Skip to main content

Kofi Cups And Sweets Series: My Tiki Prince- Part 3






Nagbibihis na si Eloi para sa ikalimang date nila ni Kofi nang biglang pumasok sa kwarto niya si Melai. Nakabalik na ito mula sa kung saan ito nag-ermitanya matapos mag-resign sa NBI. Nagulat na lang siya nang umuwi ito na may dalang baby girl until she found out the real story. Iyon pala ang mission na sinasabi nito. And of all the coincidences, ang batang iyon pala ay ang batang inampon ng barkadahan ni Kofi. Small world.  

           “Eloi aalis kami ni Beatriz Joy,” atubiling sambit ni Melai. “She’s not safe here.”

            “Ano ba iyang sinasabi mo, ate?” kunot-noong tanong niya.

            “Alam mo namang anak ng drug lord ang batang ito di ba? Nakakatanggap na ng death threats si Xeiji. Baka ma-trace kami dito. It won’t be safe for you and for Arlene. Speaking of, nasaan ang bruhang iyon?”

            “Hinahabol si attorney, ano pa nga ba? Sa tingin mo ba malalaman nila na ang bata na iyan ang hinahanap nila? It’s been months passed. Nag-iba itsura ng bata at iba na rin ang pangalang hawak niya.”

            “Devils will always be devils. And criminals are the best investigators as well. Matututunton pa rin ang bata dito. Doon muna kami sa safe na lugar. Sa villa ni Xeiji sa Bulacan.”


            “Okay ingat ka do’n ha.”

            “May brown envelope sa drawer ng bedside table ko. In case, wag mong kakalimutan iyon ha.”

            “Ano iyon ate?”

            “Last will ko, updated. Ipinamana ko na sa’yo yung arinola ni lola,” biro nito.

            “Sira ka talaga.”  Pero may iba talaga siyang nararamdaman na pinipilit niyang iignora.

            “Mag-iingat ka rin ha. Though alam kong aalagaan ka ni Kofi, di pa rin natin masasabi kung kelan tayo reresbakan ng gagong tatay nitong si Beatriz Joy.” 

            Ilang taon na rin na tumira silang tatlong magkakaibigan sa isang bahay. Siya, ang pinsan niyang si Melai at ang kapwa niya nurse na si Arlene. Kahit may kani-kanyang bahay sila ay mas pinili pa rin nilang tumira sa iisang bubong. That’s how best their friendship was for them.

            Matapos ang konting biruan ay umalis na si Melai dala ang ilan sa mga personal na gamit nito. Hindi niya alam kung bakit pero bago siya lumabas ng bahay ay nilingon niya ang kwarto ng kanyang pinsan. Naalala niya ang huling sinabi nito. May mangyayari bang masama?

            Laman pa rin iyon ng isip niya nang makarating siya sa Kofi Cups. Papasok na  sana siya nang shop nang makita niya si Kofi na niyakap si Dhey at hinalikan sa pisngi. They looked so sweet. Parang may kung anong kumurot sa puso niya. Seeing them look good together made her feel that Kofi doesn’t deserve her. Sino nga ba siya? Isa lang siyang present interest nito. Kumpara kay Dhey na minahal nito ng ilang taon, walang wala siya.   Ang tanging pinaghahawakan niya ay ang mga nasabi nito noong nasa medical mission pa sila. He just said he liked her. Sana nga totoo niyang naramdaman iyon.

             Ilang minuto pa ay naisipan na niyang pumasok sa shop. Agad siyang sinalubong ni Kofi.
            
           “Oh, Eloibeybs late ka ng five minutes!” bungad nito.

            “Hindi kasi ako nakalipad agad, Tikilabs.”

            Halos magkapanabay silang natawa. They shared weird endearments. Isa iyo sa mga napagkasunduan nilang trip mula nang magdesisyon silang kilalanin ang isa’t isa at magsimula sa pagiging magkaibigan. So far, the experience was very enjoyable. They even had a good friendship so far though silently they mutually know everything wasn’t just for friendship.

            Agad siya nitong inihatid sa isang bakanteng mesa. “Diyan ka muna ikukuha kita ng… anong gusto mo?”

            “Cappuccino. Pero gusto ko may chocolates pa rin.”

            “Okay. Wait there!”

            Iniwan siya nito. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng shop.  Karamihan sa mga customers doon ay kilala niya. Ang ilan ay mga kaibigan ni Kofi at ang iba naman ay napapansin niyang regular customers doon. 

            “Sa tingin mo ba in love pa rin iyang si Dhey kay Kofi?” narinig niyang sambit ng isang pamilyar na tinig.

            Lumingon siya at bumungad sa kanya si Rowell at umupo sa bakanteng upuan sa mesa niya.

            “Ano sa tingin mo, Eloi?” tanong uli ni Rowell.

            “No matter what happen Doc Dhey will always be special to him,” tugon niya. Sweet si Kofi kay Dhey.  Iyon ang una talaga niyang napansin mula pa noon. Palaging binibiro ni Kofi si Dhey at habang tumatagal ay napapansin niya kung gaano ka-sweet sila sa isa’t isa. 

            “Wala ka man lang bang gagawin para ikaw naman ang maging special sa kanya?”

            “Kuya Rowell, magiging special ako sa kanya kung talagang meant akong maging special sa buhay niya.  Kahit wala akong gawin mangyayari iyon. Pero kung hindi, kahit anong gawin ko, walang special treatment na mangyayari.”

            “Tamaaa.”  Bigla nitong hinawakan ang kamay niya na ikinagulat niya. Hinawi pa nito ang bangs niya na lumalaylay sa mukha niya. “Pero in case you need some help to find out his feelings for you, just call me okay?”

            “Kuya, kahit kelan panggulo kayo ni Kuya Rojun kaya… chuuuu!” kunot-noong sabat niya.
           

            NATIGILAN si Kofi sa eksenang naabutan. Aba’t si Rowell, mukhang eeksena pa ata sa kanilang dalawa ng Eloibeybs niya. Anong ginagawa nito sa Eloibeybs ko? Nahuli niya on act na hawak ni Rowell ang kamay ni Eloi at hinahawi pa nito ang precious bangs ni Eloi. At pawang nananadya pa itong si Rowell nang tumingin ito sa kanya at muling bumaling kay Eloi at pinisil ang ilong nito at saka ito tumayo at lumipat ng mesa. 

            Kunot ang noong inilagay niya sa mesa ang pinaghirapan niyang Cappucinno na may chocolate sprinkles.

            “O, akala ko kinain ka na ng kusina mo,” biro ni Eloi sa kanya.

            Hindi siya umimik at nanatiling nakasimangot nang umupo siya sa tapat nito. Nag-angat ito ng tingin at kumunot ang noo nang makitang busangot ang mukha niya.

            “Bakit?”

            “Ako dapat ang nagtatanong niyan sa’yo, Eloibeybs. I thought we have mutual feelings here. O baka ako lang talaga…ang in love.” Daig pa niya ang unti-unting pinipiga ang puso.
Hindi naman siya manhid. Though Eloi thought that he was her Tikiboy, hindi niya maramdamang pinagkakatiwalaan nito ang pagmamahal niya. Yes indeed, alam na niya ngayon na mahal niya si Eloi. He was over Dhey now at si Eloi na lang ang sentro ng buhay niya.

            Iyon nga lang, ramdam niyang confused pa rin ito. He knew somewhere in her heart he was special. Hindi lang niya alam kung bakit sa kabila ng effort niyang ipakita dito ang feelings niya ay may pagdududa pa rin ito. They dated a lot, at sa mga pagkakataong iyon ay ginawa niya ang lahat. Pero pakiramdam niya sa palabo ang relasyon nila sa halip na magkalinawan sila.

            “Kofi…” Hinawakan ni Eloi ang kamay niya.

            He got his courage to look straight to her. Humihingi ng pang-unawa ang mga mata nito.

            “’Kala ko ba maghihintay tayo ng right time, Kofi?”

            “Paano kung pagod na akong maghintay? Ni hindi ko nga alam kung ano ang hinihintay natin eh.”

            “Kasi…” Biglang humina ang boses nito. “May isang sign pa,” halos pabulong na sambit ni Eloi pero narinig pa rin niya.

            “Kung hindi ko maibigay ang sign na iyon, hindi magiging tayo ganon? Kahit na mahal kita at alam kong mahal mo rin ako?”

            “Hindi ko sinabing mahal—”

            “Nararamdaman ko iyon, Eloi.” Lalo pa niya itong tinitigan hoping na sa ganong paraan ay maunawaan nito ang nararamdaman niya. “Or else, assuming lang talaga ako.”

            “Kofi….” For couple of minutes they just shared a moment of silence while lovingly staring at each other. “Kahit ba lukring ako masaya ka sa akin?” sambit nito sabay hawi ng bangs nito at simpleng pakyut.

            Napangiti na tuloy siya. Pawang naglahong bigla ang page-emote niya nang muling ngumiti si Eloi sa kanya at humirit na naman ng simpleng pagpapakyut.

            “You are what happiness means to me, Eloibeybs.”

            “Weh?” pabirong hirit nito na ikinatawa niya lalo.

            “Hindi ka naniniwala?” He teasingly smiled.

            “Hmmm, depende sa proof.” She smiled at him that made him feel like he’s the  luckiest guy on earth.

            Lalong lumapad ang ngiti niya nang maisipan niyang mag-move closer to her face. Hahalik sana siya sa pisngi nito nang ihara nito ang kamao nito.  He just laughed and grabbed her hands. Iyon na lang ang hinalikan niya.

            “I’ll give you the proof my sweet, Eloibeybs.”

            Iniwan niya ito saglit at kinuha ang gitara niya sa office niya. Paglabas  niyang muli mula sa opisina ay kinantyawan na siya ng tropa.

            “Ayan na, manghaharana na si Manong Enrico!” buska ni Chrysler.

            “Kundiman ba iyan?” tanong ni Cattie.

            “Baka iyong may dungawin mo hirang sa lyrics!” hirit ni Dhey sabay tawa.

            “Kara ko iyong o iraw… sa gabing madirim!” hirit naman ni Xeiji.

            “Mga adik!” hirit lang ni Kofi. Gumitna siya sa kabuuuan ng Kofi Cups para kunin ang atensyo ng customers niya.

            “Dearest customers, maagang harana po ito para sa aking Eloibeybs.” Lumingon muna siya kay Eloi at nginitian niya ito dala ang panalanging tanggapin na siya nito nang walang alinlangan.

            “Ayaw kasi niyang maniwala na siya ang happiness ko. So Eloibeybs, you really make me happy. Hope you believe on it.”

            Isinakbat niya ang gitara at sinimulang mag-strum ng isang acoustic song ng Never Shout Never… Happy. 

            “You make me happy whether you know it or not. We should be happy, that’s what I said from the start. I am so happy knowing you are the one that I want for the rest of my days…through all of my days….”

            “Wooh, mag-alabyuhan na iyan!”

            “Yeah!”

            Naka-focus lang si Kofi kay Eloi na nakangiti sa kanya habang kumakanta siya. Wala siyang pakialam sa mga kantyaw ng mga kaibiga niya. Ikaw ang buhay ko Eloi. Sana…sana lang talaga…maging akin ka na.

            Nilapitan niya si Eloi sa mesa nito at doon ipinagpatuloy niya ang pagkanta. 

          “You’re looking so fresh, it’s catching my eye. Why oh why, did I not see this before. The girl I adore was right in front of me. And now I’ll take a step back and look in  your eye. And ask why it took so long to see we’re meant to be… I’m happy knowing that you are mine. The grass is greener on the other side. The more I think, the more I wish. That we could lay here for hours and just reminisce…”

          “Siguro naman Eloibeybs, maniniwala ka na?”

          “Pwede na,” sambit nito.

           “Pwede lang? Dapat sigurado—”

            Hindi na nagawang tapusin ni Kofi ang dapat sana niyang sasabihin nang bigla na lang may sunud-sunod na nagpaputok ng bala ng baril mula sa labas ng Kofi Cups. Initial reaction ay niyakap niya si Eloi at diretso silang dumapa.

 
            “KOFI…”  takot na takot na usal ni Eloi habang naririnig niya ang magkakahalong putok ng baril, pagkabasag ng glass wall at tili ng ibang mga taong kasalukuyang nasa loob ng Kofi Cups.  Kung fireworks nga natatakot siya putok pa kaya ng baril na alam niyang kahit sinong tamaan noon ay maaring mamatay.

            Waaah!  Napapikit na lang siya sa takot habang nakaprotekta sa kanya si Kofi. Thank God Kofi was there. Dahil kung nagkataong wala ito malamang ay kanina pa siyang naghisterya o kaya naman nawalan na siya ng malay sa sobrang takot.

            “Kofi!” Napayukyok siya sa mga bisig nito nang may nabasag na glasswall malapit mismo sa kanila. Kofi was able to protect her though. Inilagay pa nito ang kamay sa ulo niya para masigurong hindi siya tatamaan ng kahit anong bubog. Even his whole body was protectively covering her.

            “Wag kang matakot, Eloi. Andito ako.”
Couple of seconds more ay pinapaulanan pa rin ng bala ang buong shop. Pawang ang tagal ng bawat paglipas ng mga segundo ng serye ng putukan na iyon. Wala pa silang ideya kung may tinamaan na ba ng bala o ano. Lalo siyang natakot nang panandalian huminto ang pagpapaputok mula sa labas. Pero nagkaroon ng round two nang bigla na lang tumakbo mula sa kitchen area ang kapatid ni Kofi na si Leo, armado ito ng baril nito at buong tapang na hinabol ang mga nagpaulan ng bala sa shop. 

           Pumikit na lang siya. How she wished she was just dreaming. Pero walang pagbabago nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata. 

            “Anong nangyayari?”

            Nanahimik na ang buong shop. Kofi tried to stand up pero pinigilan niya ito. “Baka andyan lang sila wag kang tumayo.”

            “Wala na sila, Eloi.”

            Maagap na inalalayan siya nitong makatayo. “Are you okay?” tanong ni Kofi sa kanya. Niyakap siya nito.

            Tumango lang siya habang inililibot niya ang paningin sa kabuuan ng shop. Ang kanina’y malinis at magandang shop ay total disaster na ngayon.  Pero ang mahalaga walang nasaktan.

            “Ikaw okay ka lang? Wala kang sugat?” She inspected his arms and head. At nang masigurong wala rin itong sugat ay yumakap lang uli siya dito.

            “Wag ka ng matakot, Eloi. Okay na.”

            Bigla niyang naalala si Melai. Hindi niya maiwasang isipin na may kinalaman ang pangyayaring iyon sa batang inampon ng barkada nina Kofi na kasalukuyang nasa pangangalaga ng pinsan niya at ng kaibigan nitong si Jomar.



            “I WONDER what’s the last sign. Sana magawa ko na iyon para maging okay na tayo,” sambit ni Kofi.

            Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang insidente sa Kofi Cups. The shop was still under reconstruction after na ma-damage ang halos 75% ng buong shop. Kofi became busy for the past few days at nawalan na ito ng oras sa kanya. Kaya laking gulat niya nang bigla na lang itong sumulpot sa hospital at matyagang hinintay na matapos ang shift niya para daw makapag-date sila kahit konting oras lang.


            Na-appreciate ni Eloi ang effort ni Kofi. Kahit alam niyang loaded ang schedule nito dahil nga sa nangyari, pilit pa rin nitong isiningit siya sa schedule. Ganoon siya kaimportante dito.


            “Okay naman tayo ah,” sambit ni Eloi. “Basta wag ka lang masyadong magpapagod para hindi ka magkasakit. Masaya na ako do’n, Kofi. And I do appreciate what you are doing.”

           “Anong bang ginagawa ko? Halos wala na nga akong oras para sa’yo. If only that gun men didn’t ruin my shop. E di sana araw-araw hatid sundo kita. Gabi-gabi akong nag-aalala kapag umuuwi ka ng alas-onse ng gabi pagkatapos ng duty mo.”


            “Kofi, iyon na nga iyon e. You have a good heart to worry about me. Nage-effort kang puntahan ako sa hospital at isingit sa schedule mo. When I’m with you, Tikilabs, I feel so special.”

           “Pero ang tagal na, hindi ko pa rin maibigay iyong sign na iyon kung ano man iyon. Natatakot ako, alam mo ba iyon? Paano kung hindi ko iyon maibigay sa’yo tapos may ibang lalaking maunang magbigay sa’yo ng sign na iyon? Paano tayo?”

           Huminto siya sa paglalakad sa kalawakan ng park na iyon kung saan nila napiling magpalipas oras. Malapit ang parke na iyon sa tabing lawa.  Nakangiting hinarap niya ito at hinawakan niya ang kamay nito. “Tikilabs, forget about the sign. I don’t even care about it anymore now.” Yes indeed. Mula nang maging mas malapit sila ni Kofi ay halos nakakalimutan na niya ang dating kabaliwan sa destiny niyang hangin. Sa wakas ay nabalanse na niya ang takbo ng isip niya. There’s no such person as Tikiboy. Ang importante ay andito siya sa piling ng taong totoong nagmamahal sa kanya regardless kung maibigay man nito ang last sign o hindi, ito man si Tikiboy o hindi.


            Ngumiti ito. At muli natuon na naman ang atensyon niya sa expressive nitong mga mata. The way he stared at her made her feel that she was his chosen destiny.


            “I love you, Eloi. I really do. Nang makilala kita, nakalimutan ko na ang love story namin ni Dhey. You made realize that she wasn’t the one for me. It was you.”  


            Natahimik siya. She know in her heart that she already at the point that she was loving this guy all along.


            “Sige, maghihintay pa ako.” Kofi held her hand and they continued walking along the lakeside. “Ang mahalaga alam mong mahal kita.”


            Maang na tinitigan niya ito habang naglalakad sila. Ano pa bang hinihintay mo Eloi? Iyong sign? Kalimutan mo na iyon. Sabihin mo na ring mahal mo siya. Paulit-ulit iyong bumubulong sa isip niya. Kung iisipin, matagal-tagal na rin naman niyang nakakasama si Kofi at nakilala na rin niya ito ng husto. Boto dito ang pinsan niya at si Arlene. Hindi na niya kailangan ang sign. Sapat na ang naipakita nitong pagmamahal sa kanya.


            “Kofi!”


            Nakangiting binalingan siya nito. “Yes, Eloibeybs?”


            “Ano…ah…Ay!”


            Nahinto ang dapat niyang sasabihin nang may isang batang tumatakbo nakabangga sa kanya.


            Popcorn! May bitbit na dilaw na popcorn ang bata. Her last sign.


            “Sorry po!” sambit ng bata pero pawang hindi niya iyon narinig. Natigilan lang siya dahil sa popcorn. Kaya hindi na rin niya namalayan na nakatakbo na palayo ang bata.


            “Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa kanya ni Kofi. Hinaplos pa nito ang pisngi niya.


            Maang na napatingin lang siya dito. Until, may naglaglagang yellow bells sa pagitan nila. At all of a sudden ay inalok sila ng cotton candy at popcorn ng mga tinderong nagdaan sa kanilang tabi. At bigla na lang may nagpaputok ng  fireworks sa di kalayuan. Tila lahat ng signs ay nagsibalikan upang ipaalala sa kanyang tama ang taong napili niyang mahalin.

            Kofi just laughed. “Umeeksena na naman ang yellow bells na ito.” Pero natigilan lang uli ito nang mapansin siya. “Nasakatan ka ba sa pagkakabangga ng bata sa’yo?” Sinalat nito ang braso niya na tinamaan ng bata kanina.


            Umiling siya.


            “Then why are you like that?”  puno ng pag-aalalang tanong nito.

           “Anong date ngayon?” bagkus ay tanong niya.


            “September 27. Bakit?” kunot-noong tanong nito.


            Naalala niya ang hula sa kanya. On 27th day of any “ber”month matapos mong makilala ang destiny mo, makikita mo lahat ng signs matapos niyang magtapat sa’yo.


            And the thing was happening right that day.


            “Anong meron ngayon, Eloi?” untag ni Kofi sa kanya na nagpabalik sa kanyang huwisyo.

           Hinarap niya ito at kinintalan ng halik sa pisngi. “Itatak mo sa calendar. Ang date ngayon ang magiging anniversary natin.”


            His eyes suddenly filled with amusement. “Tayo na?” excited na tanong nito.


            “Mahal kita, Tikilabs. Hindi dahil ikaw si Tikiboy kundi dahil ikaw lang ang nagparamdam sa akin na pwede akong maging special din sa buhay ng isang tao. No one loved me the way you do.”


            “I love you so much!” He gave her a quick kiss on lips sabay yakap sa kanya. Buti na lamang at wala masyadong tao sa parke na iyon dahil weekdays naman at alanganin oras pa. “Thank you.”


            “Ako dapat ang mag-thank you, Kofi. Hindi ka sumuko.”


            Umiling ito.  “Kahit kailan hindi ko naisip sumuko.”  Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. Inakbayan siya nito at nagpatuloy sila sa paglalakad.


            Nilingon niya ito. Nagkatinginan sila at sabay napatawa. “Ang gwapo ng Tikilabs ko!” Kinurot niya ang pisngi nito.


            Tumawa ito. “Ang kyut din ng bangs ng Eloibeybs ko,”  hirit nito.


            “Bangs lang?” Pabirong tiningnan niya ito ng ng masama. 


            “Mula bangs, mukha, katawan hanggang paa. Magandang-maganda ka. Ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko.”


            “Buti naman dahil kung hindi, lagot ka sa akin,” biro niya. Then they shared couple  of seconds laughing out loud carelessly. 


            Finally she had her first and last boyfriend.  Isa na lang ang bagay na pinoproblema niya. Nawawala kasi ang pinsan niya. Though sanay na siyang nawawala si Melai at biglang sumusulpot, may iba siyang kutob sa nangyari dito nitong nakaraang dalawang araw.  Akmang itinatakas ni Jomar ang Ate Melai niya at si Beatriz Joy nang maaksidente ang kotseng sinasakyan ng mga ito. Natagpuan si Jomar sa loob ng kotse at ang bata sa damuhan pero wala na ang ate niya.


            Bigla tuloy siyang nalungkot.


           “Eloi, wag kang mag-alala kay Melai. Kung kailangang bumayad ako ng agent na hahanap sa kanya gagawin ko. Gagawin naming lahat para makita namin siya.”


            “Para kasing mali na nagsasaya tayo tapos hindi ko alam kung okay ba si Ate Melai. Paano kung kinuha siya nung tatay ni Beatriz Joy?”


           “That’s impossible. Nakita ng dalawang mata ko na nakakulong si Gilbert Salmendre unless may magic siyang ginawa at nakakalabas siya ng selda para manakot sa atin..sa amin lalo na kay Xeiji.”

           “Walang imposible sa pera, Kofi. Mapera ang drug lord na iyon.”


           Umupo sila sa isang bench. Inakbayan siya nito at dahan-dahan nitong inihilig ang ulo niya sa balikat nito.

            “Kumikilos na ang kapulisan Eloi. Pati ang mga private agent na ini-hire ni Xeiji. Makikita rin natin ang ate mo. Just trust us, okay.”  Hinalikan nito ang ulo niya.

             May nalaglag na namang yellow bell.

             Napatawa silang pareho. “Sinusundan tayo ng yellow bells, Eloi. Gusto mo bang yellow bell na lang ang bulaklak sa kasal natin?”


            “Kasal? Oy! Ang bilis mo naman, kakasagot ko lang sa’yo kanina ah.”

             “Kanina pa iyon eh.” Kinuha nito ang nalaglag na yellow bell at akmang iaabot sa kanya.


            Pero nang akmang tatanggapin na niya iyon ay iniiwas lang nito ang bulaklak sa kanya. “Kulit mo,” sita niya.

          “O sige eto na ibibigay ko na sa’yo.” Inabot uli nito ang yellow bell. Pero laking gulat niya nang abutin niya ang bulaklak ay naglaho iyon ang nasa kamay na niya ay isang diamond ring. Gulat na tinitigan niya ang nakangiting si Kofi. “Hindi iyan engagement ring. Relationship ring iyan. Kapag handa na tayo, saka kita aalukin ng kasal.” Kinuha uli nito ang singsing at isinuot sa kamay niya. “It is a silent notice to all men that you, my girl, is out of touch. You’re mine now.


           “Possesive ha.” May naalala siyang bigla. Kinuha niya ang isang maliit na kahon sa back pack niya. Kinuha niya ang singsing at isinuot din iyon sa kamay ni Kofi.

           Tumawa ito. “Mukhang wedding ring ah.”

          “Wedding ring nga iyan.”

          “O, mas excited ka pala kesa sa akin e—Aray!”

            Pabirong hinampas niya ito sa balikat. “Binili ko iyan five years ago. Para pag dumating ang aking Tikiboy, aalukin ko siya ng kasal. O di ba? Ganon ako kapraning noon."


           “I’m wearing the ring now. So, inaalok mo na ako ng kasal? I do!” kampanteng sagot nito.


           Kinurot lang niya ang pisngi nito. “It is just a notice to tell all women that you’re mine. Bawal ka ng  tumingin sa iba.”

          “Ay, talagang hinding-hindi na ako titingin sa iba. Sa’yong sa’yo ako. Mula ngayon hanggang sa magsawa ka na sa akin.”


            She laughed. “I still can’t believe you’re here. Dati iniilusyon lang kita. Ngayon buhay na buhay ka na. andito sa tabi ko, yakap-yakap ako.”

          “Sigurado ka bang ako na nga ang Tikiboy mo? Paano iyong last sign?”


          Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad. “Naibigay mo na kanina iyong last sign.”

          “Huh?” napakunot ang noo nito. “Teka, yellowbell, fireworks, cotton candy…iyong popcorn?”


         Tumango siya. “Pero hindi na naman importante iyon. We love each other and that’s more important than the signs.”

         “You don’t have any idea how happy I am today. I love you so much.”


         “I love you too.” Muli niyang isinandal ang ulo sa balikat nito.

         “Aarleeeeenne! Come back here. Di pa tayo tapos!”  Gumuho ang sweet moments nila nang dumaan sa harap nila si Arlene, mabilis ang lakad nito na tila may tinatakbuhan at kabuntot naman nito si Xeiji. Hindi napansin ng mga ito na andon sila.

        “Tse! Tigilan mo na ako, sushi ka! Di ba ito naman gusto mo, layuan ka? Bakit ka naman humahabol ngayon?  Adik ka ba?” hirit ni Arlene.


       “Orayt orayt ma fault. Uy, sandari! Wag takbo! Usap tayo!”


       “Ayoko!”

       “San punta mo? Tigir ka na please.”

        “Bibili ako ng talong at wala kang pakialam do’n!”

        “Ano gawa mo tarong?”

        “Basta gusto ko ng talong!”
   
        “Buntis ka?”

          “Tse!”

           Nagkatinginan sila ni Kofi at sabay na tumawa. “Ang kulit ng dalawang iyon.”


           “Oo nga.” Napapikit siya. Dinadapuan na siya ng antok mula sa pang-gabi niyang duty sa hospital.


           “Mukhang toxic ka na naman sa hospital. Tara. Saan mo gustong ihatid kita? Sa bahay mo o sa condo ko?”  nakangising tanong nito.


            Napangiwi siya. “Sa bahay ko. Ikaw talaga! Kung anu-ano iyang naiisip mo!”


          “Wala naman akong inisip ah. Unless may iniisip ka,” may halong malisyang biro nito.  “Wag ganon, kasasagot mo lang sa akin e. Gusto mo na agad akong pagnasaan.”


           “Heh! Kakatakot ka!”


           “Joke lang.”


           They were both laughing as they walked along the lakeside patungo sa direction kung saan naka-park ang kotse nito.  




PREVIOUS                                                          NEXT STORY

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…