Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Sa Coffee Shop Pa Rin ni Kofi





Five years later…


“Ryuji! Hindi kapa iyan, plastic iyan!” suway ni Kofi sa 2 years old niyang anak na lalaki na natripan ang pahabang plastic ng cake. Isinuot nito sa ulo ang mahabang plastic at umarte itong isang super hero with kapa. 

           “Ako, superman!” sambit ng bata sabay takbo sa lugar ng mga kapwa nito bata sa loob ng Kofi Cups.

            “Ey, ingat ka anak baka ka madapa!” nag-aalalang sita ni Kofi. Napangiti na lang siya nang makitang magiliw na itong nakikipaglaro sa mga kababata nito na anak naman ng mga kaibigan niya.

            Kofi Cups was still in business after five years. Pinadagdagan na lang niya ng amenities ang lugar. Four years na silang kasal ni Eloi at ngayon nga may dalawa na silang anak, si Ryuji at ang 2 weeks old nilang baby girl.  Ang dalawang angel na ito at ang mga anak ng kanyang mga kaibigan ang naging dahilan kung bakit nagpalagay siya playing area sa coffee shop.

            Mabilis lang tumakbo ang panahon. Parang kahapon lang puro sila mga single na clueless pa sa kanilang love life. Pero ngayon iba na. He happily went to his favorite place wherein his bunch of friends and their husbands and wives were spending time over cups of coffee.  Tulad niya ay nakabantay lang ang mga ito sa kani-kanilang chikiting.


            “Good thing Beatriz Joy is not having hard time being the ate of all huh,” comment ni Xeiji habang tanaw ang five year old na panganay na anak na abala sa pakikipaglaro sa lahat at sa pag-aalaga sa three years old na kapatid nito na si Hiroshi.

            “She’s such an adorable child, Fafa Xeiji. Tsaka, ang kyut ng kanyang ina kaya hindi na kataka-takang mabait siya!” hirit ni Arlene.

            “Ikaw ba tukoy saliri mo?”  Kunot-noong tiningnan ni Xeiji ang asawa. “Ikaw di naman cute. Bakit nga ba ikaw aking pakasar ano? Gayuma mo ako?”

            “Sapakin kaya kita gusto mo?” biro ni Arlene na ikinatawa ng lahat.

            “Joke!” bawi naman agad ni Xeiji sabay yakap sa asawa.

            “Umamin ka kuya Xeiji, Takusa ka ano?” pang-aasar ni Cattie.

            “Iie! Si Leo ganon, hindi ako,” natatawang tanggi ni Xeiji.

            “Oy, hindi ako takot sa asawa ko ano. Si Regine ang takot sa akin. Pinagsisilbihan lang niya ako. Lahat ng pakiusap ko sa kanya ginagawa—”

            Lumapit sa grupo nila si Regine, buhat-buhat ang 2 year-old baby nila na si Icee.  Umupo ito sa tabi ng asawa. “Leo, nakuha mo ba iyong sinampay bago tayo umalis ng bahay?” Tumango si Leo. “Eh iyong LPG naisara mo ng maayos?” Tumango uli si Leo. “Eh iyong kwarto ni baby, nalinis mo ba?”

            “Yes, oh my Regine!”

            “I see, ang galing mo naman magsilbi kay Regine, Leonel!”  tatawa-tawang buska ni Chrysler habang buhat-buhat nito ang anak na si Apple. One year old palang ang panganay ng dalawa. 

            “Bakit ikaw, hindi mo ba ginagawa iyon?” tanong ni Leo.

            “Hindi!” tugon ni Chrysler.

            “Hindi ka nagkakamali!” pakli naman ni Maria May. “Siya ang nag-aalaga kay Apple, siya rin naglaba ng damit ng baby kahapon.”

            “Isa ka pa pala eh!” buska ni Kofi. “Ako aminado ako. Lalo na nitong nakaraan. Masyadong maselan pagbubuntis ni Eloi. Nakabantay talaga ako sa kanya. Natuto rin akong maglaba,” sambit niya sabay tawa. He remembered those days na tinatawanan siya ni Eloi dahil sa paglalaba niya.

            “Speaking of, how’s your wife and your baby?” tanong ni Dhey.

            “Andon sa bachelor’s pad ko. Parehong tulog. Kaya nga ako na  ang nakabantay kay Ryuji.” Nilingon uli ni Kofi ang anak na ang kalaro na ay ang asawa ni Dhey. Ayaw kasing bumitaw ni Sunset kay Ejay, kaya walang naging choice  ang huli kundi ang maging instant kalaro ng anak. 

            “Ejay was also enjoying the life behind limelight,” sambit ni Dhey.  “Ayaw na daw niyang maging  celebrity.”  She sipped on her cappuccino.

            “Doc Dhey, swerte mo rin kasi talagang willing siyang i-give up lahat para sa’yo,” sambit ni Jomar.

            “Yeah, right,” korong sambit ng lahat.

            “Sunset! Don’t play much!”  sita ni Ejay. Binuhat na nito ang bata at isinama sa mesa.  “Napakalikot na bata!”  Pagkatapos nitong palitan ng damit ang bata ay tumakbo na uli si Sunset pabalik sa play area ng mga bata. Naiiling na hinabol ng tingin ni Ejay ang anak.

            “Hayaan mo na munang maglaro si Sunset. Ngayon na lang uli iyan nagkaroon ng kalaro eh,” sambit ni Dhey. 

            “May mas lilikot pa ba sa anak ko?”  Pinagmamasdan nila ang mga bata. They all play along at pinakamalikot si Ryuji. It seemed like those little kids will grew up being good friends like what their parents were.

            Marami na ngang nagbago sa buhay nila  ngunit meron din namang hindi na ata mababago. One was the strong ties of their friendship. And the other one was the theme song of the Kofi Cups. Ilang taon na pero favorite pa rin ni Kofi ang Happy.

            I was afraid to open my eyes. Don’t even know how many tears that I’ve cried. Now that I’ve found the love ofmy life. I don’t get down down down down down... Happy. It’s so nice to be happy. Everybody should be happy. It’s so nice to be happy!...

            “Natatatawa ako sa mga batang iyan,” sambit ni Arlene. “Alam nyo ba, sabi ni Hiroshi, may girlfriend na siya. Si Icee daw.”

            Nagtawanan ang grupo.  “Mga bata nga naman, oo. Pero why not di ba?  Magkinakapatid naman ang dalawa,” sabat ni Regine.

            Marami pa silang pinagkukwentuhan nang pumasok sa shop sina Rojun at Rowell. May buhat na bata ang huli.

            “Gooooood afternooooon, viiiisiiitooooor!” Korong bati ng mga bata na ikinatawa at ikinagiliw na rin ng mga customers ng shop. 

            “Good afternoon! Hey Sunset, bless ka sa ninong mong cute!” hirit ni Rojun. Tumalima naman ang bata na magiliw na nagmano dito.

            “Aba, long time no see! Buhay pa pala kayo,” komento ni Dhey.

            “Ganon talaga ang artistahin, siyam ang buhay!” tugon ni Rojun.

            “I second the motion,” segunda ni Rowell.  

            Umupo ang dalawa sa katabing mesa ng grupo.

            “Nananaginip ka na naman ng gising, Rojun, “ hirit ni Cattie.

            “Anak mo iyan kuya, Rowell?” tanong ni Maria May.

            “Oo, napulot ko sa kanto,” biro nito.

            “Sinong nanay niyan?” tanong ni Regine.

            “Secret!”

            Narinig ni Kofi ang pamilyar na iyak ng baby niya. “Wait guys, Zuleika is looking for his cute daddy.” Tumayo si Kofi at nagtuloy agad sa bachelor’s pad.

            Natagpuan niya si Eloi na inihehele ang baby girl nila.

            “Okay na ba pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong niya rito. Kanina ay sumama ang pakiramdam nito. Sabi ng doctor ay bahagi lang daw iyon post pregnancy ng asawa. 2 weeks ago lang kasi nang manganak ito sa bunso nila. 

            “Okay lang ako Tikilabs ko!” Ibinigay nito ang bata sa kanya. “Ate Melai called. She’s coming over with a good news daw.”

            They went out of the room at muling naki-join sa mesa ng mga kaibigan niya. Abala na sa kwentuhan ang mga ito habang binabantayan ang mga anak. 

            “I can’t wait to see them growing up,” sambit ni Kofi. Excited siya bilang isang ama pero at the same time, he’s worried. It was true indeed that being a parent was not that easy and nurturing their children to be better ones was another issue. But yet, it was amazing to imagine how things could work out.

            “Ang makita silang lumalaki ay isang magandang experience but I think I am not that ready to see them in love or heart broken or something,” sambit ni Jomar.

             “Agree!” tugon nina Kofi, Leo, Ejay, Xeiji at Chrysler.

            “So, totoong madamot ang mga tatay!” natatawang hirit ni Eloi.

            “Kami ayaw rang sakit princess and prince namin,” sagot ni Xeiji.

            “Ay subukan lang nilang saktan ang princess ko, handa sila sa akin,” sambit ni Maria May.

            “Sa akin din!” Korong hirit ni Regine at Arlene sabay tawa.

            “By the way, pasingit sa usapan ng mga losyang,” sabat ni Rojun.

            Masamang tingin ang ipinukol ng mga babae dito. “O bakit? Tinamaan kayo?”

            “Gusto mong tamaan ka sa amin?” tanong ni Arlene.

            “Uy, no violence please. Masama iyan baka makita ng mga kids,” tugon ni Rojun.

            “Tamaaaa!” sabat naman ni Rowell na still busy with his so-called son.

            Their sorts of favorite coffee are all served in their table. Panay pa rin ang biruan at kwentuhan nila with their cups of coffee nang mag-grand entrance si Melai.

            “Hey all of you! Hindi por que kayo ang bida dito, kayo lang ang may happy ending. Paano naman kaming mga extra? May karapatan din kaming maging masaya,” bungad nito.

            “So what’s the good news, ate Melai?” tanong ni Kofi.

            She happily showed off her hand and revealed that she’s wearing a diamond ring. “I’m getting married!”

            “Wehhhh?” pabirong hirit nilang lahat.

            “Tao ba ang nagkamali?” tanong ni Rojun.

            “Elyen?” segunda ni Rowell.

            Nagtawanan ang mga tao. Inirapan lang sila ni Melai. “Matapos nyo akong ipakidnap at ipabugbog sarado sa kwentong ito, ganyan pa igaganti nyo sa akin?” eksaheradong pa-emote na naglakad ito sa gitna ng aisle papunta sa makeshift stage. “Bigyan nyo ako ng moment para ikwento ang love life ko. He was so…sweet.”

            “Ay pagkain lang naman pala iyang pakakasalan mo. Tell me, mag-aral ka baking?” pakli ni Arlene.

            “Tse! Hindi ano…his so mabango!”

            “Ay perfume! Perfumery ang pag-aaralan niya!” hirit ni Leo.

            “Ano ba! Magpapakasal ako sa tao. Totoo!” hirit ni Melai.

               “Eh sino ba siya? Dapat pinapunta mo siya dito para makilala namin,” sambit ni Chrysler.

            “At para mapaalalahanan namin na elyen ang pakakasalan niya at hindi tao!” hirit pa ni Rojun na ikinatawa ng lahat.

            Sumimangot si Melai pero agad ding nakabawi at napangiti nang pumasok si Genesis sa loob ng shop.

            “Hey Meme ko, have you decided who among these cute little angels will be the little groom and bride as well as the flower girls and ring and coin bearers for our wedding?” tanong agad nito nang lapitan nito si Melai.

            Lahat sila ay nagulat sa revelation.

            “Si Genesis?” korong bulalas ng lahat.

            “Oo, bakit may reklamo?” Binalingan ni Melai si Genesis. “Ayaw nilang maniwala, Gege ko!” 

            Tumawa ito. “We can’t blame them. Wala tayong kwento eh!”  Bumaling ito sa kanila. “During the moment na na-kidnap ako ni Gilbert Salmendre para nakawin ang identity ko, I met Melai there.”

            “He took care of me from the first day na nakidnap ako. Ginamot niya ang sugat ko. Iyon nga lang after months idinispatsa siya ni Gilbert.”

            “I almost forget about Melai until I saw her again in the hospital,” sambit ni Genesis.

            “Mental hospital?” pakli ni Rojun.

            “Tse, Rojun! We both undergo psycho-therapy to remove the trauma na nakuha namin sa incident.” She lovingly looked at Genesis. “And the rest is history.” Bumaling uli ito sa kanila. “Baw!”

            “Ikaw sure pakasar ka sa eryen?” tanong ni Xeiji.

            Tumawa lang si Genesis kasabay ng pagtawa ng iba. “She’s the best thing that happened to my life after those tragic incidents.”

            “So kailan ang bitay este ang kasal?” tanong ni Leo.

            “Next year!” korong tugon ng dalawa.

            Kofi felt glad about Melai’s good news. Napalapit na rin kasi ito sa kanya mula ng maging kasintahan at later on asawa niya si Eloi na pinsan nito.  Everybody happy now.   Napapangiti na lang siya habang kung anu-ano ang tinatanong ng barkada nila na animo’y napasalang sa hot seat.

            Natigilan lang siya nang umibot ang sanggol na karga niya. Baby Zuleika opened her eyes slowly and stared at him as if telling him that she’s glad, Daddy was carrying him.

             “She’s ¾ you and ¼ me. Parang itong si Ryuji. ¾ you and ¼ me din. Madaya ang genes mo Kofi,” biro ni Eloi.

            Kofi just lovingly looked at his wife as she changed Ryuji’s shirt. “Halatang patay na patay ka talaga sa akin, Eloibeybs.”

             “Pero mas patay na patay ka naman sa akin, Tikilabs,” tugon nito sabay hilig sa kanyang balikat. Buhat na nito si Ryuji na napagod na ata sa kakalaro at natripan na ring mag-afternoon nap.

            “Nahihilo ka na naman ba?” hinaplos niya ang pisngi nito.

            “Nope. I’m just enjoying the feeling being with you.”

            “How long do you think our relationship will last?” tanong niya dito.

            “Ayokong isipin. Basta ang importante, andito pa rin tayo. And we’ll keep on going.”

            “I love you so much, Eloibeybs.”

            “I love you so much too, Tikilabs.”

            “Daddy…” tawag sa kanya ni Ryuji.

            “Bakit anak?”

            “Papay po!”

            Tumawa sila ni Eloi nang magkatinginan sila. Nagutom na ang bata sa kakalaro. Agad niyang inutusan ang isang service crew  na ikuha ng cake at pastries ang anak niya.

            “So lahat kayo invited sa kasal namin ha,” sambit ni Melai.

            “Sagot ko ang cake!” volunteer ni Kofi.

            “Sagot ko ang venue! Doon na lang kayo sa Hacienda Canilao,”  dagdag naman ni Chrysler.

            “Sagot ko ang bridal car!” sambit ni Jomar.

            “Sagot ko ang wedding singer!” offer naman ni Ejay.

“Sagot ko ang security!” hirit ni Leo sabay tawa.

            “Sagot ko…” saglit na napaisip si Xeiji. “Sagot ko, annulment pag siya discover na di ka babae!”

            “Over ka, attorney ha!” apila ni Melai. Binalingan nito sina Rojun at Rowell. “Kayo wala kayong sasagutin?”

            “Sagot namin ang tagakain ng handa n’yo.”

            “Tamaaaa!”

            Umugong ang tawanan sa coffee shop at lumipas pa ang ilang oras na puno ng tawanan, kwentuhan at asaran  ang buong lugar.

            Sa paglipas ng panahon, dumami rin ang tumangkilik sa shop. Unti-unting sumikat ang coffee shops ni Kofi at iba’t ibang love story din ang patuloy na nabubuo sa loob nito.


Melaniequilla_10/19/10


THE END 



Comments

Ryuji, bawal na ang plastic ngayon...magmumulta ka! Nyahahaha!
Melai said…
hahaha. di pa bawal ang plastic nang sulatin ko to. haha
Anonymous said…
aba may exposure ang otor... galinga...
Anonymous said…
Ate Melai!!! you're so galing talaga!!! nabasa ko na lahat ng stories mo d2 sa blog mo maliban nalang sa Kofi cups and sweets series 2:)))na next na sa list ko<3 i lab u talaga ate!! ur the best!! keep it up ate Melai@_@!!!!--- sincerely, isang mong tagahanga>just call me Len:)


P.S: thanks sa mga stories mo ate melai!Godbless!
nene castro said…
Sobrang ganda...every part i d q maiwasan tumawa..hehe...at talagang napuyat aq sa pag read nito...pero sulit nman eh!!! Good job po!!!
Anonymous said…
ang ganda nang story mo miss melai...one of the best talaga...
di lang pang romance may action pa...keep it up..
more power :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…