Skip to main content

Kofi Cups and Sweets Series: Only For You- Part 2





Nag-beep ang cell phone ni Dhey. Dalawang mensahe ang dumating mula kina Mhiel at Jhamo pero iisa lang naman ang main thought ng message—nag-set daw ang mga ito ng date para sa kanya with a common college friend ng dalawa. Pero masyadong preoccupied ang isip niya para isipin ang mga bagay na iyon kaya binalewala na lang niya muna. Isa lang ang laman ang bagay na di niya makalimutan.

            Nakatulala lang siya habang wala sa sariling hinahalo ang kanyang Oliang, isang klase ng kape na nag-originate sa Thailand na hinahaluan ng corn, soy beans at sesame seeds. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwala sa encounter niya kay Ejay noong nakaraang linggo. Sinabi niyang maganda ako…Homaygad!

            Napa-daydream tuloy siya ng wala sa oras at unang pumasok sa ilusyon niya ang halik nito sa kanyang ilong. Gusto na talaga niyang tumili, mai-release lang ang sayang nararamdaman niya. Hindi niya akalaing masa-startruck siya dito ng ganong katindi at bonus pang nayakap at nahalikan siya nito.

            Dahil nasa ibang dimension ang utak niya ay hindi niya namalayan na nakatingin lang pala sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

            “Dhey, eto na iyong Bakewell Tart mo—Dhey? Okay ka lang ba?” tanong ni Kofi pero deadma lang ito sa kanya. Oo nga, minahal niya si Kofi pero iba na ang laman ng puso nilang pareho ngayon kaya deadma na lang ito sa kanya.


            “Dhey-chan! Nanka atta no?” tanong ni Xeiji kung ano ang nangyayari.

            “Dheylight, hoy!” Iniyugyog pa siya ni Chrysler.

            “Bakit ba?” Wala pa rin sa sariling sambit niya. “Bakit ganon siya makatingin?” Nilingon niya ang natigilang si Kofi. “Totoo bang maganda ako? I’m beautiful, I’m charming?”

            Ngumiti si Kofi at pinisil ang ilong niya. “Oo naman! And believe me, you’re more than that, you’re not just beautiful outside, you also have a good heart, Dhey. Bakit ka ba ganyan?” Sinapo nito ang noo niya. “Wala ka namang lagnat? Masama ba pakiramdam mo?”

            Halos magkasabay na sumipol sina Leo at Chrysler.

            “Magbalikan na kasi kayo kuya!” tudyo ni Leo.

            Doon lang nagising si Dhey sa kawalan niya sa sarili. “Hindi na pwede ano, may Nurse Eloi na si Kofi at ako—”

            “May boyfriend ka na?” May himig ng lungkot sa tinig ni Kofi.

            “Wala pa.” Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi nang maalala niya si Ejay. “Malapit ko na siyang makuha! Ay, kailangan ko nga sigurong mag-diet, parang maging sexy na ako.” Luminga-luminga siya. “Uy Rojun, tara date tayo!”

            “Sige mamaya, pagkatapos kong mag-alaga ng bata,” kampanteng sagot ni Rojun.

            “Tamaaaaa!” sabat ni Rowell.

            “Uy, may bagong linya ka Rowell ah, improving!” hirit ni Cattie.

            “Tamaaaaa!”

            Napatawa na lang sila. Kapag kakulitan na talaga ang pag-uusapan, numero uno na talaga ang dalawang ito.

            “Teka, may aalagaan kang bata? May anak ka na?”

            Tumawa lang si Rojun. “Napulot ko lang,” sambit nito sabay tawa.

            “Adik!” Ibinalik na lang niya ang atensyon sa kape at bakewell tart sa mesa.

            “Sino iyong prospect mo?” tanong ni Kofi.

            “Secret.” ­

            “Oy, walang secret sa tropa na ito,” apila ni Leo.

            “Duh, sabihin nyo nga iyan sa sarili n’yo,” kontra niya.

            “Rule of confidentiality ang tawag ko dun hindi pagsi-sekreto,” depensa  ni Leo. “Obligasyon ko iyon bilang isang pulis. May mga bagay na ililihim ko sa inyo. Tulad ng mga kasong hawak namin ni Xeiji.”

            “Ewan ko sa’yo. Right kong mag-secret. Private life ko iyon—” Natigil ang litanya niya nang mag-ring ang cellphone niya. Hindi registered ang number. Baka emergency call iyon galing sa mga pasyente kaya sinagot niya agad.

            “Hello?”

            “Dra. Maria Dheylight Manigbas?” anang malamyos na tinig ng isang binata sa kabilang linya.

            Di niya mawari ngunit tila bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang ganda ng boses nito na waring sinusuyo siya.

            “Ah, yes. Who’s on the line please?”

            “Oh, I’m Mr. Erwin Joy Reyes, Jhamo’s college friend and Mhiel’s friend as well. I believe you are meant to be my date tonight. I just want to ask you formally para naman di mo masabing hindi ako gentleman.”

            Ano Joy? Babae ba ‘tong kausap ko? “Joy?”

            “Ahm, you heard it right my name has a Joy in it but it doesn’t mean that I’m a girl, lady with a sweet voice. I am a guy, hundred and ten percent.”

            “Ah, that’s not what I mean. Nagulat lang ako sa Joy but it’s okay.”

            “So are we going to pursue the date?”

            Mabilisang nag-isip si Dhey. Wala rin naman masama kung patulan niya ang date na iyon. At isa pa, hindi naman siguro siya ipapahamak ng kanyang mga kaibigan. “Hmm, can I ask something first?”

            “Anything, Miss Dheylight.”

            “Ahm, nakita mo na ba ako? I’m not really sure if you will like me.”

            “Yeah, nakita na kita, sa pictures and personal as well. If you are just thinking about your body figure, I hardly don’t care about it that much. You look like a sweet loving lady for me and you deserve to have a good date with a generous guy over here.”

            Napasandal siya sa inuuupuan sa sinabi nito. She seemed like being cradled by those sweet words she used to hear from Kofi. Pero ngayon, ibang lalaking estranghero para sa kanya ang nagsabi no’n. Naalala niya si Ejay. He also kept on praising her noong yakapin siya nito sa Hug Me Campaign. Natigilan siya at napailing. Magkaibang tao nga pala si Ejay at ang date niya.

            “Isn’t it unfair? Nakita mo na ako pero ikaw hindi ko alam kung sino ka,” sambit niya.

            “If  I let you see me now, will you say yes on a date?”

            “Okay, fine with me.”

            “Then look back.”

            She did. Glasswall ang haligi ng Kofi Cups kaya paglingon niya ay kita niya ang lahat ng kaganapan sa labas. Pero wala naman siyang nakikitang taong nakatambay sa paligid. Passers by lang ang andon at ang view ng dambuhalang billboard ni Ejay na naka-locate sa di kalayuan. 

            “There, nilingon mo na ako so see you tonight.” Sinambit pa nito ang restaurant kung saan sila magkikita at kung anong oras bago ito naglaho sa linya.

            Huh? Pero di kita nakita!! Gusto sana niyang ireklamo pero huli na. Busy tone na sa kabilang linya.

            “Sino iyon? Pasyente?” tanong ni Cattie.

            “No, a date. I have a date tonight.”  

            “Ah, sige mag-iingat ka sa date mo ha. I’ll just be in the kitchen.” Kofi stood up and straightly went to the kitchen area.

            Kunot-noong sinundan niya ito. She has the feeling na ayaw niyang paniwalaan dahil magde-develop lang iyon ng problema sa kanya.

            “Sabihin nyo nga. Nagseselos ba iyon?” tanong niya sa mga kaibigan. Sabay-sabay na nagsitanguan ang mga ito. “Weh?” nausal na lang niya.

            “Wakarimasen. I don’t understand. Isn’t he dating the friend of my worst nightmare?”

            Tumawa lang sila sa statement ni Xeiji. “Alam ba ni Nurse Arlene na tinatawag mo siyang bangungot?” tanong ni Leo.

            “Iie,” paghindi nito sabay tawa. Nag-ring ang cellphone nito at nakita niyang My Nightmare ang naka-register na pangalan doon. Sinagot ni Xeiji ang tawag. “Sumimasen chigaimasu,” sambit nito sabay cut ng call.

            “Ikaw bad ka, bakit sinabi mo sa kanya wrong number siya? E hindi naman,” sita niya.

            “Ako di niya tigil. Siya ikurong ko pag di tigir padara cake sa ‘kin.”

            “Pero mabalik tayo sa inyo ni Kofi. Wala na ba talaga? As in wala na?” tanong ni Cattie.

            “Sa akin wala na talaga,” sagot niya. Sigurado siya do’n dahil ni minsan ay hindi naman siya naging affected kahit pa makita si Kofi na may ka-date na iba.”Ewan ko sa kanya.”
            “Kung ganon, si kuya Kofi ang malamang na hindi pa maka-get over,” sabat ni Leo. 

            Nasapo niya ang noo sa nakakawindang na realization na iyon. How could she become insensitive of Kofi’s feeling? Hindi niya naisip na sa kanilang dalawa ay ito nga pala ang mas nasaktan sa break up nila  noon.

            Pumasok ng Kofi Cups si Nurse Eloi habang nakalagay ang cellphone nito sa tenga na waring may kausap. Maya-maya pa’y lumabas na si Kofi at magiliw na sinalubong si Eloi at nagtungo na ang dalawa sa kusina ng coffee shop.

            “On the second thought, parang hindi naman e,” apila niya.

            “Oo nga. Wag na nga nating problemahin si Kofi. Malaki na siya!” hirit ni Chrysler na ikinatawa na lang nilang lahat.

            Nag-ring na naman ang cellphone niya. At sa sandaling iyon ay si Mhiel ang tumatawag.

            “Bruha, asan ka na?” tanong agad ni Mhiel.

            “Nasa Kofi Cups. Bakit?”

            “Loka, how could you forget this day? Grand Fan’s Day ni Ejay Reyes ngayon. Hindi ka ba pupunta?”

            “Ha?!! Ngayon na ba iyon?” Tumayo siya at isinakbat ang laptop bag niya.

            “Oo ngayon na. May one hour ka pa. Sige na pumunta ka na dito, bilis!”

            “Sige. Sige.” She ended the call at nagmamadaling lumabas ng Kofi Cups ngunit nang ma-realize niyang hindi man lang siya nakapagpaalam ay bumalik siya. Binuksan niya ang glass door at nag-flying kiss sa grupo. “Bye, guys. I’m going to chase my prince, wish me luck. Muwaaaah!” 

            “Adik!” korong tugon ng mga ito.



            MABUTI na lang at naki-ayon sa kanya ang traffic. Thirty minutes lang ay nasa Mall of Asia na siya kung saan magaganap ang Grand Fan’s Day ng kanyang pinakamamahal na Fafa Ejay.  Buti na lang at madalas siya sa MOA kaya hindi na siya nahirapang hanapin ang venue.  Pagdating niya doon ay hindi pa nagsisismula ang program. Nagpaling-linga siya para hanapin si Mhiel o kahit ang asawa nito. Hindi siya nabigong makita si Mhiel. Nang mapansin siya nito ay iniwan nito ang asawa para lapitan siya.

            “Dhey, tara. Do’n tayo sa backstage,” nangingiting sambit ni Mhiel.

            “Ha? Teka ayokong silipan si Ejay, bad iyon!” hirit niya.

            Tumawa muna ito. “Siraulo ka rin talaga, kaya tayo friends e.” Seryoso siyang  hinarap nito. “Friend, gusto mo bang mapasaya si Ejay?”

            “Uy, di ako magbebenta ng aliw sa kanya ano,” hirit pa uli niya.

            Pabirong sinabunutan siya nito. “Puyat ka ba sa trabaho mo? Pambangag iyang hirit mo eh.”

            “Medyo. Toxic kasi ako kagabi e. Hindi ko pa nababawi ang pagod ko.”

            Pumasok sila sa backstage. Nagulat siya nang makita niya doon ang precious acoustic guitar niya. “Uy, gitara ko ba ‘to?”

            “Yup, hiniram ko sa kuya Florenz mo kanina.”

            “Bakit?”

            “Gagamitin mo kasi iyan mamaya. Haharanahin  mo si Ejay.”

            “Ano?!” gulat na reaksyon niya.

            Pero nginitian lang siya nito at tinawag nito ang papalapit na asawa. “Haime, okay na. Si Dhey na ang surprise natin kay Ejay.”

            “Really?” Binalingan pa siya ni Haime. “Thank you, Dhey. Matutuwa si Ejay sa harana mo. Eh kung alam ko lang agad na avid fan ka ni Ejay baka noon pa kita sinet-up bilang thank you sa tulong mo para sa amin ni Mhiel.”

            Pero di siya mapakali. Hindi niya alam kung anong kakantahin niya at nabablangko na siya. “Pero…”

            “Ah, Sir Haime, mag-start na po ang program.” Sumunod na sa oraganizer si Haime.

            “O, Dhey hintay lang natin go signal ha.”

            “Mhiel, ano ba? Anong kakantahin ko?” natutulirong tanong niya.

            “Kahit ano. Ikaw naman parang hindi ka performer sa Kofi Cups.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “For the mean time, magpaganda ka nga muna.”

            Pinagpalit siya nito ng damit pagkatapos ay inayos ni Mhiel ang buhok niya at nag-apply ito ng make-up sa mukha niya. Ang totoo, hindi niya forte ang mag-ayos. Sa trabaho niya bilang doctor, mas importante ang mag-sterilize kesa magmaganda.

            Maya-maya lang ay tapos na siyang ayusan at namomroblema pa rin siya sa kakantahin. Hanggang sa tinawag na siya ng emcee.

            “Ejay, we have a surprise for you. An avid fan would like to dedicate a song for you. So let’s welcome her upstage, Miss Dheylight Manigbas.”

Nagpalakpakan ang audience. Nakita ni Dhey si Ejay na agad napatingin sa direction niya at ngumiti. Wala na siyang choice kaya lumabas na siya mula sa gilid ng stage bitbit ang kanyang acoustic guitar at lumapit sa mic stand malapit kay Ejay na nakaupo sa isang stool.

Nginitian niya muna si Ejay habang inaayos ang gitara. “Ahm, hindi ako prepared pero sana magustuhan mo ito, Ejay. I’m…I’m really a fan of you. I love you nga eh…” Tumawa ang mga taong ando’n. “As a fan lang. Baka magalit ang girlfriend mo kung meron man. Eto na. Hope you love it.”

Then she concentrated on strumming her guitar and started singing. “Thing about love, is I never saw it coming. You kinda crept up into me by surprise. And now there’s a voice inside my heart that’s got me wondering. Is this true? I wanna hear it one more time.

“Move in a little closer, take it to a whisper. Just get a little louder. Say it again for me, cause I love the way it feels when you are telling me that I’m the only one who blows your mind. Say it again for me. It’s like the whole world starts to listen when you tell me you’re in love… say it again.”


Naiilang siya habang kumakanta dahil throughout the moment ay nakatitig lang sa kanya si Ejay na pawang siya lamang ang babaeng espesyal na andon sa lugar na iyon. Yes, a dream come true. Matagal na niyang inasam na maalayan ng kanta ang super crush niyang model na ito. Nagpapadala pa nga siya dati ng recorded songs niya dito bilang gift. Hindi nga lang niya alam kung nakaabot ba sa binata ang mga regalo niyang iyon.

She ended the song at nag-thank you sa audience. Ejay smiled at her and stood up. Nagulat na lang siya nang yakapin siya nito. Naghiyawan at nagtilian ang audience. 

“Oh, thank God. Finally, I found you,” he whispered softly in her ears.

Ano kamo?!!

Pagkatapos noon ay binitawan na siya nito at saka ito nagsalita sa mic at muling bumaling sa kanya. “Thank you, Miss Dhey. I really love it. Thank you.”

“Ahm pwedeng pa-kiss uli?” naiilang sambit niya.

“Sure!”

She awarded him a sweet kiss on his cheeks.

Hinawakan nito ang kamay niya pagkatapos ay inihatid siya hanggang sa baba ng stage. Ang hindi niya inasahan ay ang pagnanakaw nito ng halik sa pisngi niya bago siya nito binitawan.

“Wait for me after the show, Miss Dhey,” sambit pa nito bago ito bumalik sa stage.

Over sa ganda ko ata ngayon!

“Ang haba ng hair mo!” tudyo ni Mhiel.

“Tse!” She felt her heart consistently beating faster as she watched him. Nahuli pa niya itong nakatingin lang sa kanya. At kung hindi pa ito kinausap ng emcee ay mananatili itong nakatingin sa kanya. In that case, ang haba nga ng hair ko!


            “TARA, let’s have a date,” yaya sa kanya ni Ejay habang papalabas na sila ng venue ng show.

            Naalalang bigla ni Dhey ang naka-set niyang date. Gusto niyang maka-date si Ejay pero nakakahiya naman kung hindi niya siputin ang kanyang naunang date.

            “Ejay, kasi…may nagyaya na sa akin ng date mamayang gabi. Papunta na nga ako do’n ngayon. I want to have a date with you but I can’t today.”

            Napakunot ang noo niya nang ngumiti lang ito. “You’re a woman with one word. I like that, huh. So tara, mag-date na tayo.” He held her hand that gave her strange feeling on her veins.

            “Ejay, ano kasi…”

            He stopped walking and faced her. Binitawan nito ang kamay niya at matamang tinittigan siya. Iyon na naman ang eksenang dati e pinapangarap lang niya. He gazed at her as if she was his treasured special girl. “Dhey, I am Erwin Joy Reyes. I was the one who called you up a while ago.”

            “Ha?” gulat na sambit niya.

            He laughed. “Di ba sabi ko sa ‘yo kanina lumingon ka? Sino bang nakita mo?”

            Then she remembered na tanging bumulaga sa kanya kanina ay ang malaking billboard nito na tanaw mula sa Kofi Cups.

            “Billboard mo. Gwapo mo nga do’n e.”  Ngumiti ito. “Eh bakit ginamit mo pa tunay mong pangalan kanina? Kung sinabi mo lang na ikaw pala iyon, hindi na ako magtatanong pa ng kung anu-ano.”

            They started walking again towards the parking lot. “You have reasons why you asked those questions. I also have reasons why I called you up using my real name. By this time Dhey, I don’t want to be branded as a model, a super star, a celebrity. Gusto kong makita mo ako bilang tunay na ako, si Erwin Joy Reyes, simple, galing sa hirap, at matagal ng naghihintay ng taong tatanggap sa akin ng buo. You will be dating Erwin Joy not Ejay.”

            “Okay, very well said. No questions na po ako.” Binalingan niya ito para ngitian pero bigla siyang nahiya nang mapansing nakatitig lang pala ito sa kanya at mukhang kanina pa itong nakatitig sa kanya. Ngumiti pa ito na tumunaw na naman sa huwisyo niya kaya umiwas na lang siya ng tingin bago pa siya tuluyang mawala sa sarili at magtitili sa harap nito. Natahimik na alng tuloy siya habang nasa byahe sila.


            “NAIILANG  ka ba sa akin?”

            Napapitlag si Dhey nang hawakan ni Ejay ang kamay niya kaya dahan-dahan niya iyong inalis sa pagkakahawak nito.

            “Naiilang ka nga. Tell me, Dhey, are you not comfortable with this place? Gusto mo bang lumipat tayo sa ibang lugar? O ako lang talaga ang dahilan?”

            “Ahm, ano… sorry. Hindi ko kasi alam e, nahihiya ako sa’yo. Feeling ko kasi hindi ako bagay maging date mo,” pag-amin niya.

            Hinila uli nito ang kamay niya at binawi niya uli. “Says who?”

            “Eh kasi, artista ka, hamak na fan lang ako. Hindi ako kasing sexy ng mga nakaka-date mo. Who knows,  wala rin siguro akong naging panama sa mga ex mo.”

            “Di ba sabi ko, I don’t care about it. Remember, I am Erwin Joy at this moment. I’m not Ejay. And besides, I hardly date. I even don’t have any ex on the list so wala kang dapat ipag-alala. Wala akong girlfriend. In case you’re not yet aware, I want you to know that you make me happy. I won’t take my happiness away from me so I won’t let go of you.”

            “Paano naman kita napasaya e para nga akong tanga sa harap mo o?” kunot noong tanong niya.

            “Di kaya, ang cute cute mo nga e. At saka, you must be proud of yourself. You’re a good doctor, a good Samaritan doctor pa nga. You have a good heart and that makes you more beautiful in anyone’s eyes.”

            Biglang kumabog ang puso niya sa papuri nito. Ay Lord, kung panaginip lang ‘to pwede po bang may replay gabi-gabi?

 “You completed my days since you started sending me those sweet songs. Akala ko hindi ko na makikilala ang taong nag-aangkin ng boses na iyon. Buti na lang pakialamera ng konti ang asawa ni Haring Haime. Mhiel saw those recorded songs you sent me few years ago at sinabi niyang kilala ka niya. Kilala niya ang may-ari ng boses na iyon. I was so excited nang sabihin niya na ise-set niya ako ng date sa’yo. Pero tumanggi ka daw. Ako na ang nag-insist. It looked like Jhamo and Mhiel set us up, but it’s me who did it.”

Nagliwanag ang mukha niya. “Natatanggap mo pala ang regalo ko noon. Akala ko kasi hindi e.”

            Inilabas nito ang I-phone nito. Maya maya pa’y narinig niya ang boses niya mula sa player ng cell phone nito. “I didn’t just receive it. I kept it all these years. Na-in love na nga ata ako sa boses mo e.”

            Tumungo si Dhey nang maramdaman niya ang biglaang pag-init ng kanyang pisngi. Bihadong nagba-blush na naman siya.

            “Dhey…ano bang pwedeng gawin ko para hindi ka na mailang sa akin? I want to be near you. I want to know you better. I… I like you.” Hinawakan uli nito ang kamay niya. Wala na siyang nagawa. Tila nawalan na rin siya ng lakas para hilain uli ang kamay mula sa masuyong pagkakahawak nito.

            Iba na ang nararamdaman niya. May pag-aalinlangan pa rin siya. Guato niyang maniwala dito pero natatakot siya. What if, hindi naman pala siya nito totoong gusto at natutuwa lang ito sa kanya. She needed to move away to clear her mind. “Ahm wag muna tayong magkita. Stop those sweet words for me.”

            “Ha? Why?”

            “Hindi ko kasi alam kung maniniwala ako sa’yo. Parang imposible kasi itong nangyayari. Baka nabibigla ka lang or baka, wala ka lang mapagbalingan. I don’t know. Okay na ako Ejay…Erwin na nakasama kita. You don’t have to please me dahil kaibigan ako ng mga kaibigan mo. You don’t have to be nice to me. You don’t have to say you like me kung hindi naman talaga. Siguro pinakiusapan ka nina Jhamo at Mhiel na maging mabait at sweet ka sa akin. I appreciate those things. But I don’t want you to do that just because someone asked you so.” Tumayo siya mula sa mesang kinauupuan sa restaurant na iyon. “Thank you sa date. Thank you sa generosity.”


       
 Pagkatapos ay nagmadali siyang umalis sa lugar na iyon. She heard him calling her name but she didn’t bother to look back.  Ayaw niya ng set-up na love story. Ang gusto niya ay katulad ng kwento nila ni Kofi. Iyong tipong na-in love sila sa isa’t isa nang dahil rin mismo sa kanila at hindi itinulak ng ibang tao. Isa lang sigurado niya, natatakot siyang buksan ang puso niya kay Ejay.


 

PREVIOUS                                                                      NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…