. Tumayo ka lang diyan.”

            “Tapos? How can we have romance kung andito ako, andyan ka?”

            Naalala niya ang panaginip niyang kawirduhan. “Basta.”

            “O anong gagawin ko dito?”

            “Kumanta ka,” sambit niya sabay ngisi. Nakakatuwang sunod lang ito nang sunod sa sinasabi niya kahit pinagtitripan na niya ito.

            “Anong kakantahin ko?” Napakamot pa ito sa ulo. “Manyapa’t alam mong mahal na mahal kita ah. Kung anu-ano itong pinapagawa mo sa akin.”

            “Ngayon gabi lang ‘to. Kumanta ka ng Mr. Suave tapos gumiling-giling ka.” She still can clearly recall how Jomar did the macho dance in her wild dream. Napapatawa na tuloy siya.

            Humagalpak ito ng tawa. “Saang online pocketbook mo naman nakuha iyan?  Ang hirap mo namang maging misis, papagilingin mo pa ako. Bakit ako lang? Dapat tayong dalawa.”

            “Sige na, giling na! Daming reklamo!” ungot niya.

            “Oo na…oo na! Wish granted.” Tumalikod ito sa kanya. Gumigiling-giling itong parang tuod nang humarap sa kanya katulad mismo ng panaginip niya.

            “Ako si mister swabe… oh oh, oh, grabe! Habulin ng babae… araw man o gabe… yeh beybeh!”

            Hindi niya mapigilang tumawa ng tumawa. “Ang cute mo, Jomar.”

            Nakangising hinubad nito ang long sleeves nito at lumapit sa kanya. Napapikit siya. Tulad ng panaginip niya, pakiramdam niya ay masyado ng nada-damage ang innocent eyes niya. Naramdaman niyang ikinawit nito ang long sleeves sa baywang niya. She was greeted by Jomar’s hypnotizing eyes when she opened her eyes. “Cattie… I never thought that love could make me the happiest man in the world right now. Sabi na nga ba, whatever happen you will always be mine….”  

            Napangiti siya. She just couldn’t believe it. Everything was real now. Hindi na panaginip, hindi na ilusyon. Jomar teasingly touched her cheeks and winked. “Cattie…”

            “Jomar…”

            Mataman siyang tinitigan nito. He seemed like reading lots of emotions expressed on her face. She didn’t even bother to hide her mixed emotions though. By looking in his eyes, she can also see the traces of happiness, love and satisfaction in his eyes.

            “Finally. I’m yours, Jomar.”

            “You will be forever mine, my sweet Cattie.” 

            Then they share the sweetest wedding kisses ever.



 PREVIOUS                                                          NEXT  STORY

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…