Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Only For You- Part 3





Natitigilan pa rin si Dhey. Parang kanina lang ay masaya silang nagkukwentuhan sa loob ng Kofi Cups kasama ang mga kaibigan niya. Pero makalipas lang ng ilang segundong putukan ay naging disaster na ang buong coffee shop ni Kofi. Basag lahat ng glass wall. Swerteng wala namang nasaktan. Marami ng taong nakapalibot sa kanila ngayon. Mga customers  na diwang saksi rin sa nakakatakot na mga segundong nagdaan, ang mga kaibigan niya at ang mga lovers ng mga itong isa-isa ng sumugod doon para alamin ang lagay ng mga minamahal nila, ,mga usisero, mga pulis at mga reporters.

            Tumingin siya sa paligid. Lahat may partners na nag-aalala sa mga kaibigan niya. Maging si Kofi ay yakap-yakap ngayon si Nurse Eloi. Nag-iisa siyang walang karamay sa nararamdaman niyang takot. Akala niya’y okay lang mapag-isa sa buhay, hindi rin pala. Nakakalungkot pala lalo na sa ganitong sitwasyon.

            Napasandal na lang siya sa counter at sinikap labanan ang traumang nararamdaman ng mag-isa idagdag pa ang physical stress na nararamdaman niya. Wala pa siyang masyadong tulog sa sunud-sunod na toxic duty sa hospital. At inaamin niyang hindi na maganda ang pakiramdam niya.

            “Dhey, okay ka lang?” Nilapitan siya ni Kofi.

            “Doc, medyo namumutla ka,” pansin naman ni Eloi.

            “Okay lang ako—”


            “Dhey!” Bigla na lang sumulpot sa harap niya si Ejay at agad siyang niyakap. Naka-pajama lang ito at cotton shirt at mukhang kababangon pa lang sa kama.  Kung ganon, sinadya talaga siyang puntahan nito. Wala na siyang nagawa dahil bumigay na lang lahat ng defenses niya. Ilang linggo na rin niyang hindi nakita si Ejay dahil iniwasan niya lahat ng exposure nito sa magazine, newspaper at tv. Nakikita rin niya madalas ang kotse nito sa labas ng hospital na pinagtatrabahuhan niya pero dinedeadma lang niya. Sinong mag-aakalang ito rin pala ang sasagip sa nalulungkot niyang puso? Sinong mag-aakalang ito ang pupuno ng kaninang kakulangan na naramdaman niya?

            “Ejay…” Impit na napahikbi siya.

            “Sorry kung hindi ko masunod ang kagustuhan mong wag tayong magkita. I can’t lalo na sa sitwasyong ganito.” Humigpit ang yakap nito sa kanya waring ayaw na siyang pakawalan. And those sweet gestures created certain feeling inside her. Gusto niya ang pakiramdam na yakap nito. Napahikbi lang tuloy siya. “Dhey…okay na. Andito na ako.”

            “Bakit ka ba andito?”

            “Nag-aalala ako sa’yo. When I saw the news on tv, kakaibang takot ang naramdaman ko. You scared the hell out of me.”

            “Di mo kailangang mag-alala sa akin.” Naisip na naman niyang ginagawa lang ito ni  Ejay dahil sa kaibigan nito ang mga kaibigan niya. Iniisip na naman iyang hindi totoo ang lahat ng iyon.

            “Damn Dhey! Wal rin akong magawa kung nararamdaman ko ito. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Meron ka bang iba, bakit ayaw mong tanggapin?”

            Kumalas siya sa pagkakayakap nito para harapin ito. Puno ng pag-aalala ang bumabakas sa mukha nito. He touched her cheeks and lovingly wiped her tears. “Lahat ng babaeng nagustuhan ko, hinindian lang din ako sa huli dahil celebrity ako. Dahil nasa limelight ng fashion show ang buhay ko. Sana iba ka sa kanila Dhey, wag kang lumayo sa akin. Give me the chance. I’ll make you the happiest woman in this world.”

            For that moment hindi niya alam ang sasabihin. Nag-isip muna siyang mabuti. Baka naman totoo ang sinabi niya. Napabaling pa siya ng bahagya kay Kofi na nakita niyang nakamasid lang sa kanya.

            Nag-mounting pa si Kofi. “Go and find your heart.” Kumindat pa ito bago umakbay kay Eloi at tumalikod.

She  got her confidence. Pawang pinalaya din siya ng alanganing sitwasyon nila ni Kofi dahil sa sinabi nito. Binalingan uli niya si Ejay. Bumuntong-hininga siya para sabihin ditong payag na siyang bigyan ito ng chance. “Ejay—”

            “Maria Dheylight!”

            Nagulantang silang pareho ni Ejay nang biglang sumulpot ang Kuya Florenz niya.
Nakupo! Ang kuya kong praning! Dahil sa page-emo niya ay nakalimutan niyang binanggit nga pala ng kaopisina ng kuya niya na si Jomar na paparating na rin ang kuya niya.

 Kunot ang noo ni Florenz habang nagpapalit-palit ang tingin sa kanya at kay Ejay.  At wala siyang maitatanggi dahil nakayakap pa sa kanya si Ejay hanggang sa mga sandaling iyon. At ang malala pa nito sa halip na bitawan siya nito ay lalo pang humigpit pa ang yakap nito sa kanya. Anong gagawin ko?

            Nalito na siya sa kung anong gagawin. Tila umikot ng 360 degrees ang isip niya hanggang sa bigla na lang siyang nahilo.  Nasobrahan na ata siya sa trauma plus kilig plus tension plus puyat plus pagkadesparadang makatakas sa sitwasyon. Napadantay siya kay Ejay.

            “Dhey!” agad siyang dinaluhan ng kuya niya at mga kaibigan.

            Mukhang magandang palusot ang himatayin. Sige ganito na lang. One two three…. Nagpanggap siyang nawalan ng malay at ang kanyang Fafa Ejay ang sumalo sa kanya. Mas mainam na iyon kesa ma-ambush siya ng kuya niya. Ang alam ng mga kapatid niya ay wala na siyang interest sa love life mula ng magkahiwalay sila ni Kofi. Ni hindi nila alam na may Ejay Reyes na umeeksena sa buhay niya. Only her dear mother and her sister in law know.

            “Dhey!” Naramdaman  niya ang kamay ni Ejay na hinahaplos ng pisngi at noo niya. Nagkakagulo na rin ang mga kaibigan niya.

            “Buhatin mo na siya, pare!” sambit ni Kofi.

            “Dalhin na natin sa simbahan, dali!” hirit ni Leo.

            “Ano simbahan? Hospitar!” sabat ni Xeiji.

            “Kailangan din ni Dhey ng basbas—aray! Joke lang naman!”

             Lihim din siyang natatawa sa hirit ni Leo. Hanggang sa naramdaman niyang may bumuhat na sa kanya. Pero hindi iyon si Ejay. Familiar na braso iyon ng kuya niya. At dahil na rin siguro sa pagod e natuluyan din ang pagpapanggap niyang hinimatay. Agad din siyang nakatulog.



            MALALIM na ang gabi nang magising si Dhey. Nasa pamilyar na silid na siya, ang kwarto niya sa itaas ng Chandy’s Place, ang restaurant ng kuya niya. Mukhang nakalusot na siya sa interrogation. Pero napanganga na lang siya nang makita si Ejay na ngingiti-ngiti pa habang iniisa-isa nitong tingnan ang pages ng precious scrapbook niya. Compilation lang naman iyon ng kanyang Fafa Ejay. Dahan-dahan siyang sumuot sa kumot sa hiya at nanalangin na sana lumubog na lang siya sa kama at hindi na siya nito makita.

            “Oh, gising ka na! Gusto mo na bang kumain?” Nilapitan siya nito. “Dhey, I know gising ka na.” Naramdaman niyang umupo ito sa kama.

            “Hindi pa ako gising, nag-sleep talk lang ako,” hirit niya at tumawa naman ito.

            “Ikaw, nagpapakyut ka na naman e,” sambit nito. “Tell me, Dhey, matagal ka ng may gusto sa akin ano?”

            Napabalikwas siya ng bangon sa sinabi nito. “Hoy….hindi ah—” Natigilan lang siya nang ngumiti ito sa kanya. Her heart once again played the familiar rhythm na dito lang niya naramdaman sa tanang buhay niya.

            “Eh ano ‘to? Hindi ka naman press,” nakangising tanong nito sabay umang sa kanya ng pinagtitripan nitong scrapbook. “Parang obsess ka sa akin e,” tudyo pa nito.

            “Ano ka? Avid fan mo ako. Iyon lang iyon.”

            “So gusto mo nga ako.”

            “Eh….”

            He grabbed her hand. “Dhey, I already told you that I like you. Iyong totoo, do you like me too?”

            Ay like…like like like!

            “Ahm….”
           
           “Siguro nga wala pa akong mapapatunayan sa ngayon kasi nilayuan mo ako after our first date pero kung bibigyan mo ako ng chance, I’ll prove you how much I mean it.”

            Natahimik siya.  Gusto niyang sabihin dito na gusto rin niya ito noon pa pero natatakot siya sa consequence na iyon. Maintriga ang buhay nito dahil sa pagiging sikat na model at artista nito. Hindi niya alam kung kaya rin niyang masangkot sa intriga para dito.

            “Ang pagiging celebrity ko ba ang dahilan kung bakit alanganin ka?” malungkot na tanong nito. “Love teams, ma-involve ako sa ibang babae ng showbiz, lahat iyon iiwasan ko para sa’yo. In fact, ngayon pa lang sinabi ko na sa mga interveiew ang totoo  na may… may special na akong babae. At balak kong mag-concetrate sa panunuyo sa’yo.”

            “Ha? Teka you don’t have to do that. You don’t have to sacrifice the limelight for me.” Bumibilis ang heartbeat niya, nawiwindang ang isip niya, at nanginginig ang kamay niya na hawak-hawak pa rin nito.

            “You’re hands are shaking,” bagkus ay sambit nito. Lumapit ito sa kanya at inalalayan siyang makahiga. “Magpahinga ka na lang muna uli. I’ll just be here, babantayan kita. Okay lang kung wala ka pang masabi sa mga napagtapat ko. Take your time, Dhey. Hindi ko alam kung may mahal kang iba o kung anong kinakatakot mo pero wag kang mag-alala, andito lang ako. I’m willing to wait.”

            Tumalima siya. Humiga na lang uli siya at hinayaan itong iyakap muli sa kanya ang kumot niya.

            “Okay lang ba kung dito lang muna ako? Daming press sa labas e. May naka-recognize sa akin na taga-media, nasundan na tuloy ako. Pero don’t worry, nasa baba na iyong manager ko. Inaayos na lahat.”

            “Okay lang, Ejay. You can stay here. Pa-thank you na rin sa pag-alalay mo sa akin kanina.”

            “It’s nothing for someone I love,”  nakangiti ngunit pabulong na saad nito.

            Huh? Waaah! Love mo ako? Alabyu too!  “Anong sabi mo?”

 “Ahm, dito lang ako sa sofa,” sa halip ay tugon nito. Napangiti siya.
            
            Nang makaupo ito sa sofa ay tinawag niya ito. “Bakit?” tanong nito.

            “I like you, too. Ikaw na lang ang bumuo ng bawat araw ko mula noong magkahiwalay kami ni Kofi. Sorry kung alanganin pa rin ako. Kasi hindi naman tayo sigurado kung kaya nating magkaroon ng relasyong ganito. Di ko alam kung kaya mong magka-girlfriend ng tulad ko napalaging on call at halos walang oras sa’yo.”

            “Dhey, artista ako. Wala ring pinipiling oras ang trabaho ko. Naiintindihan kita. Let’s take chance?”

            “Sige.” She smiled. “Thank you ha.”

            “You owe me a date kaya magpahinga ka ng husto.” 



            MARAMI ang naging pasyente sa pampublikong hospital na iyon. At dahil kapos din sa pondo ng gobyerno, kapos din ang bilang ng mga doctor at nurses na volunteer lang para makatulong sa kapwa  mahihirap. Kaya ang ending, minsan ay ginagawa na rin ni Dhey ang ibang trabaho, tulad ng pag-aayos ng files ng mga pasyente at kung anu-ano pa. Isang linggo rin siyang wala sa serbisyo dahil binigyan siya ng force leave ng Chief doctor niya sa pribadong hospital, kailangan na daw kasi ng katawan niya ang magpahinga. Pero hindi naman niya kayang tiisin ang mga mahihirap na walang pantustos sa kanilang pagpapagamot kaya pagdating ng weekends ay naka-duty pa rin siya sa public hospital.

            “Sinasabi ko na nga ba, andito ka.” 

Napalingon siya at nakita si Ejay na salubong ang kilay. Papaakyat na sana siya sa second floor ng hospital at magra-rounds sa mga wards. May bitbit siyang isang kahon na ilalagay niya sa nurse station. Laman noon ang mga files ng pasyente na ie-encode pa niya sa computer maya-maya.

“Anong ginagawa mo dito?”  Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat ng hagdan at sinabayan naman siya ni Ejay.

“Kasi, may bibisitahin sana ako sa Chandy’s Place na ang pagkakaalam ko ay off duty ng isang linggo. Kaso pagdating ko doon, wala naman siya at nagpunta daw dito para magtrabaho. Wow, ang tigas ng ulo ano?” buska nito sa kanya.

Nginitian niya ito na may halong pagpapakyut at paglalambing. “Eh, okay na namang ako e.”

“Oh, really?” He moved closer to her face. Sa gulat niya ay napasandal siya sa pasimano ng hagdan. Nag-marathon na naman ang puso niya nang unti-unti inilapit nito ang mukha sa kanya. He kept on gazing at her while teasingly smiling. Waaah! Tumakas ka Dhey! Kailangan niyang makalayo dito kundi ay baka himatayin na nga siya ng totohanan dahil sa sobrang kilig.

Sinubukan niyang umiwas pero maagap na naihara nito ang braso sa daraaanan niya. Tinangka niya sa kabilang side pero maagap ding inihara nito ang isang braso. Ngayon ay nakakulong  na siya sa bisig nito at ang diwang pumapagitan sa kanila ay ang kahon na bitbit niya.

“Sigurado ka bang okay ka talaga? Bakit mukhang tensyunado ka?”

“Alam mo na ang sagot diyan, Ejay. Lumayo ka muna please, hindi ako makahinga dahil sa’yo.”

“Dapat nga ganito tayo palagi. Paano ka masasanay sa akin kung pinapalayo mo ako?” Hinaplos nito ang pisngi niya. Then he slightly touched the tip of her nose.

“May problema ka ba sa ilong ko?” tanong niya.

“Wala. In fact, I love your nose.” Hinaplos muli nito ang pisngi niya. “I love your cheeks.” Hinaplos nito ang ang buhok niya at hinalikan iyon. “I love your hair.” Ngumisi  ito. “Amoy alcohol!—Aray!”

Iniumang niya dito ang pumapagitan sa kanilang kahon na tumama sa tiyan nito. “Lumayo ka na kasi!”

“Sanay ka na ba sa akin?”

“Ah…eh… medyo.”

“Ayoko ng medyo. Aalisin muna natin ang pagkailang mo sa akin at saka kita pakakawalan. Ilang araw na rin tayong nagde-date pero palagi ka pa ring parang napapaso kapag malapit lang ako sa’yo. Eh paano ba iyan?” Inilapit uli nito ang mukha sa kanya. “I want you closer to me, Dhey.” 

“Kailangan talaga ganyan ka-close? Pwedeng may distance?”

“Ayoko ng distance.” He teasingly smiled. Tapos lumingon ito sa kanan at kaliwa. Wala naman ibang tao dahil alanganing oras na ng gabi.

“Dhey, I know something effective to make you stay comfortable with me. But I’ll just do it with your permission.”

Ano kaya iyon? Out of curiosity ay tumango siya.

She just felt shocked when he grabbed her nape and lovingly kissed her. Hindi siya nakapalag. The touched of his lips against her made her forget all her hesitations regarding their so called relationship. At kung bibigyan siya ng pagkakataong maging huling babaeng hahalikan nito ng ganon, buong puso siya magpapaubaya. 

Time to say bye-bye to her feelings for Kofi. Ngayon ang tamang panahon na lubusang masabi niyang moved on na siya. Ejay was there, ready to give his whole world for her.

“Now baby, tell me. Naiilang ka pa ba? Just tell me and I repeat the process,” nangingiting sambit nito after their lips parted.

“Nakakasira ka ng ulo, Erwin Joy. Buhatin mo na nga lang ito.” Ibinigay niya kay Ejay ang bitbit na kahon. “I need to do some hospital rounds and encoding afterwards. Kaya umuwi ka na, hindi mo ako mahihintay.”

“Pwede bang mag-volunteer na encoder?”

“Ang kulit mo Ejay!” They started to walk again.

“Kyut naman! Sige na, para madali kang matapos sa work mo, pwede pa tayong mag-date after.”

“Morning date?”

“Pwede naman iyon.” wala na siyang nagawa nang bumaling ito sa nurse station at kinidatan ang naka-duty na Nurse do’n na si Nurse Eloi. “Okay lang ba na ako na lang gumawa ng encoding ni Dra. Dhey?”

“E poging Fafa Ejay….” Tumingin  ang Nurse sa kanya. Tumango na lang siya. “Oo daw po.”

“Ikaw na bahala sa kanya Eloi. Sapakin mo pag masyadong makulit,” biro niya. “I’ll check my patients.”

“Dhey…” Nilapitan siya nito at hinalikan sa ilong. “Be back agad ha. Mami-miss kita e.”

Itinulak niya ito palayo. “Do’n ka sa loob, mag-encode ka na hindi iyang pambobola iyang ginagawa mo.”

Pinisil nito ang ilong niya. “Oo na sige na.”

Pinanood niya itong pumasok sa nurse station bago siya nangingiting naglakad sa hallway papunta sa mag wards ng pasyente niya.
           


            MALAKAS pa rin ang buhos ng ulan dulot ng isang malupit na bagyo. Volunteer doctor si Dhey sa isang evacuation center ng mga nasalanta ng bagyo sa Antipolo. Mas pinili niyang mag-work kahit bumabagyo sa halip na tumunganga lang sa bahay at isipin ang napakaraming problema nilang magkakaibigan ngayon. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang magsunud-sunod ang dagok sa barkadahan nila. Matapos ang pagpapaulan ng bala sa Kofi Cups ay lalo pang lumala ang sitwasyon. Hanggang sa nawalan na rin ng choice sina Xeiji at Leo kundi aminin sa kanila ang lahat. Ang bata…ang inosenteng bata na inampon bigla ni Xeiji ilang buwan na ang nakakalipas ay isa palang anak ng isang drug lord. Dahil doon, marami ng buhay ang ngayo’y nanganganib.

            Bagama’t nakarecover na si Jomar na nadamay sa gulo, nawawala  pa rin si Melai, ang naging ina-inahan ni baby Beatriz Joy.  At nito lamang isang linggo ay  si Maria May naman ang nawala sa gabi ng kasal nina Cattie at Jomar. Dalawang araw din silang walang tigil sa kakahanap kay Maria May na natagpuan nina Chrysler sa isang gubat. Sa mga  araw din iyon ay nasunog ang bahay ni Kofi at pinasabog ang kotse ni Xeiji. Hindi nila alam kung sino ang sunod na tatakutin ni Gilbert Salmendre at kung paano nito nagagawa ang pananakot sa kanila sa kabila ng pagiging bilanggo nito.

            “O, ito po inay. Iinumin nyo po ito ha. Isang beses sa isang araw hanggang sa maubos,” bilin ni Dhey sa isa sa mga nilalagnat na matanda sa evacuation center.

            Siksikan ang mga pamilya sa maliit na gym na ito. Maraming kailangan ang mga tao, damit, pagkain, matutulugan.  Sa mga ganitong pagkakataon niya naaalala kung gaano siya kaswerte sa buhay. Di niya kinailangang tumira sa evacuation center tulad nito dahil sa panganib na dala ng bagyo sa maliliit nilang mga tahanan.

            Maghapon na sila sa gym na iyon para magbigay ng libreng medical attention sa mga evacuees. Hindi rin makalipat ng ibang evacuation center ang medical team dahil sa lakas ng bagyo.

            “Dhey, pahinga ka muna. Kanina ka pa diyan e,” sambit ni Doc Penpen.

            “Sige, salamat.”

            Tumayo siya mula sa help desk at umupo sa isa sa mga upuan sa gilid ng tent nila. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa. Nakailang missed call na pala si Ejay at ilang messages na rin.

            Dhey, san ka na ba? I’m worried. Please let me know. Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako.  

            Ngunit bago pa niya mabasa ang ibang text nito ay nag-ring ang cellphone niya. tumatawag na naman ito.

            “Where are you? Bakit ngayon mo lang sinagot ang call ko?” may halong pag-aalala at inis ang tinig nito.

Ganito palagi ito pag hindi niya nasasagot ang tawag nito. Demanding in a sense, possessive din pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya lubos mainis din dito. Dati, iyon ang madalas na pag-awayan nila ni Kofi pero kay Ejay parang okay lang na nagde-demand ito and that was so weird.

            “Ejay, I’m okay here,” sambit niya. “Pasensya ka na medyo marami din kasing may sakit dito sa evacuation center.”

            “Where are you?”

            “Antipolo.”  Sinabi na rin niya ang exact location niya.

            “What? May landslide diyan ah.”  Narinig niya sa kabilang linya ang pag-start ng engine ng sasakyan.

            “Ejay, nagda-drive ka ba?”

            “I’m on my way there. Susunduin na kita. Delikado diyan, baka maulit ang landslide. I don’t want you to get hurt.”

            “Pero—”

            “I won’t take any objection for know, Dhey. Hindi na ako makatulog sa pag-aalala ko sa’yo.  I need to see you. Wait for me  there, I’m coming.”

            “Ejay—” nawala na si Ejay sa kabilang linya. Ang kulit talaga ng isang iyon. Napailing siya ngunit nang maalala ang himig ng pag-aalala nito ay bigla siyang napangiti. Ilang beses na rin silang nagde-date at aminado siyang patagal ng patagal, lalong nabubuksan nito ang puso niya. She was no longer a fan. She felt so special whenever they were together. Pabor dito ang pamliya niya. Pabor din sa kanya ang pamilya nito. Everything seemed to be perfect. Isa na lang ang kulang. Hinihintay niyang sabihin muli nito na mahal siya nito.

            Ilang minuto lang ay may mga taong nagtilian at biglang nagkumpulan sa may entrance ng gym. Maya-maya pa’y nakita niya si Ejay na agad din naman siyang napansin. Pero dahil maraming mga fans ay hindi agad ito nakalapit sa kanya.

            Agad siya nitong niyakap ng mahigpit na tila ilang years silang hindi nagkita. Dalawang araw pa lang naman ang nakakalipas nang huli silang mag-date.

            Napansin na niya ang maraming matang nakatingin sa kanya. “Ejay, marami ng nakatingin—”

            “Wala akong pakialam.” Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.   Sinubukan niyang kumalas pero pinigilan lang siya nito. “Sandali lang, konting minuto pa.”

            “Okay. Wag ka ng mag-alala, okay naman ako dito e. Matagal na rin akong volunteer kapag may ganitong pangyayari. Sanay na ako, dapat masanay ka rin.”

            He moved a little para magkatitigan sila. “Palagi pa rin akong mag-aalala sa’yo. Pwede bang umuwi na tayo? You look so tired.”

            Umiling siya. “Kailangan ako dito.”

            “Dhey, marami namang ibang doctor—”

            “Ejay, naiintindihan ko na nag-aalala ka sa akin pero sana naiintindihan mo rin na hindi ko igi-give up ang nakasanayan ko ng buhay dahil lang sa’yo. Kailangan ako dito kahit pa sabihing mong maraming volunteer. Hindi pa rin kami sapat para makatulong sa kanila. Hindi mo pwedeng hawakan ang buhay ko. Hindi kita boyfriend.”

            Natigilan ito at dahan-dahang bumitaw sa kanya. “Nag-aalala lang naman ako e. Pero parang hindi naman pala iyon importante sa’yo. Sige. I understand. Aalis na ako. Mag-iingat ka dito ha at i-text mo ako pag pwede ka ng umuwi. Susunduin kita.”  Nagulat siya nang halikan nito ang ilong niya at walang sali-salitang umalis ito. Gusto sana niya itong habulin pero tila napako siya sa pwesto niya.

            “Kayo na ba?” tanong ni Penpen.

            “Hindi.” At baka hindi na.



            NAPABUNTONG-HININGA si Dhey nang tingnan niya ang cellphone niya. Isang linggo na ang lumipas at wala pa ring paramdam si Ejay. Nagtampo nga siguro ito sa kanya nang hindi siya sumama pauwi noong kasagsagan ng bagyo.  Ilang beses niyang tinext ito at tinawagan pero wala siyang napalang tugon.

            “LQ kayo ng cover boy mo?” tanong ni Rojun.

            “Tse! Wag kang mang-asar Rojun, wala ako sa mood,” pagtataboy niya rito. 

Ilang minuto na lang ay Saturday Jam Night na uli at nakatoka siyang kumanta kasama si Kofi at Chrysler.  Nabalingan niya sa kabilang mesa si Kofi at Eloi. Masayang-masaya ang dalawa lalo pa ngayong may plano na ring magpakasal ang mga ito.  Sa kabilang table naman ay naroon sina Maria May at Chrys kasama sina Leo at Regine. Sa kabilang table ay si Arlene naman at Xeiji at sina Cattie at Jomar.  Napabuntong-hininga siya. Lahat ng kaibigan niya ay masaya na sa love department at napag-iwanan na talaga siya.

“May nagmamahal naman sa’yo e kaso itinaboy mo,” sabat ni Rowell.

“Aba, lumilinya ka na rin talaga ng parang normal na tao ha,” buska niya para ilihis ang usapan.  “At paano mo nalaman iyon?”

Ngumiti lang ito. “Normal ako, kyut pa.”

“May sakit ka ba? Gagamutin na kita, Rowell ng libre,” pakli niya dito.

“Dheylight, siguro dapat manood ka ng tv.”  Hinagilap nito ang remote ng tv at ini-on iyon.

            Sakto naman na isang talk show ang palabas.

            “Lately ay naging maugong ang pangalan niya sa napakaraming issue but one particular issue remained outstanding. Sino nga ba ang apple of the eye ng amiable cover boy hunk na si Ejay Reyes? Let’s watch this,” anang host ng talk show.

            Isang love song ang naging background music ng video na pinapalabas.  Mga pictures ni Ejay ang unang ipinakita habang nagpi-play ang Only for You na isa sa cover single ng Thunderkizz Band na original hit ng Six Part Invention.

            I can be all you want me to be. When everything’s fallin’ I’ll still be here. If the feelin’ is fading, I’ll still be waiting for you… only for you.

            Pagkatapos ay lumabas na si Ejay at ang isang host sa video. Exclusive taped interview pala iyon.

            “Diretsahang tanong Ejay, may nagmamay-ari na ba ng puso mo?” tanong ng host.

            “Yes. Finally, I’m in love,”  nakangiting tugon ni Ejay na tila halatang-halata ngang in love ito. “This girl is very different from any other girls I met. I first fell in love with her voice few years ago.”

            “Voice?”

            “Yes. She was a fan before who kept sending me her personal recorded versions of love songs. For years, itinago ko iyon, hoping na someday, magkikita rin kami. And when that day finally happened, hindi ko na siya pinakawalan.”

            “So you are in a stable relationship right now?”

            “Well I can’t literally say na I’m in a stable relationship but I can definitely say that from now on my heart will only belongs to her.”

            “Okay, that was so sweet Ejay. Ang maswerteng babaeng ito ba ay ang namataan kayakap mong doctor sa isang evacuation center noong nakaraang linggo?”

            Ngumiti ng matamis si Ejay. “Yes it was her, Dra. Maria Dheylight Manigbas.”

            “Woooooh!” Umugong ang  panunukso ng mga tao sa Kofi Cups.

            “Ang haba ng hair mo, Dhey!”

            “Weee, sagutin mo na siya!”

            “Yihi! Sa national tv pa talaga mag-propose. Ang bongga!”

            “Kawawa naman siya!”

            “Tamaaaa.”

            “Ay naku, siraulo talaga kayong double R.”

            “Shhhh! Quiet!” sita niya sa mga ito. Natigilan at nanahimik tuloy ang lahat at sa kanya napunta ang atensyon. “Hindi ko kasi marinig ng maayos proposal niya.”

            “Wooooooh!”

            Namumula na siya habang pinapanood muli ang tv show.

            “She was so special. Binago niya ang buhay ko.  Ngayon lang ako natutong maging sweet, at caring sa isang babae. The first-time feeling is very unusual yet exciting.”

            Lalong naghiyawan ang tao sa Kofi Cups nang i-flash sa tv screen ang mga sweet photos nila ni Ejay na mismong kuha pa ng kuya niyang celebrity photographer. Katuwaan lang ang picture taking na iyon sa studio ng kuya niya. Wala siyang kaalam-alam na lalabas iyon sa tv. 

            “She was not just a woman. She’s all what it takes to fell in love with.”

            “You sounded like you are very proud of this lucky girl. Since sinabi mo na hindi pa kayo in stable relationship, how will you classify your relationship with her?” tanong uli ng host kay Ejay.

            “Exclusively dating, I guess. But I’m dying to finally propose to her. Pine-prepare ko lang siya. I gave her time. A doctor and an artist combined seemed to be tough but we promised each other na kakayanin naming dalawa.”

            “Wow, that was so great.  Bilang pagtatapos ng interview na ito, will you give some message for Miss Dheylight.”

            Natahimik ang lahat nang i-focus  ng camera si Ejay. Pawang lahat ay naghihintay sa sweet words na bibitawan ni Ejay para sa kanya.

            He posted his branded sweet smile while staring at the camera and appeared like he was staring at her too. “Dhey, thank you for coming into my life and for giving me the chance to be with you. No matter what happen, I will remain understanding to you. I will patiently wait for you. Just always remember that I will be here for you. I love you so much, Dhey. I really do!”

            The whole Kofi Cups cheered at lahat ay inuudyukan na siyang sugurin si Ejay kung saan man itong lupalop naroroon para siya naman ang makapagtapat.

            “Sige na Dhey, puntahan mo na siya. Dali!” sambit ni Cattie.

            “Oo nga naman,” korong sambit pa nina Kofi, Chrys, Leo at Xeiji.

            Desidido na siya. Batid na niyang seryoso nga si Ejay sa kanya. Patunay na doon ang pagtatapat nito ng pagmamahal sa kanya sa national tv.

            “Ay sige sige,” hirit niya. Tumayo siya at humarap sa tv na si Ejay pa rin ang naka-appear sa screen. “I love you too, Fafa Ejay!  I love you so much!” isinigaw niya.

            “So let’s get married then.”

            Napanganga si Dhey nang marinig niya ang familiar ni Ejay mula sa likuran niya.

            “Yihi! Uuuuuyy!” tukso ng mga tao roon.

            Alanganing lumingon siya at sinalubong ang nakangiting si Ejay na may dalang punpon ng bulaklak. He was teasingly smiling at her. Hindi pa nakuntento ang loko at kinindatan pa siya nito.

            “Ano nga uli iyong sinabi mo? Hindi kasi klaro sa pandinig ko e,”  sambit pa nito.

            “Wala iyon! Nabingi ka lang!” palusot niya.

            “Dheylight, mahal na mahal kita. The whole nation  and the international screen as well knows that you are my one great love.  The least you can do is to repeat what you have said a while ago.”  Ibinigay nito ang bulaklak sa kanya.

            “Oo na, oo na. I…I love you, too.”

            He opened his arms. “I think I deserve a hug.”

            Niyakap niya ito nang mahigpit. “O ayan, may hug ka na.”

            He moved a little to see her face. “Hmmm, how about a kiss?”

            “Wag naman dito, nakakahiya.”

            “Sige ako na lang hahalik.” He kissed her nose. “And now that you are only mine, you will now be my baby Dhey.”

            “Eh paano ikaw? Hmm, Ikaw na ang aking Fafa Joy!”

            “Huh? Bakit naman iyong Joy pa napili mo sa pangalan ko?”

            “Iyon nga ang kyut sa pangalan mo. Joy. Fafa, Joy!” Hinalikan niya ito sa ilong.

            Napakamot ito sa ulo. “Sige na nga, pero pa-kiss muna.” Hindi na nito hinintay ang permiso niya. He lovingly grabbed her nape and passionately kissed her habang nagchi-cheer pa rin ang mga tao sa Kofi Cups.



PREVIOUS                                                              NEXT STORY

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…